Ap4 Q3 Modyul5

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

4

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Programa at Serbisyong
Pangkalusugan, Handog ng
Pamahalaan

CO_Q3_AP 4_ Module 5
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Programa at Serbisyong Pangkalusugan,
Handog ng Pamahalaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Iren A. Nuñez
Editor: Jerry P. Ramirez, Ma. Leilani R. Lorico
Tagasuri: Ana N. Calisura
Tagaguhit:
Tagalapat: Edsel N. Doctama, Jera Mae B. Cruzado
Tagapamahala: Gilbert T. Sadsad
Francisco B. Bulalacao Jr.
Grace U. Rabelas
Ma. Leilani R. Lorico
Imelda R. Caunca
Marites B. Tongco

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region Region V Bicol

Office Address: Regional Site, Rawis, Legazpi City 4500


Telefax: (052) 482-0373; 820-8404
E-mail Address: [email protected]
4

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Programa at Serbisyong
Pangkalusugan, Handog ng
Pamahalaan
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda
para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang
maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang
itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy


na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang
magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at
tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin.
Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula
sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May
susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga
sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na


ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag
susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-
unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral
kahit wala sila sa paaralan.
Alamin

Kumusta! Ngayon ay nasa ikalimang modyul ka na. Natutuhan mo


sa mga nakaraang aralin ang mga gampanin ng pamahalaan upang
matugunan ang pangangailangan ng bawat mamamayan.

Sa modyul na ito, matutuhan mo naman ang iba’t- ibang programa


at serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaan para sa ikabubuti ng bawat
mamamayan. Nangunguna sa mga ito ang serbisyong pangkalusugang
handog ng pamahalaan.

Pamantayang Pangnilalaman
Ikaw ay makapagpapamalas ng pang- unawa sa bahaging
ginagampanan ng pamahalaan sa lipunan, mga pinuno at iba
pang naglilingkod sa pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng
bansa.
Pamantayan sa Pagganap
Ikaw ay makapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa
mga proyekto at gawain ng pamahalaan at mga pinuno nito tungo
sa kabutihan ng lahat (common good).
Pamantayan sa Pagkatuto
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Masusuri mo ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa
pangkalusugan.

1 CO_Q3_AP 4_ Module 5
Subukin

PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan.


Pagkatapos ay piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel. Gawin ito sa loob ng 3 minuto.

1. Anong programang pangkalusugan ng pamahalaan ang may


layuning makapagbigay ng kumpletong gamot lalo na sa mga
pangunahing sakit para sa mga mamamayan?
A. Pagbabakuna
B. National Health Insurance Program
C. Philhealth
D. Complete Treatment Pack

2. Bakit mahalaga ang pagbabakuna sa mga bata?


A. Walang bayad itong ibinibigay sa mga bata.
B. Maiiwasan ang malubhang pagkakasakit ng mga bata
C. Para maiwasan ang pagpapadoktor
D. Para makatipid ang pamilya.

3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga programa


ng pamahalaan para sa kalusugan?
A. Edukasyon Para sa Lahat
B. Pagbabakuna
C. Complete Treatment Pack
D. PhilHealth

4. Bakit mahalagang malusog ang mga mamamayan sa isang


bansa?
A. Magagawa niya ang anumang naisin niya kung malusog
siya.
B. Magandang tingnan ang malulusog na mamamayan.
C. Ang malusog na mamamayan ay kapaki-pakinabang sa
bansa.
D. Kailangan ng pamahalaan ang mga mamamayan.

2 CO_Q3_AP 4_ Module 5
5. Alin sa mga sumusunod na programa ang itinataguyod ng
pamahalaan upang masugpo ang mga sakit gaya ng polio,
tigdas, diarrhea, at trangkaso?
A. Pagbabakuna
B. PhilHealth
C. Complete Treatment Pack
D. National Health Insurance Program

6. Alin sa mga programang ito ng pamahalaan ang naglalayong


mapangalagaan ang kalusugan ng mga ina?
A. Bakuna laban sa Neo Tetanus
B. Complete Treatment Pack
C. Abot-Alam
D. Edukasyon Para sa Lahat

7. Nalaman mo na may nakatakdang pagbabakuna o


imunisasyon para sa mga bata laban sa sakit na polio sa
inyong barangay. Paano mo maipapakita ang iyong pagsuporta
sa programang ito ng pamahalaan?
A. Magsasawalang kibo lamang.
B. Hayaan ang mga Barangay Health Worker sa programang
ito dahil gawain nila ito.
C. Ipagbigay alam sa mga kapitbahay ang programang ito.
D. Hikayatin ang kapwa-bata na huwag magpabakuna.

8. Malala na ang ubo ng iyong kapatid sapagkat hindi


maipagamot dahil wala kayong pera. Napag-aralan ninyo ang
mga programa ng pamahalaan para sa kalusugan. Ano ang
dapat mong gawin?
A. Hintayin na maipagamot ang kapatid.
B. Sabihin sa magulang ang nalamang programa ng
pamahalaan para sa kalusugan.
C. Hayaan na malaman ng magulang ang tungkol sa
programa ng pamahalaan tungkol dito.
D. Dalhin sa health center ang kapatid kahit hindi alam ng
magulang.

3 CO_Q3_AP 4_ Module 5
9. Kabilang sa pinakamahihirap na pamilya sa inyong lugar ang
pamilya ng kalaro mong si Alex. Nagkasakit ito nang malubha
kaya hindi na makapaglaro. Paano mo matutulungan si Alex?
A. Sabihin sa munisipyo ang kalagayan ng kalaro mong si
Alex.
B. Layuan na lang si Alex upang hindi mahawa sa kanyang
sakit.
C. Ibahagi sa pamilya ni Alex ang programa tungkol sa
Complete Treatment Pack ng pamahalaan.
D. Hayaan na lang ang pamilya ni Alex sa kalagayan nila.

10. Bakit kailangang magkaroon ng mga programa ang


pamahalaan tungkol sa kalusugan ng mga mamamayan ng
bansa?
A. Tungkulin ito ng pamahalaan.
B. Para makilala sila ng mga tao
C. Para mapangalagaan ang kalusugan ng mga
mamamayan
D. Para tuparin ang pangako nila sa mga tao.

Aralin Programa at Serbisyong


1 Pangkalusugan, Handog
ng Pamahalaan

Balikan

PANUTO: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng


bituin ang puwang kung Tama ang isinasaad ng pahayag, at
bilog naman kung Mali. Gawin ito sa sagutang pael sa loob ng
3 minuto.
____1. Nagsasagawa ang pamahalaan ng mga proyekto
upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

4 CO_Q3_AP 4_ Module 5
____2. Isang epekto ng maayos na pamamahala ang paghirap ng
mga mamamayan sa bansa.
____3. Ang pagpapagawa ng mga kalsada at tulay ay
nagpapatunay ng maayos na serbisyong pang-imprastraktura ng
pamahalaan.
____4. Pinangangalagaan ng pamahalaan ang karapatan ng
mamamayan sa pagkakaloob lamang ng serbisyong panlipunan at
pangkalusugan.
____ 5. May mga kaparaanan din ang pamahalaan upang matiyak
ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan laban sa hindi
patas na pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan.

Naalala mo pa ba ang nakaraang aralin? Nakuha mo ba lahat ng


sagot? Sige magpatuloy ka na.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o


estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

5 CO_Q3_AP 4_ Module 5
Tuklasin

Pag-aralan at suriin mo ang Word


Hunt. Hanapin at isulat sa sagutang
papel ang mga salitang may
kaugnayan sa kalusugan. Gawin ito
sa loob ng 2 muinuto.

N B A K U N A C B G C L
A E G M A L U S O G O U
R W D O C T O R J O V N
S G A M O T I G D A S A
P H I L H E A L T H Q S

_________ _____________ __________ __________


____________ __________ _________ ___________

Anong mga programa kaya mayroon ang pamahalaan


para sa ating kalusugan? Ikaw, may alam ka ba?
Tara, at sabay nating alamin sa modyul na ito.

6 CO_Q3_AP 4_ Module 5
Suriin

IBA’T-IBANG PROGRAMA NG PAMAHALAAN


Basahin at unawain
Mahalaga sa isang bansa ang kapakanan ng mga
mamamayan nito. Ito ang itinuturing na pinakamahalagang
yaman. Sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas pa lamang ay
ipinapahiwatig nang pamahalaan ang mga serbisyo para sa bansa.
Isinasaad sa Artikulo II, Seksyon 15 na dapat itaguyod at
pangalagaan ng Estado ang karapatan sa kalusugan ng mga
mamamayan at ilagay sa isipan ang kaalamang pangkalusugan sa
kanila.

Mahalagang malusog ang pangangatawan upang malusog din


ang pag-iisip. Ito ay isinasaalang-alang ng pamahalaan upang
lubos na mapakinabangan ang mamamayan at maging katuwang
ito sa pagbuo ng tamang pasiya at pagsasagawa ng wastong
pagkilos para sa maayos na pamamalakad at kalagayan ng bansa.

PROGRAMANG PANGKALUSUGAN
Iba’t ibang programang pangkalusugan ang ipinapatupad
ng pamahalaan para sa kabutihan ng lahat ng mga
mamamayan nito.
Ang Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health
(DOH) ay ang ahensyang naatasan ng pamahalaan na
mamahala sa mga serbisyong pangkalusugan.
Ilan sa malalaking programa ng kagawaran ang National
Health Insurance Program (NHIP) Complete Treatment Pack,
pagbabakuna, programa sa mga ina at kababaihan at programa
laban sa mga sakit gaya ng AIDS, dengue, COVID-19 at marami
pang iba.

7 CO_Q3_AP 4_ Module 5
Ang National Health Insurance Program ay itinatag
NATIONAL upang magkaroon ng seguro ang lahat ng
HEALTH mamamayan at mapagkalooban ng may kalidad na
INSURANCE pasilidad at serbisyong pangkalusugan. Isa sa
PROGRAM programa ng NHIP ay ang PhilHealth na tumutulong
( NHIP)
sa pagpagamot at mabigyan ng libreng gamot lalo
na ang mga mahihirap na mamamayan.

Ang Pagbabakuna o imunisasyon ng mga bata


laban sa mga sakit gaya ng diarrhea, polio,
PAGBABAKUNA
tigdas, at trangkaso. Isinasagawa ito sa mga
O IMUNISASYON
sentrong pangkalusugan o health centers sa
iba't-ibang bahagi ng rehiyon.

COMPLETE
Layunin ng Complete Treatment Pack na
TREATMENT marating ang pinakamahihirap na mamamayan
PACK at mabigyan ng kompletong gamot lalo na sa
mga pangunahing sakit sa bansa.

PROGRAMA Ang Programa para sa mga Ina at Kababaihan


PARA SA MGA ay isa sa mga pangunahing programa ng
INA AT pamahalaan para sa kalusugan. Dito binibigyan
KABABAIHAN
sila ng libreng bitamina, bakuna laban sa mga
sakit gaya ng neo tetanus at marami pang iba.

8 CO_Q3_AP 4_ Module 5
PROGRAMA LABAN SA IBA PANG MGA SAKIT
Ang ilang mga sakit gaya ng tuberkulosis (TB) ay madali
nang malunasan sa tulong ng programa ng pamahalaan.
Maliban sa walang bayad ang pagpapatingin, may mga gamot
pang ibinibigay ang mga health center para sa tuluyang
paggaling ng mga mamamayang may karamdamang ito. May
programa rin sa pagpapalaganap ng impormasyon sa pag-iwas,
tamang pagsugpo, at paggamot sa human immune-deficiency
virus infection at acquired immune deficiency syndrome (HIV-
AIDS). Sa kasalukuyan, wala pang gamot o bakuna para
malabanan ang sakit na ito.

Isa rin sa mga sakit ngayon ang coronavirus disease o


COVID-19 na isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong
coronavirus. Sa kasalukuyan, ang DOH katuwang ng World
Health Organization (WHO) ay nagsasagawa ng mga programa
laban sa Coronavirus Disease o CoViD-19. Dahil sa mabilis na
pagkalat nito sa buong mundo, ito ay nauri bilang pandemya.
Kabilang sa mga programa ng pamahalaan ay pagpapagawa ng
mga quarantine facilities at testing centers.

Nagbibigay din ng mga payong pangkalusugan ang


kagawaran gaya ng pagsusuot ng face mask at face shield, at
palagiang paghuhugas ng kamay.

Patuloy ang pangangalaga ng pamahalaan sa kalusugan ng


mga mamamayan lalo na tuwing nalalapit ang tag-ulan kung
saan maraming mga bata ang nagkakasakit gaya ng dengue
mula sa lamok at leptospirosis mula sa ihi ng daga. Kasama sa
panlaban sa pagdami ng nagkakasakit na mga bata ang
paglilinis sa kapaligiran at pagsunod sa 4S Kontra dengue-
Search and destroy breeding places, Seek early consultation,
Secure Self-protection at Say Yes to Fogging. Nagpapatayo din
ng mga health centers sa bawat barangay at may nakatalagang
mga doktor, nars at barangay health workers (BHW) para
mapangalagaan ang kalusugan ng mga nakatira dito.

9 CO_Q3_AP 4_ Module 5
Naintindihan mo ba
ang mga aralin sa
modyul na ito? Kung
gayon, humanda ka ng
sagutin ang mga
susunod na gawain

Pagyamanin

A. PANUTO: Basahin mo ang mga sumusunod na pahayag Isulat


mo ang PK kung may kaugnayan sa programang Pang Kalusugan,
WK naman kung Walang Kaugnayan. Gawin ito sa sagutang papel
sa loob ng 3 minuto.
1. Pagtatalaga ng pamahalaan ng mga nars at doktor sa mga
barangay health centers
2. Pagtatanggol ng mga sundalo sa banta ng mga mananakop.
3. Pagbibigay ng libreng pagpapaaral ng lokal na pamahalaan.
4. Pagpapalaganap ng impormasyon sa tamang pag-iwas,
pagsugpo, at paggamot sa mga nakahahawang sakit ng DOH.
5. Pagkakaroon ng libreng check-up ng mga ina sa bawat health
center.
6. Pagbuo ng mga programa sa pagsulat at pagbasa sa mga
paaralan.
7. Pagpapatayo ng mga health center at ospital sa mga bayan.

10 CO_Q3_AP 4_ Module 5
8. Pagkakaroon ng programa para sa kapayapaan at pag-unlad
ng lugar na apektado ng kaguluhan.
9. Pagtataguyod ng edukasyon para sa lahat o Education for All.
10. Pagbibigay ng libreng bitamina at mga bakuna upang
malabanan ang malubhang karamdaman.

B. PANUTO: Punan ang graphic organizer ng mga programang


pangkalusugan ng pamahalaan ayon sa tinalakay na teksto.
Gawin ito sa sagutang papel sa loob ng 3 minuto.

Mga
Programang
Pangkalusugan

C. PANUTO: Tukuyin kung anong programang pangkalusugan ng


pamahalaan ang inilalarawan sa mga sumusunod na sitwasyon.
Gamitin mo ang gabay na titik. Gawin ito sa sagutang papel sa
loob ng 3 minuto.

1. Sa tulong ng programang ito maraming mga mamamayan ang


nakapagpapagamot at nabibigyan libreng gamot.
P_____________.
2. Ang programang naglalayong maprotektahan ang mga bata
laban sa sakit gaya ng polio at tigdas. P _________________.
3. Layunin ng programang ito na marating ang pinakamahirap
na mamamayan at mabigyan ng kompletong gamot lalo na sa
mga pangunahing sakit ng bansa. C________________.

11 CO_Q3_AP 4_ Module 5
4. Ang programa na naglalayong mabigyan ng kasiguraduhan
ang mga mamamayan na mabigyan ng kalidad na serbisyong
pangkalusugan. N______________________.
5. Ang programa kung saan binibigyan ang mga kababaihan ng
libreng bitamina gaya ng neo tetanus at marami pang iba.
P__________________.

Kumusta? Nasiyahan ka ba sa pagsagot sa mga gawain?


Sige magpatuloy ka pa.

Isaisip

PANUTO: Punan ng tamang salita ang mga sumusunod na


puwang upang mabuo ang kaisipan sa bawat pangungusap. Isulat
ang mensaheng nabuo sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel sa
loob ng 3 minuto.
Ang Kagawaran ng _______(1)________ ang pangunahing ahensiya
ng pamahalaan na namamahala sa mga serbisyong _____(2)______
para sa mga mamamayan.
May iba’t-ibang serbisyong pangkalusugan ang ibinibigay ng
pamahalaan. Ilan sa mga ito ay ang ____(3)____, ___(4)_______ ,
(5) _______at ang _____(6)_________ na magagamit sa libreng
nakapagpapagamot sa mga ospital.

12 CO_Q3_AP 4_ Module 5
Nakuha mo ba ang mensahe ng modyul na ito? Kung
gayon ay magpatuloy ka pa sa susunod na gawain.

Isagawa

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at isulat


ang nararapat mong gawin sa iyong sagutang papel. Gawin ito sa
loob ng 5 minuto.

1. Ang iyong kalusugan ay pinahahalagahan ng pamahalaan.


Paano mo mapangangalagaan ang iyong kalusugan?

2. Nalaman mong may magaganap na free dental mission sa


inyong lugar at kailangang magpalista sa inyong BHW. Ano
ang maaari mong gawin?

3. Ang COVID-19 ay isang pandemya na nilalabanan ng ating


pamahalaan sa kasalukuyan. Paano mo mapoprotektahan
ang iyong sarili at ang iyong pamilya laban dito?

13 CO_Q3_AP 4_ Module 5
4. Nakita mong pinupunit ng mga bata ang nakapaskil na
poster tungkol sa magaganap na imunisasyon laban sa
polio sa darating na buwan. Ano ang gagawin mo?

5. May sakit na TB ang nanay ng iyong kalaro. Hindi sya


madala sa ospital dahil sa kakulangan sa pera ng kanilang
pamilya. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong?

Nakuha mo ba ang sagot sa mga gawain? Sige


subukan mo ngayon ang mga nalaman mo sa
modyul na ito.

Tayahin

A. PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Iguhit


ang masayang mukha kung TAMA ang sitwasyon at
malungkot na mukha naman kung MALI. Gawin ito sa
sagutang papel sa loob ng 3 minuto.

1. Ang pamahalaan ay nagpatupad ng mga programa at


serbisyong pangkalusugan para sa malusog na mga
mamamayan.

14 CO_Q3_AP 4_ Module 5
2. Dapat na suportahan ng mga mamamayan ang
programang pangkalusugan ng pamahalaan.

3. Sa serbisyong Complete Treatment Pack, nagtatalaga ang


pamahalaan ng mga doktor, nars, at komadrona sa
malalayong munisipyo upang mabilis na matugunan ang
mga pangangailangan ng mga tao rito.

4. Ang Kagawaran ng Edukasyon ang ahensiyang


nangangalaga sa kalusugan ng buong bansa.

5. Ang Complete Treatment Pack ay itinatag upang magkaroon


ng seguro ang lahat ng mamamayan ng may kalidad na mga
pasilidad at serbisyong pangkalusugan.

B. PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang inilalarawan sa Hanay A.


Isulat ang titk ng tamang sagot sa sagutang papel. Gawin ito sa
loob ng 5 minuto.
Hanay A
Hanay B
1. Ang programang pinatupad para
A. Department of
mabawasan ang malubhang Health
pagkakasakit ng mga bata sa bansa. ( DOH )
2. Kasama sa programang ito ang regular B. PhilHealth
na pagpapatingin sa sentrong C. Complete Treatment
pangkalusugan ng mga nagdadalang- Pack
tao, libreng bitamina at bakuna laban D. Pagbabakuna
E. Programa para sa
sa sakit gaya ng neo tetanus.
mga Ina at
3. Itinatag ang programang ito upang Kababaihan
maipagkaloob sa mamamayan ang mga F. Programa laban sa
serbisyong pangkalusugan at makamit Iba pang mga Sakit
ang pangkalahatang kalusugan. G. National Health
4. Sa tulong ng programang ito maraming Insurance Program
mamamayan ang nakapagpapagamot ( NHIP)
at nabibigyan ng libreng gamot.
5. Ang programang ito ay naglalayong
marating ang pinakamahihirap na
mamamayan at mabigyan ng
kompletong gamot lalo na sa mga
pangunahing sakit sa bansa.

15 CO_Q3_AP 4_ Module 5
Nakuha mo ba ang mga sagot sa Tayahin mo? Kumusta ang
iskor mo? Sige subukin pa natin ang natutuhan mo.

Karagdagang Gawain

GAWAIN 1
PANUTO: Surii ang mga programa at serbisyong
pangkalusugang ibinibigay ng pamahalaan sa mga
mamamayan. Alin sa mga ito ang nararanasan ng pamilya mo?
Lagyan ng masayang mukha kung ito ay nararanasan mo,
malungkot na mukha naman kung hindi. Gawin ito sa
sagutang papel sa loob ng 2 minuto.

1. Naging miyembro ng Philhealth.


2. Nabakunahan sa barangay health center laban sa anomang
sakit na kumakalat.
3. Nagpacheck-up sa doktor ng pampublikong ospital.
4. Nabigyan ng libreng gamot sa inyong barangay health center.
5. Nakapagpagamot sa health center sa inyong barangay.
Nabigyan ng libeng bitamina mula sa pamahalaan.

16 CO_Q3_AP 4_ Module 5
GAWAIN 2
PANUTO: Gamitin ang graphic organizer. Magtala ng 2 serbisyong
pangkalusugan na ibinibigay ng pamahalaan sa inyong lugar at
isulat ang epekto nito sa mga mamamayan. Gawin ito sa iyong
sagutang papel sa loob ng 5 minuto.

Serbisyong Epekto sa mga


Pangkalusugan Mamamayan

Binabati kita at matagumpay


mong natapos ang modyul na ito!
Maaari mo na ngayong simulan
ang susunod na modyul.

17 CO_Q3_AP 4_ Module 5
CO_Q3_AP 4_ Module 5 18
TUKLASIN
1. Bakuna 5. Lunas
2. Tigdas 6. Doctor
3. PhilHealth 7. Nars
4. Gamot 8. Malusog
PAYAMANIN
A.1. PK 2. W 3. W 4. PK 5. PK 6. W 7. PK 8. W 9. W 10. PK
B. Programang pangkalusugan PhilHealth . Pagbabakuna Complete
Treatment Pack NHIP Programa para sa Ina at Kababaihan Programa
para sa iba pang Sakit
C.
1. PhilHealth 2. Pagbabakuna 3. Complete Treatment Pack
4. NHIP 5. Programa para sa Ina at Kababaihan
SUBUKIN
1. D 2. B 3. A 4. C 5. A 6. A 7. C 8. B 9. C 10. C
BALIKAN:
1. 2. 3. 4. 5.
Susi sa Pagwawasto
CO_Q3_AP 4_ Module 5 19
ISAISIP
1. Kalusugan 2. Pangkalusugan 3. Complete Treatment Pack
4. Pagbabakuna o imunisasyon 5. Programa para sa Ina at Kababaihan
6. Philhealth ( Maaring magkapalit ang sagot sa bilang 3-5)
ISAGAWA
1. Alagaan ang katawan, Kumain ng masustansyang pagkain.
2. Hikayatin ang maguang na magpalista sa BHW ng barangay.
3. Magsuot ng face mask at face shield kapag lalabas ng bahay at
palagiang maghugas ng kamay.
4. Pagsasabihan ang mga bata tungkol sa kahalagahan ng poster na
ito.
5. Sasabihin sa nana yang kalagayan ng ina ng iyong kalaro.
( Tanggapin ang iba pang maaaring sagot ng bata)
TAYAHIN
A. 1. 2. 3. B. 1. D 2. E 3. G 4. B 5. C
4. 5.
KARAGDAGANG GAWAIN
Gawain 1. Depende sa naging karanansan ng bata
Gawain 2 Depende sa sagot ng bata
Sanggunian

Department of Education. Araling Panlipunan 4, Learner’s Materials. pp. 273-278 Pasig City:
Instructional Materials Secretariat (DepEd-IMCS), 2015.
Department of Health Press Release 2018, 4S Strategy Against Dengue (doh.gov.ph)
Department of Health Press Release 2020, Bida Solusyon sa Covid-19

20 CO_Q3_AP 4_ Module 5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: [email protected] * [email protected]

You might also like