3rd Quarter Filipino 4 Assessment Tool

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF GAPAN CITY
SAN VICENTE, GAPAN CITY

IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

Para sa bilang 1-8


Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang letra
ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Lubhang napagod sina Kia at Mark sa kanilang pamamasyal sa


bukid. Ano ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?
A. bukid C.napagod
B. B.lubha D. pamamasyal
C.
2. Sobrang ingat na inilapag ni Kate ang babasaging baso sa lamesa.
Ano ang pang-abay na ginamit sa pangungusap?
A. ingat C. lamesa
B. B.inilapag D. sobrang

3. Ang mga magulang ay laging iniiwas ang kanilang anak na


makahalubilo sa maraming tao. Ano ang salitang
inilalarawan/tinuturingan ng salitang may salungguhit?
A. magulang C. marami
B.mahalubilo D. iniiwas

4. _______ siyang sumagot sa katanungan ng dumating ang bisita. Ano


ang angkop na pang-abay na dapat gamitin upang mabuo ang diwa
ng pangungusap?
A. Magalang C.Talagang
B. Palibhasa D. Tumpak
5. Masayang nakapaglibot sa Lumang Gapan ang magkakaibigan.
Piliin sa pangungusap ang ginamit na pang-abay.
A. masaya C.nakapaglibot
B. magkakaibigan D. Lumang Gapan

6. Gawing __________ ang pag-eehersisyo at pagkain ng


masustansiyang pagkain upang lumusog ang katawan.
A. madalang C.masustansiya
B. madalas D.pagkain

7. _______ mabuti ang nakapag-aral upang magkaroon ng magandang


kinabukasan. Alin sa sumusunod ang pang-abay na angkop
gamitin sa pangungusap?
A. Hindi C. Talagang
B.Makinig D. Walang

8. Hanapin ang pariralang bubuo sa diwa ng pangungusap.


_______________ si Trisha upang ipakita sa ina ang bago niyang
Tiktok dance.
A. Dahan-dahang gumising
B. Gabi na ng gumising
C. Maagang gumising
D. Tanghali nang gumising

Para sa bilang 9-12


Panuto: Ilarawan ang tauhan batay sa kaniyang kilos, salita, gawi o
damdamin. Piliin ang letra ng tamang sagot sa pamimilian sa ibaba at
isulat sa hiwalay na papel.

A. maalalahanin C. matatakutin
B. matalino D. masayahin

_____9. Laging nangunguna sa klase si Clarissa. Maraming parangal


ang kaniyang natatanggap.
_____10. Kapag may sobrang pagkain si Mica ay ibinibigay niya ito sa
kaniyang nakababatang kapatid na si Nilo.
_____11. Nagkukuwentuhan lang sina Bea at Yuki tungkol sa babaeng
nagpapakita umano sa puno ng kamatsile, nagtago na
kaagad si Ella sa loob ng kuwarto.
_____12. Tuwang-tuwa si Harvey sa simpleng pasalubong ng kaniyang
Tita.

Para sa bilang 13 – 16
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap.
Piliin ang letra ng wastong pang-angkop na dapat gamitin upang
mabuo ang pangungusap at isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

A. na B. -ng C. –g D. wala sa mga ito

13. Maging responsable___ netizen sa paggamit ng gadyet.


14. Nakakita sila ng balon___ malalim sa tabi ng ilog.
15. Inakyat nila ang puno upang makuha ang mangga___ hilaw na
ititinda sa palengke.
16. Tuwang-tuwa sila sa ginagawa ng bata___ maliit.

Para sa bilang 17-20


Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

17. May bagong proyekto ang samahan ng “School Pupils Government”


sa inyong paaralan. Isa kang kasapi ng samahang ito. Hindi mo
gaanong sinasang-ayonan ang platapormang inilalahad. Paano mo
dapat sabihin ang iyong opinyon?
A. Huwag ninyo na ako hingan ng opinyon sa bagay na iyan.
B. Hindi makabubuti sa nakararami ang proyektong balak na
ipatupad.
C. Sa nakikita ko, magkakaroon tayo ng problema sa bagay na ito,
maari ba nating rebyuhin ang proyekto?
D. Pag-isipan ninyo munang mabuti ang gagawin, baka magsisi
kayo sa bandang huli.
18. Hindi pa buo ang iyong kalooban na magpabakuna laban sa
“COVID-19” dahil nangangamba ka na maaaring magkaroon ito ng
masamang epekto sa kalusugan. Ano ang angkop na sasabihin?
A. Kung ayaw kong magpabakuna ay hindi naman ako mapipilit
B. Nakatatakot talagang magpabakuna. Huwag kayong pumayag.
C. Para sa akin, hindi pa ako sang-ayon na magpabakuna dahil
baka may epekto ito na hindi maganda sa kalusugan.
D. Hindi talaga maganda ang pagpapabakuna dahil
mayepektoitosa katawan ng isang tao.

19. Hindi ka sumasang-ayon sa “Online Learning” ng Kagawaran ng


Edukasyon dahil sa pandemya at gusto mong pumasok araw araw.
Paano ipapahayag ang ‘di pagsang-ayon?
A. Wala naman akong magagawa kung iyan talaga ang
ipatutupad.
B. Wala akong kompyuter at akses sa internet, hindi maganda ang
Online Distance Learning.
C. Maganda naman talaga ang pumasok at naririnig ang
pagtuturo ng guro ng personal.
D. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko pa rin ang personal
kong nakikita at naririnig ang pagtuturo ng aking guro.

20. Nag-uusap ang mga kaibigan mo hinggil sa problema nila sa pag-


aaral. May hindi ka sinang-ayunan sa desisyon ng isa sa kanila.
Paano mo ipahahayag ang iyong opinyon o pananaw?
A. Mag-usap nga kayo nang maayos para magkaintindihan.
B. Makinig kayo sa akin, may maganda akong solusyon sa inyong
problema.
C. Ikinalulungkot ko na isa sa inyo ay may dapat pag-isipan bago
magdesisyon.
D. Kakampihan ko muna ang isa sa inyo upang maging matibay
ang desisyon niya.
Para sa bilang 21 – 24
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang
angkop na reaksyon sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng tamang
sagot.

A. Napawi ang kagutuman ng mga tao.


B. Nawalan ng trabaho ang mga tao.
C. Nagkaroon ng pagkakataon na matuto ang bawat
isa
D. Hindi nakikinig ang mga Gapanense sa babala ng
pamahalaan.

21. Patuloy na tumataas ang kaso ng Covid-19 sa Lungsod ng


Gapan.
22. Naglunsad ng programa ang lokal na Pamahalaan ng Gapan para
matugunan ang mga pangangailangan ng mamamayan.
23. Namigay ang Kagawaran ng Edukasyon ng libreng modyul para
sa mga mag-aaral.
24. Kahirapan patuloy na lumalaganap sa bansa.

Para sa bilang 25-28


Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang angkop na
kaisipan sa bawat bilang. Isulat ang letra ng tamang sagot sa hiwalay
na papel.

25. Naglalaro ka nang bigla kang tawagin ng kapatid mo upang


utusang bumili sa tindahan. Ikaw ay________.
A. Hahayaan ko siyang tumawag nang tumawag.
B. Lalapit ako sa kaniya at susundin ko agad ang kaniyang utos.
C. Isusumbong ko s’ya kay Nanay dahil maabala ako sa
pagsasagot.
D. Sasabihin ko sa kaniyang si Kuya ang utusan.

26. Nanggaling kayo ng iyong ate sa palengke. May batang lumapit sa


iyo at nanghihingi ng pagkain. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi ko siya papansinin.
B. Kakausapin ko ang aking ate.
C. Sasabihin ko kay Ate na paalisin ang bata.
D. Bibigyan ko na lamang siya ng kahit kaunting pagkain.
27. Nahihirapan ka sa pagsasagot sa modyul na ibinigay sa iyo ng
iyong guro. Ano ang gagawin mo?
A. Hihinto ako kapag nahihirapan na.
B. Tutulugan ko ang pagsasagot sa modyul.
C. Ipagagawa ko sa kapatid habang ako ay naglalaro.
D. Hihingi ako ng tulong sa aking nanay o nakatatandang
kapatid na kasama sa bahay.

28. Laging magarbo ang pagdiriwang ng iyong kaarawan. Dahil sa


pandemya nakita mong nahihirapan sa gastusin ang iyong mga
magulang. Bilang isang mabuting anak, ano ang dapat mong
gawin?
A. Ipipilit ko na dapat maraming handa sa aking kaarawan.
B. Iiyak ako dahil mapapahiya ako sa aking mga kaibigan.
C. Sasabihin ko sa aking magulang na maaaring ipagdiwang ito
nang simple.
D. Iimbitahin ko ang aking mga kaibigan para mapilitan silang
maghanda.

Para sa bilang 29-31


Panuto: Punan nang wasto at angkop na pangatnig ang patlang upang
mabuo ang diwa ng pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa hiwalay na papel.

29. “Mag-aral ka nang mabuti, Carla, ____________ baka hindi ka na


bigyan ng pangalawang pagkakataon ng iyong ama”, sabi ng kaniyang
ate.
A. at C. kundi
B. kasi D. dahil dito

30. “____________ naging magkaibigan tayo kung hindi mo naman ako


ipagtatanggol sa mga nang-aaway sa akin,” sabi ni Mark kay
Benny.
A. Kasi C.Kung gayon
B. Anupa’t D. Samakatuwid
31. “Kanino ka sasama, kay Patrick ____________ kay Lito?
A. o C. nang
B. at D. para

Para sa bilang 32-34


Panuto: Dugtungan ang naputol na pahayag gamit ang mga hudyat
na nagpapahiwatig ng sanhi at bunga. Piliin at isulat ang letra ng
tamang sagot sa hiwalay na papel.

32. Nahawa at nagkasakit siya ng “COVID-19” _____________________.


A. dahil lagi lang siya sa bahay.
B. sapagkat umiiwas siya sa mataong lugar.
C. dahil naghuhugas siya madalas ng kamay.
D. sapagkat hindi siya nagsusuot ng face mask at face shield.

33. Tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang dahil


_____________________.
A. lagi s’yang nang-aaway.
B. natutulog siya palagi.
C. lagi na siyang tumutulong sa bahay.
D. naglalaro siya lagi kahit may gagawin sa bahay.

34. Napakalakas ng bagyong Rolly kaya _____________________.


A. nakaligo ka sa ulan.
B. natuwa ang mga magsasaka.
C. nasira ang mga pananim at kabahayan.
D. nasiyahan ka, kasi malamig ang panahon.

Para sa bilang 35-38


Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap.Tukuyin ang
simuno at/o panaguri ang ginamit sa bawat bilang. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

35. Sina Glenn at Bingo ay nagpapalipad ng saranggola. Ano ang


ginamit na simuno sa pangungusap?
A. Si Bingo
B. Si Glenn
C. Sina Glenn at Bingo
D. ay nagpapalipad ng saranggola
36. Si Nanay ay nagluto ng masarap na ulam. Ano ang ginamit na
buong panaguri sa pangungusap?
A. ang nanay
B. ay nagluto
C. ng masarap na ulam
D. ay nagluto ng masarap na ulam

37. Ang Bagong Taon, ang pinakamasayang pagdiriwang sa buong


taon. Ano ang ginamit na buong panaguri sa pangungusap?
A. Ang Bagong Taon
B. ang pinakamasaya
C. pagdiriwang sa buong taon
D. ang pinakamasayang pagdiriwang sa buong taon

38. Ang pagpapailaw sa plasa ay dinarayo ng maraming tao mula


sa iba’t ibang lugar. Ano ang ginamit na simuno sa pangungusap?
A. Ang plasa
B. Ang pagpapailaw
C. ay dinarayo ng maraming tao
D. Ang pagpapailaw sa plasa

Para sa bilang 39-40


Panuto: Ibigay ang angkop na wakas sa bawat bilang. Piliin at isulat
ang letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

39. Nalibang sa paglalaro si Monic sa bahay ng kaniyang kaibigan.


Hindi niya namalayang madilim na. Ang bilin ng kaniyang ina ay
umuwi nang maaga.
A. Nanalo siya sa laro.
B. Masaya siyang sinalubong ng kaniyang ina.
C. Binigyan siya ng maraming pera.
D. Pagdating n’ya ng bahay ay pinagalitan at pinagsabihan siya
ng kaniyang ina.
40. Mahilig makipaghabulan sa aso ng kapitbahay si Jillian. Lagi
siyang binabawal ng kaniyang tatay sa pagpapahabol nito sa aso.
Makalipas ang ilang sandali, narinig ang sigaw ni Jillian.
A. Kinagat siya ng aso.
B. Nahuli siya ng may-ari.
C. Inaway siya ng kapitbahay nila.
D. Naalala niya ang pagbawal ng kaniyang tatay.

Inihanda ni:

MA. ROSARIO T. DE GUZMAN


Teacher III
General Pantaleon Valmonte ES
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF GAPAN CITY
SAN VICENTE, GAPAN CITY

Table of Specification
Learning Area: Filipino 4 Quarter: 3
Content No. No. % Level of Behavior, Format,
of of No. & Placement of Items
Day Item and the Dimension of Knowledge
s s
Tau R U Ap An E C
ght
Nagagamit ang pang-abay sa
1-4
paglalarawan ng kilos 4 4 10
(F)
(F4WG-IIIa-c-6)
Nailalarawan ang tauhan batay
sa ikinilos, ginawi, sinabi at 9-12
4 4 10
naging damdamin. (F)
(F4PS-IIIb-2.1)
Nagagamit ang mga pang-
abay,pariralang pang-abay sa 5-8
4 4 10
paglalarawan ng kilos (F)
(F4WG-IIIa-c-6)
Nagagamit sa pagpapahayag ng
hindi pagsang-ayon ang 13-16
4 4 10
magagalang na pananalita (F)
( F4PS- IIId-12.13)
Nakapagbibigay ng reaksyon sa
napakinggang paliwanag 17-20
5 4 10
(F4PS-IIIe-8.8) (F)

Nagagamit nang wasto ang


pang-angkop na –na,-ng,-g sa 21-24
4 4 10
pangungusap (F)
(F4WG-IIIf-g-10)
Naiugnay ang sariling
karanasan sa napakinggang 25-28
4 4 10
teksto (P)
(F4PS-IIIg-4)
Nagagamit nang wasto at
angkop ang pangatnig
-o,ni,maging,man
29-31
-kung,kapag,pag,atbp 4 3 7.5
(F)
-ngunit,subalit,atbp.
-dahil sa,sapagkat,atbp.
-sa wakas atbp.
-kung gayon atbp.
-daw,raw,atbp.
-kung sino, kung ano, siya rin
atbp.(F4WG-IIIh-11)
Naibibigay ang sanhi at bunga
ng mga pangyayari sa 32-34
4 3 7.5
napakinggang ulat (P)
(F4PN-IIIi-18.2)
Nagagamit ng wasto at angkop
ang simuno at panaguri sa 35-38
5 4 10
pangungusap (F)
(F4WG-IIIi-j-8)
Nakapagbibigay ng wakas sa 39-
binasang teksto 4 2 5 40
(F4PB-IIIj-14) (M)

Total 46 40 10
0
Scoring 1pt. each item
Total no. of Points 40

Inihanda ni:
MA.ROSARIO T. DE GUZMAN
Teacher III
General Pantaleon Valmonte ES
Sinuri ni:
ELIZABETH J. BLANCAFLOR
Master Teacher I
Gapan North Central School

Pinansin:
LUCILA O. ANGELO CARMENCITA S. PINTOR
School Principal IV School Principal
Contextualized Assessment Tool in Filipino 3
Third Quarter

Susi sa Pagwawasto:
1. B 11. C 21. D 31. A
2. D 12. D 22. A 32. D
3. D 13. B 23. C 33. C
4. A 14. C 24. B 34. C
5. A 15. B 25. B 35. C
6. B 16. B 26. D 36. D
7. C 17. C 27. D 37. D
8. C 18. C 28. C 38. D
9. B 19. D 29. C 39. D
10. A 20. C 30. B 40. A

You might also like