I. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat pahayag. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. Tanging pangulo ng Pilipinas na namuno nang higit sa isang termino.
a. Diosdado Macapagal c. Ramon Magsaysay b. Elpidio Quirino d. Ferdinand Marcos _____2. Sa araw na ito idineklara ni Marcos na ang buong Pilipinas ay nasa ilalim na ng Batas Militar. a. Setyembre 20, 1972 c. Setyembre 22, 1973 b. Setyembre 21, 1972 d. Setyembre 23, 1973 _____3. Ito ang isinagawang hakbang ni Marcos upang maiwasan ang nagbabantang panganib sa pamahalaan dahil sa paghihimagsik, rebelyon, at karahasang nangyayari sa bansa. a. Coup d’etat c. batas militar b. Pambansang kumbensiyon d. referendum _____4. Siya ang nagtatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) noong 1968. a. Nur Misuari c. Mao Tse Tung b. Jose Maria Sison d. Benigno Aquino _____5. Ito ay samahang binubuo ng mga Muslim na nagnanais na magtatag ng hiwalay na pamahalaan sa Mindanao. a. NPA c. MNLF b. CPP d. NDF _____6. Ito ang dahilan kung bakit isinagawa ng National Union of Students of the Philippines ang isang malaking rali noong Enero 26, 1970 sa harapan ng gusali ng Kongreso. a. upang tutulan ang pag-aalis ng pribiliheyo para sa writ of habeas corpus b. upang pabagsakin ang naghaharing Sistema ng pamamahala ni Marcos c. upang hilingin sa pamahalaang magkaroon ng kumbensiyon para sa Saligang Batas d. upang ipaabot ang kanilang kahilingan hinggil sa sobrang pagtaas ng matricula sa mga kolehiyo at Pamantasan _____7. Ito ang partidong nagtitipon noon sa Quiapo, Maynila nang mangyari ang pagbomba sa Plaza Miranda noong Agosto 21, 1971. a. Partido Nacionalista c. Kapisanan ng Bagong Lipunan b. Partido Liberal d. UNIDO _____8. Sa pamamagitan ng proklamasyong ito ipinahayag ni Marcos ang pagsususpindi sa karapatan o pribilehiyo sa writ of habeas corpus. a. Proklamasyon Blg. 889 c. Proklamasyon Blg. 2-A b. Proklamasyon Blg. 1081 d. Proklamasyon Blg. 8901 _____9. Ang pribilehiyong ito ang nangangalaga sa mamamayan upang hindi makulong nang hindi dumaraan sa tamanag proseso ng paglilitis. a. plebisito c. writ of habeas corpus b. referendum d. subpoena _____10. Ito ay isang marahas na hakbang na maaaring isagawa ng pamahalaan upang maiwasan ang isang panganib katulad ng paghihimagsik, rebelyon, paglusob at karahasan. a. Writ of Habeas Corpus c. Halalan b. Batas Militar d. Kumbensiyon _____11. Sino sa mga nabanggit ang hindi kabilang sa mga taong namatay sa panahon ng Batas Militar? a. Benigno Aquino c. Noynoy Aquino b. Jose Diokno d. Rafael Aquino _____12. Alin sa mga sumusunod ang isa sa mga salik na naging daan upang magwakas ang Batas Militar? a. Pagkamatay ni Benigno Aquino b. Pagkamulat ng mga tao sa paglaganap ng pang-aabuso sa mga karapatang pantao c. Pagkawasak ng mga likas na yaman ng Pilipinas d. Pagdami ng mga dayuhang naninirahan sa bansa _____13. Ano ang nagmulat sa mga tao upang maghimagsik laban sa pagpapairal ng Batas Militar sa bansa? a. pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao b. pagtaas ng presyo ng pangunahing bilihin c. pagkaubos ng kaban ng bayan d. pagtaas ng antas ng kahirapan _____14. Bakit naging masalimuot ang kalagayan ng bansa sa panahon ng Batas Militar? a. laganap ang paglabag sa karapatang pantao b. pagdakip sa mga tumutuligsa sa pamamalakad ng pamahalaan c. pang-aabuso ng militar sa mga ordinaryong mamamayan d. lahat ng nabanggit _____15. Ano ang nagtulak kay Marcos upang wakasan ang Batas Militar? a. Namulat ang mga tao sa paglaganap ng mga paglabag sa karapatang pantao at iba pang pang-aabuso ni Marcos at ng Militar. b. Nabigong pagtakpan ng media na hawak ng mga Marcos at ng kanyang mga cronies ang lumalalang kahirapan at kagutumang nararanasan ng maraming Pilipino. c. a at b d. wala sa nabanggit
II.
16-17. Magbigay ng 2 salik na nagbigay daan na magwakas ang Batas Militar.
18-20. Magbigay ng tatlong pangalang di-umano’y namatay dahil sa pagtuligsa sa
pamahalaan sa panunungkulan ni Marcos. KEY:
1. D 2. B 3. C 4. B 5. C 6. C 7. B 8. A 9. C 10. B 11.C 12. B 13. A 14. D 15. C