Panunuring Panliteratura - Fharhan Dacula

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 42

1

Ang Sugat na Hindi Nakikita


Ni Karoly Kisfaludi

Isang umaga, samantalang ang balitang maninistis ay hindi pa nakakabangon sa


kanyang higaan, siya ay nagkaroon ng isang pasyenteng gayon na lamang ang pagmamadali.
Ang kanya raw sakit ay hindi maaaring papaghintayin kahit isang sandal pagkat iyon ay
nangangailangan ng lunas. Ang maninistis ay madaling nagbihis at pagkatapos ay tinawag
ang kanyang utusan.

“Papasukin mo ang maysakit,” utos niya sa utusan.

Ang lalaking pumasok ay waring kabilang sa pinakapiling baitang ng mataas na


lipunan. Ang kanyang maputlang mukha at ang kanyang anyong hindi mapalagay ay
nagpapahalata ng mabilis na pagdurusang dinaranas. Ang kanyang kanang kamay ay nakatali
at nakasuot sa isang sakbat at bagaman napipigil niya ang pagsama ng kanyang mukha ay
hindi naman niya mapigil ang pagtakas paminsan-minsan ng isang halinghing na nakalulunos.

“Maupo kayo. Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?”

“May isang linggo nang hindi ako makatulog. Ang kanang kamay ko ay may
kapansanan. Hindi ko matiyak kung ano. Maaaring kanser at maaaring ibang sakit na
mabangis. Noong una, hindi ako gaanong ginagambala ng karamdamang ito, ngunit nitong
mga huling araw ay may naramdaman akong tila nagbabaga sa loob ng aking kamay. Saglit
man ay hindi ako nagkaroon ng kapahingahan. Labis-labis ang kirot, kirot na waring tumitindi
oras-oras hanggang sa halos hindi na ako makatiis. Umahon ako sa bayan upang sumangguni
sa ‘yo. Kung ito ay titiisin kong isang oras pa ay baka masiraan na ako ng bait. Ang nais ko ay
sunugin mo o ukitin ang kumikirot, o kaya lapatan mo ng anumang lunas na makapagpapatigil
sa kirot.”

Ang maysakit ay inalo ng manggagamot sa pagsasabing marahil naman ay baka hindi


na kailangan ang pagtitistis.

“Hindi, hindi!” giit ng lalaki. “Kailangang tistisin ito. Sinadya kong parito upang
ipaalis ang bahaging kumikirot. Wala nang iba pang makakalunas kundi iyon.” Naghihirap
niyang inalis sa sakbat ang kanyang kamay at nagpatuloy:

“Hihilingin ko sa iyong huwag magtaka kung walang makitang sugat sa aking kamay.
Ang aking sakit ay hindi pangkaraniwan.”

Tiniyak ng manggagamot na hindi niya ugali ang magtaka sa mga bagay na hindi
pangkaraniwan. Gayon man, pagkatapos ay nabitawan niya ang kamay ng lalaki sa malaking
pagtataka sapagkat waring iyon ay walang anumang kapansanan. Ang kamay ay walang
pinag-ibhan sa ibang mga kamay at hindi naiiba ang kulay. Datapwat hindi rin naman
maitatangi na ang may-ari ay pinahihirapan ng isang kakila-kilabot na kirot. Iyon na lamang
ginawa niyang maagap na pagsalo sa kanyang kanang kamay ng kanyang kaliwa nang iyong
una ay mabitiwan ng manggagamot ay sapat nang magpatunay sa kakila-kilabot na kirot na
kanyang tinitiis.

Itinuro ng lalaki ang isang bahaging pabilog sa pagitan ng dalawang ugat na malaki,
ngunit ang kamay ay bigla niyang binaltak nang ang bahaging kanyang itinuro ay maingat na
tinuunan ng dulong daliri ng manggagamot.
2

“Iyon ba ang kumikirot?”

“Oo, nakapanlulumo.”

“Kung tutuunan ko ba ng daliri nang papaganito ay nararamdaman mo ang diin?”

Ang lalaki ay hindi sumagot ngunit ang mga luhang nag-umapaw sa kanyang mga
mata ang nagpapahayag ng kanyang tinitiis.

“Nakapagtataka, wala akong makitang anumang sira.”

“Ako man ay wala. Ngunit nararamdaman ko ang kirot at nanaisin ko pang mamatay
kaysa magpatuloy na ganito.”

Sa pamamagitan ng mikroskopyo, ang kamay ay muling siniyasat ng maninistis.


Kinunan din niya ng temperatura ang lalakim ngunit sa wakas ay umiling siya.

“Sa lusog ng balat ay walang maipipintas. Ang mga ugat ay mahusay na gumagawa.
Wala ni bahagyang pamumuno o pamamaga. Ang kamay na ito ay kasinlusog ng kahit aling
kamay na maiisip ninumang tao.”

“Sa palagay ko ay may kapulahan nang bahagya sa bahaging masakit.”

“Saan?”

Ang lalaki ay gumuhit ng pabilog sa likod ng kanyang kamay, guhit na makakasinlaki


ng isang pera. “Dito.”

Minasdan ng manggagamot ang kaharap. Sumilid sa isip niya na siya’y nakikitungo sa


isang nasisiraan na ng bait.

“Kailangang magpalumagi ka rito sa bayan. Pipilitin kong matulungan ka sa loob ng


isang araw, anang manggagamot.”

Matapos matistisan, napawi ang sakit na idinadaing ng lalaki. Laking pasasalamat niya
sa doktor. Makalipas ang tatlong linggo ay bumalik ang lalaki sa tahanan ng doktor dahil muli
na namang kumikirot ang kanyang kamay. Sinabi niya sa doktor na marahil ay hindi sapat ang
lalim ng pagkakahiwa nito kung kaya’t muling tinistis ng doktor ang kamay nito.
Pinaalalahanan rin siya ng lalaki na ‘wag nang magtaka kung paglipas ng isang buwan ay muli
na naman siyang babalik sa doktor.

Lumipas ang isang buwan, hindi na nagbalik ang maysakit. Lumipas pa ang tatlong
linggo, ngunit sa halip na ang maysakit ang dumating ay isang liham na nagmula sa pook na
pinananahanan ng lalaki sa labas ng bayan. Malugod na binuksan ng manggagamot ang liham
sa pag-aakalang ang kirot ay hindi na nagbalik. Ganito ang nilalaman ng liham:

“Mahal kong Doktor, hindi ko nais na bayaan ka sa anumang agam-agam tungkol sa


pinagmulan ng aking sakit at hindi ko rin naman nais na dalhin pa sa hukay o kahit saan man
ang lihim na ito. Nais kong ipabatid sa inyo ang kasaysayan ng aking kakila-kilabot na
karamdaman. Tatlong ulit nang nagbabalik at wala na akong hangad na magpatuloy ng
pakikibaka sa sakit na ito. Kung kaya ko na lamang naisusulat ang liham na ito ay sapagkat
3

ang bahaging kumikirot ay pinatungan ko ng nagbabagang sakit bilang panlaban sa apoy ng


impyernong naglalagablab sa loob ng aking kamay.

Anim na buwan na ngayon ang nakararaan. Ako noo’y isang taong napakamaligaya.
Ako’y mayaman at lipos ng kasiyahan; natagpuan ko ang katuwaan sa lahat ng bagay nang
nakakaakit sa isang lalaking may gulang na tatlumpu’t limang taon. Nakipag-isang dibdib ako
noong nakaraang taon. Ang pag-iisang dibdib namin ay udyok ng isang tunay na pag-ibig.
Ang napangasawa ko ay isang babaeng napakaganda, napakabait, at napakalipos ng kapinuhan.
Dati siyang kasama at kapalagayang loob ng isang Kondesang naninirahan sa isang pook na
hindi gaanong kalayuan sa aking tinitirhan. Minahal niya ako at ang kanyang puso ay punung-
puno ng pasasalamat.

Sa loob ng anim na buwan, ang panaho’y nagdaang puspos ng kaligayahan at para


bagang bawat araw na nakaraan. Nagtitiyaga siyang maglakad nang malayo upang
masalubong lamang ako sa lansangang pagdaraanan ko sa pagbalik kapag ako’y napapatungo
sa kabayanan at hindi siya pumapayag na malagi kahit isang oras man lamang maging sa
tahanan ng dati niyang pinagsilbihang Kondesa na kanyang dinadalaw na madalas. Dahil sa
kanyang pagnanais sa akin, pati mga kasama niya sa alinmang handaan ay nababalisa. Hindi
siya nakikipagsayaw kahit kaninong lalaki at ipinagtatapat niyang tila isang kasalanan kung
sakaling ibang tao ang kanyang mapanaginipan. Isa siyang kaibig-ibig na musmos na bata.

Hindi ko masabi kung ano ang nagpamata sa akin na ang lahat ng ginagawa niya ay
pakunwari lamang. Sadyang ang tao ay ulol sa paghahanap ng ipagdurusa sa kalagitnaan ng
kanyang pinakadakilang kaligayahan.

Mayroon siyang isang maliit na mesang panahian na may kahong lagi niyang
sinususian. Ang kahong iyon ay nagsimulang gumulo sa aking katahimikan. Madalas kong
napapansin na ang susi ay hindi niya iniiwang bukas. Naisip kong baka mayroon siyang
kailangang itago roon nang napakahigpit. Nasiraan ako ng bait sa paninibugho. Nawalan ako
ng tiwala sa kanyang mga musmos na mata, sa kanyang mga halik at sa kanyang magiliw na
yakap. Marahil ang lahat ng mga iyon ay tusong panlilinlang lamang.

Isang araw, ang Kondesa ay dumalaw sa amin at nakuhang mahimok ang aking
maybahay na magparaan ng maghapon sa Kastilyo. Nangako akong susunod sa kanya sa
dakong hapon. Babahagya pang nakaalis sa aming bakuran ang karwaheng kanilang sinakyan
ay sinimulan ko nang buksan ang kahon ng mesang panahian. Isa sa maraming susing sinubok
ko ang saw akas ay nakapagbukas. Sa paghahalungkat ko sa mga kagamitang pambabaeng
nasa ilalim ng isang karpetang sutla ay natuklasan ko ang isang balumbon ng mga liham. Sa
unang malas pa lamang ay makikilala na sila agad. Mga liham ng pag-ibig na nabibigkis ng
isang lasong rosas.

Hindi ko na inisip na hindi marangal ang gumawa ng gayong panghihimasok; ang


paghahanap ng mga lihim sa mga araw ng kabataan ng aking kabiyak. May isang damdaming
nag-uudyok sa aking magpatuloy. Marahil ang mga liham na iyon ay hindi pa gaanong
nalalamang sinulat, magmula nang gamitin niya ang aking pangako. Kinalag ko ang laso at
isa-isang binasa ang mga liham.

Yaon ang pinakamalagim na oras ng aking buhay. Isiniwalat nila ang isang di-
mapapatawad na kataksilan na maaaring gawin sa isang tao. Ang mga liham ay nagbuhat sa
isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan at ang kanilang himig…. Inilalarawan nila ang
pinakamalambing na pagtatalik at ang pinakamatinding simbuyo ng puso.
4

Pagdating niya sa bahay ay nagkunwa akong wala ni isang nalaman tungkol sa


kanyang mga kataksilan. Maghapon kaming nag-usap at nagtungo sa higaang parang walang
nangyari. Nang sumapit ang hatinggabi, habang natutulog ang aking asawa, sinakal ko siya sa
leeg hanggang sa siya’y namatay. Dumilat lang siya nang sandali at muling pumikit.

May pumatak na dugo sa kanang kamay ko, ang parte na pinakasumasakit lagi. Wala
akong naramdamang pagkabalisa ng budhi sa aking ginawa. Naging malupit ako, datapwat
iyon ang dapat sa kanya. Hindi ko siya kinamuhian. Madali ko siyang malilimutan. Marahil
ang ginawa niya’y hindi man lamang nakabalisa sa sarili na tulad ko.

Naitago ko mula sa mga kakilala ang ginawa kong pagpatay sa kanya. Wala siyang
mga kamag-anak kaya walang sinumang nagtanong.

Nang ako’y dumating sa bahay ay siya namang pagdating ng Kondesa. Nahuli siya sa
libing at talaga namang gayon ang sinadya kong mangyari. Napansin kong may bumabagabag
sa kanya. Pagkalipas ng ilang sandali ay ipinagtapat niya sa akin ang isang lihim, na siya ay
may iniatas na isang balumbon ng liham sa aking yumaong asawa. Ang mga liham na ito’y
hindi nararapat na malaman ng ibang tao dahil sa uri nito.

Nanginginig man ay pilit kong itinago ang panlalamig ng aking katawan habang
iniaabot sa Kondesa ang kanyang hinahanap na mga liham.

Tiyak na isang linggo matapos ang libing, isang kirot na nanunuot hanggang buto
ang naramdaman ko sa bahagi ng kamay kong nilagpakan ng patak ng dugo noong kakila-
kilabot na gabing ako’y nagkasala. Ang iba pang mga pangyayari ay alam mo na. Alam kong
ang nangyayari sa akin ay wala kundi sariling haka lamang datapwat wala akong lakas ng pag-
iisip na makagamot sa aking sarili. Ito ang parusa sa ginawa kong pabigla-bigla at malupit na
pagkitil sa aking walang-bahid sala’t kaibig-ibig na asawa. Hindi ko na pinaglalabanan ang
aking karamdaman. Susunod na ako sa kanya at pipilitin kong makamtan ang kanyang
kapatawaran.

Alam kong patatawarin nya ako at mamahalin niya akong muli katulad ng ginawa
niyang pagmamahal sa akin noong siya’y nabubuhay pa. Salamat sa iyo, Doktor, sa lahat ng
tulong na ipinagkaloob mo sa akin.”

WAKAS
5

I. Pamagat: Ang Sugat na Hindi Nakikita


Ni Karoly Kisfaludi
II. Buod:

Ang kwento ay nagsimula nang pumunta ang isang lalaking may sakit sa
bahay ng isang maninistis na doktor. Ikinwento niya ang karamdaman niya at
kung gaano kasakit ang kanyang kanang kamay. Sinuri ng doktor ang kanyang
kamay ngunit nagtaka ito sapagkat wala naman siyang makitang sugat. Gayon pa
man ay sinabi ng pasyente na ‘wag magulat ang doktor kung wala itong makitang
sugat at pinakiusapan itong tistisan ang kanyang kamay dahil sa sobrang kirot na
mayroon ito.
Matapos matistisan, napawi ang sakit na idinadaing ng lalaki. Laking
pasasalamat niya sa doktor. Makalipas ang tatlong linggo ay bumalik ang lalaki sa
tahanan ng doktor dahil muli na namang kumikirot ang kanyang kamay. Sinabi
niya sa doktor na marahil ay hindi sapat ang lalim ng pagkakahiwa nito kung
kaya’t muling tinistis ng doktor ang kamay nito. Pinaalalahanan rin siya ng lalaki
na ‘wag nang magtaka kung paglipas ng isang buwan ay muli na naman siyang
babalik sa doktor.
Lumipas ang isang buwan at ilang linggo, ngunit sa halip ng maysakit ay
isang liham ang dumating mula sa tahanan ng lalaki. Isinalaysay ng lalaki sa liham
kung gaano siya kasaya sa buhay, anim na buwan na ang nakalipas. Nakipag-isang
dibdib siya sa isang babaeng tunay niyang iniibig at labis ang kagandaha’t
kabaitan. Subalit sa gitna ng kanilang pagmamahalan, may natuklasan ang lalaki
na inililihim sa kanya ng kanyang asawa – isang balumbon ng liham na
kinapapalooban ng isang ‘di-mapapatawad na kataksilan. Kaagad na nahinuha ng
lalaki na pinagtataksilan siya ng kanyang asawa.
Nang sumapit ang hatinggabi, habang natutulog ang kanyang asawa, sinakal
niya ito sa leeg hanggang sa ito’y namatay. May pumatak na dugo sa kanang
kamay ng lalaki, ang parte na pinakasumasakit lagi. Naitago ng lalaki mula sa mga
kakilala ang ginawa niyang pagpatay sa kanyang maybahay. Walang mga kamag-
anak at kaibigan ang babae kaya walang sinumang nagtanong.
Isang araw ay dumating ang Kondesang dati’y pinagsisilbihan ng babae at
madalas nitong dinadalaw noong ito’y nabubuhay pa. Tinanong siya ng Kondesa
ukol sa isang balumbon ng liham na ipinagkatiwala nito sa namatay na maybahay
ng lalaki. Kaagad naman itong ibinigay ng lalaki sa tunay nitong may-ari.
Isang linggo mula nang ilibing ang babae, isang kirot ang naramdaman ng
lalaki sa bahaging napatakan ng dugo ng kanyang asawa. Napagtanto niyang ito
pala’y parusa sa biglaang pagkitil niya sa buhay ng kanyang pinakamamahal na
asawa. Nagsisi siya sa kanyang ginawa at binanggit sa liham na buo na ang
kanyang loob na susundan ang kanyang yumaong asawa upang makahingi ng
kapatawaran mula rito.
WAKAS

III. Pagsusuri:

A. Uring Pampanitikan:
Ang akda ay isang maikling kwento sapagkat ito’y nagtatangi ng
mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang
takdang panahon. Ang naturang akda ay mababasa sa isang upuan lamang at isang
kawil ng pangyayari lamang mayroon ito. Kaunti lamang ang mga tauhang
napapaloob dito. May dala rin itong kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
6

B. Paglalahad:
Matatawag na makabago o di-tradisyonal ang paraan ng paglalahad sa mga
pangyayaring mayroon ang kwento. Gumamit ang may-akda ng patumbalik-isip o
flashback sa daloy ng kwento. Sa ganitong paraan isinalaysay at inilarawan kung
paano naganap ang mga pangyayari.
Sinimulan ang kwento sa pagdulog ng lalaki sa isang maninistis ukol sa sakit
na mayroon ang kanyang kamay. Dalawang beses na natistis ang kamay ng lalaki
subalit sa huli bumabalik pa rin ang kirot nito.
Mahigit isang buwan ang makalipas, dumating sa tahanan ng doktor ang
isang liham na nagsasalaysay sa tunay na dahilan kung bakit humahapdi nang
ganoon na lamang ang kamay ng lalaki. Isinalaysay niya ang mga naganap sa
kanyang buhay anim na buwan na ang nakalilipas.

C. Tayutay:
 Nakipag-isang dibdib ako noong nakaraang taon – pagpapalit-tawag ang
ginamit na tayutay dahil ang ibig sabihin ng ‘nakipag-isang dibdib’ ay
nagpakasal.

 Sadyang ang tao’y ulol sa paghahanap ng ipagdurusa sa kalagitnaan ng kanyang


pinakadakilang kaligayahan – Irony ang ginamit na tayutay dahil tahasang
pinagsama ang dalawang magkaibang bagay sa iisang pangungusap.

 Walang bahid-sala’t kaibig-ibig na asawa – pagmamalabis ang ginamit na


tayutay dahil lubhang pinalabis ng may-akda ang kanyang paglalarawan sa
asawa ng lalaki sa kwento. Walang perpekto sa mundo. Sinuman sa ating
lahat ay may kasalanang nagagawa, gaano man ito kaliit o kalaki. Mali ang
paggamit ng deskripsyong ‘walang bahid-sala’ sa babae sa kwento sapagkat
hindi maikakailang mayroon pa rin siyang kamalian sa buhay, ano’t ano man
ito.
 Panlaban sa apoy ng impyernong naglalagablab sa loob ng aking kamay –
ginamitan ng pagwawangis na tayutay sapagkat ang kirot na kanyang
nadarama ay kanyang initulad sa apoy ng impyerno.
 Nilunok ko ang aking lason hanggang sa kahuli-hulihang patak –
pagwawangis ang ginamit. Hindi man lantaran ay ihalintulad ng may-akda
ang dangal o ‘pride’ ng lalaki sa lason. Tuluyang nilunok ng lalaki ang
kanyang dangal nang mabasa ang mga liham at ito ang nag-udyok sa
kanyang kitlan ng buhay ang kanyang pinakamamahal na asawa.

D. Sariling Reaksyon

1. Pananalig Pampanitikan/Teorya
 Realismo - Ang teoryang realismo ay ipinaglalaban ang katotohanan kaysa
kagandahan. Sa kwentong ito ay lutang na lutang ang realidad ng mga
pangyayari sa buhay may-asawa. Sa nakalipas na anim na buwan ay masaya
sila nagsasama at namuhay na puno ng pagmamahalan. Subalit hindi rin
naman maitatatwang minsan sa buhay mag-asawa’y magkakaroon talaga
ng mga bagay na susubok sa kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Sa kwento
ay nalaman ng lalaki ang tungkol sa imoral na liham na matagal nang
inililihim sa kanya ng kanyang asawa. Inakala niyang kanya ito’t hindi
pinanindigan ng lalaki ang tunay na pagmamahal sa kanyang asawa.
7

 Klasisismo - Ang teoryang nababatay sa kasaysayan at paghanga sa


kagandahan ng panitikan. Higit na pinahalagahan ang kaisipan kaysa puso,
dahil mas pinairal ng lalaki sa kwento ang kanyang kaisipan kahit hindi
naman totoong nagtaksil ang kanyang asawa. Hindi niya muna inalam ang
buong katotohanan. Ipinaliwanag sa kwentong ito na ang lalaki ay may
pagdududa sa kanyang asawa at hindi tunay ang kanyang pagmamahal,
dahil kung talagang tunay ang kanyang nararamdaman ay hindi niya
makukuhang agawan ng buhay ang kanyang minamahal nang ganoon na
lamang.

 Moralistiko - Sa ito ay ipinakita ang isang imoral na ginawa ng lalaki sa


kanyang asawa kung saan bigla na lang niya itong pinatay. Hindi man lang
niya ito pinagpaliwanag. Hindi nito pinahalagahan ang pagmamahal nito sa
kanyang asawa. Kung kinausap niya muna ang babae matapos matuklasan
ang nakapaloob sa mga liham ay maaayos pa sana ang problemang yaon.
Halos lahat ng problema sa mundo ay naaayos kapag idinadaan sa
mahinahong usapan.

 Surialismo - Sa kwentong ito, kahit ilang beses ipasuri ng lalaki ang


kanyang kamay ay wala talagang makikitang deperensya o sakit ang
doktor. Pero ipinagpupumilit pa rin ng lalaki na ang kanyang kamay ay
nangangailangan ng lunas dahil sa lubhang kirot na mayroon ito. Ang kirot
na ito ay dala ng guni-guni ng lalaki. Ito ay matapos mapatakan ng dulo
mula sa labi ng kanyang asawa ang bahaging yaon na kumikirot sa
kanyang kanang kamay.

2.) Mga Pansin at Puna

 Mga Tauhan
Lalaki – ang taong maysakit at nagpatistis sa kanyang kanang kamay.
Nagmahalan sila ng kanyang asawa subalit kaagad naman niya itong
pinatay nang matuklasan ang isang balumbon ng liham na itinatago ng
babae.
Babae - ang napaka inosenteng nilalang na pinatay ng kanyang asawa
matapos matuklasan ang mga liham na itinago nito sa isang kahon. Siya’y
isang babaeng walang bahid sala’t kaibig-ibig. Siya’y isang babaeng
napakaganda, napakabait at napakalipos ng kapinuhan.
Manggagamot/Doktor – ang sikat na manggagamot na tumistis sa kanang
kamay ng lalaking maysakit.
Kondesa - ang kaibigan ng babae. Siya ang tunay na may-ari ng mga liham
na itinago ng babaeng yumao.

 Galaw ng Pangyayari
Napakabilis ng takbo ng mga pangyayari sa kwento, nagsisimula ito
nang idulog ng lalaking may-sakit ang kanyang kamay sa isang
maninistis. Nalunasan naman ito subalit bumalik ang lalaki sa doktor
makalipas ang ilang linggo. Ilang linggo ang lumipas mula nang
muling matistisan ang kamay ay isang liham ang dumating mula sa
lalaking may-sakit. Inamin niya sa doktor kung paano niya nagawang
patayin ang kanyang asawang lubha niyang pinakasinisinta. Isinalaysay
din niya ang pagkakatuklas sa katotohanang ang mga liham palang
8

nasa kahon ay hindi sa kanyang asawa kundi sa kaibigan nitong


Kondesa.

3.) Bisang Pampanitikan

Bisa sa Isip - Huli nang malaman ng lalaki ang katotohanan. Kung naliwanagan
lang sana siya tungkol sa mga sulat na yaon, hindi mangyayari ang ganoon sa
kanyang butihing asawa. Nag-iwan ng isang lubhang napakahalagahang
kakintalan ang kwentong ito sa aking isip – na huwag tayong pabigla-bigla sa
ating mga desisyon sa buhay. Bago gumawa ng isang bagay ay limiin muna
nating mabuti kung wala ba tayong nasasaktan o nasasagasaan habang
isinasagawa ang mga bagay na ito. Mahirap ibalik ang isang bagay na nawala
lalo na ang isang buhay na kinitil.

Bisa sa Damdamin - Napakalungkot isipin ang mga nangyari sa kwentong ito.


Nang dahil lang sa mga sulat na kanyang natuklasan at nabasa’y pinatay
kaagad ng lalaki ang kanyang asawa. Hindi niya matanggap na siyay
pinagtaksilan ng kanyang may-bahay. Mas pinairal niya ang kanyang
masamang binabalak laban sa kanyang asawa kaysa tanggapin niya ito nang
buong puso sakaling nagkasala man ito sa kanya.

Bisa sa Kaasalan - Kailangan tayong maging maingat sa paggawa ng desisyon


sa buhay nang hindi magsisi sa huli. Pahalagahan nating mabuti ang mga
bagay-bagay sa ating paligid dahil darating at darating ang panahon na sila rin
ang makapagdudulot ng kaligayahan sa atin. Huwag natin gagayahin ang
lalaking nasa kwento na basta-basta na lang pinatay ang kanyang asawa nang
hindi man lamang nakakarinig ng eskplanasyon mula rito.

Gayon pa man, masasabi rin nating maging ang babae ay may kasalanan sa
mga nangyari. Ang isang mag-asawa ay dapat na hindi nagtatago ng bagay-
bagay sa isa’t isa. Hindi sana mapupunta sa gayon ang kanilang relasyon kung
inamin ng babae sa kanyang asawa ang tungkol sa mga liham na ipinatago sa
kanya ng kanyang kaibigang Kondesa.

Bisa sa Lipunan - Napakaganda at napakamadamdamin ang mensahe sa


kuwentong ito sa mga mambabasa lalo pa’t dumarami na ngayon ang bilang ng
kabataang nagsisipag-asawa. Makakuha tayo ng aral sa ating sarili na hindi
dapat pabigla-bigla, na dapat ay alamin muna natin kung ano talaga ang buong
katotohanan. Huwag tayo mag-isip kaagad ng masama sa ating kapwa para
makaiwas sa habambuhay na pagsisisi dahil kahit na anong pagsisisi ay hindi na
puwedeng ibalik ang nakaraan.

Ang sinumang makababasa sa maikling kuwentong ito ay talagang masasaktan


sa mga pangyayari at manghihinayang sa buhay ng isang babae na wala
namang ginagawang masama sa kanyang asawa ngunit namatay nang dahil sa
isang kasalanang hindi naman pala talaga nito nagawa. Ang masaklap ay hindi
man lang ito nabigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag.
9

AKO ANG DAIGDIG


Alejandro Abadilla

I
Ako ang daigdig
ako ang tula
ako ang daigdig
ang tula
Ako ang daigdig ng tula
Ang tula ng daigdig
Ako
ang walang maliw na ako
ang walang kamatayang ako
ang tula ng daigdig

II
Ako ang daigdig ng tula
Ako ang tula ng daigdig
ako ang malayang ako
matapat sa sarili
sa aking daigdig ng tula
ako ang tula sa daigdig
ako ang daigdig ng tula
Ako

III
Ako ang damdaming malaya
Ako ang larawang buhay
ako ang buhay na walang hanggan
ako ang damdamin
ang larawan
ang buhay
damdamin
larawan
buhay
tula
ako

IV
Ako ang daigdig sa tula
Ako ang tula sa daigdig
Ako ang daigdig
Ako ang tula
daigdig
tula
ako...
10

Pagsusuri:

A. Uring Pampanitikan

Ang akdang ito ay isang tula dahil nagpapahayag ito ng damdamin ng isang tao. Ito
ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod Wala man itong
sukat at tugma dahil malaya ito bagaman nagtataglay pa rin ng magandang diwa at sining ng
kariktan.

Ang tulang ito ay nasa uring tulang patnigan. Sapagkat, ito’y nagbibigay linaw
tungkol sa isang paksa. Malinaw na naipahatid ng manunulat na sinasabi niyang “siya, ang
daigdig, at ang tula ay iisa”.

B. Sangkap ng Tula

a. Tugma
Walang tugma rito dahil ito’y nasa malayang taludturan. Kung saan nakasaad na
ang malayang taludturan ay walang sukat at tugma bagkus ito’y kinapapalooban ng
kaisipan at talinghaga.

b. Sukat
Ang tulang “Ako ang Daigdig” ni AGA ay nasa isang malayang taludturan o free
verse. Ito’y walang sukat at tugma ngunit ito ay kinapapalooban ng kaisipan at
talinghaga.

c. Paksa o Kaisipan
Ang paksa o kaisipan ng tula ay may kinalaman sa mga personal na pantao at
pansining na kapaniwalaan at karanasan ni Abadilla. Ito’y nagpapahiwatig din ng
mga makabagong ideya.

d. Talinghaga
Masasabing napagalaw ng husto ang guniguni ng mambabasa. Patunay dito ang
iba’t-ibang reaksyon ng mga tao. Matatandaang nang unang nailathala ang akdang
ito, tinuligsa ito ng karamihan dahil sa paratang na ang tinutukoy ni Abadilla na
‘ako’ sa tula ay ang kanyang sarili.

e. Imahen
Masasabing mayroon nito ang tulang “Ako ang Daigdig”. Patunay dito ang isang
sabi na, gaya ng isang ibon na malayang lumipad at naging hari ng himpapawid ng
kanyang buhay, si Alejandro G. Abadilla ay naging kilala rin sa pagpapakilala ng
sariling paraan ng pagsulat sa kanyang natatanging akda na “Ako ang Daigdig”.

f. Aliw-iw
Sa pagsusuring nagawa, masasabing hindi naging maindayog ang pagbigkas ng tula.
Una, dahil hindi ito taglay ng tula. At huli, wala ito sa uring tradisyonal ng tula.

g. Tono
Sa pagsusuring nagawa, masasabing masaya ang damdaming nakapaloob sa tula.
Nasabi ito dahil, naipakita niya ang kagandahan ng kanyang likha sa pagsasabing
siya ay malaya at matapat sa sarili, kahit ano pa man ang sabihin ng mga kritiko.
Ipinakita din niya ang pagkakaisa ng kanyang pagkatao, damdamin at paniniwala sa
tula ng kanyang daigdig.
11

h. Persona
Ang persona sa tula ay ang mismong awtor nito na si Alejandro G. Abadilla dahil
ito’y galing mismo sa kanyang karanasan.

i. Teoryang Pampanitikan
Eksistensyalismo ang ginamit dahil ang tula ay nakatuon sa buhay ng manunulat at
sa buhay ng mga taong katha lamang. Malinaw din dito ang proseso ng pagiging at
hindi pagkakaroon ng tamang sistema ng paniniwala tulad ng relihiyon at moralidad
ang dapat bigyang pansin ng tao upang mamuhay siya ng tunay. Sa huli, ito’y isang
teorya ng pagiging tunay na tao sa kabila ng masasabing impluwensya at pananakot
ng relihiyon at moralidad ng bawat tao.

j. Mga Pansin at Puna


Kapag matamang binasa ang akdang ito, matatalos ng mambabasa ang tunay na nais
ipahiwatig ng may-akda. Halos tatlong salita lamang ang ginagamit at ito’y paulit-
ulit pa. Sa kabila nito, para sa ‘kin, ito ang pinakamagandang tula at ito ang
pinakamakahulugan. Talagang isang magaling na manunulat si Alejandro G.
Abadilla.
12

I. Pamagat: Sampagitang Walang Bango

Ni Iñigo Ed Regalado

II. Buod:

Ang Palasyo ay nagkaroon ng isang pagdiriwang na pinuntahan ng lahat ng


naggagandahang mga dalaga’t naggagwapuhang mga binata. Hindi rin syempre
nawala ang mayayaman sa kasiyahan.

Ang lahat ay labis na nagkakatuwaan. Lahat sila’y aliw na aliw sumayaw


kasama ang kani-kanilang mga kapares. Isa na rito si Nenita na asawa ng isa sa
mga mayamang mangangalakal sa Maynila. Maraming kalalakihan nang gabing
iyon ang nag-aalok na maisayaw siya dahil sa angkin niyang kagandahan. Di niya
alintana na siya’y may asawa’t anak na.

Naging kasayaw niya si Pakito na kababata niya. Habang sila’y nagsasayaw,


pinag-uusapan nila ang tungkol sa kani-kanilang buhay. Naitanong ni Nenita kay
Pakito ang tungkol sa nalalapit na pakikipag-isang dibdib nito sa katipan nitong si
Liling. Hindi naman ito itinanggi ni Pakito kay Nenita kung kaya’t nagpauna na
siya ng isang maligayang pagbati. Nagtanong rin si Pakito kay Nenita kung bakit
hindi siya ang kasayaw ng kaniyang asawa at ibang babae. Ang sinabi na lamang
nito ay aliw na aliw ang kanyang asawa sa ibang mga babae.

Habang sila’y sumasabay sa indak ng musika ay para bang bumabalik ang


pagtitinginan nila na nabaon na sa tagal ng panahon. Parehas silang nakadama ng
‘di maipaliwanag na damdamin at kapwa silang nagkailangan kaya minabuti na
lamang nilang magpahinga muna. Nang lumapit sa kanilang kinauupuan ang
Senador upang alukin si Nenita na sumayaw ay kaagad na tumanggi ang babae.

Nang sumapit ang madaling araw ay natapos na ang kasiyahan. Karamihan sa


mga bisita ay nagsipaguwian na habang sina Nenita ay inaantay na lamang ang
kanilang sasakyan gayundin si Pakito. Magkasabay halos nilang nakuha ang kani-
kanilang mga sasakyan at sabay na umalis sa palasyo.
Kinabukasan ay nagising si Nenita na wala na sa kanilang tahanan ang
kanyang asawa. Araw ng linggo kaya maaga itong nasa klub at doon na
manananghalian. Dahil sa siya’y isa nang mayamang babae, sanay na si Nenita na
bumangon sa kanyang higaan kahit pa tanghali na.
Pagkabangon niya sa kanyang higaan ay agad siyang nag ayos ng sarili at
tumingin sa salamin. Nabatid niya na simula nang siya’y mag-asawa ay hindi pa
rin nabago ang kagandahan niya noong siya’y dalaga pa. Habang siya’y nakatitig
sa salamin ay pumasok sa kaniyang isipan si Pakito, ang kauna-unahang lalaki na
pinag-alayan niya ng matamis niyang ‘Oo’. Parehas silang nagmula sa isang
maralitang pamilya’t parehas ding may kanya-kanyang pangarap sa buhay na nais
matupad.

Sa paglipas ng panahon, naghiwalay ang magkasintahan dahil nabalitaan ni


Nenita na may iba ng mahal si Pakito at ito ay si Liling na labis ang pagmamahal
kay Pakito. Kapwa sila nasaktan sa kanilang paghihiwalay.
Nakilala ni Nenita si Mang Bandino at di kalauna’y nagpakasal silang dalawa
at nagkaroon ng isang supling na babae. Nang mabalitaan ito ni Pakito ay labis
13

itong nasaktan kaya nagsikap siya sa buhay at nagtapos ng pag-aaral. Sa hirap na


dinanas ni Pakito, nakamit niya ang inaasam niya – ang maging abogado.

Kapwa sila may kanya-kanya nang buhay na tinatamasa. Sa isang klub kung
saan madalas na nagpapalipas ng oras si Pakito at ang mga kaibigan nito ay
nadatnan niya ang mga itong nagkakasiyahan. Ikinwento ni Pakita kina Collantes
at Peralta na kapwa niya pinagkakatiwalaan ang pangyayari sa palasyo sa kanila ni
Nenita. Hindi niya eksaktong sinabi na si Nenita iyong babae at agad naman
nahiwagaan ang dalawa kay Pakito. Nag-iwan ng isang lihim si Pakito sa mga
kaibigan nito. Binalaan naman siya ni Peralta sa kung ano ang maaaring idulot
nito sa kanya.

Sa tabi ng bahay nina Mang Bandino nakatira ang matandang mayaman na


nagngangalang Lijucom. Malapit ito kay Mang Bandino sapagkat sa kanya mismo
humihihingi ng payo ang mayamang mangangalakal. Sa bahay mismo ni Lijucom
sila nag-uusap tungkol sa kani-kanilang buhay. Ang usapan nila ay humantong sa
malalim na paksa. Ito ay tungkol sa pagtataksil sa asawa na nauwi sa isang mainit
na usapan.

Inihalintulad ni Lijucom sa isang sampagitang may bango ang asawa nitong si


Nenita, ‘di dahil sa angkin nitong kagandahan bagkus sa kabaitan nito pagkat sino
nga bang may bahay ang papayagan na mambabae ang kanilang asawa at ang
lahat ng ito’y walang reklamong tinitiis ni Nenita. Nangako si Mang Bandino sa
harapan ni Lijucom na kung si Nenita ma’y maka-isip na magtaksil ay isa sa kanila
ang mamamatay.
Habang wala sa bahay si Mang Bandino ay nakakuha ng tyempo si Nenita
upang tawagan si Pakito upang sila’y magkita. Napag-usapan nila kung saan sila
magkikita at anong araw. Napagpasyahan nilang sa araw ng Sabado sila magkikita
sa may Luneta. Nag-uumapaw ang kaligayahan ni Nenita ng mabatid na sila’y
magkikita ni Pakito.

Pagdating ng Sabado, nauna si Pakito sa pook na kanilang napagkasunduan.


Mataman siyang naghintay subalit hindi pa rin dumarating ang babae. Inakala
niya tuloy na niloloko lang siya nito. Ilang sandali pa’y may sasakyang dumating.
Dito nakasakay si Nenita na kaagad namang bumaba at pinaalis ang sasakyan.
Sumaya si Pakito nang makita ang babae.
Nakita ni Pakito si Nenita at Masaya ito. Nagtungo ang dalawa sa likod ng
batuhan kung saan silang dalawa lamang ang naroon at ang isang matandang
lalaki na sa tingin nila’y bulag. Ang dalawa ay masayang magkasama subalit may
kaba pa rin sa dibdib ni Nenita. Nangako sila sa isa’t isa na kapag silang dalawa
lamang ang magkasama ay kanilang-kanila ang isa’t isa. Sinundo na si Nenita ng
kanyang sinakyan at umuwi na.
May natanggap na liham si Pakito mula kay Liling na kanyang nobya na
nangangailangan ng kanilang pag-uusap sa bahay ng mga Collantes sa Huwebes.
Sumagot naman si Pakito sa liham na tila bumagabag sa damdamin ng binata. Sa
Huwebes gaganapin ang binyag ng anak ng mag-asawang Collantes. Tinawagan
ni Pakito si Nenita at binabalaan na huwag na itong dumalo sa nasabing
pagdiriwang subalit nang dumating na ang pagdiriwang ay dumalo pa rin ang
babae.
14

Nagkita sina Nenita at Liling at nagkakwentuhan. Pagdating ni Pakito kasama


ang mga kaibigan nito ay agad niyang nakita ang dalawa at labis na inis ang
nadama niya sapagkat binalaan na nito si Nenita na huwag nang dumalo subalit
matigas pa rin ang ulo nito. Buong pagdiriwang ay nanahimik lamang si Pakito.
Ang mga kaibigan naman nito ay nabatid si Liling sa angkin nitong kahinhinan
nang gabing yaon.

Hindi nagkaroon ng oras ang dalawang mag-usap. Kinabukasan ay minabuti


ni Pakito na pumunta sa bahay nina Liling. Nakita agad ito ng dalaga at agad
tinawag ang ina nito upang ipabatid na may bisita sila. Isang pagbati na may
kahalong hindi bukal sa loob na pagtaggap kay Pakito subalit sa kalauna’y
tinanggap na ito at pinapasok sa tahanan. Nagkaroon ng pag-uusap ang dalawa.
Ipinabatid ni Liling na siya’y nagseselos sapagkat nawawalan na ng oras si Pakito
na dumalaw sa kanilang tahanan at laging isinasangkalan ng binata ang kanyang
mga trabaho.

Nais na sanang pakasalan ni Pakito si Liling subalit tumanggi pa muna ang


dalaga sapagkat sa nakikita niya’y kapwa silang ‘di pa handa. Umuwi na may
hinagpis sa puso si Pakito. Sa kabila ng kanyang nararamdaman ay tila may isang
ngalan na binabanggit ang kanyang isipan – Nenita. Nagkita ang dalawa.
Napalitan ng saya ang nadaramang pighati ni Pakito. Hindi niya maipaliwanag
kung bakit masaya siya kapag kasama niya si Nenita. Nagpaikot- ikot silang
dalawa.
Ang pangyayaring ito ay naulit pa ng maraming beses. Minsan nga’y gabi
noon nang magpunta si Pakito sa bahay nina Nenita para makipagta. Masayang
magkasama ang dalawa nang dumating si Mang Bandino. Lahat sila’y
nagulantang at nataranta. Tinulungan ng kasambahay nila Nenita si Pakito kung
saan ito maaring lumabas. Habang si Nenita nama’y namumutlang nakita ni Mang
Bandino.

Labis-labis ang kaba ni Nenita na makita sila ng kaniyang asawa na


magkasama sa sarili pa mismo nitong tahanan. Kasama ni Mang Bandino ang
matalik niyang kaibigang si Lijucom. Kung saan-saan sila pumupuntang klub
upang magliwaliw. Habang sila ay nasa isang klub ay nagkukwentuhan ang
dalawa tungkol sa mga bababaeng nabihag ni Mang Bandino. Hang ang kaibigan
nito sa kung gaano ito katinik sa mga babae. Hindi basta-bastang babae ang
pinapatulan nito.
Pinapatulan nito ang mga asawa ng mga kaibigan niya na ikinatutuwa niya.
Habang napapasarap sa pag-uusap dumating ang mga asawa ng mga babaeng
pinatulan ni Mang Bandino at napagpasyahan nilang dalawa na lumipat na ng
ibang lugar.

Nagdiriwang ng kapistahan ang Maynila. Maraming mga tindahan ang


nagsulputan, mga karnibal na kinahuhumalingang puntahan at ang
pinakaaabangan ng mga kalalakihan, ang beauty pageant. Kasama ang mga
kaibigan ni Pakito ay naglibot sila sa may auditorium kung saan gaganapin ang
pageant.

May nadiskubreng lugar si Pakito kung saan sila maaring magsama ni Nenita
nang walang nakakakita. Tumawag ito kay Nenita at ipinabatid ito. Agad na
sumang-ayon ang babae sapagkat isa sa mga hurado si Mang Bandino at
15

nakatitiyak siya na magiging abala ito. Napagkasunduan nila na magkikita sila sa


may auditorium.

Nang dumating ang araw na pinakahihintay ni Pakito ay pumunta ito sa


auditorium subalit sa kasamaang palad ay halos magkaamuyan na ang mga tao sa
loob nito sa sobrang dami ng tao. Hindi makita ni Pakito si Nenita subalit mga
ilang sandali pa lamang ay natanaw na niya ito. Hinatak niya ito sa lugar na
tinukoy niya. Inutusan niya ito na sumunod na pumasok sa kanya. Agad namang
sumunod ang babae sa utos ng binata.

Masaya sila sa loob subalit nabatid ni Nenita na nasa malapit na lugar lamang
ang matalik na kaibigan ni Mang Bandino na si Lijucom. Nag-aalala si Nenita na
baka nakita siya nitong pumasok sa silid na iyon. Tama nga siya, nalaman ni
Lijucom ang ginawa ni Nenita at ipinagtapat niya ito sa kanyang kaibigang si
Mang Bandino. Sa labis na tiwala sa asawa’y hindi siya nito pinaniwalaan.

Naghanap siya ng pruweba at sa ‘di inaasahang pangyayari ay nakita niya


mismo ang pagtataksil ng kanyang asawa sa kanyang dalawang mata. Labis na
galit ang naramdaman nito nang makita niya ang asawa na may iba. Ibig niya
itong sugurin subalit pinigilan lamang siya ng kaibigan niya. Sa nakita ni Mang
Bandino ay labis siyang naapektuhan. Binalak niyang magpakamatay ngunit
kaagad naman siyang pinigilan ng anak nito.

Kumalat ang usap-usapan at nalaman ng mga tao ang nangyari. Hiniwalayan


ni Liling si Pakito. Labis na nasaktan ang binata kaya’t napagdesisyunan nitong
lumipad na lang sa Mindanao upang doon na manirahan at magtrabaho. Lubos-
lubos naman ang paghihinagpis ni Nenita. Pinagsisihan niya ang kanyang
pagtataksil sa kanyang asawa.

Nagpakalayo-layo si Mang Bandino at ang kaisa-isa nitong anak. Marami ang


nagalit sa ginawang kasalanan ni Nenita sa pamilya nito na naging dahilan ng
pagkadumi ng pangalan na matagal na nilang iniingatan. Dahil sa mga
pangyayari, masasabi ni Lijucom na walang kaparis si Nenita sa isang
Sampagitang Walang Bango.

III. Pagsusuri:

A. Uring Pampanitikan:
Ang akda ay isang nobela sapagkat ito’y nasa anyong patuluyan at
kinapapalooban ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Ito’y
naipalimbag at kaba-kabanata ang pagkakasulat. Mayroon ding mararaming
pangyayaring makikita rito. Hindi ito matatapos na basahin sa isang upuan
lamang.

B. Paglalahad:
Tradisyunal ang pagkakalahad sa mga pangyayari sa istoryang ito. Maayos
ang pagkakasunud-sunod ng mga kaganapan na siguradong hindi ikalilito ng
mambabasa.
16

C. Tayutay:

 Ang mga paruparo’t bulaklak ay nagsalimbayan nang maglaro sa gitna ng


maaliwalas na salon

Ito ay maaaring ituring na pagsasatao dahil alam nating lahat ng hindi


naglalaro ang mga bulaklak dahil tanging mga hayop at tao lamang ang
pwedeng gumawa nito.

 Ang mga ibong nagbabatak ng mga buto

Tulad ng tao’y mistulang naghahanap-buhay nang maigi ang mga ibong


natanaw ng pangunahing tauhan kaya ito ay pagsasatao.

 Ito’y nahahalintulad sa sampagitang may angking bango

Pagtutulad ang tayutay na ginamit dito dahil hayagang initulad si Nenita


sa sampagita.

 Kapag ang kasalanang iya’y nahinog, ang langit at lupa’y magiging bingi sa
sigaw ng ating mataos na pagsisisi

Pagsasatao ang ginamit dito sapagkat initulad sa tao ang lupa’t langit na
mabibingi.

 Ang pagsinta’y ‘di maaaring sulitan ng sangmundo mang ginto

Pagmamalabis ang pagsasabing ang pagmamahal ng nagsasalita rito ay


‘di kayang pantayan ng gintong sinlaki ng sandaigdig.

 Si Nenita, sa ibabaw ng pagiging isang babaeng masama sa ibabawa ng


pagkabulid sa napakabahong lusak ng kapalaran, ay isang inang may puso

Irony ang ginamit na tayutay sapagkat magkasalunga ang mga


katangiang ibinigay kay Nenita – babaeng masama ngunit inang may
puso.

D. Sariling Reaksyon:

1. Pananalig Pampanitikan/Teorya

Romantisismo

Sa nobelang ito, ipinapakita ang teoryang romantisismo sa pamamagitan


ng pagkakaroon ng maling pag iibigan nila Pakito at Nenita sapagkat si
nenita ay isang babaeng may asawa’t anak samantalang si Pakito ay
mayroong katipan na malapit na niyang maging asawa. Sa kabila ng
kasalanan na nagagawa ni Pakito kay Liling ay ipinapabatid pa rin niya
rito ang halaga ng kanyang katipan sa kanyang buhay at kung gaano niya
ito kamahal .

Feminismo
Ipinapapakita rito ang pagiging isang babae ni Nenita. Ang kanyang
pagtataksil sa kanyang asawa ay labis niyang pinagbayaran. Maraming
17

masasamang bagay ang dumating sa buhay ni Nenita na humantong sa


pagkasira ng kanyang pamilya at pagkawala ng kanyang dignidad.

Gayun pa man, sa ganang akin ay dapat din nating tandaan na maging si


Bandino ay nagtataksil din sa kanyang asawa. Siya ay paulit-ulit na
nambababae at patuloy lang itong iniintindi ng asawa nito. Sa tingin ko’y
hindi namang patas na si Nenita lamang ang husgahan dito kundi maging
si Mang Bandino na rin. Sa nobela ay hindi masyadong binigyang-pansin
ang kataksilang ginagawa ng lalaki sa kanyang asawa.

Realismo

May ilang bahagi sa nobela na masasabi nating nangyayari sa totoong


buhay. Halimbawa rito ay ang pagkasira ng isang pamilya na dulot ng
pagtataksil sa asawa. Tulad ni Nenita ay mapapanood na natin sa mga
balita, sa mga iba’t ibang teleserye at programa sa telebisyon ang mga
ganitong pangyayari. Talamak na sa lipunan ang mga taksil na asawa na
hindi inaalintana ang pagkakaroon ng mga anak. Tulad ni Mang Bandino
ay marami rin sa mga kalalakihan ang patuloy na pumupunta sa mga klub
upang matugunan ang mga makamundo nilang pangangailangan.

2. Mga Pansin at Puna

 Mga Tauhan

Nenita – ang babaeng unang minahal ni Pakito. Napilitan siyang


magpakasal kay Mang Bandino dahil sa taglay na yaman nito. Nagkaanak
siya ng isang babae sa kanyang asawa. Nagbalik ang kanyang pagtingin
kay Pakito nang muli silang magkita, dahilan upang siya’y magtaksil sa
kanyang asawa.
G. Francisco Herbosa / Pakito – isang abogado, dating nobyo ni Nenita
at sa paglaon ay naging kalaguyo nito. Katipan siya ni Liling.

Don Bernardino Deala / Mang Bandino – mayamang mangangalakal na


asawa ni Nenita. Lagi siyang nambababae at pumupunta sa mga klub
kasama ang kanyang mga kaibigan. Pinapatulan niya ang mga asawa ng
kanyang mga kaibigan.

Pilar Amado / Liling – isang babaeng hinahangaan ng mga kaibigan ni


Pakito sa angkin nitong kahinhinan. Kasintahan siya ni Pakito.

Don Diego Lijucom– isang mayamang arkitekto’t matalik na kaibigan ni


Mang Bandino.

Peralta at Collantes – mga kaibigan ni Pakito.

 Galaw ng Pangyayari

Sinimulan ang nobela sa pamamagitan ng paglalarawan ng isang


pagdiriwang na idinaraos. Maganda ang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari at nabigyan ng hustisya ang buong kwento na mayroon ang
nobela. Winakasan ito sa isang bagamat nakakalungkot ay talaga namang
realistikong paraan.
18

3. Bisang Pampanitikan

Bisa sa Isip

Masasabi kong ang pagtataksil sa asawa ay isang malaking kasalanan


sapagkat nangako silang magsasama habambuhay ng nagmamahalan.
Matatatag ang nobelang ito sa pagpapaalam sa lahat na ang pagtataksil
ang dapat na iwasan sapagkat isa ito sa mga makapagbubuwag sa samahan
ng isang tahanan gaano man ito katibay sa pagkakabigkis.

Bisa sa Damdamin

Nakadama ako ng pagkaawa sa mga tauhan. Si Nenita ay labis na nagsisi


sa kanyang nagawang kasalanan. Hindi ko rin naman siya gaanong
masisisi sapagkat alam ko sa sarili kong nagmahal lamang siya. ‘Yun nga
lang, hindi niya naisip na ang pagmamahal na yaon ang sumira sa kanyang
pamilya. Hindi sana mangyayari ang mga bagay na iyon kung noong una
pa lamang ay hindi na sila nagkahiwalay ni Pakito. Mabubuhay sana siya
ni Pakito, hindi man sa marangya, ngunit sa maligayang paraan.
Naiinis ako kay Mang Bandino na labis-labis ang paghihinagpis sa
nangyari sa kanyang pamilya. Para sa akin, may malaki siyang bahagi sa
mga nangyari. Siya ang unang nagtaksil! Paulit-ulit niyang niloko ang
kanyang asawa. Pinapatulan niya ang mga babaeng may asawa na at nang
ang kanya namang asawa ang magtaksil ay galit na galit siya! Para sa
akin, wala na siyang karapatang magalit pamula pa nang matuto siyang
magtago ng mga lihim at magtaksil sa kanyang asawa. Siya ang nagtulak
palayo sa kay Nenita. Kung minahal niya lang sana si Nenita nang lubusan
ay hindi sana magkakabalikan ang dalawang dating magnobyo.

Bisa sa Kaasalan

Kung darating sa punto ito ang buhay ko, hindi ko gagayahin ang ginawa
nina Mang Bandino at Pakito na nakiapid sa may asawa at ginamit ang
kahinaan ni Nenita sa mga pangyayari. Masasabi kong ang pakikiapid ay
isang kasalanan na kailanma’y hindi mababago sapagkat masisira hindi
lang ang pamilya kundi maging ang dignidad ng taong gagawa ng
kasalanang ito.

Kasalanan ito sa Diyos sapagkat nangako ka kasama ng taong mahal mo


sa harap ng dambana na siya lamang ang taong mamahalin mo bukod sa
Diyos. Nasa huli ang pagsisisi, sapagkat sa bawat gawain na ating
ginagawa ay may epekto ito hindi lamang sa ating sarili kundi pati na rin
sa ating kapwa.

Bisa sa Lipunan
Sa tahanan unang nagsisimula ang pundasyon ng isang lipunan. Paano na
lamang magtatagumpay ang isang lipunan kung dadami ang mga tulad
nina Nenita at Mang Bandino na mag-asawa? Ang mga problemang
kinasangkutan ng mga tauhan sa nobela ay nararapat na iwasan natin
upang mas mapaunlad ang ating lipunan at nang sa gayon ay magkaroon
ng maliwanag na kinabukasan ang mga henerasyon susunod sa atin.
19

SAAN PAPUNTA ANG MGA PUTOK


Rogelio L. Ordoñez

MGA TAUHAN
ADOR: lider-estudyante, 22 taong gulang, aktibo sa mga kilusang pambayan
AIDA: kapatid ni Ador, 19 na taong gulang, karaniwang estudyante, walang pakialam sa
mga isyung pambansa
ALING ESTER: ina nina Ador at Aida, 45 taong gulang, trabahador sa pabrika ng kape,
biyuda na buhat nang mapatay sa welga ang asawang dating tsuper sa isang kompanya ng
taksi
LINO: aktibistang estudyante, 23 taong gulang, kaibigan ni Ador
GRACE: nobya ni Ador, aktibistang estudyante rin, 21 taong gulang
LT. ABADILLA: isang imbestigador-militar ng AFP
SUNDALO 1, 2 at 3: mga tauhan ni Lt. Abadilla
ILAN PANG MGA SUNDALO AT MAMAMAYAN
TAGPO 1
(Mangyayari ang dula sa kasalukuyang panahon na laganap ang karalitaan, inhustisya, kabulukan at
katiwalian sa pamahalaan, pag-abuso sa kapangyarihan, pagpapakasangkapan ng pambansang
liderato sa dayuhang mga interes, lalo na sa mga Amerikano, habang patuloy na umiinit at umiigting
ang kilusan ng mulat na mga mamamayan sa hanay ng mga estudyante, manggagawa’t magsasaka, at
patuloy rin naman ang tumitinding pagsupil ng mga puwersa ng estado sa anumang tunay na
makabayan at mapagpalayang pagkilos ng sambayanan kaya dumarami ang basta na lamang hinuhuli,
ikinukulong, pinahihirapan o nagiging biktima ng makahayop na pagpatay.
Sa pagsisimula ng dula, makikitang sarado pa ang itim na telon ng tanghalan bagaman, sa likod ng
telon, mababanaagan ang bahagyang liwanag. Maririnig ang sigawan:
PALAYASIN ANG MGA KANO! IMF-WORLD BANK, BERDUGO NG
SAMBAYANAN! GLORIA, PASISTA, PAHIRAP SA
MASA! GLORIA, TUTA! IBAGSAK… IBAGSAK!
Sa mikropono, maririnig ang isang nangingibabaw na tinig:
“Mga pasista, putang ‘na n’yo! Pabayaan n’yo kaming maayos na magpahayag ng tunay na
damdamin ng bayan. Ang ipinaglalaban namin ay kapakanan n’yo rin bilang mga
Pilipino. Ginagamit kayo ng estado hindi upang pangalagaan ang mga mamamayan at ipagtanggol
ang Konstitusyon. Ginagamit kayo upang mapangalagaan n’yo ang interes ng mga tunay na kaaway
ng bayan: silang iilang nagpapasasa sa kayamanan ng bansa! Silang mga pulitikong nagpapayaman
sa tungkulin! Silang nagpapakabundat sa kapangyarihan! Silang iilang nagmamay-ari ng
malalawak na lupain kaya iskuwater sa sariling bayan ang maraming maralitang Pilipino! Silang
mga suwapang na negosyante! Silang mga mandurugas! Silang iilan ang tunay na mga kaaway ng
bayan… silang nangangamkam ng ating kinabukasan! Pabayaan n’yo kami… huwag n’yong guluhin
ang aming hanay. Hanggang alas singko pa ang aming permiso. Marunong ba kayong tumingin sa
relo?”
Bigla, maririnig ang isang pagsabog. Maririnig ang sigawan at tilian. Susundan iyon ng sunud-
sunod na putok ng baril. Lalong lalakas ang tilian at daing ng mga nasaktan, ang ilang hagulhol at
iyakan at pagmumura.
MGA PUTANG ‘NA N’YO… KAMI LANG ANG KAYA N’YO! MAY ARAW DIN KAYO…
MGA PUTANG ‘NA N’YO! MAY ARAW DIN KAYO… MGA PUTANG ‘NA N’YO!
Biglang tatahimik ang tanghalan. Mayamaya’y maririnig ang awiting BAYAN KO. Unti-unting
bubukas ang telon. Makikita ang isang simpleng sala ng isang karaniwang bahay: may lumang
sopang yari sa yantok, may isang mesitang aralan kung saan nakaupo sa harap si Aida, tahimik na
nagbabasa ng mga aralin. May isang munting radyong nakapatong sa mesita katabi ng ilang libro,
ngunit hindi ito tumutugtog. Mula sa pinto, papunta sa likod ng tanghalan, humahangos na papasok sa
sala si Ador, naka-T shirt na puti, may bahid ng natuyong dugo, nakatatak ang pulang mga letra:
20

KUNG HINDI TAYO KIKILOS, SINO ANG KIKILOS? KUNG HINDI NGAYON, KAILAN
PA? May plaster ang kaliwang kilay ni Ador. )

AIDA: (magugulat) Ano’ng nangyari sa ‘yo, Kuya? Napaaway ka ba?


ADOR: Binatuta kami ng mga pasista, parang mga asong pinagbabaril. Aywan ko kung ilan
ang tinamaan sa amin… kung ilan ang nasa morge. Ang mga hayop na ‘yon… talagang mga
hayop! Wala bang naghahanap sa akin? Si Lino, si Grace… di ba nagpunta rito?
AIDA: (bibitiwan ang binabasang libro) Wala naman… wala. Seguro nagdemo na naman kayo,
ano? ‘Yan ang nakukuha mo sa kadedemo. Mabuti’t nabatuta ka lang sa kilay. E kung nabaril
ka’t namatay? Baka pati Nanay, namatay na rin sa atake sa puso. Tigilan mo na nga ‘yan,
Kuya.
ADOR: (halatang inis) ‘Yan ang hirap sa ‘yo. Kagaya ka ng marami nating kababayan…
walang iniintindi kundi ang kanilang sarili! Walang pakialam kung ano ang nangyayari sa
bayan. Magkaletse-letse man ang bayan, di bale sa kanila, basta kumakain sila nang tatlong
beses maghapon kahit tuyo’t lugaw.
AIDA: (mapipikon) Oy, Kuya… magsisigaw man ako sa kalye kagaya n’yo kahit araw-araw,
ano’ng magagawa ko? Sino ako para baguhin ang sinasabi n’yong masamang sistema ng
lipunan?
ADOR: (parang nanlalambot na uupo sa sopang yantok, iiling-iling) Talagang wala na nga yatang
pag-asa ang bansang ‘to dahil maraming Pilipino na ang isip ay kagaya ng isip mo… isip-
lugaw, isip-abo!
AIDA: (pasigaw) Oo… kayo lang ang matalino! Pero, ano? Panahon pa yata ni Matusalem,
demo na kayo nang demo. May nangyari ba? Panay ang sigaw n’yo ng
ibagsak! Ibagsak! Ibagsak ‘yung sinasabi n’yong imperyalismo, piyudalismo at burukrata
kapitalismo at kung anu-ano pang ismo. Naintindihan ba kayo? Pinakinggan ba kayo? Ang
hirap nga kayo ang bumabagsak. Panay ang bagsak n’yo sa kalye kapag binatuta kayo. Kundi
sa ospital at sementeryo, sa kulungan ang bagsak n’yo. ‘Yung iba sa inyo, kalimitang bagsak
pa sa klase. Ikaw na lang, Kuya… ilang taon ka na sa kolehiyo? Dapat tapos ka na noong
isang taon pa. Aba, baka maunahan pa kita!
ADOR: (tatayo) Di bale nang di ako makatapos kung magiging utak-alipin lang ako. Kayo…
kayong paesko-eskolar, ano’ng natutuhan n’yo? Kaisipang alipin! Kaisipang kolonyal! Kaya
mula pa ng panahon ng Kastila hanggang ngayon, alipin tayo ng mga dayuhan sa sarili nating
bayan.
AIDA: Tigilan mo na nga ako, Kuya. Kahit ano pa ang sabihin mo, wala naman talaga tayong
magagawa. Basta ngayon, kailangang may natapos kang kurso. Tingnan mo na lang ang
Nanay… si Tatay. Parehong walang natapos kaya ano? Si Nanay, hanggang ngayon, walang
asenso, trabahador pa rin sa pabrika ng kape. Si Tatay, ano’ng nangyari? Tsuper ng taksi at
dahil kagaya mong mahilig makialam sa isyu-isyu.. ayun, napatay sa welga!
ADOR: H’wag mo ngang masisi-sisi ang Tatay, Aida! Kung sa inyo lang na paesko-eskolar,
mas mabuti pa ang Tatay. Kahit tsuper lang s’ya ng taksi, mas mulat s’ya sa inyo. Noong
nabubuhay pa s’ya, noong nagtatayo pa s’ya ng unyon sa kompanya nila, sa kanya ko unang
natutuhan ang kaapihan ng manggagawa sa kamay ng mga kapitalista. Mas naiintindihan pa
nga n’ya noon kaysa sa akin ang mga problema ng bansa. Sayang at namatay agad s’ya…
ipinapatay ng mga hayop! (kukuyom ang mga kamao ni Ador, parang gustong isuntok)
AIDA: Ayun nga, ipinapatay. Banggain ba naman si Mr. Alvarez. Alam naman nilang bayaw
‘yon ni Congressman Santos. May kapatid pang militar. Major ba ‘yon o Colonel? Sabi nga,
tayong mahihirap at api, tayong mga walang koneks’yon ay nananalo lamang laban sa
makapangyarihan sa mga pelikula ni Fernando Poe.
ADOR: (mapapasuntok sa mesita, babagsak ang ilang libro) Ang mga putang ‘na
n’yon! Parurusahan din sila ng bayan! Dapat sa kanila’y ihilera sa pader… lahat sila! Lahat
ng kagaya nila! Kapag namulat na ang sambayanan, ang mga kagaya n’yo, Aida, kapag ganap
nang nagkaisa, mananalo rin ang maliliit.
21

AIDA: (tatawa) Nangarap ka na naman, Kuya. Ilusyon ‘yan, Kuya… suntok sa buwan.
ADOR: Ilusyon sa mga ayaw magising. Suntok sa buwan sa mga ayaw sumuntok. Pero bakit
nangyari sa panahon ng Tsaristang Rusya? Nangyari rin sa Tsina, sa Cuba. Mangyayari rin
‘yan dito. Kaunting panahon na lang.
AIDA: Kuya, ang mabuti pa, maligo ka na, magpahinga ka na. May test kami bukas at mag-
aaral pa ako. (dadamputin ang libro, bubuksan) Kung sisipagin ka naman, tutal nakasaing na ako,
maghain ka muna. Baka dumating na ang Nanay. H’wag mong pababayaang walang takip
‘yung mga pritong isda… baka maunahan pa tayo ng pusa.
ADOR: Mabuti pa nga. Mahirap talagang kausap ang mga tanga… ang mga embalsamado
ang utak.
(Bubulung-bulong na lalakad si Ador papunta sa pinto, lalabas na iiling-iling. Ipagpapatuloy ni Aida
ang pagbabasa. Ilang saglit lamang, papasok si Aling Ester, halatang pagod, may pasalubong na isang
balot ng pansit. Ilalapag ang supot ng pansit sa mesita. Simple lamang ang damit nito, nakapaldang
maong at karaniwang blusa at may bitbit sa kaliwang kamay na plastic bag. Ilalapag din sa mesita
ang bag.)
ALING ESTER: O, Aida… kumain ka na ba? Ang Kuya Ador mo, nariyan na ba?
AIDA: (bibitiwan ang aklat, tatayo at magmamano sa ina) Mano po, Inay.
ALING ESTER: Ang Kuya Ador mo ‘kako… nariyan na ba?
AIDA: Opo, kararating din lang. Baka naliligo pa.
ALING ESTER: Salamat naman. Alalang-alala ako dahil kangina, natrapik kami nang husto
sa may Liwasang Bonifacio. May demo raw doon at nagkagulo at ilan daw ang napatay. May
mga hinuli pa raw. Ay, salamat naman at narito na si Dominador. Tiyak ko, kasama ang Kuya
mo doon. Alam mo naman ‘yan.
AIDA: Siguro, Inay, makabubuting pagsabihan n’yo ang Kuya Ador. Tigilan na ang pagsama-
sama sa demo at baka kung mapano pa ‘yan. Kung nag-aaral na lang s’yang mabuti, mas
magaling pa. Dapat nga tapos na s’ya ngayon at nagtatrabaho na para makatulong naman sa
inyo.
ALING ESTER: Wala na tayong magagawa sa Kuya Ador mo, Aida. Kuhang-kuha ‘yan sa
ugali ng Tatay n’yo. (lulungkot ang mukha nang maalaala ang namatay nang asawa) Ang Tatay
n’yo noon, kahit ano’ng mangyari, paninindigan at ipaglalaban ang paniniwala.
AIDA: Kaya naman, ayun… ipinapatay. Kung buhay sana s’ya ngayon, di na sana kayo
nahihirapang malimit na mag-obertaym. Kung bakit nakisali-sali pa s’ya sa unyon-unyon na
‘yon.
ALING ESTER: H’wag mong sisihin ang Tatay mo, Aida. Dapat mo pa nga siyang
ipagmalaki, ikarangal. Para sa akin, bayani siya, marangal siya. Kung di siya nagtayo ng
unyon sa kompanyang iyon ng taksi, malamang na hanggang ngayo’y inaabuso pa rin ni Mr.
Alvarez ang mga tsuper niya. Gumanda na raw ang palakad ngayon doon, ‘yon bang
kooperatiba na. Nagkaroon na ng sariling taksi ang mga tsuper. Tama ang Tatay mo, ang
Kuya Ador mo, ‘yung sinasabi nilang tayong maliliit ay dapat mag-organisa, magsama-sama,
magkaisa, para di yapak-yapakan ng iilang mayayama’t makapangyarihan.
AIDA: O, pinakinabangan ba naman ni Itay? Ano’ng nakuha natin? Noong mamatay si Itay,
oo, sikat nga siya sa mga manggagawa. Sabi n’yo’y bayani. Nakipaglibing sa kanya ang mga
kilalang lider, gaya ni Beltran at iba pa. Nabigyan tayo ng kaunting abuloy. Iniyakan si
Itay. Pero, pagkalibing… ano?
ALING ESTER: Buhay pa rin ang Tatay n’yo, Aida. Buhay pa rin. Para ko siyang
nakikitang lagi sa aming pabrika. May nagtatayo rin ng unyon sa amin dahil
pinagsasamantalahan din kami ng may-ari. Mataas na ang lahat ng presyo, ayaw pa ring
taasan ang s’weldo namin kahit malaki ang tinutubo ng pabrika. Pati obertaym namin, kulang
ang bayad. Sabi nga noong lider namin, kailangang mag-unyon kami, kailangang lumaban
kami. Talagang para siyang Tatay mo, Aida. Talagang buhay ang Tatay mo, Aida, buhay na
buhay!
22

AIDA: Ay, naku, Inay… baka nagugutom na kayo? Baka ma-in love na naman kayo dahil
parang Tatay ko ‘yong lider n’yo. Aba, mabibiyuda na naman kayo. (hahawakan ni Aida ang
supot ng pansit na uwi ni Aling Ester, bubuksan, sisilipin) Aba… pansit! Kumain na muna kayo ni
Kuya Ador saka kayo parehong mangarap.
ALING ESTER: (uupo sa sopa, parang saglit na mag-iisip, malungkot) Buhay pa siya… buhay pa
siya. (halos pabulong)
AIDA: (mapapansin ang ina) Ay, naku… sabi ko, kumain na muna kayo ni Kuya
Ador. Tamang-tama at mainit-init pa ‘tong pansit na uwi n’yo. May prito pang isda doon.
ALING ESTER: (mapapatayo) Aba… ang Kuya Ador mo nga pala? Dominador! Dominador!
(Papasok si Ador. Bagong t-shirt na puti na ang suot, naka-short, nakasandalyas de goma, at halatang
bagong ligo. Lalapit agad ito sa ina, magmamano. May plaster pa rin ang kaliwang kilay
nito. Mapapatitig si Aling Ester sa kilay ni Ador.)
ALING ESTER: (hihipuin ang kaliwang kilay ni Ador, iilag si Ador) Tanggalin mo ang plaster,
Dominador. Malinis ang sugat at mapahiran kahit gamot na pula. (babalingan si Aida) May
gamot na pula pa ba tayo, ha, Aida? Kunin mo… ‘yung ginagamit mo kapag nagmamanikyur
ka.
AIDA: (lalakad papunta sa pinto ngunit biglang titigil) Wala na nga pala, Inay. Ubos na nga pala
noon pang ’sang araw. Kung gusto n’yo, bibili muna ako saka tayo kumain.
ADOR: H’wag na… h’wag na. Walang anuman ‘to, Inay. Kapiraso lang naman ang
putok. Ang grabe nga’y ‘yung katabi ko kangina… talagang putok ang ulo. Binatuta talaga
nang binatuta at kahit nakahiga na sa lupa, tinadyakan pa ng mga pasista.
AIDA: Walang k’wenta ‘yan sa Kuya Ador, Inay. Pangkaraniwan na lang po ‘yan sa
kanya. Sanay na ‘yang mabukulan o mabali ang tadyang. Di ba noong ’sang araw, umuwi ‘yan
na akala ko’y di s’ya dahil magang-maga ang mukha. Di titigil ‘yan.
ADOR: (paangil) Ako… mukha’t katawan ang nabubukulan dahil may ipinaglalaban para sa
kapakanan ng sambayanan. Pero ikaw, at mga kagaya n’yong walang iniintindi kundi ang
kanilang sarili, ano? Nagkakabukol ang utak n’yo, nagkakapigsa dahil sa katangahan… dahil
sa inaamag na mga paniniwala!
AIDA: (dadampot ng libro at akmang ibabato kay Ador) Ang hayop na ‘to… sobra ka nang mang-
insulto! ‘Kala mo kung sino!
ALING ESTER: (aawatin ang dalawa) Hoy,,, hoy… tama na ‘yan! Mabuti pa’y magpahinga
na kayo. Kumain na tayo.
(Iirapan ni Aida si Ador, akmang sasampalin. Iilag si Ador, pandidilatan si Aida. Papagitna sa
dalawa si Aling Ester at hihilahin ang mga ito papunta sa pinto. Ngunit sunud-sunod na malalakas
na katok sa pinto ang maririnig. Bubuksan ni Ador ang pinto at humahangos na papasok sina Lino at
Grace, halatang takot na takot)
LINO at GRACE: (halos magkapanabay) Magandang gabi po, Aling Ester.
ALING ESTER: Magandang gabi naman sa inyo. Maupo kayo. Naghapunan na ba kayo?
LINO at GRACE: (magkakatinginan, saka titingin kay Ador na nakatayo sa tabi ng mesitang aralan
ni Aida. Mauupo si Aida sa silyang naroroon) Opo… opo. H’wag na kayong mag-abala.
ALING ESTER: (ngingiti) Ow, mukhang gutom na gutom kayo. Malimit kang ikuwento sa
akin ni Ador, Grace. (mapapatgungo si Aida, tatawa si Ador) Pasasaan ba’t di miyembro ka na rin
ng magulo naming pamilya. O, siya… d’yan na muna kayo at aayusin ko ang pagkain nang
makapaghapunan tayo bago kayo magkuwentuhan.
(Lalabas si Aling Ester, ngunit maiiwan ang pansit na nakapatong sa mesitang
aralan. Magkakatinginan sina Ador, Lino, Grace at Aida. Biglang tatayo si Lino, lalapit kay Ador
ngunit pasulyap-sulyap kay Aida)
AIDA: O, sige… mag-usap na kayo. Baka ayaw n’yong marinig ko dahil di naman ako
m’yembro ng magigiting. D’yan na kayo at tutulungan ko na lang si Inay sa kusina. (lalabas si
Aida, tatayo si Grace at lalapit kina Lino at Ador)
LINO: Alam mo na ba ang nangyari… ang mga balita?
ADOR: Alin?
23

GRACE: Natatakot ako, Ador.


LINO: Oo, Ador, parang may mga susunod pa.
ADOR: Ano ba kayong dalawa? Para kayong mga asong di mapaihi. Linawin n’yo nga ang
mga sinasabi n’yo!
LINO: Alam mo, noong nagkagulo kangina at magkahiwa-hiwalay tayo, tumakbo kami ni
Grace papunta sa National Press Club. ‘Yung iba, nagtakbuhan papuntang Quiapo. Sa baba ng
Press Club, may nagkukuwentuhang tila mga reporter. May mga sugatang dinala raw sa
ospital. Karamihan daw ay sa PGH. Marami rin daw ang nadampot at isinakay sa trak ng
militar.
ADOR: O, e ano ang dapat n’yong ikatakot? Ligtas nga tayo.
GRACE: (parang maiiyak) Masama ang nangyari sa HQ natin, Ador. Katatawag lang namin ni
Lino doon… si Mely ang sumagot sa telepono, umiiyak. Dinampot daw sina Ave at Edwin,
pinagbintangang mga Sparrow. Isinigaw daw noong dalawang nahuli kangina sa
demo. Dadalhin din daw sana si Mely, pero sabi n’ya, nagmakaawa s’ya at napapaniwala n’ya
ang mga militar na siya’y isa lang maid. Nakahinga nga ako nang maluwag nang malaman
kong di ka kasama.
LINO: Tumawag nga kami doon para malaman kung doon ka nagtuloy. Pagkatapos nga, pilit
nang pilit ‘tong si Grace na puntahan ka namin dito.
ADOR: O, e bakit nga kayo matatakot? Di naman tayo Sparrow. Di rin naman Sparrow sina
Edwin at Ave.
LINO: E kung ganoon ngang isinigaw?
ADOR: Sino naman ‘yung dalawang kumag na sumigaw? Baka mga kasama din natin na
pinitik lang ang bayag ay kung anu-ano na ang ikinanta.
LINO: E kung pahirapan din sina Edwin at Ave? Si Ave, alam ko, matibay ‘yon. Pero si
Edwin, duda ako. Mababaw ang luha noon. Baka biglang mag-La Paloma.
ADOR: Masyado kayong alarmista. Di pa nga natin alam kung totoo ‘yang mga bali-
balita. Kung dinampot man sina Ave at Edwin ay baka naman tatanungin lang sila tungkol sa
nangyari kangina, di dahil sila’y pinagbibintangang mga Sparrow.
LINO: Pero, Ador, alam mo naman ang mga militar. ‘Pag may napatay sa kanila, sasabihing
Sparrow ang pumatay. ‘Pag may nahuli sila, sasabihing Sparrow ang nahuli nila. Di ba noong
minsan, nang maghabulan din sa demo sa Mendiola, ‘yung malas na ice cream vendor na
nakitakbo rin dahil sa takot ang nadampot. Ano… di ba hanggang ngayo’y nakakulong
pa? Dahil pinahirapan siguro nang husto, kahit di totoo’y napilitang umaming siya’y Sparrow.
GRACE: Ador, talagang mabuti’y umalis ka muna. Sa grupo natin, ikaw ang kilalang-
kilala. Magtago ka muna hanggang di pa malinaw ang lahat tungkol kina Ave at
Edwin. Kung gusto mo, sasamahan kita sa Batangas… doon sa lugar ng Tiya ko. Di ka basta
matutunton doon.
ADOR: Ano ba kayo? Kung magtatago ako’t di naman ako hinahanap… di nagmukha lang
akong gago! Ang hirap sa inyo, natatakot kayo sa sarili n’yong anino.
LINO: Mabuti na rin ang nag-iingat, Ador. Alam mo naman ang hustisya ngayon.
ADOR: Hustisya? Meron pa bang hustisya?
GRACE: ‘Yon nga, e. Di bale kung anak ka ni Congressman.
LINO: O anak-mayaman ka. Malamang na nasa d’yaryo ang retrato mo at di ka
gagalawin. Pero tayong maliliit, tayong mahihirap, Ador, di tayo tao sa kanila kaya dapat na
mag-ingat na lang muna tayo.
ADOR: Putang ‘na nila! Tayo lang ang kaya nilang hulihin. Ba’t di ‘yung mga nagbebenta
ng ating kinabukasan? Pero, teka, wala ba tayong mga kasama doon sa mga napatay, doon sa
mga dinala sa ospital?
LINO: Ewan… ewan. Sana’y wala. Alam ko, nang magtakbuhan tayo, nang magputukan,
malayo ang tropa natin sa sentro ng gulo. Pero, ikaw, ba’t nadale ka sa kilay?
24

ADOR: Di ba humiwalay ako sa inyo dahil ako sana ang susunod na speaker bago
nagputukan? Nandoon ako sa tabi ng monumento ni Bonifacio. Kami ang napuruhan ng mga
putang ‘na!
(Mapapatingin si Grace sa mesang aralan kung saan nakalagay ang munting radyo sa tabi ng supot ng
pansit at mga libro. Mapapansin ni Grace ang radyo at biglang lalapitan, hahawakan.)
GRACE: May radyo pala. Ba’t di tayo makinig ng balita? Ano ba ‘to… de-baterya o de-
koryente?
ADOR: De-baterya ‘yan. Ilagay mo sa DZRH… 666 sa dial.
(Bubuksan ni Grace ang radyo, pipihitin ang dial. Sa simula’y maririnig ang sari-saring awit at
tugtog hanggang sa marinig ang tila boses ni Joe Taruc.)
LINO: D’yan nga… d’yan! Lak’san mo, Grace.
(Bigla silang matatahimik, matamang pakikinggan ang radyo)
“Deo… Deo. Masama ang signal mo. Umiba ka ng location. Babalikan kita mamaya. Mga
kababayan, iyon po si Deo Macalma na maghahatid sa atin ng mga sariwang balita tungkol sa mga
kaganapan sa madugong demonstrasyon kangina sa may Liwasang Bonifacio. Ayon po kay Lt.
Abadilla nang makapanayam ng reporter nating si Jennifer Postigo, kasalukuyan pa nilang
iniimbestigahan ang dalawang nahuli nilang naghagis diumano ng molotov bomb sa hanay ng mga
pulis at sundalo kung kaya nagkagulo. Ayon sa kanya, mga Sparrow ang dalawang iyon, sina
Conrado Torres, alyas Ka Pepe, at Juanito Perez, alyas Ka Lando, ng Alex Boncayao Brigade. May
mga kasamahan pa diumano ang dalawa na kasalukuyan ngayong tinutugaygayan ng militar at
maaaring mahuli anumang sandali. Deo… Deo… ayos ka na ba? Come in, Deo! Come in!”
“Hello, Pareng Joe! Hello!”
“Ok na ang signal mo, Deo. Go ahead, Deo! Go ahead!”
”Ito po si Deo Macalma na naghahatid sa inyo ng mga sariwang kaganapan sa nangyaring
demonstrasyon kangina. Narito po ako ngayon sa emergency room ng PGH kung saan naroroon ang
mga sinamang-palad na masugatan. Sila po’y sina Evelyn Mondragon, estudyante ng FEU, Rico
Moran, estudyante ng UP, Cirilo Montanez, estudyante ng PUP, Mauro Mendoza, isang
manggagawa, Pedro Ramos, manggagawa rin, at Teresita Bello, isang batang sidewalk vendor. Ang
iba pa’y di pa natin makuha ang mga pangalan, wala pang mga malay at nasa malubhang kalagayan.”
“Deo… Deo! ‘Yung mga napatay? Di mo ba nakuha ang mga pangalan? Wala ba d’yan sa morge
ng PGH?”
“Wala, Pareng Joe. Wala dito. Aalamin ko sa ibang ospital o sa mga funeral parlor. Pansamantala,
hanggang dito na lang muna ako, Pareng Joe. Back to you, Pareng Joe.”
“Mga kababayan, iyon po si Deo Macalma. Habang hinihintay natin ang mga sariwang balita mula
sa labas, pakinggan muna natin ang awiting HELP ME MAKE IT THROUGH THE NIGHT na
inihahandog namin sa mga kababayan nating manggagawa sa Middle East.”
ADOR: (biglang papatayin ang radyo) Putang ‘na! Mga m’yembro natin sa LFS sina Conrado at
Juanito. Paano magiging Sparrow ang mga ‘yon?
LINO: Tiyak, tinort’yur ang mga ‘yon!
GRACE: Baka isinigaw ka rin, Ador? Magtago ka na muna! Magtago ka!
LINO: Sya nga, Ador. Kung ayaw mo sa Batangas, sasamahan kita sa Cavite, doon sa
Alfonso. Marami akong kakilala doon na p’wede nating matuluyan.
ADOR: Putang ‘na! Bakit nga ako magtatago? Ano ba ang kasalanan ko? Nagdedemo lang
tayo para ipahayag ang mga karaingan ng bayan, ng masa! Wala na bang karapatan ang mga
mamamayan, ang mga kagaya natin, na magsalita nang totoo? Nasa Konstitusyon ang
karapatan nating ‘yan!
LINO: Papel lang ang Konstitusyon, Ador, sa panahong ito. May Konstitusyon pa bang
kinikilala ang mga pasista? Ikaw na nga ang nagsabi na meron pa bang hustisya
ngayon. Malimit mo ring sabihin noon na mas masahol pa sa puta ang mga nagpapatakbo ng
ating gobyerno… mas marangal pa ang mga puta dahil katawan lang nila ang kanilang
ibinibenta dahil sa pangangailangan, dahil sa karalitaan… pero sila, ano ang ibinibenta? Ang
buong bansa! Ang kinabukasan ng susunod pang henerasyon!
25

ADOR: (parang nag-iisip, tutungo at sasapuhin ang ulo) Ang mga hayop! Ang mga hayop! Pero
di ako magtatago. Bakit ako magtatago?
GRACE: (parang maiiyak na lalapit kay Ador at halos yakapin ito) Ewan ko, ewan ko,
Ador. Talagang kinakabahan ako. Paano kung hulihin ka? Sino, sino ang tatakbuhan namin
para tulungan ka? Ang mass media? Kanila rin ang mass media. Mabuti kung bigyan ka man
lang ng kahit kapirasong espasyo sa d’yaryo at ibalitang hinuli ka. Baka palitawin ka pang
NPA at lalo kang idiin.
ADOR: Hulihin na nila kung huhulihin! Putang ‘na… matatakot na lang ba tayo nang
matatakot? Tatakbo nang tatakbo?
(Bigla, magkakagulo sa likod ng tanghalan. May magsisigawan: “Raid! Raid! May mga
sundalo! May mga pulis! May huhulihin yata! Takbo! Takbo! Mahirap na!” Hintakot na papasok
sa sala sina Aida at Aling Ester. May hawak pang sandok si Aling Ester, may hawak namang baso si
Aida, may lamang tubig.)
ALING ESTER: Dominador! Dominador! Mga sundalo raw ‘yung nasa labas. (parang
natataranta at hindi malaman kung ilalapag o hindi ang tangang sandok; aagapayanan ito ni Aida,
pilit paiinumin mula sa tangang baso)
AIDA: Tubig, Inay. Uminom po muna kayo at baka kung mapa’no pa kayo.(iduduldol ang baso
sa bibig ni Aling Ester na iinom ng ilang lagok)
ALING ESTER: (bubuntung-hininga) Dominador, baka nga kayo ang hinahanap? Alis muna
kayo… alis na! Doon kayo dumaan sa may kusina. Dali! Dali!
AIDA: Sige na, Kuya. Sige na! Ako na ang bahala kay Inay.
(Itutulak palabas nina Aling Ester, Aida, Lino at Grace si Ador, ngunit magpipilit itong maupo sa
sopa.)
ADOR: Bakit nga ako aalis? Ano ba ang kasalanan ko? (muli, ipagtutulakan nina Lino, Aida,
Grace at Aling Ester si Ador)
ALING ESTER: (halos patili na) Umalis ka na sabi, Dominador! Umalis ka na!
AIDA: Umalis ka na, Kuya! Umalis ka na! Papatayin mo sa nerbiyos ang Inay!
(Muling hihilahin nina Grace at Lino si Ador, ngunit magpipilit pa rin itong maupo. Biglang may
tatadyak sa pinto. Mabilis na papasok ang tatlong sundalong nakauniporme ng fatigue, nakatutok
agad ang mga baril kina Ador.)
SUNDALO 1: Ito ang bahay ni Dominador Robles, ano?
ALING ESTER: Ito nga po. Ito nga po… pero bakit po?
SUNDALO 2: (babalingan sina Lino at Ador) Sino sa inyo si Dominador Robles?
ADOR: (biglang tatayo) Ako… bakit? Ano’ng kailangan n’yo?
(Bigla itong susunggaban ng Sundalo 3, pipiliting posasan. Magwawala si Ador, sisikmuraan ito ng
Sundalo 2 habang nakatutok naman ang baril ng Sundalo 1. Yayakap si Grace kay Ador ngunit
tatabigin ito ng Sundalo 2 at mapapasadsad sa sopa si Grace. Yayakap naman si Aling Ester kay
Ador at pilit itong hihilahin ng Sundalo 1. Mapoposasan si Ador.)
ALING ESTER: (umiiyak na) Bakit n’yo hinuhuli ang anak ko? Bakit? Di naman ‘yan
kriminal! Di naman ‘yan magnanakaw.
SUNDALO 1: Sabi ko na’t ang lugar na ‘to ang taguan ng mga Sparrow.(mapapatingin ito sa
mesang aralan na kinaroroonan pa ng supot ng pansit, munting radyo at ilang libro; babalingan ang
Sundalo 2) Tingnan mo ‘yang mga libro. Baka subversive documents ang mga ‘yan!
AIDA: (susunggaban ang mga libro) Mga libro ko ‘to sa esk’wela! (pilit na aagawin ng Sundalo 2
ang mga libro kay Aida hanggang mabitiwan ni Aida)
SUNDALO 1: Bulatlatin mo… baka may nakaipit na mga dokumento. (mabilis na iwawagwag
ang libro, ngunit walang makikitang anumang dokumento ang Sundalo 2 at marahas na bibitiwan
ang aklat)
SUNDALO 3: (habang nakatutok ang baril sa ulo ni Ador) ‘Yung supot sa mesa… ano
‘yon? Baka molotov bomb… tingnan n’yo!
ADOR: Pansit ‘yan… lamunin n’yo!
26

SUNDALO 1: (sasampalin si Ador) Matapang ka, ha? Talagang matapang kayong mga
Sparrow. Marami na nga kayong napapatay sa amin kahit araw na araw!
ALING ESTER: (paiyak) H’wag n’yong saktan ang anak ko… di ‘yan Sparrow!(muli nitong
akmang yayakapin si Ador ngunit itutulak ito ng Sundalo 3 at maaalalayan naman ni Lino para hindi
mabuwal)
ADOR: Mga putang ‘na n’yo! Pati ba naman babai’y di n’yo iginagalang!
SUNDALO 1: (itutulak si Ador) Sige… ibaba na ‘yan at isakay sa d’yip!
ALING ESTER: Saan n’yo dadalhin ang anak ko? Maawa kayo sa kanya… maawa
kayo! Dominador! Dominador!
(Hihilahing palabas ng dalawang sundalo si Ador. Magpapalahaw ng iyak si Aling Ester. Umiiyak
na rin sina Aida at Grace. Parang natitigilang nakahawak sa braso ni Aling Ester si Lino. Bago
tuluyang umalis ang Sundalo 1, tatabigin nito ang supot ng pansit sa mesitang aralan. Babagsak iyon
sa sahig, tatadyakan at sisipain ng Sundalo 1, at sasabog ang pansit. Nag-iiyakang pagtitiyagaang
likumin iyon nina Aling Ester, Aida at Grace habang nakatingin si Lino. Maririnig ang umaatungal
na tunog ng tambutso ng dyip sa likod ng tanghalan. Magdidilim ang tanghalan at isasara ang telon.)
TAGPO 2
(Sa muling pagbubukas ng telon, makikita ang isang kuwartong naiilawan ng isang maliwanag na
bombilyang nakalawit. May isang malapad na mesa doon, may dalawang karaniwang silya sa harap
ng mesa, may bote ng alak at basong nakapatong sa mesa, may isa ring makinilya. Makikita si Ador na
nakaupo sa isang silya, nakaposas pa rin, nakayapak na at iyon pa ring dating short at t-shirt ang
suot. Mahahalatang may bahid na ng dugo ang t-shirt, gayundin ang labi ni Ador. Makikita rin ang
tatlong sundalo kangina. Biglang papasok si Lt. Abadilla, nakauniporme rin ng fatigue. Sasaluduhan
siya ng tatlong sundalo.)
MGA SUNDALO: Mission accomplished, Sir!
LT. ABADILLA: Good… good. At ease. (mauupo si Lt. Abadilla sa silyang nasa likod ng mesa
paharap sa manonood; magsisindi ito ng sigarilyo, sasalinan ng alak ang baso at lalagok,
pagmamasdan ang mukha ni Ador)
SUNDALO 1: Matapang, Sir. Ayaw umamin.
LT. ABADILLA: (hihithit ng sigarilyo, ibubuga ang usok sa mukha ni Ador) A, ‘yan pala ang
sinasabing si Ka Ador. Alisan n’yo ng posas. Mukha namang di Sparrow. (lalapit ang Sundalo 3 kay
Ador, aalisin ang posas nito)
SUNDALO 3: Panay ang mura n’yan sa amin kangina, Sir. Kundi ako nakapagpigil kangina,
Sir, tinodas ko na sana ‘yan at itinapon sa Pasig River.
LT. ABADILLA: (muling iinom ng alak) O, uminom ka muna… baka nauuhaw ka? (ilalapit ang
baso kay ADOR: titingnan lamang ni Ador ang baso)
SUNDALO 2: Suplado, Sir. Chivas na ang ipinaiinom mo, Sir, ayaw pa.
LT. ABADILLA: Ka Ador, sinu-sino pa ang mga kasama n’yo dito sa Metro Manila? Saan-
saan ang hideout n’yo?
ADOR: Di ako Sparrow… at talagang wala akong alam sa mga pinagsasabi n’yo. Pipiliin n’yo
naman ang huhulihin n’yo!
SUNDALO 1: (dadagukan si Ador sa likod at muntik na itong mahulog sa pagkakaupo sa
silya) Bastos, Sir. Hoy, igalang mo ang Sir namin!
ADOR: Ang Nanay ko, ang kapatid kong babae… iginalang ba ninyo kangina?
SUNDALO 2: (tututukan ng baril sa ulo si Ador) Pilosopo pa, Sir. Ipasyal na kaya namin, Sir?
LT. ABADILLA: (muling magsasalin ng alak sa baso, lalagok) Ka Ador, sagutin mo na lang ang
mga tanong ko… di ka sasaktan ng mga ‘yan. Kung ayaw mong sabihin ang iba mo pang
kasama, ‘yon na lang lider n’yo dito ng Alex Boncayao Brigade.
ADOR: Talagang wala akong alam! Ang hirap sa inyo, kaming maliliit, kaming mga walang
kasalanan ang kaya n’yo lang hulihin. Bakit di ‘yung mga malalaking kriminal sa gobyerno
ang hulihin n’yo? Nasa Kongreso ang iba, sa BIR, sa Customs, sa Immigration. Mayroon din
sa Malakanyang!
27

LT. ABADILLA: (tatayo, lalapitan si Ador, hahawakan sa balikat) Di bale. Kung ayaw mong
kumanta, papipirmahin na lang kita ng tula. Madali lang ‘yon… pipirmahan mo
lang. Tawagin ang typist.
(Lalabas ang Sundalo 1 at makaraan ang ilang saglit, muli itong papasok kasama na ang isa pang
sundalong nakasibilyan. Hihilahin ng nakasibilyan ang silya, iaayos ang makinilya sa mesa.)
SIBILYAN: Umpisahan ko na, Sir. Pangalan lang at address, Sir.(magsusubo ito ng papel sa
makinilya)
LT. ABADILLA: Dominador Robles ‘yan. Ano ang address mo, Ka Ador?(mukhang galit na
titingnan lamang ni Ador si Lt. Abadilla)
SUNDALO 2: Tinatanong ka ni Sir… hoy, sumagot ka! (akma nitong dadagukan si Ador)
ADOR: (pagalit) 124 Interior 1, Anonas St., Sta. Mesa.
(Mabilis na magmamakinilya ang sundalong nakasibilyan, bubunutin ang papel sa makinilya at iaabot
kay Lt. Abadilla. Dudukot ng ballpen sa kanyang bulsa si Lt. Abadilla, pahapyaw na babasahin ang
nakamakinilya sa papel)
SIBILYAN: Ayos ba, Sir?
LT. ABADILLA: Good… good. O, Ka Ador, pirmahan mo na.
ADOR: Bakit ko pipirmahan ‘yan? Alam kong puro kasinungalingan ‘yan!
LT. ABADILLA: Mukhang tama kayo… talagang matigas nga yata. Lalabas lang ako’t
magpapalamig ng ulo. Alam n’yo namang masama akong magalit. Kayo na ang bahala
d’yan. Medya-medya lang. Pero pagbalik ko, kailangang pirmado na ‘yan. (lalabas si Lt.
Abadilla at agad na lalapitan ng tatlong sundalo si Ador)
SUNDALO 1: (iduduldol ang papel at ballpen kay Ador) O, pirmahan mo na! Masama ang
matigas ang ulo… baka sumabog ‘yan.
ADOR: (tatabigin ang kamay ng sundalo, mabibitiwan nito ang ballpen) Kayo ang pumirma!
(Biglang itatayo ng dalawang sundalo si Ador. Sisikmuraan ito ng Sundalo 1. Mapapaigik si Ador
at akmang lalaban, ngunit pigil-pigil siya ng dalawa pang sundalo. Dalawang beses pa siyang
sisikmuraan ng Sundalo 1.)
SUNDALO 1: Ang hayop na ‘to… pahihirapan pa yata tayo!
(biglang isasalya ng dalawang sundalo sa silya si Ador, mabubuwal ito at sisipain siya ng Sundalo 1)
SUNDALO 2: Pirmahan mo na sabi, e… para di na kami mahirapan!
(Dadamputin nito ang ballpen sa lapag, kukunin ang papel at iduduldol sa mukha ni Ador. Muling
tatabigin ni Ador ang kamay ng sundalo. Bigla siyang tatadyakan sa tagiliran ng Sundalo 1.)
SUNDALO 3: Sige… sige, iupo n’yo sa silya at mapitpit na ang bayag.
(Itatayo ng Sundalo 1 at 2 si Ador. Pilit na pauupuin sa silya, sasalat-salatin ang bayag nito.)
SUNDALO 1: Aba… malaki! Sayang naman at baka di na makaanak.
SUNDALO 2: Kung hubaran na lang natin. Tingnan natin. Baka supot pa, e, mabinyagan na
rin. Kundi naman, saksakan natin ng may sinding palito ng posporo ang butas,
ADOR: Mga putang ‘na n’yo! Mga hayop kayo!
(Bigla siyang sasampalin nang sunud-sunod ng Sundalo 2. Halos malungayngay ang ulo ni Ador,
ngunit nanlilisik siya, kuyom ang mga kamay, parang gustong isuntok)
SUNDALO 3: Ang putang ‘nang ‘to! Gusto pa yatang lumaban. Ipasyal nga natin! (papasok si
Lt. Abadilla, may dalang isang basong puno ng manilaw-nilaw na likido)
LT. ABADILLA: O, ano… pinirmahan na ba?
SUNDALO 1: Sir, talagang ayaw.
LT. ABADILLA: Aba… mapipilitan yata akong magalit. Pirmahan mo na, Ka Ador (matalim
na tititigan lamang ni Ador si Lt. Abadilla) Sparrow talaga. Matigas, e. Ibuka n’yo ang
bibig. (Pipigilan ng Sundalo 2 at 3 si Ador. Lalapit si Lt. Abadilla, ibubuhos ang laman ng baso sa
bibig ni Ador. Mapapaduwal si Ador na parang masusuka. Magtatawanan ang mga sundalo)
SUNDALO 2: O, ano? Di nakatikim ka ng juice ni Sir.
SUNDALO 3: Sir, dalhin na kaya natin sa kubeta, mahilamusan at mapatikim naman ng
special hamburger sandwich. Baka nagugutom na kasi ‘yan, Sir!
28

LT. ABADILLA: H’wag na… pipirma ‘yan. (kukunin ni Lt. Abadilla ang papel at ballpen, iaabot
kay ADOR: pahablot na aabutin iyon ni Ador, biglang pagpupunit-punitin)
ADOR: (pasigaw) Mga putang ‘na n’yo! Mga putang ‘na n’yo! May araw din kayo! May araw
din kayo! Mga demonyong pasista!
(Pagtutulungan siyang bugbugin ng mga sundalo. Mahahandusay si Ador sa lapag. May sisipa sa
kanya, may tatadyak.)
LT. ABADILLA: Tama na! Ipasyal na ‘yan! Ipasyal n’yo na!

(Itatayo ng mga sundalo si Ador, hihilahin papunta sa pinto. Kahit nanghihina, biglang aagawin ni
Ador ang nakasukbit na baril ng isang sundalo. Biglang isasara ang telon at maririnig ang sunud-
sunod na putok. Bigla ring tutugtugin ang PAMBANSANG AWIT ng Pilipinas. Magtatayuan ang
mga manonood.)

WAKAS
29

I – Sanligan
A) Saan Papunta Ang Mga Paputok ( Isang Dula ni Rogelio L. Ordoñez)
B) Sanggunian - Aklat na Pinagkuhanan: Saan Papunta ang mga Putok. Rogelio
L. Ordoñez. Quezon City: University of the Philippines Press, 1998. pp. 188-211.

II – Buod

Nagbubukas ang eksena sa panahon ng Administrasyong Cory Aquino kung kailan


nakikipagtunggali ang kanan at kaliwang panig ng spektrum ng pulitika para sa
kapangyarihan na hinahawakan ng isang karaniwang may-bahay na nailagay sa pinakamataas
na posisyon sa Pilipinas.

Lalabas sa unang eksena si Ador, ang estudyante at welgista na nakikilahok sa mga


kilusang pambansa at ang kanyang kapatid na babae na si Aida. Makikita dito ang kanilang
pagiging mga anak ni Aling Ester ang natatanging pagkakapareho nilang magkapatid. Kung
saan palaging nakikibaka si Ador sa mga protesta at pagtanggol sa mga karapatan ng mga
manggagawa; si Aida naman ay sarado ang isipan at nakatuon lamang sa kanyang pag-aaral.
Pananaw ni Aida na maiaangat niya ang kanilang kalagayan sa pagtutok at pagtuon
lamang sa napakahalagang edukasyon na sa tingin niya’y magsisilbing pundasyon kung saan
huhubog at gagabay ito sa landas niya sa kanyang pagtanda at magiging batayan at gabay niya
ito sa kanyang haharapin sa pang-araw-araw na mga desisyon sa buhay. Bagamat maganda
sana ang kaniyang pananaw, sarado naman siya sa anumang kasalukuyang isyu na kanilang
hinaharap sa pang-araw-araw.

Magbabago ang mundo ng lahat ng mga tauhan isang araw kung kailan
pinagbibintangan ng mga militar na nakipagtunggali sa mga nagproprotesta na ilan sa mga
lumahok ay mga miyembro ng NPA Sparrow Unit – ang tinaguriang Alex Boncayao Brigade
– ang urban hitmen ng NPA. Sa isang raid ng mga militar, dinakip si Ador at dinala sa isang
interrogation room. Doon siya pinilit umamin ng tatlong sundalo kasama ang kanilang
Tenyente Abadilla bilang isang teroristang NPA Sparrow Unit. At nang hindi makuha ng
militar ang kanyang pag-amin, tinortyur si Ador. Dito rin nagwakas ang kuwento kung saan
bubunutin ni Ador ang baril ng isang sundalong nambubugbog sa kanya at magwawakas sa
tunog ng mga putok ng baril.

III. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan

Ang “Saan Papunta ang mga Putok” ay isang dula na sariling katha ni Rogelio L.
Ordoñez. Masasabi itong dula dahil nagsasaad ng isa o higit pang pangyayari na
ginagampanan ng isa o higit pang tauhan ang likhang kuwento na naaakmang
itanghal sa dulaan o entablado. Ang estilo rin ng pagsulat na bawat tauhan ay may
diyalogo at may panuto kung ano ang eksena at kapaligirang napapalibot sa kanya
ay akma rin para sa entablado o dulaan. Panitikang Patanghal ito dahil hindi
nagiging ganap ang pagkasulat nito hanggang hindi ito naisasagawa o
naitatanghal sa tanghalan o dulaan.

B. Istilo ng Paglalahad

Tradisyunal ang naging paraan ng paglalahad ng dulang kuwento. Sinimulan ito


sa karaniwang paglalarawan ng kapaligiran, panahon at kondisyon kung kelan
30

nagaganap at dula. Tradisyunal na dula ang pamamaraan o istilo ng paglalahad


nitong sarilinga katha. Itong tradisyunal na pamamaraan ay maiiba sa huli ng dula
kung saan nagtapos ang dula sa pambansang awit na kadalasang pinapatugtug sa
umpisa ng pagsasadula. Kontrobersyal ang akdang ito dahil ipinakita rito ang
itinatagong baho ng administrasyon at mga militar sa Pilipinas.
C. Mga Tayutay

1. “Binatuta kami ng pasista, parang mga asong pinagbabaril. Aywan ko kung ilan ang
tinamaan sa amin, kung ilan ang nasa morge.”

Masasabi nating simili itong diyalogo dahil di tiyak itong paghahambing ng


dalawang magkaibang bagay. Naihalintulad ang pagbabatuta ng mga militar sa mga
estudyanteng aktibista sa mga gumagalang asong pinagbabaril lamang upang mahinto
ang pagdami.

2. “Talagang wala na nga yatang pag-asa ang bansang ‘to dahil maraming Pilipino na
ang isip kagaya mo... isip-lugaw, isip-abo!”

Isang metapora ito na tiyak na naghahambing sa kaisipan ng maraming Pilipino


na pag-iisip ay isip-lugaw, isip-abo lamang. Diretsong inihahalintulad ang mga
Pilipino sa kanilang kakulangang mag-isip para sa kanila sarili, umahon sa kanilang
paghihirap, at maghimagsik labang sa mga nangaapi sa kanila.

3. “‘Di bale... kung ayaw mong kumanta, papipirmahan na lang kita ng tula.”

Isang tayutay na hyperbole o pagmamalabis ang diyalogo sa itaas na pagpapasidhi


ng kalabisan ng damdamin ni Ador sa kanyang kalagayan at katayuan. Hanggang sa
kanyang kahuli-huling hininga, idiniin niya ang kanyang pagiging aktibista lamang at
hindi bahagi sa ‘Sparrow Unit.’ “... ayaw mong kumanta, ... pirmahan na lang kita ng
tula” – isang pabugtong at patulang pagmamalabis ni Tenyente Abadilla na
naglalarawan ng matinding pag-aabuso sa karapatang pantao at dignidad ninumang
nasa posisyon ni Ador.

4. “Suntok sa buwan sa mga ayaw sumuntok, Aida.”

Ito ay pagpapalit tawag dahil ang ibig sabihin ng ‘suntok sa buwan’ ay isang bagay
na imposibleng mangyari.

1. Sariling Reaksiyon
Teorya
Realismo – ang akdang ito ay nagsasalamin ng katotohanan ng
kapanahunang naisulat ito at maski sa kasalukuyan ay akma pa rin itong
dula. Ipinapakita nito ang isangk katotohanang mayroon ang ating bansa -
lipunang puno ng katiwalian, korupsiyon at kaguluhan. Kinapapalooban
ng realismo rin ito dahil sa mga pangyayari sa kuwentong ito na
maihahambing sa kasaysayan ng Pilipinas. Maikukumpara ang demo sa
Liwasan ng Bonificio sa madugong pangyayari sa Mendiola noong 1987.
Katulad na lamang ni Ador na maihahambing sa dami-daming mga
aktibistang estudyante ng PUP at UP na nabilanggo, napatay, at
natortyur dahil napagbintangang mga Sparrow Unit ng New Peoples’
Army.
31

2. Mga Pansin at Puna

a. Mga Tauhan – maganda ang pagkakapakilala sa mga tauhan at naipahayag


nila ng mabuti ang kanilang mga saloobin. Madaling maintindihan ang
kanilang mga nais ipabatid.
b. Istilo ng Awtor – mapapansing pawang nangyayari sa tunay na buhay ang
mga eksena sa dula. Magaling ang awtor dahil naipakita niya ang realidad na
nagaganap sa lipunan. Epektibo ang istilong ginamit ng may-akda.
c. Galaw ng Pangyayari – tradisyunal ang galaw ng pangyayari. Mabilis din
itong nagaganap. Maayos ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Hindi
ito magdudulot ng kalituhan sa mga manonood o mambabasa ng dula.

3. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip
Matapos basahin ang dulang ito, napagtanto kong noon pa pala ay nagaganap
na sa ating bansa ang kawalan ng hustisya sa pamahalaan. Nalaman ko ring
hindi lahat ng napaparusahan at nakukulong ay pawang mga kriminal o
makasalanan dahil noon pa ma’y hindi na patas ang hustisya sa Pilipinas. Ang
mga mahihirap, ‘ika nga nila, ay lalong naghihirap at ang mayayama’y lalong
yumayaman.

b. Bisa sa Damdamin
Kaawa-awa ang mga katulad ni Ador at ng kanyang ama na namatay lamang
para sa pakikipaglaban sa kasarinlan ng bansa. Nakakalungkot isiping silang
mga naghahanap ng paraan upang tuluyang makalaya sa tanikalang
nakagapos sa atin mula sa mga dayuhan ay siya pang kinikitlan ng buhay.
Lubha ngang nalason ang isipan ng marami sa atin, nalasong magpaalipin sa
mga dayuhang patuloy na nagpapakasasa sa ating yaman.

c. Bisa sa Kaasalan
Huwag tayong magpapaalipin sa mga dayuhang mananakop at maging sa
ating kapwa Pilipinong ang puso’t isip ay nilason nang tuluyan ng mga taga-
ibang bansa. Masama ang pakikipag-away ngunit kung para sa ikabubuti ng
sariling bayan ay ‘wag na ‘wag mag-atubiling gawin ito.

d. Bisang Panlipunan
Mahalagang mabasa ng marami ang akdang ito nang sa gayon ay maunawaan
nilang hindi sila dapat na magpaapi sa mga di-makatwirang umaalipin sa
kanila, na dapat labanan ang patuloy na katiwaliang nagaganap sa bansa.
Talamak na ngayon ang mga taong corrupt o gahaman at wala nang ginawa
kundi ang kamkamin ang ari-arian ng taumbayan. Ang dapat sa kanila’y alisin
sa pwesto at idispatsa dahil hindi sila nakakatulong sa pag-unlad ng bayan.
Dapat ding alisin ang mga opisyal na mapagkunwari. Nagkukunwa silang
mababait kung eleksyon ngunit kapag nanalo na ay daig pa si Superman sa
bilis na lumipad palayo sa mga taong nangangailangan ng kanilang tulong.
32

I. Pamagat: Global Warming sa ‘Pinas, sa Mundo (Ni Cheska Domingo)

II. Akdang Sanaysay:

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit kung


ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung ito, ang una kong
pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na
ito upang mailahad ko ang mga bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa
kasalukuyang panahon.
Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng negatibong
pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na rin sa buong sandaigdigan. Ang
lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na
global warming.
Ang global warming ay ang pagtaas ng temperatura ng karagatan at atmosphere at
ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist at mga eksperto na ang dahilan nito ay
ang pagsusunog ng mga fossil fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating
atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na galing sa araw o
itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating kapaligiran kung ito’y direktang
makapapasok ay siya na ngang nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang
siyang nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag lamang ang
makapasok sa ating atmosphere.
Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang mga bagay na
nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot ng makakaya, ang mga sanhi ng
global warming. Sa ganitong paraan, malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating
atmosphere at magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing
nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng pagsusunod ng mga
fossil fuels.
Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global warming. Higit
na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga pamilya kung hindi natin
maaagapan ang pagkasira ng ating kapaligiran. Marapat lamang na hanggang maaga ay
kumilos tayo upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo
upang masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng bawat isa sa
pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag na sana tayong dumagdag pa sa mga
taong patuloy ang pagsira sa ating kapaligiran.

III. Pagsusuri:

A. Uring Pampanitikan
Ang akda ay isang sanaysay dahil ito’y isang komposisyong pampanitikan na
tumatalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang
naglalantad ng kaisipan , kuru-kuro, palagay, at ng kasiyahan ng manunulat
upang umaliw, magbigay-alam o magturo.

B. Panahong Kinabibilangan
Binanggit sa sanaysay ang isang isyung nagaganap sa kasalukuyan at maaari
pang maganap sa hinaharap kung hindi ito maagapang lunasan.

C. Mga Sariling Puna


Ang sanaysay na ito ay tumatalakay sa isa sa mga problemang kinakaharap ng
ating mundo sa kasalukuyang panahon – ang global warming. Ipinaalam ng
33

may-akda sa mga mambabasa ang tunay na kahulugan ng global warming at


ang mga sanhi nito.
Masasabi kong maganda ang sanaysay na ito dahil ito’y impormatibo at
hinihikayat din ang madla na iwasan ang paggawa ng mga bagay na
nakakapagdulot ng pagkasira ng ating kalikasan, ng ating mundo. Binanggit
din ni Domingo sa sanaysay na ito na hindi lamang tayo ang makakaranas ng
hirap na dulot nito kundi maging ang mga susunod pang henerasyon.

D. Gintong Kaisipan
Ang ating mundo ay ang tanging pinagpala ng Diyos. Ito ay isang regalong
kaloob sa atin ng Maykapal. Isang regalong dapat na pagyamanin, alagaan, at
paunlarin. Huwag nating hayaang masira ito dahil sa sarili nating kagagawan.
Iwasan ang pagwasak sa ating daigdig. Mahalin natin ito dahil walang
papantay sa isang mundong puno ng kaluwalhatian, kasaganaan at
kagandahan.
34

Pamagat ng Akda

Sina Darna at Black Darna

Ni Mars Ravelo

Sanligan

Rivera, Frank. (2003) Darna Comics Collection, UST Publishing House, España
St,. Manila.

http://google.com.ph/darna-vs-Black Darna-komiks

Buod ng Katha

Isang gabi, pinanonood ng magandang dalagang si Narda ang madilim na


kalangitan nang may nakita siyang bulalakaw na nahulog malapit sa kanilang bahay.
Lumapit siya rito at nakakita siya ng isang puting bato na mistula’y dyamante na
galing pala sa planetang Marte at nahasikan ng mahika ng mga mahiwagang nilalang
na nakatira sa planetang ito. Nakaukit sa bato ang katagang “Darna”.
Noong narinig niya na may dumarating, isinubo niya ang bato at linunok ito.
Bigla siyang nasapian ng parang lumilipad na pakiramdam na tinatahak niya ang
kalawakan. Pero bigla din siyang nahimatay. Natagpuan na lamang siya ng kaniyang
Lola Ising na nakahandusay sa lupa. Binitbit at dinala siya nito sa kanilang tahanan.
Nang nagising na si Narda, tinanong niya ito at ikinuwento sa kanya ng
dalaga ang nadiskubre niya. Pero nang bigkasin ni Darna ang salitang nakaukit sa
bato, bigla siyang nagpalit ng anyo sa harap ng kanyang lola at
nakababatang kapatid na si Ding patungo sa mala-amazonang mandirigma:
si Darna, isang magiting na mandirigma ng planetang Marte at si Narda ang napili niya
upang kumatawan sa kanya at ipagtanggol ang mga naaapi mula sa mga masasamang-
loob. Makababalik lamang si Narda sa kanyang tunay na anyo kung bibigkasin ang sarili
niyang pangalan at maluluwa niya ang dyamanteng bato.
Natakot si Lola Ising sa maaaring kahinatnan ng kanyang apo kung
saka-sakali kaya tinanong niya kung maaari pa bang umatras si
Narda sa pagpili sa kanya ni Darna. Subalit ipinaliwanag nang
mabuti ni Darna na ang taglay na kabutihang-asal at kariktan ni Narda ang nag-udyok
sa kanyang piliin ito. Dagdag pa niya, hindi sila dapat mangamba dahil kailanman ay
hindi matatalo ng kasamaan ang kabutihan.

Kinabukasan, habang nagwawalis sa tapat ng kanilang bahay,tinawag si


Narda ng kanyang lola. Narinig niya sa radyo ang balitang may isang babaeng
mistulang nanggaling sa ibang mundo na gumagambala sa taumbayan. Inalam muna
ni Narda ang eksaktong lugar bago nagpaalam sa kanyang lola’t kapatid.
Pinaalalahanan siya ni Lola Ising na mag-ingat.
Paglabas sa kanilang bahay, nang mapansing walang taong nakakita sa kanya, kaagad
niyang nilunok ang bato at sumigaw ng “Darna!”. Siya ay naging si Darna at nagmadaling
lumipad patungo sa kinalalagyan ng kalaban.
35

Pagdating na pagdating niya’y eksaktong nagpakilala sa mga


tao ang kalaban. Nagtaka si Darna at ang mga tao dahil
parehas sila ng mukha ng babae. Ang tanging kaibahan ay
imbes na pula ay itim ang suot ng kalaban. Siya ay si Black
Darna na nanggaling din sa planetang Marte. Layunin niyang
hanapin ang dyamanteng bato na ang totoo’y nasa kay Darna.
Nakita siya ni Black Darna at sila’y nagkasagutan.

Ilang sandali pa’y nagsimula na silang maglaban.


Pawang magagaling ang dalawa kaya hirap silang talunin ang
isa’t isa. Lingid sa kaalaman ni Darna, habang siya’y
nakikipaglaban kay Black Darna, sinundan pala siya nina Lola
Ising at Ding. Tinawag ni Ding si Darna at nilingon siya ng
dalawang naglalaban. Agad na sinunggaban ng mga kawal na
kasama ni Black Darna ang kapatid ni Narda.

Napansin ni Black Darna ang pagkabalisa sa mukha ni


Darna kaya naisip niyang baka malapit ito sa kanya kaya
inutusan niya ang mga kawal na dalhin ang bata kasama ang
kanyang lola. Nagpumiglas si Lola Ising kaya sinampal ito ng
kawal na siyang dahilan upang mawalan ito ng malay.
Lubhang nagalit si Darna sa kanyang nasaksihan
subalit huli na dahil naisakay na sa spaceship ng mga kalaban
ang maglola. Dahil sa magkahalong poot at lungkot, nagapi
niya si Black Darna.

Dali-dali siyang lumipad at hinabol ang spaceship na kinalululanan nina Ding at Lola
Ising. Nabuksan niya ang isang pinto nito at kaagad na nakapasok sa sasakyan. Nakita siya ng
mga kawal na nakaantabay. Kinalaban niya ang mga ito at mabilis naman niya itong napatay.

Nang makita ang maglola ay kaagad niya itong tinakbuhan. Ginamitan niya ng
kapangyarihang ‘hypnotism’ ang mga natirang kalaban sa spaceship. Pinahiran niya ng dala
niyang mahiwagang tubig si Lola Ising at kaagad itong nagising.

Mabilis na inilipad ni Darna ang dalawa patungo sa bahay nila. Pagdating sa kanilang
bahay ay nagpalit ng anyo si Darna at naging si Narda. Ipinangako ni Narda sa kanyang lola
at kapatid na hinding-hindi niya hahayaaang saktan ang mga tao lalong lalo na ang dalawa ng
mga masasamang loob kahit pa galing ang mga ito sa planetang Marte.

Kahulugan ng Pamagat

Ang bida sa komiks na ito ay si Darna at ang kanya namang kalaban ay si Black Darna
kaya ito pinamagatang ‘Sina Darna at Black Darna’. Si Darna ay naglakbay mula sa planetang
Marte patungo sa daigdig upang pangalagaan ang mga tao mula sa mga masasamang tao at
mga taga-Marte na handang lumusob upang sirain ang mundo ng mga tao.

Taliwas kay Darna, si Black Darna ay itim ang budhi. Kung si Darna ay handang
iligtas ang mga tao ay iba naman si Black Darna dahil ang gusto niya’y lipulin ang
sangkatauhan.
36

Pagsusuri

Uring Pampanitikan

Ang akda ay isang komiks. Ito ay isang uri ng babasahin na nakakaaliw at nakalilibang
at bagaman kathang-isip lamang ay may mga parte rin namang halaw sa tunay na pangyayari
sa buhay ng tao. Ito’y nasa magasin at may larawang iginuhit at may dayalogo.

Sa pamamagitan ng mga larawan at salitaan ay maiintindihan ng mga mambabasa ang


kwentong mayroon ang komiks.

Paglalahad

Katulad ng maraming iba pang akdang pampanitikan ay tradisyunal ang paraang


ginamit ng may-akda sa paglalahad ng mga pangyayari. Nagsimula ang istorya sa simpleng
pagtanaw ng dalaga sa kalangitan hanggang sa naging kumplikado na ang mga kaganapan.
Nagkaroon ng kasukdulan at nagtapos nang maayos.

Mga Tayutay

 “Ikaw ay isang batang bagong panganak at wala pang alam, apo.”


Pagwawangis – inihambing ng lola si Ding sa isang sanggol na wala pang kamuwang-
muwang.

 “Bakit ka nawalan ng malay, apo?”


Pagtatanong – itinanong ni Lola Ising kung ano ang dahilan kung bakit nawalan ng
malay si Narda.

 “Hindi mo ako mapipigilan sa paghahasik ng kasamaan, Darna!”


Pagtanggi – Ginamitan ng salitang “Hindi” ang pahayag na ito upang ipaalam ni Black
Darna sa kanyang kausap ang kanyang pagtanggi sa pakiusap nitong huwag nang
manggulo sa mundo ng mga tao.

Mga Pansin at Puna

Dahil isa lamang komiks ang akda ay mabilis lamang ang daloy ng istorya, kahit pa
tipikal lang ang paraan ng paglalahad ng mga kaganapan nito. Magaling ang pagkakaguhit at
pagkakakatha ni Ravelos sa komiks na ito.

Ipinakita niyang hindi magpapatalo ang mga Pinoy sa ganitong larangan. Maganda
rin ang istorya dahil kumpleto ito sa timpla – may maayos na istorya, may mga tauhan, may
kumplikasyon, tunggalian at makatwirang wakas.

Teoryang Napapaloob sa Akda

Feminismo

Isang patunay ang ‘Sina Darna at Black Darna’ na hindi nararapat na ituring na inferior ang
mga babae o mas malakas ang kalalakihan kaysa kababaihan. Ipinakita rito ang girl power.
Inilahad sa akda na hindi lamang mga lalaki ang may kakayahang magligtas sa mga naaapi at
37

sumagupa sa mga kalaban dahil mismong mga babae ay maaaring lumaban kung mayroon
silang tapang at lakas ng loob.

Modernismo

Taliwas sa nakagawian na ang babae’y pantahanan lamang, sa komiks na ito ay makikitang


hindi ganoon ang ginawa ng protagonista. Bagkus, siya ay nakipaglaban upang maipagtanggol
ang mga tao mula sa mga kampon ng kasamaan.

Bisang Pampanitikan

Bisa sa Isip - Tumatak sa isipan kong ang kasamaan, kailanman ay hindi magagapi ang
kabutihan. Katulad na lamang ng nangyari sa akda kung saan sa huli ay natalo pa rin ni Darna
ang kanyang mga kaaway.

Bisa sa Damdamin - Nakakaantig ng damdamin ang ginawang pagsagip ni Darna sa lola’t


kapatid ni Narda. Kung ako ang nasa posisyon niya’y hindi ko rin hahayaang may mangyaring
masama sa aking lola’t kapatid. Ikamatay ko man ay gagawin ko ang lahat mailigtas lamang
sila, lalo pa’t ako ang nasa katwiran.

Bisa sa Kaasalan - Kailanman ay huwag pumanig sa kasamaan. Labanan ito hanggang sa abot
ng makakaya. Manalig ka lang sa Diyos dahil lahat ng lumilingon sa Kanya ay kanyang
tinutulungan. At hindi rin matatalo kailanman ng mga masasama ang mga mabubuti.
38

Thy Womb

ni Brillante Mendoza

Isang Pagpapakilala kay Direk Brillante Mendoza

Si Brillante “Dante” Mendoza ay isang tanyag na


Pilipinong direktor ng indie film sa Pilipinas. Ang kaniyang
mga pelikula ay tumanggap na ng mga karangalan sa ibang
bansa kabilang na ang full-length na pelikulang Kinatay (The
Execution of P) kung saan siya ay nanalo ng Best Director
plum sa 62nd Cannes International Film Festival. Siya ang
kauna-unahang Pilipino na nagkamit ng ganitong parangal.

Siya ay isinilang noong 1960 sa San


Fernando, Pampanga. Kumuha siya ng kursong Advertising sa Unibersidad ng Santo Tomas.
Hindi man siya nakakuha ng kahit anong kurso ukol sa paggawa ng pelikula, ngunit ang
kaalaman niya sa fine arts ang nagmulat sa kaniya sa paggamit ng kulay sa kaniyang mga obra.

Kilala sa kaniyang sipag at pagpupursigi, agad siyang binigyang parangal sa kaniyang


unang dalawang pelikula, ang Takaw Tukso (1986) at Private Show (1986). Naging bunga ng
mga parangal na ito ang sunud-sunod na mga proyekto at hindi nagtagal, siya ay naging isang
tanyag na production designer sa pelikula, telebisyon, at maging sa mga commercials at mga music
videos'.

Buod ng Pelikula

Matagal nang mag-asawa sina Shaleha at


Bangas-An. Kumadrona si Shaleha at mangingisda
naman ang asawa niya. Subalit damang-dama nilang
mayroong puwang sa kanilang pagsasamahan. Ito
ay dahil hindi kayang bigyan ng anak ni Shaleha si
Bangas-An. Tatlong beses na rin siyang nakaranas
ng pagkalaglag. Sa tuwing mag-aampon sila ng mga
sanggol, kinukuha naman ang mga ito ng kanilang
mga tunay na magulang kapag lumaki na. Araw-
gabi, walang palya si Bangas-An sa paghahanap ng
babaeng makapagbibigay sa kanya ng anak. Kaya
imbes na magloko ang asawa, si Shaleha na mismo
ang naghanap ng babaeng maaaring pakasalan ni
Bangas-An.
Masakit man ay kaya niyang tiisin ang
hapding nararamdaman kung iyon lamang ang
makapagpapasaya sa kanyang asawa. Tumatanda na
siya at ito lamang ang tanging paraan para
matugunan niya ang pangarap ng kanyang asawa na
magkaroon ng anak sa paniniwalang ito ang
magpapala sa kanila at siyang simbolo ng banal na grasya ni Allah.
Ilang babae rin ang kanilang tinungo hanggang sa natagpuan nila si Mersila na agad
namang pumayag sa kanilang alok sa tulong ng isang tagapamagitan. Inubos nila ang lahat ng
39

kanilang ari-arian upang matugunan ang dowry ni Mersila. Maluha-luha man, inialay rin ni
Shaleha ang mga gintong alahas niya para sa pangalawang asawa ng kanyang asawa. Maging
ang motor ng kanilang naghihingalong bangka ay ibinenta nila para makalikom ng
napakalaking halaga— isang daan at limampung libong piso.
Subalit isang kagimbal-gimbal na kondisyon ang nakapaloob sa dowry ni Mersila. Iyon
ay sa oras ng kanyang panganganak, kailangang hiwalayan ni Bangas-An si Shaleha. Sa
pagtatapos ng pelikula, nagluwal ng isang malusog na sanggol si Mersila. Si Shaleha mismo
ang nagpaanak sa kanya. Nasiyahan si Shaleha sa iyak na kanyang naulinigan. Subalit nabalot
din siya ng kapanglawan dahil alam niyang ang iyak na iyon ang hudyat na kailangan na
niyang lumisan.
Muli, hiniling niya kung maaaring mapasakanya na lang ang pusod ng sanggol.
Pinahintulutan naman siya ni Mersila. Sa tuwing pangangasiwaan niya ang panganganak ng
mga buntis, lagi niyang hinihingi ang mga pusod ng mga sanggol. Dahil malinaw kay Shaleha
na hindi niya kayang magsilang ng anak, ang mga pusod ng mga sanggol, kahit paano, ay
nakapagbibigay sa kanya ng pakiramdam na siya ay isang nanay rin. Isang pakiramdam na
pinaaalalahanan siyang, sa dami ng sanggol na dumaan sa kanyang mapaglingkod na mga
kamay, isa na rin siyang ina kahit sila man ay hindi nagmula sa kanyang sariling sinapupunan.
WAKAS

I - Pagsusuri

1. A. Uri ng Panitikan
Ito ay isang pelikula dahil ito’y napapanood at may kasamang tunog.
Mapapanood dito ang kwento ng pangunahing tauhan at mayroon ding kawil-kawil na
mga pangyayari. Nilalapitan din ito ng musika na akma sa bawat eksenang nagaganap.

B. Pamagat: “Thy Womb”


Ang pelikulang ito na ang orihinal na pamagat ay “Sa Iyong Sinapupunan”, ay
tungkol sa isang kumadronang hindi mabigyan ng anak ang kanyang asawa. Ipinakita
sa pelikulang ito ang paghahangad ng isang asawang mabigyan ang kanyang kabiyak
ng isang anak sapagkat ito ang nakagisnan sa kanilang tradisyon at kultura. Dadalhin
din tayo ng pelikulang ito sa sinapupunan ng Mindanao, ng Tawi-tawi.
Ipinakita rin sa pelikula na sa sinapupunan ni Mersila nanggaling ang
ipinagpapalagay nilang ikaliligaya ni Bangas-An, ang batang iniluwal nito. Masakit
man para kay Shaleha ay wala siyang magawa sapagkat ito lamang ang paraan upang
magkaroon ng satispaksyon ang lalaki sa buhay nito.

C. Mga Tauhan:

Pangunahin Tauhan
 Shaleha (Nora Aunor) – mabait at mapagmahal na babae. Sinasalamin niya
ang isang asawang handang isakripisyo ang lahat ng mayroon siya upang
mapaligaya ang kanyang kabiyak. Tinulungan niyang makatagpo ng
panibagong asawa ang kanyang asawa upang magkaroon ito ng supling. Ito ay
dahil alam niyang may pagkukulang din siya sa kanyang asawa, hindi man
niya sinasadya. Ang pagkabigo niyang magsilang ng anak ay hindi pagtupad
sa kanyang tungkulin bilang isang maybahay.
 Bangas-An (Bembol Roco) – asawa ni Shaleha, isang ordinaryong lalaking
Muslim. Sa lahat ng pinagdaanan nilang mag-asawa ay hindi pa rin natitinag
40

ang kanyang mithiing magkaroon ng anak. Balewala sa kanya ang damdamin


ni Shaleha. Para sa kanya, ang pagsasama ng isang mag-asawa ay hindi
matatawag na isang pamilya o mag-anak kapag hindi sila magkaanak.
 Mersila (Lovi Poe) – pangalawang asawa ni Bangas-An. Si Mersila ay isang
dalagang hindi pa ganoon kahinog ang pag-iisip. Halos apatnapung taon ang
agwat ng mga edad nila ni Bangas-An. Hindi natin masasabing ninais din
niyang pumayag sa pagpapakasal nila ni Bangas-An dahil sa mga Muslim, ang
mga magulang ang nagdedesisyon kung papayag sila na ipagkatiwala sa ibang
lalaki ang kanilang mga anak.
Iba pang Tauhan:

 Aisha (Mercedes Cabral) – kakilala nina Shaleha at Bangas-An. Inimbita niya


sila na dumalo sa kanyang kasal. Ang papel na ginampanan niya ay upang
ipakita kung paano isinasagawa ng mga Muslim ang seremonya ng kasal.
Naipakasal siya kay Nurjay.
 Nurjay (Nurjay Sahali) – napangasawa ni Aisha.
 Fatima (Glenda Kennedy) – ina ni Mersila
 Dayang, Aisha Ladjabasan, Lira Osman, Farrah Ansarrudin – mga
kababaihang pinagpilian ni Shaleha sa paghahanap ng babaeng maaaring
maging pangalawang asawa ni Bangas-An.
 Imam at Soraiya (Ruby Ruiz) – nagsilbing mga tagapamagitan sa
pagtataling-dibdib nina Bangas-An at Mersila. Kaibigan din ni Shaleha si
Soraiya.

II - Mga Reaksyon

A. Sa mga Nagsiganap
1. Nora Aunor – Akmang-akma kay Nora ang papel ni Shaleha. Bagaman matagal
siyang nawala sa industriya ng show business ay napanatili niya ang kanyang
kahusayan. Sa pelikula, parang isa siyang tunay na Badjao. Mistula’y sa totoong
buhay ang nagaganap na mga eksena niya. Isa rin sa mga nagpatingkad sa
kanyang pag-arte ay ang kanyang mga mata dahil ito’y tila may itinatagong
emosyon, ito’y tahimik at tila nangungusap.
2. Bembol Roco – Magaling din siya sa pag-arte. Epektibo siyang aktor dahil habang
pinapanood ko siya ay talagang naiinis ako sa pagnanasa niyang magkaroon talaga
ng anak na mistula’y mga matutulis na panang tagos hanggang sa dibdib ni
Shaleha. Naiinis rin ako na iniaasa nito maski pagsusuot ng sarili nitong medyas sa
asawa nitong si Shaleha. Hindi rin niya nasapawan si Nora Aunor sa pag-arte.
3. Lovi Poe – Sa pelikulang ito, hindi man gaanong malaki ang kanyang bahagi ay
nabigyan niya pa rin ito ng hustisya.
4. Mercedes Cabral – kaunti man ang kanyang parte sa pelikula ay maganda pa rin
ang pagkakapakita sa kanya sa pelikula. Bagay sa kanya ang kanyang kasuotan sa
kasal niya at magaling rin siya sa pagsayaw ng ‘pangalay’.
5. Ruby Ruiz – hindi man kilala ng marami ay magaling din ang pagganap niya
bilang kaibigan ni Shaleha. Siya rin ang tumulong kay Shaleha na maghanap ng
mapapangasawa ni Bangas-An.

B. Istilo ng Manunulat ng Iskrip


Mahusay ang pagsusulat ng iskrip ni Henry Burgos. Hindi man masyadong
marami ang mga linya sa pelikula, masasabi ko pa ring ang mga isinulat ni Burgos ay
41

matapang at tila hindi takot na husgahan ng mga kritikong sanay sa paghahanap ng


kamalian ng mga pelikulang kanilang napapanood.
Ang mga binitiwang linya ay angkop sa bawat eksena at siniguro ni Burgos na
manuot sa kaibuturan ng mga manonood ang emosyong mayroon sa lahat ng eksena
sa pelikulang ito.

C. Istilo ng Pagdidirehe
Alam na ng marami ang angking galing ni Mendoza sa pagdidirehe. Noon pa
ma’y marami na siyang mga parangal na natanggap sa loob at labas ng bansa. At
siniguro niyang maipakita ang talentong ito sa Thy Womb.
Minabuti ng direktor na umiwas sa panlabas na tunggaliang mayroon ang
Mindanao. Ibinaling niya ang kamera, ang buong pelikula sa suliraning kinakaharap
ng mag-asawang Shaleha at Bangas-an. Ipinakita rito kung paanong sanay na ang mga
taga-Tawi-tawi sa mga gyerang nagaganap doon. May punto sa pelikula kung saan
may kasalang naganap at nagkasiyahan ang mga tao habang nagsasayawan. May
sagupaan at putukang nangyari sa malapit na lugar. Saglit silang tumigil sa pagsasaya.
Nang humupa ang komosyon ay muli silang nagsayawan.
Ipinakita rin ni Mendoza ang likas na yamang mayroon ang isla. Tiyak na
maaakit ang isang manonood dahil sa mga magagandang senaryong ipinalabas sa
pelikula. Magandang konsepto rin ang anyo ng dagat bilang simula ng pagkabuhay.
Maaalalang ang mga sinaunang sibilisasyon sa Pilipinas ay naganap sa mga baybayin.
Makulay din ang pelikula dahil naipakita nito ang iba’t ibang nagpapatingkad
sa kultua ng mga Badjao sa Mindanao. Sa kanilang lugar na tinaguriang Venice of
Asia, naipakita ang iba’t ibang tradisyon – mula sa panunuluyan, pag-aalay, pagkasal
at maging sa paghahabi ng naggagandahang mga banig.

D. Mga Teoryang Pampanitikan


1. Realismo – ipinakita sa pelikulang ito ang reyalidad na nagaganap sa Tawi-tawi,
ang tunay na nagaganap sa buhay ng mag-asawang Muslim na hindi magkaanak
pagka’t ang isa’y may kapansanan.
2. Romantisismo – isinakripisyo ni Shaleha ang kanyang pagmamahal sa lalaki. Dahil
sa labis na pagmamahal ay inuna niya ang pangangailangan nito, ang matagal na
nitong pangarap – ang magkaroon ng isang anak. Nanaig ang damdamin ng babae
kaysa kanyang isipan. Sa katunaya’y tumulong pa siya sa paglilikom ng pera
upang maibigay bilang dowry kay Mersila.
3. Feminismo – pumaimbabaw din sa pelikulang ito ang feminismo dahil umikot ito
sa kahinaan ng isang babae. Hindi niya kayang ibigay ang kailangan ng kanyang
asawa. Wala siyang magawa kundi ang tulungan na lamang ang lalaking
makahanap ng surrogate mother para rito.
4. Modernismo – kung dati ang pantahanan lamang ang kababaihan, sa pelikulang
ito ay iba. Mistula’y ander de saya pa nga si Bangas-An kay Shaleha. Ang babae ang
siyang unang kumikilos sa kanilang dalawa. Sa totoo lang ay para ngang may
tunay nang anak si Shaleha sa katauhan ng kanyang asawa dahil masyadong
nakadepende ang lalaki sa babae. Maski pagsusuot ng medyas nito’y ang babae pa
ang gumagawa sa kanya.

III - Bisang Pampanitikan

Bisa sa Kaisipan – Isang napakalusog na binhi ang ipinunla ng pelikulang ito sa aking isipan.
Ito ay ang lahat ng bagay na kayang hamakin ng isang asawa alang-alang sa pagmamahal.
Pagmamahal, isang napakamakapangyarihang elemento na kapag nanalanta sa payak na
damdamin ninuman ay siyang makakapagpakumplikado nito. Napag-isip-isip kong kayang
42

baguhin ng pagmamahal ang disposisyon ng isang tao. Maaari siyang magbago tungo sa
kabutihan o sa kasamaan. Kung babalikan natin ang pelikula, kinalimutan na ni Shaleha ang
pansariling kaligayahan. Itininuturing na rin niyang kaligayahan ang anumang
makakapaghatid ng kasiyahan sa kanyang kataling-dibdib. Para sa akin, maganda ang
matutong magmahal. Pero sa oras na may naaagrabyado na dahil dito, marapat lamang na
pairalin natin ang ating utak kaysa sa bugso ng ating damdamin.

Bisa sa Damdamin - Pakiramdam ko’y nadaplisan ng isang matulis na pana ang aking puso sa
tuwing ipinagpapalagay kong ako si Shaleha. Ito ay dahil hindi na makatarungan ang kanyang
pagmamahal. Kahit hindi man laging nagbibitiw ng mga makahulugang linya ang mga artista,
maaaninag sa mukha nila ang ekspresyon na animo’y nakikipagtalastasan sa mga manonood.
Lubhang nangungusap ang mga mata ni Shaleha sa bawat anggulong makunan ng mga lente
ng kamera. Bilang isang tao, mararamdaman mo kung ano ang ibig niyang ipahiwatig. Ang
mas nakapanlulumo pa rito ay ang katotohanang si Shaleha pa mismo ang naghahanap ng
mapapangasawa ng kanyang asawa. Nakaramdam ako ng inis kay Bangas-An dahil hindi man
lamang niya napagtanto kung ano ang implikasyon kay Shaleha ng kanyang uhaw sa
pagkakaroon ng anak. Kahit na kailangan niyang iwanan si Shaleha sa oras na makapanganak
na si Mersila ay ayos lang sa kanya basta’t maisakatuparan niya ang matagal na niyang
inaasam-asam.

Bisa sa Kaasalan - Punumpuno ng magagandang asal ang pagkatao ni Shaleha. Siya ang
tunay na larawan ng isang ulirang asawa. Saanman siya magpunta ay binabati niya ang
sinumang makasalubong niya. Maimpluwensiya ang karakter ni Shaleha. Dahil sa kanya,
marami akong natutunan. Una, ang maging masipag. Bukod sa pagiging isang kumadrona,
inaalalayan din niya sa pangingisda ang kanyang asawa. Humahabi rin siya ng banig.
Pangalawa ay ang pagiging masinop. Kahit na may ipon siya, hindi siya namimili ng hindi
naman niya kailangan dahil klaro sa kanya kung bakit siya nagtatabi ng pera. At iyon ay
upang makaipon ng 150,000 para pumayag ang pamilya ni Mersila na magpakasal sa kanila ni
Bangas-An. Subalit hindi ako sang-ayon sa paraan ng pagpaparaya ni Shaleha. Ang inasal
niyang ito ay nagpapahiwatig lamang ng kanyang kawalan ng pagmamahal sa sarili. Kung ako
siya, hindi ko hahayaang magkaroon ng anak ang asawa ko kung maghihiwalay rin lang kami.
Gayun pa ma’y alam ko rin sa isang banda na nagawa niya lamang ang mga ganoong bagay
dahil sa kanyang labis na pagmamahal sa kanyang asawa.

Bisa sa Lipunan – Para sa akin, isang kalapastanganan ang ginawa ni Bangas-An. Wala
siyang ibinigay kay Shaleha kundi lungkot at bagabag. Pero hindi natin siya mahuhusgahan
nang ganoon na lamang. Ito ay dahil ang kwento ay nakasentro sa lipunan ng mga Muslim.
Maaari silang mag-asawa nang higit sa isa sa bisa ng poligamya. Kung ipagpapalagay nating
sila ay Kristiyano, marahil ay tampulan na sila ng batikos at laman ng makakatas na
kwentuhan sa bawat kanto. Hindi mo mapipilit ang ibang tao na baguhin ang kanilang
opinyon, maging ang mga ito ay papuri o kapintasan. Dahil natural lamang sa tao ang mapuna
ang mga malilit mang bagay na para sa kanila ay nararapat na magkaroon ng kawastuhan.

Bisang Pangmoral – Inalisan ni Bangas-An ng dignidad ang kanyang asawang si Shaleha.


Hindi niya man lang ikinunsidera ang maaaring maidulot nito sa babae sakaling magkahiwalay
na silang dalawa. Oo’t marami sa kanilang mga karatig-pook ang nagsisipag-asawa ng higit sa
isa ngunit hindi pa rin talaga maiiwasang usisain at himay-himayin ng mga taong mahilig sa
panghuhusga ang buhay ni Shaleha. Sa pag-alis ni Bangas-An ay siguradong magkukumpulan
ang kanilang mga kapitbahay at bababa ang kanilang tingin kay Mersila dahil sa pagpayag
nitong magpabuntis sa lalaki. Si Shaleha naman ay huhusgahan din nila’t kukwestyunin ng
paulit-ulit tungkol sa kanyang palyadong matris.

You might also like