Ang Paghuhukom (Thailand)
Ang Paghuhukom (Thailand)
Ang Paghuhukom (Thailand)
Bonifacio
BSEd 4-I
minsay di niya mapaghiwalay ang realidad ng nangyari sa kanyang mga takot at panaginip.
Natakot siya sa dilim, natakot sa malalakas na ingay at sa mga ingay na nagpapaalala sa kanya sa
mga tunog na naririnig niya nang gabing iyon, at antimanong sumayad ang takipsilim ay mabilis
niyang aabutin ang bote para uminom hanggang sa makatulog
Ang balita ng pambubugbog kay Fak ay agad-agad na kumalat sa nayon at hindi nagtagal ay iyon
na lang ang nasa labi ng mga tao, at sa ayos ay wala na iyong katapusan. Gayunman, walang
bumabanggit ng tungkol sa mga taong may kagagawan ng pagkalagas ng mga ngipin ni Fak ay
walang nag-abalang mag-imbestiga o magsampa ng reklamo laban sa mga taong sumalakay sa
kanya. Nag-ipun-ipon ang mga tao sa nayon para pag-usapan ang nangyari ng gabing iyon.
Isang grupo ng mga tao ang nag-usap tungkol sa ibat ibang dahilan na humangga sa pangyayari
at lahat silay nagkaisa na inabot lang ni Fak ang dapat sa kanya. Bagamat silay walang
aktibong kinalaman sa usapin, naisip din nila iyon at ngayoy pinag-uusapan nila iyon nang may
kasiyahan
Sayang at hindi na siya namatay.
Mabuti nga sa kanya.
Mas kasalanan pang pumatay ng aso kaysa pumatay ng isang kagaya niya.
Ang pesteng gaya ng isang yon! Bakit kailangang maawa sa kanya ang kahit sino?
May iba pa, na siyang nakararami, na hindi interesado sa nangyari kay Fak. Nabubuhay sila nang
walang pakialam at hindi sila nag-aabal sa problema ng iba. Kapag nababanggit ang nangyari,
nakikinig sila nang walang interes at hindi nagsasabi ng anumang opinyon. Wala silang
ipinakikitang awa o simpatiya kay Fak kaugnay ng mga nangyayari at wala silang hangaring
mapasangkot. Iisang bagay lang ang laman ng isip ng grupo ng mga taong ito
Wala akong pakialam.
May isa pang grupo ng tao na may makataong pakiramdam at nakakadama ng awa sa taong
pinagsamantalahan o naging biktima ng pang-aapi. Pero sa nayong ito ay hindi ito marami niyon.
Ilan sa kanilay lihim na naaawa kay Fak sa pagkakabugbog dito, bagamat hindi pa nila
tinatanaggap ang katotohanan na hindi nito inaasawa ang sarili niyang madrasta. Para sa mga
taong iyon, magkaibang bagay ang dalawang istorya. Gayunman, wala sa kanilang may lakas ng
loob para tumulong kay Fak. Natatakot sila na sila mismoy maging sentro ng mga tingin ng mga
tao. Kaya kinimkim na lang nila ang kanilang awa sa kanilang sarili at tahimik na ipinasya na
hindi dapat ginawa ng mga sumalakay kay Fak ang ginawa nila.
Sa grupo ng mga taong ito, si Saproe Khai lang ang nangangahas na magbaba ng sarili at
tumulong kay Fak. May mga gabing pumupunta siya sa bahay nito para tumulong sa pag-aalaga
dito at gamutin ang mga tinamo nitong sugat, tulad sa isang ama na nagmaamlasakit sa kanyang
anak
Ay sobra talaga ang ginawa nila ngayon sa yo, ano?
Ito ang mga unang sinabi niya ng makita niya si Fak kinabukasan ng gabing iyon. Hindi sumagot
si Fak, ngumiti lang isang bunging ngiti. Marahil ay dahil masyadong masakit ang bibig niya
kaya ayaw na niyang magsalita, at isa pa, wala siyang masasabi, kundi ngumiti
Lahat ng naganap ng gabing iyon ay naging dahilan para lalo pang magkulong sa sarili niya si
Fak hanggang sa maging mas tahimik pa siya sa dati, na tulad ng isang pipi
May sapat na ideya si Mai Somsong sa nangyari kay Fak. Nagawa niyang hulaan sa
2
pamamagitan ng mga pasa ng mga hiwa at sugat na madali namang makita. Kaya hindi niyang
iniwasang sumunod sa mga ipinag-uutos ni Fak na tulad ng pagsasaing o pagbili ng alak, at
sinikap din niyang huwag gaanong lumapit at abalahin ito, maliban sa kalaliman ng gabi, kapag
nakatulog na si Fak sa kalasingan, ikakabit na niya ang kanyang kulambo at maghihintay siyang
nakabantay. Kapag hindi na ito bumubiling o kumikilos, gagapang na siys sa loob ng kulambo
nito
Patuloy nang ginampanan ni Fak ang mga katungkulan niya bilang dyanitor ng eskuwela
hanggang sa katapusan ng buwan (Agosto), at nang matanggap niya ang huling suweldo niya,
itinabi niya iyon nang buo at hindi bumawas ng kaunti man para iwan sa prinsipal dahil naisip
niya na ganitong wala na siyang pagkukunan ng suweldo na makukuhanan niya ng maitatabi,
ang mangyayari na lang ay magwiwidro siya sa prinsipal. Kailangan niyang tipirin ngayon ang
pera niya at bawasan ang paggasta sa mga bagay na di kailangan, at ang mga bagay na hindi
kailangan para kay Fak ay anag tatlong beses na pagkain araw-araw. Hindi niya kailangang
alalahaning masyado ang tungkol sa pagkain dahil alam niya na makakakuha siya lagi sa templo
ng sapat para ibusog sa sarili kahit isa, kundi man tatlong kainan isang araw. Mas nag-aalala siya
kay Mai Somsong na hindi na makakain nang sapat araw-araw.
Kalagitnaan ng Setyembre
Ang istorya tungkol kay Fak ay nag-umpisang mahawi sa labi ng bawat isa at hindi nagtagal ay
hindi na iyon pinag-uusapan ng mga tao. Ang tanging bagay na lang na interesadong pag-usapan
ng mga tao ngayon ay ang elektrisidad na ikinakabit na sa nayon. Kahit hindi sa ano pa man,
maski paanoy nakatulong iyon para mamatay ang usapan tungkol kay Fak at sa kanyang
madrasta
Lahat ng tao sa nayon ay pursigidong makatulong sa mga trabahador sa paglalagay sa lugar sa
mga kongkretong poste para mas mabilis na matapos ang trabaho. Nakahanda silang lahat na
magsakripisyo ng lakas at salapi para sa kapakanan ng kumportableng kinabukasan at
modernisasyon ng nayon.
May mga taong nangangarap nang makapag-ari ng telebisyon, refrigerator, o bentiladaor. Hindi
na nila alalahanin ngayon ang pagsisindi ng gasera na hindi pa makapagbigay ng sapat na
liwanag para ilawan ang kanilang paligid. Hindi magtatagal at sa halip ay magkakaroon sila ng
mahahabang tubo ng fluorescent para magbigay-liwanag sa kanilang tahanan. Magagawa niyong
ilawan ang buong bahay, at sa kalaliman ng gabi, kung kailangan nilang magpunta sa banyo,
hindi nila kailangang mag-abala pa na magsindi ng gasera at magbitbit niyon papunta sa labas.
Wala silang dapat gawin kundi pindutin ang bukasan at ang buong bahay ay magliliwanag at
iglap na matataboy ang kadiliman sa banyo. At pagdating naman sa
pagpaplantsa ng mga damit, hindi na nila kailangang magpabaga pa ng uling sa mabigat na
plantsang bakal na gaya ng ginagawa nila ngayon. Hindi na sila mamumutol ng mga dahon ng
saging para ilagay sa plantsa at hindi na nila kailangang tiisin ang nakayayamot na ingay ng
nasusunog na dahon. Hindi na sila magbubuhat ng mabigat na plantsa at maliligo sa pawis bago
matapos ang pamamalantsa nila. Sa pamamagitan ng bagong plantsa, wala silang tanging dapat
gawin kundi isaksak ito at hintaying mag-init at, gayundin, magiging singgaan lang iyon ng pagaangat sa isang balahibo. Nagkuwentuhan at nag-usap-usap ang mga tao tungkol sa pagsasaing at
pagluluto ng isda, at wika nilay hindi na sila maniningkayad ngayon sa harap ng apoy sa loob ng
kalahating oras o higit pa, na mawawala ngayon ang kanilang pag-aalala na baka masunog o
lumata ang sinaing, na hindi na sila mag-aaksaya ng oras at magagamit pa nila sa ibang gawain.
Sa bagong de-koryenteng rice cooker, wala silang gagawin kundi isaksak iyon, I-set ang orasan
at iwan na, at pag handa na ang kanin, bahala na iyong kusang mamatay. Hindi na sila ngayon
mauupo sa harap ng mainit na kalan, nagbabantay at nagpapaypay ng apoy, naggagatong ng
kahoy, etsetera. Pag mayroon na silang refrigerator, makakagawa na sila ng sarili nilang yelo at
magkakaroon ng malamig na tubig na pamatid-uhaw kahit kailan nila gusto. Makakapag-imbak
sila ng gulay at karne at magkakaroon ng sariwang pagkain sa lahat ng oras. Hindi na sila magiimbak ng pagkain sa palayok para mawala lang ang lasa ng baka o baboy na tulad ng kaso
3
ngayon
Ang mga bagay na ito ang mga pangarap at usapan ng buong nayon
Hindi nagtagal at lahat ng iyon ay naging katotohanan at ang buong nayon ay nagliwanag
Hindi natutuwa si Fak tungkol sa pagkakakabit ng koryente at wala siyang nadaramang inggit o
panibugho sa iba. Lahat ng mga oras na gising siyay nauubos sa bote ng alak at ngayong wala
na siyang responsibilidad ng pagtatrabaho, ganap nang malaya ang lahat ng araw niya. Hindi
Hindi ginamit ni Fak ang mga libreng oras niya sa paghuhukay o pagtulong sa pagtitindig ng
mga poste ng ilaw gaya ding hindi niya ginamit ang mga libreng oras niya para magpunta sa
kabayanan at tumingin ng mga de-koryenteng gamit na tulad ng ginagawa ng iba.
At hindi siya nakadama ng bugso ng tuwa at nagtatakbo para mag-usyoso nang makita niya ang
mga taong may dalang bentilador, rice cooker, o iba pang de-koryenteng gamit mula sa mini-bus
ni Ai Kleeio na kararating lang mula sa kabayanan. Karamihan sa mga de-koryenteng gamit ay
aalisin sa kahon at ididispley sa tindahan ni Pa Chua at maiipon ang pulutong ng mga tao para
mag-usyoso, at alam ng lahat kung sino ang bumili ng ano. Paminsan-minsan, ang delivery van
ng tindahan ng mga de-koryenteng gamit mula sa bayan ay maghahatid ng mga refrigerator at
telebisyon, o kayay darating ang tauhang magkakabit ng antena ng t.v. Itoy lagi ng tumatawag
ng malaking interes at magkukulumpon ang mga tao para mag-usyoso. Sa bawat pagkakataon na
idineliber ang isang gamit sa bahay ng isang tao, isang prusisyon ng mga tao ang susunod sa
sasakyan at manonood sa ginagawa. Kung set ng telebisyon, mananatili roon ang mga tao
hanggang sa lumitaw ang palabas sa screen. Hindi kasinglinaw ang palabas sa telebisyon sa
bahay ng prinsipal, pero mas maganda ang set kaysa sa bahay ng Kamnan, kanya-kanya silang
sabi ng opinyon depende sa sarili nilang palagay.
Hindi interesado si Fak alinman dito at hindi kailanman nakisali sa prusisyon ng mga tagasunod.
Nasisiyahan na lang siya na hindi na siya gaanong pinapansin ng mga tao na gaya ng dati.
Ginagamit pa rin niya ang kanyang maliit na ilawang-langis para ilawan ang kanyang bahay at
nanatiling kuntento sa kanyang lumang lutuan ng kanin at bumabagsak nang kalan, at ang
hanging umiihip sa loob ng kubo niya ay sapat na para siya mapreskuhan. Natitighaw pa rin ang
kanyang pagkauhaw ng tubig-ulan na inimbak niya sa bariles sa tabi ng kanayng dampa at
maligaya na siyang manatili sa ganitong pamumuhay. Napakatamad niya para matuwa at hindi
niya maintindihan kung ano ang nakakatuwa. Walang bagay sa buhay niya na karapat-dapat
pagtindigan ng pag-asa at ang tanging bagay na naghahatid sa kanya ng tuwa ay ang pagpunta sa
paradahan upang bumili ng alak
Hindi na nag-aabala si Fak na alagaan ang kanyang sarili. Hinayaan na niyang dumumi ang
kanyang katawan at hindi na tumitingin pa sa salamin para alamin ang kanyang hitsura. Nagumpisa siyang mangamoy at nagpatuloy ang pagsama ng hitsura niya sa bawat araw na magdaan.
Hindi niya namamalayan ang mga pagbabagong nagaganap sa kanya at hindi niya napapansin
ang manilaw-nilaw na mantsang lumilitaw sa katawan niya o ang paninilaw ng puti ng kanyang
mata.
Ang tanging alam niya ay ang pangyayari na pag hindi siya nakainom agad pagkagising niya,
hindi siya magkakaroon ng lakas na harapin ang maghapon. Kahit tangkain niyang angatin ang
tabo ng tubig para hilamusan ang kanyang mukha, talagang ni wala siyang lakas para gawin
iyon. Manginginig ang kanyang kamay at makakadama siya ng pagkainis. Napakalaking abala
niyon para sa kanya at hindi niya magawang iangat ang kahit ano maliban sa bote ng alak, at
tuwing tutungga siya mula sa bote, nadarama niyang bumabalik ang kanyang lakas.
Alam niyang sumasakit ang kanyang gilagid tuwing ngunguya siya ng pagkain, at napansin
niayng nag-uumpisang mamanas ang kanyang mga paa, pero ikatuwiran niya na itoy bunga ng
labis paglakad niya at iyon naman ay gagaling din.
4
Kapuri-puri ang asal ni Mai Somsong. Ang buhay niya sa piling ni Fak ay simple lang at hindi
palahingi. Nagpatuloy siyang mabuhay sa dating istilo niya at kuntento na ang kayamanang
iniipon niya sa kubo ay nadagdagan na at ptuloy na nadaragdagan sa bawat araw.
Mga basag na pinggan, mga bunging tasa, may lamat na baso, bao ng niyog, bulaklak na papel,
basyong lata, at iba pa. Itinatabing lahat iyon ni Fak sa kubo nang walang pag-aalala na itatapon
iyon ni Fak gaya na dati. Hindi lamang nadagdagan ang kanyang kayamanan, kundi nadagdagan
pa ang panahon niya para maupo at hangaan ang mga iyon. Araw at gabi ay mauupo siya roon at
masusing eeksaminin ang mga ito mula sa paningin ng isang eksperto, sa paraan na sinusuri ng
isang propesyunal na kolektor ang halaga ng isang bagay sa kanyang koleksiyon.
Kapag nangyayari na masyadong natatamad si Fak para intindihin ang pagkain niya, siya mismo
ang pupunta at kukuha niyon sa mga batang templo. Minsay aalis siyang maraming dala,
minsay kaunti lang, depende sa kung ano ang ibigay sa kanya ng mga katulong para siya
mabuhay. Ang mga gabi niyay hindi na balisa na tulad noong mga araw na hindi siya puwedeng
mahiga sa tabi ni Fak at yakapin ito sa kalaliman ng gabi.
Kahit pa kailanmay hindi ibinili ni Fak ng bagong damit si Nang, hindi iyon problema para sa
babae. Maaari pa naman niyang isuot ang kanyang mga lumang damit, sa kabila ng pangyayaring
marurumi at punit na ang mga iyon at naglalantad sa isang pirasong hita dito at doon. Walang
pumapansin sa kanya. Naliligo pa rin siya araw-araw, nagsusuklay ng kanyang buhok at
humuhuni ng kanyang awit pagsayad ng gabi
Kahit naninirahan silang magkasama sa iisang bubong, ang kanilang buhay ay nasa magkalayong
daigdig.
Para kay Mai Somsong, oras na nakakain na siya ng almusal ay lalabas na siya upang maghanap
ng kayamanan, minsay umaalis siya ng bahay bago pa man magising si Fak. Hahanapin niya
ang kanyang kayamanan sa lahat ng sulok na pagdalhan sa kanya ng kanyang mga paa. Minsay
titindig siya roon at tititig sa mga poste ng komunikasyon na kasalukuyang itinatayo at
mangunguha ng mga piraso ng kawad ng koryente at kapag nakalikom na siya ng sapat na dami
ng piraso ay babalik na siya sa bahay. Walang pumapansin sa kanya habang pagala-gala siya sa
maghapon. Kapag napagod na siya sa kalalakad, magpapahinga siya sa entablado ng maliit na
opentheater. Kapag nagutom siya, lalabas na siya uli.
Sa gabi, hihintayin niyang makatulog si Fak sa kalasingan. Sa mga huling sandali bago ito
maidlip, maririnig niya itong bumubulung-bulong, Umalis ka dito layas kinasusuklaman
kita magpapa-ordina ako. Ibig kong magpa-ordina... Ikaw ang dahilan kaya sige umalis
ka rito. Ganoon lagi gabi-gabi. May mga gabing maririnig din ang musika ng chanting. Oras na
makatulog na ang lalaki, ikakabit na ni Nang ang kulambo at gagapang sa loob upang matulog sa
tabi ni Fak. Pagdating ng umaga, mabilis siyang lalabas bago ito magising
Malamang ay hindi naiintindihan ang ibg sabihin ni Fak pag sinasabi nito, Umalis ka ikaw
umalis ka dito Patuloy na nanatili doon si Nang at walang ipinakikitang intensiyon na umalis.
O marahil ay iniisip ni Nang na nagsasalita lang ng ganoon si Fak dahil lasing ito kaya hindi niya
pinapansin ang pang-aabuso ng lalaki. O maaari din namang dahil wala siyang ideya kung saan
siya pupunta. Ang buhya ni Nang ay nakatagpo na ng puwang sa nayong ito at sa ayos ay tila
dito siya nakatalagang manatili. Sino ang makagsasabi
Hindi pumatak ang ulan saloob ng maraming araw, samakatuwid ay tapos na ang panahon ng
tag-ulan. Ang pagkawala ng ulan ay proseso ng kalikasan na hindi mapipigil ninuman o
maiiwasang mangyari. Dumaan ito nang matahimik at halos hindi napapansin.
Lahat ng bagong kuti sa templo ay kumpleto na ngayon at ang natitira na alng ay maliliit na
trarbahong magagawa ng mga trabahador. Mga isa-dalawang araw na lang para sila matapos
nang husto. Ang komite ngmga sibilyan ay nagdaos ng pulong para itakda ang araw ng pag-aalay
ng mga robang Kathin at disidido sila na maging araw din iyon ng paggunita sa pagkayari ng
5
Nnag gabing iyon, sinuman kina Fak o Mai Somsong ay hindi na nanood na palabas. Si Fak ay
natatakot lumabas sa dilim at si Mai Somsong ay natatakot pa rin na kailanganin niyang isauli
ang lipistik, kaya hindi nangahas na lumabas
Ang mga bagong kuti, na nakahilera sa magkabilang gilid ng lupa ng templo, ay napakaganda.
Itinayo sila sa tradisyunal na istilong Thai at dalawang palapag ang itaas. Sa gitna ay an kogedor
at ang itaas ay ang bulwagang dasalan. Paglatag ng dilim, ang templo ay naiilawan ng dekoryenteng liwanag.
Regular na naglilitawan ang mga antena ng telebisyon sa bubong ng mga bahay ng mga taong
may kauting pera. Para sa mga taong nangangarap pa lang ng telebisyon, kailangan nilang
pumunta at makipanood sa bahay ng kanilang kapitbahay o kaibigan
Ang modernisasyon na dumating sa nayon, hindi nagtagal ay naging ordinaryong bagay na lang
dahil kinasanayan na iyon ng mga tao at ang tuwang naghari noong unang ikinabit ang koryente
ay namatay na.
Gusto ng ilan sa kanilay itaboy nang tuluyan si Fak sa nayon dahil wala namang pakinabang ang
sinuman sa pagiging narito nito, liban sa nagagamit nila ito bilang masamang halimbawa kapag
tinuturuan nila ang mga bata. Ang tanging bagay na pumipigil sa kanilay si Luang Pho na
tumatangging ipagtabuyan si Fak, dahil doon ito nanirahan sa lupa ng templo.
Kasabay ng pagkakaroon ng interes kay Fak, tumitingkad ang pagiging abnormal ng kundisyon
ng lalaki. Lalo pang nanilaw ang kanyang balat na para bang pinulbusan niya niya ang sarili ng
tumeric, at ibat ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinubuan ng mga pasa at namumulanamemerdeng mga marka. Ang sakong niya ay lubhang namaga na para bang namemeligro na
iyong pumutok, at bagamat ang katawan niyay patpatin at tuyo, malakit namamaga ang
kanyang tiyan, ang nagbibigay sa kanya ng itsura ng isang buntis na babae. Nag-aalsahan ang
mga ugat sa kanyang tiyan, at, hindi pa yata sapat iyon, lumaylay at lumaki ang kanyang mga
suso na tulad sa isang nagdadalaga. Kinukutya siya ng ilang tao sa pamamagitan ng pagsasabing,
Lumalaki ang suso ni Ai Fak at siya ay buntis. Hindi magtatagal at manganganak na iyan. Sabi
pa ng ibay nabuntis siya ni Ee Somsong. Sabi naman ng ibay napalitan ang kanyang katawan
ng katawan ng isang babae dahil inasawa niya ang asawa ng kanyang ama.
Karma. Nakakarma siya sa harap mismo ng ating mga mata.
Sa nagdaang panahon si Fak ay ginagamit bilang magandang halimbawa ng isang mabuting
kabataan sa nayon, pangangaraln ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng
pagsasabing, Bakit hindi kayo tumulad kay Fak?
At ngayon, si Fak ay minsan pang ginagamit na halimbawa upang ipakita na hindi na kailangang
maghintay pa muna ng kamatayan para tanggapin ang resulta ng masasamang gawa o para
mahulog sa impiyerno. Tumatanggap na siya ng kaparusahan ngayon, dito sa buhay na ito.
Gawin nyong halimbawa si Ai Fak.
Hindi ganap na tamang sabihin na si Fak ay lubos na walang silbi sa nayon, dahil, manaka-naka
kapag nagloloko ang mga bata o ayaw magpakatino, tatakutin sila ng kanilang mga ina sa
pamamagitan ng pagsasabing,
Pag hindi ka huminto sa kaiiyak, darating si Ai Fak para kunin at isama sa kanya.
Pag narinig na nila ito, hihinto na agad sa pag-iyak ang mga bata at uupo roon nang walang kilos
sa matinding takot.
Ilan sa mga batang lalaki na nakakakita ng kasiyahan sa panunudyo at kapilyuhan ang
nagsasamantala nang husto sa hitsura ni Fak para magkatuwaan sila. Tutuksuhin nila at tutudyuin
7
si Fak hanggang sa habulin sila nito at sikaping hulihin. Pero walang paraan para mahuli ng
mataba at tamad na katawan ni Fak ang mga bata. Pag nanunudyo, ang isinigaw nila,
Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!
Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya! magpapalakpakan ang iba pang mga
bata sa paligid at didilaan si Fak at ngingiwian pag dumaan ito sa tapat nila. Oras na nagalit na si
Fak at hinabol na sila, magtatakbuhan na ang mga ito at kakalimutan na ang kanilang mga
kaibigan. Bahala na ang isat isa sa sarili nilang kaligtasan.
Tinangka ni Lung Khai na patigilin siya sa pag-inom, pero huli na. Hindi titigil si Fak at ni
hindi niya iniisip ang posibilidad ng pagtigil. Pinayuhan siya ni Lung Khai na pumunta sa
kabayanan at magpatingin doktor, pero ganito lang ang isinasagot ni Fak,
Ayos lang ako. Wala akong sakit.
At ayon sa pagkaunawa ni Fak sa salitang Ayos, ayos si Fak at magpapatuloy na ganoon, kahit
papalapit na ang panahon ng taglamig.
Ang totoo, sa ganang mga taganayon, hindi talaga istorbo ang panahon ng taglamig, dahil ang
panahon ay hindi singlamig ng ibig ipakahulugan niyon. Lumalamig lang nang kaunti ang
panahon at nagiging mas maginhawa.
Sanggunian:
http://daluyanngdiwaatpanitik.weebly.com/index.html 10:23PM 10/8/2014