Mungkahing Babasahin - Social Media
Mungkahing Babasahin - Social Media
Mungkahing Babasahin - Social Media
Hindi na nga maikakaila ang lawak at dami ng naabot ng social media at ang papel
nito sa pagpapadaloy ng impormasyon at balita sa panahon natin ngayon. Isang patunay
ng impluwensya ng social media ang naging gamit nito noong nakaraang eleksyon dito
sa ating bansa at maging sa Amerika. Naging tulay ang Facebook at ibang social media
platforms gaya ng Twitter sa pagpapalaganap ng mga impormasyong nais kumbinsihin
ang mga tao na paniwalaan ang agenda, plataporma, at mga plano ng mga kandidato.
Naging daan din ang mga ito sa pagpapalaganap ng mga balita at impormasyong walang
malinaw at mapagkakatiwalaang batayan para lamang gawing propaganda ng ilang
pulitiko. Tinagurian ang mga itong “fake news”, mga balitang gawa-gawa lamang at
ipinakakalat sa internet ng mga tinatawag na trolls. Maliban sa panloloko sa mga tao, ang
paglaganap ng “fake news” ay umabot sa paggamit ng masasakit na salita laban sa
kapwa dahil na rin sa pagbabaluktot sa katotohanan. At kahit matagal nang tapos ang
eleksyon, laganap pa rin ang fake news at patuloy ang mga trolls sa paninira sa mga
kritiko ng kanilang kandidato at sa pagtatanggol rito. Bahagi na nga ang fake news sa
paghubog ng opinion ng publiko.
Mga Kapanalig, may batas man o wala, tayo mismo ay makatutulong na ituwid
ang mga maling impormasyon sa social media kung responsable ang paggamit natin ng
mga ito. Kung hindi tayo mag-iingat, nagiging tulay tayo sa pagpapakalat ng
kasinungalingan at hindi lamang tayo ang mapapahamak; madadamay rin ang mga taong
pinadalhan natin ng pekeng balita. Gaya ng mga itinuturo sa atin ng Catholic social
teaching, ang paggamit ng media—kasama na ang social media—ay dapat na nakaugat
sa layuning itaguyod ang kabutihan ng ating kapwa, ang kanilang halaga at dignidad.
Hindi natin ito nagagawa kung pinapatulan nating lumaganap ang mga fake news at kung
nakikisali tayo sa paninira sa iba, lalo na kung wala namang malinaw na basehan.
Sanggunian: