Aralin 3.1: Mga Uri at Nilalaman NG Buod: May Uri Ang Abstrak
Aralin 3.1: Mga Uri at Nilalaman NG Buod: May Uri Ang Abstrak
Aralin 3.1: Mga Uri at Nilalaman NG Buod: May Uri Ang Abstrak
Kung iisipin ay parang madali lamang ang pagbubuod, lalo pa at gawain na ito sa lipunan,
ngunit ang mga akademikong sulatin ay naiiba sa ibang mga babasahin. Halimbawa nito ang mga
pananaliksik na madalas ay may 5,000 na salita o higit pa, at ang kailangan para mabuo
ang abstrak ay 200-250 na salita. Kompleks din ang ibang akademikong sulatin, kahit ang hindi
pananaliksik, kaya madalas na nangangailangan ng dalawa o higit pa na pagbabasa para lubos na
maunawaan.
I. Bago Bumasa.
II. Habang Nagbabasa.
III. Pagkatapos Bumasa.
1. Pagnilayan ang mga natutunan sa pagbasa.
2. Balikan ang mga naka-haylayt at isinulat na tanong, reaksyon, at iba pa.
Kapag malalim na ang pag-unawa sa sulatin, maaari na ang pagsasaayos ng mga salita at
organisasyon ng mga ideya upang maging epektibo ang pagsulat nito.
Mula sa venn diagram, tunay na may kaugnayan ang buod at sintesis; parehong nagtatampok ng
pangunahing punto, at nangangailangan o gumagamit ng kritikal na pagbasa at kasanayan sa pagsulat.
Kaya kung ang ibubuod ay hindi lamang isang sulatin o materyal, at madagdagan pa ng iba pang buod
o pangunahing impormasyon mula sa kaugnay na sulatin o materyal, ito ay makapagbibigay pa ng
malawak at sapat na kaalaman at impormasyon sa punto o paksa na maaari pang humantong sa
bagong kaisipan. Ito ay lubhang makakatulong sa mambabasa lalo na sa mag-aaral (iskolar) na
makuha ang mga pangunahin at magkakaugnay na impormasyon upang mapalalim ang pag-unawa sa
kung bakit nangyayari ang isang bagay at kung saan eksaktong pupunta ang mga bagay.
Karagdagan, iba din ang sintesis sa paghahambing o pagsusuri, kahit na magkapareho sila ng buod na
nagtatampok ng pangunahing punto, at nangangailangan o gumagamit ng kritikal na pagbasa at
kasanayan sa pagsulat. Ang sintesis ay naglalahad ng matatag na posisyon sa pagtukoy ng mga
ugnayan sa pagitan ng mga impormasyon upang makatulong sa pagpapasya at sa pagbuo ng
mga patakaran. Upang mas lalong maunawaan ito, narito ang iba’t ibang anyo ng sintesis:
Halimbawa:
Karaniwang Pananaliksik - pangangalap ng mga inisyal na impormasyon ukol sa paksa (ito
ang madalas na ginagawa bago isulat ang pananaliksik ng bagong kaisipan)
Mga Halimbawa:
Mga Sanaysay at Pananaliksik na May Tiyak na Tesis
NOTA: Ang tesis ay madalas na sumasalamin sa isang opinyon o paghatol mula sa isang
pagbabasa o personal na karanasan.
Mga Halimbawa:
- Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral (Review of Related Literature)
- Rebyu sa mga Magkakaugnay na Literatura sa panitikan
I. BAGO SUMULAT
3. Basahin at Unawain ang mga Sanggunian. Basahin ang bawat artikulo, kabanata o iba pang
mapagkukunan nang maraming beses na may iba't ibang layunin para sa bawat pagbasa.
7. Isaayos ang tala. Sa pagsasaayos ng tala, isipin na ito ay pinuputol at inaayos ayon sa
inaasahang artikulo; ikinakategorya ang mga ito ayon sa konsepto at isulat/i-paste ang mga ito
sa isang bagong pahina. Habang inililipat ang mga tala, bigyang-pansin kung aling mga may-
akda ang sumasang-ayon at kung alin ang nagtataas ng mga natatanging ideya na nauugnay sa
konsepto; makakatulong ito sa paggawa ng mga koneksyon habang sumusulat..
8. Ayusin ang mga konsepto sa isang balangkas. Ito ang pagsasaayos ng batayan ng papel
gamit ang nabuong tala ng konsepto at koneksyon. Dito nagpapasya kung paano
makahulugang pagsasama-samahin ang mga konsepto sa ilalim ng mas malalaking tema. At
ang teknik sa pagbuo ng sintesis ay nakaayon sa bubuuing balangkas ng manunulat.
Mayroong iba’t ibang teknik sa pagbuo ng sintesis tulad ng pagbibigay halimbawa o
ilustrasyon, strawman technique, konsesyon, pagbubuod, pagdadahilan, komparison at
contrast gayundin ang pagdadahilan.
Ø Pagdadahilan- Sa pagsulat nito ay iniisa-isa ang dahilan kung bakit totoo at mahalaga ang
nailahad na tesis. Sa bahaging ito ay inilalahad ang mga impormasyong nagpapatibay sa
iniharap na paniniwala.
II. HABANG SUMUSULAT
9. Isulat ang Burador. Isulat ang sintesis gamit ang teknik na angkop sa sulatin ngunit maaring
gumamit ng iba’ ibang teknik kung sa tingin ng manunulat ay mas epektibo ito para sa mga
mambabasa.
10. Ilista ang mga Sanggunian. Gamit ang pormat na prineskrayb ng guro, ilista at ayusin ang
mga ginamit na sanggunian. Isang mahalagang kasanayan ang pagbibigay ng pagkilala sa
anomang akda o sinomang awtor na pinaghanguan ng impormasyon sa ginagawang
akademikong sulatin.
11. Rebisahin ang Sintesis. Basahing muli ang sintesis at tukuyin ang mga kahinaan nito.
Hanapin ang mga kamalian sa pagsulat at higit sa lahat ang nakitang punto na dapat baguhin.
KAHALAGAHAN NG SINTESIS
Ang sintesis ay lubhang mahalagang kasanayan at gawain. Mula dito ay nakabubuo ng
bagong kaisipan mula sa mga pinagsama-sama na magkakaibang pag-aaral o resulta na may
magkakaugnay na pag-unawa. Katulad na lamang ng pagsubok at pagpapatunay sa
mga hypotheses sa tulong iba't ibang pag-aaral na humahantong sa mas mataas na pag-unawa at
resulta. Sa pagsasagawa din nito ay mas nauunawaan ang mga pangunahing proseso, at
nakakabuo ng isang mahusay na disenyo para sa marami pang pag-aaral. Tunay na mahahasa
ang kakayang pampag-iisip at paghahabi ng sulatin sa pagbuo nito.