Banghay Aralin

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kaizen Joy A.

Villas
BSEd FILIPINO 3B

MASUSING BANGHAY-ARALIN

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang:

a. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng panghalip


b. Nakakabuo ng sariling halimbawa sa bawat uri ng panghalip
c. Napapahalagahan ang gamit ng panghalip sa bawat uri nito sa pangungusap

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Ang Panghalip
b. Sanggunian: Daloy ng Mithi 7 sa pahina 96-99
c. Kagamitan: Visual aids, Flash cards at Tv
d. Pagpapahalaga: Mapahalagahan ang gamit ng panghalip sa pangungusap.

III. Pamamaraan
AWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN

1. Pambungad na Panalangin
Sa ngalan ng Ama, ng Anak at Espiritu
Bago tayo magsimula sa ating Santo… Amen.
talakayan ay magsitayo muna ang
lahat para sa ating panalangin.

2. Pagbati

Magandang Umaga/Hapon sa inyong Magandang Umaga/hapon din po Bb.


lahat. Villas.

Bago kayo umupo ay ayusin niyo


muna ang inyong mga upuan at
pulutin ang mga basura.

3. Pagtala ng liban

(Tatawagin ang Classs Monitor)


May lumiban ba sa araw na ito? Wala pong liban sa amin, Ma’am.

Ngayon, handa na ba ang lahat para sa


bagong paksa na ating tatalakayin? Opo, Ma’am.

4. Pagbabalik- Aral

Bago tayo tumungo sa ating aralin ay


balikan muna natin ang ating tinalakay
noong nakaraang araw.

Buhat sa iyong natutunan noong Estudyante 1: Ang pandiwa po ay mga


nakaraang talakayan, Ano ang salitang nagsasaad ng kilos.
pandiwa?

Tama!

Ngayon upang matukoy ko kung


talagang nauunawaan niyo ang ating
tinalakay noong nakaraan, may
inihanda akong gawain para sa inyo.

Panuto: Salungguhitan ang mga Mga Sagot:


PANDIWA sa bawat pangungusap.

1. Naglilinis ako ng bahay 1. Naglilinis


tuwing umaga. 2. Naglalaba
2. Naglalaba ang ina sa ilog. 3. Naglalaro
3. Masaya kaming naglalaro sa
plaza.

(tumawag ang guro ng tatlong (Ang mga pangalan na tinawag ay


mag-aaral para sagutin ang nagsipagtayo at sinagutan ang gawain)
katanungan)

Magaling klas! At talagang


naunawaan niyo ang ating
talakayan noong nakaraang araw.
(Ang lahat ng mag-aaral ay
Kung gayon ay nararapat lamang nagpalakpakan)
na bigyan kayo ng isang
masigabong palakpakan.
5. Pagganyak: Buuin mo ako!

 Papangkatin ang mga mag-aaral sa


dalawang grupo.
 Ang bawat pangkat ay bibigyan ng supot
na may lamang nakagulong mga letra
 Paunahan sa pagsasaayos ng mga letra at
ipaskil sa pisara.

6. Pag-alis ng sagabal

Ngayon naman ay tutunghayan natin


ang mga kahulugan na kung saan ay
makakatulong sa inyo upang lubos
niyong maunawaan ang ating paksang
tatalakayin.

B. Paglinang ng Gawain

1. Paglalahad ng paksa

Ngayon bago tayo magsimula sa ating (sabay-sabay na binasa ng mga mag-


aralin ay alamin muna natin ang mga aaral ang nakalagay na layunin sa
sumusunod na layunin para sa araw na ito. powerpoint).
Basahin ito ng sabay-sabay.

At ang ating pag-aaralan ngayon ay ang


panghalip at ang mga uri nito.

Handa na ba ang lahat? Opo!

2. Pagtatalakay

Matapos alisin ng guro ang mga salitang


sagabal, ay kanyang tatanungin ang mga
mag-aaral sa kanilang kaalaman sa
kahulugan ng panghalip.

Pagkatapos marinig ng guro ang mga


kasagutan ng mga mag-aaral, ibibigay niya
ang tunay na kahulugan nito.

Panghalip- ay mga salitang ginagamit na


pamalit o paghalili sa pangalan ng tao,
bagay, hayop, lugar, pangyayari o
pangngalan.

Mayroong apat na uri ng panghalip:


1. Panghalip Panao
-Ito’y ipinapalit sa pangalan ng tao.
Mayroon itong tatlong kaukulan.

2. Panghalip Pamatlig

-ipinapalit sa pangalan ng lugar o


pangngalang nagpapahayag ng layo o
distansya ng mga bagay sa nagsasalita
o nakikinig.
Hal.
Ito ang hinahanap niyang artikulo
kanina. (malapit)
Iyan ang silid na sinasabi nilang may
multo. (malayo)

3. Panghalip Pananong
-panghalip na ginagamit sa
pagtatanong.
Hal.
Sino ang kumain ng pagkain sa mesa?
Saan patungo ang langay-langayan?
Magkano ang asong nakadungaw sa
bintana?

4. Panghalip Panaklaw
-ito ay nasa anyong walang lapi
katulad ng iba, kapwa, isa, lahat,
marami at kaunti. Kasama rito ang
mga salitang may hulaping man tulad
ng saanman, sinuman, anuman, at
alinman.

Hal.
Dahil sa pagsabog ng bulkan, marami
ang nawalan ng trabaho.

Kailanman ay hindi ako susuko sa iyo.

Opo!
Naunawaan niyo ba ang aking
tinalakay?

Kung gayon ay magbigay ng


pangungusap ayon sa nakatala sa
ibaba.

1. Panghalip Panao
2. Panghalip Pamatlig
3. Panghalip Pananong
4. Panghalip Panaklaw
(Ang mga pangalan na tinawag ay
nagsipagtayo at nagbigay ng sagot)
(tumawag ang guro ng apat na
mag-aaral para sagutin ang
katanungan)

3. Paglalapat

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang


bawat panghalip na nakatala.

1. Kami
2. Iyo
3. Dito
4. Ito
5. Kailan

C. Pangwakas na Gawain Ang panghalip ay mga salitang


1. Paglalahat ginagamit na pamalit o paghalili sa
Sa kabuuan, ano ang panghalip? pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar,
pangyayari o pangngalan.

Panghalip Panao
Ano naman ang apat na uri ng Panghalip? Panghalip Pamatlig
Panghalip Pananong
Panghalip Panaklaw

MAGALING! Lubos nga ninyong


naunawaan ang ating talakayan..

D. Pagtataya
Panuto: Kumuha ng isang kalahating papel at
sagutan ang mg sumusunod. Salungguhitan
ang panghalip sa bawat pangungusap at isulat
sa patlang kung anong uri ito.

1. Saan ka magtutungo?
2. Nakita ko silang dumaan dito kanina.
3. Lahat tayo ay pupunta sa kaarawan ng lola
mo.
4. Akin ang pantasang iyan!
5. Marami ang pumunta sa Mabini Shrine
noong nakaraang Sabado.
6. Tiyak na mahuhulog ka sa kanya kapag
nagpatuloy pa iyan.
7. Ito ba ang pinamumukha mo sa akin?
8. Huwag kang makulit dahil may ginagawa
ako.
9. Sila ay sama-samang magsisimba sa
Linggo.
10. Tayo’y magpasalamat sa Diyos sa mga
biyaya niya sa atin.

E. Takdang- Aralin
Panuto: Isulat sa isang buong papel. Gumawa
ng isang sanaysay o diyalogong ginagamitan
ng mga panghalip. Salungguhitan ang mga
panghalip.

You might also like