Araling Panlipunan 9 - Modyul 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

99

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 1:
Konsepto at Palatandaan ng
Pambansang Kaunlaran

NAME

i
Alamin
Pasiuna

Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aaralan habang wala ka sa paaralan.

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency:


Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansangkaunlaran. AP9MSP-Iva-2

Mga Layunin

Naiisa-isa ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.

Naipapaliwanag ang bawat palatandaan.

Nabibigyang-halaga ang konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran.

1
Subukin
Panuto: Basahin at suriin nang mabuti ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot at isulat ito
sa inyong kwaderno. Titik lamang ang isulat.

1. Ang pag-unlad ay binubuo ng mga sumusunod maliban sa:


A. Likas-kayang pag-unlad C. Kaseguruhang pangkabuhayan
B. Makataong pamamahala D. Modernisasyon

2. May pag-unlad kung:


A. tumataas ang GNP
B. tumataas ang dami ng naghahanap-buhay
C. dumadami ang pinuno
D. natutugunan ang pangangailangan ng tao

3. Ang sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sapagsulong ng ekonomiya


ng isang bansa maliban sa:
A. likasnayaman C. teknolohiya
B. yamang-tao D. kalakalan

4. Ayon sa kanya ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso.


A. Michael P. Todaro C. Feliciano R. Fajardo
B. Stephen Sy D. Amartya Sen

5. Nagsasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakang pagbabago sa


buong sistemang panlipunan.
A. Makabagong pananaw C. Teknolohikal napananaw
B. Tradisyonal na pananaw D. Multidimensional na pananaw

6. Sa pamamagitan ng salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang
pinagkukunang-yaman ng bansa na nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang
bansa.
A. Yamang-tao C. LikasnaYaman
B. Teknolohiya at Inobasyon D. Kapital

7. Isang mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya sapagkat kung mas


maraming output ang nalilikha ito ay nangangahulugang mas maalam at may kakayahan
ang mga mangagawa nito.
A. Yamang-tao C. Likas naYaman
B. Teknolohiya at Inobasyon D. Kapital

8. Nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na
pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa.
A. Human Development Index C. Gender Inequality Index
B. Multidimensional Poverty Index D. Human Resource Index

2
9. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga “ugat ng kawalang kalayaan” ayon kay
Amartya Sen sa kanyang akdang Development as Freedom?
A. kahirapan
B. Diskriminasyon
C. Limitasyon sa kakayahan ng mga mamamayan
D. pagkakapantay-pantay ng mga tao

10. Ang Human Poverty Index ay sumusukat ng:


A. Kakulangan sa edukasyon ng mga tao. C. Maiklingbuhay ng tao
B. Kakulangan sa kita ng mgatao. D. Lahat ay tama.

Binabati kita at natapos mo ang panimulang pagsusulit. Kung hindi mo


nasagutang lahat ang mga aytem, huwag mangamba. Pag-aralan mong mabuti ang mga
paksang hindi malinaw sa iyo sa mga aralin sa modyul.

Balikan
Mula sa paksang napag-aralan mo sa Modyul 8 sa Ikatlong Markahan. Sagutin
naman ninyo ang Gawain sa ibaba bilang pagbabalik-aral.

Panuto: Sabihin kung ang mga sumusunod na larawan ay halimbawa ng bangko. Isulat
ang inyong sagot sa kwaderno.

1. 2.

https://mpm.ph/wp- https://filipinotimes.net/wp-content/uploads/2020/09/1-
content/uploads/2013/06/sss-logo-medium.png 11.jpg

3. 4.

http://www.gtcapital.com.ph/storage/uploads/ https://www.sunstar.com.ph/uploads/images/2019
2017/09/59bc94ce59565.png /06/10/151831.jpg

3
5. 6.

https://i1.wp.com/www.yugatech.com/wp- https://newsinfo.inquirer.net/files/2019/07/new-gsis-
content/uploads/2019/08/bsp- logo.jpeg
logo.jpg?fit=720%2C405&ssl=1

Sagutin ang mga tanong.


1. Paano nagkakaiba ang bangko at di-bangko bilang institusyong pananalapi?
2. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga institusyon ng
pananalapi sa lipunan?

Tuklasin
INSTA-SAGOT
Panuto: Pansinin ang larawan sa susunod na pahina. Suriing mabuti ang kalagayan ng bawat
larawan. Isulat ang sagot sa kwaderno.

https://www.instagram.com/p/CDsiUWtDvbf/ https://www.instagram.com/p/B6XNF-kAgEW/

https://www.instagram.com/p/BPYWUl0jK_R/ https://www.instagram.com/p/BHKJD6uhlFd/

Gabay na tanong.
1. Ano ang iyong napuna sa mga larawan? Alin ang higit na nakapukaw ng iyong pansin?
Bakit?
2. Alin sa malikhaing pamagat na ibinibigay mo sa mga larawan ang ninais mong maging
kalagayan ng iyong lipunan at ng ating bansa? Ipaliwanag.

4
Suriin
ANG KONSEPTO NG PAG-UNLAD

Batay sa diksiyonaryong Merriam-Webster, ang pag-unlad ay pagbabago mula sa


mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaring may
kaugnayan din sa salitang pagsulong.

PAGKAKAIBA NG PAGSULONG AT PAG-UNLAD


AYON KAY FELICIANO R. FAJARDO (ECONOMIC
DEVELOPMENT 1994)

PAGSULONG PAG-UNLAD

- Ang pagsulong ay produkto ng - Isang progresibo at


pag-unlad aktibongproseso ng
- Ay nakikita at nasusukat. pagpapabuti ng kondisyon ng
tao, gaya ng pagpapababa ng
antas ng kahirapan, kawalan
ng trabaho, kamangmangan,
di-pagkakapantay-pantay at
pananamantala.

Malaki ang pagkakaiba ng pagsulong o pagyaman sa pag-unlad. Ang pagsulong ay


ang paglago ng yaman o pagdami ng pera habang ang pag-unlad ay ang pagkakaroon ng
maayos na pamumuhay sa pamamagitan ng mataas n akalidad ng buhay at kalayaang
magpasya. Samakatuwid, “Hindi lahat ng mayaman ay may maunlad na buhay”.

PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA NG PAGSULONG AT PAG-UNLAD


Ang mga salitang “Pagsulong” at “Pag-unlad” ay parehong nagsasabi ng pag-angat
ng isang bagay o isang tao mula sa kaniyang kasalukuyang kinatatayuan. Ang pinagkaiba
naman nilang dalawa ay sa kung paano ito nasasaisip o naipapakita o naisasagawa ng mga
tao.

Ang Pagsulong ay maaring masabi na kapareho ito ng sitwasyon sa baha. Ang mga
tao ay sumusulong o mayrooong pag-sulong. Ang ibig sabihin ng salitang “sulong” ay
pagdiretso o paglakad patungo sa isang lugar o kung ano man. Kung ito ay gagamitin sa
pagbigay deskripsyon sa isa sa mga karakteristiks ng isang tao ito ay maaring:

Ang Pag-sulong ay:


1. Hindi patitibag sa kahit na anong suliranin
2. Pagtungo sa isang mithiin o nais na gawin at pananatilidito
3. Pagkakaroon ng isang layunin at pag-angat

5
Ang Pag-unlad naman ay maaring magamit sa ekonomiya. Tulad na lang ng pagkakaroon
ng mga panibagong programa o teknolohiya sa ating komunidad. Ito ay pagbabago ng mga
dating gawin ngunit nasa isip pa rin ang tama at epektong maihahatid ng mga ito. Ang pag-
unlad ay pagbabago mula sa normal at maliit na ideya hanggang sa malaki at mas matibay
na lohika. Kung ito man aymaihahalintulad sa mga tao ito ay maaring:
1. Pagkakaroon ng bukas na isipan
2. Pagtanggap sa mga makabagong kagamitan o paraan ng paggawa
3. Pagbibigay kontribusyon sa ating ekonomiya sa pamamagitan ng pagiging isang
inobatibong tao

Ang pinagkaiba ng dalawang salitang “Pag-sulong” at “Pag-unlad” ay nakabatay


lamang sa sitwasyon o sa mga taong gagamit ng mga ito. Ang “Pag-sulong” ay nakapokus
sa pagtungo sa isang layunin o bagay; ang “Pag-unlad” ay sa pag-angat ng pag-iisip o
gawi ng mga tao sa ating komunidad o ekonomiya.

DALAWANG MAGKAIBANG KONSEPTO NG PAG-UNLAD AYON KINA


MICHAEL P. TODARO AT STEPHEN C. SMITH (ECONOMIC DEVELOPMENT
2012)

TRADISYONAL NA PANANAW MAKABAGONG PANANAW

- Binigyang-diin ang pag-unlad bilang - Sinasaad na ang pag-unlad ay dapat


pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng na kumatawan sa malawakang
antas ng income per capita nang sa pagbabago sa buong sistemang
gayon ay mas mabilis na maparami panlipunan. Dapat na ituon ang
ng bansa ang kaniyang output kaysa pansin sa iba’tibang
sa bilis ng paglaki ng populasyon pangangailangan at nagbabagong
nito. hangarin ng mga tao at grupo sa
nasabing sistema upan masiguro rin
ang paglayo mulasa di-kaaya-ayang
kondisyon ng pamumuhay tungo sa
kondisyon na mas kasiya-siya.
-

Sa akdang “Development as Freedom” (2008)


ni Amartya Sen, kanyang ipinaliwanag na ang
kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapauunlad ang
yaman ng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng
ekonomiya nito”. Upang matamo ito, mahalagang
bigyang-pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng
kawalang kalayaan tulad ng kahirapan, diskriminasyon
at hindi pagkakapantay-pantay at ng iba pang salik na
naglilimita sa kakayahan ng mgamamamayan. Ang
tatlong KKK ng Pag-unlad ayon sa kanya ay ang;
Kayaman (mataas na kita). Kalayaan (malayang http://news.berkeley.edu/wpcontent/uploads/2016/02/a
magpasya) at Kaalaman (maayos na edukasyon). martya_sen_750.jpg

6
Maraming mga korporasyon ang kumikita nang malaki subalit karamihan sa mga ito
ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ng mga dayuhang mamumuhunan. Ang pagpasok ng
mga dayuhang mamumuhunang ito ay nakapagtataguyod ng mas mabilis na paglago at
pagsulong ng kanilang ekonomiya. Maliban sa mga mamumuhunan, malaki rin ang naitulong
ng mga likas na yaman tulad ng langis sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa.
Sa librong Economics, Concepts and Choices (2008) ninaSally Meek, John Morton
at Mark Schug, inisa- isa nila ang iba pang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong
ng ekonomiya ng isang bansa.

LIKAS NA YAMAN YAMANG TAO KAPITAL TEKNOLOHIYA AT


INOBASYON
Malaki ang naitutulong Mas maraming Sa tulong ng mga Nagagamit nang
ng mga likas na yaman output ang kapital tulad ng mga mas episyente ang
sa pagsulong ng nalilikha sa isang makina sa mga iba pang
ekonomiya bansa kung pagawaan ay pinagkukunang-
lalong-lalo na ang mga maalam at may nakalilikha ng mas yaman upang mas
yamang-lupa, tubig, kakayahan ng maraming produkto maparami pa ang
kagubatan at mineral. mga at serbisyo. mga nalilikhang
manggagawa produkto at serbisyo.
nito.

MGA PALATANDAAN NG PAG-UNLAD AT PAGSULONG


Iba’t iba ang mga palatandaan na ginagamit upang masukat ang pag-unlad ng isang
bansa. Dati-rati, ang pagsukat sa paglago ng isang ekonomiya ang palasak na ginagamit
upang masabing maunlad o di maunlad ang isang bansa. Masasabing ang pagsulong ay isa
lamang aspekto ng pag-unlad. Sa pagsulong, sinusukat ang halaga ng mga produkto at
serbisyong nalikha sa loob ng isang panahon.

Sa pagsukat nito, ginagamit ang:


- Gross Domestic Product (GDP),
- Gross National Product (GNP),
- GDP/ GNP per capita at
- real GDP/ GNP.

Sa kabilang banda, hindi sapat na panukat ang kabuuang halaga ng mga produkto at
serbisyo dahil hindi nito naipakikita kung paano naipamamahagi ang kita at yaman ng bansa
sa mga mamamayan nito. Samakatuwid, hindi sapat ang mgan umero, makab agong
teknolohiya, at nagtataasang gusaliu pang masabing ganap na maunlad ang isangbansa.
Higit pa rito ang kahulugan ng pag-unlad. Higit pa ito sa mga modernong kagamitan at mga
makabagong teknolohiya sapagkat kasamar ito ang mga pagbabago sa lipunan at paraan ng
pamumuhay ng mga tao.
Ang pagsulong at pag-unlad ng isang bansa ayon kay;

Feliciano R. Fajardo
- ang pagsulong ng isang ekonomiya dulot ng mga dayuhang mamumuhunan
at ang pag-unlad na inangkat ay walang kahulugan sa masa kung ang mga ito
ay hindi nararamdaman ng mga pangkaraniwang tao.

7
Todaro at Smith sa kanilang aklat na Economic Development
- ang pag-unlad ay isang multidimensiyonal na prosesong kinapapalooban ng
malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao at mga
pambansang institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng
ekonomiya, pagbawassa di pagkakapantay- pantay at pag-alis ng kahirapan.

Sa paglago ba ng ekonomiya ay gumaganda ang buhay ng tao? Mas masaya ba ang


mga tao sa kanilang buhay at kapaligiran tuwing lumalaki ang ekonomiya? Ang mga
pangangailangan ba ng tao ay natutugunan? Ito ang mga katanungan na hindi kayang sagutin
at sukatin ng tradisyonal napalatandaan ng pag-unlad kung kaya iba-iba ang ginagamit upang
masukat ang kalidad ng buhay ng tao.
Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human Development Index
bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa.

Ang Human Development Index (HDI)


- ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan
ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas
ng pamumuhay.
➢ Sa pagsukat ng aspektong pangkalusugan, ginagamit na pananda ang haba
ng buhay at kapanganakan. Ipinapahiwatig dito ang bilang ng taon na
inaasahang itatagal ng isang sanggol kung ang mga umiiiral na dahilan o sanhi ng
kamatayan sa panahon ng kaniyang kapanganakan ay mananatili habang siya ay
nabubuhay.
Sa aspekto naman ng edukasyon, ang mean years of schooling at expected
years of schooling ang mga ginagamit na pananda. Ang mean years of schooling ay
tinataya ng United Nation Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) batay
sa mga datos mula sa mga surbey at sensus ukol sa antas ng pinag- aralan ng mga
mamamayan na may 25 taong gulang. Samantala, ang expected years of schooling naman
ay natataya base sa bilang ng mga nag-aaral sa lahat ng antas ng edukasyon. Itinakda ang
18 taon bilang expected years of schooling ng UNESCO.

➢ Ang aspekto ng antas ng pamumuhay ay nasusukatgamit ang gross national


income per capita.

KAHALAGAHAN NG HUMAN DEVELOPMENT INDEX (HDI)


- Nilikha upang bigyang-diin na ang mgat ao at ang kanilang kakayahan ang dapat na
pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa, hindi lang
ang pagsulong ng ekonomiya nito.
- Tinatangka ng HDI na ihanay ang mga bansa mula 0 (pinakamababang antas ng
kaunlarang pang- tao) at 1 (pinakamataas na antas ng kaunlarang pantao).
- Maaari itong gamitin upang suriin at busisiin ang mga patakarangp ambansa ng
dalawang bansang may parehong antas ng GNI per capita ngunit magkaibang resulta
hinggil sa kaunlarang pantao.

8
Bawat taon, ang United
Nations Development Programme
(UNDP) ay naglalabas ng Human Sa pamamagitan ng mga
Development Report ukol sa estado pahayag na ito, na kinatigan pa ng
ng kaunlarang pantao sa mga kasaping maraming empirical na datos at
bansa nito. Sa pinakaunang Human makabagong pananaw uko lsa
Development Report nainilabas ng pagsukat ng kaunlaran, ang Human
UNDP noong 1990, inilahad ang Development Report ay nagkaroon
pangunahing saligan ng sumunod pang ng mahalagang implikasyon sa
mga ulat na nagsasabing “Ang mgatao pagbuo ng mga polisiya ng mga
ang tunay na kayamanan ng isang bansa sa buong mundo.
bansa.”

Ang Human Development


Report ay pinasimulan ni Mahbub
ul Haq noong 1990. Ayon sa
kaniya, ang pangunahing
hangarin ng pag-unlad ay
palawakin ang pamimilian
(choices) ng mga tao sa pagtugon
sa kanilang mga
pangangailangan.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/
f/fc/Mahbub-ul-Haq.jpg

Ang Human Development Report Office (HRDO) ng United Nations Development


Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga karagdagang palatandaan upang masukat ang:
1. Hindi pagkakapantay-pantay (Inequality-adjusted HDI),
2. kahirapan (Multidimensional Poverty Index) at
3. gender disparity (Gender Inequality Index).

ITO ANG MGA:


A. Ang Inequality-adjusted HDI
- ay ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagi ang kita, kalusugan, at
edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa.

B. Ang Multidimensional Poverty Index


- ay ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at
indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay

9
C. Gender Development Index
- ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mgal alaki at babae.

Ang pagbibigay-pansin sa kaunlarang pantao ay lubhang mahalaga sa paghahanap


ng pamamaraan upang mas mapabuti pa ang kalagayan ng mga tao. Ang human
development ay hindi nakapako sa iisang konsepto lamang. Bagkus, habang nagbabago ang
mundo ay patuloy ring nagbabago ang pamamaraan at konseptong nakapaloob dito. Tanging
ang katotohanang ang pag-unlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto
nito sa pamumuhay ng mga tao.

Pagyamanin

Gawain A
JUMBLE TUMBLE
Panuto: Gamit ang mga pinaghalo-halong letra, tukuyin ang mga konsepto at salitang
inilalarawan ng sumusunod na pahayag. Isulat ang nabuong salita sa inyong notebook.

1. Ang sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng mga lalaki at babae.


- EGDNRE EDVELNPETMO NIEDX
2. Ang nagpasimula ng Human Development Report.
- BAHBUM LU AQH
3. Ang itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa.
- OTA
4. Nilikha upang bigyang-diin na ang mgatao at ang kanilang kakayahan ang dapat na
pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa.
- NHMUA OPETENDVMLE EDIXN
5. Ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at
indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay
- DNMMLTNUOALIISEI RTYOVER DIXNE

Gawain B
PAGKAKAPAREHO AT PAGKAKAIBA
Panuto: Gamit ang Venn Diagram sa ibaba, ilahad ang pagkakapareho at pagkakaiba ng
pagsulong at pag-unlad. Isulat ang nabuong salita sa inyong notebook.

PAGSULONG PAG-UNLAD

10
Isaisip

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Bilang isang Pilipino, ano ang maaaring gawin ng bawat mamamayan upang
matamo ang pambansang kaunlaran?
2. Pagkatapos natutunan ang mga Konsepto at Palatandaan ng Pambansang
Kaunlaran, paano mo mapapahalagahan ang mga ito?

Isagawa
Bilang isang mag-aaral paano mo maipapakita ang iyong pagbibigay-halaga sa
konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran. Ipakita ito sa pamamagitan ng pagguhit,
o paggawa ng tula, o likha ng awit. Gawin to sa inyong kuwaderno.

11
Tayahin
Panuto:
Basahin at suriin nang mabuti ang bawat aytem. Piliin ang tamang sagot at isulat ito
sa inyong kwaderno. Titik lamang ang isulat.

1. Ang pag-unlad ay binubuo ng mga sumusunod maliban sa:


A. Likas-kayang pag-unlad C. Kaseguruhang pangkabuhayan
B. Makataong pamamahala D. Modernisasyon

2. May pag-unlad kung:


A. tumataas ang GNP
B. tumataas ang dami ng naghahanap-buhay
C. dumadami ang pinuno
D. natutugunan ang pangangailangan ng tao

3. Ang sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sapagsulong ng ekonomiya


ng isang bansa maliban sa:
A. likas na yaman C. teknolohiya
B. yamang-tao D. kalakalan

4. Ayon sa kanya ang pag-unlad ay isang progresibo at aktibong proseso.


A. Michael P. Todaro C. Feliciano R. Fajardo
B. Stephen Sy D. Amartya Sen

5. Nagsasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakang pagbabago sa


buong sistemang panlipunan.
A. Makabagong pananaw C. Teknolohikal na pananaw
B. Tradisyonal na pananaw D. Multidimensional na pananaw

6. Sa pamamagitan ng salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang
pinagkukunang-yaman ng bansa na nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng
isangbansa.
A. Yamang-tao C. LikasnaYaman
B. Teknolohiya at Inobasyon D. Kapital

7. Isang mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya sapagkat kung mas


maraming output ang nalilikha ito ay nangangahulugang mas maalam at may kakayahan
ang mga mangagawa nito.
A. Yamang-tao C. Likas naYaman
B. Teknolohiya at Inobasyon D. Kapital

8. Nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na
pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isangbansa.
A. Human Development Index C. Gender Inequality Index
B. Multidimensional Poverty Index D. Human Resource Index

12
9. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga “ugat ng kawalang kalayaan” ayon kay
Amartya Sen sa kanyang akdang Development as Freedom?
A. kahirapan
B. Diskriminasyon
C. Limitasyon s akakayahan ng mga mamamayan
D. pagkakapantay-pantay ng mga tao

10. Ang Human Poverty Index ay sumusukat ng:


A. Kakulangan sa edukasyon ng mga tao. C. Maiklingbuhay ng tao
B. Kakulangan sa kita ng mga tao. D. Lahat ay tama.

Karagdagang Gawain
PANUTO: Gawin ang nakasulat sa ibaba. Ilagay ito sa inyong notebook o sa short bond
paper.

PANUTO: Muling balikan ang mga palatandaan ng pag-unlad. Base sa iyong obserbasyon
sa iyong barangay, ano ang tunay na kalagayan sa mga aspekto ng kalusugan, edukasyon
at antas ng pamumuhay?
Isulat ito sa inyong notebook.

13
Sanggunian

Mga Aklat:

DepEd, 2015. EKONOMIKS, Learners Module (LM)


Project EASE Araling Panlipunan IV, Module 16, Pambansang Kaunlaran.

Websites:
https://mpm.ph/wp-content/uploads/2013/06/sss-logo-medium.png
https://www.sunstar.com.ph/uploads/images/2019/06/10/151831.jpg
https://filipinotimes.net/wp-content/uploads/2020/09/1-11.jpg
https://i1.wp.com/www.yugatech.com/wp-content/uploads/2019/08/bsp-
logo.jpg?fit=720%2C405&ssl=1
http://www.gtcapital.com.ph/storage/uploads/2017/09/59bc94ce59565.png
https://newsinfo.inquirer.net/files/2019/07/new-gsis-logo.jpeg
http://news.berkeley.edu/wp-content/uploads/2016/02/amartya_sen_750.jpg
http://news.berkeley.edu/wp-content/uploads/2016/02/amartya_sen_750.jpg
https://www.instagram.com/p/BPYWUl0jK_R/
https://www.instagram.com/p/CDsiUWtDvbf/
https://www.instagram.com/p/B6XNF-kAgEW/
https://www.instagram.com/p/BHKJD6uhlFd/
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/f/fc/Mahbub-ul-Haq.jpg

15

You might also like