Q4 Filipino 7 Module 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

7

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangan Kit 1:
Ibong Adarna
Filipino – Ikapitong Baitang
Ikaapat na Markahan – SLK 1: Ibong Adarna
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling
Linangan Kit na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI


Regional Director: Allan G. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Phelma O. Camacho, Fardia C. Pawai, Juliet O. Ano-os
Editor:
Tagasuri: Rene P. Sultan, Yvette Rosanna P. Escalera
Tagaguhit: Hareld Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Department of Education – Sangay ng Lungsod ng Davao
Office Address: Daang E. Quirino Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: [email protected]
7

Filipino
Ikaapat na Markahan
Sariling Linangan Kit 1:
Ibong Adarna
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago ka dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin
Sa araling ito pag-aaralan mo ang koridong Ibong Adarna na
napabilang sa tulang romansa na isang uri ng tulang pasalaysay. Ito ay
tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang mga
maharlikang tao ang gumaganap. Kasabay ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan
na dinala ng mga prayle at sundalong Espanyol ay ang pagpapalaganap ng
mga tulang panrelihiyon at romansa na galing sa Europa. Dito napabilang
ang Ibong Adarna na may paksang panrelihiyon.

Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo


ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:

1. naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng “korido” (F7PT-IVa-b-


18);
2. nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa motibo ng may-akda sa
bisa ng binasang bahagi ng akda (F7PB-IVa-b-20).

Subukin Natin

Panuto: Bago mo pag-aralan ang aralin, sagutin mo muna ang sumusunod


na aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang hindi naging dahilan ng pananakop ng mga


Espanyol sa Pilipinas?
A. Palaganapin ang Katolisismo.
B. Pagpapalawak sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami ng
mga sakop na bansa.
C. Paghahanap ng pampalasa, masaganang likas na yaman, at hilaw na
materyales upang matustusan ang ekspediyon.
D. Pagiging tanyag at kilalaning makapangyarihang bansa sa buong
mundo.

2. Ang awit ay binubuo ng __________ na pantig sa loob ng isang taludtod.


A. 14 B. 16 C. 12 D. 8

3. Ang korido ay binubuo ng __________ na pantig sa loob ng isang taludtod.


A. 14 B. 12 C. 8 D. 16

1
4. Ang himig ng musika ng korido ay _______.
A. Andante C. Jazz
B. Allegro D. Medley

5. Ang paksa ng korido ay tungkol sa _____________.


A. kabayanihan
B. pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
C. buhay ng mga mandirigma at larawan ng buhay
D. pananampalataya, alamat, at kababalaghan

6. Ito ay makapangyarihang ibon na nakatira sa puno ng Piedras Platas.


A. Agila C. Maya
B. Adarna D. Kalapati

7. Hari ng kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang sakit.


A. Haring Salermo C. Haring Felipe
B. Haring Fernando D. Haring Solomon

8. Siya ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang
tanging nakahuli ng Ibong Adarna sa Bundok ng Tabor.
A. Don Pedro C. Don Diego
B. Don Juan D. Don Isidro

9. Siya ang tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik ang dati nitong
lakas matapos siyang pagtaksilan ng kaniyang mga kapatid.
A. Higante C. Matandang Leproso
B. Matandang lalaking Uugod-ugod D. Ermitanyo

10. Siya ang prinsesa ng Reyno de los Cristales na maraming taglay na


kapangyarihan at nakatuluyan ni Don Juan.
A. Donya Maria Blanca C. Donya Juana
B. Donya Laura D. Donya Leonora

2
Aralin Natin

Handa ka na bang pag-aralan ang bagong aralin? Nalulugod ako dahil


nasagot mo ang mga tanong sa itaas. Batid kong handa ka na upang mag-
aral ng bagong aralin. Pag-aaralan mo ngayon ang koridong Ibong Adarna.
Huwag kang mag-alala! Madali lang ito. Narito ang mga tekstong dapat mong
basahin upang matamo mo ang ilang impormasyon tungkol sa paksa.

Pangkasaysayan ng Ibong Adarna

Hanggang sa kasalukuyan Kaligirang ay hindi pa rin matukoy kung


sino talaga ang sumulat ng koridong Ibong Adarna. Ayon kay Pura Santillan-
Castrence, ito ay sa dahilang ang kasaysayan ng akdang ito ay maaaring
hinango lamang sa kuwentong-bayan mula sa mga bansa sa Europa tulad ng
Romania, Denmark, Austria, Alemanya, at Finland. Ito rin ang dahilan kung
bakit maraming kritiko ang nagsasabing ang Ibong Adarna ay hindi ganap na
maituturing na bahagi ng Panitikang Pilipino sa dahilang hiram lamang sa
ibang bansa ang kasaysayan nito. Kung uugatin ang kasaysayan, ang tulang
romansa ay nakilala sa Europa noong Panahong Medieval o Middle Ages.
Tinatayang noong 1610, mula sa bansang Mexico, ito ay nakarating sa
Pilipinas na ginamit namang instrumento ng mga Espanyol upang mahimok
ang mga katutubong yakapin ang relihiyong Katolisismo.

Bagama’t itinuturing na halaw o nagmula sa ibang bansa ang akdang


ito, sinasabi ng maraming kritikong umaangkop naman sa kalinangan at
kultura ng mga Pilipino ang nilalaman nito. Masasalamin sa akda ang mga
natatanging kaugalian at pagpapahalaga ng mga Pilipino tulad ng
pagkakaroon ng matibay na pananampalataya sa Poong Maykapal, mataas
na pagpapahalaga sa kapakanan ng pamilya, mataas na pagtingin o
paggalang ng mga anak sa magulang, paggalang sa mga nakatatanda,
pagtulong sa mga nangangailangan, pagtanaw ng utang na loob, mataas na
pagpapahalalaga sa puri at dangal ng kababaihan, pagkakaroon ng tibay at
lakas ng loob sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay, at marami pang iba.
Bukod sa mga gintong aral na makuha sa akda, ito ay tinangkilik din ng ating
mga ninuno sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol sapagkat ito ay
nagdulot din noon ng kasiyahan o kaaliwan sa kanila. Sa katunayan, ang
akdang Ibong Adarna ay itinuturing na panitikang pantakas (escapist)
sapagkat ang mga Pilipinong sakbibi ng hirap at sakit noon dahil sa
kahirapang kanilang nararanasan bunga ng paniniil ng mga Espanyol ay
pansamantalang nakatatakas sa kanilang tunay na kalagayan sa sandaling

3
mabasa o mapanood ang akdang ito at mailagay ang kanilang sarili sa
pakikipagsapalaran ni Don Juan na siyang pangunahing tauhan sa akda.

Sa maraming mga koridong nilimbag at naisulat sa Pilipinas, ang Ibong


Adarna ang higit na kilala sapagkat bukod sa mga sipi nito ay ipinabibili sa
mga peryang karaniwang isinasagawa tuwing kapistahan ng mga bayan-
bayan, ito rin ay itinatanghal sa mga entabladong tulad ng Komedya o Moro-
moro.

Dahil na rin sa pasalin-saling pagsipi, ang mga sulat-kamay at maging


ang mga nakalimbag na kopya ng Ibong Adarna ay nagkaroon ng pagkakaiba-
iba sa gamit at sa baybay ng mga salita. Noong 1949, sa pamamagitan ng
matiyaga at masusing pag-aaral ni Marcelo P. Garcia ng iba’t ibang sipi ng
Ibong Adarna ay isinasaayos niya ang pagkakasulat ng kabuoan ng akda
partikular ang mga sukat at tugma ng bawat saknong. Sa kasalukuyan, ang
kaniyang isinaayos na sipi ang karaniwang ginagamit sa mga paaralan at
palimbagan.

Ang Paglaganap ng Korido sa Panahon ng mga Espanyol

Bagama’t ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas sa pangunguna


at Ferdinand Magellan ay naitala noong Marso 16, 1521, sinasabing ang
kasaysayan ng pananakop ng mga Espanyol sa ating Inang Bayan ay
nagsimula noong taong 1565 nang dumating si Miguel Lopez de Legaspi sa
bansa at nagtatag ng unang pamayanan sa Cebu.

Tatlo ang pangunahing layunin ng mga Espanyol sa pananakop sa


Pilipinas. Una, upang palaganapin ang Katolisismo. Ikalawa, ay ang
pagpapalawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga
sakop na mga bansa. Ikatlo ay ang paghahanap ng mga pampalasa,
masaganang likas-yaman, at mga hilaw na materyales upang matustusan
ang kanilang mga pangangailangang pang-ekspedisyon.

Dahil sa layunin ng mga Espanyol na mapalaganap ang Katolisismo,


sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng ating mga ninuno. Pinalitan
nila ang mga ito ng panitikang nagbibigay-diin sa pananampalatayang
kristiyanismo. Ito rin ang naging sanhi kung bakit ang panitikan sa panahong
ito ay naging mapanghuwad o may pagkakatulad sa mga anyo at paksang
Espanyol. Lumaganap sa larangan naman ng dula ay nangyari ang duplo,
karagatan, komedya o moro-moro, mga dulang panrelihiyon, senakulo, at
sarsuwela. Samantalang ang mga akdang tuluyan o prosa ay may paksang
panrelihiyon at karaniwang tungkol sa mga talambuhay ng mga santo.

Ayon sa talang sinulat ni Jose Villa Panganiban, et al. sa aklat na


pinamagatang Panitikan at Pilipinas, ang panitikan noong panahon ng
Espanyol ay sinasabing may tatlong katangian:

4
- May sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko,
awit, korido, pasyon, duplo, karagatan, komedya, senakulo, sarsuwela,
talambuhay, at mga pagsasaling-wika.
- Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon
- Ang lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa, o
tradisyong Espanyol.

Naging isang mabisang behikulo ang panitikan upang mabilis na


mapalaganap ang relihiyong Katolisismo sa bansa. Isa sa pinakatanyag na
uri ng panitikang nagbibigay-halaga sa diwang Kristiyanismo ay ang mga
tulang romansa na nauuri sa dalawang anyo – ang awit at ang korido.
Madalas, ang mga ito ay nagsisimula sa panalangin o pag-aalay ng akda sa
Birhen o sa isang santo, Kalimitang ito ay pumapatungkol sa
pakikipagsapalaran at kabayanihan, karaniwang kinasasangkapan ng mga
prinsipe at prinsesa, at mga maharlika kung saan ang pangunahing tauhan
ay nagtatagumpay dahil sa kaniyang mataimtim na pananalig at matiyagang
pagtawag sa Diyos.

Dahil lubhang mahigpit ang sensura noong Panahon ng mga Espanyol,


hindi lahat ng mga akdang pampanitikan ay maaaring maisulat at mailathala
lalo pa’t kung ito ay laban sa pamamahala ng mga Espanyol. Ngunit dahil sa
temang sinasaklaw ng awit at korido ang mga ito ay namayani at higit na
nakilala ng marami. Ayon sa aklat na Panitikang Pilipino ni Arthur Casanova,
ang awit at korido ay maaaring uriin gamit ang sumususnod na pamantayan.

Pagkakaiba ng Awit at Korido


Pamantayan Awit Korido
Batay sa Anyo Binubuo ng 12 pantig sa Binubuo ng 8 pantig sa
loob ng isang loob ng isang taludtod at
taludturan, apat na apat na taludtod sa isang
taludtod sa isang taludturan
taludturan
Musika Ang himig ay mabagal na Ang himig ay mabilis na
tinatawag na andante. tinatawag na allegro.
Paksa Tungkol sa bayani at Tungkol sa
mandirigma at larawan pananampalataya,
ng buhay. alamat at kababalaghan.
Katangian ng mga Ang mga tauhan ay Ang mga tauhan ay may
Tauhan walang taglay na kapangyarihang
kapangyarihang supernatural o
supernatural ngunit siya kakayahang magsagawa
ay nahaharap din sa ng mga kababalaghang

5
pakikipagsapalaran. hindi magagawa ng
Higit na makatotohanan karaniwang tao.
o hango sa tunay na
buhay.
Mga Halimbawa Florante at Laura. Pitong Ibong Adarna, Kabayong
Infantes De Lara, Doce Tabla, Ang dama Ines,
Pares ng Pransya, haring Prinsipe Florinio
Patay.

Pinagkunan: Pinagyamang Pluma 7 pahina 401-40

Pagkatapos mong pag-aralan ang kaligirang pangkasaysayan ng Ibong


adarna. Pag-aaralan mo naman ngayon ang mga tauhan sa koridong Ibong
Adarna.

Mahahalagang Tauhan Ng Ibong Adarna

Naging mahusay at kapana-panabik ang akda hindi lamang sa mainam


na pagkakahabi ng mga pangyayari kundi dahil na rin sa mga tauhang
nagbigay-buhay sa makulay na mundo ng koridong Ibong Adarna.

Ibong Adarna - ang makapangyarihang ibong nakatira sa puno ng Piedras


Platas na makikita sa Bundok ng Tabor. Tanging ang
magandang tinig ng ibong ito ang makapagpapagaling sa
mahiwagang sakit ni Haring Fernando ng Kahariang
Berbanya.

Haring Fernando – ang butihing hari ng Kahariang Berbanya na may


malubhang karamdaman.

Reyna Valeriana – ang kabiyak ni Haring Fernando at ina nina Don Juan,
Don Pedro, at Don Diego.

Don Pedro – ang panganay na anak nina Haring Fernando at Reyna


Valeriana. Siya ang unang umalis at nakipagsapalarang
hanapin ang mahiwagang ibon sa Bundok ng Tabor.

Don Diego – ang ikalawang anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
Nang hindi makabalik si Don Pedro ay siya naman ang
sumunod na tumungo sa kabundukan upang hanapin ang
ibong makapagpapagaling sa kanilang amang may
malubhang karamdaman.

6
Don Juan – ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana.
Makisig, matapang, at may mabuting kalooban. Siya ang
tanging nakahuli sa Ibong Adarna sa Bundok Tabor at
nakapagligtas sa kaniyang dalawang kapatid.

Matandang Sugatan o Leproso – ang mahiwagang matandang leproso o


ketongin na humuhingi ng tulong at ng huling tinapay ni
Don Juan habang patungo siya sa Bundok ng Tabor. Siya
ang nagsabi ng mga bagay na dapat gawin ni Don Juan sa
pagdating niya sa Bundok Tabor.

Higante – mabagsik, malakas, at malupit na tagapagbantay ni Donya


Juana. Nakatakas lamang si Donya Juana mula sa pagiging
bihag niya nang matalo at mapatay siya ni Don Juan.

Ermitanyo – ang mahiwagang matandang lalaking naninirahan sa Bundok


Tabor. Siya ang tumulong kay Don Juan upang mahuli ang
mailap na Ibong Adarna.

Matandang Lalaking Uugod-ugod – ang tumulong kay Don Juan upang


mapanumbalik ang dati nitong lakas matapos siyang
pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego.

Donya Juana – ang unang babaeng nagpatibok sa puso ni Don Juan. Isang
higante ang nagbabantay sa prinsesa na kinakailangan
talunin ni Don Juan upang makalaya ang dalaga.

Donya Leonora – ang nakababatang kapatid ni Donya Juana na bihag


naman ng isang serpiyente. Nang makilala siya ni Juan ay
nahulog din ang loob ng binata sa kagandahang taglay ng
dalaga.

Lobo – ang alaga ng Donya Leonora na gumamot kay Don Juan nang
siya’y mahulog sa balon dahil sa pataksil na pagputol ni Don
Pedro sa lubid na nakatali sa kaniyang baywang.

Serpiytente – isang malaking ahas na may pitong ulo na nagbabantay kay


Donya Leonora. Nakipaglaban dito si Don Juan at nang
matalo niya ang serpiyente ay nakalaya na si Donya
Leonora.

Donya Maria Blanca – ang prinsesa ng Reyno de los Cristales. Maraming


taglay na kapangyarihan ang dalagang ito. Dahil sa laki ng

7
pag-ibig niya kay Don Juan ay tinulungan niya ang binata
upang malagpasan ang maraming pagsubok na inihain ng
ama niyang si Haring Salermo. Sa huli ay sila rin ni Don
Juan ang nagkatuluyan.

Haring Salermo – ama ni Donya Maria Blanca na naghain ng napakaraming


pagsubok na kinakailangang malagpasan ni Don Juan
upang mahingi ang kamay ng dalaga.
Pinagkunan: Pinagyamang Pluma 7 pahina 405-408

Pambungad na Panalangin sa Ibong Adarna

Oh, Birheng kaibig-ibig


Ina naming nasa langit
liwanagin yaring isip
nang sa layon, di malihis

Ako'y isang hamak lamang


taong lupa ang katawan,
mahina ang kaisipan
at maulap ang pananaw

Malimit na makagawa
ng hakbang sa pasaliwa
ang tumpak mong ninanasa
kung mangyari ay pahidwa

Labis yaring pangangamba


na lumayag na mag-isa,
baka kung mapalaot na
ang mamamangka'y di makaya

Kaya inang kadakilaan


ako'y iyong patnubayan,
nang mawasto sa salaysay
nitong kakathaing buhay

https://brainly.ph/question/2594202

May iba pang mga gawain ang inihanda upang lubos mong
maunawaan ang paksa.

8
Gawin Natin
A. Panuto: Ibigay ang kahulugan at mga katangian ng korido. Lagyan ng tsek
(✔) ang lahat ng aytem na tumutukoy sa kahulugan at katangian ng
korido. Ekis (X) naman kung hindi. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

Ang Korido ay _____________

________1. binubuo ng 8 pantig sa isang taludtod at apat na taludtod sa


isang saknong.
________2. binubuo ng 12 pantig sa isang taludtod at apat na taludtod sa
isang saknong.
________3. mabagal ang himig na tinatawag na andante.
________4. mabilis ang himig na tinatawag na allegro.
________5. pumapaksa tungkol sa mga bayani at mandirigma at larawan.
_______6. pumapaksa tungkol sa pananampalataya, alamat, at
kababalaghan.
________7. may taglay na kapangyarihang supernatural o kakayahang
magsagawa ng mga kababalaghang hindi magagawa ng
karaniwang tao ng mga tauhan.
________8. walang taglay na kapangyarihang supernatural ang mga tauhan
ngunit sla ay nahaharap din sa pakikipagsapalarang higit na
makatotohanan o hango sa tunay na buhay.
________9. may halimbawang tulad “Siete Infantes De Lara,” Doce Pares ng
Pransya,” at Haring Patay.”
________10. may halimbawang tulad ng “Kabayong Tabla,” “Ang Dama
Ines,” at “Prinsipe Florino.”

Sanayin Natin

Panuto: Ipaliwanag ang iyong sariling pananaw tungkol sa motibo o dahilan


ng may-akda sa pagsasama nito. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Naging matapang ang tatlong magkapatid sa pagsuong sa panganib
para lamang makahanap ng lunas sa sakit ng kanilang ama. Sa aking
palagay, ang motibo ng may-akda sa paglalagay ng bahaging ito ay
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

9
2. Ikinalungkot ng buong kaharian ang pagkakasakit ng kanilang hari. Sa
aking palagay, ang motibo ng may-akda sa paglalagay ng bahaging ito
ay
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Pinagbilinan ng matanda si Don Juan na huwag masilaw o


mahumaling sa kinang ng mahiwagang puno upang makaiwas sa
kapahamakan. Sa aking palagay, ang motibo ng may-akda sa
paglalagay ng bahaging ito ay
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Tandaan Natin
Ang koridong Ibong Adarna ay nabibilang sa tulang romansa na isang
uri ng tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na
karaniwang maharlikang tao ang nagsisiganap. Nagsimulang lumaganap ang
tulang romansa, sa Europa noong Edad media o Middle Ages at sinasabing
nakarating ito sa Pilipinas mula sa Mexico noong ika-17 dantaon. Kasabay
ng pagdagsa ng mga aklat-dasalan na dinala ng mga prayle at sundalong
Espanyol ay ang pagpapalaganap ng mga tulang panrelihiyon at romansa na
galing sa Europa. Ang Ibong Adarna ay may paksang panrelihiyon.

Ang tagpuan sa tulang romansa ay kalimitang nangyayari sa isang


kaharian. Nagsisimula ito sa panalangin o pag-aalay sa Mahal na Birhen o sa
isang santo o santa. Nanawagan sa Diyos ang mga tauhan sa akda at
nagtatagumpay naman ang mga nanalig sa Diyos. Ang Ibong Adarna ay isang
dayuhang panitikan. Hindi naitala kung sino ang nagsalin nito sa wikang
Filipino at masasalamin dito ang pagiging malikhain ng manunulat. Patula
ang paraan ng pagsasalaysay na dati nang ginagamit ng ating mga ninuno sa
panitikang saling-bibig tulad ng bugtong, salawikain at iba pa. Puno ito ng
talinghaga at mga pagpapahalagang likas sa ating kultura katulad ng
pagmamahalan ng pamilya, pagtulong sa mga nangangailangan,
pagpapatawad at pagtawag sa Diyos sa gitna ng kagipitan.

Hango kina Avila, Maria Aurora E. et. Al.


Ang Ibong Adarna at ang Tatlong Prinsipe
Eferza Academic Publication, Lipa City, Batangas, 2009

10
Suriin Natin
Panuto: Tukuyin ang mahalagang detalye sa kaligirang pangkasaysayan ng
Ibong Adarna sa pamamagitan ng star web. Isulat sa bawat silahis ng bituin
ang nagpapakita ng mahahalagang detalye o mensahe sa nabasang aralin.

_________________ __________________

_______________ _____________

_______________ ______________

__________________

Payabungin Natin

A. Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang titik ng


tamang sagot at isulat sa inyong sagutang papel.

1. Siya ang tumulong kay Don Juan upang mapanumbalik ang dati nitong
lakas matapos siyang pagtaksilan ng kaniyang mga kapatid.
A. Higante C. Matandang Leproso
B. Matandang lalaking Uugod-ugod D. Ermitanyo

2. Siya ang prinsesa ng Reyno de los Cristales, maraming taglay na


kapangyarihan at nakatuluyan ni Don Juan.
A. Donya Maria Blanca C. Donya Juana
B. Donya Laura D. Donya Leonora

3. Makapangyarihang ibon na nakatira sa puno ng Piedras Platas.


A. Agila C. Maya
B. Adarna D. Kalapati

11
4. Siya ang hari ng kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang sakit.
A. Haring Salermo C. Haring Felipe
B. Haring Fernando D. Haring Solomon

5. Ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Siya ang
tanging nakahuli ng Ibong Adarna sa Bundok ng Tabor.
A. Don Pedro C. Don Diego
B. Don Juan D. Don Isidro

6. Ang himig ng musika ng korido ay _______.


A. Andante C. Jazz
B. Allegro D. Medley

7. Ang paksa ng korido ay _____________.


A. kabayanihan
B. pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan
C. buhay ng mga mandirigra at larawan ng buhay
D. pananampalataya, alamat, at kababalaghan

8. Alin sa sumusunod ang hindi naging dahilan ng pananakop ng mga


Espanyol sa Pilipinas?
A. Palaganapin ang Katolisismo.
B. Pagpapalawak sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami ng
mga sakop na bansa.
C. Paghahanap ng pampalasa, masaganang likas na yaman, at hilaw na
materyales upang matustusan ang ekspediyon.
D. Pagiging tanyag at kilalaning makapangyarihang bansa sa buong
mundo.

9. Ang awit ay binubuo ng ____________na pantig sa loob ng isang taludtod.


A. 14 C. 12
B. 16 D. 8

10. Ang korido ay binubuo ng ____________ na pantig sa loob ng isang taludtod.


A. 14 C. 8
B. 12 D. 16

12
B. Tukuyin ang motibo ng may-akda sa bisa ng binasang bahagi ng akda.
Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang mga kahilingan ng may-akda sa kaniyang panalangin?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Bakit nanalangin ang may-akda bago ipagpatuloy ang kaniyang


pagsusulat?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Kanino nanalangin ang may-akda?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Kung ikaw ang may-akda, ano ang iyong mararamdaman habang


inuusal ang panalangin kaugnay ng paggabay sa gawaing iyong
hinihiling?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Anong katangian ng Pilipino ang makikita sa binasang panalangin?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

6. Bakit mahalaga ang panalangin sa buhay ng may-akda at sa inyong


buhay?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

13
Pagnilayan Natin

Panuto: llahad ang iyong sariling pananaw sa motibo ng awtor bakit niya
sinulat ang koridong Ibong Adarna.

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Pamantayan:

Lohikal na paglalahad ng kaisipan 10


May kaisahan ang ideya 5
Wastong gamit ng bantas at malaking titik 5

Kabuoan 20

Binabati kita dahil maayos mong nagawa ang mga gawain sa SLK na
ito. Ipagpatuloy ang pagiging masigasig sa pag-aaral!

14
15
PAYABUNGIN NATIN GAWIN NATIN SUBUKIN NATIN
1. B 1. / 1. D
2. A 2. X 2. C
3. B 3. X 3. C
4. B 4. / 4. B
5. B 5. X 5. D
6. C 6. / 6. B
7. D 7. / 7. B
8. D 8. X 8. B
9. C 9. X 9. B
10. C 10. / 10. A
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Api-it, Marilyn S. et. Al. Panitikang Rehiyonal 7. Buureau of Learning


Resources (DepEd-BLR). Pasig City, 2020.

Avila, Maria Aurora E. et. Al. Ang Ibong Adarna at ang Tatlong Prinsipe
Eferza Academic Publication, Lipa City, Batangas, 2009.

Dayag, Alma M. et.al. Pinagyamang Pluma 7. Quezon City: Phoenix


Publishing House, 2018.

Santiago, Alfonso O. et. al. Makabagong Balarilang Pilipino.Manila City: Rex


Book Store Inc. 2003.

https://brainly.ph/question/2594202

16
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: [email protected]

You might also like