q4 Las-1 2 Pagbasa-At-pagsusuri 2nd-Sem Week-1 2
q4 Las-1 2 Pagbasa-At-pagsusuri 2nd-Sem Week-1 2
q4 Las-1 2 Pagbasa-At-pagsusuri 2nd-Sem Week-1 2
SIMULAN
Panuto: Suriin ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino. Isulat kung ito ay
napapabilang sa LAYUNIN, GAMIT, METODO, o ETIKA ng pananaliksik.
1. Ang ginamit na disenyo sa pag-aaral na ito ay deskriptiv at analitik na pananaliksik.
2. Ang paraang ginamit sa pag-aaral ay ang Correlational Studies kung saan ikokompara
ang dalawang baryabol para malaman kung mayroong positibo o negatibong epekto
ang isa sa isa.
3. Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
4. Ginamit ang Likert Scale upang mabigyang-interpretasyon ang balidasyon na
isinagawa ng mga guro na nagtuturo sa ikawalong baitang.
5. Ginamit sa pananalisik na ito ang deskriptibo at kuwasi eksperimental na uri ng
pananaliksik.
6. Maipakita ang kaalaman ng mga mag-aaral sa K to 12 batay sa salik layunin at
implikasyon.
7. Kinakailangang hindi pinilit ang sinumang kalahok o respondente sa pagbibigay ng
impormasyon o anumang partisipasyon sa pananaliksik.
8. Mabatid ang epekto ng paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng
asignaturang Filipino.
9. Mahikayat ang mga guro na ugaliin/sanayin ang pagdalo sa mga seminar upang
umunlad ang mga kakayahan sa pagtuturo.
10. Pagbalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
11. Pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok.
12. Pagkilala sa pinagmulan ng mga idea sa pananaliksik.
13. Sa gurong nagtuturo ng asignaturang Filipino, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay
ng mahalagang impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa mga bagay na
pang-akademiko.
14. Mapabása at matukoy ang lebel ng kakayahan sa pagbása gamit ang Pinadaling
Paraan ng Pagbasa ni Tysel.
15. Sukatin ang bisa ng komiks bílang alternatibong kagamitang pampagtuturo sa
asignaturang Filipino, Baitang 8.
1 | PAHINA
SURIIN
Panuto: Suriin ang ilang bahagi ng pananaliksik sa Filipino. Lagyan ng 1 ang Layunin, 2 ang
Gámit, 3 ang Metodo, at 4 ang Etika ng pananaliksik.
A.
─ Mangangalap ng talâ sa internet, aklat, at jornal at makikipanayam sa mga doktor.
─ Bubuo ng isang sulating pananaliksik na maaaring maging basehan ng isang brochure
na tumatalakay sa mga benepisyo at panganib ng paggamit ng halamang gamot bílang
gamot sa COVID-19.
─ Sa mga mamamayan, ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay ng mahalagang
impormasyon sa kanilang pagpapasiyang nauukol sa paggamit ng halamang gamot.
─ Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik.
B.
─ Tutukuyin ang mga epekto ng quarantine sa mga batang nása preschool.
─ Magpapasagot ng questionnaire sa magulang na may anak na preschool tungkol sa
epekto ng quarantine.
─ Pagkukubli sa pagkakakilanlan ng mga batang nása preschool.
─ Sa mga mag-aaral, nakakatulong nito upang malampasan ang Psychological First
Aide.
C.
─ Bubuo ng isang sulating pananaliksik tungkol sa facemask. Maaaring maging basehan
ng isang artikulo na tumatalakay sa bagay na ito.
─ Mananaliksik sa Internet. Gagawa ng sarbey tungkol sa paboritong isuot ng mga
frontliners at kapanayamin ang ilan sa mga nasarbey na medical frontliners kung bakit
nila paboritong isuot ang facemask. Kapanayamin din ang ilang manufacturers ng
facemask.
─ Sa mga frontliner, ang magagawa ng pag-aaral na ito na kilatisin muna ang uri ng
materyales ng facemask bago ito gamitin.
─ Pagbabalik at paggamit sa resulta ng pananaliksik sa mga frontliner.
D.
─ Sa mga gumagawa ng maikling pelikula, makakatulong ang paggamit ng camera at
editing app ng smartphone upang makagagawa ng isang maikling pelikula.
─ Tutukuyin ang mga paraan ng pagbuo ng maikling pelikula gámit lang ang camera at
editing app ng smartphone.
─ Makikipanayam sa mga direktor ng maikling pelikula at mag-oobserba sa proseso ng
paggawa ng ganitong pelikula.
─ Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
E.
─ Aalamin ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang bílang ng nagkakasakit ng
COVID-19.
─ Magsasaliksik ng mga nakasalamuhang tao sa pamamagitan ng pakikipanayam sa
mga táong nagkaroon ng COVID-19.
─ Boluntaryong partisipasyon ng mga kalahok.
─ Sa ahensiya ng gobyerno, magagamit ang pag-aaral na ito upang magkaroon ng
eksaktong bílang ng nagkakaroon ng COVID-19.
2 | PAHINA
TALAKAYIN
LAYUNIN
Sa bahaging ito, inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananalİksİk. Ito ang
tinutukoy na adhikaing nais patunayan, pabulaanan, mahimok, maiparanas, o ipagawa ng
pananaliksik. Isinusulat ito bílang mga pahayag na nagsasaad kung paano masasagot o
matutupad ang mga tanong sa pananaliksik.
Kapag natapos nang isulat ang buong pananaliksik, alalahaning balikan ang mga layunin
at seguruhing natupad o nagawa nga ang mga İto. Kung hindi nasagot sa kongklusyon ang
mga layunin, maaarİng hindi nasunod ang wastong proseso, lumihis sa pokus ng pananaliksik,
o naiba ang tunguhİn nito.
Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga
tanong sa pananaliksik. Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit sa pananaliksik. Sa
pagbubuo ng mga layunİn ng pananaliksik, mahalagang isaalang-alang ang sumusunod:
1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang
dapat gawin at paano ito gagawİn.
2. Makatotohanan o maisasagawa.
3 | PAHINA
3. Gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring
masukat o patunayan bílang tugon sa mga tanong sa pananaliksik.
Ilang mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso:
Matukoy, maihambing, mapili, masukat, mailarawan, maipaliwanag,
masaliksik, makapagpahayag, maihanay, maiulat/makapag-ulat,
masuri/makasuri, nakapagorganisa, makilala, makapaghulo, makabuo,
makabuo ng konsepto, mailahad, maibuod, makagawa/makapili, maisa-isa,
magamit/makagamit, makapagsagawa, at makatalakay.
GAMIT
METODO
ETIKA
4 | PAHINA
2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok. Kinakailangang hindi pinilit ang
sinumang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anumang
partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa sarbey,
pakikipanayam, o eksperimento, kailangang maging malinaw muna sa mga
tagasagot ang kabuoang layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang
partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok ang
bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob ang
kaniyang paglahok sa kabila nitó.
3. Pagiging Kumpidensiyal at Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng Kalahok.
Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anumang impormasyon na
magmumula sa kanila ay gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik.
Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan
ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensítibong paksa. Sa
mga pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kayâ'y
ibahagi sa colloquium o publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at hingín ang
permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos ng pananaliksik.
4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik. Mahalagang ipaalam sa
mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng
pag-aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong mga nása
komunidad, na ginagamit lámang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at
pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa
mangilanngilan lámang na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga
kalahok ang kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo
ng polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang pananaliksik,
makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa
kapakinabangan ng komunidad o kaugnay na institusyong pinag-aaralan.
- Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Quezon City: Phoenix, 2017
GAWIN
1.
Abstrak
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
5 | PAHINA
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng
mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo’t lima
(35) na batang ina na may edad na labingdalawa hanggang labingwalo na naninirahan sa Sta.
Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng
anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pagpasok, edad ng unang panganganak at
kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinagpatuloy ang kanilang pag-aaral
at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa
estadong marital.
Halaw mula sa LPU Laguna Journal of Arts and Sciences, “Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik,” Nakuha noong Hunyo 7,
2020, http://lpulaguna.edu.ph/wpcontent/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG-BATANG-INA-ISANG-PANANALIKSIK.pdf
2.
Abstrak
Ang pananaliksik na ito ay isinasagawa upang bigyang pansin kung gaano kalupit ang
epekto ng paglalaro ng mga kompyuter games, facebook, at sa panood ng mga videos sa
porn site sa kalusugan at pag-aaral ng isang tao upang maipaliwanag ang kahalagahan ng
buhay ng isang tao.
Sa panahon ngayon, mapapansin natin na mas maraming tao, lalo na ang mga
kabataan na nahuhumaling sa paglalaro ng mga online game at pagsu-surfing sa internet.
Kaya napili naming magsagawa ng pananaliksik ay upang makakuha ng karagdagang datos
at kaalaman ukol sa pangyayari ngayon sa ating komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mag-aaral na kumukuha ng IT sa St.
Bridget College-Batangas City ukol sa Epekto ng kompyuter sa akademik perpormans ng mga
mag-aaral sa taong 2014-2015. Kasama rin dito ang mga posibleng maging kahinatnan ng
sobrang paggamit ng internet.
Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng deskriptib o panglarawang paraan. Ang
pamamaraang ito ay nagtatangkang ipakita ang isang tumpak na larawan ng mga bagay-
bagay sa kasalukuyan. Sa pamamaraaang ito ginagamit ang mga datos na nagmumula sa
mga kasalukuyang ulat, sarbey, at pagmamasid.
Ang pamamaraang ginamit sa pagkalap ng datos ay ang mga sumusunod:
pananaliksik sa iba’t ibang pahayagan at aklat, mga sample ng thesis at mga website sa
internet.
Halaw mula sa Academia.edu, “Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Akademik Perpormans ng mga Mag-aaral,” Nakuha noong Hunyo 7,
2020, https://www.academia.edu/10986594/EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_INTERNET_SA_AKADEMIK_PERPOR
MANS_NG_MGA_MAG_nn
Katanungan:
1. Maayos bang nailahad ang mga layunin ng pananaliksik batay sa mga abstrak nitó?
Pangatwiranan ang sagot.
Abstrak 1:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Abstrak 2:
6 | PAHINA
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, ano kayâ ang kahalagahan sa lipunan ng kanilang ginawang saliksik?
Abstrak 1:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Abstrak 2:
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Abstrak 1
Pamagat ng papel-pananaliksik: __________________________________________
Komendasyon Rekomendasyon
7 | PAHINA
Abstrak 2
Pamagat ng papel-pananaliksik: __________________________________________
Komendasyon Rekomendasyon
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
8 | PAHINA
GAWAIN 4 (Ikalawang Linggo)
Panuto: Suriin ang ilang mga abstrak mula sa mga halimbawang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gámit, metodo, at etika ng pananaliksik.
ABSTRAK
A.
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay upang masuri ang estilo ng
pagkatuto ng mga mag-aaral sa ika-anim na baitang bilang basehan ng interbensyon
at epektibong pagtuturo at pagkatuto sa asignaturang Filipino. Mayroon animnapu't
isang (61) respondente ang pananaliksik na ito at gumamit ng pamaraang palarawang
disenyo. Ang resulta ay nagpapakita na ang pangunahing estilo ng pagkatuto ng mga
mag-aaral na lalaki ay kinestetik na may frequency na 409 o 36.65 na bahagdan,
samantalang awditori ang sa mga mag-aaral na babae na may frequency na 374 o
34.63 na bahagdan. Ang natamong X2 value na 1.7 ay mas mababa sa 5.99 na critical
value sa 0.05 level of probability teybol gamit ang degree of freedom na 2. Ang Null
hypothesis na nagsasabing walang significant relationship o malaking kaugnayan ang
estilo ng pagkatuto ng mga lalaki at babaeng mag-aaral ay tinanggap.
Ang paaralan ay nararapat na magsagawa ng Learning Action Cell (LAC)
Session para sa guro na ang paksa ay tungkol sa estilo ng pagkatuto, lalo na sa
kinestetik at awditori upang makapagbigay ng angkop na pamamaraan na gagamitin
sa pagtuturo upang mapataas ang marka at malinang ang kakayahan ng mga mag-
aaral ngayong 21st century.
Halaw mula sa Bata, Bata, Paano Ka Matututo?, Isang Pagsusuri tungkol sa Estilong Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ika-anim na Baitang sa
Paaralang Elementarya ng Kaytitinga, taong panuruan 2015-2016, Ribecca B. Fenol, ANG GURO, Ikaapat na Edisyon,Vol.7,2017
B.
Maipakita ang kaugnayan o korelasyon ng pagdalo sa mga seminar/
pagsasanay at ang Oplan Pagmamasid sa mga kalakasan at kahinaan ng mga guro
na nagtuturo ng asignaturang Filipino. Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay ginamitan
ng Correlational Studies na inilahad sa Input - Process - Output (IPO) na pamamaraan
at ang metodolohiya ay sumasaklaw sa deskriptibong uri ng pananaliksik o pag-aaral.
Mula sa 435 guro sa Filipino mula sa iba't ibang antas, kumuha ng walumpung (80)
kalahok bilang kinatawan ng dalawampung bahagdan (20%) ng populasyon upang
gamitin sa pag-aaral.
Makabuluhan ang naging resulta ng pag-aaral sa kadahiIanang naging masusi
at napatunayan na may epekto ang seminar at workshop sa pagpapabuti at
pagpapalakas ng mga kahinaan ng guro. Sa value ng r na 0.67, naipakita ng istatistiko
na mayroong korelasyon (katamtaman) arg mga baryabol.Tinatayang ang pag-aaral
na ito ay tunay na makatutulong sa ating mga Punongguro at tagamasid upang lalo
9 | PAHINA
pang mapag-ibayo ang pagkakaroon ng mga kasanayan at pagsasanay para
makatulong sa pagtuturo ng mga gurong Filipino sa Elementarya at Sekundaryang
antas.
Halaw mula sa “Plan Pagmamasid: Kahinaan At Kalakasan Ng Mga Guro Sa Proseso Ng Pagtuturo Ng Filipino”, Elpidia B. Bergado, ANG GURO:
Saliksik (Bertud ng Edukador), Vol.5 (2015-2016)
C.
Layunin ng pananaliksik nito na maipakita ang 1) kaalaman ng mga mag-aaral
sa K to 12 batay sa salik layunin at implikasyon, 2) kahandaan ng mga mag-aaral sa
K to 12 batay sa na pangakademiko, pinansyal at kaisipang panghinaharap, 3)
kakayanan ng mga mag-aaral batay sa salik na estratehiya at pagkatuto ng mga aralin
at 4) makabuo ng suplementaryong panuntunan sa implementasyon ng K to 12 batay
sa awtentikong salik mula sa aktwal nitong aplikasyon. Ang deskriptiv na pananaliksik
na ito ay may 30 respondente na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ang
mga instrumentong ginamit ay questionnaire at interview. Binilang ang frequency at
kinuha ang bahagdan ng kasagutan. Ang mga pananaliksik ay umabot sa konklusyon
na ang mga mag-aaral ng ADM-OHSP ay may kaalaman, kahandaan at kakayanan
sa pagharap sa K to 12. Mahalaga ang pananaliksik na ito upang maipakita ang
karanasan ng mga mag-aaral sa pagbabago ng kurikulum. Isa rin itong paraan upang
malaman ng mga stakeholders ng edukasyon ang awtentikong kaganapan sa 100b ng
silid-aralan at maging sa Alternative Delivery Mode-Open High School Program.
Halaw mula sa “Ang KKK Sa K To 12: Kaalaman, Kahandaan At Kakayanan Ng Mga Mag-Aaral Mula Sa Alternative Delivery Mode-Open High
School Program Ng San Pedro National High School Sa Bagong Kurikulum”, Maria Celita B. De Leon, Jezreel M. Margallo, Louiegrace G. Margallo,
ANG GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador), Vol.5 (2015-2016)
10 | PAHINA
GAWAIN 5 (Ikalawang Linggo)
Panuto: Maghanap ng tatlong halimbawa ng pananaliksik sa aklat o internet. Gámit
ang tseklist na nása ibaba ay suriin ang papel-pananaliksik na nakuha mo kung gaano
kahusay at katibay ang mga bahagi nitó batay sa layunin, gamit, metodo, at etika ng
pananaliksik. Lagyan ng tsek (✔) kung ito ay nakasunod sa wastong paraan ng
pagsulat ng pananaliksik batay sa mga tanong at ekis (❌) kung hindi.
Ang
pananaliksik ba
Ang ay obhetibo
pananaliksik ba kung saan ang
Nakakatulong ay mga datos at
Sumasagot ba
ba ito sa mga gumagamit ng impormasyon
Pamagat ng ito sa
suliraning wastong na
Papel isang tiyak na
pansarili o pamamaraan nakalahad ay
Pananaliksik tanong?
panlipunan? sa pawang
(Layunin)
(Gamit) pangangalap ng katotohanan at
datos? dumaan sa
(Metodo) maingat na
pag-aanalisa?
(Etika)
TAYAHIN
Panuto: Suriin ang bawat pahayag patungkol sa layunin, gámit, metodo, at etika sa
pananaliksik. Lagyan ng tsek (✔) ang linya bago ang bílang kung ito ay tama at ekis
(❌) kung mali.
11 | PAHINA
8. Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang
mga tanong sa pananaliksik.
9. Ang etika ay tumutukoy sa pagiging obhetibo at matapat ng anumang pahayag sa
kabuoan ng sulating pananaliksik.
10. Ang pag-angkin sa gawa ng iba ay tahasang paglabag sa etika ng pananaliksik.
11. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu.
12. Ang ginagamitan ng mga operasyong matematikal ay tinatawag na datos ng kalidad o
qualitative data.
13. Ang pagkopya sa ilang bahagi ng akdang hindi kinilala ang awtor kahit pa ito ay may
kaunting pagbabago sa ayos ng pangungusap ay isang halimbawa ng plagiarism.
14. Isa sa etika ng pananaliksik ang pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa
pagkakakilanlan ng kalahok.
15. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga
pahayag na maaaring masukat o patunayan bílang tugon sa mga tanong.
SANGGUNIAN
AKLAT
“Ang KKK Sa K To 12: Kaalaman, Kahandaan At Kakayanan Ng Mga Mag-Aaral Mula Sa Alternative Delivery Mode-Open High
School Program Ng San Pedro National High School Sa Bagong Kurikulum”, Maria Celita B. De Leon, Jezreel M.
Margallo, Louiegrace G. Margallo, ANG GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador), Vol.5 (2015-2016)
Bata, Bata, Paano Ka Matututo?, Isang Pagsusuri tungkol sa Estilong Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa Ika-anim na Baitang sa
Paaralang Elementarya ng Kaytitinga, taong panuruan 2015-2016, Ribecca B. Fenol, ANG GURO, Ikaapat na
Edisyon,Vol.7,2017
Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City:
Phoenix, 2017
“Plan Pagmamasid: Kahinaan At Kalakasan Ng Mga Guro Sa Proseso Ng Pagtuturo Ng Filipino”, Elpidia B. Bergado, ANG
GURO: Saliksik (Bertud ng Edukador), Vol.5 (2015-2016)
WEBSITE
Academia.edu, “Epekto ng Paggamit ng Kompyuter sa Akademik Perpormans ng mga Mag-aaral,” Nakuha noong Hunyo 7,
2020, https://www.academia.edu/10986594/EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_INTERNET_SA_AKADEMIK_PERPOR
MANS_NG_MGA_MAG_nn
LPU Laguna Journal of Arts and Sciences, “Karanasan ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik,” Nakuha noong Hunyo 7,
2020, http://lpulaguna.edu.ph/wpcontent/uploads/2016/10/KARANASAN-NG-ISANG-BATANG-INA-ISANG
PANANALIKSIK.pdf
MELC
Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa
pananaliksik. (F11PB – IVab – 100)
12 | PAHINA