Piling Larangan Long Test

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Trixie Bhea Pimentel 01/12/24

12- STEM Mrs. Marichu Demerin


LONG TEST
Filipino sa Piling Larangan

1. Lakbay Sanaysay
-Ang lakbay sanaysay ay isang uri ng pagsusulat na naglalaman ng mga personal na
karanasan, obserbasyon, at pagmamasid ng isang manunulat sa kanyang mga paglalakbay.
2. Istilo ng Lakbay Sanaysay

 Masusing pumili ng isang ideya na nais talakayin o isulat.


 Mag-umpisang gumawa ng "draft" o listahan ng mga naiisip na paksa o
nilalaman ng sanaysay. Maaring ito ay mga petsa ng paglalakbay, mga katangian
at magagandang bagay na matatagpuan sa lugar na pinuntahan.
 Gamitin ang mga impormasyong nailista upang magsimula sa pagsusulat at upang
masusing maisaad lahat ang mga detalye ng paglalakbay, paglalarawan at mahahalagang
impormasyon.
 Sikaping gumamit ng mga salitang naaangkop sa pagsasalarawan ng mga lugar at
makakatulong upang mapasabik ang damdamin ng mga mambabasa.
 Gumawa ng mga karagdagang pagsasaliksik na maaaring makatulong sa mga
mahahalagang impormasyon tungkol sa mga lugar na nais isulat.
 Gumamit ng wastong pangwakas na mga salita na makapagbibigay ng damdaming
nakakapagpanatag na dulot ng nagawang paglalakbay.
3. Limang pandama sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay
 Paningin
 Pakiramdam
 Panlasa
 pang – amoy
 pandinig

4. Mga bagay na kailangan sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

 Magkaroon ng kaisipang manlalakbay sa halip na isang turista.


 Sumulat sa unang panauhan punto de-bista
 Tukuyin ang pokus ng susulating lakbay - sanaysay
 Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa mga
dokumentasyon habang naglalakbay
 Ilahad ang mga realisasyon o mga natutuhan sa ginawang paglalakbay.
 Gamitin ang kasanayan sa pagsusulat ng sanaysay.

5. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay

 Masusing pumili ng isang ideya na nais talakayin o isulat.


 Mag-umpisang gumawa ng "draft" o listahan ng mga naiisip na paksa o nilalaman
ngsanaysay. Maaring ito ay mga petsa ng paglalakbay, mga katangian at magagandangbagay
na matatagpuan sa lugar na pinuntahan.

 Gamitin ang mga impormasyong nailista upang magsimula sa pagsusulat at


upangmasusing maisaad lahat ang mga detalye ng paglalakbay, paglalarawan at
mahahalagangimpormasyon.

 Sikaping gumamit ng mga salitang naaangkop sa pagsasalarawan ng mga lugar


atmakakatulong upang mapasabik ang damdamin ng mga mambabasa.
 Gumawa ng mga karagdagang pagsasaliksik na maaaring makatulong sa mgamahahalaga
ng impormasyon tungkol sa mga lugar na nais isulat.

 Gumamit ng wastong pangwakas na mga salita na makapagbibigay ng


damdamingnakakapagpanatag na dulot ng nagawang paglalakbay.

6. Pagkakaiba ng talumpati sa posisyong papel

 Ang pagkakaiba ng talumpati sa posisyong papel ay Ang talumpati ay isang buod ng


kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig at ang posisyong papel naman ay ang isang
salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng
may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang partido pulitikal. Nilalathala ang
mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at iba pang dominyo.

7. Katangiang taglay ng Isang sulatin

 Ang katangian nito ay pormal, obhetibo, may paninindigan, may pananagutan, at may
kalinawan. ikatataguyod ng lipunan. makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang
lamang.

8. Travelogue

 ito ay maaring isang sulatin na maaring nasa libro kung saan nilalaman ang mga
karanasan ng isang tao sa paglalakabay sa iba't-ibang lugar. Maari din itong Video kung
saan nakapaloob ang mga eksena o kuha ng paglalakbay ng isang tao. Ang halimbawa ng
mga travelogue ay makikita sa mga "Vlogs" sa youtube. Sila ay mga travelers na
nagdodokumento ng mga pangyayari at karanasan sa kanilang "get away adventure".

9. Replektibong Sanaysay

 Ang replektibong sanaysay, o Reflective Essay sa Ingles, ay isang uri


ng sanaysay na patungkol sa mga isyu, opinyon, karanasan, o
pangyayaring naisusulat ng may-akda nang komprehensibo kahit na hindi
masyadong pinag-aralan ang isang paksa o isyu. Ang replektibong
sanaysay ay opinyonado at nagbibigay ng kalayaan sa may-akda na isulat
ang kanilang opinyon at mga punto tungkol sa isang isyu na nanggagaling
sa karanasang personal nilang nakita o natamasa.

10. Larawang Sanaysay

 Ito ay kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa


pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundanngmaikling
kapsyonkada larawan.  Madalas na ginagawa ng mga artista, awtor, estudyante,
potograpo, mamamahayag lalo na ang mgaphoto journalist.

11. Talumpati

 Ito ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng


pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao.
12. Agenda
 Ito ay isang dokumento na naglalaman ng listahan ng mga pag-uusapan at
dapat talakayin sa isang pagpupulong.
13. Katitikan ng Pulong
 Ang katitikan ng pulong ay isang akademikong sulatin na naglalaman ng mga
tala, rekord o pagdodokumento ng mga mahahalagang puntong nailahad sa
isang pagpupulong tinatawag itong “minutes of meeting”.
14. Memorandum
 Ang “memorandum” (memo) ay ginagamit upang ipaalam ang isang bagay na
apurahan sa mga tao sa loob ng isang kumpanya o organisasyon. Ang isang tala
ay maaari ding ihatid sa mga tao o negosyo kung saan mayroon kang malapit o
matagal nang koneksyon, gaya ng mga vendor o consultant.
15. Panauhan- Una, Pangalawa, Ikatlo
 Unang Panauhan - tumutukoy sa taong nagsasalita o kasama ang kanyang sarili.
 Ikalawang Panauhan - tumutukoy sa taong kausap o kinakausap.
 Ikatlong Panauhan - tumutukoy sa taong pinag-uusapan.

16. Mga Bahagi ng papel pananaliksik

Kabanata I: Ang Suliranin at ang mga Saklaw Nito


 Panimula o Introduksyon
 Kaligirang Teoretikal-Konseptuwal
 Paglalahad ng Suliranin
 Kahalagahan ng Pag-aaral
 Saklaw at Limitasyon
 Metodolohiya
 Depinisyon ng mga Terminolohiya

Kabanata II: Paglalahad, Analisis at Interpretasyon ng Datos



Mga Hakbang sa Pagbuo ng Tamang Interpretasyon
1. Ilahad ang suliranin.
2. Mangalap ng datos na kaugnay sa inilahad na suliranin.
3. Tayahin ang ebidensiya at nakalap na datos.
4. Gawin ang interpretasyon batay sa mga ebidensiya at nakalap na datos.

Mga Dapat Tandaan sa Paglalahad at Pag-iinterpret ng Datos
1. Ilahad lamang ang mahalagang kaugnay na datos.
2. Pumili ng paraan sa paglalahad ng datos na malinaw at kaaya-aya sa titingin o
babasa
tulad ng paggamit ng tsart, talaan, grap, larawan, simbolismo, tambilang at
bahagdan.
3. Lapatan ng paliwanag at diskusyon ang mga datos na nakapaloob sa talaan.
4. Ang mga datos ay dapat na obhektibo at lohikal batay sa paksa.
5. Tandaan ang mga kaugnay na resulta kabilang ang mga sumasalungat sa
haypotesis.
6. Sa pag-uulat ng resulta o kinalabasan ng pagtataya sa haypotesis, isama ang
kahalaga-
han ng istadistikang pagtataya, degree of freedom at ang level of significance.
7. Ipaliwanag nang lubos ang analisis, implikasyon at aplikasyon ng resulta o
kinalabasan.

Kabanata III: Buod ng mga Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon


 Buod ng Natuklasan – naglalaman sa mga natuklasan mula sa pinag-aaralang
suliranin
 Konklusyon – panlahat na implikasyon na ibinabatay sa pamamalagay, angklang
teorya at mga natuklasan sa pag-aaral.
 Rekomendasyon – naglalaman ito ng mga mungkahi batay sa mga natuklasan

Mga Panghuling Pahina

 Listahan ng Sanggunian– isang kumpletong tala ng lahat ng mga hanguan o sorses


na ginamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong-papel.
 Apendiks / Dahong-Dagdag – maaaring ilagay o ipaloob dito ang liham,
pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu, sampol ng sarbey-
kwesyoneyr, bio-data, ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-ano pa.

17. Katangian ng Akademikong Sulatin

1.) Kompleks - Mas kompleks kaysa sa pasalitang wika. Mas mayaman sa leksikon
atbokabularyo. Kompleksidad ng gramatika.
2.) Pormal - Hindi angkop rito ang mga kolokyal at balbal na salita.
3.) Tumpak - Sa pagsulat, ang mga datos tulad ng facts and figures ay inilalahad nang walang
labis okulang

4.) Obhetibo - Hindi personal. Ang pokus nito kadalasan ay ang impormasyong nais ibigay at
angmga argumentong nais gawin, sa halip na manunulat mismo o ang kanyang mambabasa.

5.) Eksplisit - Responsibilidad ng manunulat na gawing malinaw sa mambabasa kung paano


angiba't ibang bahagi ng teksto ay nauugnay sa isa't isa. Gumagamit ng "signaling words"

6.) Wasto - Gumagamit ng wastong bokabularyo o mga salita. Maingat dapat ang manunulat
nito sapag gamit ng mga salitang madalas katisuran o pagkamalian ng mga karaniwang
manunulat

7.) Responsible - Ang manunulat ay kailangang maging responsable lalong-lao na sa paglalahad


ngmga ebidensiya, patunay, o ano mang nagpapatibay sa kanyang argumento. Responsable
sahanguan ng impormasyong kanyang ginamit kung ayaw niyang marapatan na isang
playgyarista.

8.) Malinaw na layunin - Ang layunin ng akademikong pag sukat ay matugunan ang mga tanongkaugnay ng
isang paksa. Ang tanong na ito ang nag bibigay ng layunin.

9.) Malinaw na pananaw- Akademikong pag sulat ay di lamang listahan ng mga katotohanan ofacts at pag
lalagom ng mga hanguan o sources. Ang manunulat ay nag lalahad ng ideya at
saliksik ng iba, layunin ng kanyang papel na maipakita ang kanyang sariling pag iisip ‘’ Pu
nto de bista ng manunulat.
10. ) May Pokus - Bawat pangungusap at bawat talata ay kailangang sumuporta sa tesis na
pahayag.Kailangan iwasan ang mga hindi kailangan, hindi nauugnay, hindi mahalaga at
taliwas naimpormasyon

18. Background Synthesis- uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga


SANLIGANG impormasyon ukol sa isang paksa at inaayos ayon sa TEMA at hindi ayon sa
sanggunian.
19. Lohikal at Estraktura - Ang mga larawan ay dapat isa-ayos sa isang lohikal na
pagkakasunod-sunod. Dapat ang simula hanggang wakas ay maging kawili-wili upang maging
interesado ang mga mambabasa nito.
20. Pakikipanayam - Isang pakikipagpulong ng kinatawan ng pahayagan sa isang taong nais
niyang kunan ngmga imformasyong maiuulat o maipalilimbag. Ito ay isang pagtatanong
upang makakuha ng impormasyon tulad ng opinion, kaisipan otanging kaalaman ukol sa isang
paksang nakakatawag ng kawilihan sa madla nakaraniwa’y nagmumula sa tanyag na tao o
kilalang otoridad na kinakapanayam.

You might also like