Kaligiran Lesson Exemplar 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Asignatura Baitang

Filipino 7-
Guro
John Ruskin S. Aran
Markahan Ikaapat na Markhan

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mga magg-aaral ang pang-unawa sa mga akdang
pampanitikang Kabisayaan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng mag-aaral ang maikling pagtatanghal ng ilang saknong ng
koridong naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino
C. Pinakamahalagang Kasanayan sa A. Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mga motibo ng may akda sa bisa
Pagkatuto (MELC) ng binasang bahagi ng akda.
B. Naisusulat ng sistematiko ang mga nasaliksik na impormasyon kaugnay ng
kaligirang Pangkasaysayan ng ibong Adarna.
D. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang pagpapaganang kasanayan.)

II. NILALAMAN Kaligirang Pangkasaydayan ng Ibong Adarna


III. KAGAMITAN PANTURO Laptop, Projector, Cellphone, Powerpoint, Telebisyon
A. Mga Sanggunian
a. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Learner’s Packet(LEAP) Pahina 1-4
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan mula sa
Portal ng Learning Resource
B. Listahan ng mga Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain sa Pagpapaunlad
at Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Introduction (Panimula) Panimulang Gawain

1. Panalangin

2. Pagbati

3. Pagpuna sa paligid

4. Pagtatala ng liban sa klase

Layunin
 Malaman ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong adarna
 Maunawaan ang tulang romansa at ang anyo nito

B. Development (Pagpapaunlad) Paghuhula ng mga kathang isip na larawan.

Talasalotaan o Paghawan ng sagabal


1.Salaysay
2. Panitikan
3. Haka haka
4. Pag angkat
5. Dayuhan

Trivia:
• Si Ferdinand Magellan ang kauna-unahang European na naitalang
nakarating sa Pilipinas. Dumating siya noong Marso 1521 sa panahon ng
kanyang pag-ikot sa mundo.

A. Engagement (Pagpapalihan) KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG IBONG ADARNA

(pagtatalakay)

Pagtatanong ng limang gabay na tanong


1.Anong panitikan sumasailalim o pumapaloob ang Ibong Adarna?
2.Paano nagsimula ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga tulang
romansa?
(Paglalahat) 3.Bakit tinangkilik ng mga Pilipino ang mga Tulang Romansa gaya ng
Ibong Adarna?
4. Bakit mahalaga ang pag - aaral ng Kaligirang Pangkasaysayan bago
simulan ang paksa/aralin?
5.Ano ang kahalagahan ng pagkilala ng kultura ng ibang bansa para sa
ating mga Pilipino?

B. Assimilation (Paglalapat) Ichika mo marites!

Panuto: Gumawa ng isang graphic organizer na naglalaman ng iba pang mga


mahahalagang impormasyon tungkol sa kasaysayan ng Ibong Adarna. Ilagay ito
sa isang buong papel.

Pamantayan sa Pagmamarka

Nilalaman – 5 Puntos

Presentasyon – 5 Puntos

Kabuuan = 10 Puntos

V. Assessment
(Pagtataya) Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang.

1.Ano ang korido?

a.Isang uri ng tulang romansa na mayroong walang pantig ang bawat taludtod.

b.Isang uri ng tula na mayroong walong pantig ang bawat taludtod

c.Isang uri ng awit na mayroong pitong pantig ang bawat taludtod

d.Isang uri ng awit na mayroong walong pantig ang bawat saknong

2. Bakit niyakap ng mga Pilipino ang panitikang ito gayong ito ay


pinaniniwalaang hindi isinulat ng isang Pilipino?

a.Naglalaman ito ng mga pangyayaring hindi mapaniniwalaan

b.Naglalaman ng mga kuwentong kababalaghan na hilig pag-usapan ng mga


Pilipino
c.Tumatalakay sa mga kulturang hawig sa kulturang Pilipino tulad ng
pagmamahal sa pamilya

d.Wala sa nabanggit

3. Sinong manunulat ang haka hakang pinaguusapan na nagsalin ng panitikang


Ibong Adarna sa Pilipinas?

a.Juan Dela Cruz

b.Jose Dela Cruz

c.Mark Dela Cruz

d.Wala sa nabanggit

4. Ito ay isang uri ng tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at


kabayanihan na karaniwang mga maharlikang tao ang nagsisiganap.

a.Tulang Liriko

b.Tulang Pasalaysay

c.Tulang Romansa

d.Wala sa nabanggit

5. Sa anong taong kinilala ng mga Pilipino ang Ibong Adarna.

a.1800

b.1700

c.1500

d.1900
VI. PAGNINILAY Ang pag-alam sa nakaraan sa ating bayan ay magsisilbing salamin sa kasalukuyan upang
siyang ating maging gabay sa magandang kinabukasan.

Takdang Aralin
Magsulat ng isang korido na naglalaman ng isa o dalawang saktong na ang paksa
ay tungkol sa pagmamahal sa pamilya.

Inihanda ni:

G. JOHN RUSKIN S. ARAN

You might also like