Kahulugan at Kaliskasan NG Pagsulat

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

fili reviewer:

KAHULUGAN AT KALIKASAN NG PAGSULAT


Kahulugan at Kalikasan ng Pagsulat
1. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et
al., 2001)
2. Ito ay kapwa pisikal at mental na aktiviti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
(Bernales, et al., 2002)
3. Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay isang komprehensiv na kakayahang
naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng kaisipan, retorika at iba pang
elemento.
4. Ayon naman kay Keller (1985), ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at
isang kaligayahan ng nagsasagawa nito.
5. Ito ay isang proseso ng imbensyon.
6. Isang Prosesong Panlipunan na maaaring bunga ng mga sumusunod :
a. Bilang reaksyon ng isang tao sa kanyang nabasa, naranasan o namasdan upang
maipaabot ang kanyang pananaw at panuntunan sa buhay;
b. Sa layuning makapagbigay lugod o kasiyahan lalo’t ito ay malikhaing sulatin na
nagpapasigla ng imahinasyon at tumutugon sa damdamin.
7. Isang pansariling pagtuklas.
8. Isang proseso sa intelektwal “inquiry”.
9. Isang paghuhunos ng damdaming bumubukal at nagpapahinog sa diwa’t kaisipan.
10. Isang malikhaing gawaing binubuo sa papel.
11. Pagbibigay ng sustansya sa mga bagay na para sa iba ay walang kahulugan.
12. Isang pakikipag-usap sa kapwa
13. Ayon kay White at Strunk ito ay matrabaho at mabagal na proseso dahil sa ugnayan at
koneksyon ng pag-iisip.
11. Pagbibigay ng sustansya sa mga bagay na para sa iba ay walang kahulugan.
12. Isang pakikipag-usap sa kapwa
URI NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN
Inuri nina Bernales, et al., (2001) sa 3 ang pagsulat ayon sa layunin

Impormatibo
kilala rin sa tawag na expository writing
hal. Libro, encyclopedia, statistics at iba pa.
Mapanghikayat na pagsusulat
kilala rin sa tawag na persuasive writing
hal. Talumpati, proposal, editoryal at iba pa.
Malikhaing pagsulat
kilala sa tawag na creative writing
hal. Kwento, nobela, tula, dula at iba pa.
MGA ELEMENTO SA PAGSULAT
Mga Elemento sa Pagsulat
•paksa
•layunin
•audience/ mambabasa
•wika
A. PAKSA
•Saan maaring mahango ang paksa?
•Ano ang maaring motibasyon ng isang estudyante sa pangangalap ng paksa sa kanyang
pagsulat?
Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ay ang mga sumusunod:
1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang
damdaming pantao, may kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at may
malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan - mga datos na pagkukunan ng impormasyon.
3. Kakayahang Pansarili - ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at hilig ng
manunulat.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling karanasan - pinakamadali at pinakadetalyadong praan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa
pangyayaring naranasan ng mismong nagsasalaysay
2. Narinig o napakinggan sa iba - maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telibisyon at iba pa. Subalit, tandaan na hindi
lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. mahalagnag tiyakin muna ang
katotohanan bago isulat.
3. Nabasa o Napanood - mga palabas sa sine, televisyon, dulang panteatro at iba pa.
4. Likhang - isip - mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalikha ng isang
salaysay.
5. Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maari ring maging
batayan ng pagbuo ng salaysay.
B. MGA LAYUNIN
• Ito ay maaaring:
• 1. Pansariling Pagpapahayag
• 2. Pagbibigay ng Impormasyon
• 3. Malikhaing Pagsulat
Mga layunin sa Pagsulat
MGA LAYUNIN
1. PANSARILING PAHAYAG – ito ay pagsulat ng mga bagay na narinig, nakita, o nabasa.
2. PAGBIBIGAY IMPORMASYON – isinasagawa kung nais magpaabot ng mensahe, balita,
magpaliwanag, magpayo, mangatwiran, makiusap.
3. MALIKHAING PAGSULAT – sa tulong ng imahinasyon ng manunulat at register ng wika,
nagagawa ng manunulat na ilarawan ang uri ng lipunan na kanyang ginagalawan, at ang
mga damdaming nananaig.
c. AUDIENCE > dapat isaisip ng isang manunulat na may nagaganap na interaksyon sa
pagsulat. Kung minsan ang manunulat ay may interaksyon sa kanyang sarili. Kailangang
linangin din ng isang manunulat ang kanyang kasanayang interpersonal. Dapat na alamin
niya kung sino ang susulatan, ano ang gusto niyang isulat, ano ang lawak ng kanyang pag-
unawa, at iba pa.
D. WIKA
> ang kakayahan sa paggamit ng wika ay mahalaga sa pagsusulat. Ang mga binuong
pangungusap ay kailangang may kabuluhan. Ang mga tuntuning pambalarila,
palabaybayan, at pagbabantas ay kailangan tumugon sa mga alintuntunin at kumbensyon.
MGA HAKBANG O PROSESO SA PAGSULAT
Mga Hakbang o Proseso sa Pagsulat
> Ayon kay Stephen McDonald at William Salomone, may tatlong pangunahing bahagdan
ang proseso ng pagsulat.
1. BAGO MAGSULAT – paghahanda ito bago magsulat. Sa mga gawain sa antas na ito
inihahanda ang manunulat sa pangangalap ng ideya o impormasyon tungkol sa nais isulat.
PREWRITING
-pagpaplano
-pangangalap ng impormasyon
-pag-iisip ng ideya
-Pagtukoy ng estratihiya ng pagsulat
-pag-oorganisa ng mga materyales
-pagbabalangkas(datos)
2. HABANG NAGSUSULAT
a. PAGSULAT NG BURADOR – ito ay aktwal na pagsulat ng malaya at tuluy-tuloy na hindi
isinasaalang-alang ang gramatika, estruktura, at tamang pormat ng pagsulat.
Unang Burador
-pagsulat ng paunang dokumento(preliminary)sa pamamagitan ng ginawa mong balangkas
Importante:
hindi mawala ang momentum sa pagsulat
-dahil nais mong makasulat nang mabilis sa yugtong ito,
Huwag mo munang alalahanin ang pagpili ng mga salita,istraktura ng pangungusap
pagbaybay at pagbabantas.
-Pagtuunan ito ng pansin pagkatapos maisulat ang unang burado
b. MULING PAGSULAT(REWRITING)
1) REBISYON – tinututukan ang mga bagay na dapat ayusin. Sinusuri dito ang kabuuan ng
sulatin upang alamin ang mga bagay na dapat alisin o baguhin.
REVISING (rebisyon)
- paulit-ulit na pagbasa ng unang burador
-pageebalweyt ng isinulat upang mapabuti pa ang ideya
REBISYON-isang proseso ng pagbasang muli sa burador nang makailang ulit para sa
layuning pagpapabuti at paghuhubog ng dokumento.
-sinusuri ang istraktura ng mga pangungusap at lohika ng presentasyon
-nagbabawas /nagdaragdag ng ideya
-pagpapalit ng pahayag para sa pagpapabuti ng dokumento.

PAGWAWASTO /Pag-edit
2) - pagwawasto ng baybay, estrukturang pambalarila, at mga mekanismo ng pagsulat tulad
ng pagbabantas at gamit ng malalaking titik.
EDITING
-pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita,baybay,balarita, at
pagbabantas.
-pinakahuling yugto sa proseso ng pagsulat bago maisakatuparan ang final na dokumento.
3. PAGKATAPOS MAGSULAT – ang sulatin ay tatantiyahin sa pamamagitan ng
pagbabasa nito sa klase,
pagtatalakay sa mga isinulat
paglalathala sa mga aklat
pagsali sa timpalak panulat
ANG PROSESO NG PAGSULAT
1. Brainstorming
2. Pagsulat ng Burador
3. Revisyon/ Pagrebisa
4. Pag-edit/Editing
5. Paglalathala
MGA BAHAGI NG TEKSTO
MGA BAHAGI NG TEKSTO
1. PANIMULA – ipinakilala ang paksa
-ginagamit na panawag pansin/pang-akit sa damdamin ng mambabasa.
- Ito ay introduksyon
- nagsisimula sa pangkalahatang pangungusap tungkol sa paksa
-nangangailangan ng 3-5 na sunod- sunod na pangungusap na magpapalawak
at tutukoy sa saklaw ng paksa.
- isang tesis na pahayag ang huling pangungusap.
- may authorial stance
Tesis na Pahayag – ay isang pangungusap ng iyong pahayag sa iyong pangunahing
ideya.
Authorial Stance – perspektibo ng may akda sa kanyang sinusulat.
2. KATAWAN – isinasaad dito ang nilalaman ng teksto. Ang bawat talata ay isa ng kabuuan,
may simula, katawan, gitna at wakas.
2 Kakayahang Hinihingi
a. Mag-uuri-uri
b. Magsuri
-dalawang bagay ang kailangan sa pagbubuo ng pinakakatawan: ang pagsasama-sama ang
mga kaisipang magkakasing uri at paghahanay ng mga kaisipan sa isang makatwirang
pagkakasunud-sunod.
a. Mag-uuri-uri – ang isang malaking uri ay hinahati sa maliliit na kaisipan.
b. Magsuri – ang mga katangian ay sinisiyasat, pinaghihiwalay, pinag-uugnay, at ipina-
liliwanag.
3. WAKAS/KONKLUSYON –naglalahad ng buod.
-nakapaghahain ng katibayan at pangangatwiran
APAT NA PANGUNAHING PARAAN NG PAGPAPAHAYAG
Apat na Pangunahing Paraan ng Pagpapahayag
• pagsasalaysay
• paglalarawan
• paglalahad
• pangangatuwiran
1. Pagsasalaysay
Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. katulad ito ng
pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita. Itinuturing ito na
pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang
sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat;
epiko at mga kwentong bayan.
2. PAGLALARAWAN - Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na
naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng
mga mambabasa o nakikinig. sa pamamagitan ng paggamit ng
tiyak na salitang naglalarwan, gaya ng pang-uri at
pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian ng tao,
bagay, lugar o pangyayari na ating nakikita, naririnig o
nadarama.
- napapagalaw at napakikislot din ng
paglalarawan ang ating mga guni-guni, imahinasyon at
nakatatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa. Edit Text
MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA PAGLALARAWAN
1. May tiyak at kawili-wiling paksa
2. Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.
3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.
4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa
paglalarawan.
Iba't Ibang pananaw na magagamit:
a. distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng agwat
o layo nito
b. kung nasa loob o labas
c. ayon sa sariling palagay o damdamin ng
naglalarawan bunga ng kanyang karanasan o ng
karanasan ng ibang tao.
d. ayon sa sariling palagay batay sa kanyang
narinig o nabasa.
5. Pumupukaw ng higit sa isang pandamdam: Paningin;
pandinig; pang-amoy; panlasa at panalat.
6. may kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inilalarawan
7. May tiyak na layunin sa paglalarawan.
Mga Uri ng Paglalarawan
1. Karaniwan o konkretong Paglalarawan - layunin nito ang
magbigay ng kaalaman hinggil sa isang bagay ayon sa
pangkalahatang pangmalas ng manunulat. Sa pamamagitan ng
tiyak na salitang naglalarawan, naipakikita ang fisikal
o konkretong katangian. Higit na bib\nibigyang - diin sa
paglalarawang ito kung ano ang nakikita at hindi and
nilalaman ng damdamin o kuru-kuro ng manunulat.
2. Masining?abstraktong Paglalarawan - naglalayung pukawin
ang guni-guni at damdamin ng mambabasa. Higit na
nabibigyang diin dito hindi ang tiyak na larawang
nakikita kundi ang makulay na larawang nililikha ng
imahinasyon. Gumagamit ito ng mga salitang nagpapaganda
rito gaya ng mga tayutay at iba pang mga salitang
patalinhaga.
Mga Halimbawa ng Masining o Pbstratikong Paglalarawan:
1. Paglalarawan sa Tao
- ... sapagkat si Susana'y mukhang angel ng
kagandahan sa kanya... (Talulot sa pagas na
Lupa - Landicho)
2. Paglalarawan sa Damdamin
- ...punung-puno ng nakatatakot na larawan ang
kanyang ulo. (O Pangsintang labis - Tumangan)
3. Paglalarawan sa Bagay
- ... ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang
kapangyarihang nalalamon... (Makina - Marisa)
4. Paglalarawan ng tanawin o Lugar
- sa sinag ng bukang - liwayway ay tila nga naman
nag-aanyayang kung paano ang bahay na malaki.
Tisang balot ng lumot sa bubong ay tila
nagliliwanag. pati ang kurtinang gagalaw-galaw sa
marahang simoy ng hangin ay tila kumakaway.
(Kasalan sa Malakaing bayan - Pineda)
3. Ang Paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang
isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o
bumabasa. Sa Pamamagitan ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao
dahil nabibigyan siya ng pagkakataong makatuklas ng isang ideya o kaisipan na
makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa paksang pinag-uusapan.
Itinituring din ang paglalahad bilang isang uri ng
pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang mga
gawaing pangkomunikasyon.
Iba't ibang pamamaraan ang gamit ng tao sa paglalahad lalo't sa parang pasalita o
pabigkas. Ngunit kapag ito ay sa paraang pasulat, mahalagang makita ang mga sumusunod
upang maging epektibo sa bumabasa:
1. Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw din
ang pagkasulat nito.
2. Gumagamit lamang ng mga salitan at pangungusap na
madaling maunawaan.
3. Sikaping maging maayos ang organisasyon.
4. Panatilihin ang makatawag pansin na simula, ang
mayamang bahagi ng katawan at kapana-panabik na
wakas.
5. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung
kinakailangan.
6. Pumili ng angkop na pamagat at isulat sa gitnang
bahagi ng papel.

MGA KATANGIAN NG MAHUSAY NA PAGLALAHAD


1. Kalinawan - Malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang
mga salitang ginagamit.
2. Katiyakan - Nakafokus lamang sa paksang tinatalakay at
tiyak ang layunin ng pagpapaliwanaga. Iwasan ang mga
bagay na di kaugnay sa tinatalakay.
3. Kaugnayan- magkaugnay ang mga pangungusap o talata.
4. Diin - binibigyang diin ang mga mahahalagang kaisipang
nais talakayin.
MGA BAHAGI NG PAGLALAHAD
1. SIMULA - nakatatawag-pansin; nakakaakit;
nakapupukaw;nakagaganyak at nakahahatak ng
kuryosidad.
Ilan sa mga halimbawa ng maaring simula:
a. Pagtatanong
b. Pagkukwento o Pagsasalaysay
c. Pagsipi o paghalaw ng isang saknong
d. Paggamit ng siniping pahayag
e. Dayalogo o usapan
f. Makatawag pansing pangungusap
2. Katawan o Gitna - binubuo ng talatang kinapalooban ng
mga pangunahin at pantulong na kaisipan upang maibigay
ang detalye sa isang paksa. Dapat magkaroon ng kaisahan,
kaugnayan at diin ang mga kaisipan para hindi malito ang
bumabasa.
3. Wakas - nag-iiwan ng isang impresyong titimo sa damdamin
at kikintal sa isipan ng mamababasa. gaya ng panimula,
ang paglalahad ay maaaring wakasan sa iba't ibang
paraan. Balikan ang talakay tungkol dito na naisa-isa na
sa mga naunang aralin.
MGA URI NG PAGLALAHAD
1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-uunawa
sa kahalagahan ng isang bagay, tao, pangyayari, dinarama
o konsepto.
2. Pagsunod sa Panuto/pamamaraan
Halimbawa nito ang pagsunod sa isang recepi o paraan ng
paglaro ng isang uri ng laro.
3. Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag ng opinyon o
palagay ng editor ng isang pahayagan o magasin tungkol
sa napapanahong isyu.
4. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro,
pananaw, paniniwala at damdamin ng manunulat, hango sa
kanyangkaranasan at sa inaakalang palagay niya sa
katotohanan.
5. Balita - naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa.
6. Pitak - karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin.
Naglalaman ng reaksyon, kuru-kuro at pansariling pananaw
hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayaring
nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook.
Tinatawag din itong kolum.
7. Tala - paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o
tandaan.
8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha,
natutunan o nasaliksik mula sa binasa, narinig, nakita o
naranasan.
4. Pangangatwiran
- Ito ay isang pahpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang
isang panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala. Layunin nito na hikayatin
ang mga tagapakinig na tanggapin ang kawastuhan ang kanilang pananalig o paniniwala sa
pamamagitan ng makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)
- Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng
mga katwiran o rason.
(- Arogante)
- Ang pangangatwiran ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at
magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan, tanggapin at
paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.
- Ang pangangatwiran ay maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong
dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at matagumpay, lalo na sa
formal na pangangatwiran gaya ng debate.
- Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay maaaring matamo n
imo man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling panahon lamang.
DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o
isyu.
2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda
laban sa kanya.
3. Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa
Kasanayang Nalilinang sa Pangangatwiran
1. Wasto at mabilis na pag-iisip
2. Lohikong paghahanay ng mga kaisipan
3. Maayos at mabisang pagsasalita
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling
katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o
pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang
inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.
URI NG PANGANGATWIRAN
1. Pangangatwirang Pabuod o Induktivo - nagsissimula sa mga
halimbawa o partikular na kaisipan o katotohanan at
nagtatapos sa pangkalahatang simulain o katotohanan.

2. Pangangatwirang Pasaklaw o Pedaktivo - sinisimulan ang


pangangatwiran sa pamamagitan ng paglalahad ng
pangkalahatan o masaklaw na pangyayari o katotohanan at
mula rito ay iisa-isahing ilalahad ang maliliit o mga
tiyak na pangyayari o katotohanan.
“Kung ikaw ay isang mag-aaral na hindi tumatanggi sa anumang gawain ng pagkatuto, ang
gawaing pagsulat ay hindi magiging isang parusa sa iyo kundi isang gawaing:
-mapaghamon
-kawili-wili
-fulfilling
Sanggunian
Mabisang Komunikasyon sa Wikang Pang-Akademiko
Edisyon -2009
Bernales, Rolando
Mutya Publishing House , Inc
Atanacio, Heide. Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

You might also like