3rd Quarter ESP-2023
3rd Quarter ESP-2023
3rd Quarter ESP-2023
Department of Education
______28. Ano ang dapat mong gawin kung gusto mong manalo sa paligsahan?
A. Manggaya sa iba lalo na sa may marami nang napalunan.
B. Pag-isipan ang tamang paggawa sa oras ng patimpalak.
C. Gamitin ang kakayahan na makapagpinta batay sa tamang pamantayan.
D. Humingi ng tulong sa upang mapabilis ang paggawa.
_______29. Ang mga sumusunod ay mga kasanayan upang mapahusay ang paggawa
maliban sa ________.
A. Magpokus at ituon ang pansin sa gawain.
B. Kapag nagkamali ay agad gumawa ng paraan para maitama ito.
C. Humanap ng shortcut kapag hindi pa alam ang gagawin.
D. Humingi ng mungkahi upang mas mapahusay ang paggawa.
______30. Ang etika sa paggawa ay ang tamang pagtingin sa paggawa at pagkakaroon ng
mabubuting katangian at kakayahan. Alin sa mga sumusunod ang dapat gawin
ni Isabel upang maisabuhay ang etika sa paggawa?
A. Pagpapanatili ng de-kalidad na trabaho
B. Pagpapaliban sa pagtapos ng gawain
C. Pagsuko kapag nahihirapan sa gawain
D. Pagkopya sa gawa ng iba
______31. Alin sa mga gawain ang nagpapakita ng de-kalidad na pagganap?
A. Gawin kaagad ang mga bagay na ipinagawa sa iyo at ipasa sa takdang oras.
B. Sumunod sa tamang pamantayan sa paggawa.
C. Pagbutihin ang ginagawa upang maipagmalaki ito.
D. Tama ang lahat ng sagot.
_______32. Sino sa kanila ang sumusunod sa pamantayan sa paggawa at malamang na
maging matagumpay balang araw?
A. Si Leo na masipag maglaro sa araw at gabi.
B. Si Pedro na gumagawa kung nakatingin ang amo.
C. Si Jose na tinatapos ang trabaho sa tamang oras.
D. Si Juan na gumagawa nang dahil sa sahod.
_______33. Kahit nahihirapan si Ana, pinag – aaralan niya nang mabuti ang pananahi,
gamit ang makina. Pagdating ng tamang panahon, hindi na siya mahihirapang
humanap ng trabaho. Ano ang masasabi mo sa kaniyang ginawa?
A. Pinalawak at pinabuti niya ang kaniyang kakayahan bilang paghahanda.
B. Siya’y nagkulang ng tiwala sa kaniyang sarili.
C. Si Ana ay hindi makapaghintay ng tamang panahon.
D. Nawala ang dati niyang gana sa pananahi.
_______34. Sino ang dapat tularan?
A. Si Rojohn na gumagawa ng lumang basahan sa maghapon.
B. Si Allen na hindi maayos ang mga gawa pero marami at mabilis.
C. Si Joffrie na pinipili ang mga tela at kulay na gagamitin upang gumanda at de-kalidad ang
maging yari ng basahan.
D. Si Rey na ipinasa ang proyektong basahan kahit hindi pa tapos.
______35. Kailan dapat tapusin ang isang gawain na iniatas sa iyo?
A. sa itinakdang oras o sa susunod na araw
B. kahit kailan mo ito gustong tapusin
C. sa itinakdang oras o mas maaga pa
D. kapag paulit-ulit nang ipinapapasa ang gawain
______36. Gabi na at wala pang ilaw sa inyong tahanan dahil sa bagyong dumating. Wala na ring
ibinebentang kandila sa tindahan. Ano ang pinakamainam mong gawin na magpapakita ng iyong
pagkamalikhain?
A. paisa-isang sindihan ang posporo
B. matiyagang maghintay na bumalik ang kuryente
C. gumawa ng ilawan gamit ang mantika, asin at bulak
D. manghingi ng kandila sa kapitbahay
______37. Dala-dala mo ang proyekto na isusumite mo sa iyong guro dahil deadline na. Sa hindi
inaasahang pangyayari, nabitawan mo ito at nadumihan. Ano ang maaari mong gawin?
A. ulitin na lamang at ipasa kinabukasan
B. ibilad sa araw at patuyuin pagdating sa klase
C. i-photocopy ito at ipasa sa guro
D. lagyan ng disenyo ang bahaging nadumihan
______38. Bibisita ang mga pinsan mo sa susunod na Linggo. Kulang ang inyong
mga unan sa bahay na ipagagamit sa kanila. Ano ang maaari mong gawin upang mabigyan ng solusyon
ang problema?
A. gumawa ng unang yari sa pinagugupit-gupit na pakete ng pagkain
B. humingi ng pera upang bumili ng mga bagong unan
C. hayaan ang mga magulang na mag-isip ng solusyon
D. pauuwiin mo ang iyong mga pinsan
______39. Buwan ng Mayo at walang pasok. Ano ang pinakamagandang gawin upang ikaw ay maka-ipon
ng pera para sa iyong pambaon sa pasukan?
A. humingi kay nanay at tatay
B. sumali sa mga liga sa barangay
C. magbakasyon sa malayong lugar
D. magbenta ng halo-halo at mga kakanin
______40. Dali-dali kang naglalakad papasok sa paaralan dahil kayo ay may pagsusulit. Natalsikan ng
putik ang malaking bahagi ng inyong uniporme. Ano ang pinakamainam mong gawin?
A. bumalik sa bahay upang palitan ang nadumihang uniporme
B. hayaan na lamang at huwag pansinin ang nadumihang uniporme
C. labhan ang nadumihang uniporme pag-uwi sa bahay
D. hubarin ang suot na jacket at ilagay sa beywang upang hindi mahalata ang putik sa uniporme
______41. Kapag ang tao ay hindi kasangkot sa pagbebenta, pangangalakal, pangangasiwa, pamamahagi,
paghahatid ng mga pinagkukunan at mga
kailangang kemikal o bilang tagatustos ng ilegal na droga, siya ay sumusunod sa anong batas?
A. Batas Pambansa Blg. 9165 C. Republic Act 8749
B. Republic Act No. 875 D. RA 9275
______42. Ano ang inaasahang gampanin ng mga mamamayan sa mga batas?
A. Tuparin kapag may nakatingin
B. Tuparin ang makayang matupad
C. Tuparin at isagawa para sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa
D. Tuparin paminsan minsan dahil hindi naman lahat maganda
______43. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng pagtupad sa batas para sa kaligtasan sa
daan?
A. Pagmamaneho ng walang lisensya
B. Pagmamaneho ng may suot na helmet
C. Pagpapaupo ng sanggol sa unahan ng sasakayan
D. Pagpapaupo sa sasakyan ng walang seatbelt
______44. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa Republic Act No. 9211?
A. Paggamit ng sigarilyo sa loob ng restawran.
B. Paninigarilyo sa loob ng silid aralan
C. Pagbenta ng sigarilyo at sa loob at labas ng paaralan
D. Pagbabawal sa mga menor de edad sa pagbili ng sigarilyo.