PPIITTP Q3 M4 Ang Pagsulat NG Halimbawa NG Iba T Ibang Uri NG Teksto v2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

Pagbasa at Pagsusuri ng

Iba’t Ibang Teksto Tungo


sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Ang Pagsulat ng Halimbawa ng
Iba’t ibang Uri ng Teksto

CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Ang Pagsulat ng Halimbawa ng Iba’t ibang Uri ng Teksto
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lina M. Munar
Editor: Maria Leilane E. Bernabe
Tagasuri: Juana T. Macalagay, Alexandra Jane C. Briones, Blessie S. Samson,
Jericho G. Santiago, Ricardo R. David III, Waela Ahmed Khalif D. Al Ayed
Tagaguhit: Mary Laila Jane Paras, Julienne F. De Mesa
Tagalapat: Nolan Severino R. Jusayan, Reden M. Cruzado, Vittorio M. Samson
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas
Job S. Zape, Jr.
Ramonito O. Elumbaring
Reicon C. Condes
Elaine T. Balaogan
Fe M. Ong-ongowan
Rosemarie D. Torres
Ivan Brian I. Inductivo
Glenda DS. Catadman
Feliz A. Tayao
Josephine P. Canlas

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region 4A CALABARZON


Office Address: Gate 2 Karangalan Village, Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal
Telefax: 02-8682-5773/8684-4914/8647-7487
E-mail Address: [email protected]
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 4:
Ang Pagsulat ng Halimbawa ng
Iba’t ibang Uri ng Teksto
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng


mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro


kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,


umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Ang modyul na ito ay dinisensyo at isinulat para sa iyo. Makatutulong ito upang
lubos na maunawaan mo ang tungkol sa pagsulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang
uri ng teksto. Ang saklaw ng modyul na ito ay ang mahahalagang aralin na
magagamit sa iyong pag-aaral at sa pang-araw-araw na buhay. Ang mga
pananalitang ginamit ay tumutugon sa abot ng iyong kakayahan. Ang pagkakaayos
ng mga aralin ay naaayon sa pamantayan ng pagkakasunod-sunod ng kurso subalit
maaari rin itong mabago na tutugon sa kasalukuyang aklat na ginagamit mo.

Kasanayang Pampagkatuto: Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng


teksto. (F11PU – IIIb – 89)

Layunin ng modyul na ito na matamo mo ang mga sumusunod na kasanayan:


1. Natutukoy ang mga elemento sa pagsulat ng tekstong impormatibo,
deskriptibo, at prosidyural.
2. Nagagamit ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong
impormatibo, deskriptibo, at prosidyural.
3. Nakasusulat ng halimbawang tekstong impormatibo, deskriptibo, at
prosidyural.

1 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Subukin

Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik nang napiling sagot sa isang hiwalay na
papel.

1. Ito ay paraan ng pagpapahayag na may layuning mapalutang ang mga


katangian ng isang tao, bagay, hayop, o lugar.
A. Tekstong deskriptibo
B. Tekstong impormatibo
C. Tekstong persuweysib
D. Tekstong prosidyural

2. May layunin itong magbigay ng impormasyon, magpaliwanag nang malinaw


at walang pagkiling tungkol sa iba’t ibang paksa.
A. Tekstong deskriptibo
B. Tekstong impormatibo
C. Tekstong persuweysib
D. Tekstong prosidyural

3. Isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay ng impormasyon at


instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.
A. Tekstong deskriptibo
B. Tekstong impormatibo
C. Tekstong persuweysib
D. Tekstong prosidyural

4. Kailangan ito dahil hindi mauunawaan ng bumabasa ang anumang pahayag


kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan nito sa
pagsulat ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.
A. Diin
B. Kalinawan
C. Katiyakan
D. Kaugnayan

5. Matatamo ito kung malalaman ng nagpapaliwanag ang kaniyang layunin sa


pagpapaliwanag.
A. Diin
B. Kalinawan
C. Katiyakan
D. Kaugnayan

2 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
6. Taglay ito ng isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa
na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang
mahalaga.
A. Diin
B. Kalinawan
C. Katiyakan
D. Kaugnayan

7. Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng pangungusap at


talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang pagpapahayag.
A. Diin
B. Kalinawan
C. Katiyakan
D. Kaugnayan

8. Higit na dapat bigyang-pansin ang bahaging ito sapagkat ito ang magpapasya
kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa sa isang sulatin. Dapat ito’y
makaakit sa kawilihan ng bumabasa.
A. Katawan o pinakagitna
B. Kongklusyon
C. Simula
D. Wakas

9. Sa bahaging ito natitipon ang lahat ng ibig sabihin ng sumusulat ng


paglalahad. Dapat magkaroon ng kaugnayan at kaisahan ang mga kaisipang
ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.
A. Katawan o pinakagitna
B. Kongklusyon
C. Simula
D. Wakas

10. Ito ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng


bumabasa. Katulad ng simula, ito ay maaaring isang parirala, isang
pangungusap, o isang talata.
A. Katawan o pinakagitna
B. Kongklusyon
C. Simula
D. Wakas

11. Ginagamit ang pananaw na ito sapagkat marapat na may lubos na kaalaman
ang mga mag-aaral sa paksa at ito’y palagi nilang nakikita at may kaugnayan
sa kanilang karanasan.
A. Pagbuo ng pangunahing larawan
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng sangkap

3 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
12. Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kaniyang
inilalarawan.
A. Pagbuo ng pangunahing larawan
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng sangkap

13. Ito’y nangangailangan nang maingat at masusing pagmamasid. Ito ang


unang kakintalan ng paksang inilalarawan.
A. Pagbuo ng pangunahing larawan
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng sangkap

14. Dito ang mga sangkap na isasama ay tiyaking makatutulong sa


pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi dapat isama
ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan.
A. Pagbuo ng pangunahing larawan
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng mga sangkap

15. Ang pangunahing larawan ay dapat mapalitaw sa pamamagitan ng nito.


Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang sunod-sunod ang
pangyayari.
A. Maingat na pagsasaayos ng paksa
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng sangkap

4 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Aralin Ang Pagsulat ng Ilang
1 Halimbawa ng Iba’t ibang
Uri ng Teksto
Sa mga nakaraang modyul na iyong pinag-aralan ay natutuhan mo ang mga
batayang kaalaman tungkol sa tekstong impormatib, deskriptib, at persweysib.
Nakapagbasa at nakapagsuri ka rin ng ilang mga halimbawang teksto na nasa mga
uring ito. Sa araling ito, tiyak na matutuwa ka sa iyong bagong matutuhan.

Balikan

Tiyak kong may kasanayan ka na sa pagsulat. Bagaman pagsulat ang binibigyan


natin ng pokus sa modyul na ito, may mga bago akong babasahin na inihanda para
sa iyo upang lubos pang malinang ang iyong kasanayan sa pagsulat. Halina’t
basahin at unawaing mabuti ang tekstong pinili ko para sa iyo.

Ang Tugtugin o Musika Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensayklopedya

Ang tugtugin o musika ay uri ng sining na gumagamit ng tunog. Karaniwan, ang


kanta ay tinuturing na pinakamaliit na gawang musika, lalo na tuwing mayroon
itong kasamang pag-awit. Ang karaniwang sangkap ng musika ay pitch (na
gumagabay sa melodiya at harmoniya), ritmo (at ang kaugnay nitong tempo, metro,
at artikulasyon), dynamics, at lahat ng sonic na katangian ng timbre at tekstura.
Ang salita ay hango sa salitang Griyego (mousike; "sining ng mga Musa"). Sa
kaniyang karaniwang anyo ang mga gawaing naglalarawan sa musika bilang isang
uri ng sining ay binubuo ng paggawa ng mga piyesa ng musika, ang kritisismo ng
musika, ang pag-aaral ng kasaysayan ng musika, at ang estetikang diseminasyon
ng musika.

Ang paglikha, pagganap, kabuluhan, at pati na rin ang kahulugan ng musika ay iba-
iba depende sa kultura at panlipunang konteksto. Ang saklaw nito ay mula sa
estriktong organisadong komposisyon (at ang pang-aliw na pagganap nito), sa
pamamagitan ng improbisasyonal na musika, hanggang sa pormang aleatoric. Ang
musika ay maaaring hatiin sa mga genre at subgenre, pero ang mga dibisyon at
relasyon sa pagitan ng mga kategorya ng musika ay madalas pino, minsan bukas sa
pansariling interpretasiyon, at paminsan-minsan kontrobersyal. Sa sining, ang
musika ay maaaring iuri bilang isang sining na itinatanghal, fine arts, at awditoryong
sining. Ang musika ay maaaring tugtugin at marinig ng pangkasalukuyan, at
maaaring maging bahagi ng isang dulaan o pelikula, at maaari ring i-record.

5 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Sa maraming tao sa iba’t ibang kultura, ang musika ay mahalagang bahagi ng
pamumuhay. Ang musika para sa mga sinaunang Griyego at pilosopong Indiyano,
ay mga tono na nakaayos pahalang ay melodiya, at patayo ay harmoniya. Mga
pangkaraniwan na kasabihan katulad ng “ang kaayusan ng mga sphere” at “ito’y
musika sa aking mga tainga” ay nagsasabi na ang musika ay kadalasang maayos at
magandang pakinggan. Gayunman, ang ikadalawampung siglo na kompositor na si
John Cage ay may ideya na ang kahit anong tunog ay maaaring maging musika, sa
pagsabi niya ng “walang ingay, kundi tunog.”

Sagutin sa iyong sagutang papel. Piliin ang titik ng tamang sagot:


1. Ano ang paksa ng tekstong iyong binasa?
A. Awit
B. Sayaw
C. Musika
D. Pagguhit
2. Sa iyong palagay, ano kaya ang layunin ng manunulat sa pagsulat nito?
A. Awitan ang mambabasa bilang sining.
B. Gumuhit ng larawan bilang sining.
C. Magpakita ng mga kakaibang sayaw bilang sining.
D. Magbigay nang malinaw na kaalaman tungkol sa musika bilang sining.
3. Saan nakuha ang ang mga tala o impormasyon sa teksto?
A. Magasin
B. Almanac
C. Diksyunaryo
D. Ensayklopidya
4. Anong uri ng teksto ang binasa?
A. Naglalarawan
B. Nanghihikayat
C. Nagpapaliwanag
D. Lahat nang nabanggit ay tama
5. Paano inilahad ang mga datos na nakalap upang maging higit na makahulugan
ang paksa?
A. Inisa-isa
B. Inilarawan
C. Ipinaliwanag
D. Lahat nang nabanggit ay tama

Mga Tala para sa Guro


Kinakailangang sikapin ng guro na maiproseso ang mga katugunan
ng mga mag-aaral. Ang sagot ng mga mag-aaral ay magsisilbing
gabay niya sa pagsulat ng teksto.

6 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Tuklasin

Marahil ay pamilyar ka sa 4 Pics 1 Word. Suriin ang mga larawan at tuklasin ang
mga salitang tinutukoy nito. Ang bilang ng mga kahon na sa ibaba ng mga larawan
ay tumutugon sa bilang ng mga titik na bumubuo sa tamang salitang kaugnay ng
mga larawan. Ang bawat aytem ay tumutukoy sa iba’t ibang uri ng pagsulat.

1.

2.

7 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
3.

4.

5.

8 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Suriin

Tiyak kong ang iba’t ibang uri ng teksto ay inyong nabasa at napag-aralan na.
Nasubukan mo na bang sumulat ng teksto? May iba’t ibang uri ng teksto subalit
may kani-kaniyang paraan ito kung paano nabubuo. Sa araling ito ay bibigyang-
pokus natin ang ilang teksto – impormatibo, deskriptibo at prosidyural.

Sa pagbuo ng tekstong impormatibo, mahalagang isaalang-alang ang katumpakan


ng nilalaman. Ang mga sumusulat nito ay kinakailangang may sapat na kaalaman
sa paksa, kung kaya’t dapat sila ay may mga sangguniang pinagbabasehan. Dagdag
pa, ang sanggunian o pinagkukunan nila ng datos ay kailangang
mapapagkatiwalaan at may kredibilidad. Makabubuti rin kung ang paksa ay
napapanahon sapagkat ito ay maaaring makatulong upang maunawaan ng
mambabasa ang mga isyu sa lipunan.

Ang ilan sa mga halimbawa ng tekstong impormatib ay diksyunaryo, ensayklopedya,


almanac, pamanahong papel o pananaliksik, siyentipikong ulat, at mga balita sa
pahayagan.

Narito naman ang mga katangian ng isang mahusay na pagsulat ng tekstong


impormatibo:

Kalinawan: Hindi mauunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag


kung hindi malinaw ang paliwanag. Dapat isaisip na ang kakulangan ng kalinawan
ay maaaring magbunga ng di pagkakaunawaan.
Katiyakan: Ang katiyakan ay matatamo kung malalaman ng nagpapaliwanag ang
kaniyang layunin sa pagpapaliwanag.

Diin: May diin ang isang akda o talumpati kung naaakit ang nakikinig o bumabasa
na ipagpatuloy ang pakikinig o pagbasa. Ito’y kinakikitaan ng diwang mahalaga.

Kaugnayan: Dapat na magkakaugnay ang diwa ng lahat ng sangkap ng


pangungusap at talata sa loob ng isang akda upang maging mabisa ang
pagpapahayag.

Ano-ano ang mga bahagi ng tekstong impormatibo?


Ang SIMULA higit na dapat bigyang pansin sapagkat ito ang magpapasya
kung ipagpapatuloy ng bumabasa ang pagbasa isang katha. Dapat ito’y makaakit
sa kawilihan ng bumabasa.

9 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Sa bahaging KATAWAN O PINAKAGITNA naman ay natitipon ang lahat ng
ibig sabihin ng sumusulat ng paglalahad. Dapat magkaroon ng kaugnayan at
kaisahan ang mga kaisipang ipinahahayag upang hindi malito ang bumabasa.

Ang WAKAS ay ang bahagi ng paglalahad na nag-iiwan ng isang kakintalan


sa isip ng bumabasa. Katulad ng simula, ang wakas ay maaaring isang parirala,
isang pangungusap, o isang talata.

Ang paglalarawan o ang tekstong deskriptibo ay ang pagpapahayag ng ating


nakikita, naririnig, at nadarama.
Pangunahing layunin ng paglalarawan ay ang pagbuo ng isang malinaw na larawan
sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig.

Ang sumusulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na


gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan; kung ang pintor ay pinsel at pintura
ang ginagamit, ang isang manunulat ng tekstong deskriptib naman na
nagpapahayag ng pasulat o pasalitang paraan ay salita ang ginagamit upang
ilarawan ang kaniyang paksa na maaaring masining o karaniwan.

Upang maging mabisa ang paglalarawan, ang mga sumusunod ay dapat


isaalang-alang
Maingat na pagpili ng paksa: Piliin ang paksang may lubos na kaalaman ang mga
mag-aaral sapagkat ito’y palagi nilang nakikita at may kaugnayan sa kanilang
karanasan.
Pagpili ng sariling pananaw: tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan
sa paksang kaniyang inilalarawan.

Pagbuo ng isang pangunahing larawan: Ito’y nangangailangan nang maingat at


masusing pagmamasid. Ito ang unang kakintalan ng paksang inilalarawan.

Ang tao at bagay, kakayahan, at ang naturang kakayahang ikinaiiba nito ay dapat
na bigyang-diin na batay sa pagmamasid ng naglalarawan.
Wastong pagpili ng mga sangkap: Ang mga sangkap na isasama ay tiyaking
makatutulong sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi
dapat isama ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa inilalarawan.
Maingat na pagsasaayos ng mga sangkap: Ang pangunahing larawan ay dapat
mapalitaw sa pamamagitan nang maingat na pagsasama-sama ng mga sangkap.

Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang sunod-sunod ang


pangyayari kaya ang isang naglalarawan ay malayang pumili ng paraang sa palagay
nya’y magiging mabisa sa pagbuo ng kakintalang nais niyang mapalitaw sa kaisipan
ng bumabasa o nakikinig.

Piliin lamang ang mga sangkap na magiging kapansin-pansin at


makapagbibigay nang malinaw na larawan.

Ang pagsulat ng paglalarawan ay nauuri sa dalawa;

 Pangkaraniwan - ang uring ito’y nagbibigay lamang ng kabatiran sa


inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro-kuro ng

10 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
naglalarawan. Ang ibinibigay lamang nito ay ang karaniwang anyo ng
inilalarawan ayon sa pangmalas na panlahat.

Sa halimbawang ito pansinin ang mga salitang matitingkad at may salungguhit:


“Noong huli akong dumalaw sa tahanan ni Tiya Pilar sa lalawigan ay ganito
rin ang ayos ng bakuran nila. Sariwa at malago ang mga halaman, naghuhunihan
ang mga ibon sa sanga ng punong kahoy at nalalanghap sa hangin ang mabangong
halimuyak ng bulaklak. Ang kanilang bahay sa loob ng bakod na mga alambreng
may tinik ay halos wala pa ring ipinagbago. Naroon din ang mga hawla ng kanaryo
na nagsabit sa bintana. Naroon din ang mga puno na may malalagong halamang
nakahalayhay sa may pagpanhik ng hagdanan. Kaytulin ng mga araw! Isang buong
taon na ang nakalipas ay parang hindi ko napansin.”

Mula sa: Amado V. Hernandez, Panata ni Pilar Quezon City: Ateneo de Manila
University Press, 1969.

Madali mo bang naunawaan ang mga salitang sariwa, malago, mabango, may
tinik, halos wala, at malalago? Dahil ang mga ito ay may mababaw lamang na
pakahulugan at tiyak ko na madalas mo din itong ginagamit sa iyong
pakikipagtalastasan.

 masining na paglalarawan: dito ang guniguni ng bumabasa ay


pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay na larawan.
Naglalaman ito ng damdamin at pananaw ng sumulat. Ibinibigay niya
ang isang buhay na larawan ayon sa kaniyang namalas at nadama.

Sa halimbawang ito:
“Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaeng bilang at sukat ang pangungusap.
Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung magkakaganyon ay
maikli ang kaniyang pananalita: Lumigpit ka!... at kailangang di na niya ako
makita. Kailangang di ko na masaksihan ang kikislap na poot sa kaniyang mga
mata. Kailangang di ko na mamalas ang pagkagat niya sa kaniyang labi. Kailangang
di ko na makita ang panginginig ng kaniyang mga daliri. Ito rin ang katumbas ng
kaniyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal.
Mula sa: Liwayway Arceo, Uhaw ang Tigang na Lupa at Iba Pang Katha. Manila:
Pioneer Press,1968.

“Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay
tigang na lupang uhaw na uhaw…”

Sa halimbawang ito mauunawaan sa kaisipang nakapaloob sa teksto na ang


ina ay inilarawan bilang isang tahimik at hindi palakibo na kung magalit ay tiyak na
nakatatakot ang kaniyang nagiging itsura. Masasalamin sa teksto ang pananabik ng
bata sa pagmamahal ng kaniyang ina. Mapapansin na ang mga salitang matingkad
at may salungguhit ay may higit na malalim na kahulugan kaysa sa karaniwang
kahulugan nito.

11 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang
nagbibigay ng
impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na bagay.

May layunin itong makapagbigay ng sunod-sunod na direksiyon at


impormasyon sa mga tao upang matagumpay na maisagawa ang mga gawain nang
ligtas, episyente at angkop sa paraan.
Ang pagsulat ng tekstong ito ay binubuo ng apat na bahagi, tulad ng mga
sumusunod:
1. Inaasahan o Target na Awtput – tumutukoy sa kung ano ang kalalabasan o
kahahantungan ng proyekto.

2. Mga Kagamitan - Maaaring ilarawan sa bahaging ito ang mga tiyak na katangian
ng isang bagay o kaya ay ang katangian ng isang uri ng trabaho o ugaling inaasahan
sa isang mag-aaral kung susundin ang gabay. Nakalista ito sa pamamagitan ng
pagkasunod-sunod kung alin ang gagamitin. Maaaring hindi Makita ang bahaging
ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi gagamit ng anomang kagamitan.

3. Metodo – ito ay nagsasaad ng serye ng mga hakbang na isinasagawa upang


mabuo ang proyekto.
4. Ebalwasyon - Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang
tagumpay ng pagsasagawa.

Ito ay sa pamamagitan nang mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o


makina o di kaya ay mga pagtataya kung nakamit ang kaayusan ng layunin ng
pagsasagawa.

Mahalaga ang paggamit ng heading, subheading, numero, dayagram, at mga larawan


upang maging mas malinaw ang pagpapahayag ng hakbang.

Mahalagang alamin at unawain kung sino ang nakikinig o nagbabasa ng teksto


upang mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng wika ang gagamitin.

May mga tiyak na katangian ng wikang madalas gamitin sa tekstong


prosidyural.
1. Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.
2. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
3. Gumamit nang tiyak na pandiwa para sa pamamaraan.
4. Gumamit nang malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang
pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.

Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsiyon tulad ng hugis, laki, kulay,


dami, at iba pa.
Pag-aralan ang teksto sa ibaba na naglalaman ng isang plano para sa
pagpapaunlad ng isang negosyo.

12 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Hakbang sa Pagpaplano:

Una, isipin mo kung paano mo ito sisimulan, pababa o pataas? O gusto mong
simulan ito sa itaas kaagad.

Ikalawa, ano ba ang layunin mo sa itatayo mong negosyo? Nais mo ba agad


na kumita at mabawi ang iyong ipinuhunan o nais mo munang mapalago ito
hanggang sa tuluyan na itong makilala?

Ikatlo, sino ang makakatuwang mo sa iyong planong negosyo?


Napagpasyahan mo ba kung ikaw lang ang mamamahala o may iba ka pang nais
makasama sa iyong plano? Kaya mo bang mag-isa o kinakailangan mo ang tulong
ng iyong kamag-anak bilang sekretarya, manananggol, at iba pang sasalo sa ibang
tungkulin sa negosyo mo? Sa iyong palagay, kakayanin mo bang magtagumpay mag-
isa sa negosyo o talagang kakailanganin mo ang tulong nila?

Ikaapat, napagpasyahan mo na rin ba kung ano ang iyong nais unahin o


dapat pagtuunan ng pokus sa iyong negosyo? Ang pangangailangan ng kostumer,
ang lokasyon ng iyong negosyo, ang iyong kasanayan o kahusayan, ang iyong
kapital.
Ikalima, isipin mo ang paghahanap ng mga taong maaari mong
pagkatiwalaan, may kakayahan at karunungan, at may responsibilidad habang ikaw
ay namamahala ng ibang trabaho? Iayos mo ang mga patakarang dapat sundin ng
iyong tauhan upang maging matagumpay ang operasyon ng iyong negosyo.

Pagsasaayos ng mga Talatakdaan sa Planong Negosyo

1. Magsagawa ng iskedyul maikling panahon (6-10 buwan) at mahabang panahon


(1-2 taon).
2. Maging tiyak at detalyado.
3. Ipakita mo ang iyong produkto sa mga napili mong pahayagan, radyo, telebisyon,
at midya.
4. Magbigay ng araw at oras kahit na ito’y pansamantala lamang
5. Magbigay rin ng mga calling cards o mga taong dapat lapitan kasama na rito ang
mga numero ng telepono, pagers, cellphones, value message at e-mail.
6. Magkaroon ng mga promo para makaiwas sa mga hindi inaasahang pagkakataon.
7. Isaayos ang perang nakalaang gugugulin. Magpasya ka kung magkano ang
gugugulin sa mga promosyon. Kung ikaw ay nababahala sa pag-aanunsiyo,
mabuti pang itigil ang iyong negosyo. Sabi nga nila “no gain no risk.”
8. Iwasan mo ang manggaya sa iba. Pag-aralan ang mga istratehiya ng iyong
kakumpetensiya.
9. Upang makatipid sa badyet, palitan ang mga istratehiyang hindi nagpapakita ng
magandang resulta.
10. Simulan mo na ang iyong plano.

Pagtalakay ba sa teksto ay iyong naunawaan? Halika at subukin natin ang talas ng


iyong pagkaunawa.

13 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Sagutin ang ilang katanungan sa ibaba at ilagay ito sa anumang sagutang papel na
mayroon ka.
1. Ano-ano ang tekstong tinalakay?
2. Alin sa mga teskto ang tumutukoy sa mga sumusunod:
a. Ang tekstong ito ay may kaakibat na hakbang para sa pagsasagawa ng
layon.
b. Ang tekstong ito ay nagbibigay ng mga dapat isaalang-alang sa
paglalarawan.
c. Ang tesktong ito ay nagbibigay ng tumpak na kaalaman.

Iyong mga kasagutan ay tama ba? Kung gayon, ihanda ang sarili para sa susunod
na gawain. Kung hindi naman, balikan ang tinalakay. Basahin itong muli at
unawain.

Pagyamanin

Ganap na pagkatuto sa aralin ay iyong napagtagumpayan, kaya naman ilang


gawain pa ay inihanda.

Pagsasanay Bilang 1:

Batid kong alam na alam mo na ang tungkol sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-
19). Ito ay tumutukoy sa kumpol ng mga kaso ng viral pneumonia na naganap sa
Wuhan, Lalawigan ng Hubei, simula noong Disyembre 2019. Ayon sa
imbestigasyon ng mga awtoridad at eksperto sa kalusugan ng Mainland, China
ang isang novel coronavirus ay napag-alamang mikrobyong sanhi ng sakit na sa
kasalukuyan ay lumaganap na hindi lang sa ating bansa kundi sa buong mundo
kaya naman tinagurian itong isang pandemya.

Basahin mong mabuti ang susunod na teksto upang lubos mo pa itong


maunawaan.

Ang Corona Virus na nagmula sa bansang Tsina at lumalaganap na sa buong


mundo. Noong umpisa ay tinawag itong novel dahil ito ay itinuturing na
pinakabagong sakit sa pamilya ng virus na kinabibilangan MERS at SARS.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang natutuklasan na gamot upang
magsilbing lunas ng sakit na ito. Dahil dito hinihikayat ang publiko na manatili
sa loob ng kanilang tahanan, subalit kung hindi maiiwasan ang paglabas ay
kinakailangang magsuot ng mask. Ang Virus ay pinaniniwalaang may
inkubasyon na tinatayang sumasaklaw na mula 1 hanggang 14 na araw, na
kadalasan ay humigit-kumulang sa 5 araw. Upang maproteksiyunan ang sarili,
ang pamilya, at kapwa sa sakit na dulot ng corona virus kung uubo ay

14 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
kinakailangang magtakip ng bibig o kaya naman umiwas sa taong bumabahing
o umuubo dahil sa mga nauna nang ulat na ang taong kinakapitan ng sakit na
ito ay maaaring wala o hindi kakikitaan ng anomang sintomas ng
nakababahalang sakit.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ang teksto ay tungkol sa __________.


A. AIDS
B. MERS
C. SARS
D. Corona
2. Ang corona virus ay nagmula sa _____________.
A. America
B. Bangkok
C. Pilipinas
D. Tsina
3. Pinaniniwalaang ang virus ay may inkubasyon na sumasaklaw mula ______.
A. 1 – 7 araw
B. 1- 10 araw
C. 1-14 na araw
D. 1-30 araw
4. Ang novel ay nangangahulugang ____________ sa pamilya ng mga virus na
MERS at SARS.
A. bago
B. dati na
C. napapanahon
D. luma na
5. Ang teksto ay isang halimbawa ng tekstong ____________.
A. Deskriptibo
B. Impormatibo
C. Persuweysib
D. Prosidyural

Pagsasanay Bilang 2:

Basahing ang mga piling bahagi na halaw sa iba’t ibang teksto. Isulat ang MP kung
masining at KP kung karaniwan ang paglalarawang ginamit sa bawat bilang.
1. Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong na sa kahabaan ay pina-ilang
lilis ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat
hanggang pusod na ikinalitaw ng kaniyang butuhan at maruming dibdib.
Mula sa: Ang Kalupi (ni: Benjamin P. Pascual)
Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,
Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime Publication,
2014. 103.

15 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
2. Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira ng paningin. Ang liwanag ay
kinakailangan ng mga mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga
bagay -bagay. Mula sa: Liwanag at Dilim (ni: Emilio Jacinto)
Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,
Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime Publication,
2014. 104.

3. Nabaling ang kaniyang paningin sa nahihimbing niyang mga mahal sa buhay.


Namasdan niyang mabuti sa liwanag ng ilawan ang ayos ng mga yaon. Sa
katauhan ng kaniyang panganay ay nakakintal ang ugat ng katotohanan
kung bakit dapat na mabuhay. Ang pasusuhin ay tila pinilas na larawan ng
kaniyang ina. Hindi nakaila kay Mang Milyo ang maganda pa ring hubog ng
katawan ng kaniyang asawa. Mula sa: Biyaya ng Tag-ulan (ni: Anacleto L.
Dizon)
Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,
Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime Publication,
2014. 100.

4. Ang silid na pinagmumulan ng liwanag ay maluwang at maliwalas. Dalawang


malaking pinto ang nagdurugtong ng silid na ito sa mga karatig na silid. Ang
isa sa mga pinto ay nakapinid; ang isa ay nakabukas nang bahagya; ang
pintong ito ang nagdurugtong sa silid sa tulugang walang ilaw. Ang bintana
ay mahahaba at makikitid maliban sa is ana pinaglalagusan ng liwanag na
nagmumula sa loob. Mula sa Bahay sa Dilim (ni: Alfredo S. Enriquez
Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,
Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime Publication,
2014. 97.

5. Nang bumaba ka sa sinakyan mong kalesa ay palubog na ang araw at ang


maputlang silahis nito’y malungkot na ring nagpapaalam. Mahahabang anino
na rin ang nakikita sa maruming lansangan. Mula sa: May Gunita Pa ang
Bulaklak (ni: Jose Flores Sibal)
Pinagkunan: Consolacion P. Sauco, Iluminada C. Santos, and Remedios S. Rodriguez,
Masining na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime Publication,
2014. 96.

Pagsasanay Bilang 3:

Isulat sa sagutang papel ang A kung tama ang pahayag at B naman kung mali.

1. Ang tekstong prosidyural ay isang uri ng paglalahad na kadalasang nagbibigay


ng impormasyon at instruksiyon kung paano isinasagawa ang isang tiyak na
bagay.
2. Hindi na kailangang alamin kung sino ang nagbabasa ng teksto upang
mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng wika ang gagamitin.
3. Nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
4. Gumamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang
pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
5. Hindi mahalaga ang tiyak na deskripsyon tulad ng hugis, laki, kulay, at dami sa
paglalahad ng tekstong prosidyural.

16 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Isaisip

Sa pagsulat ng anomang uri ng teksto, narito ang mga batayang tanong na


mahalagang masagot mo sa paghahanda nito.
1. Ano ang paksa ng tekstong aking isusulat?
2. Ano ang aking layunin sa pagsulat nito?
3. Saan at paano ako makakukuha ng sapat na datos kaugnay ng aking paksa?
4. Paano ko ilalahad ang mga datos na aking nakalap upang maging higit na
makahulugan ang aking paksa?
5. Sino ang babasa ng aking teksto? Para kanino ito?
6. Paano ko maibabahagi sa aking mambabasa ang nalalaman ko sa aking paksa?
7. Ilang oras ang aking gugugulin sa pagsusulat? Kailan ko ito dapat ipasa?
8. Paano ko pa mapagbubuti ang aking teksto? Ano-ano ang mga dapat ko pang
gawin para sa layuning ito?

Isagawa

Kagalingan sa pagsusuri ng akda ay iyong nagawa, ngayon naman galing sa pagsulat


ay ating susubukin na.
Panuto: Pumili ng isang gawain sa Pagsasanay 1-3 na nais mong sulatin. Sa
ibaba nito ay iyong matatagpuan ang rubriks na magiging pamantayan sa
pagsulat.
Pagsasanay Bilang 1:
Dahil alam mo na ang pagkuha ng mga impormasyon, ngayon ay simulan mo nang
bumuo ng tekstong impormatib. Sundin ang mga sumusunod na paalala:
A. Sumulat gamit ang iyong sariling pangungusap
B. Alalahanin ang mga elemento at bahagi sa pagbubuo ng isang mahusay
na tekstong impormatib
C. Isulat ito sa malinis na papel.

17 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Pagsasanay Bilang 2:
Narito ang ilang mga larawan. Pumili ka ng isa sa mga larawan sa ibaba na nais
mong gawan ng sulating deskriptib. Isulat ito sa malinis na papel.

iyong matalik na kaibigan iyong ama/ina

Lugar sa Pilipinas na minsan mo na napuntahan

Pagsasanay Bilang 3:
Sumulat ng isang tekstong prosidyural.
1. Pumili ng dalawa sa sumusunod na mga paksa.
2. Gamitin ang unang paksa na iyong napili sa pagsulat ng tekstong prosidyural
sa anyong may bilang.
3. Ang isa pang paksa naman na iyong mapipili ay ilahad sa anyong patalata.
4. Isulat ito sa malinis na papel.
Mga Pagpipiliang Paksa:
1. Paglalaro ng basketbol
2. Pagkukumpuni ng sirang electric fan
3. Pagbubuo ng bisikleta
4. Pagbuburda ng isang placemat
5. Paggawa ng isang email account

18 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Tayahin ang mga sulatin gamit ang rubrik sa ibaba:

KATEGORYA NAPAKAHUSAY MAHUSAY NA BAHAGYANG HINDI WALANG TARGE NATAMO


NA NAKAMIT NAKAMIT NAKAMIT ANG NAKAMIT NAPATUNA T NG
ANG ANG INAASAHAN ANG YAN ISKOR ISKOR
INAASAHAN INAAASAHAN (15) INAASAHA (5)
(20) (18) N
(10)
PANIMULA Ang panimula ng Ang Sinubukan ng Hindi Nakasulat 20
teksto ay panimulang manunulat na makatawag ng simula
nakatatawag ng bahagi ay lapatan ng -pansin subalit
pansin at ginamitan ng mahusay na ang hindi
angkop sa mahusay na panimula ngunit panimula kinakitaan
paksa. panimula walang at walang ng
Ginamitan ng subalit hindi koneksiyong sa kaugnayan kahusayan
isang mahusay makatawag- paksa. sa paksa. at
na panimula. pansin. kalinawan
KAUGNAYAN Malinaw ang Hindi gaanong Hindi maayos Nakalilito Nakasulat
NG MGA pagkakasunod- mahusay ang ang at walang ng simula 20
KAISIPAN sunod ng pagkakasunod pagkakasunod- pagkakaug subalit
kaisipan. Ang -sunod ng sunod ng mga nayan ang hindi
paliwanang ay kaisipan. kaisipan na mga kinakitaan
madaling halos hindi kaisipan. nang
maunawaan at maunawaan ang maayos na
nakalilibang puntong ugnayan
basahin. ipinababatid. ng mga
kaisipan
KAANGKUPAN Lahat ng Karamihan sa May isa lamang Lahat ng Nakasulat 20
NG paliwanag ay mga paliwanag na paliwanag na paliwanag subalit
PALIWANAG angkop at at sumusuporta sa ay hindi walang
SA PAKSA mahusay na halimbawang paksang angkop sa kaangkupa
nailahad ang inilhad ay tinalakay paksang n sa paksa.
mga angkop at tinalakay
pansuportang mahalaga sa
kaisipan upang paksang
maipaliwanag tinalakay
ang paksa
KAYARIAN NG Lahat ng Karamihan sa Maraming Lahat ng Nakasulat 20
PANGUNGUSA pangungusap ay mga pangungusap na pangungus subalit
P, BAYBAY, mahusay na pangungusap hindi mahusay o ap ay hindiwalang
GAMIT NG nabuo gamit ang ay maayos na maayos ang maayos pagsasaala
MALAKING iba’t ibang anyo nabuo, may pagkakabuo, ang ng-alang sa
TITIK, AT at uri ng maayos na paggamit ng pagkakabu paggamit
BANTAS pangungusap. paggamit ng malaking titik, o, hindi ng iba’t
Wasto ang malaking titik, bantas, at tama ang ibang anyo
pagkakagamit bantas, at baybay ng mga gamit ng at uri ng
ng malalaking baybay ng mga salita. malaking pangungus
titik, bantas at salita. titik, ap,
baybay ng mga bantas, at gayundin
salita. baybay ng ang
mga salita.wastong
paggamit
ng
malaking
titik,
bantas, at
baybay ng
mga salita.
WAKAS Ang pangwakas Ang Sinubukan ng Hindi Nakasulat 20
ng teksto ay pangwakas na manunulat na makatawag ng
nakatatawag ng bahagi ay lapatan ng -pansin pangwakas
pansin at ginamitan ng mahusay na ang na bahagi
angkop sa mahusay na pangwakas pangwakas subalit
paksa. wakas subalit ngunit walang na bahagi hindi
Ginamitan ng hindi koneksyong sa at walang kinakitaan
isang mahusay makatawag- paksa. kaugnayan ng
na pagwawakas pansin. sa paksa. kahusayan,
kalinawan,
at
kaugnayan
sa paksa.
KABUOANG ISKOR 100

19 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Tayahin

I. Panuto: Punan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang
kaisipan sa talata. Pumili ng sagot sa ibaba. Titik lamang ang isulat.

Sa pagsulat ng tekstong ____(1)______ mahalagang isaalang-alang ang


katumpakan ng_____(2)______ nito. Ang mga sumusulat nito ay
kinakailangang may sapat na kaalaman sa _____(3)______, kung kaya’t dapat
sila ay may mga ____(4)____ pinagbabasehan. Dagdag pa, ang sanggunian o
pinagkukunan nila ng _____(5)_____ ay kailangang mapapagkatiwalaan at may
kredibilidad.
A. datos D. paksa
B. impormatib E. sanggunian
C. nilalaman

II. Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pangungusap. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.
1. Ang uring ito ng paglalarawan ay nagbibigay lamang ng kabatiran sa
inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro-kuro ng
naglalarawan.
A. Kakaibang paglalarawan
B. Madulang paglalarawan
C. Masining na paglalarawan
D. Pangkaraniwang paglalarawan

2. Ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay


na buhay na larawan. Dito ay ibinibigay ng manunulat ang isang buhay na
larawan ayon sa kanyang namalas at nadama.
A. Kakaibang paglalarawan
B. Madulang paglalarawan
C. Masining na paglalarawan
D. Pangkaraniwang paglalarawan

3. Ito ay ang pagpapahayag ng ating nakikita, naririnig, at nadarama. Ang


pangunahing layunin ng pagpapahayag na ito ay ang pagbuo ng isang
malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o tagapakinig.
A. Pangangatuwiran
B. Paglalahad
C. Paglalarawan
D. Pagsasalaysay

4. Ginagamit ang pananaw na ito sapagkat marapat na may lubos na


kaalaman ang mga mag-aaral sa paksa at ito’y palagi nilang nakikita at
may kaugnayan sa kanilang karanasan.
A. Pagbuo ng pangunahing larawan
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng sangkap

20 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
5. Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang naglalarawan sa paksang kaniyang
inilalarawan.
A. Pagbuo ng pangunahing larawan
B. Pagpili ng paksa
C. Pagpili ng sariling pananaw
D. Wastong pagpili ng sangkap

III. Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng teksto ang isinasaad sa bawat aytem.
Titik lamang ang isulat sa sagutang papel:
A. Inaasahan o Target na Awtput
B. Mga Kagamitan
C. Metodo
D. Ebalwasyon

1. Nais kong makabuo ng isang magarang kabinet na may apat na hanay


upang magamit ng aking nanay sa pagsasaayos niya ng mga gamit
namin sa kusina.
2. Salamat at nabuo ko na ang kabinet, tama lang ang sukat, nakatutuwa
dahil nagustuhan ni nanay ang aking disenyo.
3. Kakailanganin ko ng martilyo, pako at mga kahoy na may sukat na 2x2
sa pagbubuo ko ng kabinet.
4. Kukulayan ko ng kulay tsokolate ang kabinet upang ito ay umayon sa
pintura ng aming kusina kung kaya bibili rin ako ng kulay puti at kulay
tsokolateng pinturang pangkahoy.
5. Una, bibili na ako ng mga sapat na kagamitan para sa pagbubuo ko ng
kabinet.

21 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Karagdagang Gawain

Upang mas lalo ka pang masanay sa pagsulat, subukan mong gumawa ng isang
sanaysay na naglalarawan. Gawin ito sa malinis na puting papel. Sundin ang
isinasaad sa bawat bilang. Maghanap ng isang paksa na ayon sa iyong interes.
1. Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang sanaysay na naglalarawan.
2. Isipin mo ang “tunay na kuwento” ayon sa mga larawang matitipon mo.
Matapos ang pananaliksik, maaari mo nang matukoy ang anggulo na gusto
mong dalhin sa iyong kuwento kahit na ang bawat ideya ng kuwento ay
pareho.
3. Ang pangunahing mga dahilan ng bawat larawan ay nararapat na lumikha ng
isang kapani-paniwala at natatanging paglalarawan.
4. Ang paglalarawan ay binuo upang gisingin ang damdamin ng mambabasa.
5. Pinakamahusay na paraan upang ikonekta ang iyong sanaysay na larawan sa
madla ay ang mga damdaming nakapaloob dito at gamitin ito sa mga larawan.
6. Maaaring gumamit ng dati o naitabi mo nang mga larawan
7. Magsimula sa paglikha ng isang listahan ng mga kuha para sa paglalarawan.
8. Ang bawat larawan ay tulad ng isang pangungusap sa isang kuwento sa isang
talata.
9. Maaari kang magsimula sa 10 larawan.
10. Ang bawat larawan ay dapat bigyang-diin ang iba’t ibang mga konsepto o
emosyon na maaaring pinagtagpi kasama ng iba pang mga larawan.

RUBRIK SA PAGTATAYA NG SULATIN:


KATEGORYA NAPAKAHUS MAHUSAY BAHAGYA HINDI WALANG TARGET NATA
AY NA NA NG NAKAMIT NAPATUNA ISKOR MONG
NAKAMIT NAKAMIT NAKAMIT ANG YAN
ANG ANG ANG INAASAHA ISKOR
INAASAHAN INAAASAH INAASAHA N (5)
AN N
(20) (10)
(18) (15)

PAGKAMALI Ang May ilang May kaakit- Hindi Nakasulat 20


K-HAIN manunulat natatanging akit na kinakitaan ng simula
ay naglaan aspekto elemento ng subalit hindi
ng natatangi kaugnay ng subalit natatangi kinakitaan
at kaakit-akit paksa. hindi ito at kaakit- ng
na natatangi. akit na kahusayan
pagtalakay elemento. at kalinawan
sa paksa sa
mga larawan,
pagsulat, at
kuwento sa
mga
mensahe sa
larawan.

22 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
PAGLALAHA Ang lahat ng May ilang Gumamit Kinakitaan Nakasulat
D NG elemento ng elemento ng ilang ng ilang ng simula 20
PAGLALARA pagsulat ay lamang ang elemento elemento subalit hindi
-WAN nagamit nagamit subalit subalit kinakitaan
kaugnay ng walang hindi nang
paksa. kaugnayan sumusupor maayos na
sa paksa ta sa ugnayan ng
paksa. mga
kaisipan
PAGSULAT Lahat ng Karamihan Maraming Lahat ng Nakasulat 20
pangungusa sa mga pangungus pangungus subalit
p ay pangungu- ap na hindi ap ay hindi walang
mahusay na sap ay mahusay o maayos ang pagsasaalan
nabuo gamit maayos na maayos ang pagkakabu g-alang sa
ang iba’t nabuo, may pagkakabu o, hindi paggamit ng
ibang anyo at maayos na o, paggamit tama ang iba’t ibang
uri ng paggamit ng gamit ng anyo at uri
pangungusa ng malaking malaking ng
p. Wasto ang malaking titik, titik, at pangungusa
pagkakagami titik, bantas, at bantas, p, gayundin
t ng bantas, at baybay ng baybay ng ang wastong
malalaking baybay ng mga salita. mga salita. paggamit ng
titik, bantas, mga salita. malaking
at baybay ng titik, bantas,
mga salita. at baybay ng
mga salita.
PAGKUHA Lahat ng Karamihan Maraming Lahat ng Nakasulat 20
NG larawang - sa larawang larawang - larawang - subalit
LARAWAN kuha at -kuha at kuha at kuha at walang
ginamit ay ginamit ay ginamit ay ginamit ay pagsasaalan
sumusuporta sumusupor hindi hindi g-alang sa
sa kuwento -ta sa sumusupor sumusupor larawang -
kuwento at ta sa ta sa kuha at
baybay ng kuwento. kuwento. ginamit
mga salita.
WAKAS Ang Ang Sinubukan Hindi Nakasulat 20
pangwakas pangwakas ng makatawag ng
ng teksto ay na bahagi manunulat -pansin angpangwakas
nakatatawag ay na lapatan pangwakas na bahagi
ng pansin at ginamitan ng na bahagi subalit hindi
angkop sa ng mahusay at walang kinakitaan
paksa. mahusay na kaugnayan ng
Ginamitan na wakas pangwakas sa paksa. kahusayan,
ng isang subalit ngunit kalinawan,
mahusay na hindi walang at
pagwawakas makatawag koneksiyon kaugnayan
-pansin. sa paksa. sa paksa.
KABUOANG ISKOR 100

23 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Module 4
CO_Q3_PPIITTP SHS 24
Subukin Balikan Tayahin Pagyamanin
1.A 1. C I. Pagsasanay Bilang 1:
2.B 2. D 1. B 1. D
3.D 3. D 2. C 2. D
4.B 4. D 3. D 3. C
5.C 5. D 4. E 4. A
6.A 5. A 5. B
7.D
8.C II. Pagsasanay Bilang 2:
9.A Tuklasin 1. D 1. KP
10.D 2. C 2. KP
11. B 1.PERSONAL 3. C 3. MP
12. C 2. MALIKHAIN 4. B 4. KP
13. A 3. MAPANGHIKAYAT 5. C 5. MP
14. D 4. IMPORMATIB
15. A 5. TEKNIKAL III. Pagsasanay Bilang 3:
1. A 1. A
2. D 2. B
3. B 3. A
4. C 4. A
5. C 5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Arceo, Liwayway A. Uhaw Ang Tigang Na Lupa at Iba Pang Katha. Manila: Pioneer
Press,1968.

Hernandez, Amado V. Panata ni Pilar Quezon City: Ateneo de Manila University Press,
1969.

Munar, Lina. M., Salvador, Joel S., Victoria, Vasil A., Abejar, Nelia G., and Delos
Reyes, Noel M. Jr. Filipino 2 sa Kolehiyo: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2014.
Salvador, Joel S., Munar, Lina. M., Victoria, Vasil A., Abejar, Nelia G., and Delos
Reyes, Noel M. Jr. Filipino 1 sa Kolehiyo: Komunikasyon sa Akademikong Filipino.
Capas, Tarlac: Hisgophil Publishing Inc. 2013.
Sauco, Consolacion P., Santos, Iluminada C., and Rodriguez, Remedios S. Masining
na Pagpapahayag: Pang-antas Tersyaryo Las Piñas City: Booktime Publication,
2014.

25 CO_Q3_PPIITTP SHS
Module 4
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like