PFPL - Modyul 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

12

Filipino sa Piling Larang


(Tech-Voc)
Unang Markahan – Modyul 5:
Pagsulat ng Liham-Pangnegosyo

ii
ALAMIN

Pagsulat ng Liham -Pangnegosyo

MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO

1. Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang


halimbawang sulating teknikal-bokasyunal (CS_FTV11/12PB-Og-i-106)

PANIMULA

Magandang araw! Kumusta ka? Sa araw na ito ay may


makabuluhang paksa na naman tayong tatalakayin. Tiyak kong
makatutulong ito sa iyo lalo pa’t hangad mo ang maging isang
matagumpay na propesyunal sa hinaharap. At ang daan tungo sa
pagiging isang propesyunal ay may kaakibat na mga responsibilidad at
gawain partikular na ang gawaing pagsulat. Haharap ka sa mga
mabibigat na transaksiyon at makasasalamuha mo ang iba’t ibang klase
ng indibidwal sa lipunan.
Kaya sa modyul na ito, sabay-sabay nating pag-aaralan kung
paano gumawa ng isang epektibong liham-pangnegosyo nang sa gayon
ay mas malinang ang iyong kasanayan sa pagsulat at gawin kang mas
handa sa pagharap sa mga hamon sa larangang iyong tatahakin.
Halina’t simulan na nating lakbayin ang mundo ng pagsulat ng liham!
MGA LAYUNIN

Sa katapusan ng modyul na
inaasahan
ito, na ikaw
: ay
1. Nakasusuri at nakikilala ang kalikasan at mga kaugnay na konsepto
hinggil sa pagsulat ng -liham
pangnegosyo;
2. Nakasusulat ng isang epektibong-pangnegosyo
liham at nasusunod ang
mga hakbang sa pagsasagawa nito;
3. Naisasagawa nang may kawilihan ang mga gawain kaugnay sa mga
halimbawang anyo ng sulating teknikal
-bokasyunal, particulak na ang
liham-pangnegosyo.

SUBUKI
N

PANIMULANG
PAGTATAYA

A. PANUTO: Makikita sa ibaba ang isang halimbawang pormat o istruktura ng


isang liham-pangnegosyo. Isulat sa bawat bilang kung anong bahagi ng liham
ang tinutukoy ayon sa posisyon o kinalalagyan nito.

(1) ________________________
________________________

(2) ________________

(3)
________________
________________
________________
(4)
_______________

(5)
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

(6) ________________

(7) ________________
(8) ________________

B. PANUTO: Mababasa sa loob ng kahon ang mga nilalaman ng isang


lihampangnegosyo. Suriin ito nang mabuti at sumulat ng isang liham gamit ang
mga nilalaman na nasa kahon. Kopyahin ang pormat na nasa itaas (sa titik A).

ALTA BRONZE WORKS METAL ENGRAVER, INC.


3 Anonas Road, Potrero
Lungsod Malabon

Mangyaring pakibigay po ang pinakamababang halaga para sa mga bagay


na nakatala sa ibaba at ipadala sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F Gusaling
Watson, 1610 J.P. Laurel Street, 1005 San Miguel, Maynila.

Ito ay kahilingan lamang para sa presyo at hindi para sa paanyaya ng


pagtawad.

Lubos na sumasainyo, Ginoo/Binibini:

Republika ng Pilipinas
Tanggapan ng Pangulo ENGRACIA F. FLORES
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

Kawaksing Pampangasiwaan II 16 Nobyembre 2006


Mahusay! Napagtagumpayan mo ang
unang hamon na inihandapara sa iyo.
Ngayon aysisimulan na natin ang isang
makabuluhang talakayan upang maging
kawili-wili ang iyong karanasan sa araw
na ito.

TUKLASIN

GAWAIN 1

Panuto: Gamit ang iyong dating kaalaman, maglahad ng sariling kaisipan hinggil
sa tanong nasa gitna ng concept map. Kopyahin ang concept map sa
ibaba sa iyong kuwaderno.
Bakit
mahalaga ang
pagsulat ng
liham?

SURIIN

PAGSUSURI

Mga tanong:
1. Kumusta ang iyong karanasan sa gawain 1? Nahirapan ka ba sa
paglalahad ng iyong kaisipan hinggil sa tanong?
2. Ano ang iyong naging pamamaraan upang makapaglahad ng mga
kaugnay na kaisipan?
3. Paano kaya makatutulong sa iyo ang gawaing iyong isinagawa sa
pagkatuto mo sa paksang ating tatalakayin?
PAGYAMANIN

PAGLALAHAD

Sa pagbabagong bihis ng lipunang ating ginagalawan, mas napapabilis at


napapadali ang mga gawain lalo na sa larangan ng komunikasyon. Napapanatili
natin ang isang matibay na ugnayan at nakabubuo ng isang magadang samahan
dahil na rin sa internet, fax, cellphone, telepono liham at iba pa.
Hindi maipagkakaila na sa tulong ng makabagong teknolohiya ay marami
na rin ang nakapaghahanap ng trabaho, nakapag-aaral, nakapagtatanong sa
tanggapan, nakapag-aanyaya at iba pang bagay na may kaugnayan dito. Ngunit
gaano man kabilis ang sistema ng komunikasyon ngayon, hindi rin ito magiging
mabisa kung wala tayong sapat na kaalaman tungkol sa pagbubuo ng isang
mahusay na liham na nagsasaad ng mga bagay na nais nating iparating.
Mahalaga pa ring malaman o matutuhan ang mga impormasyong nararapat na
maging sangkap ng liham na ipadadala upang makatiyak ng maagap na
pagtugon.
Kaya halina’t sabay-sabay nating tuklasin ang mga mahahalagang
konsepto ukol sa pagsulat ng liham partikular na ang liham-pangnegosyo o
pangangalakal at hayaan nating malinang ang ating kasanayan sa pagsulat nang
sa gayon ay magamit natin ito sa hinaharap.

Liham-Pangnegosyo

Sa gitna ng makabagong teknolohiya ay hindi naman dapat isantabi ang


kaalaman sa pagsulat ng liham. Isa sa mga uri nito ay ang liham-pangnegosyo
na kalimitang ginagamit sa korespondensiya at pakikipagkalakalan. Katulad ng
iba pang uri ng liham, tinataglay rin nito ang mga bahagi gaya ng ulong-sulat,
petsa, patunguhan, bating pambungad, katawan ng liham, bating pangwakas, at
lagda. Nakatuon ang liham-pangnegosyo sa mga transaksiyon sa pangangalakal
katulad ng pagkambas ng halaga ng mga produkto o kaya’y liham ng kahilingan
at liham pag-uulat. Pormal ang paggamit ng wika sa ganitong uri ng liham.
Maaari ring magtaglay ng kalakip ang mga nasabing halimbawa (Santos & Perez,
2016)

Mga Bahagi ng Liham


1. Ulong sulat/letterhead
Bahaging nagsasaad ng impormasyon tungkol sa nagpapadala ng liham.
Makikita rito ang pangalan ng organisasyon, kompanya, institusyon o
tanggapan, lokasyon, numero ng telepono, at logo.

Pamuhatan
Kung mula sa isang indibidwal ang liham, makikita naman sa bahaging ito ang
lugar o lokasyon ng taong nagpapadala.

2. Petsa
Bahaging nagsasaad kung kailan ginawa at ipinadala ang sulat

3. Patunguhan
Bahaging nagsasaad kung kanino ipapadala ang liham, ang kaniyang
posisyon o katungkulan, at lugar kung saan ipapadala
Tandaan: Kung ang nagpapadala ng liham ay mula sa isang organisasyon,
kompanya, institusyon o tanggapan, kadalasan nasa gitna ang ulong sulat o
letter head. Makikita rito ang pangalan ng organisasyon, kompanya,
institusyon o tanggapan, lokasyon, numero ng telepono, at logo.

4. Bating Panimula/Pambungad
Bahaging nagsasaad ng pangalan ng sinusulatan na may kaakibat na
pagbibigay galang

5. Katawan ng Liham
Bahaging nagsasaad kung ano ang nilalaman o mensahe ng liham.

6. Pamitagang Pangwakas
Nagsasaad sa relasyong ng taong sinulatan gayundin ang panghuling pagbati
ng sumulat.

7. Lagda ng nagpapadala
Bahaging nagpapatunay sa katauhan ng nagpapadala ng liham
8. Pangalan ng nagpapadala
9. Posisyon o katungkulan ng nagpapadala
Mula sa: https://bit.ly/35CNBeI
Halimbawa:

Mula sa: https://bit.ly/33xQ1sz


Mula sa: https://www.homeschoolmanila.com/p/blog -page.html

Mayroong tatlong (3) anyo ng liham na kadalasang ginagamit sa pagsulat nito.

1. GANAP NA BLAK (Full Block Style)


Mapapansin na mas madaling tandaan ang GANAP NA BLAK na anyo ng
liham. Lahat ay magsisimula sa pinakakaliwang bahagi ng liham.

2. MODIFAYD BLAK (Modified Block Style)


Ang MODIFAYD BLAK ay halos katulad ng GANAP NA BLAK, ang
kaibahan lamang ay ang pamuhatan at ang bating pangwakas at lagda ay
nasa bandang kanan ng liham.

3. SEMI-BLAK (Semi-block Style)


Dito ang pamuhatan lamang ang nasa kanan. Ang unang mga salita sa
kanan ay naka-indent o nakaurong ng kaunti sa kanan

Mula sa: https://www.homeschoolmanila.com/p/blog-page.html


Halimbawa 1:

Liham Kahilingan
(Letter of Request)

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Pagsasaka
Kawanihan ng Pangisdaan at Yamang Tubig
860 Quezon Avenue, Lungsod Quezon, Metro Manila 1103
Tel.No. 372-50-57 • 372-5042
FaxNo. 372-50-48 • 372-50-61

4 Mayo 2004

Kgg. ELISEA G. GOZUN


Kalihim Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman
Visayas Avenue, Diliman
Lungsod Quezon

Mahal na Kalihim:

Ipagdiriwang po natin ang “FARMERS’ and FISHERFOLK’S MONTH” ngayong


Mayo 2004. Bahagi ng pagdiriwang ay para sa Kawanihan ng Pangisdaan at
Yamang Tubig (BFAR), Pangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Pangisdaan sa
Pilipinas (PFDA) at Proyekto sa Pangangasiwa ng Yamang Isda (FRMP) na
maging punongabala ng “Fisheries Day Program” sa 19 Mayo 2004.

Ang aming tanggapan ay naghahanda ng ilang gawaing lalahukan ng


mahahalagang tauhan sa larangan ng industriya ng agri-aqua—ang mga
magsasaka at mangingisda. Tampok sa mga gawain bukod sa iba pa ay ang
demonstrasyon sa pagluluto ng isda, paligsahan sa paglulutong tilapia fillet,
paghuling tilapia sa tangke, karera ng hito, at paligsahan sa karera ng 150
alimango (mudcrab). Magsasagawa rin ng mga Lektyur/Seminar/Fisheries
Clinique sa aquaculture, pagdaragdag ng halaga pagkaani, at mga teknik sa
pangingisda.

Kaugnay nito, hinihiling naming magamit ang isang bahagi ng lugar sa Ninoy
Aquino Parks and Wildlife, gayon din ang Gazebo Reception Hall para sa mga
binanggit sa itaas na gawain sa North Avenue, Lungsod Quezon sa 19 Mayo 19,
2004, 5:30 nu– 6:00 nh.

Malaki pong karangalan sa aming pagdiriwang ang inyong pagdalo bilang isa sa
aming mga panauhing pandangal.
Mataimtim kaming umaasa na ang aming kahilingan ay bibigyan ninyo ng
paborableng aksiyon.
Maraming salamat sa pabor na ito at sa mga nauna pa.

Matapat na sumasainyo,

(Lgd)
MALCOLM I. SARMIENTO JR.
Direktor

Halimbawa 2: Liham Pagkambas


(Canvass
Letter)
Republika ng Pilipinas
Tanggapan ng Pangulo
KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

16 Nobyembre 2006

ALTA BRONZE WORKS METAL ENGRAVER, INC.


3 Anonas Road, Potrero
Lungsod Malabon

Ginoo/Binibini:

Mangyaring pakibigay po ang pinakamababang halaga para sa mga bagay na


nakatala sa ibaba at ipadala sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F Gusaling
Watson, 1610 J.P. Laurel Street, 1005 San Miguel, Maynila.
Ito ay kahilingan lamang para sa presyo at hindi para sa paanyaya ng pagtawad.

Lubos na sumasainyo,

(Lgd.)
ENGRACIA F. FLORES
Kawaksing Pampangasiwaan II

Kalakip ng liham:
Pangalan at Lagda
_____________________________
_____________________________

Mga Gawain

PANUTO: Basahin at suriin ang halimbawang liham-pangnegosyo sa ibaba.


Tingnan kung nakapaloob ba rito ang mga mahahalagang bahagi at nilalaman ng
isang liham-pangnegosyo. Kung hindi, paunlarin mo ang liham na ito at isulat sa
iyong kuwaderno. Gamitin ang full block style na anyo ng liham.

Liham Pag-uulat
(Progress Report)

Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Kalusugan
TANGGAPAN NG KALIHIM

26 Pebrero

Gng. VICTORIA P. GARCHITORENA


Puno
Pampanguluhang Lupon sa Pamamahala
Malacañan, Maynila

Garchitorena:
Para sa inyong kaalaman, pagsusuri at pagsasaalang-alang, ikinagagalak
naming isinusumite ang Ulat ng mga Nagawa para sa Unang 30 Araw ng
Kagawaran ng Kalusugan.

MANUEL M. DAYRIT, MD, MSc.


Kalihim ng Kalusugan

ISAISIP

Mahalagang tandaan na ang


pagsulat ng liham, partikular na ang
liham-pangnegosyo ay isang
kakayahan na dapat mong malinang
at matutuhan. Ito ay isang
akademikong gawain na kalimitang
ginagamit sa korespondensiya at
pakikipagkalakalan at natititiyak kong
malaki ang m aitutulong nito sa iyo
upang maihanda ka tungo sa
pagiging matagumpay na indibidwal
sa larangan na iyong tatahakin.
ISAGAWA

PAGLALAPAT

PANUTO: Makikita mula sa loob ng kahon ang isang anunsyo. Ito ay mula sa
isang kompanya na naghahanap ng isang kwalipikadong indibidwal na maaaring
magtrabaho sa kanila. Batay sa anunsyo, sumulat ng isang liham-aplikasyon at
ilahad ang iyong pagnanais na makakuha ng trabaho. Isulat ito sa iyong
kuwaderno.

Gigie: The Friendly Couturier


Locsin St., Dumaguete City
Negros Oriental
09051797952

WANTED
For Local Employment

ACCOUNTING STAFF
• Male/Female
• Must be a graduate of BS Accountancy
• Must be computer literate
• Knowledgeable in bookkeeping
• With at least 1year work experience
• Willing to be trained
• Can work with minimum supervision

Pamantayan sa Pagtataya

1. Nilalaman (may kaugnayan sa paksa) ……………………. 20 puntos


2. Kaayusan ng anyo at mga bahagi ………………………. 20 puntos
3. Kawastuhang Panggramatika …………………………….10 puntos

KABUUAN 50 PUNTOS
KARAGDAGANG
GAWAIN

PAGPAPAYAMAN

PANUTO: Sagutin ang katanungan na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

1. Bakit mahalagang matutuhan ang mga konsepto hinggil sa pagsulat ng


isang liham-pangnegosyo?
2. Bilang isang estudyante na naghahangad na maging matagumpay sa
larangang iyong tatahakin, paano makatutulong sa iyo ang mga
kaalamang iyong natutuhan hinggil sa pagsulat ng liham-
pangnegosyo?
3. Sa tingin mo, paano mo mas mahahasa ang iyong kakayahan sa
pagsulat ng liham? Maliban sa mundo ng kalakalan o negosyo, sa ano
pang mga larangan maaari mong magamit ang iyong kakayahan sa
pagsulat ng liham?

REFLEKSIYON

Ang husay mo! Ngayon upang matiyak na may natutuhan ka mula sa


modyul na ito, dudugtungan mo lamang ang nasa kahon upang makabuo ng
makabuluhang kaisipan. Tandaan na ang itatala mo ay ang mga konseptong may
kaugnayan sa araling nakapaloob dito. Kopyahin ang pormat sa ibaba at isulat sa
iyong kuwaderno.

Nang dahil sa araling tinalakay ng modyul na ito, mapauunlad ko ang


kakayahan ko sa … (Pangatwiranan ang iyong sagot)

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________

Makatutulong sa akin ang mga kaalamang aking natutuhan sa modyul


na ito dahil… (Pangatwiranan ang iyong sagot)
_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________
___
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
________________________________________
_______________________________

TAYAHIN

PANGWAKAS NA
PAGTATAYA

A. PANUTO:
Mababasa sa loob ng kahon ang mga nilalaman ng isang
lihampangnegosyo. Suriin ito nang mabuti at sumulat ng isang liham gamit
ang mga nilalaman na nasa kahon. Kopyahin ang pormat na nasa ibaba
(sa titik B).
ALTA BRONZE WORKS METAL ENGRAVER, INC.
3 Anonas Road, Potrero
Lungsod Malabon

Mangyaring pakibigay po ang pinakamababang halaga para sa mga bagay


na nakatala sa ibaba at ipadala sa Komisyon sa Wikang Filipino, 2/F Gusaling
Watson, 1610 J.P. Laurel Street, 1005 San Miguel, Maynila.

Ito ay kahilingan lamang para sa presyo at hindi para sa paanyaya ng


pagtawad.

Lubos na sumasainyo, Ginoo/Binibini:

Republika ng Pilipinas

Tanggapan ng Pangulo ENGRACIA F. FLORES


KOMISYON SA WIKANG FILIPINO

Kawaksing Pampangasiwaan II 16 Nobyembre 2006

B. Panuto: Makikita sa ibaba ang isang halimbawang pormat o istruktura ng


isang liham-pangnegosyo. Isulat sa bawat bilang kung anong bahagi ng
liham ang tinutukoy ayon sa posisyon o kinalalagyan nito.

(1) ________________________
________________________

(2) ________________
(3)
________________
________________
________________

(4)
_______________

(5)
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

(6) ________________

(7) ________________
(8) ________________

You might also like