FIL 211 2 A Kasanayang Pakikinig
FIL 211 2 A Kasanayang Pakikinig
FIL 211 2 A Kasanayang Pakikinig
Paglalahad
Ang kahulugan ng pakikinig ay ang pag-uunawa sa kahulugan ng mga tunog na napakinggan.
Nangangahulugan ito ng pagdinig nang may layunin – ang pag-uunawa sa kahulugan ng mga salita at
pangungusap na naririnig. Ito ay hindi pasibo kundi aktibong paraan ng pagtanggap at pagbuo ng mensahe mula
sa pinanggalingang tunog. Inuunawa ang mga katotohanan at ideya na nakapaloob sa mga salitang napakinggan.
Ipinoproseso ng isipan ng tao ang mga bagay na kanyang napakinggan hanggang sa maunawaan niya ang
kahulugan ng mga ito.
Bagamat magkaugnay ang pagdinig (hearing) at pakikinig (listening) ito ay may pagkakaiba. Sa level na
pisikal ang pagdinig sapagkat isang kapasidad ito para matukoy ang tunog na bumubuo sa isang salita. Tumutukoy
ito sa ating kakayahang marinig ang anumang tunog sa pamamagitan ng ating mga tainga. Samantala, isang
proseso ng pag iisip na may layuning unawain ang kahulugang nakapaloob sa mga tunog na pinakikinggan ang
pakikinig. Preliminaryong hakbang sa pakikinig ang pagdinig.
Sinabi ni Kline (2006) na ang pakikinig ay isang kompleks na proseso. Ito ay dumadaan sa tatlong
magkakasunod na hakbangin:
Lahat ng tao ay kailangang mapakinggan, kung paanong lahat din ng tao ay kailangang makapagpahayag
ng sarili. Ang epektibo/produktibong pakikinig ay hindi likas sa tao. Ito ay isang gawain, isang kasanayang
nalilinang. Kailangang linangin ng bawat tao ay kanyang kasanayan sa pakikinig upang ang lahat ay magkaroon
ng epektibo/produktibong komunikasyon.
Tingnan ninyo ang mga larawan sa ibaba. Makikita natin ang iba’t ibang uri ng tagapakinig.
1. Eager Beaver – siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tango nang tango habang may nagsasalita
sa kanyang harapan. Makikita sa kanyang mga mata ang kawalan ng fokus.
2. Sleeper – siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid. Wala siyang
tunay na intensyon makinig.
3. Tiger - siya ang tagapakinig na laging handang magreak sa anumang sasabihin ng nagsasalita
4. Bewildered – siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maintindihan sa naririnig.
Kapansin-pansin sa pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong
ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.
6. Frowner – siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa
7. Busy Bee – hindi lamang siya hindi nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat,
pakikipagtsismisan sa katabi, pagbaba- sa ng libro o magasin at ibang walang kabuluhang gawain
8. Two-eared Listener – siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig siya gamit hindi lamang ang
kanyang tainga kundi maging ang kanyang utak
Mga Tanong:
1. Alin sa mga uri ng tagapakinig ang iyong ginagawa o nararanasan? Pumili ng dalawa lamang at ipaliwanag.
( 20 PTS. )
A.__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________ ___
B.__________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Sinong tagapakinig ang matatawag na epektibo/produktibo ang nagawang pakikinig? Bakit? ( 10 PTS. )
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Mga Epektibong/Produktibong Teknik sa Pakikinig:
Ang komunikasyon ay itinuturing na isang sining, at ang pagpapahusay nito ay nakasalalay sa kakayahan
ng indibidwal na makapagproseso ng mga kaalaman batay sa limang makrong kasanayang pangwika.Ang mga ito
ay ang pakikinig, pagsasalita , pagbasa , pagsulat , at panonood. PAKIKINIG ang pinakapundasyon sa lahat, na
kinakailangang pagtutuunan ng pansin at lubos ng aalamin upang maging eksperto at magaling.
Narito ang mahahalagang bagay na dapat alamin upang maging tama ang atityud sa pakikinig at lubos
na maging mahusay na Tagapakinig.
KARAGDAGANG KAALAMAN : Ang tagapakinig ay kailangang may positibong mental atityud, bukas na isipan ,
atensyon, pag –unawa o( adjustment) at makatarungang paninindigan sa pakikinig.
GAWAIN:
Pakinggan ang awiting : “ Natutulog ba ang Diyos “ ni Gary Valenciano.
https://www.youtube.com/watch?v=b9lZ6tywEmk
Panuto : Isulat ang mga katangian na nabanggit sa awit upang matugunan ang mga hinihingi. (20 pts.)
Larawang nabuo sa
isipan Nararamdaman