Filipino 10 SLMs 3rd Quarter Module 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

WEEK Filipino 10

1
Ikatlong Markahan
Modyul 1: Mitolohiya ng Kenya

Layunin
Ang modyul na ito ay inihanda upang matulungan kang unawain ang unang aralin sa Filipino
Baitang 10 at upang malinang ang iyong kasanayan hinggil sa mga pamantayan sa araling ito.

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. naipaliliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mitolohiya ng Africa at Persia


(F10PN-IIIa-76);
2. nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mitolohiya batay sa suliranin ng akda,
kilos at gawi ng tauhan, desisyon ng tauhan (F10PB-IIIa-80);
3. nabibigyang-puna ang napanood na video clip (F10PD-IIIa-74);
4. napangangatuwiranan ang sariling reaksiyon tungkol sa akdang binasa sa
pamamagitan ng spoken word poetry (F10PS-IIIa-78); at 5. nagagamit nang angkop
ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika (F10WG-IIIa-71).

Pagsasanay
Bago ka magtungo sa araling inihanda ko para sa sesyong ito, halina’t subukin ang iyong
kaalaman tungkol sa araling ating tatalakayin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o katanungan. Piliin at isulat ang
letra ng tamang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ito ay tumutukoy sa pamamahala ng kalalakihan sa bansang Kenya.


A. Aristocratic C. Matrilinear
B. Egalitarian D. Patrilinear
2. Siya ay malakas, mataas tulad ng higante, at nagmamay-ari ng karangalan bilang
pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.
A. Ahmad C. Sarah
B. Liongo D. Toby
1
3. Ito ay akdang pampanitikang tumutukoy sa kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng
sansinukuban, kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao
at ng mga mahiwagang nilikha.
A. alamat C. mito/mitolohiya
B. epiko D. parabula
4. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito
mapatigil; ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak kahit ayaw niya itong gawin
dahil anak niya ang bata. Batay sa mga pahayag na ito, si Sarah ay maaaring ilarawan
bilang isang inang _____________.
A. masipag C. maunawain
B. matiisin D. pabaya sa anak
5. Ito ay tumutukoy sa paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na
diwa at estilong nasa wikang isasalin.
A. pagkiklino C. pagsasaling-wika
B. pagpapakahulugan D. pagsusuring-wika
6. Nagsanay nang mabuti si Liongo sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay nanalo
siya sa paligsahan sa pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na
naman siyang nakatakas. Ang mga pahayag na ito ay nagpapatunay na si Liongo ay
____________.
A. paulit-ulit na nakulong
B. madaling magtiwala sa kaniyang kapuwa
C. magaling tumakas tuwing siya’y madarakip
D. malakas ang pakiramdam sa nangyayari sa paligid
7. Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa mainit na
palayan, isang batang lalaking alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya;
bumagsak ang bata. Anong kalagayang panlipunan sa Africa ang masasalamin sa mga
pahayag na ito? A. Malulupit ang tagapagbantay sa mga palayan.
B. Maraming mayamang may-ari ng lupa sa bansa.
C. Nagaganap sa lipunan ng Africa ang pang-aalipin.
D. Marahas silang magparusa sa mga may kasalanan.
8. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya.
Ang pahayag na ito ay nagpapatunay na ________.
A. nalaman ng anak ni Liongo ang sikreto niya
B. ang anak ni Liongo ang nakapatay sa kaniya
C. walang galang sa magulang ang anak ni Liongo
D. sa agawan ng kapangyarihan, walang kinikilala kahit kadugo
9. Piliin ang pangyayaring nagpapakita ng katangian ng mitolohiya bilang akdang
pampanitikan.
A. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang umiyak.
B. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa
paglubog nito.
C. Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo
ang mga aliping mabagal magtrabaho.
D. Si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga
kahoy, sa mga nagtataasang puno nang hindi sila nakikita maging ng
tagapagbantay.
2
10. Ang sumusunod ay mga pamantayan o gabay sa pagsasaling-wika maliban sa isa.
A. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin.
B. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
C. Manirahan sa bansang pinagmulan ng wikang isasalin o pagsasalinan.
D. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal.

Aralin
Mitolohiya ng Kenya
1
Binibigyang-pansin sa unang aralin ang panitikan ng bansang Kenya na nagpapamalas
ng kulturang taglay nito at maaaring kapulutan ng mahahalagang aral sa buhay at lipunan.
Matututuhan mo rin ang ilang pamantayan at gabay sa pagsasaling-wika bilang aralin sa
gramatika.

Balikan
Batid kong marami kang natutuhan sa nakalipas na ikalawang markahan kaya balikan mo
muna ang huling araling ating tinalakay. Ano na nga uli ang ating nakaraang paksa? Tama! Ito
ay tungkol sa maikling kuwentong pinamagatang, “Aginaldo ng mga Mago”.
Panuto: Bilang patunay na naunawaan mo ang nakaraang aralin, bigyan
mo ng maikling sagot at paliwanag ang tanong sa loob ng puso na siyang
pinakamahalagang aral mula sa maikling kuwento . Gawin ito sa hiwalay na
papel.

Anong mahalagang
bagay ang mayroon ka
na handa mong
isakripisyo para sa
kaligayahan ng taong
mahal mo?Ipaliwanag
ang iyong sagot.

3
Tuklasin

Daigdig ng Mahika (Spoken Word Poetry)


Ni Bernadeth D. Magat

Sa kasalukuyang mundong ating ginagalawan,


Kabi-kabila ang pagsubok at suliranin saan man,
Mga suliraning tila walang katapusan,
Oo, masasabi kong tila walang katapusan,
Pangamba sa lumalaganap na virus ay nananatiling nariyan
At ikaw at ako? Ikaw at ako ay hindi ligtas sa kapahamakan
Sa maniwala ka man o hindi, lahat tayo’y pag-iingat ang kailangan.

Minsan, oo, minsan kaibigan, sa aking pag-iisa at kalungkutan, Naisip kong bakit kaya nasadlak
tayo sa ganitong kahirapan?
Wala na ba talagang lunas ang mga sakit ng lipunan?
Na sunod-sunod na nagpapahirap sa ating kalooban?

Minsa’y naglakbay ang aking diwa at isipan,


Naglakbay ako panandalian, kaibigan,
Sa mga pahina ng librong tangan,
Sa isang lugar kung saan may kapahingahan
Kung saan katahimikan at kagalinga’y aking nasumpungan Naging payapa ako, humalakhak,
at naligayahan.

Sa aking paglalakbay, aking naranasan


Mamuhay nang malayo sa lahat ng pangamba at alitan
Sa isang daigdig na puno ng mahika at pagmamalasakitan
Na ligid ng misteryo’t kagandahan
Pinamamahalaan ng mga diyos at diyosang tigib ng pag-iibigan
Oo, tama ka sa narinig mo kaibigan,
Mga diyos at diyosang nagtatanggol sa tanan
At sa mga mortal ay may mabuting ugnayan
Kaya’t saan mang dako ay may kapayapaan.
Bakit hindi na lang tayo manirahan,
Sa kakaibang daigdig na aking natunghayan,
Sa binasang mitolohiyang puno ng pakikipagsapalaran?
Na sa tuwing may sulirani’y may magagamit na kapangyarihan
At sa isang iglap, oo sa isang iglap, ang lahat ay magbabalik sa kaayusan.
Doo’y naroon si Bathalang mabuti kaninoman,
Sa tulong niya, sa isang kumpas ng kamay niya,
Lahat ng ating pasakit ay matutuldukan
At ikaw at ako,
Tayong lahat ay mabubuhay nang maligaya magpakailanman.

Gawain 1. Pag-unawa sa Binasa


Panuto: Sagutin ang bawat katanungan tungkol sa binasang tula. Isulat ang iyong sagot sa
hiwalay na papel.
4
1. Tungkol saan ang binasang tula?
2. Ano ang suliraning tinalakay ng may-akda sa tula? Makatotohanan ba ang naisip niyang
solusyon sa suliraning ito? Bakit?
3. Paano inilarawan ng may-akda ang lugar at mga tauhan sa kaniyang nabasang
mitolohiya?
4. Sa nabasa mong mitolohiya sa nakaraang mga aralin, natagpuan mo rin ba ang daigdig
na kakaiba tulad ng nabanggit sa tula? Ilarawan.

Gawain 2. Paglinang ng Talasalitaan

Panuto: Punan ng letra ang bawat kahon sa crossword puzzle upang mabuo ang
kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Gawing gabay ang
ibinigay na mga letra pahaba at pahalang. Gawin ito sa hiwalay na papel.

PAHALANG

1. Bigla siyang nakahulagpos sa tanikala nang hindi nakikita ng bantay.


2. Nang siya’y madakip, ikinulong siya sa bilangguan at mahigpit na pinabantayan.
3. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay nanalo siya
sa paligsahan sa pagpana.

PABABA

1. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa


kaniya.
2. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas.

Suriin
5
Sa bahaging ito ng aralin ay mababasa mo ang isang mitolohiya mula sa bansang Kenya
na pinamagatang, “Liongo” at ang “Maaaring Lumipad ang Tao”, isang mitolohiyang nagmula
naman sa bansang Nigeria. Basahin at unawain mo itong mabuti upang magkaroon ka ng
kaalaman tungkol sa kultura ng bansang pinagmulan ng mga ito. Matutunghayan mo rin ang
araling panggramatika tungkol sa pagsasaling-wika na may layuning matulungan kang
magkaroon ng kasanayan sa pagsasalin ng mga salita, ideya, at kaisipan mula sa isang wika
patungo sa isa pang wika.

I. Panitikan
Liongo
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isinilang si Liongo sa isa sa pitong bayang


nasa baybayingdagat ng Kenya. Siya
ang nagmamay-ari ng karangalan bilang
pinakamahusay na makata sa kanilang lugar.
Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante,
na hindi nasusugatan ng ano mang mga armas.
Ngunit kung siya’y tatamaan ng karayom sa
kaniyang pusod ay mamamatay siya. Tanging si
Liongo at ang kaniyang inang si Mbwasho ang
nakaaalam nito. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa
Tana Delta, at Shangha sa Faza o isla ng Pate.

Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono


ng Pate na unang napunta sa kaniyang pinsang si Haring Ahmad (Hemedi) na kinilalang
kaunaunahang namuno sa Islam. Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear na
pamamahala ng kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin
ng trono. Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito.
Nakaisip si Liongo ng isang pagpupuri. Habang ang parirala (Refrain) nito ay inaawit ng mga
nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakahulagpos sa tanikala nang hindi nakikita ng bantay.
Nang makita ito ng mga tao, tumigil sila sa pagawit. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa
kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siyang mabuti sa paghawak ng
busog at palaso at kinalaunan ay nanalo siya sa paligsahan sa pagpana. Ito pala’y pakana ng
hari upang siya ay madakip at muli na naman siyang nakatakas.

Kakaunti lang ang nakaalam tungkol sa matagumpay na pagwawagi ni Liongo sa digmaan


laban sa mga Gala (Wagala). Kaya naibigay ng hari ang kaniyang anak na dalaga upang ang
bayaning si Liongo ay mapabilang sa kaniyang pamilya. Nang lumaon, si Liongo ay nagkaanak
ng isang lalaking nagtraydor at pumatay sa kaniya.

B. Maaaring Lumipad ang Tao


Isinalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
Mapanonood ang video clip sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=cDLokCmEBCE

6
Sinasabing iniingatan ng mga taong nakalilipad ang kanilang kapangyarihan kahit na
inaalis nila ang kanilang pakpak. Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga
alipin. Sila ay nagbalatkayong mga tao mula sa Africa na may maiitim na balat. Hindi na nila
maaaring ipaalam sa kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi.
May matandang lalaking nagngangalang Toby, mataas ang kaniyang tindig. Samantalang
ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah. Makikitang may batang nakatali sa
kaniyang likod. Nanginginig siya kung mabigat ang mga gawain. Sa ganitong pangyayari,
sisigawan siya ng tagapagbantay ng lupain.
Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito. Inihalintulad daw siya sa kumpol ng putik, uling na
kumikinang sa matigas na batong nakasalansan na hindi matanggal.
Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping
mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis
ang kanilang paggawa.
Ang matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. “Aalis ako nang mabilis,”
sabi niya pagdaka.
Si Sarah ay naghuhukay at nag-aayos ng pilapil sa palayan, habang ang bata ay tulog sa
kaniyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito
mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil
anak niya ang bata.
“Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya sa
balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng latigo. Samantala, si
Sarah ay bumagsak naman sa lupa.
Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng araw ang
kaniyang mukha. Ang bata ay umiyak nang umiyak. “Kaawaan mo kami, kaawaan mo kami.”
Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok siya at napaupo na lamang sa pilapil.
“Tumayo ka, ikaw, maitim na bata,” hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah at muli na namang
hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo sa kaniyang
sugat ay humalo sa putik, ‘di siya makatayo.
Nandoon si Toby, ngunit kahit isa ay walang makatulong sa
kaniya.
“Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat.”
“Sige anak, ngayon na ang panahon,” sagot ni Toby “Humayo ka,
kung alam mo kung paano ka makaaalis.”
“Kum… yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may
kapangyarihan ang kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at
pabuntonghininga. Tumaas ang isang paa ni Sarah sa hangin.
Noong una ay ’di maayos ang kaniyang paglipad na hawak-hawak
nang mahigpit ang kaniyang anak. Naramdaman niya ang mahika,
ang misteryo ng salita ng Africa, sinabi niya na
malaya na siya tulad ng isang ibon, na animo’y balahibong
umiilanlang sa hangin.
Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw.
Samantalang si Sarah at ang kaniyang anak ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga
nagtataasang puno na hindi sila nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyang tulad ng
isang agila hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga taong nasa ibaba. Walang sinoman
ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito.
7
Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa mainit na
palayan, isang batang lalaking alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya, bumagsak
ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang salita ng lumang Africa na minsan lang
niyang narinig kaya hindi niya agad maintindihan. Nakalimutan ng bata ang narinig niya.
Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata, nakuha niya ang tamang salita. Nagpagulong-
gulong siya sa hangin. Pansamantala siyang nakalipad at siya ay idinuyan sa mainit na simoy ng
hangin at muli siyang nakalipad.
Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sa nakikita niyang
bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay “kumkumka yali, kum… tambe!”
Pabulong niyang sabi at muli na naman silang nakalipad at pumailanlang sa hangin. Ang isang
lumilipad ay maitim at may makislap na tungkod habang sila ay nasa taas ng ulo ng
tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil, sa palayan, sa bakuran, at sa batis na dinadaluyan ng
tubig.
“Bihagin ang matanda,” sabi ng tagapagbantay.
“Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya.” Samantala, may isang
tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay ang kaniyang latigo upang itali si Toby. Kinuha niya
ang kaniyang baril upang patayin ang negrong si Toby.
Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “heeee, heee! Hindi ninyo kilala kung sino
ako. Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasa palayan.” At muli niyang
naibulong ang mahiwagang salita bilang pangako sa angkan ng mga itim, sinabi niya ito sa lahat
ng mga kalahi nilang nasa palayan sa ilalim ng malupit na latigo.
“Buba… Yali... Buba... tambe…”
May napakalakas na sigawan at hiyawan, ang baluktot na likod ay naunat, matatanda at
batang mga alipin ay nakalipad na magkakahawakkamay. Nagsasalita habang nakabilog na
animo singsing. Umaawit pero hindi sila magkakahalo. Hindi pala sila umaawit; sila ay lumilipad
sa hangin, langkay-langkay na animo mga ibong tumatakip sa asul na kalangitan, maiitim na
anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipad nang napakataas. Tanaw nila ang plantasyon,
ang taniman, paalis sa lupain ng mga alipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang kalayaan.
Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak, hindi siya
tumatawa, siya ay tagagabay. Nakita niya sa taniman ang mga katutubong alipin na naghihintay
kung sila ay makalilipad na tulad nila.
“Isama ninyo kami sa paglipad,” kanilang wika, pero sila’y natatakot sumigaw.
Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon na
makatakbo, “paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, “Kausapin mo sila, ulilang
kaluluwa!” At siya ay lumipad at naglaho.
Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasaksihan. “Ito ay isang
kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag.” Subalit ang tagapagbantay ay hindi nagsalita
sapagkat alam niya ang totoo.
Ang mga aliping hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang mga anak.
Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila ay malaya at nakaupo sa
paligid ng kanilang lupang tinubuan.
At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad hanggang
ngayon.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt et. Al. 2008. Texas, USA

Ano ang mito/mitolohiya?

8
Ang mito/mitolohiya ay kuwento o salaysay hinggil sa pinagmulan ng sansinukuban,
kalipunan ng iba’t ibang paniniwala sa mga diyos at diyosa, kuwento ng tao at ng mga
mahiwagang nilikha. Ito ay isang natatanging kuwentong kadalasang tumatalakay sa kultura,
sa mga diyos o bathala, at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao. Sa
pamamagitan ng mitolohiya ay nabibigyan ng kalinawan ang mga kababalaghang
pangyayari at ang mga nakatatakot na puwersa sa daigdig tulad ng pagbabago ng panahon,
apoy, kidlat, pagkagutom, pagbaha, at kamatayan.

Mga elemento ng mitolohiya:


1. Tauhan-mga diyos at diyosa na may taglay na kakaibang kapangyarihan.
2. Tagpuan-may kaugnayan sa kulturang kinabibilangan at sinauna ang panahon.
3. Banghay-maaaring tumalakay sa sumusunod:
maraming kapana-panabik na aksiyon at tunggalian
a.
maaaring tumalakay sa pagkakalikha ng mundo at mga natural na pangyayari
b.
nakatuon sa mga suliranin at kung paano ito malulutas
c.
ipinakikita ang ugnayan ng tao at ng mga diyos at diyosa
d.
tumatalakay sa pagkakalikha ng mundo, pagbabago ng panahon, at interaksiyong
e.
nagaganap sa araw, buwan, at daigdig
4. Tema-maaaring nakatuon sa sumusunod:
a. pagpapaliwanag sa natural na pangyayari
b. pinagmulan ng buhay sa daigdig
c. pag-uugali ng tao
d. mga paniniwalang panrelihiyon
e. katangian at kahinaan ng tauhan
f. mga aral sa buhay

Mula sa Elements of Literature, (Anderson et al. 1993) at Enjoying Literature, (Ferrera et al.
1991)

Ano ang Spoken Word Poetry?

Isa sa mga kulturang popular na umiiral ngayon sa mga kabataan ay ang spoken word
poetry. Ang spoken word poetry ay ang pagsasaad ng kuwento sa pamamagitan ng tula. Ito ay
isang anyo ng tula kung saan ang may-akda ay naglalahad ng tula sa mga tao sa pamamagitan
ng pagsasalaysay. Kung ihahambing sa isang tradisyunal na tula, mas malikhain at
mapaghamong gawin ang spoken word poetry. Isa ito sa nauusong uri ng oral art sa mga
kabataan na ginagamitan ng word play at intonasyon upang maipahayag ang kanilang saloobin.
Matagal nang ginagamit ang spoken word poetry hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong
mundo at ngayon ay bumabalik na naman ito dahil na rin sa mga taong nakauugnay sa paksa ng
tagapagsalita. Isa si Juan Miguel Severo sa mga kilalang spoken word poetry artist sa Pilipinas.
Ang spoken word poetry ay hindi basta-bastang pagsasalita sa harap ng mga manonood.
Ginagamitan ito ng word play, tono ng boses na nakaakma sa paksa at minsan ay may
background music. Ito ay tula kung saan ikaw ang bida, ikaw ang mga nakaranas at may mga
“hugot” kung saan mo isusumbat ang lahat-lahat ng mga nagawa mo o kaya ay nararamdaman
mo para sa isang tao at kung ano-ano pa.

9
Ang spoken word poetry ay sumikat sa pamamagitan ng pagpapakalat nito sa social
media networking sites. Kadalasan itong tinatangkilik ng mga kabataan dahil na rin sa mga
paksang nakapaloob sa mga tulang ito.
Mula sa pagpapakahulugan nito, ang spoken word poetry ay isang uri ng makabagong
tulang may malaya at walang sinusunod na istruktura sa pagsusulat nito. Naging bahagi na ito
ng kultura ng mga kabataan ngayon.

Mula sa https://www.coursehero.com/file/63780272/PANANALIKSIK-SA-SPOKENPOETRYdoc/

II. Gramatika at Retorika: Pagsasaling-Wika

Ang pagsasaling-wika ay ang paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na


katumbas na diwa at estilong nasa wikang isasalin. Ang isinasalin ay ang diwa ng talata at hindi
ang bawat salitang bumubuo rito. (Santiago, 2003)

Mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot. Nakukuha niya ang kahulugan ng


kaniyang isinasalin o siya’y mahusay na. Nauunawaan niya ang maliliit na himaymay ng
kahulugan at halagang pandamdaming taglay ng mga salitang gagamitin.
2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin. Ang
kaalaman sa gramatika ng dalawang wika sa pagsasalin ay kailangang-kailangan ng
tagapagsalin sa pagsusuri ng diwang nais ipabatid ng awtor, gayon din sa wastong
paggamit ng mga salita, wastong pagkakabuo, at pagkakasunod-sunod.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag. Ang kakayahang
magsalita sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at kaalaman sa gramatika ay
hindi sapat para makapagsalin. Kaya kung ang lahat ng salin ay patas, nagiging higit na
mahusay na tagapagsalin ang manunulat.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin. Marapat na ang tagapagsalin ay may higit na
kaalaman sa paksa sapagkat siya ay higit na nakaaalam at nakauunawa sa mga
konseptong nakapaloob dito.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.
Walang higit na mabisa kaysa ibang wika. Ang lahat ng wika ay may sariling bisa at
kakayahan bilang kasangkapan sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino at ng ibang bansa.

Mga Pamantayan at Gabay sa Pagsasaling-wika

Basahing mabuti ang buong tekstong isasalin at unawain ang kabuuang diwa nito.
Tandaang mahalaga para sa tagapagsalin na magkaroon ng malawak na kaalaman sa wikang
isasalin at sa wikang pagsasalinan. Mahalaga rin ang kakayahang magsulat nang maayos at
maging pamilyar sa mga estilo. Narito ang ilang gabay o pamantayan sa pagsasaling-wika.
1. Isagawa ang unang pagsasalin. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita.
2. Basahin at suriing mabuti ang pagkakasalin. Tandaang ang pagdaragdag, pagbabawas,
pagpapalit o pagbabago sa orihinal na diwa ng isasalin nang walang napakalaking dahilan
ay isang paglabag sa tungkulin ng tagapagsalin.
3. Rebisahin ang salin upang ito’y maging totoo sa diwa ng orihinal. Ayusin ang bahaging
hindi malinaw at nagbibigay ng kalituhan.
10
Bigyang-pansin din ang aspektong panggramatika ng dalawang wikang kasama sa
pagsasalin.
Kung gagamit ng diksyonaryo ay isaalang-alang ang iba’t ibang kahulugan ng
isang salita. Kakailanganin ng isang mag-aaral ang pagsasanay upang makuha ang
kahulugang angkop sa konteksto ng pangungusap.

PAGYAMANIN
A. Panuto: Bigyang-puna ang napanood na video clip tungkol sa mitolohiyang
pinamagatang, “Maaaring Lumipad ang Tao” sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga kaisipang
nakapaloob dito. Itala ito sa tsart at lagyan ng tsek (√) ang kolum kung ito ay makatotohanan o
‘di makatotohanan. Ipaliwanag ang iyong sagot sa huling kolum. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Kaisipan Makatotohanan ‘Di Makatotohanan Paliwanag

Gawain 2. Pagkakatulad at Pagkakaiba


Panuto: Paghambingin ang dalawang mitolohiyang tinalakay sa pamamagitan ng pagpupuno ng
mahahalagang elemento ng bawat isa sa bawat kolum. Pagkatapos, ipaliwanag sa isang
makabuluhang pangungusap ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ito. Gayahin ang pormat
at gawin ito sa hiwalay na papel.

Elemento ng Liongo (Mitolohiyang Maaaring Lumipad ang Tao


Mitolohiya binasa) (Mitolohiyang pinanood)

A. Tauhan

B. Tagpuan
C. Tema
D. Banghay

Paliwanag tungkol sa pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang mitolohiya.


___________________________________________________________________
_______
11
___________________________________________________________________
_______
___________________________________________________________________
______.
Gawain 3: Pagsasaling-wika

A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Gamit ang mga pamantayan sa
pagsasaling-wika, isulat ang pinakaangkop na salin nito sa wikang hinihingi sa katapat na kolum.
Isulat ang tamang sagot sa hiwalay na papel.

Pangungusap Salin sa wikang Ingles

1. Sila ay nagbalatkayong mga tao mula sa


Africa na may maiitim na balat.

2. Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa


pagsikat ng araw hanggang sa paglubog
nito.

3. Samantalang si Sarah at ang kaniyang anak


ay lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga
nagtataasang puno na hindi sila nakikita maging
ng tagapagbantay.

12

You might also like