Basilio Mga Kabanata
Basilio Mga Kabanata
Basilio Mga Kabanata
1
Si Basilio’y may ibang paniniwala na ang Espanyol ay instrumentong magpapabuklod sa mga
pulo at makapagpapalapit sa mga Pilipino sa pamahalaan. Mahigpit itong tinutulan ni Simoun.
“Ang Kastila kailanman ay di magiging pangkalahatang wika ng bayan sapagkat ang diwa ng
pag-iisip at ang tibukin ng puso ay walang katugon sa kolonyal na wika”.
Palibhasa’y naniniwala siya na may sariling wika ang bayan kaugnay ng kaniyang
damdamin at kaugalian.
Hinimok din ni Simoun si Basilio na makiisa sa kaniyang mga planong maghiganti laban sa
pamahalaang Espanyol subalit hindi niya napasang-ayon ang binatang sa kaibuturan ng puso ay
ayaw na ng kaguluhan manapa’t tahimik na pamumuhay bilang manggagamot.
Naniniwala siya na ang karunungan ay walang katapusan. Magsisilbing kagalingan ng
katauhan at magiging daan upang ang lahat ng tao sa daigdig ay maging malaya. Nagpasalamat
siya sa mga payo ni Simoun at nagpaalam. “Maaaring kakaiba ang pamamaraan ko sa paglutas ng
mga suliranin ng bayan ngunit higit itong mabisa kaysa sa iniisip ng mga taong patingin-tingin
lamang” mahinang wika ni Simoun sa sarili.
Tampok sa pahayagan ng Maynila ang mga balitang galing sa Europa at ang pagtatanghal ng
operang Pranses.
Hindi nailathala ang paglusob ni Matanglawin sa isang lalawigan at ang pagtalon mula sa
tore ng kumbento ng isang dalaga. Kapag ang nilooban ay isang Espanyol o ang kumbento,
nakatitiyak na nakalathala ang mga ito.
Walang nagbalita tungkol sa nangyari kay Huli. Nalaman nila ang pag-alis sa bayan ni Padre
Camorra upang manirahan sa kumbento ng Maynila. Kinaawaan pa ng peryodistang si Ben Zayb
ang prayle na may mabuting kalooban.
Upang makalaya ang mga mag-aaral, hindi pinansin ang magugugol na mga handog na
ipinagkaloob at paghihirap ng mga magulang at mga kamag-anak. Naunang nakalabas si Macaraig
at huli si Isagani pagkat natagalan bago dumating sa Maynila si Padre Florentino. Tanging si Basilio
ang di nakalaya dahil pinabigat pa ang kaniyang kaso ng mga ipinagbabawal na aklat. Hindi
nalaman kung ito’y Medicina Legal y Toxocologia ni Dr. Mata o ilang pahayagan tungkol sa mga
balita sa Pilipinas.
Malaki po ang pagpapahalaga ng mga guro niya sa kabaitan at kasipagang taglay. Kung ‘di
siya makalalaya, hindi niya matatapos ang kursong medisina. Mawawalang-halaga ang lahat ng
naumpisahan niya” pagtatanggol ng Mataas na Kawani.
3
“Kung totoong magtatapos na ang Basiliong iyan, dapat ngang lalong makulong ang
“Pilibusterong Manggagamot”, galit na tugon ng Kapitan Heneral. Napataw sa kaawa-awang binata
ang buong bigat ng timbangan ng walang katarungan.
“Napiit ako na walang kasalanan. Mabuti po at tinulungan po ninyo akong makalaya. Handa
na po ako ngayon. Bigyan po ninyo ako ng sandata.”
Pinangatawanan ng Mataas na Kawani ang pagtatanggol kay Basilio. Ipinaalala niya sa
Kapitan Heneral ang tungkulin sa bayan, ang karapatan ng mga Pilipinong maghimagsik sapagkat
pinagsamantalahan sa halip na tangkilikin at pairalin ang matuwid na pagkatalo. Sinagot naman
siya ng Heneral na wala siyang kinalaman sa bayan sapagkat hindi naman ito ang naghirang sa
kanya.
Lalong lumubha ang alitan ng Mataas na Kawani at ng Kapitan Heneral. Umalingawngaw pa
ang kaniyang naging pahayag sa Heneral na “Kung ako po ang tatanungin, malaking karangalan
ang pagkaapi sa hindi nabigyan ng katarungan, katotohanan, at kalayaan. Masarap ipaglaban ang
sinumang inapi sa lipunan.”
Habang nasa kaniyang sasakyan ang Mataas na Kawani, binanggit niya sa kutserong Indiyo
ang pahayag na, “Kapag dumating ang araw na makapagsasarili na kayo, alalahaning sa Espanya
may pusong tumitibok dahil sa inyo at nakikipaglaban para sa inyong karapatan.”
4
buong buhay niya. Inayos ni Simoun ang lampara at nilagyan ng turnilyo. Napansin niyang tila
may nais itanong si Basilio.
“Magkakaroon ng isang salo-salo ngayong gabi, Basilio. Ilalagay ang lamparang ito na aking
regalo sa gitna ng hapag-kainan. Unti-unting lalamlam ang ningning ng lampara hudyat na itataas
nila ang mitsa. Pagtaas nito, puputok at sasabog ang bombang wawasak sa silid-kainan. Nakatayo
naman sa mga sahig at bubong ang sako-sakong pulbura. Walang matitira sa mga nagsidalong
bisita.”
“Maayos na po pala ang inyong plano. Wala na po pala akong maitutulong sa inyo.”
“Malaki ang maitutulong mo Basilio. Kapag narinig na ang bomba, lalabas ang tagasunod ni
Kabesang Tales at ang mga nilinlang kong militar ay mag-aalsa laban sa Kapitan Heneral.
Pamamahalaan mo ang mga ordinaryong mamamayan na walang sandatang tangan.
Dalhin mo sila kay Quiroga, nandoon ang mga inihabilin kong mga sandata. Bigyan ng
sandata ang mga ito. Ako at si Kabesang Tales ang aagaw sa siyudad at ikaw naman sa arabal at
tulay.”
Naitanong ni Basilio kung anong sasabihin ng mundo sa planong pagpatay. Sinagot siya ni
Simoun na pupurihin at bibigyang-katuwiran ng mundo ang lalong malakas.
Sumang-ayon si Basilio. Bakit niya isasaalang-alang ang lipunang walang malasakit sa
kanya. Natuwa si Simoun sa narinig. Inabot kay Basilio ang rebolber. Pinagbilinang maghintay sa
tapat ng simbahan ng San Sebastian sa ganap na ika10 ng umaga upang tanggapin ang huling
utos. “Sa ikasiyam ng gabi lumayo ka sa daang Anloage”, pag-uutos ni Simoun. Siniyasat ni Basilio
ang rebolber at itinaga sa kanyang bulsa.