LeaP AP G6 Week3 Q3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Learning Area Araling Panlipunan Grade Level 6

W3 Quarter 3 Date

I. LESSON TITLE Ang Mga Pangunahing Suliranin at Hamong Kinaharap ng mga Pilipino mula
1946 hanggang 1972
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino
COMPETENCIES (MELCs) mula 1946 hanggang 1972
III. CONTENT/CORE CONTENT Natatalakay ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng mga
Pilipino mula 1946 hanggang 1972

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang mga naging suliranin ng mga
Panimula Pilipino at naging tugon dito ng mga mamamayan. Ngayon ay atin namang
tatalakayin kung ano ang mga kinaharap ng mga Pilipino sa taong 1946 –
1972 at paano ito natugunan.
Bilang mag- aaral ikaw ay inaasahang:
1. Naiisa-isa ang mga pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
2. Natatalakay ang naging pagtugon sa mga suliraning
pangkabuhayan pagkatapos ng digmaan at ang naging pagtugon
dito
3. Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamon sa kasarinlan
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
4. Napahahalagahan ang mga pagsisikap ng mga Pilipino para sa
kasarinlan ng matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig
Nalaman mo na ang mga layunin na dapat mong matutunan.
Ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga
teksto na sadyang inihanda upang maging batayan ng inyong
impormasyon. Para sa unang gawaing subukan nga nating kilalanin ang
mga naging pangulo ng bansa matapos ang ikalawang digmaang
pandaigdig.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Panuto: Punan ng markang tsek (✓) kung naging pangulo ng Pilipinas mula
1946-1972 at ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
______1. Rodrigo Dterte.
______2. Manuel Roxas
______3. Ferdinand Marcos
______4. Elpidio Quirino
______5. Corazon Aquino.
Matapos nating malaman ang mga naging tugon o kasagutan ng ating
mga kasama sa bahay tungkol sa mga naging suliranin ng mga Pilipino
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaig, ating balikan ang mga
pangyayari matapos nito. Tunay na malaki ang epekto ng nasabing
digmaan sa buhay ng mga Pilipino, lalo na at sa panahong iyon ay bago pa
lamang tayo naghahanda sa pagsasarili matapos ang pananakop ng mga
Espanyol at Estados Unidos. Isang malaking hamon sa bagong pamahalaan
ang kalagayan ng bansa matapos ang digmaan. Tiyaga at katatagan ng
loob ang kinakailanagan upang muling isaayos ang mga bayan at lungsod
na sinira ng laban.
Mga Suliraning Pangkabuhayan Pagkatapos ng Digmaan at Naging
Pagtugon sa mga Suliranin mula 1946-1972

Manuel Roxas (1946-1948)

Si Manuel Roxas ang nagsimulang magtayo ng


ekonomiya ng isang bansang winasak ng
digmaan. Kanyang ipinatupad ang ibang
pangunahing mga prayoridad ng kanyang
administrasyon gaya ng: industriyalisasyon ng
Pilipinas, ang pagpapatagal ng malapit na
kooperasyon at ispesyal na relasyon sa Estados
Unidos, ang pagpapanatili ng batas at
kaayusan at ang pagpasa sa Kongreso ng
batas na magbibigay sa mga magsasaka ng
70% ngkabuuang kinitang ani.

Elpidio Quirino (1948-1953)


Sa kaniyang administrasyon, pinakamalaki niyang
pinagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy ng
pagbabago at rehabilitasyon ng ekonomiya at
pagpapanumbalik ng tiwala at kooperasyon ng
marami sa pamahalaan. Kinaharap ng kaniyang
administrasyon ang isang malubhang banta ng
kilusang komunistang Hukbo ng Bayan Laban sa
Hapon (HUKBALAHAP). Pinasimulan niya ang
kampanya laban sa mga Huk. Bilang pangulo,
nagawa niya ang mga sumusunod: ang paglikha
ng President’s Action Committee on Social
Amelioration (PACSA), na layuning tulungan
mamamayan ng bansa mula sa pagbagsak ng ekonomiya, pangalawa ay
ang paglikha ng Agricultural Credit Cooperative Financing Administration
(ACCFA) para tulungan ang magsasaka na magamit ang pautang na may
mababang interes mula sa pamahalaan. At ang panghuli, ang pagtatayo
ng mga bangkong rural at Labor Management Advisory Board, isang
pampangulong lupong tagapayo.

Ramon Magsaysay (1953-1957)


Sa kaniyang administrasyon iniligtas ang
demokrasya sa Pilipinas, kaya siya tinawag na
“Tagapagligtas ng Demokrasya”. Ilan sa kaniyang
mga nakamit ay ang sumusunod: ang pagpapabuti
ng pamantayan ng pamumuhay sa pamamagitan
ng paggawa ng mga sistemang patubig, tulay,
balon, at kalsada; pagsasakatuparan ng paggamit
ng Barong Tagalog, pagtatatag ng Southeast Asia
Treaty Organization (SEATO), isang panrehiyon na
politiko-militar na agregasyon at negosasyon sa
Hapon ukol sa kasunduan ng bayad pinsala sa
digmaan.
Carlos Garcia (1957-1961)
Sa kaniyang administrasyon tinutukan niya ang
sumusunod: ang pagpapatupad ng patakarang
“Pilipino Muna” (First Filipino Policy) para
magtaguyod at maprotektahan ang produktong
Pilipino; ang pagpapalaganap ng kulturang Pilipino
sa pamamagitan ng mabuting pakikisama ng
Bayanihan Dance Troupe sa ibang bansa;
pagrespeto sa karapatang pantao at
pagpapanatili ng malayang Halalan; ang paggawa
ng Komisyong Sentenaryo ni Dr. Jose Rizal at ang
pagtaguyod ng pandaigdigang kapayapaan at
pagkakasundo sa pamamagitan ng opisyal na mga
pagbisita.

Diosdado Macapagal (1961-1965)


Kaniyang ipinangako ang “Bagong Panahon” sa
bansang Pilipinas sa pamamagitan ng sumusunod:
paggamit ng Pambansang Wika sa mga pasaporte,
selyo, palatandaan ng trapiko, pangalan ng mga
bagyo, diplomang pampaaralan, at iba pang mga
katibayang diplomatiko; paglipat ng Araw ng
Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12 mula Hulyo 4;
paghahain ng opisyal na pag-aari ng Pilipinas sa
Sabah noong Hulyo 22, 1962; pagkakalikha ng
samahang Malaysia, Pilipinas, Indonesia o
MAPILINDO para sa isang pagkakaisang pang-
ekonomiya at ang pagpasa sa kongreso ng
Agricultural Land Reform Code noong 1963.

Ferdinand Marcos (1965-1986)


Sa kaniyang paglilingkod bilang pangulo sa unang
termino, nakapagpagawa siya ng mga kalsada,
tulay, paaralan, gusali ng pamahalaan, sistemang
patubig at marami sa mga ito ay nananatiling
nakatayo pa sa kasalukuyan. Dagdag pa rito, ang
ang pinansyal at teknikal na pagtulong sa mga
magsasaka, ang epektibong pangongolekta ng
buwis, ang malawakang pagpapataboy sa mga
mamumuslit at ang matagumpay na pagdaos ng
Manila Summit Conference noong Oktubre 24-25
na dinaluhan ng maraming pinuno ng iba’t ibang
estado. Ngunit sa kabila ng kaniyang magandang
unang termino, dumanas ng malubhang krisis na
pang ekonomiya ang Pilipinas dahil na rin sa
pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang
pamilihan. Ito ang naging sanhi upang tumaas
ang presyo ng pangunahing bilihin at maraming Pilipino ang nawalan ng
trabaho. Ang floating peso ay patuloy na bumaba laban sa dolyar. Ang
kanyang pangalawang hakbang na makakapagpabago ng lahat. Para kay
Marcos, ang tanging paraan para manumbalik ang tiwala ng marami sa
pamahalaan ay ang pagdedeklara ng Batas Militar. Si Marcos ay
nagpahayag ng Proklamasyon Blg. 1081 noong Setyembre 21, 1972.
B. Development Ngayong natutuhan na natin ang mga suliranin ng Republika matapos
Pagpapaunlad ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sagutin ang mga sumusunod na
gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang salitang Tama sa patlang kung
ito ay nagsasaad ng katotohanan at Mali naman kung hindi. Isulat sa ang
sagot sa sagutang papel.
_____1. Ang isa sa mga pangunahing prayoridad ng administrasyong Roxas
ay pagpapatupad ng patakarang “Pilipino Muna” (First Filipino Policy)
_____2. Si Elpidio Qurino ang nagpahayag ng Proklamasyon Blg.1081.
_____3. Sa panunungkulan ni Ramon Magsaysay naitatag ang Southeast Asia
Treaty Organization o SEATO.
_____4. Sa pamamahala ni Diosdado Macapagal nangyari ang paglipat ng
Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12 mula Hulyo 4.
_____5. Ipinatupad ni Carlos Garcia ang pagrespeto sa karapatang pantao
at pagpapanatili ng malayang Halalan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Panuto: Punan ng pangalan ng pangulo na nagpatupad ng mga
sumusunod. Isulat sa ang sagot sa sagutang papel.
_______________1. Siya ang tinaguriang Tagapagligtas ng Demokrasya.
_______________2. Pinatupad niya ng patakarang “Pilipino Muna”.
_______________3. Siya ang nagpatupad ng paggamit ng Pambansang Wika
sa mga pasaporte, selyo, palatandaan ng trapiko, pangalan ng mga bagyo,
diplomang pampaaralan.
_______________4. Siya ang naglikha ng President’s Action Committee on
Social Amelioration o PACSA, na layuning tulungan sa pagbagsak ng
ekonomiya.
_______________5. Pagpasa sa Kongreso ng batas na magbibigay sa mga
magsasaka ng 70% ngkabuuang kinitang ani.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na samahan. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.
1. SEATO - _____________________________________
2. MAPILINDO -_________________________________
3. PACSA - _____________________________________
4. HUKBALAHAP - _______________________________
5. ACCFA - _____________________________________
C. Engagement Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Pakikipagpalihan Panuto: Punan ang graphic organizer ng mga naging tugon sa mga suliranin
pagkatapos ng digmaan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
.

Tugon sa
mga
Suliranin
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6
Panuto: Sa pamamagitan ng Fishbone Organizer, talakayin ang mga suliranin
at ang ginawang hakbang pamahalaan upang matugunan nag mga
suliraning ito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Mga Suliranin

Hakbang ng Pamahalaan Upang Matugunan ang Suliranin

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7


Panuto: Gumawa ng islogan sa isang long bond paper tungkol sa mga
suliranin at hamonsa kasarinlan at naging tugon pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Gamitin ang rubrik na magiging batayan sa
pagmamarka.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8


Panuto: Ipaliwanag sa iyong sariling pananaw. Gumawa ng reaksyon kung
paano nakaapekto sa buhay ng mga Pilipino ang ikalawang digmaang
pandaigdig. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Basahin: Para kay Marcos, ang tanging paraan para manumbalik ang tiwala
ng marami sa pamahalaan ay ang pagdedeklara ng Batas Militar.

Reaksyon: ______________________________________________________

Basahin: “Pilipino Muna” (First Filipino Policy) para magtaguyod at


maprotektahan ang produktong Pilipino.

Reaksyon: ______________________________________________________

Gawain sa Pagkatuto Bilang 9


Panuto: Pumili ng isang gawaing angkop sa iyong interes at kakayahan
Maararing pumili ng isang suliranin at naging pagtugon dito ng pamahalaan.
a. Gumuhit ng isang poster
b. sumulat ng sanaysay
c. sumulat ng tula
d. lumikha ng Reflection Paper
Kalakip ang rubrik ng bawat gawain.

D. Assimilation Napag-aralan natin at natutuhan ang mga suliranin at ang mga naging
Paglalapat tugon ng pamahalaan dito. Pumili ng suliranin noon na maaring nararanasan
sa panahon ngayon, bilang isang mag-aaral paano ka tutulong sa
pamahalaan o sa komunidad na iyong kinabibilangan?
V. ASSESSMENT Gawain sa Pagkatuto Bilang 10
(Learning Activity Sheets Panuto: Ipares ang Hanay B sa Hanay A. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
for Enrichment, papel.
Remediation or
Assessment to be given on Hanay A Hanay B
Weeks 3 and 6) ____ 1. Manuel Roxas a. Pinangunahan niya ang paglikha ng
____ 2. Elpidio Quirino samahang Malaysia, Pilipinas, Indonesia o
_____3. Ramon Magsaysay MAPILINDO para sa isang pagkakaisang
_____4. Carlos Garcia pang-ekonomiya.
_____5. Diosdado
Macapagal b. Isa sa kanyang binigyang pansin ang
_____6. Ferdinand Marcos pagpapalaganap ng kulturang Pilipino sa
pamamagitan ng mabuting pakikisama ng
Bayanihan Dance Troupe sa ibang bansa.

c. Pagpapanatili ng batas at kaayusan at


ang pagpasa sa Kongreso ng batas na
magbibigay sa mga magsasaka ng 70% ng
kabuuang kinitang ani.

d. Sa kanyang pangunguna nagkaroon ng


negosasyon sa Hapon ukol sa kasunduan ng
bayad pinsala sa digmaan.

e. Pinagtuunan ng pansin ang pagpapatuloy


ng pagbabago at rehabilitasyon ng
eknomiya at pagpapanumbalik ng tiwala at
kooperasyon ng marami sa pamahalaan.

f. Siya nagsimulang magtayo ng ekonomiya


ng isang bansang winasak ng digmaan.

VI. REFLECTION Matapos mapagdaanan ang maraming pagsubok na humamon sa


kakayanan upang maging ganap ang pagkatuto at kabatiran tungkol sa
tinalakay na aralin ngayon ay magagawa mo ng ihayag ng buong
pagmamalaki.

Panuto: Gumawa ng kahawig na graphic organizer sa iyong sagutang papel.


Ilahad dito ang iyong natutunan at kahalagahan nito.

Natutunan ko… Kahalaganan nito… Paano ko ito


isasabuhay…

Prepared by: Jean D. San Juan Checked by: Jean Danga

Sanggunian:

K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies in Araling Panlipunan.


Regional Memorandum No. 306 series 2020 PIVOT 4A BOW in All Learning Areas in
Key Stage 1 – 4
Daloy ng Kasaysayan pp 216 – 225
Personal na Pagtatasa sa Lebel ng Performans para sa Mag-aaral
Pumili ng isa sa mga simbolo sa ibaba na kakatawan sa iyong naging karanasan sa pagsasagawa ng
mga gawain. Ilagay ito sa Hanay ng LP o Lebel ng Performans. Basahin ang deskripsiyon bilang gabay
sa iyong pagpili.

- Nagawa ko nang mahusay. Hindi ako nahirapan sa paggawa nito. Higit na nakatulong ang
gawain upang matutunan ko ang aralin.
 - Nagawa ko nang maayos. Nahirapan ako nang bahagya sa pagsasagawa nito. Nakatulong
ang gawain upang matutunan ko ang aralin.
- Hindi ko nagawa o nahirapan ako nang labis sa pagsasagawa nito. Hindi ko naunawaan ang
hinihingi sa gawain. Kailangan ko pa ng paglilinaw o dagdag kaalaman upang magawa ko
ito nang maayos o mahusay.

Gawain sa LP Gawain sa LP Gawain sa LP


Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto
Bilang 1 Bilang 5 Bilang 9
Bilang 2 Bilang 6 Bilang 10
Bilang 3 Bilang 7
Bilang 4 Bilang 8

You might also like