Filipino 5 Week 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

1

Pangalan: _________________________________Guro: ______________

Baitang at Seksyon: _______________________Petsa: _____________

Pag-uugnay ng Sariling Karanasan


Aralin Wastong Paggamit ng Pangngalan
at Panghalip
1 Isinulat ni Meriam R. Necesito

Mga Inaasahan

Kamusta na kaibigan? Ito ang unang modyul na iyong pag-aaralan para sa


Unang Markahan. Sigurado akong handa ka na para dagdagan ang iyong kaalaman at
kasanayan sa Filipino. Sa araling ito ay lilinangin ang kasanayan sa pag-uugnay ng
sariling karanasan sa napakinggan.Gayundin ang paggawa ng patalastas at usapan
gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita.
Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang mga sumusunod
nakasanayan:

1. Naiuugnay ang sariling karanasan sa napakinggang teksto(F5PN-Ia-4)


2. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa pagtalakay
tungkol sa sarili, sa mga tao, hayop, lugar, bagay at pangyayari sa paligid;
sa usapan; at sa paglalahad tungkol sa sariling karanasan
(F5WG-Ia-e-2), ( F5WG-If-j-3 )

PaunangPagsubok

A. Basahin ang usapan, bilugan ang angkop na pangngalan o panghalip sa


pangungusap.

Sa pamamagitan ng FB Messenger nagkamustahan ang magkaibigan.


Jhasmine: Kumusta ka na Angel? Pasukan na natin sa darating na Lunes.
Angel: Oo nga Jhasmine. Namili na (1. ako, kami) ni Mama ng mgagamit ko sa
paaralan. Kahit hindi tayo pupuntang paaralan nararapat na handa na ang ating mga
(2. gamit, damit).
Jhasmine: Tama ka bestfriend. Inayos ng Mama ko ang isang sulok ng (3. bahay,
kusina) upang doon ako mag-aral.
Angel: Mabuti nalang at gumagana pa ang desktop na ibinigay ni Kuya. Magagamit
ko ( 4. ito, siya) sa pag-aaral.
Jhasmine: Paano kaya ang ating mga kaklase na walang computer?

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Unang Linggo
2

Angel: Ang sabi ni Ma’am Villamor bibigyan daw ang lahat ng (5. mag-aaral,
kabataan) ng Caloocan ng module.

B. Salungguhitan ang ginamit na pangngalan o panghalip sa pangungusap.


1. Pumasa si Marie sa pagsusulit.
2. Siya ang unang umamin, samakatwid isa siya sa may kasalanan.
3. Masayang naglalakad sa parke si Philip kasama ang kaniyang aso.
4. Ikaw ang kasali maliban sa kaibigan mo.
5. Nagpunta sa Hollywood California ang mag-anak.

Pagpapakilala ng Aralin
Bilang panimula ng ating aralin, tawagin mo si Nanay o sinomang nakatatanda
upang basahin nila ang kuwento para saiyo. Maaari rin naman na ikaw na sa iyong
sarili ang magbasa nito.
Pahina ng Buhay
Ni Gng.Cherrie Lou L. Mendoza

Ang buhay ay walang hanggang pakikibaka, ito ang napagtanto ni Sheila nang
siya ay nagkakaedad na. Palaging sinasabi ng kaniyang nanay at tatay na ang buhay
ay parang isang blangkong pahina na ikaw mismo ang susulat ng iyong kuwento.
Palagi niyang sinasabi matapos lang niya ang pag-aaral ay wala na siyang magiging
suliranin. Sa mura niyang isip maraming bagay ang inaakala niyang magagawa na
niya pagsiya ay nakagradweyt. Ngunit siya ay nagkamali, nang makapagtapos sa
kolehiyo ay doon pa lamang nalaman ni Sheila na ito ay umpisa pa lamang ng
tinatawag nakarera ng buhay.
Una na rito ay ang paghahanap ng mapapasukang trabaho. Maraming beses
siyang sumubok, ngunit palaging bigo. Hindi siya sumuko sa lahat ng klase ng
trabaho na pinasok niya. Kahit sampung metro ang haba ng pila sasasakayan ng dyip
ay kaniyang pinagtiya-tiyagaan araw-araw sa pagpasok. Hingal kabayo sa pagod pero
eto ay walang anuman sa kaniya.
Ang araw ng pag-ani ng kaniyang pagsusumikap ay nagbunga. Nagkaroon siya
ng sariling kumpanya at naging adhikain niya ang makatulong sa mga
nangangailangan ng trabaho. Tumanda at nagkaroon ng sariling pamilya. Dumating
na ang araw ng huling pahina ng kaniyang buhay nasabi niya sa kaniyang sarili na
siya ay nakasulat ng isang magandang kuwento.

Maiuugnay mo ba sa iyong sariling karanasan ang mga pangyayari sa kuwento?


Pag-aralan ang kasunod na bahagi.

A. Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Teksto


Ang karanasan ay mga pangyayari sa ating buhay na nakapagdudulot sa
atin ng kasiyahan, kalungkutan, kagalakan at marami pang iba. Ang mga
karanasang ito ay tutulong sa atin na maging matatag sa pagharap ng anomang
pagsubok ng ating buhay. Napahahalagahan ang binasa kung maiuugnay natin ito
sa ating sariling karanasan. May mga bahagi ang teksto na naiuugnay natin sa

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Unang Linggo
3

ating sariling karanasan. Ang mga pag-uugnay na ito ay nagtuturo sa ating ng


mga aral at tumutulong sa pagpapalakas ng ating katauhan.
Sa kuwentong iyong binasa, tukuyin mo ang bahagi ng maiuugnay mo sa iyong
sariling karanasan. May mga nakalaang gawain sasusunod na bahagi.

Pag-aralan mo rin ang wastong gamit ng pangngalan at panghalip na magagamit


mo sa mga susunod na gawain.
B. Wastong Paggamit ng Pangngalan at Panghalip

Pangngalan- Bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay,


pook at pangyayari. Ang dalawang uri nito ay ang PangngalangPantangi,
Tumutukoy sa tiyak na ngalan ng pangngalan. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
Ang PangngalangPambalana ay tumutukoy naman sa di-tiyak na ngalan ng
pangngalan. Ito ay nagsisimula sa maliit na titik.
Halimbawa: 1. Si Sheila ay isang masunurin at matulungin na bata.
2. Siya ay nagtapos ng pag-aaral sa Universidad ng Pilipinas.
Ang salitang may salungguhit ay mga pangngalang pantangi.
1. Mahaba ang pila sasasakayan ng dyip ang kaniyang pinagtiyagaan.
2. Maraming uri ng trabaho ang pinasok ni Shiela.
Ang salitang may salungguhit ay mga pangngalang pambalana.
Panghalip- Ang mga panghalip ay tumutukoy sa bahagi ng pananalita na ginagamit
bilang mga pamalit sa pangalan ng isang tao, bagay, hayop, lugar, o pangyayari.
Mayroong iba’t – ibang uri ng panghalip ayon sa gamit nito sa pangungusap. May mga
panghalip na ginagamit bilang kaganapang pansimuno, layon ng pang – ukol, simuno
o paksa, at tuwirang layon.
Halimbawa: Nagkaroon siya ng sariling kumpanya bunga ng kasipagan.
Ang buhay ay parang isang blangkong pahina na ikaw mismo
ang susulat ng iyong kuwento.
Ang buhay niya ay umudlad dahil sa kaniyang pagsisikap.

Inaasahan ko na nauunawaan mo ang mga tinalakay. Malaya kang magtanong


sa iyong guro kung may ilan sa mga bahaging ito ang hindi mo naunawaan.

Mga Gawain

Gawain 1.1 Sagutan sumusunod na tanong ayon sa isinasaad ng binasang


kuwento.
1. Saan inihahalintulad ng mga magulang ni Sheila ang buhay ng isang tao?
______________________________________________________________________
2. Nang makatapos ng kolehiyo si Sheila. Ano ang kanyang nalaman?
_______________________________________________________________________
3. Ano-anong trabaho ang kaniyang pinasok?
________________________________________________________________________
4. Ano ang katangian ni Sheila ang gusto mong tularan?
_________________________________________________________________________

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Unang Linggo
4

5. Mula sa kuwentong binasa iugnay sariling karanasan.


_____________________________________________________________________________
Gawain 1.2 Punan ang wastong panghalip na nasa kahon sa ibaba ang mga
pangngalang may salungguhit sa unang pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang
sa pangngalawang pangungusap.

kaniya siya niya

ito diyan doon

1. Ang ina ni Carlo ay siInang Maria. __________ ang nag-aalaga kay Carlo
simula pagkabata.
2. Nais ni Baldo bumawi kay Shiela. Nais __________ na bumawi kay Shiela.
3. Natagpuan ko na at hawak-hawak ang nawawalang artikulo. ___________ ang
hinahanap niya kanina pang umaga.
4. Kay Mang Kano ang asong pumanaw. __________ ang asong pumanaw.
5. Ang kinatatayuan mo ay ang silid na tinutukoy ko. ___________ tayo
matutulog mamayang gabi.

Gawain 1.3 Pag-uugnay sa Sariling Karanasan

Basahin mo ang bawat sitwasyon at iugnay mo ito sa iyong sariling karanasan o


sa mga naobserbahan mo sa iyong paligid. Bilugan ang mga ginamit na
pangngalan at panghalip.

1.Kasama sa pangngalaga sa kalusugan ang pagsusuot ng face mask, palagiang


paghuhugas ng kamay at social distancing.

_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

2. Hindi papayagan ng pamahalaan ang pagbabalik ng mga mag-aaral sa paaralan


hangga’t walang bakuna laban sa Covid.

_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

3. Noong nakaraang buwan ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan ang iyong kaklase sa


loob lamang ng kanilang bahay. Hindi tulad noon na palagi silang nasa malayong
lugar o out of town.

_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

4. Halos isang buwan bago umuwi ang kaniyang kapatid na nars sa takot na malagay
sa panganib ang kalusugan ng mga kasama sa bahay lalo na ng kaniyang lola.

_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

5. Nabasa mo sa news na marami ng mga driver ang namamalimos sa kalsada.

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Unang Linggo
5

_____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Rubriks Para sa Gawain 1.1 at 1.3

10 - Nasagot nang napakahusay at kumpleto ang mga tanong

7 – Nasagot nang mahusay at may ilang kulang sa sagot

5 – Hindi gaanong nasagot nang mahusay at maraming kulang sa sagot

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang mga gawain.Upang higit na


mapalawak ang iyong kaalaman, basahin mo ang mga paglilinaw sa bahaging
Tandaan.

Tandaan

 Higit natin napahahalagahan ang binasa kung maiuugnay natin ito sa ating
sariling karanasan maging ito man ay masaya o malungkot.
 Ang pangngalan ay salita o bahagi ng pangungusap na tumutukoy sa ngalan
ng tao, bagay, pook, hayop, at pangyayari. Maaari din naipakilala ng
pangngalan ang isang kaisipan o konsepto. Ang dalawang uri ng pangngalan ay
pantangi at pambalana.
 Ang panghalip ay tumutukoy sa bahagi ng pananalita na ginagamit bilang mga
pamalit sa pangalan ng isang tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari. Ang
dalawang uri ng panghalip ay panao at pamatlig.

May ilang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
natutuhan.

Pag-alam sa mga Natutuhan


Sumulat ng isang maikling talata na tumatalakay sa iyong mga karanasan
sa panahon ng quarantine. Isulat sa talahanayan ang mga ginamit na pangngalan
at panghalip sa talatang iyong isinulat.

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
__________________________________________________________

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Unang Linggo
6

Pangngalan Panghalip

Pangwakas na Pagsusulit

A. Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang sumusunod na tanong.

Nasa Huli ang Pagsisisi

Si Pedro ay ang tipo ng bata na hindi mahilig lumabas ng silid. Pagkatapos ng


kaniyang klase ay diretso na siyang umuuwi sa kanilang bahay. Isang araw, natanaw
niya sa kanilang bintana ma may mga bata na naglalaro ng bola sa labas ng kanilang
bahay. Inggit na inggit siya habang tinatanaw niya ang mga batang nagkakasayahan
at nagtatawanan sabay ng pagpapasahan ng bola sa isa’t isa .Nais man niyang
maglaro, tali siya sa kaniyang gawaing pampaaralan dahil sa pangaral ng kaniyang
magulang na mag-aral muna bago maglaro.

Isang hapon, hindi natiis ni Pedro ang labis napagsabik sa paglalaro. Iniwanan
niya ang kaniyang takdang-aralin at lumabas para makipaglaro sa mga bata sa labas.
Sa sobrang tuwa sa ginawang laro nito, nakalimutan niyang gawin ang kaniyang
takdang-aralin. Umuwi siya na hapong-hapo at dahil sa kapaguran, di man lang
niyang nagawang magpalit ng damit sa pagtulog.

Kinabukasan, hindi namalayan ni Pedro na pumasok siya na walang mga


takdang-aralin. Nang tinawag siya ng kaniyang guro, wala siyang naisagot. Walang
imik siya sa klase dahil sa nangyari. Hiyang-hiya siya sa sarili.

“Pangako ko, tatapusin ko muna ang gawain ko sa klase bago


makipaglaro,”sambit niya sa sarili pagkatapos niyang hindi masagot ang tanong ng
guro.

______ 1. Ano ang ginawa ng bata para makapaglaro siya?


A. Ipinagawa sa iba ang takdang aralin.
B. Naglaro siya muna bago tinapos ang takdang-aralin.
C. Tinapos niya ang takdang-aralin at nakipaglaro sa mga bata.
D. Naglaro siya hanggang sa nalimutang gawin ang takdang-aralin.

______ 2. Ano ang nangyari sa klase na tinawag siya ng kaniyang guro?


A. Nainggit sa kaniya dahil sa mayos niyang sagot.
B. Pinagtawanan siya ng kaklase dahil wala siyang masagot.
C. Natuwa sa kaniya ang guro dahil sa maayos na sagot nito.
D. Dahil hindi pa tapos sa paggawa ng mga takdang-aralin.

______ 3. Ano ang ipinangako niya sa sarili?


A. Gagawin ang takdang –aralin habang naglalaro.
B. Mag-aaral siya nang mabuti para sagutin ang pagsusulit.
C. Tatapusin niya muna ang laro bago ang takdang-aralin.

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Unang Linggo
7

D. Tatapusin muna niya ang takdang-aralin bago makipaglaro.

______ 4. Ano ang aral na natutuhan ni Pedro sa pangyayaring ito? Maging _______.
A. masaya sa lahat ng oras.
B. masigla sa pakikipaglaro.
C. disiplinado sa lahat ng oras.
D. matulungin sa lahat ng oras.

______ 5. Kinabukasan, hindi namalayan ni Pedro na pumasok siya nawalang mga


takdang-aralin. Ang salitang may salungguhit ay isang ____?
A. panghalip B. pangngalan C. pang-uri D. pang-abay

______ 6. Nakalimutan niyang gawin ang kaniyang takdang-aralin. Ang salitang ito ay
pangngalan na nagsasaad ng ngalan ng _____.
A. tao B. bagay C. hayop D. pangyayari

______ 7. Natanaw _____ ang mga batang naglalaro sa labas ng bahay. Ano ang
angkop na panghalip sa pangungusap.
A. dito B. kanya C. niya D. kami

______ 8. Walang imik siya sa klase dahil sa nangyari. Ano ang salitang panghalip sa
pangungusap?
A. imik B. siya C. nangyari D. dahil
9.-10. Pumili ng isang pangyayari sa kuwento ang pwede mong iugnay sa iyong
karanasan.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
______________________________________________________________.

Pagninilay

Mula sa kuwentong binasa na may pamagat na “Pahina ng Buhay” bumuo


ng isang patalastas ng pag-aanunsiyo ng trabaho. Gamitin ang pangngalan at
panghalip upang bumuo.

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Unang Linggo
8

Rubrik saPagsulat ng Tula

ANYO 5 4 3 2 1

*pagsunod sa uri at anyong hinihingi o ipinasusulat

GRAMATIKA

*paggamit ng pangngalan at pangnghalip

PAGKAMALIKHAIN

*katangi-tanging estilo sa pagsulat

NILALAMAN

*may kaugnayan sa paksang ibinigay

5-Pinakamahusay 2-Mapaghuhusay pa
4-Mahusay 1-Nangangailangan pa ng mga
3-Katanggap-tanggap pantulong na pagsasanay

Binabati kita sa ipinakita mong pagtitiyaga at kahusayan. Kung mayroong bahagi sa


modyul na ito na hindi mo naunawaan mangyaring makipag-ugnayan ka saiyong guro.

Modyul sa Filipino 5
Unang Markahan: Unang Linggo

You might also like