Modyul-6 Konsensiya

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 17

KONSENSIYA

Inihanda ni:
Lynn LL. Lozada
LAYUNIN:
Nahihinuha na nalalaman agad ng tao
ang mabuti at masama sa kongkretong
sitwasyon batay sa sinasabi ng
konsiyensiya. Ito ang Likas na Batas
Moral na itinanim ng Diyos sa isip at puso
ng tao. (EsP7PS-IId-6.3)

Nakabubuo ng tamang pangangatwiran


batay sa Likas na Batas Moral upang
magkaroon ng angkop na pagpapasiya
at kilos araw-araw. (EsP7PS-IId-6.4)
HTTPS://YOUTU.BE/PM321JBIYCU
SAGUTIN:
SA PALAGAY NIYO, ANO ANG NAGING BATAYAN SA
BAGONG PAGPAPASIYA NA GINAWA NI WASILDAOUD?
TAMA BA ANG KANIYANG DESISYON?

MASASABI NIYO BANG EPEKTIBONG GABAY ANG


KONSENSIYA SA PAGDEDESISYON NI WASILDAOUD?
Itinuturing ang konsensiya bilang
batas moral na itinanim ng Diyos sa
isip at puso ng tao. Sa pamamagitan
ng konsensiya, nakagagawa ang tao
ng mga pagpapasiya at nasusunod
ang batas moral sa kaniyang buhay.
Dahil dito, ang konsensiya ang pinaka
malapit na pamantayan ng
moralidad.
Narinig niyo na ba ang
salitang moralidad?
Pamilyar ba kayo rito?
Ang katagang “moralidad”, morality sa
Ingles, ay may kahulugang “mabuting pag-
uugali”, o good customs. Ito ay katumbas ng
katagang “Ethics” (mula sa Griyego, ethos),
at ang tinutukoy ay ang pag-aaral tungkol sa
pagiging mabuti o masama ng ating mga
gawa bilang tao, ang ating mga gawang
kinasasangkutan ng pag-iisip at kakayahang
pumili.
Pinapaalalahanan din tayo na "maging
maingat" nang husto dahil ang tao ay
makikilala sa kung anuman ang namamalagi
sa kaniyang puso at lumalabas ang mga ito
sa kaniyang kilos. Ito ay maaaring
magbuklod o maglayo sa ating kapuwa o
Diyos. Kung ang puso natin ay mabuti, ito ay
magdudulot ng mga mabuting kilos; ang
kabaligataran ay totoo rin para sa mga bisyo
o masamang kilos.
Gabay ang unang prinsipyo ng Likas na
Batas Moral, may kakayahan tayo na
husgahan at piliin ang mabuti patungo sa
mabuting pagpapasiya at pagkilos. Ang
pagsunod sa utos ng konsensiya ay
nagpapakita ng pagpapakabuti-ang
pagpapakatao.
Kung ang lahat ng kilos at nagawa mo ay maire-
record sa cctv (closed-circuit television) at
ipakikita sa iyo pagkatapos, magugustuhan mo
kaya ang lahat ng iyong mapanonood?

Kung aalalahanin mo ang mga pasiya at kilos na


ginawa mo sa buong maghapon sa pagtatapos
ng iyong araw at bago ang iyong pagtulog sa
gabi, nakatitiyak ka bang sinunod mo ang utos
ng iyong konsensiya?
ANO ANG KABULUHAN NG
BATAYANG KONSEPTO SA
AKING PAG-UNLAD
BILANG TAO?
ANO-ANO ANG MAAARI
KONG GAWIN UPANG
MAILAPAT ANG AKING
MGA PAGKATUTO SA
MODYUL NA ITO?
"ANO ANG KAUGNAYAN
NG LIKAS NA BATAS
MORAL SA KONSENSIYA
NG TAO?"
Takdang-aralin:
PANUTO: Sa mga ginawa mong pasiya sa nakaraan, alin sa mga ito
ang nais mong baguhin at paunlarin upang sundin ang tamang
paghuhusga ng konsensiya? Pumili ng puunlarin bawat araw mula
sa sumusunod: Gawin ito sa long bond paper.
•Pagtupad sa gawaing-bahay
•Pakikipag-ugnayan sa kapatid
•Paraan ng pakikipagkaibigan
•Pakikipag-ugnayan sa magulang
•Paggawa ng gawain sa paaralan.
Linggo Lunes Martes Myerkules Huwebes Byernes Sabado

Kung (Ang pasiya o


Naglalaro ako ng computer games tuwing
kilos na kailangang
Linggo bago gawin ang homework ko.
baguhin)

Nalulungkot ako dahil naging pabaya ako sa


Damdamin Ko
aking pag-aaral. Nagsisisi ako dahil wala
(Damdamin ko sa
akong maisumiteng homework
pasiya o kilos)
kinabukasan.

Kaya (Ang dapat kong Uunahin ko ang paggawa ng homework


gawin tungo sa bago maglibang tulad ng paglalaro ng
kabutihan) computer games.

Ipinapangako kong tutuparin ang mga tinukoy kong pagbabago sa loob ng isang linggo.
_________________ _______________________ __________________
Lagda ng mag-aaral Lagda ng kapatid o kaklase Lagda ng magulang
(Tagatupad ng kontata) na sumubaybay sa tagatupad
Sanggunian:

Nightfall, P. (2023, January 24). She FIGHTS food waste idiots by


doing this! YouTube. https://www.youtube.com/watch?
v=pM321JBIyCU&feature=youtu.be
C. (n.d.). MORALIDAD.
http://pahiwatigngpanahon.blogspot.com/2009/07/moralidad.h
tml?m=1
Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 7 LM p. 129-147
Google Images
MARAMING
SALAMAT!!

You might also like