3rdQE AP Grade2.
3rdQE AP Grade2.
3rdQE AP Grade2.
ARALING PANLIPUNAN 2
Panuto. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang tamang sagot sa
patlang bago ang bilang.
_____1. Sa ____________kumukuha ng ikinabubuhay ang mga naninirahan sa isang komunidad.
A. Kalikasan B. kapitbahay C. komunidad D. pamahalaan
_____2. Ang isda, korales, at kabibe ay mga halimbawa ng yamang makukuha natin sa ____.
A. Yamang Lupa C. Yamang Tao
B. Yamang Mineral D. Yamang Tubig
_____3. Isang lisensyadong guro si Ana at si Albert naman ay isang bihasang doktor sa
pagamutan ng TALA, Lungsod ng Caloocan. Sina Ana at Albert ay halimbawa ng _____.
A. Yamang Lupa C. Yamang Tao
B. Yamang Mineral D. Yamang Tubig
_____4. Paggawa ng upuan, lamesa, at kabinet ang hanapbuhay ni Mang Kanor. Ang upuan,
lamesa, at kabinet ay halimbawa ng mga produktong gawa sa ___.
A. buhangin B. ginto C. punongkahoy D. uling
_____5. Si Mang Simon ay isang albularyo. Siya ay nagtungo sa kagubatan. Ano sa palagay mo
ang makukuha niya rito para sa kaniyang panggagamot?
A. bato C. punongkahoy
B. mga dahon at halamang-ugat D. prutas
_____6. Ang pagtatanim ng puno at halaman gayundin ang paglalagay ng basura sa tamang
lalagyan ay nagpapakita ng pangangalaga sa kalikasan.
A. Maari B. Mali C. Siguro D. Tama
_____7. Ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na naatasan upang mamuno sa
pangangalaga, konserbasyon at tamang pamamahala ng ating kapaligiran at likas na
yaman ay ang ________.
A. BIR B. DENR C. LTFRB D. NBI
_____8. Ang mga sumusunod ay nagsasaad ng pangangalaga ng likas na yaman MALIBAN sa ___.
A. pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan
B. paglilinis ng mga estero at iba pang daluyan ng tubig
C. paggamit ng maliliit na butas ng lambat sa pangingisda
D. pagtatanim ng mga puno sa gilid ng ilog at kabundukan
_____9. Napansin ni Lino na itinapon ng kaniyang nakababatang kapatid ang pinagbalatan
ng saging sa daan. Kung ikaw si Lino ano ang nararapat mong gawin?
A. Hahayaan ko lamang ito sa daan.
B. Sisipain ko ang balat ng saging palayo.
C. Pupulutin ko ang balat ng saging at itatapon sa basurahan.
D. Magkukunwari akong hindi nakita ang pinagbalatang saging sa daan.
_____10. Si Aling Ronna ay mahilig magtanim ng mga halamang namumunga sa likod ng
kanilang bahay tulad ng sili, sitaw at talong upang mayroon siyang maaani para
ulamin ng kanilang mag-anak. Ang ginagawa ni Aling Ronna ay nagpapakita ng
mabuting gawi.
A. Maari B. Mali C. Siguro D. Tama
_____11. Ang tubig ay isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao bilang inumin at
ginagamit sa paglilinis at paliligo.
A. Maari B. Mali C. Siguro D. Tama
_____12. Ano ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya?
A. damit, laruan at gadget C. laruan, kasangkapan at transportasyon
B. gadget, kotse at pagkain D. pagkain, damit at tirahan
_____13. Ang ___________ ay ang perang sadyang nilalaan ni nanay sa pagpaplano para sa
mga pangunahing pangangailangan at pagkakagastusan ng buong pamilya.
A. badyet B. ipon C. hanapbuhay D. utang
_____14. Ang pamilya ay kinakailangang may pinagkukunan ng hanapbuhay o
pinagkakakitaan upang may maitustos sa mga pangangailangan ng mag-anak.
A. Maari B. Mali C. Siguro D. Tama
_____15. Ang iyong tatay ay hindi nakapagtatrabaho dulot ng pagkakasakit kaya kinakapos
ang badyet ni Nanay. Sa paanong paraan ka makakatulong?
A. liliban sa klase B. maglalaro C. magtitipid D. matutulog
_____16. Tungkulin ng pamahalaan na __________________.
A. mamigay ng ayuda.
B. gamitin ang pera ng bayan para sa sarili.
C. makipagtunggali sa iba pang pamunuan.
D. panatilihin ang katahimikan, kaayusan at kapayapaan ng kaniyang
nasasakupan.
_____17. Ang mamamayang may edad labindalawa pataas ay may malayang karapatang
pumili ng pinunong mamamahala sa kanilang komunidad.
A. Maari B. Mali C. Siguro D. Tama
_____18. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng HINDI mabuting pamumuno?
A. Namigay ng ayuda ang pinuno ng komunidad upang ibotong muli ito sa
susunod na halalan.
B. Sinisiguro ng pamahalaan na ligtas ang kanilang mga mamamayan laban sa
mga masasamang gawain.
C. Agad na rumeresponde at nagpapadala ng relief goods ang pamahalaan sa
mga nasalanta ng Bagyong Pedring.
D. Nagpapatupad ng proyektong pangkabuhayan at pangkalinisan ang
pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang mga
nasasakupan.
_____19. Maraming kabahayan ang nasalanta sa inyong lungsod dulot ng bagyo. Kung ikaw
ang pinuno at namamahala sa inyong lungsod, ano ang nararapat mong gawin?
A. Hindi ko alam ang gagawin.
B. Hahayaan ko silang lumikas kung saan nila gusto.
C. Ipagsasawalang bahala ko lamang ang mga nangyayari.
D. Pansamantalang ililikas ang mga naninirahan sa ligtas na lugar at bibigyan ng
supply na pagkain.
_____20. Ipinag-utos ng pamahalaan na makiisa sa proyektong Clean and Green para sa
ikaaayos, ikagaganda at ikalilinis ng komunidad. Ano ang iyong gagawin?
A. Kunwari ay hindi ko narinig ang ibinabang kautusan.
B. Hahayaan kong makiisa ang marami ngunit hindi ako.
C. Irereklamo kong nakakapagod ang kanilang ipinagagawa.
D. Makikiisa ako sa proyektong ipinatutupad ng pamahalaan bilang paggalang
at pagrespeto sa kabila.
_____21. Ito ay tumutukoy sa pagsasagawa o pagsasakatuparan ng mga layuning ninanais ng
isang pamahalaan.
A. Karapatan B. Obligasyon C. Pamamahala D. Tungkulin
_____22. Sino ang nangunguna at nangangasiwa sa isang pangkat o samahan ng mga tao sa
isang komunidad?
A. Kamag-aral B. Kaibigan C. Tatay D. Pinuno
_____23. Ang mga mangingisda, magsasaka at mananahi ay mga taong bumubuo sa
komunidad na nagbibigay ng ___________________.
A. produkto B. proteksyon C. serbisyo D. tungkulin
_____24. Ang isang pinuno ay dapat na Maka-Diyos, Maka-Tao, Maka-Kalikasan at Maka-Bansa.
A. Maari B. Mali C. Siguro D. Tama
_____25. Ano ang tungkulin at responsibilidad ng isang mabuting pinuno?
A. Makipagkwentuhan maghapon sa kapwa pinuno.
B. Gumawa ng paraan kung paano kumita ng pera sa kaniyang pamumuno.
C. Tulungang mapunuan ang kakulangan at pangangailangan ng kaniyang mga
nasasakupan.
D. Hayaang gumawa ng paraan ang kaniyang mga nasasakupan upang
masolusyunan ang mga problemang kanilang ginawa.
_____26. Ang mga pahayag ay nagpapakita ng pagtugon ng pinuno sa pangangailangan ng
kaniyang nasasakupan, MALIBAN sa ________________________________.
A. nagpapadala ng relief goods ang barangay sa mga nasalanta ng Bagyong
Pedring.
B. rumeresponde ang mga bumbero upang maapula nang mabilis ang malakas
na sunog.
C. hindi pinansin ng kapitan ang reklamo ng mga mamamayan tungkol sa
nagaganap na nakawan.
D. nagsasagawa ng interbensyon ang mga dalubguro ng paaralan para sa mga
kabataang nahihirapag magbasa.
_____27. Sino ang mga taong bumubuo sa komunidad ang nakapag-aambag para sa
kapakanan at kaunlaran ng inyong pamayanan?
A. guro, pulis, at bumbero C. kapitan, mag-aaral at kapitbahay
B. guro, tambay at pulis D. magnanakaw, tambay at doktor
_____28. Sino ang nagtuturo ng mga aralin, kagandahang-asal at tumutulong sa mga mag-
aaral sa loob ng paaralan?
A. Guro B. Karpintero C. Magsasaka D. Tubero
_____29. Sino ang tinutukoy sa pangungusap? Siya ay nagbabantay sa komunidad. Hinuhuli
niya ang hindi sumusunod sa batas.
A. Guro B. Karpintero C. Magsasaka D. Pulis
_____30. Isang umaga, nakasalubong mo ang iyong gurong maraming bitbit na gamit sa
kaniyang pagtuturo. Ano ang maaaring mong gawin?
A. Hahayaan ko siyang bitbitin niya ang kaniyang gamit.
B. Iiwas ako ng daan upang hindi niya ako makita.
C. Magpapatuloy ako sa paglalakad at magkukunwaring hindi ko siya nakita.
D. Lalapitan ko siya at babatiin. Aalukin ko siya ng tulong na bitbitin ang iba
niyang kagamitan.