FPL Reading Materials

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

ARALIN 1: KATITIKAN NG PULONG

Katitikan ng Pulong
 ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
 ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng Tagapangulo ng lupon maaaring
gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte maaaring maikli at tuwiran o
detalyado
Kahalagahan ng Katitikan
 naipaaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong.
 nagsisilbing gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-usapan o
nangyari sa pulong.
 maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng
panahon.
 ito'y magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong.
 ito'y batayan ng kagalingan ng indibidwal..
Nakatala sa katitikan ang mga sumusunod:
-paksa
-petsa
-oras
-pook na pagdarausan ng pulong
-mga taong dumalo at di dumalo
-oras ng pagsisimula
-oras ng pagtatapos (sa bandang huli)

Mahalagang Ideya!

Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitinsa pagsulat ng katitikan ng pulong.


Kailangangpairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat, at linaw ng pag-iisip.

Gabay sa Pagsulat ng Katitikan

Bago ang Pulong


 Ihanda ang sarili bilang tagatala.
 Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat.
 Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamag sundan ang
magiging daloy ng mismong pulong
 Mangalap na rin ng mga impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong, sino
na ang mga dumating, at iba pa.
 Maaaring gumamit ng lapis o bolpen, at papel, laptop, o tape recorder.

Habang nagpupulong
 Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o
rekomendasyon.
 Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos.

Tandaan:
Hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong. Nagsusulat nito
upang ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang bawat
sasabihin ng kalahok.

Pagkatapos ng Pulong
 Repasuhin ang isinulat
 Kung may mga bagay na hindi naiintindihan, lapitan at tanunginagad pagkatapos
ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang dumalo.
 Kapag tapos nang isulat ang katitikan, ipabasa ito sa mga namuno sa pulong
para sa mga hindi wastong impormasyon.
 Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang
madali itong matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong.
 Repasuhin muli ang isinulat at tingnan kung wasto ang baybay ng salita, bantas,
at iba pa.
 Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya.
 Magtabi ng kopya sakaling may humilin na repasuhin ito sa hinaharap.

ARALIN 2: LAKBAY SANAYSAY


Ano ang Lakbay-Sanaysay?

- Ang Lakbay-Sanaysay ay tinatawag din na travel essay o travelogue. Ito ay


isang uri ng lathalaing ang pangunahing layunin ay maitala ang mga karanasan
sa paglalakbay.
- Ayon kay Nonon Carandang, ito ay tinawag niyang sanaylakbay kung saan ang
terminolohiyang ito, ayon sa kanya ay binubuo ng tatlong konsepto: (1)
sanaysay, (2) sanay at (3) lakbay. Naniniwala siyang ang sanaysay ang pinaka
epektibong pormat ng sulatin upang maitala ang mga naranasan sa paglalakbay.

Mga Dahilan ng Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay


Ayon kay Dr. Lilia Antonio et.al sa kanilang aklat na Malikhaing Sanaysay
(2013) may apat na pangunahing dahilan ng pagsusulat ng Lakbay-Sanaysay:
1.Upang itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat.
Halimbawa nito ay ang travel blog.
2.Layunin din nitong makalikha ng patnubay para sa mga posibleng
manlalakbay. 3.Maaari ring itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay
tulad ng espiritwalidad, pagpapahilom , o kaya ay pagtuklas sa sarili .
Kadalasang naisasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit upang maitala ang
mga bagong bagay na nakita ,narinig , naranasan at iba pa sa kanyang
ginawang paglalakbay.
4.Upang maidokumento ang kasaysayan, kultura at heograpiya ng lugar sa
malikhaing pamamaraan.

Anuman ang dahilan sa paglalakbay, ang Lakbay-Sanaysay ay


kadalasang naglalaman ng mga tala ng karanasan ng awtor o sumulat sa
paglalakbay. Ang pagtatalang ito ay isang paraan ng manunulat na maibahagi
ang karanasan at kasiyahan sa paglalakbay.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay-Sanaysay


1.Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.-
Dapat na isaisip ng taong naglalakbay na siya ay tutungo sa isang lugar hindi
bilang isang turista kundi isang manlalakbay.
2.Sumulat sa unang panauhang punto de-bista.–
Tumutukoy sa pagkilala at pagpapakilala sa sarili at sa pagmumuni sa mga
naranasan sa proseso ng paglalakbay. Ayon kay Antonio (2013) , ang susi sa mainam
na pagsulat nito ay ang erudisyon o ang pagtataglay ng sapat na kaalaman at
pagkatuto sa isang paglalakbay.
3.Tukuyin ang pokus ng susulating Lakbay-Sanaysay.-
Mahalagang matukoy kung ano ang magiging pokus ng susulating Lakbay-
Sanaysay batay sa human interest. Ang pagtukoy sa tiyak na paksa ay makatutulong
upang matiyak ang sakop ng nilalaman ng Lakbay-Sanaysay. Tinatawag din itong
delimitasyon sa pagsulat ng isang akda.
4.Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa
dokumentasyon habang naglalakbay.-
Ang mga pangunahing gamit na dapat dala ng taong susulat ng Lakbay-
Sanaysay ay ang panulat, kuwaderno o dyornal at kamera. Mahalaga ito para sa
wastong dokumentasyon ng sanaysay Iwasang maglagay ng napakadetalyadong
deskripsyon upang ito ay kawilihang basahin ng mga mambabasa.
5.Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.-
Bukod sa paglalahad ng mga karanasan at mga nakita sa paglalakbay ,
mahalaga ring maisama sa nilalaman ng sanaysay ang mga bagay na natutuhan
habang isinagawa ang paglalakbay. Ito ay magsisilbing pinakapuso ng sanaysay kung
saan dito ibabahagi sa mga mambabasa ang mga gintong aral na nakuha bunga ng
epekto ng ginawang paglalakbay.
6.Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.-
Mahalagang taglayin ng may-akda ang sapat na kasanayan sa paggamit ng
wika. Sikaping ang susulating sanaysay ay maging malinaw, organisado, lohikal at
malaman. Gumamit ng akmang salita batay sa himig ng lakbay -sanaysay na iyong
bubuoin. Maaari ring gumamit ng mga tayutay , idyoma , o matalinghagang salita upang
higit na maging masining ang pagkakasulat nito. Tiyaking makakukuha ng atensyon ng
mambabasa ang iyong susulating akda. Sa pagsulat ng Lakbay-Sanaysay, maging
obhetibo sa paglalatag ng mga impormasyon. Sikaping mailahad ang katotohanan sa
pamamagitan ng paglalahad ng mga positibo at negatibong karanasan at maging ng
kondisyon ng lugar na pinuntahan.

ARALIN 3:REPLEKTIBONG SANAYSAY


Ano ang Replektibong Sanaysay?

- Ayon kay Kori Morgan ito ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao
mula sa isang mahalagang karanasan o pangyayari.
- Sinasabi din ang replektibong sanaysay ay isang isang pagsasanay sa
pagninilay. Kung saan ang isang manunulat ay nakatutuklas ng iba’t ibang
pananaw at damdamin hinggil sa mga perspektibang mayroon siya sa ating
lipunan.
- Sa pag-aaral nina Di Stefano, et al. (2014), magiging mabisa ang pagkatuto
mula sa sariling karanasan kung lalangkapan ito ng repleksiyon. Pinakita nila na
ang replektibong gawain ay makapangyarihang mekanismo sa pagkatuto.
- Ito ay maaaring nasa anyo ng personal na sanaysay at nakabatay sa sariling
karanasan ng manunulat. Ilan sa mag halimbawa nito ay ang mga lahok sa
dyornal, talaarawan, reaksiyong papel o learning log.
Kahalagahan ng Replektibong Sanaysay
1. Nakapagpapahayag ng damdamin at dito ay may natutuklasang bago tungkol
sa sarili, sa kapuwa at sa kapaligiran.
2. Natutukoy ng tao ang kaniyang kalakasan at kahinaan.
3. Nakaiisip ng mga solusyon sa mga problemang kinahaharap natin.
4. Hinahasa rin ng replektibong sanaysay ang kasanayan sa metacognition o
ang kakayahang suriin at unawain ang sariling pag-iisip.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
1. Pagsagot sa mga sumusunod na tanong.
2. Lagumin ang iyong mga sagot.
3. Makapukaw sa atensiyon ng mga mababasa.
4. Pagpapakilala ng paksa at layunin.
5. Pagsulat ng katawan.
6. Maglagay ng obhetibong datos
7. Pagsulat ng wakas o konklusyon.

Katangian ng Replektibong Sanaysay

1. Personal at subhetibo
2. May organisasyon ang mga ideya

3. Hindi limitado sa paglalarawan o paglalahad ng mga kuwento.

4. Nangangailangan ng mapanuring kamalayan at mapagmuning diwa


5. Nagsasagawa rin ng pagsusuri

6. Bumubuo ng sintesis

7. Nagtitimbang-timbang

8. Gumagamit ng deskriptibong wika

ARALIN 4: LARAWANG SANAYSAY


Ano ang Larawang-Sanaysay?

- Ang larawang sanaysay ay isang koleksiyon o limbag na mga imahen o


larawang inilalagay sa isang partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag
ang mga pangyayari, mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak na
paraan. Ito ay gaya rin ng ibang uri ng sanaysay na gumagamit ng mga
pamamaraan sa pagsasalaysay. Sa pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo
ang mga binuong larawan o kaya’y mga larawang may maikling teksto o
kapsyon.
- Malaki ang naitutulong ng larawang may teksto sapagkat nakatutulong ang mga
ito sa mga ideya/ kaisipang ipinakikita ng larawan. Ang pagtataglay ng larawan
ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng
kabuoan ng kwento o kaisipang nais ipahayag. Makapagsasalaysay dito sa
pamamagitan ng mga larawang may kronolohikal na ayos.
- Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunod-
sunod ng larawan. Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay
maaari nang gamitin ang isang larawang may natatanging dating. Ibig sabihin, sa
isang kuhang larawan ay naroon na ang lahat-lahat ng mga ideya.
- Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa
mga larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli.
Kailangang makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng
magbabasa o titingin ang mga katitikang isusulat dito.
- May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring
maglagay ng mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-
diin. Kailangang maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng
larawang-sanaysay.
- Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng
larawan sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa
taong gumagawa ng salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at
malinang ang pagiging malikhain.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat Larawang-Sanaysay


1. Pumili ng paksa ayon sa iyong interes.
2. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin.
3. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa.
4. Tandaan na ang isang istoryang nakatuon sa mga pagpapahalaga o emosyon ay
madaling nakapupukaw sa damdamin ng mambabasa.
5. Kung nahihirapan ka sa pagsusunod-sunod ng pangyayari gamit ang larawan,
mabuting sumulat ka muna ng kuwento at ibatay rito ang mga larawan.
6. Planuhing mabuti ang gagawing sanaysay gamit ang mga Iarawan. Tandaan na higit
na dapat mangibabaw ang larawan kaysa sa mga salita.
7. Palaging tandaan na ang larawang-sanaysay ay nagpapahayag ng kronolohikal na
salaysay, isang ideya, at isang panig ng isyu.
8. Siguraduhin ang kaisahan ng mga larawan ayon sa framing, komposisyon, kulay, at
pag-iilaw. Kung minsan, mas matingkad ang kulay at matindi ang contrast ng ilang
larawan kompara sa iba dahil sa pagbabago ng damdamin na isinasaad nito.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Larawang-Sanaysay

1. Pumili ng isang paksa at mga larawang may kaugnayan nito.


2. Maghanap ng mga datos na susuporta sa iyong gagawing sanaysay.
3. Pagsunod-sunurin ang mga larawan na naaayon sa tema.
4. Lagyan ng pagkakawing ang bawat larawan na kinapapalooban ng iyong damdamin
na maaaring makapukaw sa interes ng mga mambabasa.
5. Simulan ang iyong sanaysay sa pahapyaw na paglalarawan sa bawat imahen at
lapatan ito ng iyong kuro o saloobin.
6. Makakatulong sa iyo ang paggamit ng mga transisyunal devices upang magkaroon
ng kohirens ang iyong pagsulat.
7. Maglapat ng isang hamon o konklusyon sa hulihang bahagi ng iyong sanaysay.

You might also like