Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3
Ang Sinaunang Kuwento ng Pagmamahalan
(Isinalin sa Filipino ni D. G. Lacano)
May isang lugar sa itaas ng kabundukan ng Kurdiskan kung saan malayang
lumilipad ang mga uwak at nagsasalubong ang niyebe at ang araw. Dito nahihimlay ang isang kuwento ng pag-ibig. May isang matapang na lalaking nagngangalang Farhad ang umibig sa isang prinsesa na nagngangalang Shirin. Subalit hindi sinuklian ng prinsesa ang pag-ibig na iyon. Ginawa na lahat ni Farhad ang kaniyang makakaya upang mapansin siya ng prinsesa, subalit sadyang suntok sa buwan ang magkaroon ng ugnayan ang isang hamak na manggagawa sa isang nabibilang sa dugong bughaw. Sa kawalan ng pag-asa ni Farhad ay pumupunta siya sa bundok nang hindi kumakain at tanging pagtugtog lang ng plawta bilang parangal kay Shirin ang kaniyang ginagawa. Sa wakas ay nakaisip ang mga tao kung paano maipapaalam sa prinsesa ang pag-ibig ni Farhad sa kaniya. Minsang nakita ng prinsesa ang binata at ang pag-ibig na nananahan sa puso ni Farhad ay unti-unti na ring nararamdaman ng prinsesa. Subalit hindi niya lubos maisip na isang hamak na manggagawa lamang ang nagnanasang magkamit ng kaniyang pag-ibig. Hindi rin nagtagal, umabot sa kaalaman ng Shah--ama ni Shirin ang bali-balita hinggil sa minimithi ng alipin. Noong una ay galit na galit ang Shah sa natuklasan, subalit dahil sa wala siyang ibang anak maliban kay Shirin at ito naman ay tila umiiwas sa tawag ng pag-big, inalok niya ang prinsesa na gawing isang alipin ang kaniyang mangingibig. Alipin na kailangang magtagumpay sa kaniyang mga pagsubok. Ang pagsubok na wala ni isa mang makagagawa. Kapag naisagawa niya iyon ay ibibigay niya ang kaniyang basbas sa binata. Ang pagsubok na isasagawa ni Farhad ay ang paggawa ng isang kanal sa mabatong lugar na papuntang mga burol. Ang kanal na ito kinakailangang may anim na talampakan ang lapad, tatlong talampakan ang lalim, at may 40 milya ang layo! Ipinaalam nga ni Shirin kay Farhad ang kaniyang pagsubok. Walang sinayang na oras si Farhad, at bitbit ang pala ay tumungo siya sa burol upang umpisahang isagawa ang utos. Walang humpay sa pagtatrabaho si Farhad at sinikap na tibagin ang mga bato sa loob ng maraming taon. Hindi pa man sumisikat ang araw ay nag-uumpisa na siyang magtrabaho at hindi man lamang nagpapahinga. Sa mga araw na iyon ay palihim na bumibisita si Shirin kay Farhad at pinanonood ang pagsisikap ng binata na maisagawa ang utos. Pinagmamasdan din niya ang mahimbing na pagtulog ng binata unan ang kaniyang taysha (pala). Napansin niyang nakaukit ang kaniyang mukha sa bawat anim na yardang layo na naisasagawa ni Farhad. Isang buntong hininga na lamang ang kaniyang isinukli at bumabalik sa palasyo nang hindi man lamang nalalaman ng binata ang kaniyang pagdalaw. Ilang taon ding pinagsumikapan ni Farhad ang pagsasagawa ng kanal subalit hindi pa pala tapos ang kaniyang pagsubok. Kailangan pa niyang gumawa ng balon sa kalagitnaan ng mabatong bundok. Subalit sa kabila nito ay malapit na rin niyang matapos ang pagsubok kaya kumonsulta ang Shah sa kaniyang mga tagapayo. Ang balak sana niyang panlilinlang kay Farhad sa pag-aakalang hindi maisasakatuparan ng binata ang pagsubok ay tila magkakatotoo. At sakaling matapos niya ang pagsubok ay kailangan niyang ipakasal si Shirin sa binata. Nagmungkahi ang kaniyang mga tagapayo o viziers na magpadala ng isang matandang babae na magdadala ng balitang patay na si Shirin. Marahil sa pamamagitan nito ay mawawalan ng pag- asa si Farhad at tuluyan nang hihinto sa paggawa ng utos. Alam ni Shah na ang paraan na kanilang naisip ay kahiyahiya subalit umayon pa rin siya sa pag- aakalang magtatagumpay ito. Isang matandang babae nga ang ipinadala ng Shah kay Farhad. Nananangis ang matanda hanggang tinanong ni Farhad kung bakit siya umiiyak. Ang tugon ng matanda ay, “Umiiyak ako para sa isang yumao at para sa iyo”. “Para sa isang yumao at sa akin? Ano po ang ibig ninyong sabihin? Ang naguguluhang tanong ni Farhad. “Matagal na panahon ka ring nagtrabaho at mahusay mo itong ginawa subalit napunta sa wala ang iyong pagsisikap dahil ang pinag-aalayan mo ng dugo’t pawis sa pagtatrabaho ay pumanaw na.” “Ano? Patay na si Shirin? Ang nalilitong tanong ni Farhad. Bunga ng matinding kalungkutan ay pinutol ni Farhad ang kaniyang ulo gamit ang kaniyang taysha (pala) at dumaloy ang kaniyang dugo sa kanal na kaniyang ginawa. Nang mabalitaan ito ni Shirin ay malungkot silang tumungo sa bundok kung saan nakahimlay si Farhad. Gamit ang parehong pala ay kinitil din niya ang kaniyang buhay kagaya ng paraan ng pagkamatay ni Farhad. Wala ni minsang tubig na dumaloy sa kanal. Ang dalawang lihim na umiibig sa isa’t isa ay inilibing sa parehong hukay. Name: __________________________________ Date:____________ Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan hinggil sa binasang teksto. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel. 1. Anong uri ng tunggalian ang nangibabaw sa kuwento? Isulat ang mga patunay na pangyayari ukol sa tunggalian at ang iyong mga gagawin o mararamdaman batay sa pangyayari. Ipaliwanag. 2. Kailangan ba talagang pakinggan at sundin ng Shah ang kaniyang mga tagapayo? Bakit? 3. Sa iyong palagay, minahal din kaya ni shirin si Farhad? Ipaliwanag. 4. Makatuwiran ba ang pagsubok na binigay ng Shah kay Farhad? Bakit? Ano ang mensaheng nais iparating ng may akda sa iyo? 5. Suriin ang kuwento ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari at ayon sa banghay. Punan ang tsart na matatagpuan sa ibaba.