Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2
Paaralan San Roque Ilaya National High School Baitang Grade 7
LESSON Guro MA. LUISA A. DE QUIROS Asignatura FILIPINO
EXEMPLAR Petsa May 8-12, 2023 Markahan Ika-apat na Markahan Week 2 Oras Bilang ng Araw 5 araw
Naibibigay ang kahulugan at katangian ng korido
I. LAYUNIN Naibabahagi ang sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna II. NILALAMAN Korido at Ang Kahalagahan ng Ibong Adarna III. KAGAMITANG Laptop, Printed materials PANTURO Mga Sanggunian Internet at Modyul Mga Pahina sa Gabay MELC Filipino G7, Curriculum Guide ng Guro Mga Pahina sa Filipino, Modyul Para sa Mag-aaral Kagamitang Pangmag- aaral Mga pahina sa Teksbuk Filipino, Modyul Para sa Mag-aaral Listahan ng mga Kagamitang Panturo para sa Gawain sa Visual Presentation, Lesson Exemplar Pagpapaunlad at Pakikipagpalihan IV. PAMAMARAAN Panimula Basahin nang malikhain ang mga sumusunod na pahayag https://www.youtube.com/watch? v=DpetZJFjhWQ
Sagutin ang mga sumunod na tanong:
1.Paano mo mailalarawan ang korido batay sa sukat o taluturan, paksa, at katangian ng mga tauhan nito? 2.Para sa iyo, may mabuti bang maidudulot ang pagbabasa ng isang korido tulad ng Ibong Adarna? Pangatwiranan Pagpapaunlad Panuto: Basahin at unawain ang Ibong Adarna. Sanggunian: Ibong Adarna at ang Tatlong Prinsipe, Roselyn Salum et. Al https://www.slideshare.net/cli4d/ang-korido Pagpapalihan Gawain sa Pagkatuto Bilang 1 Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang ng bawat bilang na tumutukoy sa katangian taglay ng korido at ng Ibong Adarna. ______ 1. Binubuo ng 8 pantig sa isang taludtod at apat na taludtod sa isang saknong. ______ 2. Ang mga tao sa akdang ito ay kabilang sa mga mahihiwagang nilalang tulad ng Diwata at Diyos. ______ 3. Sinasabing ang akdang ito ay nagmula pa sa bansang Europa. ______4. Ang panitikang ito ay minahal at inangkin ng ng mga Pilipino dahil sa mga paksa at aral na taglay nito. ______5.Pumapaksa tungkol sa mga bayani at mandirigma at larawan ng buhay. ______ 6. Ang tono ng akdang ito ay mabilis o allegro. ______ 7. May taglay na kapangyarihang supernatural o kakayahang magsagawa ng mga kababalaghang hindi magagawa ng karaniwang tao ang mga tauhan. ______ 8. Lumaganap sa Pilipinas ang akdang ito sa panahon ng mga Hapon. ______ 9. Ang Ibong Adarna ay isang halimbawa ng Korido. ______ 10. Mga prinsipe at prinsesa ang mga pangunahing tauhan ng akdang ito. Paglalapat Panuto: Ilagay sa bubble map ang tamang paglalarawan sa kahulugan at katangian ng Ibong Adarna. Sa bubble ng Kahalagahan, magbahagi ng sariling ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna, bakit kailangan itong pag-aralan? Pagtataya Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 1. Ilan ang sukat ng pantig ng koridong Ibong Adarna sa bawat taludtod? A. 12 pantig B. 8 pantig C. 9 pantig D. 10 pantig 2. Paano binabasa ang Korido? A. Paawit B. Pasigaw C. Patula D. Mabilis 3. Ano ang himig ng koridong Ibong Adarna? A. adante B. allegro C. alagra D. pasentro 4. Ano ang dalawang anyo ng tulang Romansa? A. awit at korido B. dalit at soneto C. epiko at ballad D. epiko at korido 5. Ang karaniwang mga tauhan sa isang korido na katulad sa Ibong Adarna ay ________________________ A. Prinsipe at prinsesa B. ordinaryong nilalang C. Diyos at mga Diwata 6. Ang Ibong Adarna ay isang dayuhang panitikan. Bagamat hindi naitala kung sino ang nagsalin nito sa Wikang Filipino ay masasalamin dito ang pagiging malikhain ng manunulat. Bakit mahalagang pag-aralan ang Ibong Adarna kahit ito ay dayuhang panitikan? A. Dahil ito ay dinala sa Pilipinas ng mga Kastila at lahat ng kanilang dinala ay dapat nating pahalagahan. B. Dahil ito ay bahagi ng kulturang Pilipino at kapupulutan ng mga aral. C. Dahil magiging tanyag tayo kapag alam natin ang mga akdang pampanitikang katulad ng Ibong Adarna. D. Dahil ito ay kasama sa mga aralin sa Filipino. 7. Ang tulang romansa ay tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan. Ang mga tauhan ay pawang napapabilang sa mga kaharian tulad ng prinsipe, prinsesa, hari at ilang dugong bughaw. Naging palasak ang mga tulang romansa sa Europa. Ang Ibong Adarna ay isang tulang romansa. Alin sa mga sumusunod ang di kaugnay ng pahayag? A. Ang Ibong Adarna ay may mga tauhang napapabilang sa mga kaharian tulad nina Reyna Valeriana, at Haring Fernando. B. Ang Ibong Adarna ay naglalaman ng mga kamangha-manghang pangyayaring katulad ng mga tulang romansa. C. Ang Ibong Adarna ay nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran at kabayanihan ng mga tauhan kaya ito’y isang tulang romansa. D. Ang Ibong Adarna ay nagsasalaysay ng mga pangyayaring nagaganap sa tunay na buhay kaya ito’y tulang romansa. V. Pagninilay Paano mo mailalahad ang kahulugan, katangiang at kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna o ng Korido?