DLP Fil 5 Week 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION I
SCHOOLS DIVISION OFFICE II OF PANGASINAN
LAOAC DISTRICT
CABILAOAN ELEMENTARY SCHOOL

LESSON PLAN IN FILIPINO 5


Grade
School CABILAOAN ELEMENTARY SCHOOL V- MAUNAWAIN
Level
Learning
Teacher LEAH MAY DIANE M. CORPUZ FILIPINO
Area
Teaching Date and
Sept. 28, 2023 – 9:00-9:50 Quarter FIRST
Time

I. OBJECTIVES
Sa dulo ng aralin ang mag aaral ay inaasahan na:

A. Naipahahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakingggan


balita, isyu o usapan.
B. ang ibat – ibang pahayag na karaniwang ginagamit sa pagpapahayag ng
sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu, o usapan.
C. Napahahalagahan ang matalinong pagbibigay ng sariling opinyon o
reaksyon sa napakinggang balita, isyu o usapan.

A. Content Standards
Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag unawa sa
napakinggan.

B. Performance Standard
Nakapagbibigay ng sariling pamagat para sa napakinggang kuwento at
pagsasagawa ng roundtable na pag uusap tungkol sa isyu o paksang
napakinggan.
Naipahahayag ang ideya/kaisipan/damdamin/reaksyon sa isang napaki nggang
C. Most Essential Learning
balita, isyu o usapan.
Competencies (MELC)
( F5PS-la-j-1 )
(if available, write the indicated
MELC

D. Enabling Competencies
(if available, write the attached
enabling competencies)
II. CONTENT A. Pag-unawa sa kahulugan ng sariling opinion o reaksyon sa
napakinggang balita
B. Pagbabahagi ng sariling opinion o reaksyon sa iba.
C. Pagsasabuhay ng matalinong pagbi bigay ng sariling opinion at
reaksyon.
III. LEARNING RESOURCES

A. References
Learner’s Material FILIPINO V
Quarter 1 Module 5, week 5
Textbook Pages Alab Pilipino pp. 3-7
Other Materials Powerpoint, pictures, video clip (https://www.youtube.com/watch?
v=ddMh0uE9Cfk
IV. PROCEDURES
1. PANALANGIN
2. BALIK-ARAL:
Naibibigay ang kahulugan ng pangngalan at dalawang uri nito
- pantangi
- pambalana

PAGGANYAK :
Pagbuo ng puzzle. Bumuo ng 4 ng grupo.

Bago tayo magsimula sa araling ito nais ko munang malaman ang


inyong masasabi sa larawang aking ipakikita.

reaksyom masaya reaksyon malungkot

A. Introduction
PAGLALAHAD

Panununod ng video clip


https://www.youtube.com/watch?v=ddMh0uE9Cfk

1. Ano ang iyong saloobin o masasabi sa nilalaman ng balita ?

- Magaling ang tawag sa inyong pahayag ay OPINYON

2. Ano ang damdamin mo matapos mong mapakinggan ang balita?

- Mahusay ang tawag sa iyong sinabi ay REAKSYON

Math at MTB Integration


-Ipasulat sa pisara ang salitang reaksyon at opinyon
-Ipabilang kung ilang pantig ang bumubuo sa bawat salita

A. Alamin

Opinyon - sariling palagay, pananaw o saloobin sa isang napakinggang balita ,


isyu o usapan

Reaksyon – damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon o pagsalungat sa mga


balita, isyu o usapan na narinig.

Ang pagbibigay reaksyon ay isang mabuting kasanayan dahil naipahahayag


natin ang ating mga saloobin, opinion o pananaw tungkol sa mga kaisipang
inilahad. Sikapin lamang natin na maging magalang upang maiwasann natin ang
makasakit ng damdamin ng ating kapwa.

Mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng opinion o reaksyon

- Sa palagay ko
- Sa aking opinyon
- Sa aking pananaw
- Sa tingin ko
- Para sa akin
- Kung ako ang tatanungin
- Naniniwala ako

PAGTALAKAY
B. Development
A. Subukin

Sa bahaging ito ng ating aralin ay pag uusapan naman natin ang isang isyu
tungkol pabago bagong klima ng ating bansa.
Makinig kang mabuti at pagkatapos ay ibigay mo ang iyong opinyon o reaksyon

Kwento: Klima sa Bansa , Hindi na Tama?

Gawain 1: Kompletuhin ang mga sumusunod na pahayag at isulat ang iyong


sagot

1. Pabago bago ang klima sa ika 20 siglo


Opinyon: _________________________
Reaksyon: ________________________
2. Climate change o Global warming
Opinyon: ____________________________
Reaksyon: ___________________________
3. Paghahanap ng solusyon ng gobyerno para malabanan ang problema.
Opinyon: ____________________________
Reaksyon: _________________________

Mahusay naisagawa ninyo agad ang ating unang gawain


Alam kong kayang kaya niyo iyan dahil sa araw araw nating pakikipag ugnayan
sa ating kapwa ay hindi natin naiiwasan na makapagbibigay tayo ng ating mga
saloobin at opinion na maaring pag sang ayon o pagtutol sa isyung narinig o
sinabi ng ibang tao.

Isagawa
C. Engagement
Narito ang ibat ibang halimbawa ng isyu na ating nararanasan. Isulat ang inyong
opinyon at reaksyon. Sagutan ito sa iyong kwaderno.

1. Paghinto sa pag aaral ng maraming mag aaral dahil sa pandemya.


Opinyon__________________
Reaksyon_________________
2. Maraming estudyante ang napapabayaan ang pag aaral dahil sa
pagkahilig sa paglalaro ng mobile games.
Opinyon__________________
Reaksyon_________________
3. Pagbabawal ng paggamit ng plastic bag sa mga pamilihan.
Opinyon__________________
Reaksyon_________________

PAGLALAHAT
Ang bawat isa ay may kanya kanya opinyon o reaksyon sa mga bagay bagay.
Dapat nating tandaan na igalang ang opinyon ng iba upang maiwasan ang di
pagkakaunawaan.

Sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon


1. Unawain mabuti ang balita , isyu o usapan.
2. Suriin ang dalawang panig.
3. Maging magalang sa pagpapahayag ng iyong opinyon o reaksyon.

Ang pagbibigay ng opinyon o reaksyon sa mga nagyayari sa ating lipunan ay


bahagi na ng pang araw araw nating buhay. Ngunit tandaan lamang na dapat
magkaroon tayo ng sapat na kaalaman sa paksa upang makapagbigay tauyo ng
opinyon o reaksyon

Rubric sa pagsulat ng sariling Opinyon o Reaksyon

1 2 3 4 5
1.may lawak at lalim ng pagtalakay
2.Malinaw ang pagpapahayag ng opinyon
3.Wastong pagsulat ng talata gamit ang tamang
bantas
4.Magkakaugnay ang pagtalakay sa paksa
5.Sumunod sa tiyak na panuto

PAGLALAPAT
B. Linangin
Integration AP

Basahin ang usapan sa ibaba at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Gawin ito sa
iyong kwaderno.

PAGGAMIT NG DINAMITA
Martes ng umaga nang biglang nagkita kita ang magkakaibigan na sina Glariza,
Gran at Alex sa silid aklatan ng paaralan.

Glariza: Oh, tamang tama nandito din kayo Tulungan ninyo nman ako sa aking
takdang aralin sa Araling Panlipunan.

Gran: Nako ako rin may kailangan akong saliksikin para maipasa ko na ang
proyekto ko kay Gng Barrera

Alex: Tungkol saan ba ang inyong gagawin?


Glariza: Doon sa isyu ng paggamit ng dinamita ng mga mangingisda sa ating
karagatan. balita ko ay pinatitigil na ni Kapitan ang pumaloot upamg matigil
masamang Gawain na iyon.Damay tuloy pati ang mga hindi gumagamit ng
dinamita.

Gran: Sakto iyan din ang paksa ng saliksik ko. Pinapagawa kami ng reaksyon
kung sang ayon ba kami o hindi tungkol sa napabalitang pagpapatigil sa mga ito.
Nauubos na daw ang mga isda sa ating dagat at wala na maibenta ang
mangingisda.

Alex: Hala isa si tatay Emon sa mga mangingisda at nagbebenta sa pandawan

Glasriza: Oo nga , Pati pamilya ng pinsan kong si Lorens ay iyon din ang
pinagkukunan ng kabuhayan.. pati sila ay nadamay sa pagpapatigil sa mga
pumapaloot upang mangisda.

Alex: Marami talaga ang maaapektuhan kapag hindi pinayagan ang mga
mangingisda na pumaloot. Paano na ang kanilang pamliya na doon lang umaasa
para makakain.

Gran: Malaking usapin nga pagpapatigil nito.May mga pabor hindi pabor, kahit
anong maging desisyon , Mayroong maaapektuhan.

Glariza: Mabuti pa ay magsaliksik muna tayo ng mga alternatibong solusyon


tungkol sa mga katanungan natin.

1. Saan nagkita kita ang magkakaibigan?


2. Ano ang kanilang pinag uusapan?
3. Sino ang nagpapatigil ng pagpapalaot ng mga mangimgisda?
4. Panno nakaapekto ng masama ang paggamit ng dinamita sa pangingisda
5. Kung ikaw si Glariza , paano mo sosulusyunan ang problema sa
paggamit ng dinamita sa pangingisda?

Batay sa nabasang usapan , ano ang iyong opinyon o reaksyon tungkol sa usapan
ng magkakaibigan ? Sang ayon kaba sa pagpapatigil ng paggamit ng dinamita o
hindi sa pangingisda? Ipaliwanag ang iyong sagot
PAGTATAYA
D. Assimilation
Kompletuhin ang mga pangungusap. Ibigay ang sariling opinyon o reaksyon sa
mga sumusunod na balita , isyu o usapan.

1. Balita: Ito ay isang halimbawa ng balita.


Ano ang inyong Opinyon: ___________________
2. Isyu: Pagpapatuloy ng edukasyon sa kabila ng pandemya
Ano ang inyong Opinyon:_______________________

3. Pagbubukas ng ilang pasyalan sa mga lugar na mababa na ang bilang ng


positibo sa Covid19.
Ano ang inyong Opinyon: _________________

4. Paglabas ng bata sa mga lansangan kahit na may Covid 19.


Ano ang iyong Opinyon: _________________

5. Basahin natin ang usapan ng mag ina kaugnay sa balitang napanood


tungkol sa mga frontliners

Bata: Inay nakaaawa po pala ang mga doctor at nars sa mga ospital na
gumagamot sa mga pasyenteng may Covid 19

Nanay: Oo anak! tinitiis nila ang init ng suot nilang PPE, gutom antok,
pagod at pagkawalay sa mahal nila sa buhay para sa sinumpaan nilang
tungkulin.

Anak: bayani pala talaga silang maituturing nanay dahil sa kanilang


ginagawa.

Ano ang inyong reaksyon?_________________

Makinig ng balita sa radio , telebisyon o internet sa napapanahong isyu o usapin


sa inyong pamayanan.
V.TAKDANG ARALIN
Pumili lamang ng isa at ibuod ang balita, isyu o usapin na iyong napiliat isulat
ang opinyon o reaksyon tungkol dito.

Prepared by:

LEAH MAY DIANE M. CORPUZ


Teacher III

Checked and reviewed by:

CONSUELO V. NARITO
Master Teacher III

Observed:

VICTORIO E. VILLANUEVA JR.


Principal II

Noted:

EUGENIA B. RAMOS, PhD


Public Schools District Supervisor

You might also like