In House Teaching Demonstration Lesson Plan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Davao de Oro State College

New Bataan Branch


Purok 1 Cabinuangan, New Bataan, Davao de Oro
Taon ng Paaralan 2022-2023
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10
IKAAPAT NA MARKAHAN
July 12, 2023

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipapaliwanag ang kahulugan at sanhi ng migrasyon;
b. naipapakita ang kahalagahan sa pag-aaral ng konsepto ng
migrasyon sa pamamagitan ng pagsulat ng repleksyon; at
c. nakagagawa ng tula na nagpapaliwanag ng kahulugan ng
migrasyon at ang mga sanhi nito.

II. NILALAMAN
A. Pamantayan ng Pagkatuto: Natutukoy ang mga dahilan ng
migrasyon sa loob at labas ng bansa.
B. Paksa: Migrasyon
C. Sanggunian: AP10IPP-IIa-1
D. Mga Kagamitan: 3D Model (Tatlong-dimensyong modelo), mga
Larawan, at Kartolina

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda
 Panalangin
 Pagbati
 Pagtatala ng lumiban
 Balik-aral para sa nakaraang aralin
2. Pagganyak
“Larawan ko, Ayusin mo!”
Hahatiin ng guro ang klase sa apat na grupo. Bawat grupo ang
bibigyan ng pinira-pirasong mga larawan na paunahan nilang aayusin
sa loob ng tatlo hanggang limang minuto.

Larawang gagamitin:
B. Paglinang na Gawain
1. Gawain (Activity)
“Sitwasyon ko, Responde Mo!”
Magpapakita ng mga larawan ang guro sa mga mag-
aaral na nagpapahayag ng isang partikular na sitwasyon.
Bawat mag-aaral ay hihikayating ibigay ang kanilang mga
naisipang responde o aksyon na gagawin base sa kanilang
obserbasyon sa mga larawan.

Mga larawang gagamitin:

2. Pagsusuri (Analysis)
Pagkatapos ng gawain, ang mag-aaral ay inaasahang
masagot ang mga sumusunod na katanungan:
1. Base sa mga sagot ng inyong mga kaklase, ano sa
iyong palagay ang mainam na aksyon kapag nahaharap
sa mga sitwasyon ipinakita?

2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon, anong


bansa ang iyong gustong puntahan? Bakit?
3. Base sa mga gawain, ano sa iyong palagay ang ating
tatalakayin ngayon?

3. Paghahalaw (Abstraction)
Tatalakayin ng guro ang mga sumusunod na mga
konsepto:

Migrasyon – ay ang paglipat ng mga tao sa isang bansa, lugar, o


lokalidad patungo sa ibang bansa, lugar, o lokalidad.

Dalawang Uri ng Migrasyon:

 Migrasyong Panloob – ay ang paglipat ng isang tao o pamilya


mula sa isang bayan, lalawigan, o rehiyon patungo sa ibang
bahagi ng bansa.
 Migrasyong Panlabas – ay ang pagpunta ng isang tao o
pamilya sa ibang bansa upang doon manirahan o mamalagi ng
matagal na panahon.
Salik ng Migrasyon:

*Push Factor – ay mga negatibong salik na nagtulak sa tao para


mandarayuhan at lisanin ang tinitirhang lugar.

*Pull Factor – ay mga positibong salik na humihikayat sa tao na


mandarayuhan sa ibang lugar.

Dahilan ng Migrasyon:

 Economic Migration – Karamihan sa mga imigrante ay umaalis


ng kani-kanilang mga bansa upang makanap ng mas
magandang trabaho o sundan ang nais na trabaho
 Social Migration – May mga imigrante naman na lumilipat
upang mas maging malapit sa kanilang pamilya. Isang
halimbawa nito ang mga nag-aasawa ng taga-ibang bansa.
Ikalawang halimbawa ay ang mga kamag-anak na pinepetition
ng kani-kanilang kamag-anak sa ibang bansa para sa mas
magandang buhay.
 Political Migration – Ang dahilan kung saan ang isang tao ay
lumilipat upang maiwasan ang politikal na persekusyon at
giyera. Ang iba pang dahilan ng political na migrasyon ay ang
kawalan ng Kalayaan ng mga tao sa isang lugar kung saan ang
mga tao ay lumilipat sa mas malalayang bansa.
 Dahilang Pangkalikasan – Ang mga dahilang pangkalikasan
tulad ng mga pagbaha at sakuna ay pumipilit din sa mga tao na
lumikas sa kanilang mga tirahan sa mas ligtas na lugar.
3. Paglalapat (Application)
Sa kaparehang grupo, gumawa ng tula na nagpapahayag ng
kahulugan o konsepto ng migrasyon at ang mga dahilan o
sanhi nito. Gawing gabay ang kasunod na pamantayan.

Paglalahat
Ang guro ang magbibigay ng malayang katanungan sa mga
mag-aaral.
1. Ano ang konsepto nga migrasyon?
2. Ano-ano ang mga sanhi o dahilan nito?

IV. PAGTATAYA

Unang Bahagi

Panuto: Isulat sa patlang ang Push kung ang pangungusap ay negatibong


salik at Pull naman kung ito ay positibo.

_________ 1. Nagbukas ng maraming oportunidad ang bansang Thailand


para mga gustong magturo.

__________ 2. Lumalaki ang ang pamilya ni Helen, dahil dito


kinakailangan niyang dumayo sa ibang lugas upang maghanap ng trabaho
para masuportahan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.

__________ 3. Maraming residente sa Marawi ang napilitang lumikas sa


ibang lugar dulot ng pagsiklab ng giyera sa lugar.
__________ 4. Palaging sinasabi ng tiyahin ni Bella na nakapangasawa
ng foreigner na mas Maganda ang pamumuhay sa Amerika dahil madaling
makahanap doon ng trabaho, bilang resulta, nahikayat si Bella na lumipat
ng bansa para mapaunlad ang antas ng pamumuhay.

_________ 5. Sinalanta ng Bagyong Pablo ang New Bataan noong taong


2012 kung kaya’t maraming residente ang lumuwas ng Davao para sa
makahanap ng mas ligtas na tirahan.

Ikalawang Bahagi

Pagsulat ng Repleksyon
Panuto: Sumulat ng isang repleksyon hinggil sa kahalaghan
sa pag-aaral ng konsepto ng migrasyon base sa iyong
natutunan mula sa talakayan. Gawing gabay ang kasunod
na pamantayan:

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG REPLEKSIYON


Pamantayan Deskripsiyon Puntos
Nakapaloob sa repleksiyon
ang mahahalaga at
Nilalaman makabuluhang impormasyon 30 puntos
tungkol sa paksang
migrasyon.
Malikhain ang pagkakasulat
ng repleksiyon, pumili ang
may akda ng mga angkop na
Estilo salita upang maipahayag ang 20 puntos
kaniyang saloobin ukol sa
kahulugan at sanhi ng
migrasyon.
Kabuuan 50 Puntos

V. TAKDANG-ARALIN
Panuto: Magsaliksik ng mga bansa na may mataas na lebel ng migrasyon.
Suriin ang nangungunan sanhi o dahilan nito. Ilagay sa isang short bond
paper ang iyong takdang-aralin.

Inihanda ni:

____________________________

You might also like