Unang Pagtataya

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan_______________________________ Petsa:_____________________ Puntos:___________

Unang Pagsusulit sa Araling Panlipunan Grade 7-Ikalawang Markahan


Konsepto ng Kabihasnan at Mga Salik Sa Pagbuo ng Kabihasnan
Gawain 1:Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.
_____1. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
A. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao
B. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
C. Paninirahan sa malalapit at mauunlad na pamayanan
D. Pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamammayan.
_____2. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan?
A. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining, arkitektura, at sistema ng
pagsulat.
B. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at pagsulat
C. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat
D. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon, at estado
_____3. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng kabihasnan na sumibol sa Asya, maliban sa isa. Alin dito ang hindi
kabilang? A. Indus B. Shang C. Sumer D. Nippur
_____4. Ano ang pangunahing uri ng pamumuhay ang nalilinang sa sinaunang kabihasnan?
A. Pangingisda at pagsasaka B. Pagkakarpentero C. Pagtuturo D. Pagkukumpyuter
_____5. Bakit nalinang ng sinaunang tao ang pamumuhay na pangingisda at pagsasaka?
A. Dahil sa ito ang kanilang gusto. C. Dahil ito ang kanilang pamumuhay.
B. Dahil sa kapaligiran na kanilang permanenteng tirahan D. Wala sa nabanggit.
_____6. Ano ang relihiyong pinaniniwalaan ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Animism B. Kristiyanismo C. Buddhism D. Politeismo
_____7. Paano umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon?
A. Umiiral ang kabihasnan at sibilisasyon kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran at sa
pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito.
B. Pagkakaroon ng kakayahan na baguhin ang kaniyang pamumuhay gamit ang lakas at talino nito.
C. Kapag ang tao ay natutong humarap sa hamon ng kapaligiran
D. Wala sa nabanggit.
_____8. Ano ang dahilan kung bakit pagsasaka at pangingisda ang pangunahing nalinang na hanapbuhay ng mga
sinaunang kabihasnan?
A. Dahil umusbong ang unang kabihasnan malapit sa lambak-ilog.
B. Dahil umusbong ang unang kabihasnan sa bundok.
C. Dahil umusbong ang unang kabihasnan sa ilog.
D. Wala sa nabanggit.
_____9. Ang sibilisasyon ay mula sa salitang – ugat na civitas, salitang Latin. Ano ang ibig sabihin ng civitas?
A. Lalawigan B. Barangay C. Lungsod D. Munisipalidad
_____10. Ang salitang kabihasnan na kadalasang ginagamit bilang kasingkahulugan ng sibilisasyon ay katutubo na
salita sa Pilipinas. Mula ito sa salitang – ugat na bihasa. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Munisipalidad B. Eksperto o magaling C. Maganda D. Matalino

_____11. Alin sa mga sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?


A. Pamumuhay na nakagawian at pinaunlad ng maraming pangkat ng ta
B. Pamumuhay na pinaunlad ng tao gamit ang bagong teknolohiya
C. Pamumuhay na nakagawian bunga ng pagtira sa mga ilog at lamba
D. Pamumuhay na nabago ng kapaligiran
_____12. Paano nabubuo ang isang kabihasnan
A. Sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan,relihiyon,uring panlipunan,sining ,arkitektura at sistema ng
pagsulat
B. Kapag may pamahalaan,relihiyon,sining,arkitektura at sistema ng pagsulat
C. Kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
D. Kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
_____13. Saan itinatatag ang mga sinaunang kabihasnang Asyano?
A. Lambak at Ilog B. Tabing Dagat C. Kabundukan D. Disyerto
_____14. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga sinaunang Asyano?
A. Pangangaso at pagpitas C. Pangingisda at pagtatanim
B. Pagminina at Pagtotroso D. Pagbebenta ng kagamitan
_____15. Ito ay ang pagtugon sa pamumuhay ng mga lipunang umusbong sa mga lambak8j at ilog.
A. Sibilisasyon B. Kabihasnan C. Pamumuhay D. Pamamahala

Gawain 2: Itala Mo!!! Puntos:________________


Alam ko nang batid mo na ang lahat na kaalaman tungkol sa aralin na iyong pinagaralan, ngayon ay itala mo ang
mga salik at batayan sa pagbuo ng kabihasnan mula sa natutuhan mo mula sa aralin.
Mga Batayang Salik sa pagkakaroon ng kabihasnan

1. _______________________________________ 4. __________________________________

2.________________________________________ 5. ___________________________________

3.________________________________________ 6. ___________________________________
Gawain 2: Sinimulan Ko. Tapusin Mo! Puntos:________________
Ang kabihasnan ay pamumuhay na nakagawian at ______________________ ng maramimg
pangkat ng ___________________________. Maliban sa pamumuhay, kasama rito ang
___________________________, ________________________, ______________________,
at ______________________________________.
Ang mga batayang o salik sa pagbuo ng kabihasnan ay ang _______________________,
________________________, _________________________, _______________________,
_______________________________, at ______________________________.
Gawain 3:Tanong Ko,Sagot Mo!

Ngayon ay subukan mong sukatin ang iyong kaalaman batay sa iyong napag-aralang teskto sa
pamamagitan ng pagbibigay ng sagot sa mga sumusunod na tanong na nasa ibaba.
1. Ano ang kahulugan ng kabihasnan?

______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

2. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga sinaunang tao?


______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
3. Naging sapat ba ang kakayahan ng mga sinaunang Asyano upang mapaunlad ang
kanilang kabihasnan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

You might also like