Module 3

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

SHS

Filipino
Piling Larang –Tech Voc
Modyul 3:
Sa Likod ng mga Negosyo
KARAPATANG SIPI ©2020

Filipino – SHS Baitang 11/12


Piling Larang: Tech Voc – Modyul 3: Sa Likod ng mga Negosyo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Maria Patima P. Pardo


Editor: Leopoldo C. Brizuela Jr. Rosemarie M. Nocedo
Bernardita Jaucian Maan A. Lomadilla
Tagasuri ng Nilalaman: Nora J. Laguda
Leopoldo C. Brizuela Jr.
Gumuhit ng Larawan: Jotham D. Balonzo
Nagdisenyo ng Pahina: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo

Kagawaran ng Edukasyon• Rehiyon V (Bicol)


SHS
Filipino
Piling Larang – Tech Voc
Modyul 3:
Sa Likod ng mga Negosyo

Ang kagamitang ito ay nabuo sa tulong ng pampublikong kaguruan,


tagamasid sa Filipino at mga kaagapay sa sektor ng edukasyon, Hinihikayat
ang inyong pagtugon, puna at mungkahi sa ikauunlad ng kagamitan

Lubos naming pinahahalagahan ang inyong mga tugon, puna at


mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon• Rehiyon V (Bicol)


Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga pinakamahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:

Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-


pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.

Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang


bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang
mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-
alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.

Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong


susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

2
Sa Likod ng mga Negosyo

Panimula:

Magandang araw kaberks!


Kumusta ka?

Naranasan mo na bang maghanap ng trabaho


bilang sideline? Naging madali ba ito sa iyo? Ano-
ano ang mga ginawa mo upang mapagtagumpayan
ang mga ito?
Sakaling hindi pa, paano mo kaya ihahanda
ang iyong sarili sa darating na panahon? Hmmmmm.

Ang aralin sa modyul na ito ay makatutulong sa iyo. Handa ka na ba?

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang


nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik
kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian
ng ibat-ibang anyo ng sulating teknikal-
bokasyonal.

Layunin

May mga bagong salita kang dapat mong


makikilala para sa araling ito. Magagamit mo ang mga ito
upang ganap mong maunawaan ang mga susunod na
talakay tungkol sa ating paksa.
May mga bagong salita kang dapat mong
makikilala para sa araling ito. Magagamit mo ang mga ito
upang ganap mong maunawaan ang mga susunod na
talakay tungkol sa ating paksa.
Talasalitaan

3
Basahin mo.

Sulating Teknikal -
Isang uri ng komunikasyon
sa ano mang larangan na
ang pangunahing gampanin
ay makalikha ng isang tiyak
na impormasyon sa tiyak
ding layunin sa partikular na
mambabasa.

Obhetibo –
Ito ay ang mga
impormasyong mayroong
pinagbabatayan o
makatotohanan.

Subhetibo –
Ito ay ang mga impormasyon
na hindi makatotohanan at
batay sa imahinasyon lamang
ng manunulat.

Sulating Interpersonal –
Promosyonal-
Mga sulatin na nagbibigay
Mga sulating naglalayong impormayon sa
magpabatid ng impormasyon sa nagpapadala.
publiko at sa mga layuning itanyag
ang isang produkto, serbisyo o
kaganapan.

4
Ano ba ang alam mo na sa ating
aralin?

Panimulang Pagsubok

Panuto. Sa iyong sagutang papel, isulat ang salitang KALOKA kung ang katangian
ng sulating teknikal ay mali at LIKE naman kung tama ang nais ipabatid ng pahayag
sa bawat bilang.
subukin mo nga?
_______1. Inilalahad at ipinapaliwanag ang isang paksa sa sulating teknikal na
may malinaw, may kinikilingan, maiksi at madamdamin.
_______2. Gumagamit ito ng mga teknikal na bokabularyo.
_______3. Gumagamit ito ng mga talahanayan, grap, at pigura upang suportahan
ang mga kalakip na pagtalakay.
_______4. Subhetibo ang pagkakasulat nito.
_______5. Ito ay payak dahil ang hangarin nito ay makalikha ng teksto na
mauunawaan at maisasagawa ng isang tao.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 21 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka kaya nabibilang?

5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY


3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

Wow!!! Petmalu!!!

O, di ba kayang-kaya mong tukuyin


katangian ng sulating teknikal.

Halika, may inihanda pa akong mga dapat


mong matutuhan at ilang gawaing mas
lalong magpapaunlad sa iyong pagkatuto.
Mga Gawain sa Pagkatuto:

5
Basahin mo.
Sulyap sa Sulating Teknikal-Bokasyunal
para sa Pananaliksik

Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay komunikasyon sa anomang


larangan na ang pangunahing gampanin ay makalikha ng isang tiyak at
partikular na impormasyon sa tiyak ding layunin sa partikular na
mambabasa. May obhetibo, malinaw, tumpak at di-emosyonal na
paglalahad ng mga datos.

Gumagamit din ito ng teknikal na bokabularyo, maliban pa sa mga


talahanayan, grap at mga bilang upang masuportahan ang talakay
tekstwal.

Ilan sa mga layunin nito ay:

1. Magbigay ng impormasyon – isinusulat ito upang bigyan ang mambabasa ng


impormasyon ukol sa isang bagay o direksyon sa isang paggamit ng isang
produkto.

2. Magsuri – ang sulatin ay binubuo upang analisahin at ipaliwanag ang


implikasyon ng mga pangyayari upang magamit bilang basehan ng mga
pagdedesisyon sa kasalukuyan at sa hinaharap.

3.Manghikayat – upang kumbinsihin ang mga mambabasa o


pinatutungkulan nito. Bagaman kasama nito ang layuning makapagbigay
ng impormasyon.
_______________________________________________________________

Ipagpatuloy mo ang
pagbasa at sagutin ang mga
tanong.

Mahalagang pag-aralan kung paano at saan nga ba ginagamit ang


mga sulating teknikal. Makakatulong ito upang maging angkop sa anomang

6
propesyong iyong tatahakin. Narito ang ilang GAMIT ng isang sulating
teknikal-bokasyonal.

 Nagbibigay-ulat
 Nagbibigay-instruksyon
 Naghahain ng isang produkto o serbisyo
 Nagsisilbing basehan ng mga pagdedesisisyon
 Nagbibigay ng mga kinakailangang impormasyon

Oh… nalinawan mo ba ang mga gamit at layunin kung bakit kailangan


nating pag-aralan ang mga sulating teknikal?

Magpatuloy ka!

?
_________________________________________________________

Ano ang ibat-ibang anyo ng sulating teknikal-bokasyonal?


_________________________________________________________

Maraming uri ng sulating teknikal-bokasyunal ang naaayon para


sa ibat-ibang larangan o disiplina. Ngunit kailangan nating uriin ang mga
ito sa ibat-ibang anyo kung saan ito napapabilang.

Ang teknikal-bokasyonal na sulatin ay binubuo ng apat (4) na anyo.


Una ang sulating interpersonal o inter-Institusyonal- tumutukoy ang
mga ito sa mga sulating ibinibigay sa isang indibidwal, organisasyon o
institusyon upang ipabatid ang mga hangarin, impormasyon o datos na
makakatulong sa pagtamo ng layunin sa nagpapadala. Halimbawa nito ang
liham pangnegosyo.

Ikalawa ang sulating ukol sa isang produkto- tumutukoy naman ang mga
sulating ito na may kinalaman sa isang produkto. Halimbawa nito ang
deskripsyon ng produkto at manwal na ginagamit upang iindorso ang isang
produkto.

Ikatlo ay ang sulating Promosyonal at sulating pabatid-publiko- ito ang


mga sulating naglalayong magpabatid ng impormasyon sa publiko at sa mga
layuning itanyag ang isang produkto, serbisyo o kaganapan. Halimbawa ang
flyers, leaflets, promo material, anunsyo, paunawa at babala.

7
Ang panghuli ay ang sulating ukol sa pagkain - tumutukoy naman ang
sulating ito may kinalaman sa mga pagkain. Halimbawa ng mga ito ang
recipe at menu.

Oh ano okey, ka ba diyan? Malinaw at naunawaan mo ba ang apat na anyo ng


sulating teknikal-bokasyunal at kung ano-ano ang mga halimbawa ng bawat
isa?

Panes di ba? Napakadali lang ng ating aralin kung magpopokus ka lang. Tulad
lang ‘yan ng pag-ibig lodi, kailangang tutukan mo lang!

Oppps!!! May nais muna tayong linawin sa araling ating tinalakay. Tandaan
ang mga ito.
Ang teknikal-bokasyonal na
pagsulat ay kailangang maging
payak ang pagkakalahad.

Bilang isang manunulat kailangang may


mataas na kaalaman sa paksang isusulat.

Gawing simple ang mensahe. Dapat


maunawaan agad ito ng titingin o babasa.

Sa pagsusulat ng mga sulating teknikal-


bokasyunal, kinakailangang tumpak dahil
karamihan dito ay nagbibigay panuto. Kailangan
ding maging maayos at maliwanag ang bawat
hakbang o mga impormasyong ibibigay.

8
Kuha mo ba ang ating tinalakay?

Magaling!! Ngayong lubos mo nang nauunawaan ang mga


katangian ng sulating teknikal-bokasyunal tiyak na
masasagutan mo na ang mga susunod na gawain.

Handa ka na ba?
____________________________________________

Ipagpatuloy mo pa.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

Simulan mo na ang iba’t ibang


gawain.

Tingnan ang mga sumusunod na larawan


at gamit ng mga ito. Pagsasanay 1
PICTURE WHO-LA MO

PANUTO: Batay sa mga larawan, tukuyin mo


ang katangiang nais ipakita ng mga ito batay sa mga deskripsiyong nasa kahon.
Isulat sa bawat bilang ang tamang sagot.gamitin ang sagutang kuwaderno.

1. 2 3

9
4 5

WOW. Ito ay isang maikling sulatin na ginagawa


para sa pagbebenta ng mga produkto para sa
isang negosyo. Kinakailangan ang paglalarawan
sa produkto upang maging kaakit-akit at
maibenta ito sa target na mamimili.

YUMMY. Ito’y sulatin para ialarawan ang


masarap na produkto ng pagkain.

BOOM: Ito ay isang instruksiyon na inilalagay upang


makaiwas na masaktan ang tagapagsagawa
(operator) at/o maiwasan ang pagkasira ng
equipment o kagamitan sa normal na operasyon.

LIPAD: Ito ay isang materyal pampromosyon para


sa diseminasyon o pagpapakalat ng impormasyon
tungkol sa isang personal na gawain o sa isang
negosyo.

BULAKLAK: Higit na mas malaki at mas


komprehensibo ang nilalaman nito. May
dahilan sa pagpapalaganap nito na tinatawag
ding brochures o pamphlets.

ISIP: Ito ay ginagamit upang tukuyin ang mga


aytem na nagbibigay lamang ng ng
impormasyon sa taong gumagamit upang
maunawaan ang layunin ng isang instruksiyon.

10
Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?
Tingnan ang sagot sa pahina ng Susi sa Pagwawasto.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-aralang
muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan


ang unang pagsasanay, heto pa
ang isa pang gawaing
magpapatibay ng iyong
Pagsasanay 2 kaalaman.

Panuto: Basahin ang mga pahayag at


sitwasyon sa bawat bilang at tukuyin kung
anong uri ng sulatin ang mga ito. Gamitin
ang dating kaalaman sa naunang modyul
na ginamit.

1. Masayang itinatala ni Janna sa kanyang kwaderno ang kanyang mga


karanasan sa dalawang buwang pamamalagi sa loob ng bahay dahil sa
lumalaganap na COVID-19. Anong uri ng sulatin ang ginagawa niya?

a. Feasibility Study c. Ulat Progreso


b. Naratibong Ulat d. Ulat Pantahanan

2. Bilang isang Kapitan ng iyong barangay, iyong napansin ang kawalan ng


suplay ng tubig sa iyong nasasakupan. Upang makahingi ng tulong sa may
mataas na nanunungkulan. Ikaw ay gagawa ng isang __________.

a. Proposal c. Memorandum
b. Ulat Progreso d. Liham

3. Tinataya sa pag-aaral na ito ang kakayahan ng puhunan, mga


pangangailangan sa pag-utang, mga halagang kailangan upang makabawi
(break even) ang negosyo, at iba pang aspektong pinansyal. Anong uri ng
feasibility study ang inilalarawan.
a. Financial Feasibility c. Economic Feasibility
b. Technical Feasibility d. a&c

11
4. Tiyakin na ang boltahe ay katugma ng boltaheng nakalagay sa makina.
Maaaring sumabog ang baterya ng makina kapag napabayaang nakasaksak
sa labis na boltahe. Ang pahayag ay isang _____.
a. Babala c. Anunsiyo
b. Paunawa d. Paalala

5. Walang kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Walang kasinungalingan.


Serbisyong totoo lamang.
a. sulating promosyonal c. sulatin ukol sa produkto
b. sulating inter-personal d. wala sa nabanggit

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan?

Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa


naunang mga gawain upang
masagutan ang susunod na
pagsasanay.

SALIKSIK- NEGOSYO Pagsasanay 3


Panuto:
Sa pamamagitan ng social media,
kapanayamin ang iyong kaibigan o
kaklase tungkol sa lugar na
pinaggalingan nila at ang sikat na
produkto/negosyo na makikita sa kanila. Itala ang iyong nakalap na
impormasyon sa iyong sagutang kwaderno sa tulong ng Talahanayan sa
ibaba.

SIKAT NA PRODUKTO/NEGOSYO

URI Paano nakilala/sumikat?


PAGKAIN
PRODUKTO
Iba pa

12
Ayos ka lodi! Bilib na talaga ako!
Nasagutan mo lahat na pagsasanay.

Anong naramdaman mo matapos malaman ang


resulta ng iyong pagsisikap?

  

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa


mga natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag
kang matakot dahil alam kong kayang-kaya
mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na
kailangan mong gawin.

Panuto: Kumalap ng dalawang larawan sa social


media ng mga sikat na komersiyal na madalas
mapanood sa telebisyon. Saliksikin ang mga
mahahalagang detalye ng pagsikat o pagiging
tanyag nito o kuwento sa likod nito.

Gamit ang 3 Layunin ng sulating Teknikal-Bokasyunal (magbigay-


impormasyon, magsusuri, maghikayat), ipaliwanag ang nakalap na
datos. Gawing patnubay ang talahanayan sa ibaba:

Larawan ng Ano-ano ang Ano-ano ang Ano ang nabuo


sikat na mahahalagang estratehiyang mong pagsusuri?
komersyal impormasyon ginamit ng
sa likod nito? may-ari para
makahikayat?

1.
2.

13
RUBRIC SA PAGBUO NG SULATIN
HANGO SA PANANALIKSIK
Pamantayan Puntos
Linaw ng mga datos na 5
nakalap/ginamit
Pagkilala sa mga pinaghanguan 5
Kaangkupan ng mga salita at balarila 5

Kabuoang Puntos 15

Yehey ang galling-galing mo lodi!

Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang


iyong mga sagot sa pahina 22..
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa
ibaba.

 nagawa lahat


 1 hindi nagawa
 2 hindi nagaw
 3 pataas hindi nagawa

Ang ganda ng aralin natin.

Ang dami kong natutuhan.

Na-enjoy ko rin ang mga gawain


at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto
ko pa ng karagdagang Gawain.

Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

14
Panuto:
PANGARAP AY SALIKSIKIN

Pag-isipan at isulat ang pinakagusto mong maging trabaho pagkatapos ng


iyong pag-aaral. Alamin sa pamamagitan ng pananaliksik/pakikipanayam
ang mga pangunahing gampanin ng propesyon, mga kompanyang
maaaring pasukan.

Ang gusto ko… Mga Gampanin (Mga) Kompanya

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng


aralin. Ang saya-saya ko at
napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

BOOM PANES DI BA!!!?


Oh, hanggang sa muli!

15
Susi sa Pagwawasto

Panimulang Pagsubok Pagsasanay 2


1. KALOKA 1.B
2. LIKE 2.A
3. LIKE 3.A
4. KALOKA 4.B
5. LIKE 5.A

Pagsasanay 1 Pagsasanay 3
Subhektibo ang Sagot
1. YUMMY
2. BOOM
3. LIPAD Karagdagang Gawain
4. ISIP Subhektibo ang Sagot
5. BULAKLAK

16
Sanggunian

 Francisco, Christian George C., et al. 2017. Filipino sa Piling Larang


(Tech-Voc) Rex Bookstore, Incorporated.

Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o


tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: [email protected]

17

You might also like