Filipino

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Filipino 7

Filipino – Ikapitong Baitang


Ikatlong Markahan – Modyul 16: Ang Pagtakas nina Don Juan at Donya Maria
Hanggang sa Pagwawakas (Saknong 1286-1712)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Robele DV. Santos at Arjelyn Joy T. Almanon
Tagasuri: Peter B. Cenera at Roselle U.Rosario
Editor: Leda Tolentino at Cindy Macaso

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 7
Ikaapat na Markahan
Modyul 16 para sa Sariling Pagkatuto
Ang Pagtakas nina Don Juan at Donya Maria
Hanggang sa Pagwawakas (Saknong 1286-1712)
Manunulat: Robele DV. Santos at Arjelyn Joy T. Almanon
Tagasuri: Peter B. Cenera at Roselle U.Rosario/Editor: Leda Tolentino at Cindy Macaso
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Modyul 16 para sa
araling Modyul 16: Ang Pagtakas nina Don Juan at Donya Maria
Hanggang sa Pagwawakas (Saknong 1286-1712)!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 16 ukol sa Don Juan at


Donya Maria Hanggang sa Pagwawakas (Saknong 1286-1712).

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nagagamit ang angkop na mga salita at simbolismo sa pagsulat ng iskript.

MGA INAASAHANG LAYUNIN


A. Nadaragdagan ang kaalaman tungkol sa mga salitang may malalim na kahulugan.
(paglinang ng talasalitaan)
B. Nauunawaan ang kahulugan ng mga salitang ginagamit sa akda.

PAUNANG PAGSUBOK

Sa pagsisimula, sagutin ang paunang pagsubok upang malaman natin


ang lawak ng iyong kaalaman.

Panuto: Lagyan ng tsek (✔ ) ang panaklong ng kahulugan ng salitang nakahilig


sa sumusunod na pangungusap.

1.Ang pagliyag niya sa kanyang ama ay hindi matatawaran.

( ) galit ( ) takot
( )pagmamahal ( )paggalang

2.Kailangan matalastas ng hari ang mga pinagdaanan natin.

( ) maisip ( ) maunawaan
( )madama ( )malaman

3.Oh! Giliw payag ka nang iwan kita pangako ako’y babalik.


Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa salitang “Giliw”.

( ) ligaya ( ) mahal
( ) sinta ( )irog

4.Ang hiling ko sana pagdating mo sa palasyo iwasan mong makitungo sa mga kababaihan.

( ) makisama ( ) tumingin
( ) makipagkaibigan ( )makipagkita

5.Huwag mong hintayin na ang aking puso ay mawakawak sa iyong pangako.

( ) magalit ( ) matakot
( ) mawasak ( ) masaktan
BALIK-ARAL

Handa ka na ba? Ngayon ay simulan mong balikan ang kahulugan ng mga


salitang natutuhan mo sa nakalipas na pagtalakay sa mga pagsubok na
ibinigay ni haring Salermo kay Don Juan. Batid kong masasagutan mo ito ng
tama at wasto.

Panuto: Hanapin sa kaharian na nasa hanay B ang kahulugan ng mga salitang


nasa hanay A.Isulat sagot sa sagutang papel.

ARALIN

ANG KAHILINGAN NG PRINSESA


(PILING MGA SAKNONG)

1380
Matapos ang madlang dusa’t
Layuan ang kanyang ama,
Sumapit din sa Berbanyang
Sa sakuna’y ligtas sila.
1384
Ako ngayon ay haharap
sa ama kong nililiyag
upang kanyang matalastas
ang sa atin ay marapat

1392
Kaya, giliw, mayag ka nang
Dito’y iwan muna kita,
“ipangako mo sa aking
ito’y di mo lilimutin

1393
“Kung gayon ay isang hiling”,
Ang kay Donya Mariang turing
“ipangako mo sa aking
Ito’y di mo lilimutin.

1394
“Hinihingi ko sa iyong
Pagdating mo sa palasyo
Iwasan sanang totoo,
Sa babaeng makitungo

1396
“Ang hiling ko pag nilabag
asahan mong nawakawak
ang dangal ko’t yaring palad
sa basahan matutulad

Pagsasanay 1
Panuto: Narito ang mga salitang magkasingkahulugan.Gamitin ang bawat isa
sa makabuluhang pangngusap.

1.ilagak – iwan
Pangungusap:_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2.lugod – saya
Pangungusap: _________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3.malining – maisip
Pangugusap: _________________________________________________________________
_________________________________________________________________

4.nawakawak – nawasak
Pangungusap: ________________________________________________________________
________________________________________________________________

5.matalastas – maisip
Pangungusap: ________________________________________________________________
________________________________________________________________
Pagsasanay 2
PANUTO: Bumuo ng maikling iskrip sa piling saknong ng ibong Adarna gamit
ang mga salita at simbolismo na nakatala sa ibaba.

ligtas
Iniibig
Pangako
hiling
dangal

PAGLALAHAT

Panuto:Itala sa talahanayan ang pangako at kahilingan ni Donya Maria kay


Don Juan sa kanyang pag-alis pabalik ng berbanya.

KAHILINGAN AT PANGAKO

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Gumawa ng akrostik sa akronim na PAG-IBIG ng dalawang tauhan na
sina Don Juan at Donya Maria.

P- PAGPAPAHALAGA
A-
G-
I-
B
I-
G-
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Bilang pagtatapos batid ko na ito ay iyong masasagutan nang wasto


at tapat.

Panuto: Isulat sa kahon ang MN kung ang pares ng mga salita ay


magkasingkahulugan, at MT kung magkasalungat ang mga ito.Kung ang sagot
ay MT, isulat din ang kasingkahulugan ng unang salita.
Halimbawa:

di-mapanatag – matiwasay di-mapakali

1.dusa-pighati _________________________

2.dangal-dignidad _________________________

3.tandaan-lilimutin _________________________
4. nilabag-sinunod _________________________

5.makitungo-makisama __________________________
SUSI SA PAGWAWASTO

5.D
4.E
3.C 5.MN
2.A sinunod
1.B 4.MT/sinuway o hindi
Balik-Aral sa isip
3.MT/alalahanin o itatak
5. (✔)mawasak 2.MN
4. (✔)makisama 1.MN
3. (✔)ligaya Panapos na Pagsusulit
2. (✔)maunawaan
1. (✔)pagmamahal
Paunang Pagsubok

Sanggunian
Habjan,Erico M.,Ontangco,Rowena S.Iquin,Melinda P.at Carpio,Lucelma O.(2006)
Panitik:Filipino sa Panahon ng Pagbabago
Cruz, Emerlinda G.and C& E Publishing, Inc.Suplemento sa Aklat
https://www.scribd.com/documents/443584866/adarna

You might also like