Corrected THIRD PERIODICAL TEST ESP

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region 4A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF CALAMBA CITY
MAJADA IN ELEMENTARY SCHOOL
Ikatlong Panahunang Pagsusulit sa
Edukasyon sa Pagpapakatao 1

Pangalan: _____________________________________ Marka: _____________


Baitang/ Seksyon: ______________________________ Petsa: ______________

Panuto: Basahin ang bawat tanong. Piliin at isulat sa patlang ang letra ng tamang
sagot.

____1. Ang pag-uutos sa iyo ng iyong mga magulang ay nangangahulugan ng:

A. Hindi ka nila mahal.


B. Wala silang tiwala sa iyo.
C. Gusto ka lang nila mapagod.
D. Naniniwala sila sa iyong kakayahan.

____2. Gumagawa ka ng takdang-aralin pero tinawag ka ng ate mo para tulungan


siya sa pagluluto ng inyong hapunan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Hahayaan ko nalang na si ate ang magluto.
C. Tatawagin ko ang aking bunsong kapatid para tulungan si ate.
D. Iiwan ko muna sandali ang aking ginagawa at tutulungan ko si ate.
____3. “Bawal ngayon manood ng tv dahil maaga ang pasok ninyo bukas,” sabi ng
tatay. Ano ang isasagot mo?
A. “Opo, tatay.”
B. “Gusto ko manood!”
C. “Ngayon ko po gusto manood”
D. “Pero palabas na po ang paborito kong palabas.”

____4. Inutusan ka ng tatay mo na iligpit mo ang mga kumot at unan sa kuwarto.


Ano ang dapat mong gawin?
A. Magdadabog ako.
B. Maayos ko itong liligpitin.
C. Sasabihin ko na siya nalang ang magligpit.
D. Tatawagin ko si Nanay para siya nalang ang magligpit.
____5. Mahigpit na ipinagbabawal sa inyong paaralan ang pagtatapon ng basura sa
kung saan-saan. Nakita mo ang iyong kaklase na isiniksik ang balat ng kendi sa isang
upuan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Aawayin ko siya.
B. Hahayaan ko lang siya.
C. Ipapahiya ko siya sa aming mga kaklase.
D. Pagsasabihan ko siya na itapon ito sa tamang lalagyan.
____6. Nagluto si nanay ng gulay para sa inyong hapunan. Ano ang gagawin mo?

A. Mag-iiyak ako.
B. Magpapaluto ako ng karne.
C. Hindi nalang ako kakain ng hapunan
D. Kakain ako ng gulay dahil masustansiyang pagkain ito.

____7. Pinapatapos sa iyo ng tatay ang mga gawain at takdang-aralin mo. Ano ang
gagawin mo?

A. Hindi ako susunod.


B. Maglalaro ako ng online games.
C. Magkukunwaring walang naririnig.
D. Tatapusin ko ang aking mga gawain at takdang aralin.

____8. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga karapatan na


tinatamasa?
A.Naliligo si Niko sa ulan.
B. Itinapon ni Nora ang pagkain na niluto ng kaniyang nanay.
C. Naglalaro ng online games si Toto kaysa gumawa ng mga aralin.
D. Nag-aaral nang mabuti si Lulu dahil gusto matupad ang kanyang pangarap.

____9. Sinabihan ka ng iyong guro na sumali sa paligsahan sa pag-awit dahil alam


niyang mahusay ka. Ano ang gagawin mo?
A. Mahihiya akong sumali.
B. Tatanggihan ko ang aking guro.
C. Ituturo ang kaklase para siya ang sumali.
D. Susubukan kong sumali sa paligsahan upang mapaunlad ko ang aking
kakayahan.

____10. Kailangan mong mag-aral dahil magkakaroon kayo ng pagsusulit. Ngunit


nakita mo ang paborito mong palabas sa TV. Ano ang gagawin mo?

A. Uunahin ko ang panonood ng TV.


B. Hindi muna ako mag-aaral ng aking aralin.
C. Tatapusin ko ang palabas bago mag-aral ng mga aralin.
D. Mag-aaral ako ng aking mga aralin at kapag may libreng oras nalang
manonood ng palabas sa TV.
____11. Ang pagiging ______ sa tagumpay ng iba ay nagpapakita ng pagmamahal at
paggalang.
A. magagalitin C. malungkot
B. mainggitin D. masaya

_____12. Nanalo ang iyong kaklase sa paligsahan ng pagtula. Ano ang gagawin mo?
A.Hindi ko siya papansinin.
B. Maiinggit ako sa aking kaklase.
C. Sasabihan ko siya ng mayabang.
D.Magiging masaya ako para sa kanya.
____13. Masayang ibinalita ng iyong kapatid sa inyong pamilya na nakakuha siya ng
mataas na marka sa kanyang mga pagsusulit. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko siya babatiin.
B. Maiinis ako sa kaniya.
C. Magagalit ako sa aking bunsong kapatid.
D. Yayakapin ko siya at hahalikan dahil natutuwa ako para sa kanya.
____14. Nagkamali ka sa iyong pagsagot sa tanong sa ginanap na paligsahan sa silid-
aralan, kaya nanalo ang kabilang grupo. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Sasabihin kong dinaya kami.
C. Sasama ang loob ko sa kanila.
D. Kakamayan ko ang mga nanalo at magiging masaya ako.
____15. Ang iyong mga magulang ay masaya sa pagkapasa sa pagsusulit ng iyong
ate. Ang buong pamilya ay masayang bumabati sa kanya. Ano ang iyong gagawin?
A. Magagalit ako.
B. Wala akong pakialam.
C. Magiging masaya ako para sa aking ate.
D. Sisimangot ako at hindi ko siya papansinin.
____16. Nakita mong nagwawalis ng bakuran ang iyong Tatay. Ano ang sasabihin
mo?
A. “Sipag mo naman, Tatay.”
B. “Magpatulong ka kay Ate.”
C. “Tatay marumi pa dito sa kabilang bahagi.”
D. “Tatay, ako na po ang magwawalis ng bakuran.”

____17. Ang grupo niyo ang nakatakdang maglinis ng inyong silid-aralan. Pero
niyaya ka ng iyong kaibigan na umuwi ng maaga. Ano ang gagawin mo?

A. Uuuwi ako ng maaga.


B. Tatakas ako sa paglilinis.
C. Magdadabog habang naglilinis.
D. Maglilinis ako kasama ang aking mga kagrupo.

____18. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapanatili ang kalinisan at


kaayusan sa tahanan at paaralan?
A. Hindi nagliligpit ng higaan.
B. Nagkakalat ng balat ng kendi.
C. Naglilinis ako ng aming kapaligiran.
D. Hinahayaan ang maruming plato at baso sa lababo.

____19. Alin sa mga sumusunod na patapong bagay ang maaaring gawing laruan?

A. baterya
B. basag na bote
C. balat ng saging
D. plastik na bote at lumang kahon

____20. Ano ang mabuting naidudulot ng pagreresiklo ng mga patapong bagay?


A. masisira ang kapaligiran
B. magiging marumi ang kapaligiran
C. magiging mabaho ang kapaligiran
D. mapapangalagaan ang kapaligiran

You might also like