Quinones Grade 4 Filipino Lesson Plan

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Banghay-Aralin sa Filipino IV Wika

I. Layunin
Pagkatapos ng tatlumput-lima minuto ang mga mag-aaral ay maaari ng:
A. Tukuyin sa mga salitang nabasa na nagpapahiwatig o nagbabala.
B. Pag-uuri ng mga pangungusap ayon sa gamit at kayarian.
C. Gamitan ng mga ibat-ibang bantas ang pangungusap.

II. Paksa at Aralin:


Paksa: Pagkilala sa ibat-ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit at kayarian
nito. Sanggunian: Hiyas sa Filipino IV p.10-13, 16
http://lessonproper.blogspot.com/2011/06/uri-ng-pangungusap-ayon-
sagamit.html Kagamitan: Laptop at plaskard

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
Guro: Magandang araw mag-aaral. Bago
tayo magsisimula sa ating aralin, sino ang
magboluntaryong manguna sa Mag-aaral: Ako po Guro.
panalangin.
b. Pagbati. Mag-aaral: Magandang araw din sayo
Guro: Sa uulitin magandang araw sa aming Guro.
inyo.
c. Pambungad na awit
Guro: Bago tayo magsi-upo awitin muna Mag-aaral: Maraming salamat po.
natin ang “Ako ay may Ulo”
Guro: Pwede na kayong umupo.
d. Pagtala ng lumiban sa klase. Mag-aaral: Wala po.
Guro: Mag-aaral, sino ang lumiban
ngayon na araw?
Guro: Mabuti at walang lumiban.
e. Paglalahad ng pamantayan sa Mag-aaral: Una, ipataas ang kanang
klase. kamay kapag gustong sasagot.
Guro: Ano nga ang mga pamantayan sa Pangalawa, huwag maingay at makinig
klase? sa guro.

f. Balik-Aral
Guro: Sa nakaraang aralin may pinasagot Mag-aaral: Opo Guro.
akong assignatura sa inyo. At ito ay
ipapasa sa harapan.
B. Paglinang ng Gawain
a. Pagganyak
Guro: Mayroon akong plaskard
dito, huhulaan ninyo kung ano ang Unang Mag-aaral: Padamdam
tamang salita. (Ipapakita ang Pangalawan: Nagsasalaysay
plaskard) Ika-tatlo: Pautos
1. PDAMAAMD Ika-apat: Patanong
2. NAGASASYALASY Ika-lima: Pakiusap
3. PUAOTS
4. PTAANNOG
5. PAIKSUAP

b. Paglalahad
Guro: May mga pangungusap ako
rito. At pakibasa ang sumusunod.
Magpapakita ang guro ng ibat- 1. Namangha si Rene nang mabasa ang
ibang uri ng pangungusap sa nakapaskil sa harap ng kanilang tahanan.
pisara.
Basahin ang mga sumusunod: 2. Bukas ay magsadya po kayo sa taong
(Tatawag ng bata) napagsanlaan ng lupa at sabihing
makikipag- ayos po tayo.

3. Huwag po kayong mag-alala.

4. Bakit kaya? Ano ang nangyari?

5. Inay! Itay! Narito na po ako!

Mag-aaral: Ito po ay mga pangungusap.

Guro: Mga bata pansinin ang mga


nakapaskil sa pisara. Ano-anu ang mga Mag-aaral: Ito po ay lipon ng mga salita
nakapaskil na ito, sino ang may ideya? na buo ang diwa. Ito po ay nagsisimula
sa malaking titik.
Guro: Tama, ito ay mga pangungusap.
Ano nga ulit ang pangungusap.

Mag-aaral: Opo, mahal naming guro.


Guro: Ako`y nagagalak sapagkat tama
ang inyong mga sagot.

Guro: Mabuti ba kayong tagapakinig?

C. Pagtatalakay
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita
na buo ang diwa. Binubuo ito ng panlahat
na sangkap, ang simuno at panag-uri.
Ano-anu ang mga ito?

1. Nagsasalaysay- pangungusap na
nagkukwento o nagsasalaysay ng
pangyayari. Ito ay nagtatapos sa tuldok.
(.)

Halimbawa: Mag-aaral: Ang aking aso ay mataba at


a. Si Ana ay tumatakbo. malusog.
b. Ang ibon ay lumilipad.
Guro: (Tatawag ng mag-aaral) Bibigay ng
pangungusap na nagsasalaysay.

2. Pa-utos- pangungusap na nag-uutos at


nagtatapos sa tuldok. (.)

Halimbawa: Mag-aaral: Magtanim ka nga ng halaman


a. Magdilig ka ng halaman. sa harden.
b. Magsibak ka ng kahoy
Guro: (Tatawag ng mag-aaral) Bibigay ng
pangungusap na pautos.

3. Pakiusap- pangungusap na maaring


nagsasaad ng paghingi ng pabor.
Ginagamitan ng magagalang na salita
upang maki-usap. Maaring nagtatapos sa
bantas na tuldok o tandang pananong
(. / ?)
Mag-aaral: Maaari bang paki-abot ang
Halimbawa kutsara sa akin.
a. Maari ba akong humiram ng lapis.
b. Pakisara po ang pinto.
Guro: (Tatawag ng mag-aaral) Bibigay ng
pangungusap na pakiusap.

4. Patanong- pangungusap na
naghahanap ng kasagutan at nagtatapos
sa bantas na tandang pananong. (?)

Halimbawa: Mag-aaral: Paano ko kaya ito sisimulan?


a. Nasaan na ba ang aking apo?
b. Kaya mo bang buhatin ‘yan?
Guro: (Tatawag ng mag-aaral) Bibigay ng
pangungusap na patanong.

5. Padamdam- pangungusap na
nagpapahayag ng matinding damdamin.
Maaring pagkatuwa, pagkabigla,
pagkatakot o pagkalungkot. Ito ay
nagtatapos sa tandang padamdam. (!)

Halimbawa: Mag-aaral: Hay naku! Ang init na naman!


a. Naku! Ang daming aso!
b. Bilisan mo! Umuulan na!
Guro: (Tatawag ng mag-aaral) Bibigay ng
pangungusap na padamdam.
Mag-aaral: Ang pangungusap ay lipon ng
mga salita na buo ang diwa. Binubuo ng
D. Pangkalahatan simuno at panag-uri.

Guro: Ano ang pangungusap? Mag-aaral: Lima po ang Uri ng


pangungusap ayon sa gamit ito po ay ang
mga pangungusap na pasalaysay,
patanong, pakiusap, pautos at
Guro: Ilan ang mga Uri ng Pangungusap padamdam.
ayon sa gamit at Anu-ano ang mga ito?

Mag-aaral: Ang pangungusap na


pasalaysay, pautos at pakiusap ay
Guro: Aling bantas nagtatapos ang nagtatapos sa tuldok.
pangungusap na pasalaysay, pautos at
pakiusap?
Mag-aaral: Ang pangungusap na
Guro: Anong pangungusap ang patanong ay nagtatapos sa bantas na
nagtatapos sa tandang pananong? tandang pananong.

Guro: Anong pangungusap ang Mag-aaral: Ang pangungusap na


nagtatapos sa tandang padamdam? padamdam ay nagtatapos sa bantas na
tandang padamdam.

IV. Pagtataya:
A. Subukan Natin
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos,
Pakiusap, Patanong o Padamdam. Lagyan ng tamang bantas.
1. Si Lisa ay matalinong bata_
A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

2. Hay Naku_ Kayo na ang mag-usap__


A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

3. Saan ka pupunta_
A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

4. Dalhin mo sa akin ang lapis na ‘yan_


A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

5. Paki abot po ng lapis ko_


A. pasalaysay B. pautos C. patanong D. pakiusap E. padamdam

Sagot:
Bilang Titik Bantas
1 A pasalaysay tuldok (.)
2 E padamdam Tandang
padamdam (!)
3 C patanong Tandang
pantanong (?)
4 B pautos Tuldok (.)
5 D pakiusap Tuldok (.)

B. Subukan Mo Na
Panuto: Tukuyin ang uri ng pangungusap ayon sa gamit: Pasalaysay, Pautos,
Pakiusap, Patanong o Padamdam. Lagyan ng tamang bantas.

__1. Mabilis akong tumakbo sa bintana at sumilip ako__


__2. Maaari po ba akong humiram ng pera_
__3. O, bakit ka nadapa_
__4. Sige, Gina, patuluyin mo_
__5. Dito na ba sila patitirahin_
__6. Naku_ may sunog_
__7. Huwag mong intindihin ‘yon_
__8. Kumain na tayo_
__9. Napatingin ako sa tatay _
__10. Kinapos ng pagkain si Aling Gloria_

Sagot:
Bilan Uri ng Pangungusap Bantas
g
1 Pasalaysay (.)
2 Pakiusap (.)
3 Patanong (?)
4 Pasalaysay (.)
5 Patanong (?)
6 Padamdam (!)
7 Pasalaysay (.)
8 Pasalaysay (.)
9 Pasalaysay (.)
10 Pasalaysay (.)

V. Takdang Aralin:
Sumulat sa iyong kwaderno ng tig-dalawang pangungusap na Pasalaysay, Pautos,
Pakiusap, Patanong at Padamdam.

You might also like