Kabanata 2

Download as pptx, pdf, or txt
Download as pptx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Kabanata 2 Crisostomo

Ibarra
Iprinisinta ni Gian Carlo C. Tolentino
Mga tauhan sa ating tatalakaying Kabanata

• Crisostomo Ibbara
• Don Santiago Delos Santos/ Kapitan Tiyago
• Padre Damaso
• Tenyente Guevara
• Kapitan Tinog
Talasalitaan
• Hiyas- ipinagmamalaking yaman o dangal
• Itulot- pahintulutan o payagan
• Naikaila- naitanggi
• Nasulyapan- napagmasdan; Nakita
• Sinipat- tinignan mula ulo hanggang paa; sinuring Mabuti sa pamamagitan
ng pagtingin
• Napatigalgal- natigilan; natulala
Introduksyon sa naturang Kabanata

• Sa pangalawang kabanata ng Noli Me


Tangere, naka-pokus ang kwento sa pagpunta
ni Kapitan Tiyago at Ibarra sa isang
kasaluhan at kasiyahan sa kanyang bayan
Kabanata 2: Crisostomo Ibarra

• NAPATIGALGAL si Padre Damaso, hindi


dahil sa magagandang dalaga . Hindi rin
dahil sa Kapitan-Heneral at sa mga alay nito,
kundi sa pagpasok ni Kapitan Tiyago na
hawak pa sa kamay ng isang nakaluksang
binata.
Kabanata 2: Crisostomo Ibarra

• Humalik ng kamay si Kapitan Tiyago sa


Dalawang pari at magalang na bumati. Inalis ng
paring Dominiko ang suot na salamin at sinipat
ang binata. Namutla naman at nanlaki ang mga
mata ni Padre Damaso
Kabanata 2: Crisostomo Ibarra
• Pinakilala ni Kapitan si Ibarra bilang anak ng isang kakilala
na nag-aral sa Europa. Tinangkang kamayan ni Ibarra si Padre
Damaso pero agad itong tumalikod
• Si Padre Damaso ay matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra.
Dahil sa biglang pagtalikod ni Padre Damaso ay nakaharap
siya sa tinyenteng kanina pa namgmamasid sa kanila ni Ibarra.
Kabanata 2: Crisostomo Ibarra
• Hindi nakilala ang pahangang mga panauhin nang marinig
angpangalan ng binata. Nakalimutan ni Tenyente Guevara ng Guardia
Civil na batiin si Kapitan Tiyago. Nilapitan niya ang nakaluksang
binata at sinipat ito sa ulo hanggang paa.
• Malusog ang pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha
mababakas ang kagandahan ng ugali. Bagamat siya ay kayumanggi,
mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging dugong
Espanyol.
Kabanata 2: Crisostomo Ibarra
• Nag-usap si Ibarra at si Tinyente sinabing ikinagagalak nila na
makita siya sa kasiyahan na yun. Halos mangiyak-iyak sa tuwa
ang Tinyente habang nag-uusap kay Ibarra.
• Ayon din sa kanya, kilala ang ama ni Ibarra sa kanyang lubos
na kabaitan. Nang nalaman ito, napawi ng binata ang
masamang hinala nito sa masamang hinala ng pagkamatay ng
kanyang ama.
Kabanata 2: Crisostomo Ibarra
• Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya
ang binata. Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.
• Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-
aaral sa Europa, ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong
kamukha niyang panauhin. Ang mga babae ay hindi umimik sa kanya.
Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya. Nakilala niya ang
isang binata rin na tumigil sa pagsusulat.
Kabanata 2: Crisostomo Ibarra
• Malapit ng tawagin ang mga panauhin para maghapunan, nang lumapit si
Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa isang pananghalian
kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang
magtungo sa San Diego sa araw na naturan.
• Isang utusán ng Café La Campaña, isang tanyag na restoran, ang
nagpahayag na nakahanda na ang hapunan. Sunod-sunod na lumapit ang
mga bisita, ngunit ang mga babae, lalo na ang mga Pilipina ay kailangan
pang pilitin.
Pag-usapan natin
1. Bakit napatigalgal si Padre Damaso? Bakit gayon na lamang ang kanyang reaksyon nang makita
si Crisostomo Ibarra?
2. Ilarawan si Crisostomo Ibarra. Alin sa kanyang mga katangian ang lubois mong hinangaan?
Bakit?
3. Anong tuntunin ng pakikipagkapwa ng mga Piliino ang sinasabing nilabag daw ni Crisostomo
Ibarra sa akda? Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan, gagawin mo rin ba ang bagay na ito?
Bakit?
4. Sa iyong palagay, bakit itinuring ni Ibarra ang mga Pilipinang pinakamahalagang hiyas ng ating
bayan?
5. Ganito pa rin ba trinatrato o pinahahalagahan ang ating kababaihan sa kasalukuyan? Patunayan.
Salamat sa pakikinig
at

Pagpalain Tayong Lahat ng


Diyos

You might also like