AP7 - Q2 - W1-W8.Final Learners Modules

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 52

7

ARALING P ANLIPUNAN
Learning Activity Sheets

Quarter 2: Week 1-8

DIVISION OF ANGELES CITY


Araling Panlipunan Baitang 7
Ikalawang Markahan
Pangalan _______________________________________ Linggo: Una
Seksyon: _______________________________________ Petsa: _____________________

Ang Kabihasnan

Kasanayang Pagkatuto at Koda

Natatalakay ang konsepto ng kabihasnan at mga katangian nito


Panimula/Susing Konsepto

Ang salitang kabihasnan ay tumutukoy sa pamumuhay na nakagawian at


pinipino ng maraming pangkat ng mga tao. Maliban sa pamumuhay, kasama rito ang
ang wika, kaugaliwan, paniniwala at sining.

May mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Kabilang dito ang:

A. Pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamahalaan


Ang mga sinaunang kabihasnan ay may sentralisadong at organisadong
Sistema ng pamahalaan. Sa pagdaan ng libong taon ng pag-unlad ay nakabuo ang
mga tao ng mga lungsod na may mataas na populasyon na hindi bababa ng limang
libo at napalilibutan ng matataas na mga pader.

B. Masalimuot na relihiyon

Noong simula, ang mga lungsod ay pinamumunuan ng mga matataas na pari.


Nagmula ang kanilang kapangyarihan sa kanilang kaalaman at kakayahan na
kausapin ang mga diyos at diyosa. Politeismo o paniniwala sa maraming diyos ang
karaniwang relihiyon. Ang mga diyos ay sumisimbolo sa mga puwersa ng
kalikasan. Nagsasagawa ng ibat ibang mga seremonya, dasal at ritwal ang pari
para sa mga diyos. Ang mga templo at dambana ng diyos ang sentral at
pinakamalaking gusali sa lungsod.

C. Espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring lipunan


Agrikultura ang pangunahing Gawain pang-ekonomiya ng mga sinaunang
kabihasnan na malapit sa matabang lambak-ilog. Dahil sa paggawa ng
irigasyon, kontrolado ang pag-apaw ng ilog. Umaani ito ibat ibang uri ng
pananim at pagkain para sa mga tao. Maliban sa pagsasaka, nagkaroon din ng
ibang espesyalisasyon trabaho. May pinunong pulitikal-militar (hari) at punong
pinunong panrelihiyon (pari). Bukod dito, may mga artisan, mangangalakal, at
sundalo. Ang uri ng Gawain o trabaho ang batayan sa pagbubuo ng uring
panlipunan. Nasa mataas na antas ng lipunan ang hari at pari na namumuno.
Kasunod nila ang ilang mababang opisyal ng palasyo at templo,
mangangalakal, sundalo, artisan, at magsasaka. Pinakamababang uri ng tao
ang mga alipin.

D. Mataas na antas ng kaalaman at teknolohiya

Makikita ang antas ng teknolohiya sa paggawa ng mas maraming uri ng


kagamitan sa pagsasaka at iba pang Gawain. Noong natuklasan ang paggamit ng
ibat ibang uri ng metal maraming bagay ang naimbento tulad ng mga sandata at
mga kasangkapan, kasama na dito ang gulong at iba’t ibang uri ng sasakyang
pandagat at panlupa para sa kalakalan.
E. Sining at arkitektura

Sa sining at arkitektura naman, gagawa ang mga artisan ng ibat ibang


palamuti sa katawan at magtatayo ng mga malalaking monumento bilang templo
at maging mga libingan ng mga hari at matataas na tao sa lipunan.

F. Sistema ng pagsulat

Dahil sa pangangilangan na naitala ang mga bagay na ipinapasok sa mga


imbakan sa templo, naimbento ng mga pari ang ilang simbolo na siyang naging
batayan ng Sistema ng pagsulat.

Gawain 1

Panuto: Kumpletuhin ang concept map tungkol sa kabihasnan. Gawin ito sa


sagutang papel.

_______

__________ ______

Kabihasnan

___________ ________

_________
Gawain 2
Panuto: Isulat ang salitang SANG-AYON kung tama ang sinasabi ng
pangungusap at HINDI SANG-AYON naman kung mali ang sinasabi ng
pahayag.
_____1. Ang kabihasnan ay magkasingkahulugan din ng sibilisasyon.
______2. Kayamanan ang isa sa mga salik kaya naitatag ang mga sinaunang
kabihasnan.
______3. Ang mga lambak-ilog ay mahalaga sa pagkakabuo ng mga sinaunang
kabihasnan.
______4. Patunay ng pagkakaroon ng mataas na uri ng kabihasnan ang
sistematikong pamamahala.
______5. Ang mga matatayog na mga templo at mga piramide ay nagpapatunay
na mataas ang antas ng sinaunang kabihasnan sa siyensya at teknolohiya.
______6. Ang pagsasaka ang isa sa pinakasinaunang hanapbuhay ng tao.
______7. Ang mga hari o pari ang nagtayo ng mga sinaunang lungsod.
______8. Nabuo ang wika sa pamamagitan ng mga simbolo.
______9. Ang hari ang siya ring pinakamataas na pinuno ng relihiyon noong
sinaunang panahon.
______10. Pantay pantay ang antas ng mga tao sa sinaunang kabihasnan.

Gawain 3
Punuin ng mga impormasyon ang talahanayan sa ibaba. Ilipat sa iyong
sagutang papel ang nabuong talaan.

Salik sa paghubog ng kabihasnan Paglalarawan


1.
2.
3.
4.
5.
6.
Gawain 4
Gumawa ng sariling time line sa pagkakabuo ng kabihasnan

•______ •_______ •________


____ •______
_____ •_______
_____ •________

Gawain 5
Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Tumutukoy ito sa paraan ng pamumuhay ng sinaunang tao
a. Kabihasnan b. ekonomiya c. relihiyon d. wika
2. Isa ito sa mga salik na nakaambag sa pagkakabuo ng mga sinaunang
kabihasnan
a. kabundukan b. lawa c. ilog-lambak d. disyerto
3. Ito ang naging pasimula ng pagkakaroon ng Sistema ng pagsulat noong
sinaunang kabihasnan.
a. papel b. tinta c. lapis d. simbolo
4. Isa sa mga sinaunang matatayog na mga istruktura
a. pader b. templo c. libingan d. tahanan
5. Pinakamataas na antas ng tao sa sinaunang lipunan
a. Hari b. pari c. artisan d. magsasaka

Repleskyon
Sumulat ng isang talata na naglalaman ng iyong nalaman sa paksang iyong
napag-aralan.
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 – sariling pagpapahayag

Gawain 2

1. Sang-ayon
2. Di sang-ayon
3. Sang-ayon
4. Sang-ayon
5. Sang-ayon
6. Sang-ayon
7. Di-sang-ayon
8. Sang-ayon
9. Di-sang-ayon
10. Di-sang-ayon

Gawian 3 – sariling pagpapahayag

Gawain 4 – sariling pagpapahayag

Gawain 5

1. A
2. C
3. D
4. B
5. A&B
Araling Panlipunan Baitang 7
Ikalawang Markahan
Pangalan _______________________________________ Linggo: 2
Seksyon: _______________________________________ Petsa: _____________________

MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA


(SUMER, INDUS, SHANG)

Kasanayang Pagkatuto at Koda

Napaghahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya (Sumer, Indus,


Shang) (AP7KSA-IIc-1.4)

Panimula/Susing Konsepto

Masdan mo ang iyong paligid, Ano ang iyong mga nakikita? Marahil ikaw ngayon

ay namamangha sa mga bagay na iyong nakikita gaya halimbawa ng mga magagandang

disenyo ng mga bahay, mga nagtataasan at magagarang gusali, mabibilis na sasakyan,

mga gadgets at ibat-ibang mga bagay na nakakatulong sa ating pang araw-araw na

pamumuhay. Lahat ng mga ito ay dulot ng malikhaing pag-iisip ng mga tao na kanilang

unti-unti at tulong-tulong na binuo upang mapaunlad ang kanilang antas ng

pamumuhay na kung tawagin din ay kabihasnan.Subalit hindi maiwawaksi na ang

mga ito ay sinimulan ng mga sinaunang kabihasnan na nagpapatunay na noon pa man

ay magagaling na ang mga tao tulad ng mga Asyano. Alam mo ba na ang Asya ay ang

pinag-usbungan ng mga sinaunang kabihasnan?

Malaki ang bahaging ginampanan ng pisikal na katangian ng Asya sa pag-

usbong ng mga sinaunang kabihasnan. Ang mga ito ay halos umusbong sa

magkakaparehong katangiang pisikal – ang lambak-ilog. Ang tubig ang dahilan upang

manirahan ang mga tao sa mga tabing-ilog dahil sa dulot nitong kapakinabangan sa

kanilang pamumuhay. Tulad na lamang ng pagkakaroon ng sapat na tubig na maiinom,


pandilig at pataba sa kanilang mga panananim at naging daan sa maayos at mabilis na

transportasyon. Ito ay biyaya para sa kanila. May tatlong kabihasnang lambak -ilog na

umusbong sa Asya: ang Kabihasnang Sumer sa Mesopotamia, ang Kabihasnang

Indus sa India at ang Kabihasnang Shang sa China. Ang mga sinaunang kabihasnang

ito ay may malaking naitulong sa ating modernong panahon. Sila ay may mga naiwang

ambag na magagamit natin sa ating kasalukuyang panahon.

Gawain 1: WORD PUZZLE: (REMEMBERING)

Panuto: Hanapin at bilugan sa loob ng kahon ang mga salita na may kinalaman sa mga

sinaunang kabihasnan sa Asya. Pagkatapos isulat sa patlang sa ibaba ang mga salitang

nahanap.

K A B I H A S N A N Y E I
E O A G J Y E C F G N M N
C E S F C T B H U I I G D
F H U A K A P U S A N F U
G G M O C S T B H N C J S
Y R E B N Y N Y J E E K E
E K R N O A I Y A C N N O
S C I V T A M B A G T R F
H M K E W R U I L E I G F
K D O R Q G N H K Y V E D
F R N G D I G R I S E G F
M G S H A N G V L J S B C
G Q M J B A V S O F D H O
D C I O J L C C G V H L S
R M A R G I N A L I S M T
T L A M B A K Y L R M O Y
B B H F L M L L R K L O K

1. 5.
2. 6.
3. 7.
4. 8.
Gawain 2: Masdan Mo at Suriin (Remembering, Analyzing)

Panuto: Masdan mo ang mga larawan at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

Tigris-Euphrates Lambak-Ilog ng Indus Huang Ho

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang ipinakikita sa larawan?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________
2. Saan kaya matatagpuan ang mga ito?
_________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, bakit sa mga lugar na ito nagsimula ang mga unang kabihasnan?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________
4. Paano nakatulong ang mga ito sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

Gawain 3: Pagbabasa at Pagsusuri ng Teksto (Analyzing)

Panuto: Basahin at suriin ang nilalaman ng bawat teksto tungkol sa mga sinaunang

kabihasnan, ang Sumer, Indus at Shang.


Kabihasnang Sumer

• Itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig.

• Matatagpuan ito sa Mesopotamia sa lambak-ilog ng Tigris-Euphrates.

• Sila ang unang nakapagtayo ng mga nagsasariling lungsod-estado at ang

siyudad ng Ur ang kauna-unahang lungsod estado sa mundo.

• Pinangangasiwaan ng mga paring-hari na siyang gumagawa ng mga batas at

mag seremonyang ritwal.

• Sila ay naniniwala sa maraming diyos (Polytheism).

• Ziggurat – templong hugis piramide na maraming palapag at ang tuktok ay

pinaniniwalaang tahanan ng mga diyos at diyosa

• May maunlad na pamumuhay dahil sa mga kagamitang ginamit mula sa

pagsasaka gaya ng araro at gulong sa pakikipagkalakan.

• Nakagawa sila ng mga dike upang kontrolin ang ilog at nakagawa rin sila ng

mga palayok mula sa luwad at pinasimulan din ang paghihinang ng metal.

• Cuneiform – ang kauna-unahang sistema ng pagsulat na ginagamitan ng

matulis na patpat o reed at clay tablet at stylus. Scribe ang tawag sa kanilang

mga tagasulat.

• Epiko ni Gilgamesh – ang pinakaunang epiko sa daigdig


Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa loob ng kahon tungkol sa maikling
• Naimbento rin nila ang decimal system at paggamit ng isang kalendaryong

lunar.
Kabihasnang Indus

• Ang kabihasnan ng Timog Asya ay umsubong sa lambak-ilog ng Indus.

• Ang Mohenjo Daro at Harappa ang unang mga lungsod na naitayo sa

lambak ng Indus. Sinasabing nagmula sa lahing Dravidian ang mga

nagtayo ng mga lungsod na ito.

• Namangha ang mga arkeologo kung paano kaunlad ang kanilang

sistema ng pamumuhay. Planado at organisado ang mga lungsod na ito

na ipinakita sa mga lansangang nakadisenyo sa kuwadrado (grid-

patterned) at pare-pareho ang sukat ng bloke sa kabahayan.

Napapalibutan ng matibay na pader na tinatawag na citadel.

• Pinamumunuan sila ng mga haring-pari.

• Pagsasaka ang kanilang ikinabubuhay at natuto rin silang

makipagkalakalan sa mga karatig-lungsod.

• Sumasamba sa maraming diyos na sumisimbolo sa puwersa ng

kalikasan.

• Pictogram – tawag sa sistema ng pagsulat ng mga Dravidian ngunit

hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam kung ano ang kahulugan

ng mga ito.

• Mayroon rin silang mahusay na sistema ng pagtimbang at pagsukat.

• Naging mahiwaga ang paglaho ng kabihasnang ito. May paliwanag ang

iskolar dito. Ayon sa kanilang teorya, ito ay dulot ng kalamidad at

pananakop ngunit wala pang matibay na ebidensya ukol dito.


Kabihasnang Shang

• Ito ay kabihasnang nagsimula sa lambak ng Huang Ho sa China na

tinatawag ding Yellow River dahil pagkatapos ng pag-apaw ng tubig nito

ay nag-iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing

agrikultura na malapit dito.

• Huang Ho – tinaguriang “River of Sorrow” at “China’s Joy”

• Ang China ay pinamumunuan ng dinastiya mula 2000 BCE hanggang

1912 A.D.

• Dinastiya – tumutukoy sa pamamahala ng isang angkan o pamilya sa

mahabang panahon sa pamamagitan ng pagsasalin-salin ng

kapangyarihan o pamumuno sa mga kaangkan lamang.

• Shang – ang unang historikal na dinastiya sa China

• Ang dinastiyang Shang ay gumamit ng mga palayok, banga, marmol at

jade, oracle bone at tortoise shell na ginamit sa panghula.

• Naniniwala sila na nakakausap nila ang mga diyos ng kalikasan at mga

ninuno gamit ang mga butong orakulo.

• Pinamumunuan ng mga paring-hari.

• Calligraphy – sistema ng pagsusulat ng mga Tsino na nagsilbing

tagapag-isa ng mga ito


Gawain 4: Venn Diagram (Analyzing)

Panuto: Pagkatapos mong mabasa at masuri ang mga teksto, paghambingin mo ang

tatlong kabihasnan. Isulat ang kanilang pagkakaiba sa bawat bilog na nakalaan sa

kanila at sa pinakagitnang pagtatagpong bilog ang kanilang mga pagkakatulad. Sagutin

ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.

Sumer Indus

Shang

Pamprosesong mga Tanong:

1. Paano magkakatulad ang kabihasnang Sumer, Indus at Shang?

_________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

2. Paano magkakaiba ang kabihasnang Sumer, Indus at Shang?

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________
Gawain 5: Graphic Organizer (Analyzing)

Panuto: Ilista sa graphic organizer ang mga ambag o kontribusyon ng mga sinaunang

kabihasnan na sa palagay mo ay may Malaki pa ring naitulong sa ating kasalukuyang

panahon.

Mga Kabihasnan Mahahalagang Ambag/Kontribusyon

Sumer

Indus

Shang

Gawain 6: Pagnilayan at Unawain (Application)

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa mga patlang na nakalaan.

1. Alin sa mga ambag/kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan ang mahalaga sa

ating panahon? Bakit?

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

Bakit kailangang pahalagahan ang mga ambag ng mga sinaunang kabihasnan?

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

Bilang isang kabataan, paano mo ipapakita sa ating panahon ang pagpapahalaga sa

mga ambag ng sinaunang kabihasnan?

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________
Gawain 7: Likhang Kamay (Creating)

Panuto: Gumawa ng mga likhang sining na batay sa iyong talento o kakayahan.

Maaaring gumawa ng tula, awit, kuwento, sanaysay, poster o drawing o anumang bagay

na malilikha ng iyong kamay o iyong maiimbento na makakatulong sa iyong pang-araw-

araw na buhay at iyong mga ambag sa patuloy na pag-unlad ng ating kabihasnan.

Ilagay ito sa oslo paper.

Repleksiyon:

Panuto: Sumulat ng tatlo o higit pang talata na naglalaman ng iyong mga natuklasan o

natutunan mula sa paksang tinalakay.

______________________________________
(Pamagat)

_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_____________________________________________________.
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1: Gawain 4 Gawain 5

1. Kabihasnan 5. Lambak Answer may vary Answer may vary

2. Sumer 6. Ilog

3. Indus 7. Asya Gawain 6 Gawain 7

4. Shang 8. Ambag Answer may vary Answer may vary

Gawain 2:

1. Mga ilog Repleksyon

2. Sa Asya Sundin ang rubriks

3. Dahil sa dulot na kapakinabangan ng mga ito

4. Inumin, pandilig at pataba ng mga halaman at maayos at mabilis na transportasyon


Araling Panlipunan Baitang 7
Ikalawang Markahan
Pangalan _______________________________________ Linggo: Una
Seksyon: _______________________________________ Petsa: _____________________

Mga Kaisipang Asyano

Kasanayang Pagkatuto at Koda

*Natataya ang impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa kalagayang


panlipunan at kultura sa Asya

Panimula/Susing Konsepto
Ayon sa ilang mga mananalaysay, ang Asya ang sentro ng kaganapan sa
daigdig hanggang sa ika-16 na daang taon. Ganito rin ang pananaw ng mga Asyano.
Dito isinilang ang mga unang kabihasnan at pinakamalalaki at pinakamatatag na
mga imperyo sa kasaysayan.

Ang pilosopiya ay mula sa salitang Griyego na philo na nangangahulugang


pagmamahala at sophia na ang ibig sabihin ay karunungan. Kung gayon, ang
pilosopiya ay “pagmamahal sa karunungan”.

Impluwensiya ng Kaisipang Tsino


Mataas ang pagkilala ng mga Tsino sa kanilang lahi kung saan nag-ugat ito sa
katotohanang ang kabihasnang Tsino na nag-ugat sa Huang Ho ang isa sa mga
sinaunang kabihasnan sa daigdig. Sinasabi rin nila sila ang pinakamatandang
nabubuhay na kabihasnan sa mundo. Ang mga katuruan ni Confucius ang naging
malaking impluwensya ng sinaunang Tsina. Maliban sa Confucianism, mataas dina
ang pagtingin ng mga Tsino sa kanilang sarili dahil hindi matatawaran ang kanilang
ambag sa daigdig sa larangan ng pilosopiya, kaisipan at imbensyon.
Noong sinaunang panahon, tinawag ng mga Tsino ang kanilang imperyo na

Zhongguo na ang ibig sabihin ay “Gitnang Kaharian” kung saan naniniwala sila na
ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig. Pinaniniwalaan din nila ang pagiging
superior at natatangi ang kanilang kultura at kabihasnan. Dahil dito, pinaniniwalaan
nila ang kanilang emperador ay “Anak ng Langit” o Son of Heaven. Nag-iisa lang
siyang anak ng langit at nag-iisang emperador ng imperyo. Pinili siya ng langit na
mamuno sa lupa dahil puno siya ng kabutihan at may basbas ng kalangitan. Kapag
siya ay naging masama ang kapahintulutang ito ay babawiin ng kalangitan at
ipagkakaloob sa susunod na taong puno ng kabutihan mna siyang tatanghaling
bagong emperador. Ang mga palatandaan sa kalikasan tulad ng bagyo, tagtuyot, peste
o mga digmaan o kaguluhan ang nagpapatunay na hindi nasisiyahan ang langit sa
nakaupong emperador.
Confucianismo

Itinatag ni Confucius noong ika-6 hanggang ika-5 BCE ang Confucianismo.


Makikita ang kanyang mga aral sa Four Books at Five Classics. Hindi ito itinuturing
na relihiyon ng iba dahil hindi lahat ng element ay taglay ng Confucianismo kung
saan nakapokus ang kanyang mga aral sa pamumuhay at ethical teachings.

Taoism
Itinatag ito ni Lao Tzu na nakatuon ang katuruan sa paraan ng pamumuhay.
Nakasaad sa Tao Te Ching ang mga katuruan ni Lao Tzu na nasa anyong patula. Ayon
sa katuruan nito lahat daw ng tao ay may pagkakapantay-pantay at lahat ng bagay ay
relatibo. Ilan sa paniniwala sa Taoism ay ang Yin at Yang – pagiging isa sa kalikasan;
Chi – enerhiya na nanggagaling sa kalikasan o sa tao; Tao – isang puwersa na likod ng
mga natural na kaayusan; Wu Wei – hindi nakikitang kapangyarihan sa loob nang
lahat ng mga bagay; Pu – lahat ng bagay ay nakikita, na ito ay walang preconceptions;
De – pagkakaroon ng birtud, moralidad at integridad.

Legalismo

Nakabatay sa makabuluhan at malakas na puwersa na dala ng estado. Ang


agrikultura at sandatahang lakas ang ilan sa mga element na maaaring magpatibay
sa estado. Ayon sa paniniwalang ito dapat palawakin, patibayin at patatagin ang
estado. Higit na mahalaga ang istriktong batas ng pamahalaan at estado upang lahat
ng miyembro ng lipunan ay kumilos at gumawa ng mabuti at wasto. Ang sinumang
lalabag sa mga batas ay mapaparusahan ng mabigat mula sa estado o pamahalaan.
Upang mabura at makalimutan ang paniniwala sa Confucianismo.

Ang Banal na Pinagmulan ng Emperador ng Japan at Korea


Bagamat hiram sa Tsina ang kulturang Hapon, may sarili rin itong kultura at
paniniwala kung sino at ano ang katayuan nila sa daigdig. Pinaniniwalaan ng mga
Hapones na ang mga isla nila y lupa ng mga diyos sa dahilang nabuo o inanak ito
bunga ng pagtatalik ng kanilang diyos na si Izagani at ang kanilang diyosa na si
Izanami. Ana nila si Amaterasu O-mi-kami na kilala bilang diyosa ng araw.
Ipinanganak daw si Amaterasu nang hugasan ni Izagani ang kanyang kaliwang mata.
Si Jimmu Tenno na kaapu-apuhan ni Amaterasu ang kinilalang unang emperador ng
Hapon.

Dahil sa mito o alamat na ito ng pinagmulang ng Hapon ikinalat nila ang


pagiging banal ng kanilang pinagmulan at pagiging diyos ng kanilang emperador
hanggang sa ikalawang digmaang pandaigdig noong 1945. Nakaugat ang
paniniwalang ito sa kanilang relihiyong Shintoismo, kung saan si Amaterasu ang
pinakamahalagang diyos.
Gaya ng mandate of heaven ng Tsina, ang emperador ng Hapon ay hindi
maaaring maalis sa puwesto dahil sagrado ang kanyang pinagmulan. Dahil dito,
mataas ang pagpapahalaga ng mga Hapones sa kanilang bansa. Subalit, hindi gaya ng
kulturang Tsino, bukas sila sa ibang kultura at impluwensya at iniaangkop nila ito sa
kanilang pamumuhay.
Ang Korea din ay may kaparehas na paniniwala sa pinagmulan ng kanilang
emperador. Ayon sa kanilang alamat, nagmula ang kanilang pinuno kay Prinsipe
Hwanung na anak ng diyos ng kalangitan na si Hwanin. Bumaba si Prinsipe Hwanung
upang itatag ang lungsod ng diyos. Nagtalag siya ng mga tagapag-alaga sa hangin,
ulan at ulap. Tinuruan niya ang mga tao ng ibat ibang kaalaman sa pagsasaka,
pangingisda, medisina, pagkakarpintero, paghahabi at iba pa. nagkaloob din siya ng
mga batas at nagturi ng tama at mali. Nakipag-asawa siya sa isang oso na naging
magandang dilag at ipinanganak si Danjun Wanggeom o Tangun na nagtatag ng
Gojoseon o Lumang Joseon, ang unang kaharian ng Korea.

Ang mga Sinaunang Kaisipan sa Timog Silangang Asya

Ang katutubong relihiyon ng mga taga-Timog Silangang Asya ay animismo


kung saan naniniwala sila na ang kapaligiran ay pinanahanan ng mga espiritu o
diyosa ng kalupaan na nagbibigay ng masaganang ani sa kaharian.

Pinaniniwalaang ang sagradong tahanan ng diyos o espiritu ay nasa matataas


na lugar tulad ng bundok. Marami sa mga lipunan sa Timog Silangang Asya ay
naniniwala na ang bundok ay sumisimbolo ng mga kamangha-manghang templo at
istruktura. Mahalaga rin sa mga taga Timog Silangang Asya ang mga mito o
pinagmulan upang mabigyang katwiran ang pinagmulan ng kanilang kaharian. Ang
mga hari o imperyo ay ipinag-iisang dibdib sa mga espiritu sa pamamagitan ng ritwal.
Sa pagpili ng mga pinuno o hari, sila ay dapat na natatanging lalaki. Sila ay men of
prowess o mga lalaking may kakaibang katalinuhan, galing at tapang. Sa pagpasok ng
kulturang Indian nagkaroon ng higit na batayan ang pamumuno ng mga sinaunang
hari na hiniram sa relihiyong Hinduismo at Budismo.

Ang Devaraja at Cakravartin ng India

Sa alamat ng India, ang unang hari nila ay si Manu na nabuo sa pamamagitan


ng pagsasama-sama ng mga bahagi na sinisimbolo ng ibat-ibang mga diyos.
Tinitingala siya na mataas at walang kapantay. Tinatawag siyang deveraja kung saan
ang deva ay nangangahulugang diyos at raja ay hari.

Sa relihiyong Hinduismo at Budismo, ang tahanan ng mga diyos ay ang Mount


Meru., ang aksis ng isang bilog na mundo. Ang tuktok ng Mount Meru ang tahanan ni
Indra, ang diyos ng digmaan at responsable sa panahon. Ang mga hari ay kinikilalang
cakravartin o hari ng buong daigdig. Bunga ng impluwensya ng Hinduismo, ang hari
ay tinitingnan bilang buhay na imahen ng diyos.
Ang Kaisipang Islam sa Kanlurang Asya

Mahalaga ang Islam sa Kanlurang Asya dahil itinatag ito ni Muhammad na


pinaniniwalaang seal of the prophets o huling propeta na magpapahayag ng mensahe
ni Allah sa sanlibutan. Maliban sa pagiging pinunong panrelihiyon, kinilala rin si
Muhammad bilang pinunong pulitikal ng mga Muslim. Si Abu Bakr ang pumalit sa
kanya nang siya ay mamatay subalit tinawag siyang caliph na nangangahulugang
kinatawan. Tinawag na caliphate ang naitatag na pamahalaan ng mga pinunong
caliph. Pinunong panrelihiyon at pampamahalaan din ang caliph. Siya din ay hukom,
pinuno ng hukbong sandatahan. Isang mahalagang pagganyak sa pananakop ng mga
Muslim ang palaganapin ang Islam sa mga nasakop na lugar. Kinilala ang Imperyong
Muslim sa pinakamatatag na imperyo sa daigdig sa mahabang panahon.

Gawain 1

Panuto: Hanapin ang mga nakatagong mga salita na may kinalaman sa paksa. Isulat
ito sa sagutang papel.

A B D C O N F U C I U S D D F C M B
B F G B H R U G N S F H N N M A N U
U E E M P E R A D O R F E E D L O D
B D E R T V S V B H U G I N S I P I
A X S H I N T O I S M O B F H P T S
K R F Y U F G H J M V F H J K H N M
R A J A C G H W A N U N G D T B F O
D T B U D I S M O R F V B D H G S N

Gawain 2

Panuto: Isulat sa salitang TAMA kung wasto ang sinasabi ng pangungusap at MALI
naman kung hindi tama.
______1. Ang pilosopiya ay mga kaisipan na lumaganap sa isang lugar na nakaapekto

sa buhay ng mga tao sa pang-araw araw na buhay.


______2. Ang mga emperador ay may banal na pinagmulan ayon sa mandate of

heaven.
______3. Malaki ang naging impluwensiya ni Confucius sa paglaganap ng kanyang

kaisipan sa Hapon.

______4. Nagsimula ang Budismo sa Tsina.


______5. Maaaring mapalitan ang emperador ayon sa mandate of heaven sa Tsina.

______6. Malaki ang naging impluwensiya ng Islam sa Timog Silangang Asya.

______7. Ang emperador ng Japan ay maaaring mapalitan anumang oras kapag hindi
niya nagagampanan ang kanyang tungkulin.
______8. Nagsimula ang Islam sa Timog Silangang Asya.

______9. Maraming sinasambang diyos ang India.


______10. Sa Asya nagmula ang mga sinauna at pinakamatatag na mga imperyo sa

buong mundo.

Gawain 3
Panuto: Kopyahin at kumpletuhan ang concept map sa ibaba. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

Kaisipan sa
Kaisipang
Kaisipang Tsino Timog Silangang
Hapon at Korea
Asya
_____________ ____________ _____________

_____________ _____________ ____________

_____________ _____________ _____________

_____________ _____________ ____________


Gawain 4

Panuto: Basahin ang maikling babasahin hango mula sa Kodigo ni Hammurabi at


Kodigo ni Manu. Sagutin ang mga Gawain pagkatapos ng babasahin.

Ang Kodigo ni Hammurabi Ang Kodigo ni Manu


Isinulat ni Haring Hammurabi ang mga batas Itinatakda ng Kodigong ito na ang isang Brahmin
upang itaguyod ang maayos na kaugalian sa ay hindi maaaring makipagtalik sa isang
lipunang kanyang nasasakupan kabilang dito ang mababang uri ng babae sa lipunan dahilan
mga kakabaihan. Itinuturing ang mga babae na upang maaari siyang mapunta sa impyerno. Sa
parang produkto na ibinebenta at binbili sa pamilya ng babae mapupunta ang dote at hindi
kalakalan, ipinagkakasundo sa ibang lalaki kapalit sa mga ikakasal. Hindi pinapayagan ang mga
ng pera at dote kahit bata pa ito. Sa batas na ito, kababaihan na magsagawa ng mga ritwal. Sa
kapag hindi naging tapat sa kanyang asawa ang batas din na ito, ang asawang lalaki ay dapat
isang babae ay mapaparusahan siya ng matanda ng tatlong beses sa babae. Hindi
kamatayan. Kapag mahuli siya na nakikipagtalik sa maaaring tumutol ang ama na ipagkasundo ang
hindi niya asawa pareho silang itatapon sa dagat anak na babae na isang malaking paglabag
hanggang malunod. Pinapayagan din na ibenta ng katumbas ng pagpapalaglag sa sanggol.
lalai ang kaniyang asawa at mga anak. Hindi
pinahihintulutan ang paglahok ng mga kababaihan
sa kalakalan.

Kodigo ni Kodigo ni
Hammurabi Manu
PAGKA-
• ___________ KATULAD • _________
• ____________ • _________
• _____________ • _________

Konklusyon: ________________________________________________________________
Gawain 5

Gumawa ng isang poster tungkol sa iyong ideya sa napag-aralan mong paksa


tungkol sa pilosopiya. Gawin ito sa isang bond paper.

Repleksyon
Panuto: Punan ng mga datos ang KWHL chart na maglalaman ng iyong mga
natutuhan sa paksa.

K W H L
Kung Ano ang Kung ano pa ang Paano matutukoy Ano ang mga
alam sa paksa? nais malaman sa ang mga dapat na natutunan? (What
(What I know) paksa? (What I malaman sa I Learned?)
Want to Know?) paksa? (How Can I
Find Out?)

Susi sa Pagwawasto
ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan:___________________________________________________ Linggo: 5

Seksyon:_____________________________________________________Petsa:____________

Paksa: Interaksyon ng Suplay at Demand

MELC/Kasanayang Pampagkatuto:
Napapahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa
paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang
Asyano.

Susing Konsepto

Malaki ang naging kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan sa


pagsibol ng ibat-ibang mga kaisipan na naging gabay sa lipunan at mga tao
sa pang-araw nilang pamumuhay.

Nagmula sa salitang Griyego ang salitang pilosopiya na mula sa salitang


philo na nangangahulugang “pagmamahal” at Sophia na ang ibig sabihin
naman ay “karunungan”. Kung gayon ang salitang pilosopiya ay
nangangahulugang “pagmamahal sa karunungan. Pag-aralan ang mga
pilosopiyang lumaganap sa Asya:

Confucianismo

Ang pinakatanyag na pilosopo na si Confucius o Kung Fu-Tzu o Kung Zi na


nangangahulugang Master Kung ay isinilang sa Tsina noong 551 B.C.E. sa
estado ng Lu na ngayon ay nasa lalawigang ng Shandong. Naging guro si
Confucius at naghangad magsilbi sa pamahalaan. Sa kanyang pagtanda,
marami siyang lima hanggang anim na milyong tagasunod sa buong mundo.
Ang mga turo niya ay nakasaad sa kanyang mga libro na Four Books at Five
Classics. Naniniwala si Confucius na ang mabuting paraan ng pamumuhay at
magdadala ng kapayapaan. Dahil sa pagpapahalaga niya sa kabutihang
asal, inaatas niya ang tanyag na Ginintuang Aral (Golden Rule) “Huwag mong
gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.” Hindi itinuturing na relihiyon ng
iba ang Confucianismo dahil hindi lahat ng element ng isang relihiyon ay taglay
nito. Naniniwala sila sa Diyos na nasa langit at nag-aalay ng ibat ibang
sakripisyo dito. Hindi sila naniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan dahil
naniniwala si Confucius na “ hindi pa nga natin natatapos pag-aralan ang
buhay, pag-aaralan pa natin ang kamatayan?”

Malaki ang naging impluwensiya at epekto ng Confucianismo sa China. Sa


loob ng 2,000 taon, ito ang nagging opisyal na pilosopiya ng bansa.
Naapektuhan nito ang lahat ng aspeto ng pamumuhay mula sa edukasyon,
pamahalaan, pag-uugali, at kaayusan ng lipunan. Isa itong pilosopiya at
patnubay sa moralidad at pagkakaroon ng mabuting pamahalaan. Upang
maging opisyal sa pamahalaan, kailangan ay pumasa sa eksaminasyong
serbisyo sibil na batay sa Confucianismo.

Taoismo

Itinatag ni Lao Tzu na isinilang noong 500 B.C.E. sa Hunan sa Timog China.
Ang Taoism (Daoism) na nangangahulugang “Ang Daan ng Kalikasan” ay
naniniwala na ang kalikasan ay may sariling landas at dapat hayaan ito na
tahakin ang kanyang landas. Ang nararapat na gawin ng lahat ay wu-wei o
hindi pagkilos dahil magagawa ang lahat sa pamamagitan ng hindi paggawa.
Hindi ito nangangahulugan ng katamaran kundi upang hindi sumalungat o
makagambala sa landas na tinatahak ng kalikasan. Kabilang sa mga katuruan
ni Lao Tzu ay:

• Lahat ng bagay ay iisa.


• Kapag gumawa ka ng masama ang katumbas nito ay dapat gumawa ka
ng kabutihan.
• Ang buhay at kamatayan ay magkasama. Ito ay isang realidad.
• Kabilang sa mga birtud ang pagpipigil sa sarili, pagpapasensya at
pagpapakumbaba.
• Ang mga estado ay dapat na primitibo, pasibo at mapayapa.

Ang mga paniniwala naman sa Taoismo ay:


• Yin at Yang: Pagiging isa sa kalikasan.
• Chi: Enerhiya na nanggagaling sa kalikasan ng tao.
• Tao: isang puwersa sa likod ng mga natural na kaayusan.
• Wu Wei: Hindi nakikita na kapangyarihan sa loob nang lahat ng mga
bagay.
• Pu: Lahat ng bagay ay nakikita, na ito ay walang preconceptions.
• De: Ang pagkakaroon ng birtud, moralidad, at integridad.

Kumpara sa Confucianismo na nanatiling isang pilosopiya, nagging


relihiyon ang Taoismo sa pagdaan ng panahon.

Legalismo

Bunga ang legalismo ng kaisipan nina Shang Yang at Han Feizi. Ayon sa
pilosopiyang ito, pinakamahalaga ang estado. Ang lakas ng estado ay nasa
agrikultura at sandatahang lakas. Nararapat na ang lakas-paggawa ng estado
ay nakatuon sa dalawang aspetong ito. Maninilbihan lamang ang tao bilang
sundalo o magsasaka. Hindi sila dapat maging mangangalakal, artisano,
pilosopo o iskolar sa dahilang hindi ito kapakipakinabang sa estado.

Naging tanyag na pilosopiya ang Legalismo sa panahon ng Qin kung


saan niyakap ni Emperador Shi Huangdi na siyang nagpatayo ng Great Wall of
China gamit ang sapilitang pagtatrabaho.

Iba pang Paniniwala sa Asya

Budismo

Bagamat hindi naging popular ang paniniwalang ito sa Timog Asya, ito
naman ay maluwag na tinanggap sa Silangang Asya. Ito ay naging
pangunahing relihiyon ng mga Tsino, Hapones, at Korean. Pinasimulan ni
Sidharta Gautama ang relihiyong ito sa India. May dalawang paghahati ang
Buddhism:

1. Mahayana Buddhism - kinilala bilang diyos si Buddha nag tagapagligtas


mula sa guro. Makikita ang ganitong uri sa Silangang Asya tulad ng
China, Korea, Japan at Vietnam naman sa Timog Silangang Asya.
2. Theravada Buddhism – kinikilala si Buddha bilang guro at banal na tao.
Kinikilala ito sa mga bansang Sri Lanka, Myanmar, Thailand, Laos at
Cambodia.

May apat na Dakilang Katotohanan ang Budismo:

1. Ang buhay at pagdurusa ay hindi mapaghihiwalay.


2. Pagnanasa ang sanhi ng pagdurusa.
3. Mawawala lamang ang pagdurusa kung aalisin ang pagnanasa.
4. Maaalis ang pagnanasa kung susunod saw along landas at matatamo
ang tunay na kaligayahan o nirvana.

Walong Dakilang Daan:

1. Tamang pag-iisip
2. Tamang aspirasyon
3. Tamang Pananaw
4. Tamang Intensiyon
5. Tamang Pagsasalita
6. Tamang Pagkilos
7. Tamang Hanapbuhay
8. Tamang Pagkaunawa

Jainismo

Isa sa mga relihiyon sa India na itinatag ni Rsabha kung saan


pinaniniwalaan na layunin ng tao na makalaya ang kaluluwa sa pagkabuhay,
pagkamatay at muling pagkabuhay. Ito ay isang siklo na dapat maranasan
nang lahat ng tao. Ipinagbabawal ang pagkain ng karne, bawal ang pumatay
ng insekto, bawal ang pagnanakaw, magsinungaling, magkaroon ng ari-arian
at makipagtalik. Ang karma ay isang buhay na bagay na dumadaan sa
katawan ng anumang bagay at buhay at nagiging pabigat. Kailangan
mapagtimpi at disiplinado. Kailangan igalang ang lahat ng mga bagay na may
buhay. Bawal ang pananakit sa anumang may buhay, ito ay tinatawag na
ahimsa o kawalan ng karahasan.

Sikhismo

Paniniwalang matatagpuan sa India, Pakistan at iba pang bahagi ng


daigdig na itinatag ni Guru Nanak na nagsikap na pagbuklurin ang mga
Muslim. Sa paniniwalang ito, may iisang diyos ngunit walang pangalan.
Naniniwala sa reinkarnasyon sa pag-akyat ng kaluluwa mula sa mababang
antas pataas. Ang nirvana ng mga Sikh ay makakamtan sa pagsama ng
indibidwal sa kanyang lumikha sa kabilang buhay.

Judaismo

Isa sa pinakamatandang relihiyon sa mundo. Naniniwala ang mga


Hudyo sa iisang Diyos at ito ang naging sandigan ng Kristiyanismo at Islam. Ang
Torah na naglalaman ng limang aklat nin Moses ay naglalaman ng Sampung
Utos na gumabay sa mga Hudyo sa wastong pagkilos at pamumuhay. Ang
mga ito ay:

1. Ibigin mo ang Diyos nang higit sa lahat.


2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan.
3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath.
4. Igalang mo ang iyong ama at ina.
5. Huwag kang papatay .
6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.
7. Huwag kang magnanakaw.
8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling.
9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.
10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.

Kristiyanismo

Ito ay relihiyong batay sa buhay at mga turo ni Hesu-Kristo. Ito ay mula


sa relihiyong Judaismo. Mula sa Lumang Tipan hanggang sa Bagong Tipan ang
bumubuo sa banal na aklat nito, ang Bibiliya. Si Kristo na ipinako sa krus ang
ipinangakong Mesiyas at tagapagligtas na ipinadala sa lupa upang iligtas ang
sanlibutan. Naniniwala ang mga Kristiyano sa iisang Diyos na may tatlong
persona- Ang Diyos Ama, Anak at ang Espiritu Santo. May buhay na walang
hanggan ang isang tao kapag siya ay namatay na maaaring mapunta ang
kanyang kaluluwa sa langit kung nakapagsisi siya ng kanyang kasalanan at
naging mabuting Kristiyano o sa impyerno kung hindi naayon sa bibliya ang
kanyang nagging buhay dito sa lupa. May paniniwala din sa muling
pagkabuhay sa mga huling araw.

Islam

Ito ang relihiyon ng mga Muslim na isa sa may pinakamaraming


tagasunod sa buong mundo. Si Muhammad, ang huling propetang ipinadala ni
Allah ang nagtatag ng Islam. Ang mga paniniwala ng relihyong Islam ay
nakasalig sa Limang Haligi:

1. Iman (Pananampalataya)
• Pagpapahayag ng shahada, “walang ibang Diyos kundi si Allah at si
Muhammad ang kaniyang propeta”.
• Maglingkod at sumunod kay Allah ng buong buhay batay sa mga
turo at gawa ng propetang si Muhammad.
2. Salah (Pagdarasal)
• Magdasal nang limang beses mula sa madaling araw at sa tuwing
tatawag ng muezzin o tagatawag.
• Mas kanais-nais na magdasal sa mosque kasama ang ibang Muslim.
3. Zakah (Pag-aabuloy)
• Magbigay ng ilang bahagi ng kayamanan sa nangangailangan
• Zakah, purification, growth
• Sadaqa-h (voluntary charity) ay maaaring ibigay
4. Sawm (Pag-aayuno)
• Pag-aayuno, di-pagkain, pag-inom at pagpigil sa sekswual na
relasyon ng mag-asawa.
• Pag-aayuno sa loob ng 40 araw na nagsisimula sa ika-6 ng umaga
hanggang sa ika-6 ng gabi (Ramadan)
5. Hajj (Paglalakbay)
• Paglalakbay sa Mecca kahit isang beses lamang sa buhay na
ginagawa sa ika-12 na buwan ng taong Islam.

Zoroastrianismo

Itinatag ni Zoroaster na isang mangangaral na taga-Persia na


naniniwala na ang buhay ng tao ay ang pagtahak patungo sa kabutihan o
kasamaan. Pinamumunuan ang kabutihan ni Ahura Mazda, ang katas-taasang
diyos, samantalang ang kasamaan ay nasa pangangasiwa ni Ahriman, ang
Diyablong Espiritu. Nakatala sa Zend-Avesta ang mga aral ng relihiyong ito na
lumaganap sa Gitnang Silangan subalit nadaig ng Islam nang dumating ito sa
rehiyon. Mas matanda pa ito ng isang libong taon sa Judaismo, Kristiyanismo,
Budismo at Islam. Mula rito ang mga paniniwala sa diyos at diyablo, langit at
impiyerno, purgatory, kaluluwa ng tao, araw ng paghuhukom at wakas ng
mundo.

Shintoismo

Ito ang tawag sa paniniwala ng mga Hapones tungkol sa diyos ng


araw at iba pang diyos ng kalikasan. Ang Shinto ay nangangahulugang “daan
o kaparaanan ng diyos”. Tinatawag na kami ang mga diyos na may
kapangyarihang likas.. nananahan ang mga diyos na ito sa ilog, puno, bato,
bundok, buwan, at araw. Sinasamba rin ng mga Shinto ang namatay na
kamag-anak at ninuno. Sila ay sumasamba sa kanilang mga templo at
damban dahil sa paniniwalang ditto nananahan ang kanilang diyos. Binubuo
ang kanilang paniniwala sa pagdarasal, pagpalakpak, pag-aalay, at
pananampalataya. Kabilang sa mga paniniwala ng Shintoismo ay ang:

• Tradisyon at Pamilya: ang pamilya ang kanilang pangunahing


prayoridad
• Pagmamahal sa Kalikasan: ang kalikasan ay may malakas na
koneksyon sa mga diyos kaya ito’y binibigyang halaga
• Kalinisan: binubuo ng pisikal at pang espirituwal na paglilinis
• Matsuri: pagpuri sa mga diyos at sa mga sinaunang espiritu
• Purification: pagtatanggal ng masamang espiritu sa katawan.
• Kami: banal na espiritu na lumalabas sa anyo ng mga bagay.
Kapag namatay ang isang tao siya ay nagiging kami.
• Aragami: masamang kami na pinatay at ngayon ay naghahanap
ng paghihiganti
• Mizuko: mga batang hindi naipanganak at nagiging sanhi ng
problema
• Mizuko Kuyo: pagsamba sa mga Mizuko upang maiwasan ang
problema
Gawain 1

Panuto: Punan ng tamang impormasyon ang talaan tungkol sa mga kaisipan at


paniniwalang Asyano. Isulat sa sagutang papel.

Paniniwala Bansang Sinilangan Nagtatag Batayang Turo

Gawain 2

Panuto: Itambal ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik sa sagutang papel

Hanay A Hanay B

1. Hesu-Kristo a. Paniniwala sa buhay at aral ni Kristo


2. Sidharta Gautama b. Nakabatay ang pilosopiyang ito sa lakas na
3. Muhammad dala ng estado
4. Judaismo c. Paniniwala sa iisang Diyos na nakasulat sa Torah
5. Kristiyanismo d. Naniniwala na matatamo ang nirvana kung
6. Shintoismo tatahakin ang walong dakilang landas
7. Islam e. pangunahing paniniwala sa Japan
8. Legalismo f. ang huling propeta na isinugo ni Allah
9. Confucianismo g. sandigan ng paniniwalang Kristiyanismo
10. Budismo h. nagtatag ng Budismo
i. dito nanggaling ang Ginintuang Aral
j. nakasaad sa Koran ang mga aral ni Allah

Gawain 3

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang sinasabi ng pangungusap at MALI
naman kung hindi.

____1. Sa India nagmula ang Budismo.

____2. Kristiyanismo ang may pinakamaraming tagasunod na relihiyon sa mundo.


____3. Ang Confucianismo ay isang relihiyon.

____4. Naniniwala ang mga Hapones na ang mga batang hindi ipinanganak ang sanhi
ng mga problema.

____5. Ang pilosopiya ay nangangahulugan ng pagmamahal sa karunungan.

____6. Sa Kristiyanismo nagmula ang mga paniniwala sa diyos at diyablo, langit at


impyerno, kaluluwa, paghuhukom at wakas ng mundo.

____7. Ang Karma ay isa sa mga paniniwala sa Judaismo.

____8. Ang Yin at Yang ay paniniwala sa pagiging isa sa kalikasan.

____9. Ang Legalismo ay naniniwala na dalawang bagay lamang ang dapat maging
buhay ng tao ang maging sundalo at maging isang manggagawa.

____10. Ayon sa Hinduismo, kapag namatay ang isang tao siya ay mabubuhay sa
ibang anyo.

Gawain 4:

Panuto: Ikumpara ang pilosopiya sa relihiyon sa pamamagitan ng isang venn diagram


katulad ng nasa ibaba.

Pilosopiya Relihiyon
_________ ___________
_________ ___________
__________ ___________
Repleksyon

Panuto: Ipaliwanag ang kasabihan na nasa ibaba. Isulat ang iyong paliwanag sa iyong
sagutang papel o portfolio.

Gininutuang Kasabihan:
“____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________.”

Pagpapaliwanag:

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________

_______________________________________________________________
Susi sa Pagwawasto
ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan:___________________________________________________ Linggo: 6-7

Seksyon:_____________________________________________________Petsa:__________

Paksa: Ginagampanan ng Kababaihan mula sa Sinaunang Kabihasnan at


Ikaanim na Siglo

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

Nasusuri ang kalagayan at bahaging ginampanan ng kababaihan mula


sa sinaunang kabihasnan at ikalabing-anim na siglo.

Panimula/Susing Konsepto (Introduction/Key Concept)


“Ang sukatan ng anumang lipunan ay kung paano nito itrato ang
kanyang mga kababaihan.”
– Michelle Obama, dating Unang Ginang ng Estados Unidos

Ang mga salitang tinuran ni Gng. Obama ay nagpapahiwatig ng

pagpapahalagang ibinibigay sa mga kababaihan ng ating kasalukuyang

panahon. Kinikilala ang kontribusyon ng mga kababaihan sa paghubog ng

ating lipunan at ang halaga ng papel nila sa pag-unlad ng isang bansa. Pero,

ganito rin kaya ang pagpapahalagang iginawad sa kababaihan noong

sinaunang panahon sa Asya?

Ang kalagayan ng mga kababaihan sa sinaunang panahon ng Asya ay

masasalamin sa relihiyon, batas, kaisipan o pilosopiya at mga kaugalian.

Sa relihiyon, ang ating mga ninunong Asyano ay naniniwala sa maraming

mga diyosa tulad ni Tiamat. Ayon sa mga Babylonian, kay Tiamat nagsimula

ang lahat sa daigdig. Sa mga taga-Mesopotamia, si Nammu ang diyosa ng

tubig. Ang tubig ay itinuturing na mahalagang sangkap sa pagkalikha ng tao

mula sa luwad. Isa pang diyosa ng mga taga-Mesopotamia ay si Inanna,


diyosa ng pag-ibig, digmaan at lupa (mother earth). Sa mga Dravidian ng

Timog Asya, naniniwala sila sa diyosa ng buwan. Sa mga Hapones, si

Amaterasu O-mi-kami ang diyosa ng araw. Sa kanya nagmula ang mga

emperador ng Japan.

Maliban sa pagkilala sa mga diyosa, ang mga naitatag na relihiyon sa

Asya ay may iba’t-ibang naging turing sa mga babae. Sa Buddhism, ipinagkait

sa kababaihan ang pagtatamo ng nirvana o kaluwalhatian. Ipinagkait din sa

babaeng mongha na maging kapantay ng mga lalaking monghe. Sa Hinduism,

ang babaeng namatayan ng asawa ay inaasahang tatalon sa nasusunog na

bangkay ng kanyang asawa. Ang tawag sa kaugaliang ito ay ang sati o suttee.

Sa Islam, ang mga babae ay dapat magsuot ng burkah o maluwag na damit

at may kasamang belo (purdah). Ipanapahiwatig ng kaugalian na ito na

tanging ang kanyang asawang lalaki ang may karapatan na makakita sa

kanya.

Samantala, may mga batas ding naisulat noong sinaunang panahon ng

Asya na may kinalaman sa mga kababaihan. Halimbawa, ang Batas ni

Hammurabi ay nagsasabi na ang babae ay maaring ituring na isang kalakal.

Maaring ipagbili ng isang lalaki ang kanyang asawa at mga anak. Sa Code of

Manu ng Timog Asya, ang agwat sa edad ng mag-asawa ay dapat na tatlong

beses ang tanda ng lalaki sa babae.

May mga kaugalian naman sa mga sinaunang lipunang Asyano na

nagpapahiwatig rin ng kalagayan ng mga kababaihan. Sa China, ang

footbinding (pagbali ng paa upang hindi ito lumaki ng normal) ay nagpapakita

ng mababang pagtingin sa mga babae. Isa itong batayan na ang babae ay

hindi nagtatrabaho at umaasa lamang sa kanyang asawa. Isa pang kaugalian


sa China ay ang concubinage (pagkuha ng lalaki ng ibang babae liban sa

kanyang asawa). Maaring magkaroon ng maraming concubine ang isang

lalaki. Sa Japan naman, naging mababa ang pagtingin sa mga kababaihan

sa panahon ng mga Shogunate (pamahalaang militar na umiral sa Japan

noong ika-11 siglo. Pinaniniwalaan nila na may limang kahinaan ang babae:

hindi masunurin, madaling madaling magalit, masama ang bibig, madaling

magselos at mahina ang ulo.

Sa pangkalahatan, ang tradisyunal na tungkulin ng babae sa

sinaunang lipunang Asyano ay ang pagiging isang mabuting asawa at ina.

Pero hindi maikakaila na may bahaging ginampanan ang mga kababaihan sa

paghubog ng kabihasnang Asyano. Katulad ng kaisipan o pilosopiya ng

Taoism, sinasagisag ng elementong yin ang babae at ang elementong yang

ang lalaki. Kinakailangan ang dalawang elementong ito upang magkaroon ng

balanse sa mundo.

Gawain 1: PANGKATIN: (Remembering)

Panuto: Basahing muli ang panimula ng aralin. Itala sa tamang hanay sa

graphic organizer na nasa ibaba ang mga salita o paglalarawan ukol sa mga

kababaihan noong sinaunang panahon sa Asya.

• sati o suttee • Inanna

• Code of Manu • Batas ni Hammurabi

• Tiamat • Pagsusuot ng burkah at

• footbinding purdah

• yin at yang • Amaterasu O-mi-kami

• concubinage
RELIHIYON BATAS KAUGALIAN PILOSOPIYA

Gawain 2: BIGYANG-PANSIN: (Understanding and Analysis)

Panuto: Batay sa iyong nabasa sa panimula ng aralin, buuin ang

talahanayan o graphic organizer ukol sa mga kababaihan sa sinaunang

panahon ng Asya. Magtala ng isang halimbawa sa bawat larangan

(Relihiyon, Batas, Pilosopiya at Kaugalian) na naglalarawan sa kalagayan

ng mga kababaihan noong sinaunang panahon sa Asya

Halimbawa: Sa larangan ng relihiyon:

Sa Buddhism, ipinagkait sa kababaihan ang pagtatamo ng nirvana

• halimbawa • halimbawa

Relihiyon Batas

Kaugalian Pilosopiya
• halimbawa • halimbawa
Paghihinuha/Kongklusyon/Realisasyon

1. Paano mo ilalarawan ang kalagayan ng mga kababaihan noong sinaunang

panahon sa Asya?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

________________________________________________________.

2. May pagkakaiba ba ang kalagayan ng kababaihan noon sa panahon natin

ngayon? Ipaliwanag ang sagot.

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

________________________________________________________.

Gawain 3: LARAWAN SURI at PAG-AARAL ng KASO/Case Study


(Analyzing)
Panuto: Pag-aralan at suriin ang mga larawan at tala ukol dito. Sagutin ang

mga kaugnay na tanong pagkatapos gawin ang pagsusuri.

Ang Sati o Suttee


Ang sati o suttee ay isang tradisyong Hindu ng pagpapakamatay ng

biyudang babae sa pamamagitan ng pagsama sa nasusunog na bangkay ng

kanyang asawa. Hinango ang sati sa wikang Sanskrit na ang ibig sabihin ay

“katapatan”.

Noong taong 1987, ang labingwalong-taong gulang na si Roop Kanwar

na wala pang isang taong ikinasal ay nagsagawa ng ritwal na ito. Bagamat

ipinagbawal na sa India ang pagsasagawa nito mula pa noong 1829, may mga

naitala pa ring kaso ng sati o suttee noong 1973, 1978, 1987, 1988, 2002,

2006 at 2008. Naniniwala ang mga Hindu na makakamit ng mag-asawa ang

kaluwalhatian sa kabilang buhay sa pamamagitan ng sati o suttee.

Ang Footbinding sa China


Ang footbinding ay ang sadyang pagbabali ng paa upang hindi ito lumaki ng

normal. Ang ganitong klase ng paa ay tinatawag na lotus feet o lily feet. Naging

pamantayan ito ng kagandahan para sa mga sinaunang babae sa Tsina na

pinasimulan ng Dinastiyang Sung. Simbolo ito ng kagandahan, pagiging

masunurin at limitadong paggalaw ng babae. Patunay ito ng hindi

pagtatrabaho ng babae kaya nanatili lamang siya sa bahay upang suportahan

ng kanyang asawa. Ipinagbawal ito sa batas simula noong 1912 bagama’t

patuloy pa rin itong isinagawa ng iilang Tsino hanggang 1949.

Pagtataya: (Evaluation)

1. Ano ang iyong naramdaman matapos mong masuri ang larawan at

tala?______________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________.

2. Ano ang iyong pananaw ukol sa mga kaugaliang isinagawa sa mga

kababaihan noong sinaunang panahon sa Asya katulad ng sati/suttee at

footbinding?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

______________________________________________________________.

3. May batayan ba ang pagsasagawa ng mga kaugaliang ito? Ipaliwanag ang

iyong sagot
___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________.

4. Bakit kaya ipinagbawal sa batas ang pagsasagawa ng mga kaugaliang ito?

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________.

Gawain 4. I-PROFILE MO. (Application)

Panuto: Lumikha ng profile ng isang natatanging babae. (Maaring pumili ng

isang kababaihan sa iyong pamilya, komunidad, o bansa). Gamitin ang

“format” sa paggawa ng nasabing profile.

ISANG NATATANGING BABAE

LARAWAN
Maikling Talambuhay

Pangalan Mga Katangi-tanging Nagawa


Repleksyon:
1. Bakit mo siya napili bilang isang natatanging babae?
_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________.

2. Ano’ng mga kahanga-hangang katangian ang kanyang taglay?

_________________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
Gawain 5. ADVOCACY CAMPAIGN. (Creating)

Panuto: Gumawa ng isang “advocacy campaign” na may temang

pagpapahalaga sa mga kababaihan. Maaring gumamit ng malikhaing paraan

tulad ng poster, tula o slogan sa paglikha ng “campaign. Gawin ito sa oslo

paper.

Kung ikaw naman ay may internet connection, maari ring gumawa ng

isang 30 segundong video material/advocacy campaign material na maaring

i-upload sa napiling social media platform para sa pagbibigay-pugay at halaga

sa mga kababaihan.

Gawain 6. ISABUHAY. (Application)

Panuto: Basahin ang paglalahat na nakalahad sa ibaba. Pagkatapos nito,

magsulat ng isang sanaysay na may tatlo hanggang limang pangungusap

bilang tugon sa katanungang nasa ibaba. Isulat sa loob ng dialog box ang

iyong sagot.
BABAE: MAY HALAGA KA! MAHALAGA KA!

Ang mga kababaihan ay may mahalagang papel na ginampanan sa

paghubog ng kabihasnan at kulturang Asyano. Hindi maikakaila na nakapag-

ambag sila ng malaking kontribusyon sa pag-unlad ng sangkatauhan.

Bagama’t sa maraming pagkakataon sa kasaysayan, naging mababa ang

pagtingin sa kanila ng lipunan, sa lahat ng panahon, ang kababaihan ay

patuloy na nagpupunyagi upang mapaunlad ang sarili, ang komunidad at

bansang kanyang kinabibilangan. Marapat lamang na mabigyan sila ng

paggalang at pagpapahalaga ng lahat.


Susi sa Pagwawasto (Answer Key)
ARALING PANLIPUNAN 7
Pangalan:___________________________________________________ Linggo: 8

Seksyon:_____________________________________________________Petsa:__________

Paksa: Kontribusyon ng Sinaunang Lipunan at Komunidad sa Asya

Layunin: (Most Essential Learning Competencies)

Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at

komunidad sa Asya CODE: AP7KSA-11H-1.12

Susing Konsepto
Panimula/Susing Konsepto (Introduction/Key Concept)
Ang pangkat ng mga tao na organisadong namumuhay na
pinamamahalaan ng iisang pamahalaan ay tinatawag na lipunan. Ang
lipunan ay kinabibilangan din ng hirarkiya ng tao ayon sa kanilang
kalagayan. Ito rin ay isang sistema ng paghahanay ng tao na ayon sa kanilang
katayuan sa buhay.
Ang paraan kung paano isinasaayos ng mga tao ang kanilang sarili
upang matamo ang kanilang mga pangangailangan ay tinatawag na
sistemang panlipunan. May iba’t-ibang uri ng trabaho ang mga tao sa lipunan
upang magkamit ng kayamanan. Ang pagkakaroon ng hirarkiya sa lipunan
ay ang sanhi nito.
Ang lipunang may hirarkiya ay karaniwang binubuo ng tatlong uri ng
pangkat ng tao. Ito ay ang upper class, middle class, at ang lower class. Ang
kinabibilangang pangkat ng tao ayon sa hirarkiya ay naglalarawan din ng
kanyang kapangyarihan at yaman. Para itong tatsulok na kung saan ang mga
nasa itaas ay higit na makapangyarihan.
Ang mga ganitong uri ng pagtatangi sa iba,t-ibang pangkat ng tao sa
sinaunang lipunan sa Asya ay naganap sa India, China at Timog-silangang
Asya.
Ang sistemang caste sa sinaunang kabihasnang India ay itinatag ng
mga Aryan na nandayuhan sa India noong 1500 BCE. Ang sistemang caste
ay kilala ring Varna na nakasulat sa Rig Veda. Sa sistemang ito, ang mga
Hindu ay napapangkat sa Brahmin (iskolar at pari), Kshatriya (mandirigma),
Vaisha (magsasaka at mangangalakal), at Sudra (utusan at magsasaka). Ang
kalagayang ito ay namamana at panghabang-buhay. Ang mga pulubi at
basurero na tinawag ding untouchables o pariah ay hindi ibinilang sa caste.
Sa panahon ng Dinastiyang Shang sa China ay may dalawang antas ng
tao, ang mga namamahala o ruling class at ang mga manggagawa o working
class. Sa ruling class nabibilang ang mga hari, pari, at feudal lords. Sa
working class naman nabibilang ang mga magsasaka, mangangalakal, kawal,
at mga artisan.
Sa panahon naman ng Khmer, (800-1432 CE), apat na uri ng
kinikilalang antas ng lipunan. Ang hari (pinakamataas na antas, opisyal at
huwes (pangalawang antas), pangkaraniwan (magsasaka, artisano), at mga
alipin ( bihag sa digmaan).

Gawain 1: WORD HUNT: (REMEMBERING)

Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang mga konsepto na may kinalaman sa

kasaysayan ng sinaunang lipunan sa Asya. Isulat sa loob ng kahon sa ibaba

ang mga nakitang mga salita o konsepto.

K Z M A N D I R I G M A F
A S M K S Y R A G H M S R
S D J L D H F E H J N I H
A F B M G G G I J K H S F
Y H R H K B H O K L J T S
S K A B D H A S N A N E D
A U H G C F H A L M K M G
Y Y M B B C K E M N L A T
A T I N K V K I N P R N Y
N R N M S B H O O Q H G I
Z E Q K H N F U P R F C J
S W A H A M C C Q S C A H
E Q Z U T O D B R T X S F
R P X O R L R D S V Z T G
T O S L I P U N A N A E G
Y I W I Y A S F U W Q P A
G U E P A L I P I N S O A
Mga Konsepto sa Sinaunang Lipunan sa Asya
1. 5.
2. 6.
3. 7.
4. 8.
Gawain 2: CONCEPT MAP (Remembering, Analyzing)
Panuto: Punan ang mga kahon ng kahulugan ng lipunan.

KAHULUGAN KAHULUGAN

__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ LIPUNAN __________________
__________________ __________________
__________________ __________________
__________________ __________________

Gawain 3: Pagbuo ng Dayagram (Analysis, Aplication)

Gamit ang mga impormasyon sa panimulang konsepto sa pahina 2. Ilarawan

ang sistemang caste sa pamamagitan ng pagpuno sa piramide ng lipunang

Indian.
Gawain 4: Pagsusuri

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang mga sagot sa

sagutang papel.

1. Ano ang tumutukoy sa pangkat ng mga taong organisado ang

pamumuhay at pinamamahalaan ng iisang pamahalaan?

_________________________

2. Ano ang tawag sa pagpapangkat ng mga tao sa lipunan ng sinaunang

Indian? _________________________________

3. Sa anong panahon sumibol ang pagpapangkat ng tao sa lipunang

Tsino? ______________________________

4. Ano-ano ang mga bumubuo sa sinaunang lipunan sa Khmer noong

800-1432 CE? __________, _____________, _____________, __________.

5. Paano nabago ang antas ng lipunan sa China noong panahon ng

Zhou? _________________________________________________________
Gawain 5: Aplikasyon (Application)

Ano-ano ang mga kapakinabangan at kapinsalaang maaring idulot ng

sistemang caste sa pamumuhay ng mga Indian? Isulat sa Venn dayagram

ang sagot.

Kabutihan Di-kabutihan

Sistemang
caste

Gawain 6: Repleksiyon/Creating
Sumulat ng talata na binubuo ng tatlo hanggang limang pangungusap na
naglalagom ng iyong nalaman o natutunan sa paksa na maaaring mong
maisabuhay bilang mag-aaral.

Petsa: ____________

______________________________
(Pamagat)

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________.
Susi sa Pagwawasto (Answer Key)

You might also like