Kabanatang Pagsusulit 4.4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division of Ilocos Sur
CABUGAO NATIONAL HIGH SCHOOL
Filipino Department
Turod, Cabugao, Ilocos Sur

KABANATANG PAGSUSULIT 4.4


FILIPINO 9

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang tamang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.
1. Ano-ano ang layunin ni Dr. Jose P. Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?
A. Upang maipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at nagmamalupit sa mga Pilipino.
B. Upang sagutin ang paninirang loob na matagal ng panahong ikunulapol sa mga Pilipino.
C. Upang maipakita kung ano ang nasa likod ng mga madaya at nakasisilaw na pangako ng pamahalaan.
D. Lahat ng nabanggit.
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ang Noli Me Tangere?
A. Malayang nakapagpapahayag ang mga Pilipino
B. Pagmamalupit ng mga guardia civil sa mga Pilipino
C. Hindi pagkamit ng katarungan laban sa mga Espanyol
D. Hindi patas na pagtingin ng mga Espanyol sa mga Pilipino
3. Ang Noli Me Tangere ay isang pariralang Latin na hinango sa Ebanghelyo ni San Juan (20:13-17) sa Bibliya na
nangangahulugan “Huwag mo akong salingin”. Ano ang kahulugan ng may salungguhit na salita?
A. hawakan B. kumustahin C. sampalin D. sipain
4. Ang isa sa nakaimpluwensiya kay Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere ay ang Uncle Tom’s Cabin. Paano
maihahalintulad ang dalawang aklat na ito?
A. Nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa
B. Nagpapakita ng pagpapahalaga sa katahimikan
C. Nagpapakita ng pagtutulungan ng dalawang lahi
D. Nagpapakita ng pagmamalupit ng isang lahi sa iba
5. Bakit pinamagatang Noli Me Tangere ang kauna-unahang nobela ni Jose Rizal?
A. Naglalaman ito ng mga bagay na maituturing na banal.
B. Naglalaman ito ng mga bagay na kayang gawin ng mga Pilipino.
C. Naglalaman ito ng mga bagay na hindi kayang gawin ng mga Pilipino.
D. Naglalaman ito ng mga bagay na walang sinuman ang makapangahas bumanggit kanyang panahon.
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi nangyari matapos maisulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?
A. Maraming mga prayle at Kastila ang nagagalit sa kanya.
B. Marami ang humanga sa kanyang kagalingan sa pagsusulat.
C. Kumita ng maraming pera si Rizal dahil sa kanyang isinulat.
D. Ang mga sipi ng nobela ay nakarating sa Pilipinas at marami ang nakabasa nito.
7. Alin sa sumusunod ang walang kaugnayan sa dinanas na paghihirap ng ina ni Rizal sa kamay ng mga Espanyol?
A. Paghatol sa kanya ng kamatayan
B. Pagkabilanggo ni Donya Teodora
C. Pagpaparatang sa kanyang ina na kasabwat sa panglalason
D. Panghihiwalay nila ng kanyang kasintahang si Leonora Rivera
8. Ang mga kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol ang nagtulak sa kanyang lumikha ng pagbabago para sa bayan.
Ano ang ipinapahiwatig ng nasalungguhitan pahayag?
A. Kalungkutan B. Kasamaan C. Pagkabigo D. Pagkalinga
9. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng kondisyong panlipunan bago naisulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?
A. Naging maganda ang pamumuhay nila sa panahong iyon.
B. Umasenso ang kalakalang sa iba’t ibang pook sa Pilipinas.
C. Nagtulungan ang lahat sa pagpapaunlad ng mga bayan-bayan.
D. Nakaranas ng pang-aapi at kawalan ng katarungan ang marami.
10. Alin ang mga salita sa loob ng kahon ang magkasingkahulugan ayon sa gamit nito?
A.
Ang pagdaralita ng mga Pilipino ay bunga ng pagpapahirap at pang-aabuso ng mga dayuhan sa bansa
Pilipino at dayuhan C. Pagdaralita at pagpapahirap
B. Pagdaralita at pang-aabuso D. Pagpapahirap at pang-aabuso
11. Anong mga katangian mayroon si Maria Clara bilang isang kasintahan at anak?
A. Tapat at mabuti C. Matiisin at minsan iresponsable
B. Matiyaga at sunud-sunuran D. Mapagkatiwalaan at medyo pasaway
12. Ano naman ang katangiang inilalarawan kay Don Rafael Ibarra batay sa pahayag sa kahon?
A. Istriktong ama ngunit may paninindigan C. Madisiplinang ama ngunit ambisyuso minsan
B. Makasariling ama pero kuntento sa buhay D. Mabait at amang naghahangad ng magandang bukas para sa
anak
13. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng mahalaga si Crisostomo Ibarra bilang pangunahing tauhan sa
nobela?
A. Mahalaga siya dahil siya’y sumisimbolo sa kabataang Pilipino na gustong mangibang bansa para guminhawa ang
buhay.
B. Mahalaga siya sapagkat siya’y larawan ng kabataang Pilipino na marunong gumawa ng paraan para malutas ang
mga problema ng bansa.
C. Mahalaga si Crisostomo Ibarra bilang pangunahing tauhan sa nobela sapagkat siya’y sumisimbolo sa mga
Pilipinong marurunong at may ambisyon sa buhay.
D. Mahalaga siya sapagkat inihahalintulad siya ni Dr. Jose P. Rizal sa pagkatao nito at sumisimbolo sa mga
mayayamang Pilipino na nakapag-aral sa ibang bansa na may puso para sa kapwa at sa bayan.
14. Ano ang kahalagahan ni Don Rafael Ibarra bilang pantulong tauhan sa nobela?
A. Mahalaga siya sapagkat siya’y sumisimbolo sa mga mayamang Pilipino na may malasakit sa kanyang kapwa,
may matibay na paninindigan sa buhay at isang ama na nagbibigay-halaga sa edukasyon para sa anak.
B. Mahalaga siya dahil siya ay larawan ng mga amang naghahangad ng kabutihan at magandang kinabukasan ng
mga anak.
C. Siya’y sumisimbolo sa mga mayayamang Pilipino na may malawak na lupain sa bansang Pilipinas.
D. Mahalaga siya sapagkat siya’y sumasagisag sa mga amang mapag-aruga sa anak.
15. Ano ang katangian na ipinamalas ni Crisostomo Ibarra batay sa pahayag na nasa kahon?
Gusto ni Don Rafael Ibarra na malaman ng kanyang anak na si Crisostomo Ibarra ang tungkol sa buhay-buhay at A.
mapaglingkuran nito ang bayang sinilangan kaya pinag-aral niya ito sa Europa. Habang nandoon sa ibang bansa
ang binata, pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral. Pangarap kasi niya na balang araw makatapos ng may
karangalan at makapagpatayo ng paaralan sa bayan ng San Diego upang matulungan ang mga kapus-palad na
kabataan. Pitong taong siyang nawalay sa kanyang kasintahan na si Maria Clara na isang maganda, nagmahal ng
labis sa binata at butihing anak ni Kapitan Tiyago na isang karaniwang tao na negosyante ngunit may
kapangyarihan.
Maawain, uto-uto at makasarili C. Mapagmahal, matulungin at magalang
B. Matalino, hambog at madiskarte D. Ambisyoso, mapangarapin at maawain
16. Taos-puso pagbibigay niya ng tulong sa mga taong naghihirap ngayon dulot ng pandemiya. Ano ang kayarian ng pang-
uri ng nasalungguhitang salita sa pangungusap?
A. Inuulit B. Maylapi C. Payak D. Tambalan
17. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na mahalaga si Kapitan Tiyago bilang pantulong na tauhan sa nobela?
A. Mahalaga sya sapagkat sya ay kilalang tauhan sa nobela na sumisimbolo sa mga Pilipinong mangangalakal.
B. Mahalaga siya dahil sumasagisag siya sa mga Pilipinong pilit na gumagawa ng tamang paraan para umangat at
makatikim ng magandang buhay.
C. Mahalaga siya dahil inihahalintulad siya sa mga Pilipinong may malaking malasakit sa kapwa Pilipino at
naghahangad ng kaunlaran sa bayang sinilangan.
D. Mahalaga siya sapagkat siya ay larawan ng mga mayayamang Pilipinong may kapangyarihan na humahawak sa
kanyang kababayan sa paghahangad na makamit ang impluwensiya at kayamanan.
18. Anong kaugalian o kultura ng ibang bansa ang binanggit sa teksto?
A. Makikisama sa mga babae C. Pagdalo sa handaan kapag may imbitasyon
B. Hiwalayang babae sa lalaki sa umpukan D. Pagpapakilala sa sarili kung walang ibang magpakilala
19. Ano ang katangiang taglay ng dalawang magkapatid na sina Basilio at Crispin bilang mga anak ni Sisa?
Ang magkapatid na Basilio at Crispin ay pawang mga sakristan na tagatugtog ng kampana sa kumbento na kung
saan hindi naging madali ang kanilang buhay sa loob ng kumbento. Sila’y pinagbintangang mga magnanakaw at
nakaranas ng mga pang-aabuso o pagmamaltrato habang sila ay nasa loob ng kumbento
A. Mga anak na mababait, mabubuti at responsable
B. Mga anak na minsan may malasakit sa mga magulang
C. Mga anak na hindi mapagkatiwalaan at kapwa magnananakaw
D. Mga anak na nagnanais na makatulong sa magulang kahit sa anong paraan
20. Ano ang kahalagahan ng dalawang magkapatid sa nobela?
A. Mahalaga ang dalawa sapagkat sila’y larawan ng kabataang Pilipino na minsan ay may malasakit sa mga
magulang.
B. Sila’y mahalaga sapagkat sa kanila inilarawan ni Dr. Jose P. Rizal ang mga walang malay at inosenteng kabataan
sa lipunan.
C. Ang kahalagahan ng dalawang magkakapatid sa nobela ay para imulat ang kabataang Pilipino sa mga mapait na
karanasan nina Basilio at Crispin.
D. Sila’y mahalaga dahil ipinapaalam nating mga Pilipino na noon nakaranas ng pagmamaltrato o pang-aabuso sa
lipunan ang kabataan na kung saan sa ngayon madalang nalang na nangyari.

21. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga- inang umaasang magkaroon ng anak na doktor dahil sa paaralang ipatatayo ni
Ibarra, ano kaya ang maaari mong gawin sa ganitong pangyayari?
A. Manahimik na lang kung matutuloy ba o hindi.
B. Himukin si Ibarra na ipagpapatuloy ang magandang nasimulan.
C. Mas pipiliin ko ang kaligtasan ng pamilya ko kaysa sumawsaw sa isang bagay na maglalagay sa panganib ng
aking pamilya.
D. Magpapasalamat kay Ibarra dahil sa pagpapatayo ng paaralan at kahit hindi matutupad ang pangarap ko sa aking
anak na maging doctor kahit paano ay naranasan naming mangarap.
22. Sino si Donya Consolacion? Ilarawan ang kanyang katangian, ugali at katayuan sa buhay.
A. Siya ang asawa ng alperes na mapagpanggap, mapagmataas at mapang- api sa kapwa na dati isang labandera.
B. Isang babaeng punong-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang
Espanyol.
C. Si Donya Consolacion ay isang mabait na asawa subalit dahil sa kanyang mga naranasan ay pinili nalang niyang
maging masama.
D. Siya ay isang mabuting asawa sa gobernador heneral na may pagmamamahal sa kapwa na pumapanig sa
pagtatanggol ni Padre Damaso.
23. Anong klaseng pinuno ang Kapitan Heneral sa nobela? Papaano naipakita ang sistema ng pamamahala ng gobyerno sa
Pilipinas batay sa kabanatang binasa? Ipaliwanag.
A. Gumagawa ng katiwalian
B. Hindi tapat sa nasasakupan
C. Hindi mapagmalasakit at mahusay na pinuno
D. Pinakikinggan ang bawat panig at nagbibigay papuri kung kinakailangan
24. Ano ang paniniwala sa Diyos ni Elias? Katanggap-tanggap ba ang mga ito maging sa kasalukuyan? Bakit?
A. Naniniwala silang hindi sila mahal ng Diyos.
B. Na ang Diyos ang nagbibigay sa kanila ng kaparusahan.
C. Na minamahal sila ng Diyos kaya sila nakaranas ng pagdurusa.
D. Nawalan sila ng tiwala sa Diyos dahil sa nangyari sa kanilang buhay.
25. Bukod sa pagmamalupit ni Donya Consolacion kay Sisa, papaano nailarawan ni Rizal sa mga kabanatang binasa ang
iba’t ibang anyo ng pagsasamantala? Papaano maiuugnay ang mga ito sa kalagayan ng ating bansa sa panahon ng Covid 19?
A. Si Donya Consolacion na isang mapagpanggap at umastang dayuhan sariling bayan.
B. Ang gobernador heneral na sumisimbolo sa isang pinunong may paninindigan subalit takot na banggain ang nasa
kapangyarihan.
C. Si Kapitan Tiyago na isang representasyon ng isang Filipinong sunod- sunuran lamang at ang pagiging mapapel
nito sa mga taong may katungkulan upang makuha ang proteksiyon at pansariling interes sa lipunan.
D. Sa katauhan ni Padre Damaso sa kanyang paggamit ng kanyang kapangyarihan at katayuan dahil marami rin sa
ating mga kababayan ang ginamit ang kanilang kapangyarihan upang abusuhin at maisahan ang kapwa Filipino.
26. Paano ipinakita sa mga kabanatang tinalakay na malakas o talagang makapangyarihan ang mga pari noong panahong
iyon?
A. Inalipin ang mga Espanyol C. Pagpaparatang sa mga taong may kasalanan
B. Pagtapak sa dignidad at pang-aalipusta D. Inalisan ng karapatan ang may kapangyarihan
Para sa aytem 7-8
Araw-araw walang paltos na pinaalalahanan at pinapayuhan ni Aling Nita ang kanyang mga anak. Sa
tuwing may mga lakad na hindi makabuluhan ang kanyang mga anak hindi niya ito pinapayagan dahil
ayaw niya na mapahamak sila. Naunawaan naman ng kanyang mga anak ang ginawa ng kanilang ina,
Sila’y labis na nagpapasalamat at iginagalang pa rin nila ang kanilang ina.
27. Bakit kailangang magampanan ni Aling Nita ang kanyang tungkulin sa kanyang mga anak?
A. Upang maging huwaran sa ibang kabataan
B. Para hindi magkahiwa-hiwalay ang mga anak
C. Upang maiwasan ang masamang bisyo ng mga anak
D. Nang sa gayon lumaking isang mabuti at responsableng mamamayan ang kanyang mga anak
28. Bakit kailangan din na magampanan ng kanyang mga anak ang kanilang responsibilidad sa kanilang ina?
A. Kailangan sapagkat iyon ang nararapat.
B. Kailangan nang sa gayon matawag na isang mabuting anak.
C. Kailangan upang masuklian ang lahat na ginagawa at pagsasakripisyo ng ina.
D. Kailangan na magampanan ng mga anak ang kanilang tungkulin upang walang gulo at problema.
29. Ang pagdiriwang ng kapistahan ay bahagi ng kulturang Pilipino, bakit kailangan nating pahalagahan ang kaugaliang ito?
A. Dahil ito ay tatak sa ating pagka- Pilipino
B. Dahil ito ay hindi pinamana ng ating mga ninuno
C. Dahil ito ay responsibilidad na ibigay ng mga ninuno natin.
D. Dahil hindi ito nakatutulong sa paghubog ng ating pagkatao.
30. Kailan masasabing maunlad ang ekonomiya ng isang bansa?
A. Maunlad ang ibang sector, pero ang iba ay naghihirap
B. Kapag maraming utang ang ating bansa, pero maunlad tayo
C. Napagtagumpayan ang matinding krisis at hindi naghihirap ang mga mamamayan.
D. Kung lahat ay nabibigyan ng ayuda ng gobyerno sa lahat ng krisis na dumarating sa bansa.

SUSI SA PAGWAWASTO SA KABANATANG PAGSUSULIT 4.4

1.D 11. A 21. D

2.A 12. D 22. A

3.A 13. D 23. D

4.D 14.A 24. A

5.D 15. C 25. B

6.C 16.D 26. B

7.A 17.D 27. D


8.B 18. D 28. C

9.D 19.A 29. A

10.D 20.B 30. C

You might also like