FIL.9 - Q3 - Weeks5to8 - Binded - Ver1.0 Final

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 41

9

Modyul sa Filipino
Ikatlong Markahan – Linggo Blg. 5 – 8
9
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Tunggalian sa mga Napanood,
Iugnay sa Kasalukuyan
Etimolohiya ng mga
Salita,Tukuyin
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Tunggalian sa mga Napanood, Iugnay sa Kasalakuyan
Etimolohiya ng mga Salita, Tukuyin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Iris S. Mauricio at Rowena T. Totto

Editor: Maureen Ava B. Collado


Juliet C. Contreras

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba


Julie B. Sohal

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza


Julie B. Sohal

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: [email protected]
Alamin
Sa kasalukuyang panahon, malaki ang gampanin ng telebisyon, radyo, social media
platforms, at teknolohiya sa paghubog ng kamalayan ng bawat tao. Maging bata man ito o
matanda, naging bahagi na ng buhay natin ang pagtutok at paggamit ng mga gadyet dulot
ng makabagong teknolohiya. Isa ang telebisyon sa napakabisang instrumento upang
maipabatid ang mga kaalamang pambansa, mahahalagang impormasyon, anunsiyo, at
kung ano-ano pang mga kabatiran. Sa araling ito, matutuklasan natin ang bisa at uri ng
ilang mga programang pantelebisyong kapaki-pakinabang para sa mga mag-aaral na tulad
mo. Gayon din, sisikapin mong alamin ang mga pinagmulan ng mga salitang iyong
binibigkas. Saan kaya hango ang mga wikang ito? Halika, usap tayo!

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin tungkol sa:


● Pagtukoy sa etimolohiya o pinagmulan ng salita
● Pag-uugnay sa kasalukuyan ng mga tunggaliang (tao vs. tao/ tao vs. sarili)
napapanood sa mga programang pantelebisyon

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:


1. Natutukoy ang pinagmulan ng salita (etimolohiya); (F9PT-IIId-e-52); at
2. Naiuugnay sa kasalukuyan ang mga tunggaliang (tao vs. tao/ tao vs. sarili)
napapanood sa programang pantelebisyon. (F9PD-IIId-e-51)

Subukin

Batid kong nakapanood ka na ng iba’t ibang programa sa telebisyon. Nagkaroon ka na


ng paborito at sinusubaybayan mo ito sa tuwing ito ay ipalalabas. Subukin mong sagutin
ang paunang pagsasanay na ito.
Gawain 1
Panuto: Tukuyin kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat pahayag ukol sa
programang pantelebisyon. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_______________ 1. Ang telebisyon ay isang mabisang midyum sa paghahatid ng
mahahalagang pangyayari sa bansa at nagbibigay-aliw sa mga manonood.
_______________ 2. Ang mga programang pantelebisyon ay pawang mga kathang-isip lamang
ng mga manunulat upang makakuha ng atensiyon ng mga manonood.
_______________ 3. Ang etimolohiya ay pag-aaral tungkol sa pinagmulan ng isang salita.
_______________ 4. Ang tunggalian ay naglalahad ng pakikipaglaban ng pangunahing
tauhan, maaaring sa kaniyang sarili, sa ibang tao, sa kalikasan o sa lipunang kaniyang
ginagalawan.
_______________ 5. Ang sibuyas ay hango sa wikang Kastila na chinellas.

Gawain 2
Panuto: Tukuyin kung saan hango ang sumusunod na mga salita. Hanapin ang sagot
sa kahon at isulat sa patlang bago ang bilang.

calendario familia cha educacion


jardin revolucion ventana padre
epos career

_______________1. pari _______________6. epiko


_______________2. pamilya _______________7. rebolusyon
_______________3. hardin _______________8. bintana
_______________4. karir _______________9. tsaa
_______________5. Huwebes _______________10. edukasyon

1
Tunggalian sa mga Napanood,
Aralin
Iugnay sa Kasalukuyan
1 Etimolohiya ng mga Salita,
Tukuyin
Maraming nahuhumaling at nagiging pampalipas oras ang panonood ng telebisyon.
Nagiging kasalo na natin ang iba’t ibang mga programang pantelebisyon mula sa pag-
aalmusal sa umaga, sa panananghalian, maging sa paghahapunan, at bago matulog.
Mapalad tayong mga Pilipinong makapanood at makaranas ng mga de kalibreng
programang inihahandog sa ating mga tahanan buhat sa iba’t ibang mga estasyong
pantelebisyon. Sa ating pakikipagtalastasan naman, marami tayong mga salitang ginagamit
na hango sa iba’t ibang wika at dulot na rin ng impluwensiya ng mga dayuhan sa ating
bansa. Kaya mo bang magamit ang mga ito sa iyong pakikipagkomunikasyon? Simulan na
ang pagpapalawak ng kaalaman sa ating paksa.

Balikan

Bago mo tahakin ang panibagong aralin, balikan mo muna ang ilang mga konsepto
ng paksang tinalakay noong nakaraang aralin.
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga tagpo batay sa akdang tinalakay noong
nakaraang pagkikita at sa tulong ng mga transitional devices na matatagpuan sa bawat
pangyayari. Lagyan ng bilang 1 hanggang 5 ang bilog sa kaliwang bahagi. Bilugan din ang
mga transitional devices na ginamit

Pagkatapos nilang magtalo ng kaniyang ate Almira dahil hindi sa kanila sila
magpapasko, may narinig silang malakas na kalabog.

Sa simula, inihabilin ni kuya Pedring kay Boy ang kapakanan ng kanilang ina.

Sa sumunod na mga buwan, buwan ng Kapaskuhan, ito ang hinihintay ng ina


upang mabuo ang kanilang pamilya.

Habang nag-uusap ang dalawa ay narinig ng ina ang boses ni Pedring.

Sa huli, tanging ang mga lumang larawan na lamang ang magpapagunita kay
Boy sa mga alaalang naiwan.

Tuklasin

Subukin mong kilalanin kung ano-anong mga programang pantelebisyon ang


ipinakikita ng sumusunod na mga simbolo o logo ng mga panoorin sa ating bansa.

2
Ang akdang babasahin mo ngayon ay tungkol sa pinagmulan ng Monito at Monita
na nakagawian na ng mga Pilipino tuwing darating ang panahon ng pasko. Halaw ito sa
isang programang pantelebisyong Daig Kayo ng Lola Ko na napanonood sa GMA 7 tuwing
Linggo ng gabi mula noong Abril ng 2017. Kinatatampukan ito nina Lovi Poe at Benjamin
Alves na isinasalaysay ni Bb. Gloria Romero bilang si Lola Goreng sa kaniyang mga apong
sina Jillian Ward, David Remo, Chlaui Malayao, at Julius Miguel.
Umpisahan mo ito sa paghawan ng mga balakid sa pag-unawa sa pamamagitan ng
pagbibigay-pansin sa ilang mga salitang mababasa sa akda. Maaari mong mapanood sa
kawing na https://m.facebook.com/watch/?v=1742904372448745&_rdr.

Talasalitaan
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nakasalungguhit.

____________________ 1. Ipinagbili ni Monito ang laket na isa sa pinakamahalagang bagay sa


kaniya na mula pa sa kaniyang lola.
____________________ 2. Piluka na lamang ang ginagamit niya sa tuwing lalabas siya dahil
sa unti-unting pagkapanot ng tuktok ng kaniyang ulo.
____________________ 3. Masaya si Monito na nabili niya ang payneta para sa asawang may
ubod ng haba, makintab, at magandang buhok.
____________________ 4. Itinabi niya sa isang sisidlan ang kuwintas na binili na
ipansusurpresa sa asawa.
____________________ 5. Inilabas niya ang handog sa kaniyang asawa mula sa tsaleko na
kaniyang suot.

Monito, Monita…Ano ang Regalo Mo?


Namumuhay nang payak ang mag-asawang sina Monito at Monita sa isang payapang
nayon kasama ang alaga nilang aso na si Porsya. Bagamat simple ang buhay, kailangan pa
ring magtrabaho ni Monito upang maibigay ang pangangailangan nilang mag-asawa. Halos
araw-araw ay umaalis ng bahay si Monito upang maghanap ng trabaho ngunit tila mailap
ito sa kaniya. Naiiwan parati si Monita sa bahay kasama si Porsya. Madalas nilang nagiging
pampalipas ng oras ang paghagod at pagsusuklay sa mahaba, makintab, at napakagandang
buhok ni Monita.
Sa pagpapalit ng mga araw, hindi pa rin nakahahanap ng trabaho si Monito kung
kaya kinausap niya ang asawa sa kung ano ang dapat nilang gawin upang makaraos sa
mga pangangailangan sa mga susunod pang mga araw.
“Mahal, ibenta ko na kaya ang laket na ito para may panggastos tayo?”
pagsisimula ni Monito.
“Pero…minana mo ito sa lola mo, di ba? Hindi ba, mahalaga para sa iyo ito?” tugon
naman sa kaniya ni Monita.
“Ito na nga ang pinakamahalagang bagay na mayroon ako, pero gipit na tayo. Kaya
kung kailangan kong isakripisyo ito, gagawin ko. At saka, hindi ko na rin naman magagamit
ito, wala na ang kuwintas na kasama nito,” pagpapatuloy ni Monito.
“Monito, huwag mo munang isipin iyan ha, gagawa ako ng paraan. Marami pa
naman akong mga gamit na maaaring ipagbili e. Kaya, ako na ang bahala,” buong
pagmamalasakit na tugon ni Monita.
Buong araw na nag-isip si Monita kung paano matutulungan ang asawa. Kasabay
pa nito ay ang nalalapit na kapaskuhan ngunit wala pa siyang maireregalo sa kabiyak. Nang
umalis na si Monito upang maghanap muli ng trabaho, naisipan ni Monita na magtungo sa
bilihan ng mga alahas. Nakakita siya roon ng kuwintas na babagay sa laket ng kaniyang
asawa. Nais niya sana itong bilhin upang iregalo sa asawa ngunit wala siyang perang
pambayad nito.
Sa kaniyang pag-iisip, sumagi sa isipan ni Monita ang manggugupit ng buhok sa
kanilang nayon. Maaari niyang ipagupit at ipagbili ang kaniyang buhok upang magawang
piluka at nang kumita siya ng perang maipambibili ng regalo sa asawa.

3
Naisakatuparan niya ang planong iyon ngunit kailangan niyang itago sa loob ng
kaniyang belo ang maikling buhok upang hindi mapansin ng asawa. Nabili nila ang
kuwintas na ipanreregalo para sa darating na pasko.
Habang abala si Monita sa kaniyang surpresa, itinuloy ni Monito ang pagbebenta ng
kaniyang laket upang may maipambili ng regalo kay Monita bilang pamasko. Matapos
maibenta ang laket ay bumili naman siya ng payneta na magagamit ng asawa sa mahaba
at maganda nitong buhok.
Kinagabihan, nang sila’y magkita nang muli, pilit na itinatago ni Monita ang umikli
niyang buhok. Hanggang sa pagtulog ay nakatakip ito na sa paniniwala ng kaniyang asawa
ay kailangan itong takpan dahil sa kung anong langis ang ipinahid niya rito. Ngunit
kinaumagahan, hindi inaasahan ni Monita na matanggal ang pagkakatakip nito. Hindi
makapaniwala si Monito sa nakitang nawala na ang mahabang buhok ng asawa.
“Huwag ka munang magalit Monito, magpapaliwanag ako,” pagmamakaawa ni
Monita.
“Bakit ka nagpagupit nang hindi nagsasabi sa akin, napakaikli pa oh!”
“Napapangitan ka na ba sa akin, mahal ko?”
“Hindi naman sa ganoon Monita, hindi ba dapat bago tayo magdesisyon ay kinokunsulta
natin ang isa’t isa. Hindi natin napag-usapan ‘to! Hindi mo nasabi sa akin ang plano mo!”
“Alam ko naman kasi na hindi ka papayag at saka gusto mo na mahaba ang buhok
ko,” pagpapaliwanag ni Monita.
“Iyon naman pala e, alam mong hindi ko ikatutuwa, bakit ginawa mo pa rin!”
pagmamaktol niya.
May kinuhang sisidlan si Monita at ipinakita ito kay Monito. “Sa pasko ko pa sana
ito ibibigay sa iyo, pero para maintindihan mo kung bakit ako nagpagupit...” Dahan-dahang
iniabot ni Monita ang sisidlan sa asawa. Laking gulat ni Monito nang makita ang kuwintas
na regalo ng asawa habang sinasabi na ito raw ay binili niya upang maisabit na niya ang
laket na matagal na niyang itinatago.
“Nasaan na ang laket mo, halika at ikabit natin,” nasasabik na wika ni Monita.
Hindi alam ni Monito kung paano ipaliliwanag sa asawa na naipagbili na niya ang
laket. “Pasensiya ka na mahal ko, naibenta ko ung laket e.”
Biglang nagbago ang ihip ng hangin. Nakaramdam ng panghihinayang si Monita
dahil nawalan ng saysay ang pagbili niya ng kuwintas nang malamang wala na ang laket
na ilalagay rito. “Kanina lang nagalit ka sa akin dahil sa hindi ko pagsasabi sa iyo, tapos
ikaw rin pala,” pagmamaktol ni Monita.
Unti-unting inilabas ni Monito mula sa bulsa ng kaniyang tsaleko ang paynetang
ihahandog sa kaniyang asawa. “Monita, sa pasko ko rin sana ibibigay sa iyo ito ngunit ayaw
ko namang magalit ka sa akin. Kaya rin naman ako nagalit nang malamang pinagupitan
mo ang buhok mo ay dahil sa mawawalan din ng saysay ang regalo kong ito kung maikli na
ang buhok mo,” paliwanag ni Monito.
Nagyakap ang mag-asawang dama ang pagmamahal ng isa’t isa. “Pasensiya ka na
mahal ha, gustuhin man kitang bigyan ng mamahaling regalo kaso wala na akong pambili
e,” saad ni Monito.
“Sinakripisyo mo iyong pinakamahalagang bagay para sa iyo para lang iregalo sa akin
ito, wala nang mas hihigit pa sa regalong iyon.”
“Ikaw rin naman, iyon din naman ang ginawa mo para sa akin. Kahit ilang taon mong
iningatan ang mahabang buhok mo, pinagupitan mo para sa akin. Salamat Monita, salamat
sa pagmamahal mo.”
Sa halip na sumama ang loob sa isa’t isa at balewalain ang kani-kanilang regalo,
mas tiningnan ng mag-asawa ang pinagdaanan at isinakripisyo ng bawat isa. At dahil dito
mas nakita nila ang tunay at mas malalim na halaga ng mga bagay na natanggap nila.
Halaw mula sa orihinal na kuwento, naakses sa https://m.facebook.com/watch/?v=1742904372448745&_rdr

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang naging regalo ng mag-asawa para sa isa’t isa?
2. Ano ang isinaalang-alang ng bawat isa sa pagbibigay ng regalo?
3. Paano ipinakita ng mag-asawa ang pagmamahal nila sa isa’t isa batay sa kagustuhan
nilang magbigay ng regalo?
4. Kung ikaw ang magreregalo, ano ang isinasaalang-alang mo sa pagpili nito?
5. Ano ang binibigyang-pansin mo kapag nakatatanggap ka ng regalo?
6. Anong bahagi ng kuwento ang kasasalaminan ng tunggaliang tao laban sa tao? Tao
laban sa sarili?

4
Suriin
Alam mo ba?
Programang Pantelebisyon
Ang PROGRAMANG PANTELEBISYON ay isang biswal o potograpikong midyum na
nagsisilbing libangan ng mga tao. Ang mga mapanonood dito ay maaaring kapulutan ng
mahahalagang impormasyon, balita, anunsiyo o maging mga patalastas.
Sa pagpapalabas ng mga programa, isinasaalang-alang ng mga estasyon ang hilig ng
iba’t ibang uri ng mga manonood; mayroong pambata, pangmatanda, at maging ng mga
nasa kalagitnaan nito. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga programang
pantelebisyon sa paghubog ng ugali, paggising ng kamalayan, at pagiging makabansa ng
mga tumatangkilik nito. Kung kaya, responsibilidad ng Movie and Television Review and
Classification Board (MTRCB) na siguraduhing akma ang mga palabas para sa mga
makapanonood nito.

Mga Uri ng Programang Pantelebisyon


Sa lawak ng bilang nga taong nagkakaroon ng pagkakataong makapanood,
nararapat lamang na may malawak ding uri ng programang pagpipilian nila.
• Balita – naghahatid ng mga sariwang isyu at pangyayaring nagaganap sa loob at labas
ng ating bansa tulad ng TV Patrol at 24 Oras
• Teleserye – pagsasadula ng mga kuwento na sumasalamin sa realidad ng buhay.
Maaaring ito ay may temang nakakaiyak, nakatatakot, nakatatawa at iba pa. Ilan sa mga
matagumpay na teleseryeng sinubaybayan ng mga Filipino ay ang Kadenang Ginto,
Encantandia, Ang Probinsyano at Ika-6 na Utos
• Variety Show – mga palabas na may kantahan, sayawang pinadadaloy ng mga tinatawag
na “host” tulad ng It’s Showtime, Eat Bulaga, ASAP natin ‘to at Sunday Pinasaya
• Dokumentaryo – palabas na naglalayong ipakita ang klase ng buhay mayroon ang isang
grupo ng tao. Sumasalamin ito sa katotohanan ng buhay na tumatalakay sa kultura at
pamumuhay ng isang komunidad. Ilan sa mga nangunguna at nakatanggap ng mga
parangal na dokumentaryong pantelebisyon ay ang iWitness at Reporter’s Notebook
• Isports – palabas na may kaugnayan sa mga larong pampalakasan, pagsasanay,
ehersisyo at iba pang gawain na may kinalaman pagpapalakas at pagpapatibay ng
katawan, nariyan ang segment ng Sports U, PBA at ang inaabangang pagtatagisan ng
mga unibersidad sa UAAP
• Pang-edukasyon – palabas na nagtatalakay ng mga araling pampaaralan na
kapupulutan ng mga kaalaman. Ilan sa mga kabilang sa programang ito ay ang
Sineskwela, Mathtinik at ang mga ipinalalabas sa DepEd TV

ETIMOLOHIYA NG SALITA
Isa sa mga paraan sa pagpapakahulugan ng mga salita ay ang malaman mo ang
etimolohiya o pinagmulan o kasaysayan ng salitang ito. Maaaring ang salitang-ugat o ang
lugar na pinagmulan ay makatutulong sa iyo upang mabigyan ng kahulugan ang mga salita
lalo ang mga hindi ka pa pamilyar.
Halimbawa, ang salitang Brahman sa sistemang Caste ng Hindu ay
nangangahulugang “miyembro ng kaparian,” ito ay nagmula sa Sanskrit na “brahmana” na
ang ibig sabihin ay “panalangin” na mula sa salitang-ugat na “brmhati” na
nangangahulugang “maging mataas o umangat.”
Sa Filipino naman, ang salitang bintana ay mula sa salitang Kastila na “ventana” na
katumbas ng “window” sa Ingles.
Ang susunod na bahaging ito ng modyul ay makababasa ka ng isa pang uri ng
akdang pampanitikang mula sa bansang India.
Matutunghayan natin sa babasahing alamat ang pangkaraniwang bagay na may
kaugnayan sa bansang India.

Mga Katawagan sa India


Simhasana Battisi – “Ang Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono”
Varnas o Sistemeng Caste (caste system) apat na uri ng kalagayang panlipunan
Brahman – kaparian
Kshatriya – mandirigma

5
Vaishya – mangangalakal
Sudra – manggagawa Bharat – lugar kung saan naganap ang kuwento
Mela – asawa ni Brahman
batang raha – nasolusyunan ang problema ng totoong raha
Shakchunni – isang espiritu

Pinagmulan ng Tatlumpu’t Dalawang Kuwento ng Trono (Simhasana Battisi)


(Isang Alamat mula sa India)
May isang binatang kasama ang kaniyang inang may-ari ng maliit na dampa at
kapirasong lupang tinatamnan ng gulay. Dahil sa pagnanais ng binatang Brahman, na
magkaroon ng asawa, nangutang siya sa kamag-anak at kaibigan. Natuloy ang kasal dahil
sa limpak-limpak na perang ibinigay sa kanila. Ang kaniyang asawa ay nagngangalang
Mela. Laging pinag-iingat si Mela ng ina ng binata dahil sa
mga shakchunni o mga espiritung may hangad na magpanggap bilang asawa. Naubusan
na ng salapi ang mag-asawa at umalis ang binata sa kanilang tirahan para magtrabaho.
Narinig ng isang espiritu ang pag-uusap ng mag-asawa, ang nagpalit -anyo para maging
asawa ni Mela pagkatapos umalis ang kaniyang asawa. Ang totoong Brahman ay nagsipag
sa kaniyang trabaho sa lungsod. Noong pag-uwi niya sa kanilang tirahan, nagulat siya dahil
may lalaking kamukhang – kamukha niya.
Sobrang litong-lito si Mela at ang ina ng Brahman, kung sino ang totoong Brahman.
Sumangguni sila sa raha para maresolba ang kaso ngunit hindi rin nasolusyunan ito.
Habang papauwi na siya mula sa raha, nakita siya ng isang bata at tinanong kung bakit
siya malungkot.
Pagkatapos niya itong sagutin, sinamahan siya sa isang batang nakaupo sa
bunton ng lupa. Kinuwento ng totoong Brahman ang pangyayari at sinabi ng bata na
papupuntahin ang nagbabalat-kayong espiritu sa kaniya. Pumunta rin ang raha para
makita kung paano maresolba ang kaso. May isang pagsubok na pinagawa ang bata sa
kanilang dalawa. Ang unang makapasok sa garapon ang siyang panalo. Katwiran ng
totoong Brahman na paano siya magkakasya diyan, habang ang impostor na Brahman ay
nagpalit –anyo bilang hangin at pumasok sa garapon, dali-daling tinakpan ng bata ang
garapon at nakulong na ang espiritu.
Namangha ang raha sa kaniyang nakita at tinanong ang batang nakaupo sa
bunton ng lupa, kung paano niya ito nagawa. Sabi ng bata na ang bunton ng lupa ay
kanilang nadiskubre habang sila ay nagpapastol at nalaman nila ang lupa ay nagbibigay
ng pambihirang katalinuhan sa sinomang umupo rito. Pinautos ng raha ang pagbungkal
ng lupa para makita kung ano ang laman ng bunton ng lupa. Nakita ng raha ang isang
tronong may tatlumpu’t dalawang anghel sa paligid nito. Sabi ng mga anghel na ang trono
ay pagmamay-ari ng dakilang Raha Vikramaditya. Sa huli ay binuhat ng mga anghel ang
trono papalayo nang papalayo sa raha hanggang napaisip na lang ang raha na hindi niya
taglay ang mga katangiang tulad ng kabutihan, lubos na katapatan, pagiging patas,
at walang kinikilingan.
Halaw sa:https://www.slideshare.net/jmpalero/filipino-9-ang-pinagmulan-ng-trono

Mga Gabay na Tanong

Sagutin ang sumusunod na mga tanong sa iyong kuwaderno.

1. Bakit kinailangang umalis ng Brahaman sa kanilang bayan? Makatuwiran pag-alis


niya?
2. Paano nalinlang ng espiritu ang ina at ang asawa ng Brahman?
3. Bakit maging ang raha ay hindi makapagdesisyon kung sino ang tunay sa dalawa?
4. Paano napatunayan sa akda na ang katotohanan ay hindi maitatago kailanman?
5. Ano ang napatunayan ng Brahman nang dahil sa pagkawala ng mahal sa buhay?
6. Saang bahagi ng alamat makikita ang tunggaliang tao vs. tao? Tao vs. sarili?
Ipaliwanag.
7. Kung iuugnay ang mga pangyayari sa kasalukuyan, saan o kanino ito
maihahalintulad? Magbigay ng halimbawa at paliwanag ukol dito.

6
Pagyamanin

Gawain 1 Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba ng impormasyong hinihingi sa


bawat kolum.
Halimbawa ng Programang Pangyayaring nagpapakita Kaugnayan nito sa
Pantelebisyong napanood ng tunggalian (Tao laban sa kasalukuyang pangyayari
(pamagat) Tao, Tao laban sa Sarili) sa mga tao

Gawain 2
Panuto: Buuin ang talahanayan ayon sa hinihinging impormasyon

Salita Etimolohiya Lugar/Bansang Kahulugan at


Pinagmulan Pangungusap
1. dyipni
2. haysikul
3. iskapo
4. lobat
5. koryente

Isaisip
Panuto:
Subukin natin kung nabatid mo ang araling dapat matamo sa modyul na ito.
Sagutin ang mga kasunod na tanong sa iyong kuwaderno.

Bakit mahalagang matukoy ang Dugtungan ang pahayag.


pinagmulan ng mga salita? Mga uri ng Natutuhan ko sa modyul na ito na….
programang pantelebisyon?

Isagawa

Panuto: Manood ng isang programang pantelebisyon. Suriin ang mga ito. Punan ang
tsart ng mga impormasyong hinihingi.
Pamagat ng Programang Tunggaliang Naghari sa Kaugnayan sa tunay na
Pantelebisyon Palabas pangyayari sa
kasalukuyan
1.

7
2.

3.

Tayahin

Gawain 1
Panuto: Manood ng isang paboritong programang pantelebisyon. Punan ang grapiko
ng mga impormasyong hinihingi.

___________________
___________________
___________________

pamagat

Tunggaliang tao vs. tao


Tunggaliang tao vs. sarili

Gawain 2
Panuto: Magsaliksik ng mga salitang hango sa ibang wika (lokal o dayuhan) na
ginagamit na natin sa pang-araw-araw nating pakikipagtalastasan. Buuin ang talahanayan
sa ibaba.

Salita Pinagmulang Kahulugan Pangungusap


Wika/Lugar
1.

2.

3.

4.

5.

8
9
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 6:
Mga Pang-abay, Tukuyin at Gamitin
Kilos, Gawi, at Karakter ng mga
Tauhan, Bigyang-Kahulugan
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 6: Mga Pang-abay, Tukuyin at Gamitin
Kilos, Gawi, at Karakter ng mga Tauhan-Bigyang-Kahulugan
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Iris S. Mauricio at Luzviminda A. Pontillas

Editor: Maureen Ava B. Collado


Juliet C. Contreras

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba


Julie B. Sohal

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza


Julie B. Sohal

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: [email protected]
Alamin
Iba’t ibang uri ng mga akdang pampanitikan sa Timog at Kanlurang Asya ang iyong
nakilala sa mga naunang modyul ng Ikatlong Markahan. Nariyan ang epiko, parabula,
elehiya, maikling kuwento at programang pantelebisyon na pawang nagdala sa iyo sa iba’t
ibang mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya. Sa pamamagitan nito, nakilala at natuklasan
mo ang ilan sa mga kultura sa mga bansang ito sa pamamagitan ng kanilang mga akda. Sa
modyul na ito naman, dadalhin ka naman sa bansang Turkey kung saan matutungyahan
mo ang alamat ng isang lugar sa kanilang bansa. Kasabay ng pag-aaral ng akda mula sa
bansang Turkey, ang modyul na ito ay kinapapalooban din ng mga kasanayan tungkol sa:
• Paggamit ng mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan sa pagbuo ng
alamat
• Pagbibigay-kahulugan sa kilos, gawi, at karakter ng mga tauhan batay sa usapang
napakinggan

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:


1. Nagagamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at pamaraan sa pagbuo ng
alamat (F9WG-IIIf-55); at
2. Nabibigyang-kahulugan ang kilos, gawi, at karakter ng mga tauhan batay sa
usapang napakinggan (F9PN-IIIf-53).

Subukin
Panuto: Suriin ang sumusunod na pangungusap. Tukuyin kung ang nakasalungguhit
ay pang-abay. Isulat sa patlang kung ito ay PANG-ABAY o HINDI.

______________ 1. Marami sa mga taga-Kanlurang Asya ay Arabo, Persiyano at Turko.

______________ 2. Halos dikit-dikit ang mga bansang matatagpuan sa Kanlurang Asya.

______________ 3. Magaganda ang mga akdang nagmula sa Saudi Arabia tulad ng Isang Libo
at Isang Gabi.

______________ 4. Sa Kanlurang Asya naganap ang mahahalagang pangyayaring nakasulat


sa Bibliya noong panahon bago at pagsilang ni Kristo.
______________ 5. Matatagpuan dito ang Dead Sea kung saan, ang lahat ng tao o bagay na
maglublob dito ay kusang lumulutang at hindi lumulubog.

Aralin Mga Pang-abay, Tukuyin at Gamitin;

1 Kilos, Gawi at Karakter ng mga


Tauhan, Bigyang-Kahulugan
Ang Turkey ay isa sa mga bansa sa mundo na nabibilang na transcontinental o
bansang nakapaloob sa dalawang kontinente; ang Asya (Kanlurang Asya) at Europa (Timog-
Silangang Europa). Ito ay isang sekular na bansa kung saan, ang mga mamamayan nito ay
malayang makapipili at makasasapi sa anomang relihiyong kaniyang pinaniniwalaan.
Karamihan sa mga mamamayan nito ay may relihiyong Islam, ang iba’y walang
kinaaanibang relihiyon (13%) at ang iba nama’y mga Kristiyano (2%). Masarap pag-aralan
ang kultura at literatura ng Turkey kung saan nagsasanib ang Kanluranin at Silanganing
pagkakakilanlan.

1
Balikan

Bago tayo pumalaot sa panibagong aralin, balikan natin ang mga akdang tinalakay
sa mga nakalipas na modyul na iyo nang napag-aralan. Isa-isahin natin ang mga uri ng
akdang pampanitikang ito at tukuyin kung anong katangian nito na naiiba sa iba pang mga
akda.
Uri ng Katangian Tauhan Paksa Paraan ng
Akda Pagkakasulat
Patula/Tuluyan
Epiko

Parabula

Elehiya

Maikling
Kuwento

Tuklasin

May mga lugar at mga bagay na bahagi na ng buhay ng mga tao na may mga
natatagong kuwento kung paano nagsimula ang mga ito. Tulad na lamang sa Pilipinas,
mayroon tayong mga kuwentong nagpapasalin-dila kung paano nagsimula o nabuo ang
isang bagay ayon sa malikhaing pag-iisip ng mga sinaunang Pilipino.
Mailalahad mo ba ang mga kuwento sa likod ng pagkakabuo ng Bundok Makiling,
Bundok Kanlaon, at Bulkang Mayon na kilala rito sa Pilipinas?

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

Bundok Makiling
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Mount_
Canlaon.JPG

Bundok Kanlaon
____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

https://publicdomainpictures.net/en/view-
image.php?image=29954

2
Bulkang Mayon
____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________

____________________________________________________
https://publicdomainpictures.net/en/view-
image.php?image=29954
Ngayon naman ay tuklasin natin ang isa sa mga kilalang lugar sa bansang Turkey
na may kuwentong nababalot ng kababalaghan at pagmamahalan ng ama at ng kaniyang
anak.

Ang Dilag na si Sarikiz


Salin sa Filipino ni Iris S. Mauricio
Noong unang panahon, may isang magandang dilag na may mahaba at makintab na
buhok, nangungusap na mga mata at nakabibighaning talaga. Siya ay huwaran ng
kagandahan, katapatan, at kabusilakan ng puso. Kinilala siya bilang si Sarikiz mula sa
bayan ng Kavurmacilar na namumuhay kasama ang kaniyang amang si Cilbak Baba.
Ang sinomang lalaking makakita sa kaniya ay agad na nahuhulog ang loob at naaakit
sa taglay niyang kagandahan. Marami sa kanila ang nanghihingi ng kaniyang kamay ngunit
ang lahat ay kaniyang tinatalikuran.
Isang araw, magtutungo sa isang paglalakbay ang kaniyang ama kaya maiiwan
siyang mag-isa. Magiging matagal ang paghihiwalay nilang ito dahil sa hirap na kaniyang
tatahakin at kahaharapin. Bago siya umalis, masinsinan silang nag-usap na mag-ama.
“Malalayo ako sa iyo sa matagal na panahon at sa mga panahong ito, ipangako mo sa aking
mamumuhay ka nang tapat, wasto, at walang inaapakang tao.” Tumango si Sarikiz na may
lungkot sa kaniyang mga mata at nang matapos nang magpaalamanan ay nilisan ng ama
ang kanilang tahanan.
Sa pagbabalik ni Cilbak Baba sa kanilang bayan matapos ang tatlong taong
paglalakbay, napalibutan siya ng ilan nilang mga kababayan. Ibinalita sa kaniya na ang
anak na si Sarikiz ay naging isang bayarang babae sa mga panahong sila’y magkawalay.
Pinayuhan nila si Cilbak Baba na patayin ang anak upang mapanatili ang dangal ng pamilya
o dili kaya naman ay palayasin at palayuin ang anak, sa lugar na malayong-malayo sa
kanilang bayan, iyong walang makakikilala sa kaniya.
Araw at gabing nililimi ng ama kung ano ang gagawing desisyon sa nabalitaan
tungkol sa anak. Kailangan niyang patayin ang anak upang patuloy na makapanirahan sa
kanilang bayan. At kung hindi man siya ang papatay sa kaniyang anak, alam niyang ang
mga kababayan nila ang gagawa nito. Bilang isang ama, hindi niya maaatim na makitil ang
kaniyang anak ninoman kaya nag-isip siya ng paraan kung paano matatakasan ang
ganitong sitwasyon.
Dinala niya ang kaniyang anak at ilang mga gansa paakyat sa Bundok ng Kaz Dagi
(nangangahulugang Bundok ng Gansa) at doon, iiwanan niya ang kaniyang anak at
hahayaan ang anomang kapalarang kaniyang sasapitin. Alam niyang mas mapapanatag
ang kaniyang kalooban na alam niyang buhay ang kaniyang anak na naninirahan sa
bundok na iyon. Naunawaan ni Sarikiz ang nais mangyari ng kaniyang ama na kahit
mabigat pareho sa kanilang kalooban ay kailangan nilang gawin. Bago sila maghiwalay ay
hiniling ni Sarikiz ang maluwalhating pagbalik ng ama sa kanilang bayan. Nagpatuloy sa
pag-akyat hanggang sa tuktok ng Bundok ng Kaz Dagi si Sarikiz kasama ang mga gansang
ipinadala ng ama hanggang sa tuluyan na siyang hindi matanaw ng ama.
Taon na ang lumipas ngunit hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak ang ama araw at gabi
dahil sa pagkakawalay sa anak. “O, aking anak, ang mahal kong Sarikiz,” ang parating usal
ng ama. Hanggang isang araw, may isa silang kababayang dumalaw kay Cilbak Baba.
Ibinalita sa kaniya na mayroon siyang nakilalang mangangalakal na naligaw sa Bundok ng
Kaz Dagi. Nakabalik lamang ang mangangalakal na ito sa tulong ng isang magandang dilag
na may mahaba at makintab na buhok na nakita niya sa bundok. Nabanggit pa nito, na
ang dilag na ito ay may mga kasamang gansa. May mga pagkakataon ding bumababa ang
mga gansang ito sa taniman at naninira ng mga pananim. Nang malaman ito ni Sarikiz ay
nagharang siya ng mga bato sa paanan ng bundok upang hindi na makatawid at makasira
ng mga pananim ang mga alaga niyang gansa.
Alam ni Cilbak Baba na ang babaeng tinutukoy ng kaniyang kababayan na
natagpuan sa Bundok ng Kaz Dagi ay walang iba kundi ang kaniyang anak na si Sarikiz.

3
Nagtakda siya ng isang paglalakbay sa bundok na iyon upang mahanap ang kaniyang anak.
May mga kababayan siyang pumipigil sa kaniyang gagawin dahil panahon iyon ng taglamig
at mayelo sa kaniyang aakyating bundok. Malamig, madulas, at mapanganib ang gagawin
niyang pag-akyat doon.
Ngunit nangibabaw ang pagsisisi at kagustuhan ng amang makita at makabalik muli
sa kaniyang piling ang anak na nawalay sa kaniya. Kara-karaka ay inakyat niya ang
madulas na Bundok ng Kaz Dagi. Nasa paanan pa lamang siya ng bundok ay may nakita
na siyang nagliliwanag sa itaas na bahagi nito. Mas lalong nabuhayan ng loob si Cilbak
Baba at nararamdaman niyang buhay pa ang kaniyang anak. Hindi niya alintana ang
malamig, madulas, at mapanganib na bundok na kaniyang aakyatin makita lamang muli
ang anak. Hindi nagtagal ay nakita ng kaniyang dalawang mata na nasa harapan na niya
ang anak na matagal nang nawalay sa kaniya. Nagyakap ang mag-ama nang walang pag-
aalinlangan. “Halika ama, naghanda ako ng mainit na sabaw pati na higaang iyong
matutulugan,” tuwang-tuwang pagyaya ni Sarikiz sa ama. Ginugol nila ang buong
magdamag sa tawanan at kuwentuhang walang humpay na animo’y walang nangyaring
mali sa kanila.
Kinaumagahan, nagdasal at nagpasalamat si Cilbak Baba sa Diyos dahil sa
pagtatagpo nilang muli ng anak. Nanghingi rin ng tubig si Cilbak Baba sa anak upang
maipanghugas sa kaniyang katawan. Agad na kinuha ni Sarikiz ang sisidlan na pawang
tubig-dagat ang laman. “May kaalatan ang tubig para ipanlinis ko sa aking katawan,” usal
ng ama. Humingi ng paumanhin si Sarikiz, kinuha ang lalagyan, inikot ito at napuno ng
malinis na tubig.
Sa mga sandaling iyon ay napagtanto ni Cilbak Baba na ang kaniyang anak ay
pinagpala. Humingi siya ng tawad sa anak dahil sa paniniwala sa paratang sa kaniya ng
kanilang mga kababayan. Sa mga oras na iyon, binalot ng madilim at makakapal na ulap
ang buong kalangitan. Sa kisap ng kaniyang mga mata ay agad na naglaho si Sarikiz sa
kaniyang harapan. Nabuo sa kaniyang isipan na ang anak na si Sarikiz ay isa nang
kakaibang nilalang. Isinumpa niya ang kanilang bayan maging ang kanilang mga
kababayang gumawa ng kuwentong ikinasira ng kaniyang anak at naging dahilan ng
kanilang pagkakahiwalay.
Sa ngayon, wala nang natirang nananahan sa bayan ng Kavurmacilar, maging ang
kanilang pinuno ay nagbitiw na rin sa tungkulin at lumipat na sa ibang bayan. Tila hindi
na umiiral at kinalimutan na ng mga taong mayroong bayan ng Kavurmacilar.
Nagpaikot-ikot sa kabundukan si Cilbak Baba upang mahanap muli ang anak
hanggang sa siya ay mamatay. Natagpuan na lamang siyang patay ng mga tao at ginawan
ng himlayang tinawag na Burol ng Ama (Baba Tepe). Ang lugar naman, kung saan
sinasabing nagpapakita si Sarikiz ay tinawag na Burol ni Sarikiz (Sarikiz Tepe). Ang mga
tao sa palibot ng bundok na ito ay dumarayo sa mga burol na ito tuwing Agosto bilang
paggunita sa pagmamahalan ng mag-ama at ng trahedyang sinapit nila.

Mga Gawain sa Pag-unawa ng akda (Sagutin sa iyong kuwaderno ang mga tanong)
I. Mga tanong sa pag-unawa
1. Paano mo ilalarawan ang mag-ama sa kuwento?
2. Sa iyong palagay, naniwala ba si Cilbak Baba sa paratang ng kanilang mga
kababayan na ang kaniyang anak na si Sarikiz ay naging bayarang-babae?
Patunayan ang sagot.
3. Ano ang paraang naisip ni Cilbak Baba upang manatiling maganda ang reputasyon
ng kanilang pangalan at pamilya?
4. Gaano kahalaga ang reputasyon, pangalan, at dangal ng isang pamilya sa bansang
Turkey batay sa akdang nabasa? Pangatwiranan ang sagot.
5. Kung ikaw si Cilbak Baba, ano ang gagawin mo kung may ganoong uri ng balitang
kumakalat ukol sa iyong anak?

II. Pagsusuri sa kilos, gawi, at karakter ng tauhan


Ipaliwanag kung bakit nagawa o kailangang gawin ng mga tauhan ang
sumusunod na kilos o gawi batay sa binasang akda.
1. Ibinalita ng mga kababayan ni Cilbak Baba na ang kaniyang anak na si Sarikiz ay
naging isang bayarang-babae noong mga panahong siya ay nawala.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Kailangang patayin ni Cilbak Baba si Sarikiz o kaya naman ay ilayo ito sa kanilang
bayan.

4
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Kailangang mahanap ni Cilbak Baba si Sarikiz sa bundok kahit pa mapanganib ang
gagawing pag-akyat dito.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Suriin
Ang akda, tulad ng “Ang Dilag na si Sarikiz” na mula sa bansang Turkey, ay isang
uri ng alamat. Ano ba ang alamat?
Ang sinaunang panitikan ay saling-dila o lipat-dila na maituturing na ang nag-iingat
ay pawang mga apo (matatanda) na karaniwang puno ng barangay o pari ng kanilang
relihiyon. Ito ay binubuo ng mga bulong na pangmahiya (magical incantations), kuwentong-
bayan (folk tale), mito (mythology) at alamat (legend) na pawang kasasalaminan ng
pananampalataya o pamahiin ng isang tiyak na lugar.
Ang alamat ay pawang mga kathang-isip na kuwento ukol sa pinagmulan ng isang
bagay, lugar o anomang nilikha. Nagmula ito sa salitang Latin na “legenda” na
nangangahulugang “upang basahin”. Kinapapalooban ito ng mga paniniwala, pag-iisip,
simbolikong representasyon ng karanasan ng mga taong nasa lugar kung saan nagmula o
isinulat ang alamat. Madalas itong maihalintulad sa mito na ang mga tauhan ay mga diyos
at diyosa, samantalang ang alamat ay pawang mga ordinaryong tao lamang.
Tunghayan ang isang halimbawa ng alamat mula naman sa Pilipinas upang masuri
natin kung anong kultura ng lugar ang maaari nating makuha buhat dito.

Alamat ng Bundok Banahaw


Nang ang malaking bundok sa gitna ng Luzon ay hindi pa nakikilala sa pangalang
Banahaw, gayon din ang mga bayang natatayo sa kanyang paanan at liblib, marami nang
pook noon na pinaninirahan na ng mga tao lalo yaong mga lungsod na malapit sa ilog.
Sa dami ng mag-anak na nananahan doon, kabilang ang mag-asawang Lukban at
Bayabas na may nag-iisang anak na lalaki, si Limbas. Namumukod-tangi siya sa lahat,
matapang na nakikipaglaban, malakas na binubuhat ang anomang kagamitan, at maliksing
nangangaso sa kabundukan. Sa kaniyang panunudla ay bihirang makaligtas sa kaniya ang
mga usa, baboy-ramo, unggoy, at malaking ibon. Kaya’t hindi nagluwat, sa paligid-ligid ng
malaking bundok ay natanyag ang pangalan ni Limbas. Siya ang naging hantungan ng mga
paghanga ng lahat. Sa malayong pook ay balita ang kabayanihan ni Limbas.
Isang araw ay nawala si Limbas at ganoon na lamang ang panimdim ng kaniyang
mga magulang at asawa. Hindi sila masyadong makakain at makatulog sa hindi pag-uwi ni
Limbas. Makalipas ang pitong araw ng pagkabalisa ay siyang pagdating ni Limbas. Dala
niya ang isang balutan ng sari-saring damit at pagkain. Sa buong buhay ng mag-asawa ay
hindi pa sila nakakikita at nakalalasap ng gayong nagsasarapang pagkain at nag-iinamang
mga damit.
Ayon kay Limbas, isang maginoong balbasin ang sa kaniya ay nagpakilala, isang
“engkantado.” Sa maharlikhang tahanan nito sa tugatog ng bundok isinama si Limbas.
Doon, ang lahat ng mga hayop ay may puting balahibo, hindi lamang ang mga manok kundi
pati mga usa. May sasakyang hinihila ng dalawang kabayong puti na siyang ginamit sa
paglalakbay nila sa buong Luzon.
Ang balutan ng damit at pagkaing pasalubong ni Limbas sa kaniyang mga magulang
ang siyang unang dulot. Ngunit ang bilin nito, bago iabot ang dulot ay dapat munang
humalik ng kamay si Limbas sa kaniyang mga magulang. Anupa’t ang hindi paghalik sa
kamay ay magpapabago sa dalang dulot. Hindi miminsang nawala si Limbas ng pipituhing
araw at hindi rin miminsang sa kaniyang pagbabalik ay sari-saring kasuotan at pagkain
ang dala niya na nakasisiya sa kalooban ng kaniyang mga magulang.
Nang minsang bumalik ng bahay si Limbas, isang balutan ng maliit na bolang ginto
ang padala ng maginoo. At sa tuwa ni Limbas ay nakalimutan niyang humalik muna ng
kamay sa kaniyang mga magulang at kara-karakang binuksan ang balot at sinabing, “Narito
po ang ating kayamanan, mga bolang ginto.”

5
Subalit nang mabuksan ang balutan ay hindi ginto ang laman kundi mga bunga ng
Anahaw. Kaya’t sa pagkagulat ay napasigaw si Limbas ng “Ba! Anahaw! Ba! Anahaw!” At
buhat noon, tinawag na Banahaw ang malaking bundok na yaon sa gitna ng Luzon.
Gayundin ang bayan ng Lukban at Tayabas na nagsimula sa pangalang Bayabas at Lukban
na mga magulang ni Limbas.

Pagsusuri ng Alamat
Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa pagkakaunawa mo sa akdang binasa at
sa katangian ng alamat.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan siya.


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mahahalagang pangyayari sa kaniya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Bakit maituturing na alamat ang kuwentong binasa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Sa pagbuo ng mga alamat o anomang akda, mahalaga ang paggamit ng mga salitang
naglalarawan upang higit na mapalutang ang katangian ng mga karakter batay sa kaniyang
mga kilos, gawi o pisikal mang katangian. Katulad na lamang ng mga paglalarawang ginamit
kay Limbas sa binasang Alamat ng Bundok Banahaw.
Suriin ang mga pangungusap at paglalarawang ikinabit sa kaniya:
➢ Namumukod-tangi siya sa lahat, matapang na nakikipaglaban, malakas na
binubuhat ang anumang kagamitan at maliksing nangangaso sa kabundukan.
Ang mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap ay pawang mga
salitang naglalarawan sa salitang katabi nito:
• Ang salitang matapang ay naglalarawan kung paano
makipaglaban si Limbas;
• Ang salitang malakas ay naglalarawan kung paano binubuhat ni
Limbas ang iba’t ibang mga kagamitan;
• Ang salitang maliksi ay naglalarawan kung paano siya nangangaso
sa kabundukan.

Kung gayon, ang mga salitang matapang, malakas at maliksi ay pawang mga pang-
abay sapagkat ito ay naglalarawan sa mga salitang kilos na makipaglaban, binubuhat at
nangangaso.
Ang mga pang-abay ay mga salitang naglalarawan sa pandiwa (salitang-kilos), pang-
uri (salitang naglalarawan sa tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari) at kapwa pang-abay.
May iba’t ibang uri ng pang-abay at ang bibigyang-diin natin sa araling ito ay ang mga pang-
abay na pamaraan, panlunan, at pamanahon.
Pang-abay na Pamaraan – Ito ay mga salitang tumutukoy sa kung paano isinagawa ang
kilos. Makikilala mo ang pang-abay na pamaraang ginamit sa pangungusap kung
matutukoy mo ang pandiwang ginamit at tatanungin mo ito ng tanong na “paano” isinagawa
ang kilos ng pandiwa.
Halimbawa: Mabilis na hinabol ni Limbas kaninang umaga ang usang natagpuan niya sa
kabundukan.
➢ Ang kilos na ginawa ni Limbas sa pangungusap ay “hinabol”, kakabitan mo ito ng
tanong na “paano” upang matukoy ang pang-abay na pamaraan sa pangungusap.
➢ Paano hinabol ni Limbas ang usa? Ang sagot ay “mabilis”
➢ Kung gayon, ang salitang mabilis na salitang naglalarawan sa ginawa ni Limbas ay
isang pang-abay na naglalarawan sa pandiwa.

6
Pang-abay na Panlunan – Ito ay mga salitang tumutukoy sa kung saan naganap ang kilos.
Makikilala ang salitang ito kung gagamitin mo ang tanong na “saan” isinagawa ang kilos.
Halimbawa: Mabilis na hinabol ni Limbas kaninang umaga ang usang natagpuan niya sa
kabundukan.
➢ Ang kilos na ginawa ni Limbas sa pangungusap ay “hinabol”, kakabitan mo ito ng
tanong na “saan” upang matukoy ang pang-abay na panlunan sa pangungusap.
➢ Saan hinabol ni Limbas ang usa? Ang sagot ay “sa kabundukan”
➢ Kung gayon, ang salitang sa kabundukan ang pang-abay na panlunan na tumutukoy
sa kung saan naganap ang kilos.
Pang-abay na Pamanahon – Ito ay mga salitang tumutukoy kung kailan naganap ang kilos.
Makikilala ang salitang ito gamit ang tanong na “kailan” isinagawa ang kilos.
Halimbawa: Mabilis na hinabol ni Limbas kaninang umaga ang usang natagpuan niya sa
kabundukan.
➢ Ang kilos na ginawa ni Limbas sa pangungusap ay “hinabol”, kakabitan mo ito ng
tanong na “kailan” upang matukoy ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap.
➢ Kailan hinabol ni Limbas ang usa? Ang sagot ay “kaninang umaga”
➢ Kung gayon, ang salitang kaninang umaga ang pang-abay na pamanahong
tumutukoy kung kailan naganap ang kilos.

Pagyamanin

Gawain 1
Panuto: Mula sa iyong nabasang mga alamat, mula sa Turkey at sa Pilipinas, punan
ang graphic organizer na magbubuod sa iyong mga natutuhan.

Mga Pagpapahalagang Pilipino at Turkong Masasalamin sa mga Alamat na Nabasa

Pagpapahalagang Pilipino Pagpapahalagang Turko

Gawain 2
Panuto: Bilugan ang mga pang-abay na matatagpuan sa sumusunod na mga
pangungusap. Isulat sa patlang bago ang bilang kung ito ay pamaraan, panlunan o
pamanahon.
_______________1. Masayang ibinalita ni Limbas ang nakilala niyang engkantado.
_______________2. Nang umuwi si Limbas ay dali-dali niyang binuksan ang sisidlan ng
bolang ginto.
_______________3. Napadpad si Limbas sa tuktok ng bundok at nakilala ang maginoong
naging mabuti sa kaniya.
_______________4. Nakaligtaan ni Limbas ang ibinilin sa kaniya ng engkantado noong
nakarating siya ng tahanan.
_______________5. Mabilis na tumatakbo ang karuwaheng hila ng dalawang mapuputing
kabayo.

Isaisip
Sa pamamagitan ng mga akdang
pampanitikan, tulad ng dalawang alamat na
nabasa, paano nakatutulong ang mga ito sa
pagpapanatili ng kultura sa isang tiyak na lugar?

7
Isagawa
Marahil ngayon ay handa ka nang bumuo ng sarili mong alamat ukol sa anomang
bagay na matagpuan mo sa paligid o maging ng isang lugar na naging malapit sa iyo. Sa
bahaging ito, susubukin naman ang iyong kakayahan sa pagbuo ng alamat. Sikapin mong
maging malikhain upang makabuo ng pagsasalaysay sa kung paano nagkaroon o nagsimula
ang isang bagay o lugar na iyong napili. Sa tulong ng mga napag-aralang pang-abay na
pamanahon, panlunan, at pamaraan, bumuo ng isang alamat gamit ang sumusunod na
GRASP at pamantayan.
Goal – Makabuo ng isang alamat
Role – Sa pagkakataon ito, ikaw ay magiging isang manunulat
Audience – Ang makababasa nito ay ang iyong mga kababayan
Situation – Ang inyong lungsod/munisipalidad ay magdiriwang ng Araw ng Pagkakatatag
at nanghihikayat ng mga manunulat na makabuo ng kalipunan ng mga akda buhat sa mga
mamamayan nito. Ikaw ay isa sa mga naatasang sumulat ng alamat tungkol sa anomang
bagay o lugar na kilala sa inyong lugar.
Product – Orihinal na alamat gamit ang mga pang-abay na pamanahon, panlunan at
pamaraan (salungguhitan ang mga pang-abay sa bubuuing alamat)

Pamantayan sa pagmamarka ng bubuuing Alamat


Mga mamarkahan Bahagdan Marka
Nilalaman 30
Pagkamalikhain sa pagpili ng mga salita 20
Kaayusan ng mga pangungusap 20
Orihinalidad 20
Paggamit at pagtukoy sa mga pang-abay 10
KABUOAN 100

Tayahin
Gawain 1
Panuto: Bilugan ang pang-abay na ginamit sa pangungusap at isulat sa patlang kung
ito ay pang-abay na pamanahon, panlunan o pamaraan.

___________________ 1. Maliksing hinuli ng pusa ang pagala-galang daga.


___________________ 2. Naglalaba ang ina habang mahimbing na natutulog ang anak.
___________________ 3. Naintindihan na niya ang leksiyon nila kanina.
___________________ 4. Mahaba ang alamat na naisulat niya sa kaniyang kuwaderno.
___________________ 5. Maingat na tinahi ni Lope ang butas sa kaniyang pantalon.

Gawain 2
Panuto: Bigyang-kahulugan ang kilos, gawi o karakter ng tauhan batay sa
sumusunod na diyalogo. Piliin ang letra ng tamang sagot sa kahon at isulat sa patlang.

A. matiisin B. mapagmalaki C. mapagpakumbaba D. mapagmahal

_____1. “Anak, isasakripisyo ko ang aking kalusugan alang-alang sa iyong kaligtasan.”


_____2. “Kakayanin ko ang mga paghihirap na nararanasan ko ngayon, mabigyan ko lamang
ng magandang buhay ang aking mag-iina.”
_____3. “Sinasabi ko na kasi sa inyo, ako talaga ang may mahusay na katwiran. Ayaw ninyo
akong pakinggan, tingnan ninyo tuloy ang nangyari, ha!ha!ha!”
_____4. “Humihingi ako ng tawad anak sa lahat ng nagawa kong pagkakamali sa iyo.”
_____5. “Anak, mag-iingat ka paglabas ng bahay ha? Magdasal ka palagi. Mahal kita.”

8
9
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 7:
Elemento at Sangkap ng
Nobelang Kanlurang Asyano, Suriin
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Elemento at Sangkap ng Nobelang Kanlurang
Asyano, Suriin
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jayfel L. Balingasa at Ranee Rose A. Garol

Editor: Maureen Ava B. Collado


Juliet C. Contreras

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza


Julie B. Sohal

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: [email protected]
Alamin

Sa pagsulat at pagbasa ng isang akda, hindi lamang dapat malaman ang


kasanayan nito bagkus nararapat lamang na matutuhang suriin ang mga ito batay sa
pagkakagawa ng awtor. Ang modyul ding ito ang gagabay sa iyo upang malinang ang
iyong kasanayan at kakayahan sa wastong paggamit ng mga kataga o pahayag sa
paggamit ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o transitional devices sa iba’t
ibang uri ng panitikan tulad ng nobela.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga kasanayan o aralin tungkol sa:


• Paghula sa maaaring mangyari sa akda batay sa ilang pangyayaring napakinggan
• Pag-iisa-isa sa kultura ng Kanlurang Asyano mula sa mga akdang pampanitikan
nito
• Paggamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at
bayani ng Kanlurang Asya

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:


1. Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa akda batay sa ilang pangyayaring
napakinggan (F9PN-IIIg-h-54);
2. Naiisa-isa ang kultura ng Kanlurang Asyano mula sa mga akdang pampanitikan
nito (F9PB-III-j-55); at
3. Nagagamit ang mga angkop na salita sa paglalarawan ng kulturang Asyano at
bayani ng Kanlurang Asya (F9PS-IIIg-h-56).

Subukin

Magandang araw aking mag-aaral! Ngayon ay titingnan ko kung handa ka na sa


ating bagong aralin. Tara! Maglakbay na at pumalaot sa dagat ng karunungan. Gawin
mo ang paunang pagsasanay na ito.

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng mga pahayag.

1. Ito ay tumutukoy sa diyalogong ginagamit sa nobela.


A. pananaw B. pananalita C. damdamin D. banghay

2. Ito ay pinakamahalagang elemento ng nobelang nagpapagalaw at nagbibigay-buhay


sa mga pangyayari.
A. tauhan B. pananalita C. damdamin D. banghay

3. Alin sa mga ito ang hindi kabilang sa sangkap ng nobela?


A. paggamit ng malikhaing guniguni C. pag-aaral
B. kasaysayan D. banghay

4. Ito ay panauhang ginagamit sa nobelang ang may-akda ang siyang nakikipag-usap


sa kuwento.
A. una B. ikalawa C. ikatlo D. ikaapat

5. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa kahalagahan ng nobela?


A. Sumasalamin ito sa mga isyung panlipunang kinahaharap ng bansa.
B. Nagbibigay halaga ito sa sining at kultura ng bawat bansa.
C. Nagpapakita ito ng reyalidad ng lipunan.
D. Naglalaman ito ng isang maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang
pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan.

1
Aralin Elemento at Sangkap ng
Nobelang Kanlurang
1 Asyano, Suriin
Mahalaga na bukod sa nakikilala natin ang mga elemento at sangkap ng isang
akda, partikular ang nobela ay malaman natin ang kaligirang pangkasaysayan kung
saan, kailan naisulat ang mismong akda at mga kulturang nakapaloob sa mismong
bansa. Bago ka pumalaot sa bagong aralin, balikan muna natin ang dati mo nang
kaalaman hinggil sa paksa sa araw na ito.

Balikan

Gawain 1
Panuto: Isulat ang A-kung Pang-abay na Pamanahon, B-Pang-abay na Panlunan
at C-Pang-abay na Pamaraan ang pang-abay na may salungguhit sa pangungusap, sa
patlang bago ang bilang.

_____1. Malugod na binati ng mga pinuno ng paaralan ang mga panauhin mula sa
Kagawaran ng Edukasyon.

_____2. Nagsimula na ang face-to-face na klase sa Comembo Elementary School noong


Disyembre 6, 2021.

_____3. Inihanda ng mga guro ang mga silid-aralan noong Disyembre.

_____4. Masayang nag-aral na muli ang ilang piling mag-aaral sa Unang Baitang ng
paaralan.

_____5. Nanatili ang mga mag-aaral sa paaralan ng tatlong oras upang mag-aral ng
leksiyon.

Gawain 2
Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga tauhan batay sa kilos, gawi at paglalarawan
ng karakter ng mga ito. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. “Nang sulyapan siya ng Cadi, umibig din ito sa kaniya. Pumunta ka sa aking
tahanan para makasama ko at sasabihin ko sa pulis na palayain ang iyong
kapatid.” Ipinakikilala na ang Cadi ay ________________.
A. mahusay na lider
B. mapanakit sa mga babae
C. mapanlamang sa kapuwa
D. mapagsamantala sa mga nangangailangan ng tulong
2. Bumati siya at sinabi, “Kapatid ko ang lalaking ipinakulong ninyo, inaway nang
hindi namin nakikilala, subalit nagsinungaling ang lalaking tumestigo laban sa
kaniya. Nagkakamali kayo sa pagkabilanggo sa kaniya, wala na akong kasama
at wala nang susuporta sa akin, kaya maawa na kayo, pakawalan n’yo siya.”
Ipinakikilala na ang nagsasalita ay _______________.
A. nagmamakaawa
B. nagmamalaki
C. nagsisinungaling
D. nagbibibigay-impormasyon

2
3. Sumagot ang karpintero, “Apat na dinaryo ang halaga nito, subalit hindi ko na
ito pababayaran kung papayagan mo ako sa aking kahilingan.” Ipinakikilala na
ang karpintero ay _____________.
A. mapanlinlang at mapagsamantala
B. matulungin sa kapuwa
C. mapanlamang sa kapuwa
D. may binabalak o pinaplano
4. Subalit bago nito magawa ang kaniyang pakay, sinabi nito, “Ako’y iyong-iyo at
walang iistorbo sa atin. Kung mabait kang talaga, gumawa ka muna ng
kautusang nagpapalaya sa aking kapatid para naman mapanatag ang aking
kalooban.” Ipinakikilala na ang babae ay _______________.
A. mapanlamang
B. segurista
C. maparaan
D. mapagpatawad
5. Lumabas siya upang patuluyin ang kumakatok. Ito ang karpintero. Tinanong ng
babae. “Anong klaseng kabinet ba itong ginawa mo?” Ipinahihiwatig na ang babae
ay______________.
A. nagbibigay-babala
B. nagrereklamo
C. nagagalit
D. nagugulat
Halaw sa Isang Libo’t Isang Gabi (One Thousand and One Nights)

Tuklasin

Panoorin at suriin ang halimbawa ng isang Nobelang pinamagatang “Mga Patak


ng Luha”. Halaw sa Taare Zameen Par (Every Child is Special) at Isinulat sa Filipino ni
Julieta U. Rivera sa kawing na ito https://www.youtube.com/watch?v=iMEcga1gy38.

Gawain 1 #Panindigan Mo!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong.
1. Tama ba ang ginawa ng magulang ni Islaan maging ng kaniyang gurong hindi na
siya unawain sa kaniyang mga kahinaan bilang mag-aaral? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ano-anong mga positibo at negatibong katangian ang ipinakita ng pangunahing


tauhan sa nobela?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Naniniwala ka bang ang bawat isa ay may kani-kaniyang pagkabukod-tangi?


Pangatwiranan.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

4. Sa iyong palagay, makatarungan ba ang ginawa ng gurong si Ram Shankar


Nikumbh Sir para manumbalik ang hilig ni Ishaan sa pagguhit?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3
5. Sa iyong palagay, tama ba ang damdaming namayani sa gurong nagsasalaysay
sa katapusan ng akda?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

HANDA KA NA BA?
Suriin Sa bahaging ito, tutuklasin natin kung hanggang
saan ang iyong kaalaman sa pagsusuri ng nobela
batay sa sangkap at elemento nito. Kaya ang tanong
ko, handa ka na bang madagdagan ang iyong
kaalaman?

SANGKAP NG NOBELA

Paggamit ng
Kasaysayan malikhang Pag-aaral
guniguni

- Ang nobela ay
isang paglalarawan ng - Dito nakasalalay - Upang maging
buhay o ng isang ang buhay ng nobela. Ito makatotohanan ang
kapana-panabik na ang nagpapagalaw sa paglalarawan sa buhay, ang
kasaysayang aakit sa mga tagpo at nagbibigay nobela ay dapat na gumawa ng
babasa upang basahin ng tinig sa pamamagitan masusing pagmamasid sa kilos
at subaybayan ito. ng wastong pananalita at gawa ng lipunan. Dapat
sa mga damdamin o nitong unawain ang tunay na
kaisipang nais ipahayag. sanhi sa likod ng mga
- Ito rin ang pangyayari at sa kilos ng mga
nagsasaayos upang ang tauhang nagsisiganap
pagkakaugnay ng mga sapagkat ang mga tauhang ito
pangyayari ay maging ay kinatawan lamang ng mga
likas at makatotohanan talagang taong may sariling
adhika, tagumpay, kabiguan,
pag-asa at pangarap sa buhay.

MGA ELEMENTO NG NOBELA


1. Tagpuan- lugar at panahon ng mga pinangyarihan
2. Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela
3. Simbolismo- nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at pangyayari
at maaaring kinakatawan ng isang bagay o lugar
4. Tauhan- nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
5. Pananalita- diyalogong ginagamit sa nobela
6. Pananaw- panauhang ginagamit ng may-akda
A. Una - kapag kasali ang may-akda sa kuwento
B. Ikalawa - ang may-akda ang nakikipag-usap
C. Ikatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
7. Tema- paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
8. Damdamin- nagbibigay kulay sa mga pangyayari
9. Pamamaraan- estilo ng manunulat sa paglalahad ng mga pangyayari na
sinangkapan ng pagiging malikhain nito
10. Tunggalian- mga nalilikhang alitan, gusot, at suliranin sa bawat kabanata

4
Alam mo ba?
Isa sa nakapagpapasabik sa imahinasyon ng mambabasa sa
mga akdang kanilang binabasa ay ang pagtunghay sa mga
susunod na pangyayari sa kuwento o istorya? Paghihinuha sa
maaaring maganap ang tawag dito. Sa pamamagitan nito,
matututo kang manghula ng posibleng kahinatnan ng pangyayari
o mga tauhan. Malalaman ang susunod na pangyayari sa
pamamagitan ng mga pahiwatig sa loob ng talata o pahayag.
Maaari ring gumamit ng mga salitang pananda gaya ng tila, wari,
baka, marahil at iba pa.Halika, sanayin na ang sarili sa
kasanayang ito!

Pagyamanin
GAWAIN 1 SURI-NOBELA
Panuto: Ilahad ang kultura ng mga bansa sa Kanlurang Asya mula sa mga akdang
pampanitikan sa tulong ng Rays Mapping. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.

Israel Kultura

Bhutan Kultura
Mga Bansa sa
Timog- Lebanon Kultura
Kanlurang Asya
Saudi Kultura

India Kultura

Basahin ang buod ng nobela.

Mga Patak ng Luha (Buod)


Ni Julieta U. Rivera

Isang maulang gabi ay mayroong pinanonood ang isang guro tungkol sa isang
batang may dyslexia o napagbabaligtad ang mga letra at iba pang impormasyon.
Hindi mapigilan ng gurong maiyak sa kaniyang pinanonood. Ang kuwento ay umiikot
sa batang si Ishaan Nandkishore Awasthi na mayroong dyslexia. Dahil sa kaniyang
kondisyon, hindi siya maunawaan ng kaniyang mga guro at magulang. Madalas
siyang makarinig ng masasakit na salita at panlalait dahil sa kaniyang kalagayan.
Madalas na masabihan siya ng bobo at mahina ng kaniyang ama. Dahil hirap na ang
mga magulang sa pag-unawa sa anak, napagdesisyunan nilang ilagay sa isang
dormitoryo ang anak. Walang magawa ang ina dahil sunod-sunuran lamang siya sa
asawa. Gayunman, nagpatuloy si Ishaan sa pag-aaral. Salamat sa pagdating ng bago
niyang gurong si Ram Shankar Nikumbh Sir. Inunawa niya ang bata sa kabila ng
kondisyon nito. Inilabas din ng guro ang natatagong kakayahan ng bata at itinanghal
na pinakamahusay na artist sa paaralan. Dito nagbago ang pagtingin ng ibang guro
at kaniyang magulang kay Ishaan. Nalaman nilang iba-iba ang kakayahan ng mga
bata at lahat ng mga ito ay may husay anuman ang kalagayan nila. Dahil sa
napanood, napaisip ang guro kung katulad ba siya ni Ram sa pelikula. Nahiya siya
dahil batid niyang iba siya sa guro, ngunit ngayon ay inspirasyon na niya ito upang
maging maunawaing guro sa mga mag-aaral.

Halaw mula sa https://www.panitikan.com.ph/mga-patak-ng-luha-buod panitikan.com

5
GAWAIN 2 HINUHA, ILAHAD MO!
Panuto: Basahin ang bawat pangyayaring natagpuan sa akda. Ibigay ang
angkop na paghihinuha sa maaaring mangyari sa nobela. Isulat ang hinuha sa patlang.

1. Madalas makarinig ng masasakit na salita at panlalait si Ishaan dahil sa


kaniyang kalagayan. Ano kaya ang maaaring maramdaman ni Ishaan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Dahil hirap na ang mga magulang sa pag-unawa sa anak, napagdesisyunan
nilang ilagay sa isang dormitoryo ang anak. Ano kaya ang maaaring mangyari
kung hindi nila nilagay sa isang dormitoryo ang kanilang anak?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Dahil hirap na ang mga magulang sa pag-unawa sa anak, napagdesisyunan
nilang ilagay sa isang dormitoryo ang anak. Walang magawa ang ina dahil sunod-
sunuran lamang siya sa asawa. Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi
sumunod ang ina sa desisyon o kagustuhan ng kaniyang asawang ilagay sa
dormitoryo ang kanilang anak?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Salamat sa pagdating ng bago niyang gurong si Ram Shankar Nikumbh Sir.
Inunawa niya ang bata sa kabila ng kondisyon nito. Ano kaya ang maaaring
mangyari kay Ishaan kung hindi dumating ang bagong guro at inunawa ang
kondisyon niya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Ang kuwento ay umikot sa batang si Ishaan Nandkishore Awasthi na mayroong
dyslexia. Dahil sa kaniyang kondisyon, hindi siya maunawaan ng kaniyang mga
guro at magulang. Ano kaya ang maaaring mangyari kung si Ishaan ay isang
batang normal at walang ganoong kondisyon?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

1. Bakit kailangang malaman ang mga elemento


at sangkap ng isang nobela?
Isaisip 2. Paano naipakikita ang kultura ng isang bansa
sa mga akdang pampanitikang katulad ng
nobela?

Alam kong marami kang natutuhan sa talakayan natin kaya naman halina’t
iyong ibahagi ang napulot na kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod.
Naalala, Nanatili, Napahalagahan

Naalala! (Magtala ng isang kaalamang naalala mo tungkol sa dula.)


_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Nanatili! (Magtala ng dalawang kaalamang nanatili sa iyong isipan tungkol sa
elemento ng dula.)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
Napahalagahan! (Magtala ng tatlong dahilan bakit kailangang pahalagahan ang
natutuhan sa bahagi at katangian ng isang dula.)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

6
Isagawa

Ipagpalagay na ikaw ay kabilang sa staff ng Departamento ng Turismo. Isa sa


mga proyekto ninyo ay ang paggawa ng isang brochure na nagpapakita at naglalayong
magamit ang mga salitang aangkop sa paglalarawan ng kultura at bayani ng Kanlurang
Asya. Maaaring gumamit ng iba’t ibang apps sa pagbuo ng brochure gaya ng Canva,
powerpoint at iba pa. Ipasa sa iyong guro ang awtput sa modyul na ito.
Inaasahang ang gagawing brochure ay naglalaman ng sumusunod na
pamantayan:

Napakahusay Mahusay Di-gaanong Marka


PAMANTAYAN
(10 puntos) (8 puntos) mahusay
(5 puntos)
Nilalaman Katangi-tangi Nakapagbigay ng Ordinaryo ang
Naglalaman ito ng ang kultura at nilalaman ng
kultura at bayani naipakitang bayani mula sa brochure at
mula sa Kanlurang kultura at Kanlurang Asya hindi sapat ang
Asya. bayani mula sa na makikita sa naibigay na
Kanlurang brochure. Ngunit kultura at
Asya na mapapansin na bayani mula sa
makikita sa may ilang Kanlurang
brochure. impormasyon Asya.
ang nagkaroon
ng kalituhan.
Organisasyon Malinis at Maayos ngunit Hindi
Lohikal ang organisado ang may mga bahagi organisado ang
presentasyon at presentasyon ng brochure ang pagkakalagay
magkakaugnay ang ng konsepto. di gaanong tiyak ng
mga konsepto. sa presentasyon presentasyon
ng konsepto. ng konsepto.
Gamit ng Wika Nagamit nang Nagamit ang Nagamit ang
Nagagamit ang wasto at wikang Filipino wikang Filipino
angkop na salita sa pormal ang subalit may subalit hindi
paglalarawan at may wikang Filipino kahinaan sa wasto at
maayos na paggamit sa kaangkupan ng maayos ang
ng wika. paglalarawan mga salita sa mga salitang
ng kultura at paglalarawan ng ginamit sa
bayani ng kultura at paglalarawan
Kanlurang bayani ng ng kultura at
Asya. Kanlurang Asya. bayani ng
Kanlurang
Asya.

Tayahin

Gawain 1
Panuto: Ibigay ang maaaring mangyari batay sa sumusunod na mga sitwasyon o
pangyayari. Saliksikin ang akdang pinaghanguan ng mga pangyayari mula sa
sanggunian. Isulat ang sagot sa kahon.

Nang sila’y lumundag sa tubig, lumikha ito ng mga alon. Ang porselanang banga
ay tinangay papalapit sa kaniya, kahit hindi nila gusto, bigla silang nagbanggan nang

7
malakas. Isang napakalaking alon ang humampas mula sa gilid ng lawa. Lumikha ito
ng napakalakas na tunog. Ano ang susunod na posibleng mangyari batay sa kuwento?
Halaw sa: Parabula ng Banga, Filipino 9 Kagamitan ng Mag-aaral

Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka.
Sa labanang naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming
higante ang bumagsak na pugot ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa
ang naglaban.
Halaw sa Rama at Sita (Isang kabanata) Epiko ng Hindu na isinalin ni Rene O. Villanueva , Filipino 9 Kagamitan ng Mag-aaral

Gawain 2
Panuto: Ilarawan ang kultura at mga bayani ng kanlurang Asyano gamit ang
angkop na mga salita. Isulat ang sagot sa mga kahon upang mabuo ang grapiko.

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Map_of_Asia.svg

8
9
Filipino
Ikatlong Markahan – Modyul 8:
Pagpapahalaga sa mga Akdang
Pampanitikang Kanlurang Asya
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 8: Pagpapahalaga sa mga Akdang Pampanitikan ng
Kanlurang Asya
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Jay F. Macasieb DEM, CESE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ma. Mercedes T. Dar

Editor: Maureen Ava B. Collado

Tagasuri: Maria Fe C. Balaba

Tagalapat: Anna Liza A. Ataiza


Julie B. Sohal

Tagapamahala: Neil Vincent C. Sandoval


Hepe,Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Maria Fe C. Balaba
Pandibisyong Tagamasid, Filipino at Mother Tongue

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: [email protected]
Alamin

Sa Ikatlong Markahan, natunghayan mo ang mga akdang pampanitikan ng


Kanlurang Asya. Inaasahang ang mga araling ito ay nakatugon sa mga pangangailangan
mo na maunawaan ang kultura at pamumuhay ng mamamayan mula sa mga bansa ng
Kanlurang Asya. Sa tulong ng teknolohiya at mga estratehiyang gumabay sa higit na
malalim at kapaki-pakinabang na iyong pagkatuto, pagyayamanin pa natin ang iyong
natutuhan.
Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang:
1. Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga
akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya (Pamantayang Pangnilalaman)
2. Masining na nakapagtatanghal ng kulturang Asyano batay sa napiling mga
akdang pampanitikang Asyano (Pamantayan sa Pagganap)
Magsimula rito!

Aralin
Pagpapahalaga sa mga Akdang
1 Pampanitikang Kanlurang Asya
HULARAWAN:
Subukin ang iyong kaalaman batay sa mga bansang tinalakay ng Ikatlong Markahan,
Simulan mo na!
Panuto: Mula sa mga larawang nakikita, saang bahagi ng Asya matatagpuan ang
mga ganitong kapatagan? Makatutulong ang kulang na letra ng salita upang mas
masagot mo ito.

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Nachusa_Grasslands_Spring_2016.jpg https://pixabay.com/photos/sheep-meadow-landscape-1361728/

DAMUHAN RANGELAND

https://pixabay.com/photos/desert-sand-dunes-dunes-dry-1270345/ https://pixabay.com/photos/mount-machhapuchchhre-himalaya-peak-583710/

DISYERTO KABUNDUKAN

1
Sagot:
_ _ NL_R_ _G A_Y_

palaISIPan (Crossword Puzzle)


Panuto: Punan ang bawat kahon ng salita batay sa mga hinuha na makikita sa
kaliwang bahagi ng mga kahon.

TULAkinigan
Panuto: Pakinggan o Panoorin ang elehiya at sagutin ang katanungan matapos
mapanood ang video. Matatagpuan ang video sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=7C6mKKO9QIA

Sa paanong paraan binigkas ang elehiya o awit?


_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2
ALA-ARAL
Ating sariwain ang lahat ng paksang tinalakay sa buong Ikatlong Markahan.
Makatutulong ang Time Machine upang mabalikan ang lahat ng ating karunungan. Tayo
na at lakbayin ang nakaraan!

Ikatlong Markahan

PANITIKAN
GRAMATIKA
Mga akdang
pampanitikan ng
Kanlurang asya Mga Kasanayan

Naaalala mo na ba?

Makatutulong sa iyong paggunita ang talahanayang ito:

Blg. PAKSA Bansa PANITIKAN GRAMATIKA


1. Epiko Hindu Rama at Sita Mga angkop sa salita
sa paglalarawan
2. Parabula Kanlurang Ang Talinhaga Matatalingangang
Asya tungkol sa May-ari Pahayag
ng Ubasan
3. Elehiya Bhutan Elehiya Sa Mga Pang-uring
Kamatayan ni Nagpapasidhi ng
Kuya Damdamin
4. Alamat/Sanaysay India Ang Pangarap ng Pang-ugnay na
Panitikan: Pangit na Prinsesa Hudyat sa
Maikling Pagkakasunod-sunod
Kuwento ng mga
Pangyayari
5. Nobela Saudi Isang Libo’t Isang Wika: Pang-abay na
Programang Arabia Gabi Pamaraan,
Pantelebisyon Pamanahon, at
Panlunan
6. Elemento, Mga Patak ng Luha Pangwakas na
Sangkap ng (Buod) Gawain
Nobela,

Paksa: Parabula at Matatalinhagang Salita


Ngayong nanumbalik na sa iyo ang lahat ng aralin handa ka nang sagutin ang
sumusunod na mga katanungan:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Bilugan ang letra ng
tamang sagot.

3
Ngayon, ipalagay mong ikaw ang lapis na iyon. Lagi mong tandaan ang mga
habilin at huwag kalilimutan ang mga ito kailanman, at makakamit mo ang
pinakarurok ng pagiging tao na maaari mong maabot.
Una, makagagawa ka ng mga dakilang bagay, ngunit mangyayari lamang ito
kung hahayaan mong hawakan ng Diyos ang iyong kamay, at kung hahayaan
mong makabahagi ang iyong kapwa sa mga biyayang ipinagkaloob sa iyo.
Ikalawa, makararanas ka ng napakasakit na pagtatasa sa pana-panahon sa
iyong pagtahak sa samutsaring suliranin ng buhay; ngunit kakailanganin mo ito
upang ikaw ay maging mas matatag.

-halaw mula sa Parabula ng Lapis

1. “Bumalik ang anak at humingi ng tawad sa magulang. Pinatawad ang anak at


pinatuloy muli sa kaniyang tahanan.” Ang tagpong nabasa ba ay maaaring
maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan?
A. Oo dahil lahat ng mga anak ay nagkakasala, alam nilang sila ay patatawarin
ng kanilang magulang.
B. Oo, dahil walang ina ang kayang tiisin ang kaniyang anak gaano man kabigat
ang naging pagkakasala nito.
C. Hindi, dahil ang kasalanan ng anak ay walang kapatawaran.
D. Hindi, dahil kapag nagkasala ang anak, ito na ang magiging lamat ng buong
pamilya.

2. “Makararanas ka ng napakasakit na pagtatasa sa pana-panahon sa iyong


pagtahak sa samutsaring suliranin ng buhay; ngunit kakailanganin mo ito upang
ikaw ay maging mas matatag.” Alin sa sumusunod ang nagpapakita na ang
pangyayaring ito ay maaari ring maganap sa kasalukuyan at sa tunay na buhay?
A. Si Aling Tesa ay namatayan ng anak at hindi niya na nagawang muling
magkaroon ng tiwala sa Diyos.
B. Maagang nakapag-asawa ang kapatid ni Tonyo ngunit hindi ito naging
hadlang upang tumigil siya sa pag-aaral
C. Nasunugan ng bahay ang pamilya ni Pinca kaya naisipan na lamang ng
kaniyang amang sumali sa isang sindikato.
D. Bata pa lang ay napakarami nang pagsubok ang naranasan ni Ella na
nagdulot ng pagiging matatag niya sa buhay.

3. Alin sa sumusunod na pangungusap angkop na ginamit ang matalinhagang


salitang pagtatasa?
A. Napakaraming pagtatasa ang ginawa niya sa buhay upang makamit ang
ginhawa ng buhay.
B. Kinakailangan ng lahat ng tao ang pagtatasa dahil ito ang magiging susi ng
tagumpay sa buhay.
C. Sa dami ng napakasakit na pagtatasa ang naranasan niya sa buhay ay ito
ang naging dahilan upang siya ay maging matatag.
D. Ginawa niya ang lahat ng pagtatasa upang makasigurado na ang magiging
kinabukasan ng kaniyang mga anak ay maginhawa.

4. Alin sa sumusunod ang HINDI layunin ng parabula?


A. magturo
B. mangaral
C. mang-aliw
D. magpatawa

5. “Ngayon, ipalagay mong ikaw ang lapis na iyon.”


Ano ang ibig sabihin ng matalinhagang pahayag?
A. Pumapatungkol sa buhay ng tao
B. Pumapatungkol sa hirap ng pag-aaral
C. Pumapatungkol sa kalayaan ng bansa
D. Pumapatungkol sa pagtupad ng pangarap

4
Paksa: Epiko at Maikling Kuwento
Sa bahaging ito higit na susubukin ang iyong kaalamang natutuhan sa Ikatlong
Markahan. Halina’t ipagpatuloy na sagutin ang mga katanungan.

Gawain 1
Panuto: Patunayang ang mga pangyayari at/o transpormasyong nagaganap sa
tauhan ay maaaring mangyari sa tunay na buhay. Bibigyan ka ng pagkakataong maging
isang bayani. Umisip ng iyong malikhaing pangalan bilang bayani at ano ang iyong
taglay na kapangyarihan.

KUNG AKO’Y ISANG BAYANI!

Pangalang ng Bayani:__________________________________
Katangian bilang normal na tao:_______________________
Taglay na Kapangyarihan ng bayani:___________________
Anong transpormasyong naganap sa karakter ang iyong
nabuo? Ipaliwanag.
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Bilugan ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang


malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at mababangis na hayop sa
ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa
mga naninirahan sa labas ng kaharian ng Mantapuli.
Ipinatawag ni Indarapatra ang kaniyang kapatid na si Sulayman, isang
matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman upang puksain ang mga
ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago
umalis si Sulayman, nagtanim si Indarapatra ng halaman sa may durungawan.
Aniya kay Sulayman, “Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko ang
nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay
namatay.”
-Halaw mula sa Epiko ni Indarapatra at Sulayman

1. Anong kulturang Asyano ang masasalamin sa bahaging ito ng epiko?


A. Pagmamahal sa pamilya
B. Pagtanaw ng utang na loob
C. Pagpapakita ng katapangan
D. Pagiging matulungin sa kapuwa

2. “Ipinagkakaloob ko ang aking anak sa iyo dahil sa pagkakalipol mo sa mga


dambuhala,” sabi ng datu. Anong kulturang Asyano ang masasalamin sa
pahayag na ito?
A. Pagtanaw ng utang na loob
B. Pagtupad sa mga pangako
C. Pagbibigay ng pabuya sa mabuting nagawa
D. Pagkakaroon ng lakas ng loob sa hamon ng buhay

5
Hinanap niya ang mga tao. May nakita siyang isang magandang dalagang
kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman itong nakapagtago. Isang matandang
babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay Indarapatra. Ipinagsama ng
matandang babae si Indarapatra sa yungib na pinagtataguan ng lahat ng tao sa
pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikipaglaban nilang dalawa ni
Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. Sinabi rin niyang maaari na silang
lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki ng pasasalamat ng buong tribu,
ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang magandang babaeng nakita ni
Indarapatra sa batisan.
-Halaw mula sa Indarapatra at Sulayman

3. Ibinalita ni Indarapatra ang mga pakikipaglaban nilang dalawa ni Sulayman sa


mga halimaw at dambuhalang ibon. Anong katangian ang ipinakikita sa
pangungusap sa talata?
A. maawain
B. matiyaga
C. matapang
D. maalalahanin

4. “Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap kay


Indarapatra.” Ano ang maaaring mangyari kung di nakapag-usap ang babae at
si Indarapatra?
A. Ang takbo ng kuwento ay magiging trahedya dahil hindi naiparating ang
balita.
B. Hindi nito malalaman ang balita tungkol sa pakikipaglaban ni Sulayman sa
mga halimaw.
C. Malalaman pa rin ang balita tungkol sa pakikipaglaban ni Sulayman dahil sa
mga magpapakalat ng maling balita.
D. Hindi magkakakaroon ng magandang wakas ang kuwento kung di
magagawang makapag-usap ng babae at ni Sulayman.

Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni


Sulayman. Nanangis si Indarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay
ni Sulayman. Sa di kalayua’y may nakita siyang banga ng tubig. Winisikan niya ng
tubig ang bangkay at muling nabuhay si Sulayman. Parang nagising lamang ito
mula sa mahimbing na pagtulog. Nagyakap ang magkapatid dahil sa malaking
katuwaan.

5. Anong katangian ang ipinahihiwatig ng pangungusap na may salungguhit?


A. Pagiging iyakin
B. Pananalig sa Diyos
C. Pagmamahal sa kapatid
D. Pagpapakita ng katatagan

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Task: ELEHIYAWIT)

Bilang pangwakas na gawain, inaasahang makapagtatanghal ka ng isang


masining na elehiya.

Panuto: Alalahanin ang isang mahal sa buhay na namayapa na nais gawan at


alayan ng isang elehiya. Sundin ang pormat upang makabuo nang maayos na
piyesa at gawing gabay ang pamantayan sa pagmamarka.

Unang talata-
diskripsyon/katangian ng isang tao

6
Ikalawang talata-
mga bagay na nagawa ng isang tao
Ikatlong Talata-
mensahe.

Pamantayan sa Pagmamarka ng Video

ORIHINALIDAD NG ISKRIP
Nakabuo ng sariling kathang elehiya na kakikitaan ng mga 50 %
angkop at matalinhagang salita. Ang videong mabubuo ay hindi
bababa sa 2 minuto at hindi lalampas sa 3 minutong
presentasyon.

PAGGANAP 25 %
Kinakailangang madama ang emosyon ng elehiya ng mga
tagapanood at tagapakinig. Mabisang naipararating ang
mensahe ng elehiya.

SINEMATOGRAPIYA, EDITING, at PAGLALAPAT NG 25 %


MUSIKA’T TUNOG
Naipakita ang pagiging malikhain, maayos na daloy ng video,
kalinawan, at kalidad.

KABUUAN: 100 %

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Ngayon naman, ipamalas ang iyong pag-unawa sa mga akda ng Kanlurang Asya
na iyong natutuhan sa buong Ikatlong Markahan.
PANUTO: Basahin ang talata at punan ang mga patlang upang mabuo ang diwa
nito. Piliin ang salita sa loob ng kahon.

Ang Kanlurang Asya

Ang mga bansa sa 1.___________ tulad ng Lebanaon, Saudi Arabia, Bhutan,


Israel, at India. Ang katawagang Kanlurang Asya ay kadalasang ginagamit sa mga
kasulatan sa arkeolohiya. Ang Kanlurang Asya ang rehiyong pinagtatagpuan ng
hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa daigdig— ang Africa, 2._________ at
Europa. Ito ay binubuo ng bansang Arabo tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan,
Syria, Iraq, at Kuwait. Pangunahing pinagkukunan ng 3._________ ang rehiyong ito.
Nanggaling din dito ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig gaya ng Judaism,
Kristiyanimo at 4._________ Ang Kanlurang Asya ay itinuturing na 5.___________ at
ikanakategorya bilang 6.__________. Nilinang sa iyo ang pag-unawa at pagpapahalaga
sa mga akdang pampanitikan ng Kanlurang Asya tulad ng parabula, awit, at
7._________, maikling kuwento, sanaysay, at epiko.

elehiya Langis Islam Arid Asya

Asya Moslem World Silangang Asya Kanlurang Asya

7
Paglalagom
Panuto: Punan ang grapikong Mind Map ng mga hinihinging impormasyon.

Mga Akdang
Pampanitikan ng
Kanlurang Asya

You might also like