Maikling Kwento Tungkol Sa Pag-Ibig (8 Kwento) - Pinoy Collection
Maikling Kwento Tungkol Sa Pag-Ibig (8 Kwento) - Pinoy Collection
Maikling Kwento Tungkol Sa Pag-Ibig (8 Kwento) - Pinoy Collection
Visit Site
Stay updated with the latest fan favorite Chinese dramas. Watch now for free on
Viu. Viu
! MENU
Ang mga ito ay kathang-isip lamang ng mga sumulat ngunit siguradong may
mapupulot kayong mga aral sa bawat kwento.
Si Wigan at si Ma-I
Dalawang libong taon na ang nakalilipas, may alitan ang bayan ng Banaue at
Mayaoyao. Itinuturing noon na isang karangalan ang makapatay ng kalaban. Sa
panahong ito nabuhay si Wigan, anak ng hari ng Banaue na si Ampual.
Papatayin na sana ni Wigan ang dalaga nang pigilin siya ng isang ahas. Nakilala
niya na ang ahas ay si Lumawig, ang diyos ng kalangitan.
“Maaaring pinaslang niya ako nang mahuli niya akong naliligo sa kanyang
lupain ngunit siya ay nahabag. Sa halip, sinamahan pa niya ako pauwi nang
ligtas sa anumang kapahamakan. Mahabag ka sa kanya. Ama, tulad ng
pagkahabag niya sa akin,” nagmamakaawang sabi ng dalaga.
US to Philippines
“Siya ay mamamatay kung hindi niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili,”
pahayag ng hari. “Mga mamamayan ng Mayaoyao, piliin ninyo ang
pinakamahusay nating mandirigma upang makatunggali ng binatang mula sa
Banaue. Ang magwawagi sa labanan ang siyang magiging asawa ng aking
anak.”
MF Home Store
“Ako ay matanda na. Hindi magtatagal at makakapiling ko na rin ang ating mga
ninuno. Bago ito mangyari ay nais kong makita ang aking anak na mag-asawa
at handa nang pumalit sa akin. Narito ang dalaga mula sa Mayaoyao. Mga
dalaga ng Banaue, piliin ninyo kung sino sa inyo ang pinakamaganda na maaari
nating itapat sa panauhing padala ni Lumawig. Mula sa dalawa, pipiliin namin
ng aking anak kung sino ang higit na maganda.
Pumili ang mga mamamayan ng Banaue ng dalagang itatabi nila kay Ma-i.
Nang sila ay makapili, lahat ay sumang-ayon na iyon na nga ang
pinakamaganda sa mga taga-Banaue.
Nagtanong si Ampual.
Inihayag ng hari na nagwagi si Ma-i. Nagalak ang mga tao. Sa kasiyahang ito,
nagwika si Ma-i.
“May isang kahilingan po ako, dakilang pinuno ng Banaue. Hayaan niyong ang
dalagang aking nakatapat ay manatiling buhay nang walang kahihiyan. Ito’y
upang ang kanyang karanasan ay magsilbing alamat ng ating mga anak.”
Aral:
Ngayon naman, ang binata ang humihingi sa kanya ng tulong. “Maganda pong
talaga ang prinsesa kaya tulungan po ninyong magtagumpay ako sa kanya.”
Nang gabi ring iyon, nasa labas na nga siya ng silid ng prinsesa at handang
magbantay. Biglang nabuksan ang pinto at tumambad sa kanyang paningin ang
napakagandang binibini.
Nilapitan niya ang prinsesa at sila’y nagsayaw. Nagsayaw sila nang nagsayaw
hanggang mapagod ang dalaga at halos mabutas ang mga suwelas ng
sapatos.
Muling isinoot ng binata ang balabal nang paalis na ang karwahe at sila’y
bumalik sa palasyo.
Aral:
Si Ederlyn
Isinulat ni Arriane Arlie Antonio
Patapos na ang ikalawang semestre noon. Kung kaya’t hindi mapiglan ni Alex
na gumawa ng paraan upang ipagtapat na kay Ederlyn ang kanyang
nararamdaman. Gumawa siya ng sulat at inipit ito sa aklat na nasa mesa ni
Ederlyn habang break time ng mga estudyante.
Pag uwi sa bahay, hindi mapakali si Alex dahil nag-aalala siya sa kung anong
mangyayari matapos basahin ni Ederlyn ang sulat. Kinabukasan, hindi siya
pinapansin o kinakausap man lang ni Ederlyn. Ganito nang ganito ang
pangyayari sa dalawang araw matapos niyang ibigay ang sulat. Sa sobrang
lungkot na tila ba gumuho na ang mundo ni Alex, hindi na siya nakapagpigil na
lapitan at kausapin si Ederlyn. Ngunit bago pa man siya makapagsalita, may
iniabot si Ederlyn na maliit na papel sa kanya sabay alis na wala man lang
siyang narinig na anumang salita mula dito. Nang buklatin niya ang papel, isa
pala itong imbitasyon sa isang piging na gaganapin sa bahay nila Ederlyn.
Kinabukasan ay pumunta siya sa piging. May kalayuan at liblib pala ang lugar
nitong si Ederlyn. Pagkarating niya doon, agad na may sumalubong sa kanya
na isang karwahe. Lulan ng sasakyang ito si Ederlyn. Iniaabot ni Ederlyn ang
kanyang kamay kay Alex upang pasakayin sa karwahe.
Pagkarating nila sa isang malaking hardin, napansin ni Alex na tila siya lamang
ang naiiba sa kanilang lahat dahil ang lahat ng taong nandoon ay pawang mga
dugong bughaw. Ang kulay ng kanilang mga buhok ay ginto. Lahat sila ay
mapuputi at anyong mayayaman.
Hindi naman niya naramdamang siya ay naiiba sakanila pagkat ang mga tao
doon ay mababait at may pakisama sa kaniya. Kahit pasulyap-sulyap lamang
siya kay Ederlyn, ang gabing iyon ay maituturing niyang pinakamasaya
sapagkat nakasama niya at nakilala ang pamilya ni Ederlyn.
Ngunit, biglang nawala ang lahat at tila ba naglaho na parang bula ang mga tao
sa paligid maging si Ederlyn. Nagising siya sa isang kwarto na tila ba pamilyar
sa kanyang paningin. Nakita niya ang kanyang ina na tuwang-tuwa at
nagpapasalamat dahil nagising na ang kanyang anak.
Sinabi ng kanyang ina na isang linggo na raw siyang wala sa sarili. Wala siyang
kilala kahit isa sa kanyang mga kamag-anak at lagi raw siyang nakatulala.
Nagsimula raw ito matapos siyang matagpuan ng isang lalaki na nakahandusay
sa gitna ng kalsada sa isang di-kilalang lugar.
Nagising na lamang daw siya nang may isang batang hindi taga-roon ang nag-
abot ng isang maliit na papel sa kanyang ina. Binigay ng ina ang sulat kay Alex.
Binuksan niya ito at nakasulat ang mga salitang…
— Ederlyn
Aral:
Kilalaning mabuti ang taong iibigin. Kadalasa’y mas mabuti kung maging
magkaibigan muna kayo bago pumasok sa isang relasyon. Sa ganitong
paraan, unti-unti mong makikilala ang taong nais mong pag-alayan ng iyong
pag-ibig.
Ugaliing manalangin sa lahat ng panahon at pagkakataon. Hiling
in sa Diyos na patnubayan ka sa lahat mong ginagawa upang hindi ka
mabiktima ng mga di-maipaliwanag na elemento sa mundong ito.
Wala na Siya
Mula sa website na limarx214.blogspot.com
Ngunit ngayon ngang wala na si Donna, paano na ang kanyang mga bukas na
darating? Sino na ang kasama niyang bumuo ng pangarap na sa tagal
makumpleto ay tila jigsaw puzzle na may mga maliliit na piraso? Paano ba siya
gigising sa umaga kung wala na ang kaisa-isang dahilan ng kanyang
pagbangon? Sino na ang kasama niya tuwing gabi na bumilang ng mga bituin
sa langit? Paano ba siya bubuo ng tahanan kung ang haliging susuhay rito’y
ipinagdamot ng tadhana?
Sapo-sapo ni Ralph ang kanyang noo tila ba mahuhulog ito kasabay ng mga
luha niyang bigla na lamang pumatak nang marinig niyang wala na nga si
Donna. Napasandal siya sa pader at walang lakas na napaupo at napahagulgol
sa labis na galit at kalungkutan. Kung bakit naman kasi sa dinadami ng mga
araw ay ngayon pang araw nawalan ng power ang battery ng kanyang
cellphone. Marahil ay tumatawag sa kanya ang mga kapatid ni Donna nang
mga sandaling nag-aagaw buhay ito, nakausap man lang niya sana ito kahit sa
huling sandali. Marahil ay galit sa kanya ang ina ni Donna dahil sa pag-aakalang
pinabayaan niyang bawian ito ng hininga habang pangalan niya ang hinahanap
at tinatawag.
Kung gaano siya kasaya kaninang umaga, napalitan ito ng kawalan ng pag-asa.
Aral:
Tren
Isinulat ni eyeshield7788 mula sa Symbianize.com
Ang tren na to ay nagdadala ng ibat-ibang uri ng tao. May mga lulong sa bisyo,
manloloko, mga gumagamit ng bawal na gamot, mga kabataang rebelde,
mamatay tao, magnanakaw, at marami pang iba. Sila ang mga taong kadalasan
ay may gustong takasan, gustong takasan ang buhay, lugar, alaala, at mga
taong kanilang sinira.