Nang Minsang Naligaw Si Adrian
Nang Minsang Naligaw Si Adrian
Nang Minsang Naligaw Si Adrian
Nang sila’y
nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni
(Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Adrian ang ama. Tinunton nila ang daan papasok sa isang
Dr. Romulo N.Peralta. kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan
ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga.
Sa kaniyang muling pagsasalaysay, ang pangalan at ilang Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit
mga pangyayari ay pawang mga kathang-isip lamang.) na sanga. Napansin niyang tumutulo ang
Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang luha ng anak.
ang naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang “Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.
nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhayang pamilya, “Wala po, Dad.”
natupad ang pangarap niyang Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan
maging isang doktor. ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam
Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin.
kaniyang mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin
nang makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga
walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng
kaniyang mga magulang. puno. Napansin
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at ito ni Adrian.
hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. “Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing
Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang tayo’y nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian.
taon mula nang siyang maging ganap na doktor, pumanaw Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa
ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang kaniyang labi.
pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda. “Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan.
Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik
pagkakataong makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya mo ay hindi ka maliligaw.”
maiwan-iwanan na ama. Naisin man niyang magtrabaho at Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang
manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid, kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan
ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.
kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.
upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa
kahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay.
Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na
nasa kanila nang lahat ang luho at oras na makahanap ng
babaing makakasama habambuhay.
Ayaw rin niyang mapag-isa baling-araw kapag nawala
na ang kaniyang ama. Isang araw, habang nagpapahinga
matapos ang halos limang oras na operasyon, nakatanggap
siya ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng sakit
ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang
palad, naagapan naman niya ang ama.
Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng
buhay na pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag
tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya
namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang
pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa responsibilidad
at magkaroon ng panahon para sa sarili.
“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa
buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko
pong mag-isa balang araw kapag kayo’y nawala.”
Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na
makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at
isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang ama.