Buod Saranggola

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Buod ng Kwentong “Saranggola” Ni Efren R.

Abueg

Ang kwentong "Saranggola" ay ang pagpapahalaga sa pagtitiyaga, husay, at pag-aaral

sa mga hamon ng buhay upang makamit ang mga pangarap. Ang pagiging matagumpay ay

hindi nasusukat sa laki o taas ng ating mga ambisyon o pangarap. Ito ay dumadaan sa tamang

proseso ng pag-aaral, tiyaga, at dedikasyon sa abot ng ating kakayahan.Ipinakita sa kwento

ang halaga ng pagtitiyaga at pagpapahalaga sa pagsisikap upang makamit ang pangarap. Hindi

lamang ang laki ng pangarap ang mahalaga, kundi ang determinasyon at tiyaga sa pag-abot sa

mga ito. Sapagkat ito’y naglalarawan ng paglalakbay ng isang binata patungo sa tagumpay.

Ipinapakita nito na ang tamang proseso ng pag-aaral, tiyaga, at dedikasyon ay mahalaga sa

pag-abot ng mga pangarap.Napakita rin sa kuwento ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga

hamon ng buhay at pag-unawa sa mga ito. Ang pangarap ay hindi magiging madali, at ito ay

dapat pag-aralan at daanan sa tamang paraan. Sa pamamagitan ng karakter ng bata, na unang

humingi ng guryon mula sa kanyang ama, napakita ang katotohanan na ang bawat hakbang

patungo sa tagumpay ay puno ng mga pagsubok. Ang pangarap ay hindi laging madali, at

kailangan itong daanan nang may tiyaga at husay.Isang mahalagang aspeto ng kwento ay ang

kabuluhan ng pagtanggap at pagsunod sa payo ng mga nakatatanda. Napagtanto ng karakter

ang halaga ng payo ng kanyang ama at pag-unawa sa kanyang mga magulang sa paglipas ng

panahon. Ipinakita sa kwento na ang karunungan ng nakatatanda ay may kabuluhan at

maaaring magbigay-liwanag sa tamang landas patungo sa tagumpay. Ang kanilang karanasan

at kaalaman ay mayroong saysay at maaaring magbigay-liwanag sa tamang landas patungo sa

tagumpay.Sa pagpapahalaga sa tamang proseso ng pag-aaral at pagtitiyaga, natutunan ng

pangunahing karakter sa kwento na ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa laki ng

pangarap, kundi sa dedikasyon at husay na ipinakita sa bawat hakbang patungo sa mga ito.

You might also like