Ikalawang Panahunang Pagsusulit Sa Filipino

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 2

TAONG PANURUAN 2023-2024

Pangalan: ____________________________________________________ Petsa: _____________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang letra nang wastong sagot sa
patlang.

_____1. Pupunta ang nanay sa probinsiya. Gustong-gustong sumama ni Jasper pero


mayroon siyang pagsusulit. Sa araw ng pag-alis ng nanay, nagkasakit ang kuya ni Jasper
kaya hindi makakasama ito. Hindi maaaring lumakad nang walang kasama ang nanay. Ano
ang hinuha mo sa kalalabasan ng pangyayari?
A. Hindi na tutuloy ang nanay. Hindi siya papayag na lumiban si Jasper dahil may
pagsusulit ito.
B. Pipilitin ng kuya ni Jasper na samahan ang kanilang nanay kahit masama ang
kaniyang pakiramdam.
C. Liliban si Jasper sa pagpasok upang samahan ang kanyang nanay kaya hindi siya
makakukuha ng pagsusulit.
D. Papasok si Jasper sa paaralan ng nakasimangot dahil hindi siya pinayagan ng
kanyang ina na sumama.

_____2. Pangako ng mga magulang kay Aki na bibigyan siya ng party sa kaniyang kaarawan.
Ilang araw bago ang party, naospital ang tatay ni Aki. Naibayad pati ang perang
nakalaan para sa kaarawan niya. Ano ang hinuha mo sa kalalabasan na pangyayari?
A. Idadaos pa rin ang party ni Aki kahit wala na silang pera
B. Pipilitin ni Aki ang mga ito na ituloy ang kaniyang birthday party.
C. Magagalit sa kanyang mga magulang dahil hindi matutuloy ang party.
D. Sasabihin ni Aki na huwag nang ituloy ang kaniyang birthday party dahil mas
importante ang kalusugan ng kanyang tatay.

_____3. Maagang nakatulog si Lisa dahil masakit ang kaniyang ulo. Hindi siya tuloy
nakagawa ng mga takdang-aralin niya. Kinabukasan siya ay___________.
A. Hindi papasok at sasabihin sa nanay na wala ang kaniyang guro.
B. Hindi papasok dahil natatakot siyang pagalitan ng kaniyang guro.
C. Papasok siya at sasabihin sa guro na naiwan niya ang kanyang takdang-aralin sa
kanilang bahay.
D. Papasok siya at sasabihin niya sa kaniyang guro ang dahilan kung bakit hindi siya
nakagawa ng mga takdang-aralin.

_____4. Alin sa sumusunod ang wasto ang pagkakasulat ng salita sa paraang kabit-kabit?

A. B. C. D.

_____5. Piliin sa ibaba ang wastong pagkakasulat ng salitang sanga sa paraang kabit-kabit.

A. B. C. D. D.

_____6. Alin sa sumusunod na pangungusap ang nakasusulat sa kabit- kabit na paraan na


may tamang laki at layo sa isa't isa ang mga salita?

A.

B.
C.

D.
PANUTO: Basahin at unawain ang kuwento. Sagutan ang mga tanong sa
bilang 7-12.

Si Lino, ang Batang Bibo


Mahilig maglaro si Lino sa kanilang bakuran. Marami siyang
laruan tulad ng bola, puzzle, laruang computer, at iba’t ibang hugis
na gawa sa kahoy.
Pinapahalagahan niya ang lahat ng kaniyang gamit.
Ibinabalik niya ang mga ito sa lalagyan nang malinis at maayos
pagkatapos laruin. Isa siyang masinop na batà kayâ naman
tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang.

______ 7. Paano pinahahalagahan ni Lino ang kanyang mga gamit?


A. Iniiwan niya ang mga ito kung saan-saan.
B. Pinababayaan lang itong nakakalat sa sahig.
C. Ibinalik niya ito sa lalagyan ng malinis at maayos.
D. Pinaliligpit niya ito sa kanyang nakatatandang kapatid.

______8. Kung ikaw si Lino, papahalagahan mo rin ba ang iyong mga gamit tulad ng iyong
mga laruan?
A. Opo, dahil iyon po ang tamang gawin upang maipakita ang pagpapahalaga sa
mga bagay na ibinibigay ng magulang.
B. Hindi, dahil laruan lang naman iyon.
C. Hindi, dahil marami akong laruan.
D. Opo, para hindi magalit si nanay.

______9. Anong mahalagang pangyayari ang natutuhan mo sa kuwento?


A. Pagpapabaya sa mga gamit.
B. Pagiging palaaway sa kalaro.
C. Pagpapahalaga sa mga gamit.
D. Paglalaro sa bakuran at iwanan ang mga laruan kahit saan.

______10. Ang mga pangyayari sa kuwentong iyong nababasa ay naghahatid ng


mahahalagang mensahe at magandang halimbawa. Paano mo ito
mapapahalagahan?
A. Isasa-isip at isasabuhay ang mahahalagang pangyayari at magandang
halimbawang natutunan mula sa kuwento.
B. Gagawin kung kailan lang gusto.
C. Ipagwawalang bahala.
D. Pagtatawanan

______ 11. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagpapahalaga sa kuwentong


binasa?
A. Maayos na pagbabasa ng kuwento.
B. Inuunawa ang kuwentong binabasa.
C. Pagbabahagi sa kaibigan ng kuwentong binasa.
D. Hindi pinapansin ang mga aral na ipinahahatid ng kuwento.

_______12. Napapahalagahan mo ang pangyayari sa binasang teksto kung ito ay iyong


_______.
A. hindi pagtutuunan ng pansin
B. ipagwawalang bahala
C. pagtatawanan
D. isasabuhay

Panuto: Basahin ang kuwento at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.
Ang Batang Matulungin
ni Arceli V. Balmeo

Matulunging bata si Mary Ann. Pagkagaling sa paaralan ay agad siyang nagpapalit ng


uniporme. Inilalagay naman niya ito sa basket ng maruruming damit nila. Mayamaya ay
tutulungan na niyang magluto ang kaniyang nanay. Tumutulong din siyang magwalis at
maghugas ng pinggan. Sa umaga bago siya pumasok ay dinidiligan pa niya ang kanilang mga
halaman. Sumunod na hapon, sa kaniyang pag-uwi ay may nakasabay siyang matandang
babae na nakatungkod. Tila tatawid ito sa kabilang kanto. Pakiwari niya ay hirap na hirap ito
sa paglakad. Kaya naman agad niya itong nilapitan at tinulungan. “Lola saan ka po
pupunta?” tanong ni Mary Ann. “Sa kabilang kanto lang ineng,” sagot ng matanda. “Sige po
at isasabay ko na kayo. Doon din po ang daan ko”. Inalalayan niya ito hanggang sa pareho
na silang makatawid. “Maraming salamat sa iyo, nawa’y marami pang bata ang maging
katulad mo,” nakangiting wika ng matanda.

_____13. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


A. ang matanda B. si Mary Ann C. si Mary Joy D. Si Lita

_____14. Saan naganap ang kuwento ?


A. sa paaralan B. sa daan C. sa bahay D. sa gubat

_____15. Ano ang naging suliranin sa kuwento ?


A. Nadapa si Mary Ann.
B. Nagalit ang nanay ni Mary Ann.
C. Nahihirapan si Mary Ann sa pagtawid.
D. Nahihirapan ang matanda sa paglakad kaya hindi agad makatawid.

Panuto: Para sa bilang 16-20, tukuyin ang elemento o bahagi ng kuwento na isinasaad sa
bawat bilang.

_____16. Ang mga nagsisiganap sa kuwento ay maaaring mga tao o mga hayop. Sila ay
tinatawag na mga __________ sa kuwento.
A. tagpuan B. tauhan C. panauhin D. banghay

_____17. Kung ang tauhan ang tawag sa mga nagsisiganap sa kuwento, ang tagpuan naman
ay ________.
A. tumutukoy sa kung saan naganap ang kuwento
B. dito nangyayari ang suliranin sa kuwento
C. ito ang wakas o katapusan ng kuwento.
D. ang pagkakasunod-sunod sa kuwento

_____18. Ang banghay ay ang maaksyong nagaganap sa isang kuwento at tumutukoy sa


pagkakasunod-sunod nito. Alin sa sumusunod, ang wasto ang pakakaayos ng mga
bahagi ng banghay sa kuwento?
A. Tauhan, tagpuan at katapusan
B. Kasukdulan,katapusan at simula
C. Simula, katapusan at kasukdulan
D. Simula, kasukdulan at katapusan

_____19. Ito ay bahagi ng banghay sa kuwento kung saan ipinakikilala ang mga tauhan at
inilalarawan ang tagpuan ng kuwento,
A. katapusan B. Kasukdulan C. Panimula D. Tagpuan

_____20. Sa kuwentong “Ang Pagong at ang Kuneho”. Ano ang naging katapusan nito?
A. Natalo ang pagong
B. Nanalo ang pagong
C. Nagwagi ang kuneho
D. Umiyak ang pagong sa pagkatalo nito sa karera.
_____21. Masayang nagkukuwentuhan ang mag-anak sa sala nang biglang magkagulo sa
kabilang kalye. Inilabas nila ang kanilang mga gamit.Piliin ang angkop na maaaring
mangyayari.
A. may sunog C. may nag-aaway
B. may magnanakaw D. may dumating na trak ng basura

_____22. Maraming tanim na halaman si Aling Carmen. Inaalagaan niya ito araw-araw.
Dinidiligan at nilalagyan din niya ito ng pataba. Biglang nakakawala ang alaga niyang
manok. Nagpunta ito sa kanyang halamanan. Pagdating niya ay nagulat siya sa
kanyang nakita.
A. Natuyo ang halaman. C. Namulaklak ang halaman.
B. Nasira ang halaman. D. Nagsilakihan ang halaman.

_____23. Si JM ay kumakain ng prutas at gulay. Umiinom din siya ng gatas bago matulog.
Ano ang mangyayari kay JM?
A. Papasok siya ng maaga. C. Siya ay magiging malusog.
B. Mahuhuli siya sa pagpasok. D. Siya ay magiging masipag.

______24. Si Liza ay mahilig mag-aral. Sa bahay ay ginagawa niya ang kanyang takdang
aralin. Binubuklat din niya ang kwaderno upang basahin ang mga bagong itinuro ng
guro. Ano kaya ang mangyayari kay Liza kung magkaroon sila ng pagsusulit?
A. Uuwi na siya sa bahay. C. Mababa ang marka niya.
B. Mataas ang marka niya. D. Hihinto na siya sa pag-aaral.

_____25. Araw ng Lunes, maagang gumising si Lea. Inihanda niya ang kaniyang bag na
naglalaman ng lapis, notebook, at mga aklat. Ano kaya ang gagawin niya?

A. Pupunta siya sa palengke.


B. Papasok siya sa paaralan.
C. Maglalaro siya kasama ang kaniyang kaibigan.
` D. Mamamasyal siya kasama ang kaniyang kapatid.

Panuto: Basahin ang tula at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.
Kumain ng Gulay
ni Arceli Velasquez- Balmeo

Pagkain ng gulay ay hindi ko hilig.


Tulad ng ampalayang pagkapait-pait.
“Bakit ba Inay ako’y pinipilit?”
Kapag tinikman ko ako’y namimilipit.

Dapat anak, gulay ay iyong tikman,


Upang paglaki mo ay iyong malaman.
Gulay na ayaw mo sa hapag-kainan.
Masustansiya pala, pero hindi mo alam.”

“Sige po Inay ko, gulay ay kakanin.


Dapat lang na payo mo’y laging susundin.
Gulay na masustansiya’y aking kakainin.
Upang mapabuti kalusugan namin.

_____26. Kung ilalarawan mo ang bata sa tula. Sino siya dito?

A. B. C. D.
_____27. Bilang isang anak, paano mo maipahahayag ang iyong damdamin kung ikaw ay
pinapakakain ng gulay?
A. Maiinis
B. Magagalit
C. Matutuwa
D. Magpapasalamat

_____28. Nakita mo ang kaklase mo na ang laging baon sa tanghalian ay hotdog, hindi siya
kumakain ng gulay? Paano mo ipaliliwanag sa kanya ang kahalagahan ng pagkain nito?
A. Dapat tayong kumain ng gulay upang makatipid.
B. Hindi tayo dapat kumain ng gulay dahil pang mahirap lang ito.
C. Karne na lang ang iyong iulam upang maging magana ka sa pagkain.
D. Araw-araw tayong dapat kumain dahil nagpapalakas at nagpapatibay ng resistensya
ang gulay.

_____29. Sa iyong palagay at batay sa iyong nabasang tula, bakit mahalaga ang pagkain ng
gulay?
A. Sapagkat ito ay mabuti sa ating kalusugan, mayaman sa mineral at bitamina.
B. Sapagkat hindi ito nakakatulong sa paglusog.
C. Nakakapagdulot ito ng kahinaan.
D. Sapagkat dapat kainin.

______30. Pagkatapos mong mapakinggan at mabasa ang tula ano ang iyong naging
damdamin tungkol sa tula?
A. Natutuwa, dahil nalaman ko ang kahalagahan ng pagkain ng gulay.
B. Nagulat, dahil maraming gulay ang nabanggit sa tula.
C. Nalulungkot, sapagkat hindi ito mahalaga.
D. Naiinis, dahil ayaw ko ng gulay.
IKALAWANG PANAHUNANG PAGSUSULIT
SA FILIPINO 2
TAONG PANURUAN 2023-2024

SUSI SA PAGWAWASTO

1 A 11 D 21 A

2 D 12 D 22 B

3 D 13 B 23 C

4 B 14 C 24 B

5 A 15 D 25 B

6 A 16 B 26 A

7 C 17 A 27 D

8 A 18 D 28 D

9 C 19 C 29 A

10 A 20 B 30 A

Prepared by:

EVANGELINE N. LOGMAO
Teacher I
Checked by:
ARCADIO A. BOBIS JR.
Master Teacher I
Noted:
SHIRLEY G. DE TORRES
Principal II

You might also like