Pulitika, Ano Na Nga Ba Ngayon

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Pulitika, Ano na nga ba ngayon?

Ni hahaha

Ano nga ba ang pulitika? Kapag tayo ay nakaririnig ng ganitong salita, tayo ay napapaisip, ano
nga ba talaga ang pulitika? Ito ba'y nakabubuti sa atin? O sadyang bulag lamang tayo sa kung ano ang
tunay na nangyayari sa inang bayan? Pulitika pa rin ba kung maituturing kapag pansariling interes ang
pinapairal? O pulitika ito kung tawagin dahil naglilingkod sa bayan ng walang hinihintay na kapalit?

Sa pang araw-araw na buhay natin, hindi talaga maiiwasan ang pulitika. Madalas itong laman ng
telebisyon, radyo, at higit sa lahat mga pahayagan. Maging sa mga bahay natin kapag tayo ay
naghahapunan hindi malilimutan ang diskusyon sa hapag-kainan tungkol sa pulitika. Pero ano na nga ba
ang estado ng pulitika sa Pilipinas? Sabi nila, mamamayan ang siyang makapangyarihan dahil sila lamang
ang may karapatang magluklok ng isang pulitiko sa posisyong kanyang nais. Pero bakit hanggang ngayon
sambayanang Pilipino pa rin ang nagdurusa? Kasalanan ba nila ito? O sadyang bulag-bulagan lamang sila
sa kung ano ang tunay na nangyayari?

Sa mga sitwasyong ito, nagpapatunay lamang na ang pulitika sa Pilipinas ay magulo. Meron nga
tayong sistemang tinatawag pero hindi naman ito organisado. Batas sa Pilipinas ay kalimitang sinusunod
at ang mas malala pa dito ay kung sino pa ang mataas ang posisyon ay siya pang hindi sumusunod. Dahil
rito, marami sa opisyales ng pamahalaan ang humaharap sa samu't saring kaso. Katulad na lamang ng
"Pork Barrel" na kinasangkutan ni Janet Napoles. Simula't sapol marami ng pulitiko at opisyales ng
pamahalaan ang nasasangkot sa korupsyon at hanggang ngayon hindi pa rin ito naaagapan o
nasosolusyunan. Pero papaano nga naman ito mareresolba kung pulitiko mismo ang nanginginabang?
Saan napupunta ang kaban ng bayan? Sa mga bulsa ba ng mga gahaman na pulitiko at opisyales ng
pamahalaan? Dahil kung tutuusin walang pagbabago sa Pilipinas. Walang mga bagong proyekto na
pakikinabangan ng mga mamamayan at higit sa lahat ekonomiya sa Pilipinas ay sobrang baba. Ganito na
lang ba tayo? Hahayaan na lng ba natin ang baluktot na pamamalakad ng pamahalaan? O kikilos tayo
para sa ikabubuti ng nakararami.

Marami sa ating mga Pilipino ang walang alam sa nangyayari sa pulitika. Panahon na para ito ay
tuldukan. Kumilos tayo at ipaglaban ang karapatang nararapat sa atin. Imulat ang mga mata upang
kamalian ay makita at atin nang wakasan ang ganitong pamamalakad sa ating bansa.

You might also like