Modyul 3: Makrong Kasanayan: Mga Aralin

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Educ106-Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II-Panitikan ng Pilipinas

Modyul 3: Makrong Kasanayan


Mga Aralin
• Pakikinig
• Pagsasalita

Mga Layunin
• Mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig at pagsasalita.
• Maunawaan ang kahalagahan ng mga ito sa pag-aaral.
• Maipaliwanag kung paano ito nakatutulong sa pagpapalawak ng
kaisipan.
Panimula
Sa pakikipagkomunikasyon ng tao, sa anyong berbal man o sa anyong di-
berbal, ang kanyang kakayahan sa larangan ng pagpapahayag ay lagi ng
nasasangkot. Sa kahusayan niya sa pagpapahayag nakasalalay ang linaw ng
mensaheng nais niyang iparating sa kanyang kapwa.
Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng
pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon,
nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang
pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa
niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang
iba’t ibang makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na
gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat, palikhain
ng tula at pasulatin ng maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin –
lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa
pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.

Pagtalakay

Aralin 1: Makrong Kasanayan sa Pakikinig

KAHULUGAN NG PAKIKINIG
• Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan
ng sensoring pandinig at pag-iisip. Aktibo ito dahil nagbibigay-daan ito sa
isang tao na pag-isipan, tandaan at ianalisa ang kahulugan at kabuluhan
ng mga salitang kanyang napakinggan.
• Ito rin ay pagtugong mental at pisikal sa mensaheng nais ipabatid ng
tagapagdala ng mensahe. Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas
at gumagana kahit na tayo ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga
tunog na nagsisilbing stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa
auditory nerve patungo sa utak.
• Ang sensoring pakikinig ay nananatiling bukas at gumagana kahit na tayo
ay may ginagawa. At naririnig natin ang mga tunog na nagsisilbing
stimuli. Ang wave stimuli na ito ay dumaraan sa auditory nerve patungo
sa utak.

Kahalagahan ng Pakikinig

25 | P a g e
Educ106-Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II-Panitikan ng Pilipinas

• Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng


impormasyon kaysa sa tuwirang pagbabasa.
• Ang pakikinig sa kapwa ay daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan
at magkaroon ng mabuting palagayan.
• Sa pakikinig kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa,
pagtanda o paggunita sa narinig.

Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa


pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang
makinig kaysa sa magsalita. Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-
aralan. Mas gusto pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral
kaysa aktibong makilahok sa kanila.

45% ay nagagamit sa pakikinig


30% ay sa pagsasalita
16% ay sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat

Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig


• Alamin ang layunin sa pakikinig
• Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
• Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
• Maging isang aktibong kalahok
• Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng
tagapagsalita
• Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
• Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan

MGA URI NG PAKIKINIG


1. Deskriminatibo
Layunin;
• matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at di-pasalitang paraan ng
komunikasyon.
• binibigyan pansin ang paraan ng pagbigkas ng tagapagsalita at
kung paano siya kumikilos habang nagsasalita.

2. Komprehensibo
Kahalagahan:
• Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
• Maintindihan ang nilalaman at kahulugan ng kanyang
pinakikinggan.
3. Paglilibang
Layunin:
• upang malibang o aliwin ang sarili
• ginagawa para sa sariling kasiyahan
4. Paggamot
Kahalagahan: matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan
o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng
nagsasalita.
26 | P a g e
Educ106-Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II-Panitikan ng Pilipinas

5. Kritikal
Layunin:
• gumamit ng pagbubuo ng hinuha upang makabuo ng ganap na pag-
aanalisa o pagsusuri sa paksang narinig.
• Makabubuo ng analisis ang tagapakinig batay sa narinig
• Malinawan ang tagapakinig sa puntong nais niyang maintindihan

Mga elementong Nakaiimpluwensiya sa Pakikinig


1. Edad o gulang - Kung bata ang nakikinig ng pahayag, di kailangang
mahaba ang pahayag dahil masyadong maikli ang kanilang interes, bukod
pa sa kanilang kakulangan sa pang-unawa.
- Sa mga may edad na o matatanda na hindi rin ay hindi rin mabuti ang
mahabang pakikinig hindi dahil sa nababagot sila kundi dahil sa mga
nararamdamang nila sa katawan bunga ng kanilang kantandaan, katulad
ng pag-atake ng rayuma at ang kahinaan na ng kanilang pandinig.
2. Oras - Malaki rin ang impluwensiya ng oras sa pakikinig. Ang isang
tagapakinig na tawagan sa hatinggabi o sa madaling- araw ay di kasing
linaw ng pakikinig niya sa oras na gising na gising na ang kanyang
kamalayan. May mga oras na de-peligro rin tayong tinatawag, ang isang
nagbibigay ng panayam na malapit na sa oras ng tanghalian ay din na rin
epektibo sa mga tagapakinig. Ang mga estudyante na may klase sa
umaga ay mas aktibong tagapakinig kaysa mga estudyante panghapon.
3. Kasarian - Sinasabing magkaiba ang interes ng mga lalaki at babae. Ang
mga lalaking tagapakinig ay ayaw sa babaeng tagapagsalita dahil maligoy
masyado sa pagsasalita at maraming sinasabi o ipinaliliwanag na
nagiging negatibo para sa kanila kaya hindi pinakikinggan. At gusto rin
nilang pinakikinggan ay ang paksang may pansarili silang interes. Ang
mga babae naman ay ayaw sa lalaking tagapagsalita dahil sa may
katipiran ng mga ito sa pagbibigay ng paliwanag. Higit na mahaba ang
pasensiya ng babae sa pakikinig kaysa sa mga lalaki dahil madali silang
mainip
4. Tsanel - Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking
tulong upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono,
radyo atbp. Epektibo pa ring tsanel sa pagpaparating ng mensahe ay ang
personal na pakikipag-usap kaysa sa paggamit ng instrumento dahil
malinaw na masasabi ang mensahe gayon din ang kanyang emosyon.
5. Kultura - Ang pagkakaiba-iba ng kultura ng tao ay nagiging dahilan din
ng mabuti at di-mabuting kawilihan sa pakikinig. Ang pananalangin ng
ating mga kapatid na katutubo ay iba sa pananalangin nating mga
kristiyano. Parehong Pilipino pero magkaiba ng kultura. Sa panayam, may
mga tao na malayang nakapagtatanong at sumasalungat habang
nagsasalita ang tagapanayam pero mayroon namang tahimik at taimtim
lamang nakikinig habang nagsasalita ang tagapanayam at magtatanong
lamang sila kapag tapos na itong magsalita.
6. Konsepto sa sarili - ang tagapakinig ay may katalinuhang taglay na maari
niyang magamit sa pagkontra o pagsang-ayon sa sinasabi ng
tagapagsalita. Ang sariling pagpapakahulugan ng tagapakinig sa kanyang
naririnig na mensahe ng kausap ay maaaring magwakas sa mabuti o di-
mabuting katapusan.
27 | P a g e
Educ106-Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II-Panitikan ng Pilipinas

7. Lugar - Ang tahimik at malamig na lugar ay lubusang nakahihikayat at


nakapagpapataas ng level ng konsentrasyon ng isang tagapakinig ng isang
panayam. Ang mainit, maliit at magulong lugar ay nagdudulot ng
pagkainis at kawalang ganang makinig ng mga tagapakinig.

MGA URI NG TAGAPAKINIG


• Eager Beaver - Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang
tango habang may nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung
naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay isang malaking tanong.
• Sleeper - Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na
sulok ng silid. Wala siyang tunay na intensyong makinig.
• Tiger - Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa
anumang sasabihin ng tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay
parang tigre siyang susugod at mananagpang.
• Bewildered - Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang
maiintindihan sa naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang
noo, pagsimangot at anyong pagtataka o pagtatanong ang kawalan niya
ng malay sa kanyang mga naririnig.
• Frowner - Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may
tanong at pagdududa. Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo,
ngunit ang totoo, hindi lubos ang kanyang pakikinig kundi isang
pagkukunwari lamang sapagkat ang hinihintay lamang niya ay ang
oportunidad na makapagtanong para makapag-paimpres.
• Relaxed - Isa siyang problema sa isang nagsasalita. Paano’y kitang-kita
sa kanya ang kawalan ng interes sa pakikinig. Itinutuon ang kanyang
atensyon sa ibang bagay at walang makitang iba pang reaksyon mula sa
kanya, positibo man o negatibo.
• Busy Bee - Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat,
hindi lamang siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng
pagsusulat, pakikipagtsismisan sa katabi, pagsusuklay, o anumang
gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
• Two-eared Listener - Siya ang pinakaepektibong tagapakinig, nakikinig
siya gamit hindi lamang ang kanyang tainga kundi maging ang kanyang
utak. Lubos ang partisipasyon niya sa gawain ng pakikinig. Makikita sa
kanyang mukha ang kawilihan sa pakikinig.

MGA KABUTIHANG MAIDUDULOT NG AKTIBONG PAKIKINIG


❖ Makinig at pahalagahan ang sinasabi ng kapwa upang mapaamo ang
matigas na damdamin
❖ Madaling maunawaan ang posisyon ng iba kung mataimtim na makikinig
sa kanya
❖ Maiiwasan ang mga negatibong pagpuna kung ginagamit ang pakikinig sa
wastong paraan
❖ Mawawala ang puwang ng di-pagkakaunawaan o di-pagkakasunduan
kung nakikinig sa bawat nagsasalita
❖ Madaling matulungan ang kapwa sa pamamagitan ng pakikinig
❖ Matutuklasan ang mgakainaan ng bawat isa tungo sa pagbabago sapagkat
masususri at maaanalisa ang mga kahinaan sa pamamagitan ng
masusing pakikinig
28 | P a g e
Educ106-Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II-Panitikan ng Pilipinas

MGA MALING PANINIWALA SA PAKIKINIG


➢ ang pakikinig daw ang pinakamadali sa apat na makrong kasanayan
➢ ang mga marurunog lamang daw ang mahuhusay makinig
➢ hindi na raw kailangang pagplanuhan ang pakikinig

MGA HADLANG SA PAKIKINIG


• Pagbuo ng maling kaisipan
• Pagkiling sa sariling opinion
• Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
• Pisikal na dahilan
• Pagkakaiba ng kultura
• Suliraning pansarili

Aralin 2: Makrong Kasanayan sa Pagsasalita

Kahulugan ng Pagsasalita
• Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang
kanyang ideya, paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng
paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang kausap.
• Pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang
nagsasalita at ang kinakausap
Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita dahil:
• naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
• nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan ng mga tao
• nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
• naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa
kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at
istratehiya sa pagpapatupad ng mga ito.
SALIK SA EPEKTIBONG PAGSASALITA [Ayon kina Bernales, et al. (2002)]
Kaalaman
Sapat na kaalaman sa bokabularyo o talasalitaan
Sapat na kaalaman sa gramatika
Sapat na kaalaman sa kultura at lipunan ng mga taon sangkot sa
pakikipagtalastasan
Kasanayan
Sa mabilis na pag-iisip
Sa paggamit ng mga sangkap sa pagsasalita
Kalinawang magsalita – buo at malakas ang tinig
Tiwala sa sarili – Makatulong sa nagsasalita na maihahatid ang mensahe na
malinaw, tumpak, at sa mas organisadong paraan.

KATANGIAN NG MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA


[Ayon kina Pagkalinawan, et. Al (2004)]
• May layunin at lubos na kaalaman sa paksa
• May kaalaman sa retorika at balarila
• May kredibilidad ang pagkatao

29 | P a g e
Educ106-Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II-Panitikan ng Pilipinas

• May maayos na personalidad, wastong pananamit at matikas na tindig


• May kawili-wiling tinig
• May matatag na damdamin
• May nalilinang na ugnayan sa nakikinig
• May malinaw at wastong pagbigkas at intonasyon
• Mapananatili ang interes o kawilihan ng nakikinig
• May sense of humor upang hindi maging kabagot-bagot sa nakikinig

KASANAYAN SA PAGSASALITA
[Pagkalinawan, et al., 2004]

1. Mga Kasanayang Di-Pormal

➢ Pakikipag-usap – ang palitan ng kaisipan, damdamin at pagpapalagayan ng


loob ang mga taong sangkot sa usapan. Maaaring ay maipahayag niya ang
kanyang karanasan, mithiin, at pananaw sa buhay. Magpahalaga sa
sinasabi ng ating kausap. Makatutulong ito upang magkaroon ng
kakayahang umunawa, bumuo ng mga palagay o hihuha sa kahulugan ng
kilos ng kausap. Pagpapakilala sa sarili sa ibang tao. Ipakilala sa isa’t isa
ang taong hindi pa magkakilala sa inyong pangkat. Unahing banggitin ang
pangalan ng taong nararapat bigyan ng panggalang. Pakinggang mabuti ang
pangalan ng taong ipinakikilala sa atin.
➢ Pakikipag-usap sa telepono
Batiin ng magandang umaga, hapon, o gabi ang kausap. Magsalita nang
malinaw at marahan lamang. Iplano nang mabuti ang sasabihin bago
tumawag. Kung wala ang taong kakausapin, tanungin ang pangalan ng
taong nakasagot sa telepono at magalang na tanungin kung maaari kang
mag-iwan ng mensahe para sa taong nais mong kausapin. Pagbibigay ng
direksyon at panuto. Dapat malinaw, simple, tiyak, at medaling maunawaan.
Kronolohikal o ayon sa pagkasunod-sunod ang mga hakbang sa
pagpapaliwanag. Nakatulong ang senyas, oras, mapa, pananda, at larawan
upang maisagawa nang wasto.

2. Mga Pormal na Kasanayan

➢ Masining na pagkukuwento
Tiyaking alam na alam ang paksang ikukuwento. Balangkasin sa isipan
ang kuwento bago magsalaysay. Iwasang ikuwentong ang mga bahagi na
di-mahalaga. Sa pagkukuwento, gumamit ng mga angkop na pananalita.
Gawin itong waring nakikipag-usap lamang. Gawing masigla ang
pagkukuwento. Gawing malinaw ang pagbigkas ng mga pananalita.
➢ Pakikipagpanayam – pagsagot o pagtugon sa mga katanungan sa isang
taong kumakalap ng mga impormasyon o interviewer. Layunin ng
pakikipag- usap na makuha ang mahalagang detalye o impormasyon na
makatutulong sa paglilinaw sa paksang pinag-uusapan.
➢ Pangkatang Talakayan- Ang mga kasama sa talakayan ay nagpapalitan
ng mga opinion o kuro-kuro tungol sa paksang pinag-uusapan.

30 | P a g e
Educ106-Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya II-Panitikan ng Pilipinas

➢ Pagtatalumpati – masining na pamamaraan sa pagbigkas ng isang


napapanahong isyu o paksa sa harapan ng madla.
Layunin:
a) makapagpaniwala
b) makaakit o makahikayat sa tagapakinig

Paraan ng Pagbigkas ng Talumpati:


• Pagbasa sa sinulat na talumpati
• Pagbigkas mula sa balangkas ng talumpati
• Pagbigkas mula sa buod ng mahalagang paksang-diwa ng talumpati
• Pagbigkas na hindi pinaghandaan o biglaan

Tatlong katangian ng isang mananalumpati:


a) may kaalaman
b) handa
c) may kasanayan.

Mga Kasangkapan sa Pagsasalita


▪ tinig
▪ bigkas
▪ tindig
▪ kumpas
▪ kilos

31 | P a g e

You might also like