Fil 105 - Pagtuturo at Pagtataya NG Makrong Kasanayang Pangwika
Fil 105 - Pagtuturo at Pagtataya NG Makrong Kasanayang Pangwika
Fil 105 - Pagtuturo at Pagtataya NG Makrong Kasanayang Pangwika
Uri ng talumpati
Impromptu Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda.
Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati: • Maglaan ng oras sa paghahanda • Magkaroon
ng tiwala sa sarili • Magsalita nang medyo mabagal • Magpokus sa paksa habang nagsasalita
Extemporaneous Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na kahandaan sa
pagbigkas. Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore: • Limitado sa oras sa pagitan
ng pagkuha ng paksa at sa mismong paligsahan • Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati
Pinaghandaang talumpati Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati,
may paghahanda at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang
talumpati. Pagbasa ng papel sa panayam o kumperensya Ito ang kasanayang pagsulat ng
papel na babasahin sa kumperensya, ang pag-oorganisa ng mga ideya at ang pagsulat ng
panimula, katawan at wakas/konklusyon ay dapat na magkakaugnay at may kaisahan.
Kahinaan sa pagtatalumpati
1. Nauumid, nauutal at hindi makapagsalita ng maayos kapag nakaharap sa maraming tao.
2. Masyadong magalaw ang katawan at hindi nakapokus ang pansin sa mga nakikinig
3. Hindi maramdaman ng mga tagapakinig ang kataimtiman at katotohanan ng bawat
salitang binibitiwan.
4. Masyadong mahina ang tinig at hindi sapat upang marinig ng lahat ang sinasabi ng
mananalumpati
Mga mungkahi kung paano makapagsasalita ng maayos sa harap ng madla: • Magkaroon ng
positibong pananaw, isiping kaya mong magsalita sa harap ng madla. Isipin ding hindi nag-
iisa, dahil lahat ng tagapagsalita ay kinakabahan sa mga unang segundo o munuto ng
pagsasalita. • Magtiwala sa iyong sarili, isiping may mahalagang ideya na ibabahagi sa madla.
• Tanggapin mo ang iyong sarili, ang iyong tagumpay at kabiguan, ang iyong kalakasan at
kahinaan, ang iyong kagandahan at kapintasan, isiping maging ang mga taong may depekto
ay maari ring magtagumpay. • Magkaroon ng marubdob na pagnanasang maging mahusay
na tagapagsalita.
Harapin mo ang takot, huwag mong takasan. Hindi ka magkakaroon ng karanasan kung hindi
mo susubukan. • Magpraktis ka ng magpraktis. Magsimula sa pagharap sa maliliit na pangkat
hanggang sa malalaking madla. • Isiping ang mga madlang tagapakinig ay palakaibigan at
hindi mapanghusga. • Magdasal, humingi ng lakas at dunong sa Poong Maykapal.
PAGSUSURI NG NAPAG-ARALAN
ISULAT ANG TAMANG SAGOT NA HINIHINGI BASE SA MGA SUMUSUNOD:
1. Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan
ng sensoring pandinig at pag-iisip
2. Paggamit ng instrumento sa paghahatid ng mensahe ay malaking tulong
upang magkaunawaan gaya ng cellphone, telepono, mikropono, radyo atbp
3. Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang may
nagsasalita sa kanyang harapan, ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang naririnig ay
isang malaking tanong.
4. Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid.
Wala siyang tunay na intensyong makinig.
5. Siya ang tagapakinig na kahit na anong pilit ay walang maiintindihan sa
naririnig. Kapansin-pansin ang pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka
o pagtatanong ang kawalan niya ng malay sa kanyang mga naririnig.
6. Isa siya sa pinakaaayawang tagapakinig sa anumang pangkat, hindi lamang
siya nakikinig, abala rin siya sa ibang gawain tulad ng pagsusulat, pakikipagtsismisan sa
katabi, pagsusuklay, o anumang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig.
7. Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maihayag ang kanyang ideya,
paniniwala at nadarama sa pamamagitan ng paggamit ng wikang nauunawaan ng kanyang
kausap.
8. Ito ay biglaang talumpati na binibigkas nang walang ganap na paghahanda.
Gabay sa pagbigkas ng biglaang talumpati
9. Ito ang pagbigkas sa isang kompetisyon na walang tiyak na kahandaan sa
pagbigkas. Mga itinakdang konsiderasyon para sa extempore
10. Ang tagapagsalita ay gumagawa muna ng kanyang talumpati, may
paghahanda at kailangang memoryado o saulado ang pyesa bago bigkasin ang talumpati
IBIGAY ANG MGA HINIHINGI
1. Magbigay ng limang (5) Hadlang sa Pakikinig (5 pts)
2. Magbigay ng limang (5) Kasangkapan ng Pagsasalita (5 pts)
REFERENCE:
https://www.slideshare.net/RoelDancel/4-na-makrong-kasanayan-65959478
https://www.coursehero.com/file/59611729/PAGTUTURO-AT-PAGTATAYA-NG-
MAKRONG-KASANAYANG-PANGWIKAdocx/