Department of Education

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAMPA-PACIFICO INTEGRATED SCHOOL
PACIFICO, STA. TERESITA, BATANGAS

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 3
Pangalan: __________________________________________________

Baitang/Seksyon:____________________________________________

Basahin ang bawat talata, bigyan ng angkop na wakas ang kuwento. Piliin ang titik ng
iyong sagot.
1. Matapat na bata si Evelyn. Minsan may nakaiwan ng kaniyang pitaka sa upuan niya.
Mabuti na lang at kilala niya kung sino ang may-ari nito. Ano kaya ang gagawin niya?
A. Isasauli sa may-ari ang pitaka.
B. Itatago ang pitaka sa kaniyang kuwarto.
C. Kukuha ng pera sa pitaka at itatapon niya sa kalsada.
D. Hindi niya ito papansinin.
2. Mahilig kumain ng tsokolate si Aliya. Palagi siyang pinasasalubungan ng tsokolate ng
kaniyang Tatay tuwing galing siya sa trabaho. Ngunit, sinasabihan naman siya na huwag
marami ang kaniyang kakainin. Minsan, pagkatapos maghapunan dumating ang kaniyang
Tatay na may dalang maraming tsokolate. Dahil sa katuwaan naparami ang kain niya nito.
Ano kaya ang puwedeng mangyari sa kaniya?
A. Masaya si Aliya.
B. Mahimbing ang kaniyang tulog.
C. Di-nakatulog at iyak nang iyak dahil sumakit ang kaniyang ngipin.
D. Sasakit ang ulo niya.
3. Sabado ng umaga, maagang gumising ang magkapatid na Kc at Kia. Agad silang kumuha
ng walis tingting at nagwalis sa kanilang bakuran. Ano kaya ang mangyayari?
A. Nagalit ang kanilang ina.
B. Pinaalis sila ng kanilang ina.
C. Tuwang-tuwa ang kanilang ina sa kanilang ginawa.
D. Paparysahan sila ng kanilang ina.
4. Nagluluto si Nanay ng adobong manok sa kusina. Napansin niyang kulang pala ang
kaniyang sangkap sa pagluluto. Tinawag niya si Arnel upang bumili ng toyo at paminta.
Papunta na ng tindahan si Arnel nang bigla siyang tinawag ng kaniyang kaibigan upang
maglaro ng bisikleta. Masayang naglalaro si Arnel ng bisikleta.
A. Masaya ang kaniyang inay dahil hindi nakabili si Arnel.
B. Nagluto si Inay ng adobo kahit kulang ang sangkap.
C. Nakalimutan na niya ang inutos nito. Pag-uwi niya pinagalitan siya ng kaniyang inay.
D. Natuwa ang kanyang ina sa kanyang ginawa.

Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong pagkatapis. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Tsokolate, Oh tsokolate!
Sinulat ni: Ellainee C. Bagaslao

SAMPA-PACIFICO INTEGRATED SCHOOL


Pacifico, Sta. Teresita, Batangas
 043-740-6521
[email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAMPA-PACIFICO INTEGRATED SCHOOL
PACIFICO, STA. TERESITA, BATANGAS

Sadyang napaka sarap kumain ng tsokolate


Hugis puso at bilog ang paborito ni Ate
Matamis at malambot nakakaalis ng lungkot.
Sabi ng iba, masama daw ang dulot ng tsokolate sa katawan
Nakakasira ng ngipin at nakakadagdag bigat sa tiyan
Sagot ko naman, aba! may benepisyo din ito sa ating kalusugan.
Anti-oxidants ang pinakamahalagang katangian ng tsokolate
Nakakaalis ng kulubot sa mukha at nagbibigay ng makinis na kutis
Tsokolate, oh tsokolate ang sarap mo, grabe!
Ngunit mga kaibigan lagi nating tatandaan
Limitahan ang pagpasok ng tsokolate sa ating katawan
Dahil ang sobrang pagkain nito ay mauuwi lamang sa ibat-ibang karamdaman.
Nakapagpapasaya at nakababawas ito ng stress
Lalong-lalo na at ang panahon ngayon ay nakaka-istres
Nakakatalino din ito dahil ginagawa nitong alerto ang utak mo.

5. Anong pagkain ang binanggit sa tula?


A Kendi B. Tsokolate C. Tinapay D. Prutas
6. Anong mahalagang kaalaman ang napulot mo sa tula?
A. Nalaman ko na marami pala ang may gusto ng tsokolate.
B. Nalaman ko na masarap pala kumain ng tsokolate.
C. Nalaman ko na hindi lang masama ang hatid ng tsokolate sa katawan kundi
marami pala itong benepisyong dulot.
D. Nalaman kong hindi dapat kumain ng tsokolate

Basahin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Piliin ang titik ng tamang sagot.
7. Hanapin ang salitang magkasingkahulugan sa bawat pangungusap.
Ang aming barangay ay sagana sa prutas, gulay at marami ring mga alagang hayop.
A. amin-mga B. hayop-gulay C. sagana-marami D. sagan-alaga
8. Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit sa pangungusap.
Uminom ng mainit na tubig ang matanda.
A. maliit B. magulo C. malamig D. masarap
9. Ano ang tamang panlapi upang makabuo ng bagong salita. . ____ulan ng malakas kahapon.
A. nag B. in C. mag D. um
10. Alin sa sumusunod na mga salita ang salitang-ugat ng masasalo?
A. masas B. asas C. salo D. masa
11.Ano ang tamang panlapi upang makabuo ng bagong salita. . ____basa ng aklat kahapon.
A. nag B. in C. mag D. um
12.Ano ang tamang panlapi upang makabuo ng bagong salita. . ____awit ng maganda
kahapon
A. nag B. in C. mag D. um

SAMPA-PACIFICO INTEGRATED SCHOOL


Pacifico, Sta. Teresita, Batangas
 043-740-6521
[email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAMPA-PACIFICO INTEGRATED SCHOOL
PACIFICO, STA. TERESITA, BATANGAS

13. Anong magalang na pananalita ang angkop na sitwasyon na nasa larawan?


A. Magandang gabi po. C. Mano po lola.
B. Makikiraan po. D. Maraming Salamat po
14. Ano ang maaaring maging tugon sa mga magagalang na pananalita na ibinigay sa
usapan?
A. Magandang gabi po.
B. Makikiraan po.
C. Mano po lola.
D. Maraming Salamat po

14. Alin sa sumusunod ang pares ng salitang magkatugma?


A. duyan-kaway C. papel-lapis
B. kalabaw-sungay D. langit-sungit
15. Alin ang salitang katugma ng hari?
A. pari B. kabibe C. sawi D. sabi
16. Anong salita ang may kahulugang mga bagay o utos na iniwan upang gawin o sundin.
A. payo B. gawain C. bilin D. salin
17. Bigyang kahulugan ang mga salitang nakasalungguhit batay sa pagkakagamit nito sa tula.
Malinis na tubig ang iyong makikita
Asul ang kulay na lubhang kay ganda.
Samyo ng hanging sariwa
Walang amoy ng basura.

A. Asul ang kulay B.Samyo ng hanging. C.hanging sariwa


D.Walang amoy

18. Ang _________ ay lipon ng mga pangungusap na pinaunlad upang maipahayag ang
iisang kaisipan.
A. parirala B. pangungusap C. talata D. Tula

Basahin ang kuwentong “Sina Arnold at Samson” sa susunod na pahina. Ihambing ito sa
kuwentong si “Arnold na Magpapadensal”

Sina Arnold at Samson


Sina Arnold at Samson ay parehong nása Baitang 3 sa Mababang Paaralan ng San Roque. Si
Arnold ay lumaki sa Pampanga habang si Samson ay lumaki sa Ilocos. Naging magkapangkat
sila sa pangkatang gawain sa Filipino. Habang gumagawa ay napag-usapan nila ang mga
paborito nilang putaheng iniluluto ng kanilang mga magulang. Nagkasundo ang dalawa,
magkaiba man ang kanilang pinagmulang lugar. Mula noon, sila ay naging matalik na
magkaibigan.

SAMPA-PACIFICO INTEGRATED SCHOOL


Pacifico, Sta. Teresita, Batangas
 043-740-6521
[email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAMPA-PACIFICO INTEGRATED SCHOOL
PACIFICO, STA. TERESITA, BATANGAS

Si Arnold na Magpapandesal
Maaga pa lámang ay gising na si Arnold. Kinuha niya ang kaniyang bisekleta at ang maliit na
bayong. Handa na siya!
Agad niyang tinungo ang tindahan ni Ate Mely. Iniabot niya ang kaniyang bayong. Pagbalik
sa kaniya, punong-puno ito ng mainit na pandesal.
May dagdag pa ito na pitong maliliit na pandesal para kay Arnold.
Kailangang magmadali ni Arnold bago lumamig ang kaniyang paninda. Kaya nagsimula na
siyang pumadyak sa kaniyang bisikleta.
Sa hindi kalayuan, naghihintay na sa kaniya si Mang Jose na handa nang pumunta sa
kaniyang palayan. Gayundin si Mang Iking na dala-dala na ang kaniyang martilyo, lagare, at
kahon ng pakò. Hindi rin nagpahuli si Kuya Lino na naghahanda na ng kaniyang mga
kagamitan upang mabantayan at magabayan ang mga batang patawid ng kalsada.

Umabot din siya sa paalis na si Mang Berting, sakay sa kaniyang djip, handa na niyang
sunduin ang mga batà sa kani-kanilang tahanan upang ihatid sa paaralan.
At siyempre, may itinira siya para kay Gng. Derla na kaniyang guro.
“O, Arnold, handa ka na ba sa eskuwela?, wika ni Gng Derla.
Hindi siya agad nakasagot.
“Hoy, Arnold! Gising na. Tatanghaliin ka sa pagdadala mo ng pandesal. Gising!”
“Hay salamat! Panaginip lámang palá. Naku! Tanghali na. Naghihintay na ang aking mga
suki ng pandesal. Papasok pa ako sa paaralan.”

19.Sino ang tauhan sa kwentong Si Arnold at Samson?


A. Arnold ,Mely B. Arnold,Samson C. Arnold, Mang Jose D. Arnold
20.Paano nagkaiba ang si Arnold sa dawang kwento?
A. Si Arnold ay masipag at palakaibigan
B. Si Arnold ay mayabang at maarte
C.Si Arnold ay sinungaling at tamad
D. Si Arnold ay matapang at magagalitin
21.Saan nangyari ang parehong kwento.
A. paaralan B.tahanan C. daan D. tahanan at paaralan
22. Marami tayong hinahawakang maruming bagay? Tama ba ang bantas na ginamit sa
pangungusap?
A. Oo, dahil ang pangungusap ay nagtatanong.
B. Oo dahil kahit anong bantas ay pwedeng gamitin.
C, Hindi, dahil ang pangungusap ay nag-uutos.
D. Hindi dahil tuldok ang dapat gamitin sa pangungusap.
23. Alin sa sumusunod ang HINDI wasto sa pagsulat ng isang talata.
A. Ang unang pangungusap ay dapat nakapasok.
B. Ang mga salita ay wasto ang baybay.
C. Ang simula ng pangungusap ay nagsisismula sa maliit na titk.

SAMPA-PACIFICO INTEGRATED SCHOOL


Pacifico, Sta. Teresita, Batangas
 043-740-6521
[email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAMPA-PACIFICO INTEGRATED SCHOOL
PACIFICO, STA. TERESITA, BATANGAS

D. Gumamit ng wastong bantas sa katapusan ng bawat pangungusap.

Basahin ang talata.


Magpinsan sina gina at fe. Nagkita ang dalawa at nagkumustahan. Pinag-usapan
nila ang kasalukuyang sitwasyon ng pag-aaral. Noong una, silay ay nahirapan sa
pagbabago. Subalit kalaunan, nasanay na rin sila sa bagong sistema ng edukasyon.

24. Alin sa mga dapat tandaan sa wastong pagsulat ng talata ang hindi nasunod ng talatang
iyong binasa?
A. Ang unang pangungusap ay dapat nakapasok.
B. Ang mga salita ay wasto ang baybay.
C. Ang simula ng pangungusap ay nagsisismula sa malaking titk.
D. Gumamit ng wastong bantas sa katapusan ng bawat pangungusap.
25. Bukod sa simula ng pangungusap, alin pa ang dapat nagsisimula sa malaking titik?
A. gina at fe B. sila C. sistema D. edukasyon
26. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa tamang pagsulat?
A. Ang aming pamilya ay masayang nag-uusap sa aming tahanan.
B. Ang aming pamilya ay masayang nag-uusap sa aming tahanan?
C. ang aming pamilya ay masayang nag-uusap sa aming tahanan.
D. Ang aking pamilya ay masayang nag-uusap sa aming tahanan!
27. Gawing katanungan ang salaysay.
Idineklara ng mayor ang Enhanced Community Quarantine sa buong lungsod.
A. Sino ang nagdiklara ng Enhanced Community Quaratine sa buong lungsod?
B. Paano kumalat ang nakahahawa at nakamamatay na bayrus?
C. Bakit hindi makalabas ang mga bata at matatanda sa buong lungsod?
D. Saan nagdiklara ng Enhanced Community Quaratine?
28. Bumuo ng tanong batay sa nasa larawan.
A. Paano tumutulong si Emil sa mga gawain sa silid-aralan?
B. Ano ang gagawin mo upang hindi makagawa ng ingay sa silid?
C. Saan dapat gawin ang takdang aralin?
D. Sino ang nagtuturo ng leksiyon?
29.Bumuo ng tanong batay sa pangungusap.
Pumunta ang mag-anak sa simbahan.
A. Sino ang pumunta sa paaralan?
B. Ano ang gagawin ng mag-anak?
C. Saan pumunta ang mag-anak?
D. Kailan pumunta ng simbahan ang mag-anak?

Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang isang katanungan.
30. __________ ang pangalan ng bata sa teksto?
A. AnoB. Sino C. Saan D. Kailan
31. __________ pumunta ang mag-ama?

SAMPA-PACIFICO INTEGRATED SCHOOL


Pacifico, Sta. Teresita, Batangas
 043-740-6521
[email protected]
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
SAMPA-PACIFICO INTEGRATED SCHOOL
PACIFICO, STA. TERESITA, BATANGAS

A. AnoB. Sino C. Saan D. Kailan


32. __________ ang nakipagpalitan ng paninda sa tatay ni Lita?
A. AnoB. Sino C. Saan D. Kailan
33. _____________ nila planong bumalik sa sapa?
A. Saan B. Kailan C. Sino D. Ano
34. Dito pumapasok ang mga bata at mga guro.Ano ang tamang baybay ng lugar na ito?
A. paaralan B. Paralan C. Praalan D.paaaralan
35. Ang bagay na ito ay ginagamit natin sa pagsusulat,ano ito at ang baybay nito?
A. lipis B. Lapis C.lupis D. lepis
36. Maari kang manood ng ibat ibang palanas gamit ito. Ano ang tamang baybay ng salitang
ito?
A. telivision B. Telebesyon C. Telebisyon D. telibesyon
37-40.Gumuhit ng larawang nagpapakita ng kagandahan ng kapaligiran. Sumulat ng
dalawang pangungusap na naglalarawan sa iyong iginuhit. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
Tatayahin ang nasabing larawan batay sa sumusunod na pamantayan.

Inihanda ni:

PAMANTAYAN PUNTOS
Pagkamalikhain 1
Kaangkupan Sa Paksa
Orihinalidad
1
1
Rasel A. Cabrera
Presentasyon 1 Adviser
Kabuoan 4

SAMPA-PACIFICO INTEGRATED SCHOOL


Pacifico, Sta. Teresita, Batangas
 043-740-6521
[email protected]

You might also like