Nang Minsang Naligaw Si Adrian

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Nang Minsang Naligaw si Adrian

(Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr. Romulo N. Peralta. Sakaniyangmuling
pagsasalaysay, ang pangalan at ilang mga pangyayari ay pawang mgakathang-isiplamang.)

Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang naiba ang propesyon dahil kapwa
abogado ang dalawang nakatatanda sa kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya,natupad ang
pangarap niyang maging isang doktor. Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang
mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at pumasa sa abogasya.
Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang.
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay nakapagtrabaho sa isang malaking
ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap
na doktor, pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sakaniya ang pangangalaga ng ama
na noon ay maysakit na ring iniinda. Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong
makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin man niyang magtrabaho at
manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na
responsibilidad sakaniyang balikat ang pumipigil sakaniyang mangibang-bayan upang manatili sa piling
ng ama at alagaan ito hanggang sakahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay. Inggit na inggit siya sa mga
kasabayang doktor na nasa kanila nang lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama
habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa balang-araw kapag nawala na ang kaniyang ama. Isang araw,
habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras naoperasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa
kasambahay na sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang
palad, naagapan naman niya ang ama. Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na
pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala ang kaniyang ama. Hindi niya
namamalayan, unti-unti niyang nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa
responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.

“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po ako ng buhay ko.
Ayaw ko pong mag- isa balang araw kapag kayo’y nawala.”

Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang
ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang ama. Naglakbay sila nang halos isang
oras. Nang sila’y nakarating sa isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton
nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-minsan ay tumititigil sila sa
lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga.
Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian. “Wala po, Dad.”

Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha.
Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang
magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit nasanga ng puno. Napansin ito ni Adrian.
“Bakit n’yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo’y nagpapahinga, Dad?,” tanong ni
Adrian.Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi. “Alam ko nais mo akong iligaw sa
loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka
maliligaw.”

Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at
natagpuan ang sariling bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling. Alam ni Adrian na hindi na siya
maliligaw. Hinding-hindi na.

You might also like