Filipino-9 Q4 Modyul-1 Ver2 4-26-21
Filipino-9 Q4 Modyul-1 Ver2 4-26-21
Filipino-9 Q4 Modyul-1 Ver2 4-26-21
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Si Jose Rizal at ang Kaniyang Kadakilaan
(Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano)
AIRs - LM
Filipino 9 (Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano)
Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Si Jose Rizal at ang Kaniyang Kadakilaan
Unang Edisyon, 2021
Tagapamahala:
1
Aralin Si Rizal bilang Isang
1 Bayani sa Puso ng mga
Asyano
Simulan
Henyo
2
Lakbayin
Alam mo bang…
_____ 1. Tanging si Rizal ang nangahas na salingin ang mga maling sistema ng
pamamalakad ng mga Espanyol sa bansa.
_____ 2. Ang nobelang ito ang gigising sa natutulog na damdamin ng mga
Pilipino at magsisiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga
Espanyol.
_____ 3. Sinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere sa layuning maisiwalat ang
kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol at gisingin ang
natutulog na damdamin ng kaniyang mga kababayan.
_____ 4. Musmos pa lamang siya ay nasaksihan na niya ang kalunos-lunos na
kondisyon ng Pilipinas dahil sa maling sistema ng mga nakaupong
Espanyol.
_____ 5. Si Rizal ay may matayog na pagtingin sa kabutihan ng bawat nilalang
lalong-lalo na ang kaniyang mga kababayan.
3
Mga Tala Ukol sa Buhay ni Dr. Jose Rizal
Dr. Jose Rizal – ang pambansang bayani
ng Pilipinas. Ang taong may matayog na
pagtingin sa kabutihan ng bawat nilalang, lalong-
lalo na ng kaniyang mga kababayan, ay karapat-
dapat pag-ukulan ng paghanga, pagpipitagan at
higit sa lahat ng puwang sa kaibuturan ng puso
ng bawat Pilipino. Ang dakilang taong ito,
bagama’t patay na, ay buhay pa sa alaala ng
bawat Pilipinong nagmamahal sa kaniyang
simulain at idealismo. Tanging si Rizal ang
nangahas na salingin ang mga maling sistema ng
pamamalakad ng mga Espanyol sa bansa. May
angking pambihirang talino, hindi lamang isang
manunulat ngunit isa rin siyang magsasaka,
manggagamot, siyentipiko, makata, imbentor,
iskultor, inhenyero, kuwentista, lingguwista at
may kaalaman sa arkitektura, kartograpiya, ekonomiya, antropolohiya, iktolohiya,
etnolohiya, agrikultura, musika (marunong tumugtog ng plawta), sining sa
pakikipaglaban (martial arts) at pag-eeskrima.
Ang kaniyang buong pangalan ay Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo
Realonda. Siya ay ipinanganak sa Calamba, Laguna, noong ika-19 ng Hunyo,
1861. Siya ay ikapitong anak nina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro
at Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ang kaniyang mga kapatid ay sina
Saturnina, Paciano, Narcisa, Olympia, Lucia, Maria, Concepcion, Josefa, Trinidad
at Soledad.
Alinsunod sa kapasiyahan ng Gobernador-Heneral Claveria sa isang
kautusan nito noong ika-21 ng Nobyembre, 1849 ay ginamit ng pamilya ang
apelyidong Rizal na nangangahulugang “luntiang bukirin.”
Ang inang si Donya Teodora ang kaniyang naging unang guro. Sa edad na
tatlo, marunong na siyang bumasa at sumulat dahil na rin sa tulong ng kaniyang
ina. Siyam na taong gulang si Pepe nang siya ay ipinadala sa Biñan, Laguna at
dito’y nag-aral sa ilalim ng pamamahala ni Ginoong Justiniano Aquino Cruz.
Ngunit makalipas lamang ng ilang buwan ay pinayuhan na siya ng guro na mag-
aral sa Maynila sapagkat lahat ng nalalaman nito ay naituro na sa kaniya.
Nagsimula siyang pumasok sa Ateneo Municipal de Manila noong ika-20 ng
Enero, 1872. Dito siya nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nagtamo
ng lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng aklat.
Sa paaralang ito ay tumanggap siya ng katibayang Bachiller En Artes at
pagkilalang sobresaliente (napakahusay) noong 1877.
Nang sumunod na taon ay nag-aral siya ng Filosofia y Letras sa Unibersidad
ng Santo Tomas at lumipat sa pag-aaral ng medisina. Mahalaga sa kaniya ang
bagong kurso dahil nais niyang magamot ang nanlalabong paningin ng ina.
Kasabay nito, kumuha siya ng kursong Land Surveying sa Ateneo. Naipasa niya
ang pagsusulit sa kursong ito sa gulang na labimpito.
Ang hindi mabuting pakikitungo ng mga paring Espanyol sa mga
katutubong mag-aaral ang nag-udyok kay Rizal na magtungo sa Europa at doon
ipagpatuloy ang pag-aaral noong Mayo 5, 1882. Doon ay pumasok siya sa
Unibersidad Central de Madrid at natapos ang kursong Medisina at Filosofia y
Letras na may markang sobresaliente. Naglakbay siya sa Pransiya at
nagpakadalubhasa sa paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon.
4
Pagkatapos ay tumungo siya sa Heidelberg, Alemanya, kung saan nakatamo pa
siya ng isang titulo.
Dalubwika si Rizal na nakaaalam ng dalawampu’t dalawang wika gaya ng
Arabe, Katalan, Tsino, Ingles, Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapones,
Latin, Portuges, Ruso, Olandes, Sanskrit, Espanyol, Subanon, Tagalog, Bisaya, at
iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.
Makulay ang buhay kabataan at pag-ibig ng ating pambansang bayani.
Dahil sa kaniyang angking katalinuhan at pagiging maginoo ay marami ang mga
babae na sa kaniya ay umibig at nabighani.
Ang unang nagpatibok sa puso ng bayani ay si Segunda Katigbak na isang
dalagang taga-Lipa, Batangas. Hindi sila nagkatuluyan dahil naipangako na sa
ibang lalaki si Segunda.
Si Leonor Rivera ang unang “totoong” pag-ibig ni Rizal. Sinasabing siya ang
naging inspirasyon ni Rizal para sa kaniyang tauhan na Maria Clara sa Noli Me
Tangere at El Filibusterismo. Hindi rin sila nagkatuluyan dahil ipinakasal si
Leonor ng kaniyang ina kay Kipping.
Si Josephine Bracken, ang babaeng kaniyang nakasama noong siya ay
ipiniit sa Dapitan. Sila ay nagsama bilang mag-asawa. Nagdalang-tao si Josephine
ngunit namatay din ang bata dahil ito ay kulang sa buwan.
Mahilig gumawa ng mga tula at nobela si Dr. Jose Rizal. Sa kaniyang
pagsusulat ay ginamit niyang sagisag-panulat ang Dimasalang, Laong Laan, P.
Jacinto, at iba pa. Ang tulang “Sa Aking Mga Kabata” ay isang patunay na mula
sa kaniyang murang kaisipan ay tunay siyang isang mamamayang makabayan.
Dito niya sinulat ang mga katagang, “Ang hindi magmahal sa kaniyang salita, ay
mahigit sa hayop at malansang isda.”
Dalawa sa kaniyang mga sinulat na nobela ang naging napakalaking
kontribusyon sa asignatura ng mga Pilipinong mag-aaral. Ito ay ang Noli Me
Tangere na ang ibig sabihin ay Huwag Mo Akong Salingin at ang El Filibusterismo
(Ang Paghahari ng Kasakiman). Inalay niya ang Noli Me Tangere sa kaniyang
inang-bayan samantalang ang El Filibusterismo ay sa tatlong paring martir na
sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora.
Ito ang mga pinakamapangahas niyang nilimbag dahil sa ipinagbabawal ito
noong panahon ng mga Kastila. Layunin ng mga nobelang ito na gisingin ang
damdamin ng sinomang Pilipinong makababasa nito. Dito nakapaloob ang lahat
ng mga pang-aapi at diskriminasyon na ginagawa ng mga Kastila.
Musmos pa lamang siya ay nasaksihan na niya ang kalunos-lunos na
kondisyon ng Pilipinas dahil sa maling sistema ng mga nakaupong Espanyol. Sa
sarili niyang bayan sa Calamba, naligalig siya sa araw-araw na kalupitan ng mga
tiwaling Espanyol. Pinagmamalupitan ang mga matatandang lalaki, maging mga
bata at inaabuso ang mga babae. Naging biktima rin ng kalupitan at kawalang-
katarungan ang kaniyang ina. Ibinilanggo siya sa maling paratang na kasabwat sa
tangkang paglason sa hipag nito. Naghari-harian ang mga prayle. Kinamkam ng
mga prayle ang kanilang mga lupain. Nagkaroon ng pag-aalsa sa Cavite na
ibinintang kina Padre Burgos, Gomez, at Zamora, kasama ang ibang lider na
Pilipino. Ang tatlong paring martir ay binitay sa pamamagitan ng garote sa
Bagumbayan.
Ang mga pangyayaring ito ang nagpakilala kay Rizal na nangangailangan
ng malaking pagbabago ang kaniyang bayan – pagbabagong sa pamamagitan
lamang ng karunungan at ng edukasyon matatamo. Kaya nang mabasa niya ang
aklat na The Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag) ni Eugene Sue at Uncle Tom’s
Cabin ni Harriet Beecher Stowe ay nabuo sa kaniyang puso na sumulat ng isang
nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa
kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol. Taong 1884, sinimulan niya ang
5
pagsusulat ng Noli Me Tangere sa Madrid at natapos ang kalahati ng nobela.
Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris at natapos ang sangkapat. Natapos
naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa Alemanya noong
Pebrero 21, 1887.
Natapos niya ang Noli Me Tangere ngunit wala siyang sapat na halaga
upang maipalimbag ito. Mabuti na lamang at dumalaw sa kaniya si Dr. Maximo
Viola na nagpahiram sa kaniya ng 300 piso upang makapagpalimbag ng 2,000 sipi
nito sa Imprenta Lette sa Berlin noong Marso, 1887.
Ang El Filibusterismo na siyang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere ay
ipinalimbag naman sa Ghent, Belgium noong 1891.
Maraming humanga sa katalinuhang ipinamalas ni Rizal sa pagsulat niya
ng Noli Me Tangere ngunit marami rin ang nagalit sa kaniya lalo na ang mga
Espanyol.
Nang magbalik siya sa Pilipinas sa unang pagkakataon noong Agosto 6,
1887, si Rizal ay agad na nagtuloy sa Calamba upang maoperahan ang kaniyang
ina. Samantala habang siya ay nasa Pilipinas, ang kaniyang Noli Me Tangere ay
isinailalim sa masusing pagsusuri ng kaniyang mga kaaway. Matapos masuri ay
nagpasyang dapat ipagbawal ang pag-aangkat, pagpapalimbag, at pagpapakalat
ng mapanganib na aklat na iyon sa Pilipinas. Bilang hakbang sa pag-iingat, si
Rizal ay pinabantayan ni Gobernador-Heneral Terrero kay Tenyente Jose Taviel de
Andrade upang maligtas siya sa mga tangka ng kaniyang mga kaaway. Hindi
nagtagal ay pinayuhan siya ng gobernador na umalis na muli ng Pilipinas alang-
alang sa kaniyang pamilya at buong bayan.
Umalis siya sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero, 1888. Sa kaniyang pag-alis
ay nagpunta siya sa Hong Kong, Hapon, San Francisco at New York (sa US), at
London (sa UK). Muli siyang nagbalik sa Maynila noong 1892.
Noong Hulyo 3, 1892, itinatag ni Dr. Rizal sa Maynila ang La Liga Filipina,
isang samahan na ang mithiin ay pagkaisahin ang mga Pilipino upang mabago
ang naghaharing sistema ng pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng
mapayapang paraan, hindi ng paghihimagsik.
Ipinatapon si Rizal sa Dapitan noong ika-15 ng Hulyo, 1892 dahil sa bintang
na siya’y may kinalaman sa kilusang ukol sa paghihimagsik. Dito ay nanggamot
ng libre sa mga mahihirap, nagtayo ng isang maliit na paaralan at nagturo sa mga
batang lalaki roon. Apat na taon siyang tumira rito.
Samantalang nakikidigma ang Espanya sa Cuba, si Dr. Rizal ay humiling
na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba, upang hindi madamay sa
kilusang ukol sa paghihimagsik sa Pilipinas. Pinahintulutan siya ni Gobernador-
Heneral Ramon Blanco na makapaglayag papuntang Cuba ngunit habang
naglalakbay siya patungong Espanya noong magtatapos ang taong 1896 ay hinuli
siya sa kaniyang sinasakyang barko nang dumaong ito sa Barcelona at ibinalik
siya sa Pilipinas.
Ipiniit siya sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago (Fort Santiago ngayon).
Nang iharap siya sa Hukumang Militar at litisin ay nahatulan siyang barilin sa
Bagumbayan.
Isinulat ni Dr. Rizal ang “Mi Ultimo Adios” (Huling Paalam). Ito ang huling
isinulat ni Dr. Jose Rizal bago siya binaril sa Bagumbayan (Rizal Park/Luneta
ngayon) noong ika-30 ng Disyembre, 1896.
6
Gawain 3: Pag-usapan Natin
Panuto: Basahin at unawing mabuti ang mga tanong o pahayag. Sagutin ang mga
ito sa iyong sagutang papel.
1. Ilarawan si Dr. Jose Rizal. Masasabi mo bang isa siyang tunay na henyo?
Bakit?
2. Bakit sinasabing si Dr. Jose Rizal ay karapat-dapat pag-ukulan ng paghanga,
pagpipitagan at higit sa lahat, puwang sa puso ng bawat Pilipino?
3. Sumasang-ayon ka bang si Dr. Jose Rizal ang ating pinakadakilang bayani?
Bakit?
4. Bakit mahalagang maunawaan mo ang mahahalagang tala ukol sa buhay ni
Rizal bago mo pag-aralan ang nobelang Noli Me Tangere?
5. Bilang isang kabataan, paano ka magiging isang bayani sa pamamagitan ng
mga simpleng paraan? Magbigay ng mga kilos ng kabayanihan na maaari
mong gawin.
Galugarin
Alam mo bang…
inialay ni Dr. Jose Rizal ang Noli Me Tangere sa Inang-bayan? Habang nasa
ibang bansa ay ginugunita niya ang Pilipinas at ang nakikita niya ay larawan ng
isang may sakit na kanser na panlipunan. Dahil minimithi ni Dr. Rizal ang
kabutihan para sa bayan, pagsisikapan niyang mailarawan ang kalagayan ng
bansa sa paraang tapatan at walang pangingimi, iwawaksi ang lahat alang-alang
sa katotohanan maging ang pag-ibig sa sarili, sapagkat bilang anak ng Inang-
Bayan ay nagtataglay rin siya ng mga kapintasan at kahinaan.
7
Panahong Isinulat ang Noli Me Tangere
Kondisyon Paglalarawan
Palalimin
Hakbang sa Paglalagom:
1. Pakinggan o basahin nang mabuti ang akda. Kunin ang pinakadiwa ng
napakinggan o nabasa.
2. Habang nakikinig o nagbabasa ay itala ang mahahalagang bahagi at suriin
ito.
3. Isulat ang natirang puntos sa sariling pangungusap. Huwag magsasama ng
pansariling opinyon. Huwag maglagay ng detalye, halimbawa at mga
ebidensya.
4. Palitan ang bahagi o pananalitang maaaring magpahaba o magpawalang
linaw sa lagom.
5. Tingnan kung ayon sa orihinal ang pagkakasunod-sunod ng mga idea.
6. Basahing muli upang lalo pang maiklian.
mula sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Paglalagom
https://prezi.com/a4nfiglex_i2/pagtatala-ng-impormasyon/
8
Gawain 5: Subukan Mo!
Panuto: Muli mong balikan ang tala sa buhay ni Dr. Jose Rizal. Pagkatapos, ayusin
ang mga talata ayon sa tamang pagkasunod-sunod upang mabuo ang buod
o lagom nito. Gamitin ang titik A-F. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_____ 3. Muli siyang bumalik sa Pilipinas at naipatapon siya sa Dapitan kung saan
tumira siya rito ng apat na taon.
Sagutin:
7. Wasto ba ang lahat ng iyong kasagutan? Ano ang unang ginawa mo para hindi
ka magkamali?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
10. Bakit mahalaga ang magtala ng mga impormasyon bago magsulat ng paglalagom
o pagbubuod?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
9
Gawain 6: Magsaliksik Ka!
Panuto: Upang lalong madagdagan ang iyong kaalaman batay sa paksang natalakay
sa araling ito ay magsagawa ng karagdagang pananaliksik tungkol sa buhay ni Dr.
Jose Rizal. Magsaliksik tungkol sa kaniyang pakikibaka, karanasan, iba pang
akdang sinulat, at maging ang naging buhay at karanasan ng mga taong naging
instrumento upang mabasa natin sa kasalukuyan ang Noli Me Tangere. Itala sa
pamamagitan ng pagbubuod/paglalagom ang iyong nasaliksik. Itala rin ang iyong
ginamit na mga sanggunian. Gawin ang gawain sa sagutang papel.
Sukatin
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong o pahayag. Isulat
sa iyong sagutang papel ang letra ng tamang sagot.
_____ 1. Sino-sino ang mga taong patuloy na nagpapahalaga kay Rizal bagama’t
siya ay malaon nang wala?
A. Mga Pilipinong handang makipaglaban sa mga nais sumakop sa
bansa
B. Mga Pilipinong nagmamahal sa kaniyang mga simulain at idealismo
C. Mga taong labis na nagpapahalaga sa katalinuhan at edukasyon
D. Mga taong nangangarap ng pagbabago
10
_____ 3. Ano ang pangunahing layunin ng pagtatatag niya ng La Liga Filipina
noong panahon ng Espanyol?
A. Pagkaisahin ang mga Pilipino upang mabago ang naghaharing
sistema ng pamahalaan sa Pilipinas sa mapayapang paraan.
B. Mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino sa pamamagitan ng
pagbibigay ng trabaho.
C. Maturuan ang mga Pilipinong lumaban sa pamamagitan ng
mapayapang paraan.
D. Mahimok ang mga Pilipinong lumaban sa pamamagitan ng
paghihimagsik.
_____ 5. Bakit itinuturing na dakilang araw ng pangilin ng mga Pilipino ang ika-
30 ng Disyembre?
A. Pagkilala kay Rizal bilang pambansang bayani ng bansa
B. Paggunita ng mga Pilipino sa pagpapakasakit ni Rizal
C. Pagkilala sa katalinuhan at katapangan ni Rizal
D. Lahat ng nabanggit
_____ 7. Nagdalang-tao si Josephine ngunit namatay din ang bata dahil ito ay
kulang sa buwan. Ano ang kahulugan ng salitang italisado ayon sa
pagkakagamit nito sa pangungusap?
A. Nagbuhat ng tao C. Nagbuntis
B. Nagdala ng tao D. Nanganak
11
Para sa bilang 10
A. Palitan o alisin ang mga bahaging magpapahaba sa lagom
B. Pagsulat ng mga detalye sa sariling pangungusap
C. Pagtala ng mahahalagang bahagi at suriin ito
D. Basahing muli upang lalo pang maiklian
E. Tingnan kung ito ay ayon sa orihinal
F. Pagbasa nang mabuti sa akda
B. Panuto: Itala ang hinihinging impormasyon/datos tungkol kay Dr. Jose Rizal
upang mabuo ang buod ng talata. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
12
13
ARALIN 1: (Si Rizal bilang Isang Bayani sa Puso ng mga Asyano)
SIMULAN
Gawain 1: Sino Siya? Iba-iba ang sagot
LAKBAYIN
Gawain 2: Talasalitaan, Pag-ugnayin
1. E – salingin ang mga maling sistema ng pamamalakad ng mga Espanyol
2. B - pagmamalupit
3. C – kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol at gisingin ang natutulog na
damdamin ng kaniyang mga kababayan
4. A – kondisyon ng Pilipinas dahil sa maling sistema ng mga nakaupong Espanyol
5. D – pagtingin sa kabutihan ng bawat nilalang
Gawain 3: Pag-usapan Natin Iba-iba ang sagot
GALUGARIN
Gawain 4: Tukuyin at Ilarawan Mo!
Panahong Isinulat ang Noli Me Tangere
Kondisyon Paglalarawan
Pinagmamalupitan ang mga bata’t matatanda Depende
Maraming tiwaling opisyal ng pamahalaan sa
Nag-alsa at lumaban ang mga Pilipino paglalarawang
Naghahari-harian ang mga prayle isasagot
Inaabuso ang mga kababaihan ng
Kawalan ng katarungan mga
Diskriminasyon mag-aaral
PALALIMIN
Gawain 5: Subukan Mo!
1. D 6. B
2. A 7. Binasa ang akda
3. E 8. Itinala ang mahahalagang bahagi o detalye
4. C 9. Oo
5. F 10. Higit na mauunawaan at matatandaan ang mahahalagang
detalye at napagsusunod-sunod ang mga pangyayari
Gawain 6: Magsaliksik Ka! Iba-iba ang sagot
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
1. B 6. D 11. B
2. B 7. C 12. A at C
3. A 8. B 13. Hunyo 19, 1861
4. A 9. C 14. Ikapito
5. D 10.B 15. Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education – Curriculum and Instruction Strand (2020). Most
Essential Learning Competencies. p. 243
Hango sa Internet:
Ang Kuwento ni Mabuti ni Genoveva Edroza-Matute. Nahango noong Abril 3, 2021
mula sa http://markjan-markjan.blogspot.com/2012/07/ang-kwento-ni-mabuti-
ni-genoveva-edroza.html
(Filipino) Ano ang Context Clues?. Hinango noong Abril 4, 2021 mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=1uZcJCvJz3Q
Jose Rizal. Nahango noong Marso 26, 2021 mula sa
https://tl.wikipedia.org/wiki/Jos%C3%A9_Rizal
Mga Tala Ukol sa Buhay ni Dr. Jose Rizal. Nahango noong Marso 26, 2021 mula sa
https://www.youtube.com/watch?v=k6I6Tj-Uezg
14