Maikling Kwento
Maikling Kwento
Tatlong araw lumuha si Ines bago siya nagkalakas lumabas at sundin ang
mga habilin ng mga diyos. Inipon niya ang mga buto-buto ni Lam-Ang na
inanod ng dagat sa pampang, at inuwi sa bahay. Sunod sa isiniwalat ni
Lam-Ang, binalot niya ang mga buto sa pulang sutla (seda rojo, red silk),
tumalikod at nagdasal nang nagdasal. Habang ibinubulong ni Ines ang mga
panalangin, naririnig niyang unti-unting nabubuo uli ang kalansay at
katawan. Pagkaraan ng ilang sandali lamang, lumitaw si Lam-Ang na
buhay na muli.
Dahil dito at iba pang giting na ginawa ni Lam-Ang, silang mag-asawa at
ang kanilang anak ay pinatawan ng mga diyos ng walang katapusang
buhay. At sila ay namuhay sa sagana ng mga bukid ng palay habang
panahon.
Ang Hiwaga ni Maria Makiling
“Sa akin iyong baboy damo,” sabi ni Mariang Makiling sa lalaki, “at hindi mo
dapat hinabol. Subalit nakikita kong ikaw ay pagod na pagod, at sugatan.
Pulos dugo ang iyong mga bisig at binti. Halika sa luob, magpahinga ka at
kumain. Gagaling ka, tapos maaari ka nang umuwi.”
“Ibigay mo ito sa iyong asawa,” sinabi niya sa lalaki na, utal pa rin, ay
yumuko lamang bago umalis. Isinuksok ng lalaki ang mga luya sa luob ng
kanyang salakot (sombrero de hoya, palm leaf hat). Habang pauwi, pabigat
nang pabigat ang mga luya kaya dinukot niya ang ilang piraso at itinapon.
Kinabukasan, nagulat silang mag-asawa nang nakitang kumikinang ang
‘luya’ na naging lantay na ginto (oro puro, pure gold) ang mga ito. Laking
hinayang nila sa mga ‘luya’ na naitinapon pauwi.
Isang higante si Ang-ngalo. Nakikita ang mga binti niya kapag nahiga at
inilatag ang buong katawan sa karagatan. Kapag tumayo naman ay tuhod
lang niya ang pinakamatarik na bundok na lapitan niya. Pero kahit isang
dambuhalang higante, mabait at matulungin siya.
Karga sa likod ang mga sako ng asukal, isa-isang tinalunton ng mga katutubo
ang mga binti ni Ang-ngalo. Maingat na maingat sila. Takot silang madulas at
malunod sa gitna ng dagat. Matagal-tagal din ang paglalakbay nila. Naibaba
nila ang asukal sa ibayong dagat pero hindi namalayan ng lahat na may ilang
sakong nabutas kaya nabudburan ng asukal ang ilang bahagi ng binti ng
higante.
Totoo ang kasabihang kung saan naroon ang asukal, tiyak na patungo doon
ang langgam.
Noong unang panahon, lima pa lamang ang tao sa mundo.Isa na dito ay ang
batang si Lam-eng. Kasama niya sa kanilang kahariang patag ang kaniyang
Tiyo Samuel. Nandoon din ang dalawa nilang alalay na sina Inas dilim at si
Amir-ika sinag. Gabi-gabing nananaginip si Lam-eng tungkol sa isang lalaking
kamukhang kamukha niya na nakatira sa bundok. Dahil sa pagkabahala,
tinanong niya ang kaniyang Tiyo Samuel ukol dito.
Kaya umano ito inilagay sa bundok para doon kumuha ng mga karne ng
hayop bilang pagkain. Mas malakas din umano ito kay Lam-eng at maaari
itong lapain sakaling lumapit si Lam-eng kay Asuw-eng. Gayumpaman, nais
pa ring makita ni Lam-eng ang kaniyang kapatid. Hindi siya pinayagan ng
kaniyang Tiyo Samuel kaya sinabi nito na uutusan na lang niya ang dalawang
alalay na umakyat sa bundok para makuha si Asuw-eng. Gagawin ito pagsikat
ng araw kinabukasan.
Ang isa ay pumunta sa bundok at ang isa kay Lam-eng. Nang magkaanak na
si Lam-eng, binalaan niya ang mga ito na huwag pupunta sa bundok dahil
nandoon ang halimaw niyang kapatid na si Asuw-eng. Nagpasalin-salin sa
lahi ni Lam-eng ang kuwento tungkol kay Asuw-eng.
Isang araw si Tirso ay pumunta sa dagat. Siya’y walang malamang gawin nang
makarinig ng sigaw. Makatatlong ulit na narinig niya ang kanyangpangalan.
“Tumingin ka sa ibaba!” ang sabi ng tinig.
Tumungo si Tirso at nakita ang isang malaking isdang bangus, maganda at may
korona.
“Ako’y nagmula sa kailaliman ng dagat. Ako ang hari ng kara-gatan. Baka ikaw
ay may kailangan. Ako’y handang tumulong sa iyo!”
Nang sumunod na araw si Tirso ay nagpunta sa aplaya. Nakita niya ang mga
isdang handa at nakahanay sa buhanginan. Kinuha niya ang mga ito at iniuwi.
Niluto ni Vilma ang mga isda at ang mag-asawa’y nagsalo. Ganito ang
pangyayari kahit na si Vilma ay nagsilang na ng sanggol. Pinangalanan ang
sanggol na Marita. Napakaganda ng bata! Mahal na mahal ng ama’t ina si
Marita. Ito’y maitim ang buhok, at mga mata’y kumikislap tulad ng sa manyika.
“Hindi maaari!” sabay tulo ng luha. Siya ay tangi nating kayamanan. Hindi ko
matitiis na siya ay mawalay! Sukdang aking ikamatay, ako’y tutol!”
Galit na galit ang Haring Bangus. “Oras na ang batang iyan ay pumarito sa
aplaya, siya’y aking dudukutin!” naibulong sa sarili.
Mula noon ay hindi na nakita sina Tirso, Vilma at Marita sa bay-bay dagat.
Isang umaga, may dumating na batel sa dalampasigan. Ang mga tao sa baryo ay
naghalimbumbungan at nag-usyoso. Ang ilan sa kanila ay namili ng kung anu-
anong gamit sa bangkang nakadaong. Natanaw ni Marita ang mga taong
umakyat-manaog sa sasakyan. Tumawag ng pansin ni Marita ang matingkad na
kulay ng sasakyan. Siya’y nagpunta roon. Iyon ang unang pagkakataon ng
gayong uri ng bangka sa daungan.
Nang dumating doon si Marita, nakapag-alisan na ang mga tao. Marahan siyang
lumapit sa bangka. Sa isang iglap siya ay sinakmal ng dambuhalang alon.
Siya’y nagpagibik at humingi ng tulong ngunit nang dumating ang saklolo ay huli
na. Ang ina at ama, kasama ang mga taganayon ay naghanap at ginalugad ang
karagatan subalit nawalan ng saysay.
Tuwing sasapit ang orasyon matapos magdasal sina Vilma at Tirso, sila’y
pupunta sa talukan ng alon sa pagbabaka-sakaling makita si Marita. Lumakad
ang mga buwan at mga taon subalit kahit anino ay walang nakita ang mag-
asawa.
Isang gabing maliwanag ang langit dahil sa kabilugan ng buwan, ang dalawang
matanda ay naganyak na magdalampasigan. Sila’y may namataang isang
magandang babaeng mahaba ang buhok. Ito’y lumalangoy. Ang kalahati ng
kanyang katawan paitaas ay tao subalit sa pababa ay walang paa. Ang
pinakapaa ay puno ng kaliskis. Sa dulo ay palikpik. Ito ang unang sirena.
Naawa naman ang pamilya kay Damaso, kaya doon na pinatira sa bahay
nila ito. Itinuring nila itong kapamilya at nakatulong pa kay Roque sa pang-
araw-araw na pahahanap ng pagkain.
"Oo nga po! Mang Damaso, huwag n'yong kunin an gaming ina!" ang iyak
ni Jose. Ngunit hindi napigilan si Magda ng kanyang mga anak. Sumakay
pa rin sila ng bangka at umalis kasabay ng agos no ilog.
Ang mga inahing aso naman ay labis na binabantayan ang kanilang mga
tuta, upang sa ganun ay papatunayan ding marunong na silang magmahal
sa kanilang mga anak.