Filipino10 Q3 Modyul-4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

10

FILIPINO-10
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Sundiata: Ang Epiko ng sinaunang Mali

(Akdang Pampanitikan ng Africa at Persia (Iran))

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

1
Aralin
Ang Mahahalagang Elemento ng
1 Epiko
• PANGKALAHATANG IDEYA
Napag-alaman mo na ang kahulugan ng epiko noon. Sa araling ito ay lalo mo
pang mapalawak ang iyong kaalaman dahil palalalimin pa nating mabuti ang iyong mga
natutuhan sa pamamagitan ng pagtalakay ng mga mahahalagang elemento ng epiko
ganoondin ang ilang mga halimbawa nito. Handa ka na ba?

• LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa
(F10PT-IIId-e-79);

SURIIN:
Ang epiko ay ipinahahayag nang pasalita, patula o paawit. Minsan ay
sinasaliwan ito ng instrumentong pangmusika. Mahaba ang epiko, binubuo ito ng
1,000 hanggang 55,000 na linya. Maaaring abutin ng ilang oras o araw
angpagtatanghal nito (Marasigan at Del Rosario: 2015).
Ang epiko, bilang tulang pasalaysay, ay may mga elementong kagaya ng mga
sumusunod:
MAHAHALAGANG ELEMENTO NG EPIKO:
Banghay. Ang epiko bilang tulang padalaysay ay kakikitaan din ng
pagkakaugnay-ugnay ng pangyayari. Ito ay ang banghay. Maaari itong payak o
komplikado. Makikita rin na maraming mga pangyayari sa epiko ang hindi kapani-
paniwala o hindi makatotohanan.

Matatalinghagang Salita. Ang epiko ay ginagamitan ng matatalinghagang salita o


idyoma. Ang mga ito ay may kahulugang taglay na naiiba sa karaniwan. Di tuwirang
nagbibigay ng kahulugan ang mga idyoma.
Sukat at Indayog. Tumutukoy ang sukat sa magkakatulad na bilang ng pantig sa
bawat tiyak na hati ng taludtod o mga taludturan. Ang sukat sa bawat taludtod ay
maaaring maging wawaluhing pantig (8), lalabindalawahing pantig (12), lalabing-
animing pantig (16), o lalabingwaluhing pantig (18). Isinasaayos ang epiko sa
paraang maindayog o maaliw-iw.
Tagpuan. Mahalaga ang tagpuan sapagkat ito’y nakatutulong sa pagbibigay-linaw
sa paksa, sa banghay at sa tauhan.
Taludturan. Ang pagpapangkat-pangkat ng mga taludtod ng isang tula ay tinatawag
na taludturan. Karaniwang apat na taludtod ang bumubuo sa isang taludturan o
saknong.
Tauhan. Mapapansing ang tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural o di
pangkaraniwang kapangyarihan.

2
Tugma. Ang epiko ay gumagamit ng magkakahawig na tunog sa dulompatinig ng
mga taludtod. Tinatawag itong tugma.

PAGYAMANIN:
Gawain 1. MAY KONEK: Ihanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng
mga ito sa isa’t isa. Itala sa ibaba ng mga salitang magkakaugnay ayon sa
mga nalikom mong kaalaman mula sa talakayan sa aralin. Bigyan ng maiksing
paliwanag ang iyong naging kasagutan. Piliin ang mga salita sa kahon.

Aliw-iw dulompantig Komplikado o May supernatural na Saknong


payak kapangyarihan

Bilang ng pantig Idyoma Lugar na Pinagmulan ng mga


pinangyarihan bagay

ELEMENTO NG EPIKO KAUGNAY NA SALITA PALIWANAG

1. Banghay
2. Indayog
3.Tagpuan
4.Taludturan
5.Tauhan

PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na
papel.
1. Isang uri ng akdang pampanitikan na maihahambing sa tulay nanagdurugtong ng
nakaraan.
A. anekdota B. epiko C. mitolohiya D. nobela
2. Uri ng akdang pampanitikan na nagsasalaysay sa kabayanihan ng pangunahing tauhan.
A. anekdota B. epiko C. mitolohiya D. nobela
3. Ang mga salitang ginamit sa akdang ito ay karaniwang pormal, makaluma at
nagtataglay ng maraming tayutay at matatalinghagang pananalita
A. anekdota B. epiko C. mitolohiya D. nobela
4. Ito ay isang mahaba at patulang pasalaysay ng mahahalagang pangyayari
at pakikipagsapalaran sa buhay ng isang tauhang lubos na malakas at makapangyarihan at
kinikilalalang bayani ng lugar o bansang pinagmulan.
A. anekdota B. epiko C. mitolohiya D. sanaysay
5. Ito ang tawag kapag ang epiko ay gumagamit ng magkakahawig na tunog sa
dulompantig ng mga taludtod.
A. banghay B. sukat C. taludturan D. tugma
6. Ito ay tumutukoy sa magkakatulad na bilang ng pantig sa bawat taludtod.
A. banghay B. sukat C. taludturan D. tugma
7. Ito ay ang maaliw-iw na pagsasaayos ng epiko.
A. banghay B. indayog C. sukat D. taludturan

8. Ito ay karaniwang apat na taludtod sa isang saknong.


A. banghay B. indayog C. sukat D. taludturan

3
9. Ito ang pagkakaugnay-ugnay ng pangyayari na maaaring payak o komplikado.
A. banghay B. indayog C. tagpuan D. tauhan
10. Ito ay mahalaga sa epiko sapagkat ito ay nakapagbibigay-linaw sa paksa.
A. banghay B indayog C. tagpuan D. taludturan

Aralin
Sundiata: Ang Epiko ng
2 Sinaunang Mali
• PANGKALAHATANG IDEYA
Ang Imperyong Mali na kilala rin sa tawag na Imperyong Manding ay naging
makapangyarihan sa West Africa noong 1230 hanggang 1600 na siglo. Sa pamamayagpag
nito, ang imperyo’y higit pang malawak sa Western Europe. Dito ay umusbong ang isang
epiko na kabilang sa maituturing na dakilang kayamanan ng panitikang pandaigdig,
maihahanay ito sa epiko ng Hindu na Ramayana at Mahabharata at epikong Griyego na Iliad
at Odyssey. Ang epikong pag-aaralan mo ay taal na tulang pasalaysay na pinagsalin-salin
ang mga berso ng mahuhusay na mananalaysay na sinasaliwan ng instrumentong musikal.
Itatampok dito ang mabuting pagbabagong dala ng pagtatagumpay laban sa kasamaan.
.
• LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa akda sa pandaigdigang pangyayari sa
lipunan (F10PN-IIId-e-79);
2. nabibigyang puna ang napanood na teaser o trailer ng pelikula na may paksang
katulad ng binasang akda (F10PD-IIId-e-77);

TUKLASIN:

Ang Epiko ni Sundiata (Sundiata Keita) Sundiata Epiko ng Sinaunang Mali-


Tagalog version ay isang epikong tula na nagmula sa mamamayan ng Malinke. Nabibilang
ito sa mga panitikang nalimbag sa Africa. Isinalin ni J.D. Pickett sa
wikang Ingles at isinalin naman sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora.
Tungkol ito sa kuwento ni Sundiata Keita, ang nagtatag ng Emperyo ng Mali. Ang
epikong ito ay pinanatili ng mga griot (story teller) ng mahabang panahon (Wiki). Sa
pagbabasa mo ng buod ng Sundiata, mas mauunawaan mo ang daloy ng kuwentong ito.
Buod ng Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali
Mula sa pinoynewbie.com (April 11, 2018)
Sa kaharian ng Niani, nahinuha na ng isang mahiwagang mangangaso na si Maghan
Sundiata (Mari Djata) ay magiging isang magaling na mandirigma. Ngunit pitong taong
gulang na siya pero hindi pa siya nakakalakad. Sa paglisan ni Haring Maghan Kon Fatta,
itinalaga ng kanyang pianakaunang asawa na si Sassouma Berete na si Dankaran Touma,
kanyang anak na magmamana ng trono. Pinalayas nila sa kaharian si Mari Djata at ang
kanyang ina na si Sogolon Kadjou, at sila ay naghirap.
Isang araw, nais mamitas ni Sogolon Kadjou ng dahon ng baobao kaya nagpunta
siya kay Reyna Sassouma Berete upang humingi ng kaunting dahon, ngunit sa halip na
bigyan, ipinahiya pa siya ni Sassouma.

4
Umuwi siya na puno ng kahihiyan at poot. Pagkauwi ng bahay ay napagbuhusan
niya ng galit ang kanyang anak na si Mari Djata. Pinangako naman nito na makakatayo na
siya sa araw ding iyon, at di lamang dahon ang dadalhin niya sa ina, kundi buong puno at
ugat ng baobao.
Inutusan ni Sundiata na hanapin ang pinakamagaling na panday ng kanyang ama, si
Farakourou, upang gumawa ng isang tungkod na bakal. Noong araw na iyon ay
natunghayan ng mga panda yang himala ng Diyos para sa kanya.
Gumapang siya patungo sa dambuhalang bakal. Sa pamamagitan ng kamay, siya ay
lumuhod habang ang isang kamay naman niya ay inihawak sa bakal. Pilit niyang itinaas ang
kanyang mga tuhod mula sa lupa, ang hawak niyang bakal ay bumaluktot at naging pana.
Umawit ng “Himno ng Pana” si Balla Fasseke habang lubos ang galak na nadama ni
Sagolon nang nasaksihan ang unang hakbang ng kanyang anak.
Tinupad na nga ni Maghan Sundiata ang kanyang pangako sa ina, binunot niya ang
buong puno ng baobao at itinanim sa harapan ng kanilang bahay. Simula ng araw na iyon
ay lubos na paggalang na ang tinamasa ng kanyang ina.
Sa kanyang pagbibinata, naging isang magaling na mangangaso at lider ng kanyang
hukbo si Maghan Sundiata. Samantalang si Soumaoro Kante naman, isang salamangkero
at haring mananakop ng Sosso ay unti-unting sinasakop na ang mga lungsod na kalapit ng
Mali. Malakas at makapangyarihan si Soumaoro ngunit siya ay may kahinaan, sa
kagustuhang makapaghiganti ng pamangkin niyang si Fakoli, sumapi siya kay Sundiata.
Sinabi nila Fakoli at Nana Triban sa kanya ang makapagpapabagsak kay Soumaro, ito ay
ang pagdampi ng tandang sa balat nito. At dito nabuo ang kanilang planong paggapi kay
Soumaoro.
Sa pagtatagpo ng dalawa, itinutok ni Sundiata ang kanyang pana na may tari ng
tandang, pag-atake, dumaplis ito sa balikat ni Soumaoro.
Unti-unting nanghina si Soumaoro at nawalan ng kapangyarihan. Tumakas siya gamit ang
kanyang kabayo at nagtago. Nagtago rin ang iba pang sofas ng Sosso. Di kalaunan,
napabagsak na rin nila ang lungsod ng Sosso.
Mula noon, si Sundiata ay kinilala ng griot na kanilang pinakahari at pinamunuan niya
ang buong Emperyo ng Mali.

Mga Tauhan ng Sundiata: Epiko ng Sinaunang Mali


Ang mga sumusunod ay ang mga tauhan sa epikong Sundiata:
Mga Tauhan sa Epikong Sundiata
Tauhan Katangian
Mari Djata/ Maghan -Magiging magaling na mandirigma ayon sa hula
Sundiata -Sa edad na pitong taon, hindi pa nakakalakad
Maghan Kon Fatta -Hari ng Emperyong Mali
-Ama ni Sundiata
Sagolon Kadjou -Ina ni Maghan Sundiata
-Ikalawang asawa ni Maghan Kon Fatta
-ayon sa kwento ng mga griot, siya ay kuba at pangit
Sassouma Berete -Unang asawa ni Maghan Kon Fatta
-Nagpahirap at nagpalayas kina Maghan Sundiata sa kanilang
kaharian
Dankaran Touma -Anak ni Haring Maghan Kon Fatta kay Sassouma Berete
Balla Fasseke -Anak ni Gnankouman Doua at griot ni Sundiata
Manding Bory -Matalik na kaibigan at kapatid ni Sundiata sa ikatlong asawa ni
Maghan Kon Fatta
Farakourou -Pinakamagaling na panday sa Imperyong Mali
Soumaoro Kante -Malupit na hari ng lungsod ng Sosso

5
SURIIN:
Sa hangaring lalo mo pang maintindihan ang mga kaganapan sa epikong Sundiata,
tunghayan ang karagdagang talakayan na makadaragdag sa iyong natutuhan.
Ang epikong Sundiata ay unang naitala sa Ginea noong 1950 na isinalaysay ng griot
(mananaysay) na si Djeli Mamoudou Kouyate na mahusay na alagad ng kuwentong-bayan
na si D.T. Niane. Isinalin niya ito buhat sa Mandigo sa wikang Pranses. Kalaunan, ang
kanyang salin ang naging batayan sa paglilipat sa Ingles.
Si Sundiata ay kagaya mo rin na isang anak na may pagmamahal sa kanyang
magulang o ina. Hindi niya nakaya ang makitang nasasaktan at naghihirap ang kalooban
nito dahil sa pang-iinsulto ng mga tao sa paligid. Kung iyong napansin, kahit may
kapansanan si Sundiata at hindi nakakalakad kahit sa edad na pitong taong gulang, pinilit
niyang gawin ang inaakala ng iba na imposible niyang magawa, ang makalakad at maging
malakas sa gutna ng kakulangang pisikal at ito naman ay kanyang nagawa alang-alang sa
kaniyang mahal na ina.
Ipinakikita rin sa iyo dito ni Sundiata na kahit ikaw ay anak sa labas at kinukutya ang
iyong ina dahil sa kanyang pisikal na kaanyuan subalit hindi ito hadlang upang patunayan
mo sa lahat na ang dating inaapi at kiinukutya ng karamihan ay maaari palang maging hari
na titingalain ng iba’t ibang kaharian basta mat tibay, lakas ng loob at paniniwala ka lamang
sa iyong kakayahan.
Kung napansin mo rin, ang epikong Sundiata ay nagpapahayag ng kahalagahan ng
akda sa sarili, panlipunan at pandaigdig. Ito ay kinapalooban ng mga pangyayari na
hanggang sa kasalukuyan ay ngalalantad ng mga suliranin at senaryo maging sa
modernong kapanahunan na patuloy pa ring naginging usapin na karapatdapat pagtuunan
ng pansin.
Kagaya na lamang ng kawalan ng tiwala sa sarili dahil sa kapansanna o
kakulangang pisikal, pangmamaltrato sa mga may kapansanan o pambubully sa mga may
kakulangang pisikal, pagkakaroon ng extra marital affair o pagkakaroon ng mahigit pa sa
isang asawa (pero ito ay tanggap o kultura na ng ibang lahi) kung saan ay dumanas din ng
hirap ng pagtanggap ang mga anak sa labas at ang usapin ng digmaan, patayan at agawan
ng teritoryo para sa kapangyarihan.
Mayroon ba kayong mga tunay na bayani sa iyong buhay na may malaking
impluwensiya sa iyo? Sino siya at ano ang kanyang nagawang kabayanihan?

ISAISIP:
Gawain 1: ANG GALING: Susuriin natin ngayon ang iyong natutuhan sa aralin sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga hinihingi ng kahon gamit ang Alam-Nais
Malaman- Natutuhan.
Alam: Ano ang iyong nalalaman noon sa epikong Sundiata?
Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman sa epikong Sundiata?
Natutuhan: Ano ang natutuhan mo pagkatapos ng talakayan sa epikong Sundiata?
ALAM NAIS MALAMAN NATUTUHAN

Alam kong ____________ Nais kong malaman ang Natutuhan ko na _______


_____________________ tungkol sa ___________ _____________________
_____________________ ____________________ _____________________

PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa
hiwalay na papel.

6
1. Ang Imperyong naging makapangyarihan sa West Africa noong 1230 hanggang 1600 na
siglo.
A. Imperyong Assyrian B. Imperyong Babylonian
C. Imperyong Chaldean D. Imperyong Mali
2. Alin sa mga sumusunod na bansa kung saan ang kanilang bayani ay hinahalaw sa
kanilang magigiting na bayani ng kasaysayan?
A. Africa B. America C. Persia D. Rome
3. Ang makapangyarihang pinuno na tumalo sa estadong Sosso sa Kanlurang Africa noong
1235.
A. Dankaran B. Manding Bory C. Sassouma D. Sundiata Kieta
4. Namalagi ang pamilya ni Sundiata matapos silang itaboy sa Niani.
A. Dayala B. Mema C. Niger D. Sosso
5. Ang matalik na kaibigan at kapatid ni Sundiata.
A. Dankaran B. Manding Bory C. Sassouma D. Sundiata Kieta
6. Ang nagsalin sa Filipino sa Sundiata: An Epic of the Old Mali.
A. Hans Roemar T. Salum B. Maricel T. Nucup
C.Rosalia Villanueva- Teodoro D. Mary Grace A. Tabora
7. Ang unang asawa ni Maghan Kon Fatta at nagpahirap kina Sundiata sa kanilang
kaharian.
A. Dankaran B. Farakourou C. Manding Bory D. Sassouma
8. Alin sa mga sumusunod ang epikong naitala sa Guinea noong 1950 na isinalaysay ng
griot na si Djeli Mamoudou Konyate na mahusay na alagad ng kuwentong bayan na si
D.T. Niane?
A. Illiad at Odyssey B. Indarapatra at SulaymanC. Sundiata D. Thor
9. Alin sa mga sumusunod ang epikong tula na nagmula sa mamamayan ng Malinke at
nabibilang sa mga panitikang nalimbag sa Africa?
A. Illiad at Odyssey B. Indarapatra at SulaymanC. Sundiata D. Thor
10. Hari ng Emperyong Mali at ama ni Sundiata.
A. Dankaran B. Farakourou C. Maghan Kon Fatta D. Sassouma

Aralin Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag


3 ng Layon o Damdamin
• PANGKALAHATANG IDEYA
Sa araling ito, matatalos mo rin ang kasagutan sa mga pokus na tanong na:
Nakatutulong ba ang paggamit ng mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng iba’t ibang
damdamin o layon ng pakikipagtalastasan? Iyan ay ilan lamang sa mga katanungang
nilalayon nating sagutin sa araling ito

• LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. Nasusuri nang pasulat ang damdaming nakapaloob sa akdang binasa at ng alinmang
social media (F10PU-IIId-e-81);

TUKLASIN:
Napansin mo ba sa ilang pahayag ng natalakay sa Aralin 2 ay gumamit ng mga
ekspresyong upang maipahayag ang layon o damdamin ng nagsasalita.

7
Sa pag-aaral ng kaalamang nakapaloob sa bahaging ito ng modyul, masasagot mo
ang tanong na nakatutulong ba ang paggamit ng mga ekspresiyon sa
pagpapahayag ng iba’t ibang damdamin o layon ng pakikipagtalastasan?
Alam mo ba na mayroong iba’t ibang ekspresiyon ang maaring gamitin sa
pagpapahayag ng layon o damdamin?
Tuklasin ang mga ito at tiyak na makadagdag sa dati mo nang kaalaman.
1. Pagpapayo at/o pagmumungkahi
Halimbawa:
Kung ako ikaw, mas pipiliin kung manatili sa bahay.
Ano kaya kung sumama ka sa aming adbokasiya?
Mas makatutulong sa iyo ang sumunod sa mga awtoridad.
Siguro makabubuting makiisa tayo sa hangarin ng pamahalaan.
Higit na mabuting pangalagaan ang kalusugan.
Inaakala kong mas makabubuti kung tutulong ako sa mga frontliners sa
pamamagitan ng hindi paglabas ng bahay lalo na kung hindi naman
importante.
2. Pag-aanyaya o pag-iimbita/panghihikayat
Halimbawa:
Halika, magbasa tayo ng mga akdang pampanitikan!
Gusto mong sumang-ayon sa aking gawain?
Puwede ka ba mamaya sa ating pagpupulong na gagawin?
Inaanyayahan kitang manood ng balita para maiwasan ang COVID 19.
3. Pagbabala na maaaring may kasamang pananakot (mahalaga ang itonasyon sa
pahayag) at/o pag-aalala (may kasamang inilalarawang sitwasyon)
Babalang may kasamang pananakot
Halimbawa:
Huwag kang magloloko; kung hindi ay lagot ka sa akin!
Kung hindi ka makikinig, magsisisi ka talaga sa hulihan!
Babalang may kasamang pag-aalala
Halimbawa:
Dahan-dahan sa iyong mga ginagawa, panatilihing ligtas ang sarili.
Nakamamatay iyan, kaya mag-ingat sa lahat ng oras.
4. Panunumpa at/o pangangako
Halimbawa:
Isinusumpa ko, ikaw lamang hanggang wakas!
Ipinapangako ko, kailanman ay hindi ako magtataksil sa ating pag- iibigan.
Saksi ko ang Panginoon, hindi ako nagsisinungaling.
Wala akong ginawang kasalanan, mamatay man ako ngayon!
5. Pagsang-ayon at Pagsalungat
Halimbawa:
Tumpak, isang kalutasan ang kanyang mga pahayag.
Ganyan din ang aking palagay, iyan ang nararapat gawin upang maiwasan
ang sakuna.
Mali ang iyong pinaniniwalaang impormasyon.
Walang mabuting maidudulot ang panukalang iyan.
Ikinalulungkot ko subalit magkaiba tayo ng pananaw.

ISAGAWA:
Gawain 1: KAPAG MAY KATUWIRAN, I-EXPRESS MO! Ilahad ang iyong
matuwid hinggil sa sumusunod na mga isyu. Gamitin mo ang mga angkop na
ekspresiyon na nagpapahayag ng layon o damdamin ayon sa hinihingi rito. Lagyan ng
karugtong na ideya ang mga sumusunod na mga salitang naglalahad ng opinyon.

8
1. Isyu: Kailangan bang manatili sa bahay upang maiwasan ang paglaganap ng
COVID 19?
Layon: Pagbabala (Pananakot/ Pag-aalala)

MATUWID:
_____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

2. Isyu: Ang kahirapan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay.


Layon: Pagsalungat/ Pagsang-ayon

MATUWID:
_____________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa
hiwalay na papel.

1. Ito ay ginagamit upang upang maipahayag ang layon o damdamin.


A. debate B. ekspresyon C. panonood D. pagsasalaysay
2. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng damdaming nagbabala?
A. Hindi kita iiwan, pangako iyan.
B. Huwag kang basta-basta magtiwala, ikaw rin!
C. Makabubuting ipagpaliban mo muna ang iyong pag-alis.
D. Tara, punta tayo roon.
3. Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa kaniyang sarili. Ano ang
ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?
A. Alam ng magulang kung ano ang makabubuti sa mga anak.
B. Ibibigay ng magulang ang pangagailangan ng mga anak.
C. Ibinibigay ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong kapakanan.
D. Gagawin ng magulang ang lahat para sa mga anak.
4. Nang mawala ang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala naming
sa kaniya. Inaakala ko na manghihina ang kaniyang katawang pisikal at
espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.Anong
damdamin ang namamayani sa nagsasalaysay sa talata?
A. paghihinanakit B. pagkabalisa C. pagkalungkot D. panghihinayang
5. ________mas pipiliin ko ang magpahinga muna. Ano ang ekspresiyong
dapat ilagay sa puwang?
A. Halika B. Inaakala kong C. Kung ako ikaw D. Puwede ka ba
6. ______tingnan mo ito’t napakarikit! Ano ang ekspresiyong dapat ilagay sa
puwang?
A. Halika B.Inaakala kong C. Kung ako ikaw D.Puwede ka ba
7. _____bukas sa ating pagpaplano? Ano ang ekspresiyong dapat ilagay sa
puwang?
A. Halika B.Inaakala kong C. Kung ako ikaw D.Puwede ka ba
8. _________mas makabubuti kung hindi susunugin ang mga hindi
natutunaw na basura. Ano ang ekspresiyong dapat ilagay sa puwang?
A. Halika B.Inaakala kong C.Kung ako ikaw D.Puwede ka ba

9
9. _______sa aking pinaniniwalaan? Ano ang ekspresiyong dapat ilagay sa
puwang?
A. Gusto mong sumang-ayon B. Inaanyayahan C. Siguro makabubuting D. Tama
10. _______mahusay ang mga patakarang kaniyang ipinatupad. Ano ang
ekspresiyong dapat ilagay sa puwang?
A. Ano kaya B. Inaanyayahan C. Siguro makabubuting D. Tama

Aralin
4 Ang Debate o Pagtatalo

• PANGKALAHATANG IDEYA
Maraming beses na ban a nakasaksi ka sa isang pagtatalo? Pormal man o di
pormal? Paano kaya kung ikaw naman ang malagay sa mainitang pagtatalo? Ano ang
gagawin mo? Halina at samahan mo ako sa masinsinang pagtuklas at pag-alam sa mga
mahahalagang kaalamang ito

• LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
1. naipahahayag nang mapanuri ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng
akda sa: sarili, panlipunan, pandaigdig (F10PS-IIId-e-81);

TUKLASIN:
Alam mo ba na ang mga ekspresiyon sa pagpapahayag ng layon at damdamin ay
ginagamit din sa pagtatalo o debate? Ano nga ba ang pagtatalo o debate? May kaalaman ka
ba hinggil dito?

ANG DEBATE O PAKIKIPAGTALO


Ang debate ay isang pakikipagtalong may estraktura. Isinasagawa ito ng dalawang
grupo o pangkat na may magkasalungat na panig tungkol sa isang napapanahong paksa.
Ang dalawang panig ay ay ang proposisyon (o sumasang ayon) at ang oposisyon
(o sumasalungat). May isang moderator na magiging tagapamagitan upang matiyak na
magiging maayos ang daloy ng debate at igagalang ng bawat kalahok ang mga tuntunin ng
debate.
Sa pagkatapos ng debate ay may mga huradong magpapasiya kung kaninong panig
ang higit na nakapanghikayat. Ang mga hurado ay dapat walang kinikilIngan sa dalawang
panig ng mga nagde-debate at kailangang nakaupo nang magkakalayo sa isa’t isa at hindi
mag-usap-usap bago magbigay na kani-kanilang hatol upang maiwasang
maimpluwensiyahan ang hatol ng isa’t isa.
Di tulad ng mga karaniwang argumento sa pagitan mo at ng iyong pamilya o mga
kaibigan, ang bawat kalahok sa isang pormal na debate ay binibigyan ng pantay na oras o
pagkakataon upang makapaglahad ng kani-kanilang mga patotoo gayundin ng
pagpapabulaan o rebuttal.
May nakatalaga ring timekeeper sa isang debate upang matiyak na susundin ng
bawat tagapagsalita ang oras na laan para sa kanila.

10
Karaniwang ang paksa sa isang debate ay ibinibigay nang mas maaga upang
makapaghandaan ng dalawang panig ang kani-kanilang mga argumento.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mga katuwiran at naaayon sa
itinakdang alituntunin at pamantayan. Ang gawaing ito ay nakasalalay sa masining at
maingat na pagbibitiw ng mga salita, gayundin kung pasulat. Mayroon itong dalawang uri,
ang pormal na pagtatalo na kung saan ang paksa sa uring ito ay masining na pinag-
uusapan at masusing pinagtatalunan. Ito ay may takdang panahon, araw at oras kung kalian
gaganapin. Kailangan dito ang paghahanda.

Mayroon itong tatlong hakbang:


1) Pangangalap ng datos;
2) Paggawa ng dagli o balangkas;
3) Pagpapatunay ng katuwiran.
Sa pagtutuligsa naman ay tukuyin ang sumusunod:
1) maling katuwiran,
2) mga pahayag na walang batayan,
3) kahinaan ng katibayan, at
4) mga pahayag na labas sa buod ng napagkasunduan.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mahusay na Debate
Ang sumusunod ay mga karaniwang pinagbabasehan ng mga hurado sa pagiging
makapanghikayat kaya’t kailangan isaalang-alang ng isang debater.
1. Nilalaman - Napakahalagang may malawak na kaalaman ang isang
debater patungkol sa panig na kanyang ipinagtatanggol at magiging sa pangkalahatang
paksa ng debate. Kailangan niyang magkaroon ng sapat na panahon upang mapaghandaan
ang sandaling ito at kasama sa sapaghahanda ang malawakang pagbabasa, pananaliksik,
at pangangalap ng datos at ebidensiya tungkol sa paksa upang magbigay ng bigat at
patunay sa katotohanan ng kaniyang ipinahayag.
2. Estilo - Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili
ng tamang salitang gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap sa
kanyang babanggitin sa debate. Papasok din dito ang linaw at lakas o taginting ng kanyang
tinig, husay sa tindig, kumpyansa sa sari, at iba pa.
3.Estratehiya - Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsasagot sa mga
argumento, at kung paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon. Dito rin
makikita kung gaano kahusaypagkakahabi ng mga argumento ng magkakapangkat upang
ang babanggiting patotoo o pagpapabulaan ng isa ay susuporta at hindi kokontra sa mga
sasabihin ng iba.

PAGYAMANIN:
Gawain 1: AB o JR? Bigyan Mo Naman Kahit Na Kaunting Halaga: Basahin
at unawain ang daloy ng pagtatalong nakapaloob sa kahon .

Dakilang Bayani: Rizal o Bonifacio?


Ni: Maricel T. Nucup
Ang argumentong ito ay naging pangkaraniwan na. Ito ay matagal nang isyu na
paulit-ulit nang tinitimbang: sino nga ba ang dakilang bayani ng Pilipinas, si Jose Rizal o
Andres Bonifacio? Pareho silang may prinsipyo at hangarin-ang ipaglaban ang karapatan
ng mga Pilipino at kamtin ang kalayaan ng Inang-bayan. Kanino ka papanig?
Maka-Bonifacio: Kung ako ikaw kaibigan, papanigan ko si Bonifacio
sapagkat lumaban siya at nagbuwis ng dugo. Kung babasahin
natin ang kuwento ng “Sigaw ng Pugad Lawin,” makikita mo ang kanyang katapangan,
handa talaga siyang ibuwis ang buhay alang-alang sa bayan.
Maka-Rizal: Subalit kaibigan, tila ika’y nagkakamali. Hindi tamang sabihin na tapang
lamang ang puhunan sa pagiging bayani. Si Rizal ay gumamit ng tapang at katalinuhan. Ito
ang naghuhumiyaw sa kanyang mgga hindi mabilang na akdang sinulat. Kailangan ko pa

11
bang isa-isahin ang kaniyang obra? Kaya, higit na mabuting sang-ayunan mo na ang aking
paniniwala.
Maka- Bonifacio: Maghinay-hinay ka, ika’y mapapahamak sa matalim mong pananalita.
Si Rizal ay puro salita lamang at kulang sa gawa. Inaanyayahan kitang mataman akong
pakinggan. Si Bonifacioay sumulat din naman ng mga akdang pumukaw sa puso ng kapwa
katulad ng “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa.” Kaya’t masasabi kong nagtataglay siya ng talino
sa kabila ng kakulangan ng pormal na edukasyon. Mas karapat-dapat tanghaling bayani si
Bonifacio dahil sa maalab siyang napanday ng karalitaan.
Maka- Rizal: Huwag kang masyadong magtiwala, baka ika’y mahulog sa balong
malalim. Bagaman si Dr. Jose Rizal ay lumaki sa karangyaan, puspos pa rin ang kanyang
buhay ng mga makabuluhang karanasan. Nasaksihan niya sa iba’t ibang panig ng mundo
ang bunga ng karahasan kaya’t ayaw niyang maganap din ito sa sariling bayan. Pinili niyang
daanin sa mahinahong paraan ang pagharap sa suliranin ng bayan. Ito ang itaga mo sa
bato, kailanman hindi siya mapapalitan bilang dakilang bayani.
Ipinunto ng isang panig ang paglabang walang dugo at ang kabila’y paglabang madugo,
gayundin ang epekto ng pagiging maralita at maykaya sa paghubog ng pagkatao ng isang
bayani. Kayo na ang humusga kung sino ang tunay na bayani sa isip, sa salita, at gawa: si
Rizal ba o Bonifacio?

Sino ang dakilang bayani para sa iyo? Ilahad ang iyong


pangangatwiran.____________________________________
_________________

PANAPOS NA PAGTATAYA

Panuto: Piliin ang titik na may pinakaangkop na sagot. Isulat ang napiling titik sa hiwalay na
papel.

1. Isang sining ng gantihang katuwiran o matuwid ng dalawa o higit pang magkasalungat na


panig tungkol sa isang kontrobersiyal na paksa.
A. epiko B. pagtatalo C. sanaysay D. talumpati
2. Uri ng pagtatalo na Oxford, Oregon at Oxford- Oregon
A. impormal B. Malaya C. maysukat D. pormal
3. Ito ay isang pakikipagtalong may estraktura.
A. debate B. epiko C. sanaysay D. talumpati
4. Ito ay kailangan ng isang debater upang magkaroon ng sapat na panahon upang
mapaghandaan ang sandaling ito at kasama sa sa paghahanda ang malawakang
pagbabasa, pananaliksik, at pangangalap ng datos at ebidensiya tungkol sa paksa upang
magbigay ng bigat at patunay sa katotohanan ng kaniyang ipinahayag.
A. estratehiya B. estilo C. nilalaman D. tiwala sa sarili
5. Dito makikita ang husay ng debater sa pagsasalita, sa pagpili ng tamang salitang
gagamitin, at sa kaangkupan ng pagbuo niya ng mga pangungusap sa kanyang babanggitin
sa debate.
A. estratehiya B. estilo C. nilalaman D. tiwala sa sarili
6. Dito makikita ang husay ng debater sa pagsalo o pagsasagot sa mga argumento, at kung
paano niya maitatawag ng pansin ang kanyang proposisyon.
A. estratehiya B. estilo C. nilalaman D. tiwala sa sarili

12
7. Dito ang tagapangulo ay magpapahayag ng paksang pagtatalunan, pagkatapos na
ipahayag ang pagtatalo. Ang ganitong uri ng debate ay maayos na pagpapalitan-kuro at
palagay.
A. impormal B. Malaya C. maysukat D. pormal
8. Ang paksa sa uring ito ay masining na pinag-uusapan at masusing pinagtatalunan. Ito ay
may takdang oras, panahon at araw kung kailan ito gaganapin.
A. impormal B. Malaya C. may sukat D. pormal
9. Sa debateng ito, ang bawat kalahok ay magsasalita lamang ng minsan, maliban na lang
sa unang tagapaggsalita na wala pang sasalaging mosyon kaya’t mabibigyan ng isa pang
pagkakataong magbigay ng kaniyang pagpapabulaan sa huli.
A. Cambridge B. Oregon C. Oregon- Oxford D. Oxford
10. Ito ay madalas gamiting paraan ng pagtatalo.
A. Cambridge B. Oregon C. Oregon- Oxford D. Oxford

Susi sa Pagwawasto

ARALIN-1 ARALIN-2 ARALIN-3 ARALIN-4


Gawain-1 Gawain-1 Gawain-1 Gawain-1
-Nasa guro ang -Nasa guro ang -Nasa guro ang -Nasa guro ang
pagpapasya pagpapasya pagpapasya pagpapasya

PANAPOS NA PANAPOS NA PANAPOS NA PANAPOS NA


PAGTATAYA PAGTATAYA PAGTATAYA PAGTATAYA
1. B 6. D 1. D 6. D 1. B 6. A 1. B 6. A
2. B 7.B 2. A 7. D 2. B 7. D 2. D 7. A
3. B 8. D 3. D 8. C 3. D 8. C 3. A 8. D
4. B 9. A 4. A 9. C 4. C 9. A 4. C 9. D
5. D 10. C 5. B 10. C 5. C 10. D 5. B 10. C

--Binabati kita! Salamat at matiyaga mong pinag-ukulan ng panahon ang pag-aaral


sa araling ito.

13

You might also like